CHAPTER 015 - Paper Plane


"MOVIE DATE WITH STEFAN TOMORROW?" sabay na bulalas nina Kaki at Dani nang sabihin niya sa mga ito ang plano niya kinabukasan. It's been three days since Stefan had asked her out, at ngayon lang niya sinabi sa dalawa.

"Oh my God, ang ingay ninyo," suway niya sa mga ito bago lumingon upang tingnan kung narinig ni Stefan ang pagbulalas ng dalawa. But like what she expected, Stefan had his head on the table, soundly sleeping again. Unang klase nila iyon sa umaga nang lumabas ang teacher dahil sa biglaang general meeting. Umusog si Dani sa harapan niya upang itanong kung uuwi siya sa hapong iyon dahil kaarawan daw ng ina nito kinabukasan at nais silang imbitahan ni Kaki.

Doon na niya sinabi sa dalawa ang plano para bukas, at hindi napigil ng mga ito ang pagbulalas.

"Wait, what?" ani Dani makaraan ang ilang sandali. Dumukwang ito sa desk niya upang pabulong na magtanong. "How? When? Why?"

"Gosh, do I really need to hand you all the details?"

"Nanggugulat ka kasi, eh!" ani Dani.

"At nakapagtataka," sabi naman ni Kaki sabay ayos ng salaming bahagyang tumagilid sa pagkagulat. "Sa nakalipas na halos tatlong buwan simula nang mag-umpisa ang klase– maliban noong unang linggo– ay hindi ka naman binigyang-pansin ni Stefan. He showed no interest, he was neutral. Tapos ngayon ay magyayayang mag-date?"

"Hindi ni'yo lang nakikita, pero tinatanguan niya ako o ningingitian sa tuwing magkakasalubong kami."

"But that doesn't mean anything. Ni wala siyang pahiwatig nitong nakaraang mga buwan. At sa dami ng mga girls na may gusto sa kaniya rito sa classroom at sa iba pang sections, bakit ikaw ang niyaya niyang mag-date?"

"Why not?" Gusto niyang mainsulto sa mga sinasabi ni Dani. Ganoong-ganoon din ang opinyon nito noong napag-alamang si Ryu Donovan ang nagpapadala ng mga letters at rosas sa kaniya. "Nagtataka ka dahil maganda lang ako pero kulang sa appeal– 'yan na naman ba ang sasabihin mo?"

Umikot paitaas ang mga mata ni Dani saka muling sumandal sa upuan nito. "Don't get me wrong, Luna. I just don't understand it. Hindi ko maintindihan kung bakit nahuhumaling sa 'yo hindi lang ang college hotshot kung hindi pati na rin ang hottie ng high school department na si Stefan Burgos. At biglaan, ha? Nakisabay pa sa panliligaw phase ni College Hotshot. At kahit anong isip ko ay hindi ko maintindihan kung ano ang nakikita nila sa 'yo. Kung tutuusin ay mas maganda si Mecca." Nilingon ni Dani ang ka-klase nila at muse ng basketball team na si Mecca na naka-upo sa unahan at nakikipag-usap sa iba pa nilang mga ka-klase.

Sumunod ang tingin nila ni Kaki roon.

Totoo ang sinasabi ni Dani; Mecca was probably the prettiest in the whole junior high department. Mecca's father was British and her mother was half Korean. She had long, straight hair and beautiful almond eyes. Maliban pa sa maganda ay ang lakas ng appeal nito. And to top it all, Mecca was humble and kind.

Ibinalik ni Dani ang tingin sa kaniya. "At lagi kong sinasabi ito; you are pretty. But your prettiness is almost too boring. Tahimik ka lang din at hindi pansinin. So, it makes me wonder kung ano ang nakikita sa 'yo ng mga lalaking iyon na hindi makita ng kabaklaan ko?"

Si Kaki ay napabungisngis at nagsalita rin. "Come on, Dani. H'wag mo nang pairalin ang inggit mo. At kusa na ring lumabas sa bibig mo ang dahilan kung bakit. There is something about Luna na hindi makita ng kabaklaan mo pero kitang-kita nina College Hotshot at ni Stefan, so let it be."

"Hindi ako naiinggit, talagang nagtataka lang ako." Muli itong nangalumbaba sa desk niya. "Alam ni Stefan na dini-diskartehan ka ni Ryu Donovan, hindi ba?"

"So?"

"So? Bakit sa loob ng tatlong buwan ay ngayon lang siya nagpalipad-hangin sa 'yo kung kailan nag-umpisa nang maglagay ng bakod si Ryu Donovan sa paligid mo? Is he going to challenge the college hotshot?"

"If he was, isn't that a romantic move?" Ngumiti siya at nangalumbaba rin sa desk. "Wala siyang pakialam kahit banggain niya ang mayabang na iyon; he took the risk."

Umikot paitaas ang mga mata ni Dani at naupo na nang tuwid. Nagkatinginan naman sila ni Kaki at nagkabungisngisan.

"Luna, may naghahanap sa 'yo!" anang isa sa mga kaklase nilang lalaki na nakatayo sa pinto. Nabaling ang pansin nilang tatlo roon at nakita ang isang lalaking high school student din na mula sa ibang section. Sumilip ito sa pinto at tila may hinanap. Nang matuon ang tingin nito sa kaniya ay ngumiti ito at lumapit.

Pagkalapit ay ini-lapag nito ang dalang origami sa ibabaw ng desk niya.

"May nakasulat daw sa origami," anito. At bago pa man siya makapagsalita ay kaagad na itong tumalikod at lumabas ng classroom nila.

Bulungan ang mga kaklase niyang babae, habang ang mga lalaki naman ay inulan siya ng tukso.

"What is that?" si Dani na nakatuon ang tingin sa nakatuping papel na kulay puti.

"Is that a lotus origami?" tanong naman ni Kaki na ini-usog ang upuan sa tabi niya.

Hindi siya sumagot at nagpakawala na lang ng malalim na paghinga. Hindi alam nina Dani at Kaki ang tungkol sa huli nilang paghaharap ni Ryu Donovan, kaya walang ideya ang mga ito kung ano ang ibig sabihin ng origami na nasa mesa niya at kung kanino iyon galing.

And darn that foolish man– sinabi na niyang tumigil na ito sa pakikipaglokohan sa kaniya pero heto na naman ito! Nagpahinga lang ng tatlong araw at nagpadala na naman ng basura!

"Kanino na naman galing 'yan?" ani Dani. "May bago kang manliligaw?"

"I don't know," kaila niya. "Itatapon ko na lang nang diretso 'to."

Ang akma niyang pagdakma sa origami mula sa desk niya ay naudlot nang unahan siya ni Kaki. Kinuha nito iyon at masusing sinuri. Then, Kaki smiled and turned to face her.

"May bago kang manliligaw? Aba, lalong maiinggit 'tong si Danillo sa 'yo."

"Shut up, Karina." Umikot na naman paitaas ang mga mata ni Dani.

Siya naman ay sinubukang bawiin ang origami mula kay Kaki. "Akin na 'yan at itatapon ko."

"No, wait." Binawi ni Kaki ang kamay bago pa man niya maabot ang hawak nito. "This is actually such a sweet gesture. May nabasa akong article na sa Japan daw, ang pagbibigay ng origami ay isang espesyal na paraan para magpahiwatig ng intensyon. Pero nakadepende sa kung anong klase ng origami ang ibinigay. In most cases, ang mga lalaking nanliligaw sa babaeng gusto nila ay origami swan ang ibinibigay; because as we know it, swans mate for life and are a long-standing symbol of eternal love. In this case, ang manliligaw ni Luna ay nagbigay ng white lotus origami– and do you both know what this means?"

Oh, she sure did. Ipinaliwanag na sa kaniya ng gago. Pero ayaw niyang magsalita at palawigin pa ang topiko.

"Doesn't matter, Kaki," aniya sabay yuko sa bag at nagkunwaring may hinahanap. "Just throw it away."

"A white lotus signifies purity," Kaki said, totally ignoring her. "So, in my understanding... kapag binigyan ka ng manliligaw mo ng ganito, ang ibig no'ng sabihin ay dalisay ang intensyon niya sa 'yo."

She almost rolled her eyes in boredom.

Si Kaki ay lumapad ang ngisi. "Naku, mukhang alam ko na kung kanino galing 'to."

"Kanino?" tanong naman ni Dani.

"Kay college hotshot."

"Kay Big Boss?"

Tumango si Kaki, habang si Dani naman ay nanlalaki ang mga matang hinablot ang origami mula sa kaibigan.

"If you are not going to read the letter, I will."

Wala na siyang nagawa pa nang unti-unti nang ni-unfold ni Dani ang lotus origami. Si Kaki naman ay puno ng pananabik na naghintay.

She lazily leaned her back on her seat and waited for Dani to read the letter.

And Dani started reading it in his Freddie Mercury tone...

Doubt thou the stars are fine;

Doubt that the sun doth move;

Doubt truth to be a liar;

But never doubt I love.

She recognized those lines from a tragic play called Hamlet written by William Shakespeare. Those lines were quoted from a love letter Hamlet wrote to the love of his life Ophelia, who was unable to respond to his feelings because her father forbids her to do so.

It was one of her favorite tragic story made by the great William Shakespeare– at kung hindi lang siya naiinis sa taong nagpapadala ng letter sa kaniya ay baka natuwa siya.

"There's more," ani Dani bago nagpatuloy,

48 days before your 18th birthday. Are you having a party? If so, can I come over and meet your parents?

Why, you asked?

Because I want to thank them for bringing you up into this world. Without them, I wouldn't have met my soulmate.

She grimaced before rubbing her left arm with her right hand. "Kadiri talaga 'yang lalaking 'yan."

"Sabi na, eh." Si Kaki na muling bumungisngis. "In fairness kay Big Boss, talagang nag-i-effort."

"Sinabi ko na sa kaniyang tigilan ako pero matigas talaga ang apog ng lalaking 'yan."

Si Dani ay napangisi. "Sana ay batukan ka ng anak mo balang-araw; masyado kang pakipot sa future daddy niya."

"Shut up, Dani. Hindi ako natutuwa sa ganiyang biro mo."

"Alam mo, Luna, kahit hindi pa rin ako makapaniwalang nabingwit mo ang puso ni Ryu Donovan, ay mas pabor ako na sa kaniya ka mapunta. Alam mo kung bakit? 'Di hamak na may chemistry kayo kaysa dun sa isa– hey!" Nagulat ito nang hablutin niya ang origami.

Tumayo siya at kinuyumos iyon. "Enough with this. Simula sa araw na ito ay didiretso na ang origami na ipadadala niya sa basurahan."

Sumunod ang tingin ng lahat sa kaniya nang humakbang siya patungo sa basurahan. Kumalampag ang takip ng trash bin nang pabalya niyang isuksok ang origami roon, at nang pumihit siya pabalik sa desk niya ay kaagad na umiwas ng tingin ang lahat ng mga kaklase niyang kanina pa nakamasid sa kaniya, maliban kina Dani at Kaki.

Bumalik siya sa upuan at niyuko ang bag upang ilabas ang assignment notebook. Makalipas ang ilang sandali ay inabala niya ang sarili, habang sina Dani at Kaki ay nagkatinginan at tahimik na nag-senyasan.

Napikon siya dahil sa kabila ng sinabi niya noong huli silang nagkita ay hindi talaga tumigil ang Ryu Donovan sa pagpapadala nito ng basura sa kaniya. At ang kapal ng mukha para imbitahan ang sariling dumalo sa birthday niya?

Oh, kung alam lang ng hayop na iyon na simula nang mangyari ang insidenteng iyon sa cafeteria ay hindi na magkamayaw ang mga ismid na naririnig niya mula sa mga babae sa college department. May ilan pa sa mga itong sinusundan siya ng tingin na kay talim.

Kaninang umaga lang habang naglalakad siya papasok ay pinagtitinginan siya ng mga estudyante, mapa-highschool o college man, at pinagbubulungan. Noong nakaraang araw ay hindi pa ganoon ka-lakas ang bulungang naririnig niya. Habang lumilipas ang mga araw ay lumalala– at kasalanan iyon ng Ryu Donovan na iyon!

Napakurap siya at nahinto sa pag-iisip nang may lumapit sa harap ng desk niya at may ipinatong roon. Another origami. Gawa sa pinitas na pahina ng notebook at naka-tuping parang eroplano.

"That's all I can do for now," anang tinig sa harapan niya.

Mabilis na umangat ang tingin niya nang makilala kung sino ang naroon.

Si Stefan ay nakayuko sa harapan niya at may munting ngiti sa mga labi.

Pinamulahan siya ng mukha.

"Don't let that stupid lotus origami ruin your day." Pagkatapos ay umangat ang kamay nito at masuyong ginulo ang kaniyang buhok. Ilang sandali pa'y humakbang na ito pabalik sa likod kung saan sinalubong ito ni Paul ng panunukso.

Lalong namula ang pisngi niya. Ang bulungan ng mga babae nilang kaklase ay lumakas, at ang panunukso ng mga kalalakihan ay ganoon din.

Si Dani ay napa-iling bago inabot ang buhok niyang bahagyang nagulo sa ginawa ni Stefan saka banayad na inayos. "Haba talaga ng hair mo, sarap mong sabunutan."

Si Kaki naman ay dumukwang sa desk niya upang bumulong kay Dani na patuloy sa pag-aayos ng buhok niya. "Hindi pa nga nag-uumpisa ang RyuNa loveteam ay may sumisingit na. Nangangamoy love-triangle, Dani..."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan at tahimik na kinuha ang nakatuping papel na gawa ni Stefan sa ibabaw ng desk niya. At nang makitang answer paper nito iyon mula sa exam noong araw ang ginamit ay napangiti siya.

Stefan's effort to salvage her mood brought warmth to her heart. Buti na lang at naroon ito... kung wala'y sirang-sira na sana ang araw niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top