CHAPTER 020 - It's Called Serendipity
"Ryu..." gulat na sambit ng babaeng tinawag na Tori. Ibinaba nito ang kamay na akma sanang isasampal sa kaniya sabay atras. "I... I was just..."
"You were just what, Tori?" Nanatiling madilim ang anyo ni Ryu, ang tinig ay mapanganib.
"I was just... giving them a lesson." Nakita niya ang hirap nitong paglunok.
"Giving them a lesson for what? Hindi ba dapat ay ikaw ang bigyan ng leksyon matapos ang ginawa mo sa kaniya?"
Kinunutan siya ng noo. She had never seen Ryu Donovan so serious before it left her speechless– and stunned.
Si Tori naman ay muling napa-atras, kasabay ng tatlo pang mga kasama nito. Halata sa magandang mukha ng mga ito ang takot.
"W–What are you doing here, anyway, Ryu? I–I thought the Alexandros won't be back until Monday?"
"You're not answering my question, Victoria Alfonzo."
Tori gulped once again before turning to her. Hindi nito ini-kubli ang takot nang itaas nito ang kamay at dinuro siya. "They started it! Sila ang naunang nagparinig!"
"That's nonsense!" ani Dani. "Anong parinig ang sinasabi mo? We were busy cheering for our classmate on the basketball team!"
Nalipat ang masamang tingin ni Tori kay Dani, "I wasn't talking to you, you faggot!"
"Enough, Tori," suway ni Ryu na nagpatigil sa dalaga. Muling bumaling si Tori dito, puno ng pangamba.
"Ryu, aksidente ko lang na natapon ang laman ng cup na hawak ko kanina nang tumayo kami para umalis. We waited here outside so I could ask for an apology, pero itong mga high school students na ito ay pinagmumumura ako bago pa man ako makapagsalita–"
"Do you really think I would believe your lies?" Humakbang si Ryu palapit– at doon sunud-sunod na umatras ang apat. "Your brother is a friend of mine and as much as possible, I don't want to build a wall between us just because his sister did something I despised so much." Huminto ito sa mismong harap ni Tori na napatingala. "I will let this slide for now, Tori. Because you are a woman and the first female bully I have encountered thus far. But the next time you try to be nasty again, kay Luna man, sa mga kaibigan niya, o kahit kanino pa, I promise you will regret it."
Si Tori, nang marinig ang huling sinabi ni Ryu ay buong tapat na nagtaas ng tingin, at sa nanginginig na tinig ay, "W-What are you going to do to me then, Ryu? You can't possibly hit me just like you did to the male bullies?"
Sandaling natahimik si Ryu, hanggang sa nakita niya ang unti-unting pag-aliwalas ng mukha nito. Kasunod niyon ay ang pagpapakawala nito ng bahaw na ngiti na ikinapagtaka nilang tatlo nina Dani at Kaki.
At bago pa man may makahula sa sunod nitong gagawin ay yumuko na ito kay Tori ay may ibinulong.
Makalipas ang ilang segundo ay muling tumuwid si Ryu, habang si Tori naman ay muling pinanlakihan ng mga mata; ang takot ay muling bumahid sa maganda nitong mukha.
"Off you go now, Tori. And bring your minions with you."
Sa sinabing iyon ni Ryu ay napayuko si Tori at sinenyasan ang mga kasamang umalis na. Nang tuluyang makaalis ang mga ito ay saka pa lang siya hinarap ni Ryu, and instantly, his expression softened. Mabilis itong lumapit, at bago pa man siya makapagsalita upang itaboy ito, o umatras, ay hinubad na ni Ryu ang suot nitong topcoat saka ini-patong sa balikat niya.
"You need to dry yourself up," anito saka hinawakan siya sa kamay.
Her eyes went wide open. At bago pa man siya makapag-protesta ay banayad na siya nitong hinila palayo roon.
Sina Dani at Kaki naman ay nagkatinginan– at nagkaintindihang hindi sumunod.
*
*
*
"Wait, let go of me!" Marahas niyang binawi ang kamay nang marating nila ang malawak na parking space ng CSC. Nasa likuran iyon ng mga college buildings, at dahil wala naman siyang sasakyan ay hindi siya nagagawi roon. Actually, this was the first time she went there; at hindi niya maintindihan kung bakit siya doon napiling dalhin ng kumag na si Ryu Donovan.
Sa mga sandaling iyon ay halos kalahati lang ng parking space ang okupado dahil sa karamihan ng mga college students at school staff na nagmamay-ari ng sasakyan ay nakaalis na. At halos malula siya sa dami ng mamahaling mga sasakyang naroon.
And yes, she recognized an expensive car when she saw one. Her brother, Brandon, has car collectibles in his room and was a sports car fanatic.
"I have an extra shirt in my car," sagot ni Ryu. "It's brand new, so don't worry. I always keep one just in case."
"Just in case what? Kapag may babaeng nabubuhusan ng orange juice dahil sa 'yo?" Napa-ismid siya saka hinubad ang topcoat na ini-patong nito sa kaniya kanina. "I don't need your T-shirt and I don't need this coat– makati." Pahampas niyang ibinalik dito ang coat.
Oh, she was lying about the coat being itchy. It was actually comfortable on the skin and smelt great, too. At doon niya napatunayan na malamig sa balat ang telang nasa loob ng coat, na kahit maalinsangan sa Pilipinas ay komportable pa ring isuot. Now she understood why it didn't bother Ryu Donovan...
Si Ryu ay akmang magsasalita nang unahan niya ito,
"At sino na naman ang nagbigay sa 'yo ng karapatang hawakan ako? Kulang pa ba ang sampal na ibinigay ko sa 'yo noong araw na iyon?" Ayaw man niyang aminin, pero pakiramdam niya'y nabuhay ang dugo niya pagkakita niya rito.
Katulad ng pagkabuhay ng dugo niya noong muling ibalik ng mommy niya ang bowl ng pinakbet sa mesa matapos iyong mawala nang ilang gabi.
And she realized that life was more exciting to have something... someone... to spice it up.
Natigilan siya nang makitang ngumisi si Ryu. Ngising nagiging pamilyar na rin sa kaniya. Ngising tila permanente nang nasa mukha nito.
"Buttercup, I would prefer you cover yourself with this coat before we proceed to arguments. I could clearly see what you're hiding behind that thin blouse."
Sa sinabi nito'y bigla siyang napasinghap kasunod ng pagyuko upang tingnan ang nabasa niyang uniform. Nang makitang nakabakat pa rin ang tela sa kaniyang dibdib ay pinanlakihan siya ng mga mata. At upang ikubli ang kaluluwa niya mula kay Ryu ay maagap siyang tumalikod at akmang aalis nang mula sa footwalk palabas ng parking space ay may nakita siyang dalawang lalaking college students na naglalakad patungo roon. They were talking with their car keys in their hands.
Bigla siyang nagpanic. Ayaw niyang ibalandra ang sarili na ganoon ang itsura sa karamihan!
With that in mind, she turned to face Ryu Donovan, at bago pa man muling bumaba ang tingin nito sa dibdib niya'y maagap niyang hinablot ang coat mula rito at itinakip sa sarili.
"Manyak ka talaga!" she hissed.
Ryu chuckled in merriment. "No, I am not. In fact, I tried to cover you and–"
"Oh, shush! Magdadahilan ka pa, eh ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na manyakis ka!" Tumagilid siya at inisuot ang coat at ini-butones. Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Ryu. "At bakit ka ba narito? Hindi ba at sa Lunes pa dapat ang balik ninyong baduy na magto-tropa?"
Si Ryu ay napangiti sa huling sinabi niya. "Wow, hindi ako makapaniwalang updated ka tungkol sa grupo namin."
"Kaki just told me about it, h'wag kang ma-flatter."
Ryu giggled like a boy. "I came to watch the first game. Isa sa mga members ng Senior High team ay isa sa mga tinulungan namin noong nakaraang taon. He was bullied and almost beaten to death. Sinabihan siya ng doctor na baka hindi na siya makalakad pa, pero gumawa kami ng paraan para matulungan siyang sumailalim sa ilang mga therapies. He was able to walk again and has now joined the basketball team. We're happy for him."
Sandali siyang natahimik. Hindi niya akalaing dumating sa ganoong punto ang pang-bu-bully ng mga estudyante sa CSC, at na umaabot sa ganoon ang tulong ng grupo sa mga nabiktima.
Still, she was not impressed.
Muli siyang humarap kay Ryu at tumingala rito. Damn; she hated how tall this guy was. "At ano ang nangyari sa bully na gumawa ng ganoon sa kaniya?"
"He was expelled; he's underage so he couldn't be locked up."
"You could have done more than just that," pairap niyang sabi na ikina-ngiti lang nito. "Anyway, before I leave, I want to ask you something."
"What is it?"
"Ano ang ibinulong mo sa babaeng 'yon kanina? Bakit puno ng takot ang mga mata niya matapos mo siyang bulungan? Did you threaten her?"
Napangisi ito. And that grin was just as good as a confirmation to her assumption.
"God, Ryu Donovan. Kung pinagbantaan mo siya nang masama, kahit pa mali ang ginawa niya sa akin ay ipagtatanggol ko siya laban sa 'yo!"
Kita niya ang pagpipigil ni Ryu na matawa, and she expected to feel annoyed by it, but oddly enough, it didn't. "Geez, what did you think I said to her?"
"Well I don't know, you tell me!"
Napa-iling si Ryu, ang ngiti'y nabawasan. "His brother is a friend of mine; he owns a small business where I have investments in. I don't want to brag, but because of my investments, his business pulled through. I told Tori that her brother's fate is in my hands, and she knew what I meant. Her brother spoiled her, at kapag bumagsak ang negosyo ng kuya niya ay sino ang magsu-suporta sa mga luho niya?"
Oh, so he didn't threaten her?
"I don't use violence all the time, Luna. And if I do, I only apply it to people who deserve it. Some opponents just need to be reminded where they stand, and you need to find the right spot where to hit them–figuratively– to shut them up."
Napa-ismid siya sabay halukipkip. "Well, just so you know, hindi lang ang Tori na iyon ang may problema sa akin. Simula nang mag-umpisa kang paglaruan ako ay wala nang araw na hindi ako tinapunan ng masamang tingin ng mga babae rito sa CSC, most especially those in the college department. At walang araw na hindi ako nakaririnig ng masasamang salita galing sa kanila."
Sa sinabi niya ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Ryu.
Nagpatuloy siya. "I can defend myself and don't need your protection. Pero hanggang kaya ko ay mas gugustuhin kong umiwas sa gulo dahil ayaw kong makarating sa mga magulang ko itong pinagdadaanan ko rito sa school. I am saying this to you in the most civil way possible para maintindihan mong seryoso ako sa pakiusap kong itigil mo na itong kalokohan mo. Dahil kapag hindi ka tumigil ay hindi rin titigil ang mga babaeng may gusto sa 'yo na target-in ako. Do you get my point?"
Matagal bago nakasagot si Ryu, "Pero hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Luna. This..."
Bumaba ang tingin niya sa daliri nitong ini-dikit nito sa tapat ng puso.
"This is real. And this is the first time I felt this, so it's a huge matter to me. At wala akong intensyon na tumigil dahil lang sa mga taong sinasabi mo." Ibinaba ni Ryu ang kamay, at doon ay muling umangat ang tingin niya sa mukha nito. "But don't worry, I will make sure this won't happen to you again. Simula Lunes ay hindi mo na pagdadaanan ang pinagdadaanan mo dahil lang nagkagusto ako sa 'yo."
Itinaas niya ang mukha. Mukhang makikipagtigasan talaga itong Ryu Donovan na ito sa kaniya. "At ano ang gagawin mo para matigil 'yon?"
Doon lang muling ngumisi si Ryu, and for some reason, her heart began to skip a beat. At gusto niyang kastiguhin ang sarili sa naging tugon ng kaniyang katawan. Para siyang loka na umatras ng dalawang dipa upang ilayo ang sarili rito.
"You don't need to know the process. All you need to do is to enjoy the result."
Muli siyang umismid; and for some reason, it became like a habit to her. Thanks to this man; she developed rude behavior. "Ryu Donovan, there are a lot of prettier girls in CSC– bakit hindi na lang sila ang gustohin mo? I am just a nobody, I don't even look attractive, at kung si Dani pa ay wala akong appeal. How could someone in your caliber like someone mediocre like me?"
Lumapad ang ngisi ng loko na muli niyang ikina-atras. Ngayon ay mahigit isang metro na ang layo nila sa isa't isa.
"You don't give yourself enough credit, Buttercup," anito. "You find yourself mediocre? Really? Are you blind or something?"
"Mas maraming babae ang mas bagay sa 'yo at nasa tamang edad na para—"
"Nasa tamang edad ka na para maintindihan na nasa tamang edad na rin ako para magpasya kung sino ang mas bagay sa akin." Humakbang ito palapit. Umatras naman siya palayo. "And you need to understand that you can never teach your heart; you can never manipulate it into falling in love with just anyone. Kusa na lang iyong titibok sa tamang tao, sa tamang panahon."
Nagpatuloy siya sa pag-atras, at nagpatuloy din ito sa paglapait.
"And haven't I already told you how and when I started to fall? It took two months, Buttercup, for me to realize that I was falling in love. And it happened because our paths were constantly crossing without your knowing."
"Y-You were stalking me, that's why."
"I never did, believe it or not. At kahit ako ay nagtataka kung bakit lagi ka na lang nahuhuli ng mga mata ko, at kung bakit ka dinadala ng mga paa mo sa lugar kung saan naroon ako." Huminto ito sa paglapit. "Katulad ng nangyari kanina. I was already at the gymnasium even before the game started. I was standing at the corner when I saw you and your friends walking up to the bleachers. Nasa pwesto ako kung saan kitang-kita ko kayo. I never intended for our paths to cross, I didn't even know you'd be there." Sandali itong nahinto; ang mga mata'y nagningning lalo. "I think it's called serendipity. And I believe that the universe is planning something big for us, that's why this is happening. And you know what, Luna? I just can't contain my excitement for that something to unfold."
Serendipity?
I don't believe in such!
"Well, sorry to burst your bubble, Ryu Donovan. Serendipity, fate, coincidence– they are just idiotic ideas made by people like you. Likhang-isip ng mga taong tulad mo na walang plano sa buhay, puro laro't kalokohan lang ang alam, at ini-aasa na lang ang lahat sa swerte at tadhana!"
Bago pa man may isagot si Ryu ay mabilis na siyang tumalikod at humakbang palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top