CHAPTER 018 - Oddly Empty
IT WAS LUNCH TIME, at nagyaya si Dani kina Luna at Kaki na pumunta sa cafeteria para doon kumain.
She didn't want to go, but didn't have lunch prepared for the day either. Dahil tinanghali siya ng gising ay na-gahol siya sa oras at hindi na nagawang maghanda pa ng baon para sa araw na iyon. At ayaw naman niyang mag-utos sa mga itong bilhan na lang siya ng pagkain, kaya napilitan siyang sumama kahit pa alam na niya kung ano ang naghihintay sa kaniya roon.
Pagdating sa cafeteria ay tinginan ang mga estudyante sa kanila, tulad ng inasahan na niya. Akma na silang pipila sa line ng counter nang biglang sumulpot si Seann Ventura sa harap nila.
"Hello, ladies."
Seann Ventura's smile brightened the room. At kung hindi lang ito miyembro ng Alexandros ay alam niyang magugutuhan niya ito bilang kaibigan. He seemed like a genuine person with a bright personality; sino ang hindi gugustuhing maging kaibigan ito?
"Oh, hello, Mr.Ventura!" nagniningning ang mga mata na sagot ni Dani.
"Isa na naman ito sa mga araw na himalang dinalaw ni Miss Luna ang cafeteria, ano?"
Hindi siya sumagot at nagkunwaring walang narinig.
"Oh, why so serious, Miss Luna?"
Huminga siya nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata, trying her best to control her annoyance.
"Woke up in the wrong side of the bed?" tinig naman ni Marco ang sunod na narinig niya.
She gritted her teeth before opening her eyes. Nakita niya ang dalawang nakatayo sa harapan niya; tila Twin Tower sa tangkad.. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga bago seryosong nagsalita, "Pwede niyo bang i-schedule ang araw ng pag-sira niyo sa mood ko? For an instance— MWF, bigyan niyo ako ng katahimikan. At TTH ay saka niyo ako buwisitin. I'm just tired of seeing you guys everyday. Give me space, okay?"
Kinunutan ng noo sina Marco at Seann; natigilan. At marahil ay nahimigan ng mga ito sa tinig niya ang pagod at pagpapasensya kaya tumango ang mga ito at umatras.
"We just came here to accompany the girl from the accounting department because the guys who were causing her trouble were here. Nakapila siya sa likuran ninyo, at lumabas na ang mga lalaking nambubully sa kaniya. We were about to leave, too, when we saw you," si Marco na pinong ngumiti. "We are leaving now, so don't worry. Have a great day, Miss Luna."
Nakahinga siya nang maluwag nang umalis na rin ang mga ito. Sina Kaki at Dani ay tahimik lang at hindi na nagsalita hanggang sa maka-order na sila at makaupo sa isang table.
Habang kumakain ay nag-usap silang tatlo tungkol sa unang basketball game sa pagitan ng Junior at Senior High sa Biyernes ng hapon. They were staying back to watch. Iyon ang unang beses na makikita niya sa seryosong laro si Stefan kaya hindi niya iyon palalampasin.
Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay anong gulat nilang tatlo nang may lumapit sa mesa at naupo sa tabi niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay ang mukha ni Ryu Donovan ang nakita niya, at bago pa man siya maka-apuhap ng sasabihin ay itinaas na nito ang kamay at dinala ang palad sa kaniyang noo.
Malakas siyang napasinghap.
"Are you sick or something?" tanong nito, nasa tinig ang pag-aalala. "Marco and Seann told me you seemed off today."
Sandali lang siyang natigilan, at nang matauhan ay tinabig niya ang kamay ni Ryu saka tinapunan ito ng masamang tingin, "Sinabi ko sa mga alagad mong tantanan ako kahit ngayong araw lang. I need space!"
Tumango si Ryu.
Tumayo ito, hinila ang upuan palayo sa kaniya ng ilang pulgada, saka muling naupo roon. "Okay. There's your space.
She let out an exasperated sigh. Uminom siya ng tubig at nagpunas ng bibig bago tumayo, "It's been over a month already since you started pestering me; haven't you had enough?"
Si Ryu na napatingala ay kinunutan ng noo. Hindi pa rin naaalis ang pag-aalala sa anyo nito.
"Bakit hindi ka maghanap ng ibang babae sa college department na pag-aaksayahan mo ng panahon? Someone who likes you para hindi ka na mahirapan sa panunuyo? Someone na pareho kayo ng trip sa buhay. Dahil ako, hindi ako tulad nila at wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo."
"Sino ba ang nakikipaglokohan, Luna?"
"Ugh." Umikot paitaas ang mga mata niya. "Look, Ryu Donovan. I have no time for games–"
"I ain't playing games."
"And I have no time for boys."
"I am not a boy. I am already a man."
"Oh, you just don't get it, do you? I have no interest in you at kahit ano pa ang gawin mo ay hindi ako magkakagusto sa iyo. Ang gusto ko lang ay i-enjoy ang pag-aaral dito sa CSC, at ang magkaroon ng tahimik na school year nang wala ka at ang grupo mo na sisira sa araw ko. So, if you could just stop this and look for someone else to annoy, that'll be highly appreciated!"
Sandali itong natigilan sa huling mga sinabi niya.
Sina Kaki at Dani na nasa harapan lang ay pigil-pigil ang paghinga, they wouldn't dare say a word.
Nanatili siyang nakayuko kay Ryu Donovan habang hinihintay ang sagot nito sa sinabi niya. Habang ito naman ay tahimik na nakatingala, trying to absorb everything she said.
Until, he took a deep breath and let out a sweet smile. "I always believe that if I look at situations in a positive way, positive things will happen. So, I'll consider what you just said as a challenge."
Tumayo ito at hinarap siya.
Siya naman ngayon ang napatingala rito.
"It's okay if you don't like me yet, because I know that you will someday."
She cringed at that. "Don't force things to happen, Ryu Donovan."
Ngumisi ito. "I am not forcing things to happen, Buttercup. But I am also not the type who would wait for things to happen on their own; I make things happen. That's why I'm doing what I'm doing."
In-ismiran niya ito. "Well, tanggapin mong nang dahil d'yan sa diskarte mo ay lalo mong inilalayo ang loob ng babae sa 'yo. Because at this point, I am so annoyed with your presence, and all I want is for you to disappear. I don't want to be involved with someone like you, so give up already. Walang pag-asa 'yang pantasya mo."
Bago pa man makasagot si Ryu sa mga sinabi niya'y kaagad na siyang tumalikod. Subalit bago pa man siya makahakbang ay hinawakan siya nito sa siko at pinigilan.
That's it.
Bago pa niya maawat ang sarili ay umangat na ang isa niyang kamay at ini-sampal sa pagmumukha nito.
Malalakas na singhap ang narinig niya mula sa mga estudyanteng nasa paligid. They were all surprised by what she did. No one has ever done that to the Alexandros' leader. Siguradong headline na naman sa school ang nangyari at pag-uusapan ng naman ng mga estudyante sa loob ng ilang araw.
"Oh my gosh, Luna!" pabulong na sigaw ni Dani nang mahimasmasan.
Si Ryu Donovan na labis din ang pagkagulat ay hindi kaagad naka-kilos. Tila ito hindi makapaniwala sa sampal na natanggap mula sa kaniya. Kahit siya ay hindi mapaniwalaang kaya niyang gawin iyon.
Makalipas ang ilang sandali ay nahimasmasan din ito at dinama ang pisnging nasaktan. He flexed his jaw and stared at her with amusement in his eyes.
"Wow," he muttered. "I didn't know you're a strong woman, Buttercup." Then, he let out a grin. "My adoration for you just escalated to a whole new level."
Para siyang apoy na binuhusan pa ng kerosin; lalong nag-init ang ulo niya. Pero Huminga siya ng malalim at saka umiling.
"For the record, Ryu Donovan, I have never hurt a single soul in my life. I was never a violent person. But you– you bring out the beast in me!"
At bago pa man siya may marinig pang muli mula rito ay mabilis na siyang tumalikod at sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang pinto ng cafeteria.
*
*
*
"Buti na lang at walang may nagpost ng videos na kuha noong sinampal mo si College Hotshot sa cafeteria. I was monitoring the CSC page the whole night and I haven't seen one," ani Kaki kinabukasan pagdating niya sa classroom.
Napasulyap siya sa desk at sandaling nahinto.
Something was missing.
"Walang lotus origami na dumating today, huney," sabi ni Dani na nakasandal sa upuan nito, nakayuko, at kinikiskis ang maiksing kuko gamit ang kulay purple na nais file.
She sneered and sat on her seat. "Well that's great. And I hope wala nang dumating na basura magmula sa araw na ito."
Dani just rolled her eyes and said no more. Siya naman ay hinarap si Kaki na nakangisi sa sinabi niya.
"Kinausap ko na ang Student Council president na siyang nag-ha-handle ng social media page ng CSC. Pinakiusapan ko siyang h'wag i-approve ang kahit anong post na may kinalaman sa amin ng Ryu Donovan na iyon. I explained my situation, and she understood. At ipinaliwanag din niya na kaya niya in-aprubahan ang unang post ay dahil wala siyang nakitang mali roon."
"Which is true, dahil wala naman talagang mali sa unang video; iyon ay dahil hindi naman alam ng karamihan na ayaw mo kay College Hotshot," sagot ni Kaki.
"Well I hope, after what happened yesterday at the cafeteria, people will realize that I am not playing games. Na wala akong panahong makipaglokohan at patulan ang lalaking iyon."
Bago pa man makasagot sina Kaki at Dani ay may lumapit na sa desk niya at huminto sa harapan. Napaangat nang sabay ang tingin nilang tatlo kay Stefan.
Biglang kumabog ang dibdib niya nang ngumiti ito.
"H-Hey," she greeted shyly.
"One of the members of the Junior basketball team took a video of what happened yesterday at the cafeteria. Napanood ko 'yon, and I just want to say you impressed me." At sa unang pagkakataon ay nakita niya si Stefan na tumawa– gaano man iyon ka-bahagya. "You are the only person who has hit his beautiful face since the day he got here; not even the biggest bully has ever done that. You broke the record, Luna."
"Uh... t-thanks?"
Yumuko si Stefan at ipinatong ang dalawang kamay sa desk niya, leaning forward to get a closer look of her face. Lalong kumabog ang dibdib niya, pero magkaganoon man ay hindi niya ini-atras ang mukha.
Stefan's face and hers were inches away, and she couldn't help but hold her breath in anticipation.
"Are you watching the game on Friday afternoon?" Stefan asked in a whisper.
Napalunok siya. "Y-Yes."
"Would you cheer for me?"
Muli siyang napalunok. "O-Of course."
Ngumiti ito, at doon ay lalong nagpumiglas ang puso niya.
"I'll win the game thinking about you."
At hindi na niya nagawa pang sumagot nang dumating ang guro nila. Si Stefan ay dahan-dahang inituwid ang tayo ay walang ibang salitang bumalik sa desk nito. Ang iba naman nilang ka-klase na kanina pa nakamasid ay umayos na rin sa pagkakaupo; ang mga babae'y napaismid, ang mga lalaki'y nag-umpisang manukso.
Si Dani at Kaki ay parehong umikot paitaas ang mga mata; piniling h'wag nang magkomento na ipinagpasalamat niya dahil ayaw niyang masira ang araw niyang pinaganda ni Stefan.
She pressed her lips to stop herself from grinning. This was not the first time she had a crush on somebody, but this was the first time her crush showed interest in her. Dahil kung hindi pagpapakita ng interes sa kaniya ang ina-akto ni Stefan, ano ang tawag doon?
Nakangiti niyang ini-suksok ang backpack niya sa shelf na nasa ilalim ng desk at umayos na rin sa pagkakaupo. Pero bago niya ituon ang tingin sa guro nilang nasa harapan at nag-umpisa nang batiin ang lahat, ay saglit siyang napasulyap sa ibabaw ng desk niya.
She couldn't explain why, but the desk seemed oddly empty that day...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top