CHAPTER 013 - The Chemistry




MALAPIT NA ANG SPORT FEST AT NAGPATAWAG NG MEETING ANG PRESIDENT NG SPORTS CLUB upang umpisahan ang paghahanda. Nagulat pa sina Stefan at Paul nang makita si Luna roon; they never expected her to be there, and Stefan had no idea she registered for the club.

Maliban sa kanila ay may dalawang babaeng kaklase pa si Luna na sumali sa sports club, but they were on the chess team. Si Luna lang ang sumali para sa volleyball team kasama ang ibang galing sa ibang sections. Sina Stefan at Paul ay sa basketball team sumali as expected.

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagpupulong ay isa-isa nang lumabas ang mga miyembro ng club. Stefan was the representative of the basketball team for junior high, siya naman ang napiling maging representative ng volleyball team para sa batch nila. Each sport has one member to represent the whole team every meeting. And that thrilled Luna-- dahil ang ibig sabihin niyon ay lagi silang magkakasama ni Stefan sa tuwing may pagpupulong sa club.

"Hey, sabay na tayong bumalik sa room."

Nahihiya siyang lumingon nang marinig ang sinabi ni Stefan. Palabas na rin sana siya ng silid  kasunod ang dalawa pang mga ka-klaseng babae nang marinig ang pagtawag ng binata.

Si Stefan na katatapos lang kausapin ang represensative ng senior high basketball team ay lumapit sa kaniya.

Napatingala siya rito.

"I wanna ask you something." Banayad siya nitong hinawakan sa siko at ini-giya palabas. Paglabas ay saka ito bumitiw at inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na slacks. Naglakad sila sa hallway palabas ng Student Council building kung saan naroon ang silid ng bawat school clubs nang magsalitang muli si Stefan. "I didn't know you have interest in sports. I was expecting you to join the school paper club or the debate club. Not this."

Pilit siyang natawa kahit na sumasakit na ang dibdib sa lakas ng pagdagundong niyon. "Do I really look like a geek for y'all to say that? Karamihan sa mga ka-klase natin ay ganiyan din ang sinabi."

"Dahil alam naming ilang beses ka nang nanalo sa mga debate contests noong middle school. And yes, you are one of the smartest in our class. I just wondered kung bakit mo tinatago ang talino mo; you were obviously trying to be lowkey."

"What made you say that?"

"Sa tuwing may exams ay ikaw ang nauunang natatapos sumagot sa test papers. Sa tuwing may tanong ang mga guro ay lagi kang nag-a-akmang magtataas ng kamay para sumagot pero kapag nakikita mong walang ibang nagtataas ng kamay maliban sa kaibigan mong si Karina ay nagpapaubaya ka. I don't know what to make of you, but that took my interest."

Nahinto siya at napatingala rito.

Huminto rin si Stefan at nilingon siya. Nang makita nitong natigilan siya'y napangiti ito. "Sorry, nasa likuran ako kaya nakikita ko ang lahat. Sa Economics at Physics lang ako natutulog, pero gising ako sa ibang subjects at iyon ang napapansin ko sa 'yo."

She grimaced and looked away. "I just... didn't want to compete with Kaki. I want her to stand out. Kailangan niya ang scholarship sa college."

"That's a selfless act. Hindi ko akalaing ganiyan ka ka-bait."

"Oh, no. Please don't patronize me, hindi ako kasing bait ng akala mo. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng malapit na mga kaibigan, at ganito ko gustong ipakita ang suporta ko sa kanila."

"You never had friends before?"

Umiling siya. "Sa academy kung saan ako nagtapos ng middle school, ang mga kaklase ko ay walang ginawa kung hindi makipag-kompetensya sa akin. They treated me as someone they needed to vanquish, and for that reason, I never really had friends. Besides, mga teachers and coaches ang kasa-kasama ko after class para mag-train dahil lagi akong inisasali sa mga school activities at regional contests. I never had a chance to mingle with other students. Ang nakababatang kapatid ko lang ang naging kaibigan ko. So, when I finished middle school, I persuaded my parents to allow me to transfer."

"Hmm." Humalukipkip si Stefan. "And you chose CSC."

Tumango siya. "Maliban sa ang CSC ang pinaka-prestihiyosong paaralan dito sa rehiyon natin, isa rin ito sa pinakamalaki. Maraming estudyante mula sa magkakaibigang paaralan sa buong bansa ang pumapasok dito, and I thought that if I studied here, I wouldn't get noticed. Sa klase natin ay maraming matatalino at mga achiever din galing sa iba't ibang paaralan sa rehiyon. I didn't want to draw attention and compete with them, I just wanted to change how I live my life. Tapos na ako sa phase kung saan ang bawat araw ko ay ginugugol ko sa makikipagkompetensya, gusto ko na lang mag-enjoy sa dalawang taong high school."

Matapos ang litanya niya ay malapad na ngumiti si Stefan. "From an achiever to a mediocre student. Baliktad sa gustong mangyari ng iba."

"I know. At hindi alam ng parents ko itong pinaggagagawa ko rito. Although hindi sila istrikto pagdating sa pag-aaral ko, ay alam kong mataas pa rin ang ekspektasyon nila sa akin."

Ngumisi si Stefan at itinuloy na ang paghakbang. Sumunod siya.

"Well, you sure will enjoy your high school. CSC is not like another school; tulad ng mga nasaksihan mo ay maraming kakaibang mga estudyante rito. And you could no longer spend your everyday life peacefully, dahil siguradong magiging mainit ka na sa mata ng marami ngayon. Being Ryu Donovan's favorite girl is going to be difficult."

Napangiwi siya sa sinabi ni Stefan.

Ryu Donovan's favorite girl. Yuck.

Hindi na siya nagkomento pa sa huling sinabi ng kasama at itinuloy na lang ang paghakbang. Mula sa student council building pabalik sa high school building ay dadaanan nila ang gymnasium at cafeteria, kaya sa paglabas nila ay kaagad silang sinalubong ng maraming estudyante na paroo't parito mula sa gym at cafeteria. Some women recognized her from the cafeteria incident the other week, kaya tinapunan siya ng mga ito ng mapanuyang tingin habang ang iba'y nagbulungan.

Lihim siyang napabuntonghininga.

Laking pasalamat niya na walang may nag-upload ng video na kuha noong nagkaroon ng gulo sa cafeteria nang nakaraang linggo, dahil kung nagkataon ay baka masermonan siya ng daddy niya. Simula nang araw na iyon ay hindi na rin niya nakita ang grupo dahil sa classroom na siya kumakain at hindi na sa cafeteria. Hindi na rin siya gaanong lumalabas ng main high school building para iwasang makadaupang-palad ang grupo.

Ngayon lang ulit siya nagawi sa bahaging iyon ng campus.

"This is what I was talking about earlier," ani Stefan nang marinig ang bulungan ng mga  kababaihang nakasalubong nila sa daan.

"I know," she said. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"How do you feel about it?"

Nagkibit-balikat siya. "Embarrassed and pissed at the same time."

Tumango si Stefan at sandaling natahimik. Nang maraming nila ang pathway na naghihiwalay sa daan patungong gym at main high school building ay huminto si Stefan at muli siyang hinarap.

"Kailangan kong dumaan sa gym para makipagkita sa buong team; are you gonna be okay?"

Ngumiti siya rito. "Thanks for the concern, Stefan. But yes, I'll be fine."

Stefan smiled back. "Sinabi ko kanina na may gusto akong itanong."

"Ah, yes. What is it?"

"Do you like watching movies?"

"Like... in the cinema?"

"Yeah."

"Of course." Muling dumagundong ang dibdib niya. "W-Why?"

"My sister gave me two VIP seat tickets for a movie premiere this weekend. You know that newest sci-fi-action movie they kept promoting on social media?"

Tumango siya kahit hindi niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin. Hindi siya nanonood ng mga action films. She never liked anything that promoted violence. She liked watching musical plays and animated films, or classic movies and tragic romance. Never action.

"Would you like to come?"

Napakurap siya.

"A-Are you inviting me for..."

"Movie date." Muli itong ngumiti. "Kung gusto mo?"

Para siyang loka na napatulala na lang sa harap ni Stefan, at bago pa niya namalayan ay tumango na siya.

Stefan's smile widened. "You're good on Saturday morning around 9:00 AM?"

Muli ay tango lang ang ini-sagot niya.

"Great."

At napigil niya ang paghinga nang makitang umangat ang kamay ni Stefan at banayad na inipit sa kaniyang tenga ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa pisngi niya.

"Catch you later, Luna."

Nang tumalikod si Stefan upang humakbang patungo sa gym ay hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa entrance way ng gymnasium.

Makalipas ang ilang sandali ay wala sa loob na pumihit siya patalikod at humakbang sa pathway patungong main high school building. Mangha pa rin siya at hindi makapaniwalang bigla na lang siyang inanyayahan ni Stefan na manood ng sine.

Hindi na mahalaga kung hindi siya mag-enjoy. Ang mahalaga ay magkakaroon siya ng pagkakataong makilala pa ito nang husto.

Ang lapad ng ngiti niya nang ituloy niya ang paghakbang. Pinagsaliklop niya ang mga kamay sa likuran at payukong naglakad habang binabalikan sa isip ang ilang sandaling magkasama sila kanina ni Stefan.

Oh, she couldn't wait for the weekend to come! Sa Sabado ng gabi na lang siya uuwi sa kanila, at tatawagan na lang niya ang kapatid upang sabihin na hindi na naman siya makakasama sa piano practice nito tulad ng nangyari noong nakaraang Sabado.

She was not able to last Saturday because her mother insisted on teaching her to cook that whole day. Tuloy, ang daddy na lang ulit nila ang naghatid at sumama kay Brandon sa music training center ng araw na iyon. She was planning to make it up to her brother this coming weekend, pero mukhang may pagbabago na namang mangyayari sa schedule niya.

Ngayon pa lang ay mag-iisip na siya ng idadahilan sa mga magulang kung bakit hindi siya makauuwi ng Biyernes ng gabi tulad ng nakagawian. She didn't want to lie, but she didn't want to tell them about watching a movie with her guy-classmate either. Pwede siguro niyang sabihin ang totoo na may usapan sila ng kaibigan niyang manood ng sine sa Sabado? Surely, her parents wouldn't take it negatively. Hindi naman istrikto ang mga ito, at may tiwala pareho ang mga magulang niya sa kaniya.

At malinis pa rin naman ang konsensya niya dahil hindi naman siya nililigawan ni Stefan. Besides, she didn't want to put meaning on that movie date. It was nothing but a friendly movie date with her classmate. Kaya kampante siyang wala siyang lalabaging rules ng mga magulang.

"I hope your morning is as bright as your smile."

Nahinto siya sa paghakbang at nag-angat ng tingin nang marinig iyon. Sa pag-angat niya ng tingin ay ang pamilyar na pares ng mga mata ang kaagad na sumalubong sa kaniya.

They were those semi-chinky eyes that she despised seeing again.

Here's this stupid perv again...

A few feet away from her, there was Ryu Donovan. Nakapamulsa itong nakatayo sa kaniyang harapan. Sa hula niya ay galing ito sa kabilang direksyon at patungo sa cafeteria o sa gym.

Ang ngiti sa mga labi niya ay nawala pagkakita rito. Her mood shifted from good to worse.

"Come on, bring that smile back on your face," sabi pa nito, may ngisi sa mga labi. "You look even prettier when you smile."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Sinundan mo na naman ako?"

"Magkasalubong tayo. Kung sinundan kita, hindi ba dapat ay nasa likuran mo ako?"

Kaagad siyang napikon sa pamimilosopo nito. "OK, let me guess. Sasabihin mo na namang coincidence 'to. Saktong naisipan mong lumabas sa building ninyo at pumunta sa cafeteria."

Lumapad ang ngisi nito. "Bingo."

She let out an exasperated sigh. "Pwede bang kayong magkakaibigan na lang ang maglokohan?"

"Sino ba ang nakikipaglokohan, Luna Isabella? I know I am not fooling around." Itinuloy nito ang paghakbang.

Umatras siya.

Muli itong huminto at ngumisi. "Don't worry, hindi kami nagkita ni Bella ngayon, so I'm pretty sure I don't have any fur on my coat. I won't trigger your allergy." Itinuloy nito ang paglapit.

Muli siyang umatras.

Ryu Donovan continued to walk closer, and she continued to walk backwards. Hanggang sa marating niya ang dulo ng pathway at bumangga ang heel ng suot niyang school shoes sa gutter.

And she suddenly lost her balance.

Malakas siyang napasinghap sa pag-aakalang matutumba siya, pero naging maagap si Ryu Donovan. Kaagad itong nakalapit at nahawakan ang braso niya.

But the moment his hand touched her skin, that unfamiliar buzz ran through her veins. Pakiramdam niya'y nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok at gumapang hanggang sa mga braso niya.

Napatingin doon si Ryu, at nang makita kung ano ang naging reaksyon ng katawan niya sa pagkakadikit nilang iyon ay muli itong nagpakawala ng nakalolokong ngisi.

He then looked her in the eye and said, "Feel that chemistry, Buttercup?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top