CHAPTER 010 - Blocking His View
BAHAGYA NA NIYANG NARINIG ang pagsinghap ni Dani nang makita ang lalaking bumati sa kaniya. Si Kaki naman ay lumuwag ang pagkakahawak sa braso niya.
In your face! she wanted to say. Pero kaagad na nawala sa isip ang mga salitang iyon nang makita ang isa sa mga Engineering students na lumapit sa lalaki at inundayan ito ng suntok. Subalit bago pa man tumama ang kamao nito ay maagap na itinaas ng lalaki ang isang kamay at dinakma ang kamao ng umatakeng estudyante.
Kung tutuusin ay kapareho lang ng tangkad ang dalawa, pero sa isang tingin ay makikita kung sino ang lamang sa pagitan ng mga ito.
The Umbrella Man caught the other guy's knuckle while his eyes were still locked on hers. It was as if he knew what was coming, as if he had already prepared himself for that.
May isa pang sumugod dito, at doon tila naging mabagal ang pag-ikot ang mundo. Tila siya nanonood ng isang makalumang pelikula na black and white ang screen at naka-slow motion. Kitang-kita niya kung paanong pinihit ng lalaki ang hawak na kamao ng Engineering student dahilan kaya awtomatikong umikot ang katawan nito. Kasunod niyon ang pag-tagilid ng lalaki at ang pagpakawala nito ng sidekick sa tiyan ng isa pang lumapit, dahilan kaya tumalsik ito sa kasama.
Humiyaw ang lalaking hawak-hawak ni Umbrella Man nang muling pihitin ng huli ang kamay nito. Upang tulungan ang kasama ay sumugod ang dalawa pa, at doon lang humiwalay ang mga mata ng lalaki sa kaniya.
The Umbrella Man fought two guys while holding the other guy's fist. His kicks were flawless, at halos hindi man lang dumapo ang kamay ng dalawang huling sumugod dito.
Sa isang kisap-mata'y napa-atras ang dalawang huling sumugod, sapo-sapo ang mga tinamaang tiyan. At hindi kaagad nakakilos ang mga ito nang pabalyang itinulak ni Umbrella Man ang isa pang hawak nito. Sinalo ng dalawa ang kasamang namimilipit sa sakit ng kamay.
"Should we help him?" narinig niyang tanong ni Raven Worthwench kay Marco.
"Nah," sagot ni Marco. "He got this."
Naguguluhang ibinalik niya ang tingin sa Alexandros. Ang pansin ng mga ito'y nasa mga nagkakagulo, pawang mga nakangisi. Sina Grand Falcon, Kane Madrigal, at Jet Yuroshi ay humila na ng upuan sa katabing bakanteng mesa at balewalang nanood.
Nagtaka siya sa reaksyon ng mga ito. Somehow, she expected them to help the guy— kahit pa wala rin siyang pakialam sa manyak na singkit na 'yon. Pero anong pagtataka niya nang makitang walang interes ang mga itong makisali, when in fact, it was them who was originally and supposedly the target.
"Luna..." Si Kaki na muling humawak sa braso niya. Ramdam niya ang panginginig ng boses nito. "W-We should go now. Baka magka-riot pa rito at maipit tayo."
"Y-You're right, pero saan tayo dadaan? They blocked the entrance and exit door."
"May daan sa likod ng kitchen," sagot pa ni Kaki.
Tumango siya at sinulyapan si Dani na nanlalaki ang mga matang nanonood sa mga nagkakagulo. Dani was... in shock.
"Hey, we should go now," yaya niya rito.
Subalit si Dani ay tila walang narinig. Nasa anyo nito ang pagkamangha at pagkagulat.
Akma niya itong lalapitan ay kakalabitin nang makarinig siya ng malakas na kalampag sa hindi kalayuan. Kaagad siyang lumingon at nakita si Veloso na nakadapa sa mesa ilang dipa mula sa kanila. He was knocked out.
Ibinalik niya ang pansin sa mga nagkakagulo, at anong pagkamangha niya nang makitang sabay-sabay nang sinugod ng mga Engineering students si Umbrella Man. Pero lalo siyang namangha nang makitang isa-isa ring pinatutumba ng lalaki ang mga kalaban— as if it was just an easy job for him. Like a giant stepping on bugs. At nakikipagsagupaan ito nang may ngisi sa mga labi.
Maliban sa manyak ay baliw rin!
Napa-igtad siya nang tumilapon sa isa pang mesa ang isa sa mga kasamahan ni Veloso; duguan ang ilong.
Ang mga estudyante ay nagsi-alisan na sa kani-kanilang mesa at nakapaligid lang sa mga nag-aaway, hawak-hawak ang kani-kanilang mga cellphones at kumukuha ng video. Some are laughing and giggling, others were cheering the Umbrella Man who seemed to enjoy the attention.
I can't believe this, aniya sa isip. Everybody in this room is crazy!
"OK, that's it," ani Marco na humakbang patungo sa mga nagkakagulo. Sinundan niya ito ng tingin, at nang makita ang dahilan kung bakit ito lumapit ay nanlaking muli ang kaniyang mga mata.
Sa likuran ni Umbrella Man ay may naka-salising kalaban. Dinampot nito ang isang foldable chair at akmang ihahampas sa likuran ng lalaking abala sa pakikitunggali.
"Oh, no!" bulalas ni Kaki nang makita ang sunod na mga pangyayari.
Bago pa tuluyang makalapit si Marco ay naihampas na ng lalaki ang silya sa likuran ni Umbrella Man, dahilan upang mapa-uklo ang huli at mabitiwan ang isang hawak-hawak nito sa kwelyo.
Tuluyan nang nakalapit si Marco at tinadyakan ang lalaking humampas kay Umbrella Man.
Sina Raven Worthwench, Jet Yuroshi, at Blaze Panther ay hindi na rin nakatiis. Nakita ng mga itong bumangon ang ilan sa mga pinatumba na ni Umbrella Man at akmang susugod muli, kaya kumilos na rin ang mga ito upang tumulong. Sina Seann Ventura, Grand Falcon, at Kane Madrigal ay nanatili sa kinaroroonan.
Pero...
Bago pa man tuluyang nakalapit sina Raven, Jet, at Blaze ay tuwid na tumayo si Umbrella Man at dinampot ang foldable chair. Hinarap nito ang dalawang lalaking akmang susugod.
"Man," usal nito. "Pinahihiya ni'yo ako sa harap ng crush ko."
Ginapangan siya ng kilabot sa buo niyang katawan nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Ayaw niyang isipin na siya ang tinutukoy nito, pero sino ba ang sinubukan nitong landiin kanina at tinawag na... Buttercup?
No, it can't be. Kiniskis niya ang kamay sa braso nang maramdaman ang pagtayuan ng kaniyang mga balahibo.
Nagpatuloy ang gulo sa pagitan ng mga Engineering students at ng Alexandros na tumulong lang sa baliw na si Umbrella Man. The duel was one-sided, kahit sinong naroon ay alam kung sino ang lamang.
The Umbrella Man was obviously an expert fighter; at kung hindi siya nagkakamali ay may mga martial art stances itong ginamit para patumbahin ang mga kalaban. Sina Marco at Blaze ay pahagis na itinipon ang mga hindi na kayang sumugod sa isang tabi, namilipit na ang mga ito sa sakit ng katawan.
Raven and Jet on the other hand was helping the Umbrella Man fight the remaining six. Sa isang iglap ay napatumba ng mga ito ang anim.
Thirteen in total, hindi pa kasama si Veloso, ang naitumba ng kabilang panig. Bago pa man nakalapit ang apat na miyembro ng Alexandros ay bugbog sarado na ang mga iyon ni Umbrella Man.
Si Stefan, nang tuluyan nang matapos ang gulo, ay napa-sipol saka tumayo.
Napasinghap siya at binalingan ito. She totally forgot about him!
"S-Stefan, I... almost forgot you were there..."
Pino itong ngumiti at kinuha ang tray ng pagkain. "I'm heading back to the class. See you later."
Hindi na siya nakasagot pa nang tumalikod na si Stefan at humakbang patungo sa counter. Ini-abot nito ang food tray sa staff na tila balewala ang nasaksihang gulo sa entrance door ng cafeteria. Ilang sandali pa ay pumasok si Stefan sa kitchen kung saan mayroon exit door.
Nang mawala si Stefan sa kaniyang paningin ay ibinalik niya ang pansin sa mga nagkakagulo. At biglang nanigas ang buo niyang katawa nang makitang humahakbang na patungo sa direksyo niya si Umbrella Man.
Panic ran through her veins. Why, she had no idea.
Si Dani ay narinig niyang pabulong na nagmura, si Kaki ay bumitiw na sa braso niya.
She watched the man as he walked towards her with his hands shoved into his top coat's pockets. Malayo pa lang ay nakikita na niya ang hikaw nito sa kaliwang tenga.
That's when she grimaced.
But to be fair, the Umbrella Man was an absolute eye-candy. He looked so fine like a prince in a fairytale movie. Bagay rito ang suot nitong topcoat; nagmumukha itong mamahalin. But that single earring was a big turn-off for her. At ayaw niya sa mga basagulerong lalaki.
Nang maalala niya ang mga ginawa nito sa grupo ng Engineering students kanina ay lalo siyang nawalan ng interes. Kung tutuusin ay ito ang nauna; he wasn't the target but he involved himself just because those guys were 'blocking his view'.
Pogi pero baliw.
At mukha itong mayabang sa kaniyang paningin.
But...
He was also an odd guy.
Surely, kilala nito ang grupo nina Marco Sansebastian. Pero tila hindi ito natinag sa kaalamang iyon. Ni hindi rin niya ito nakitang nagpasalamat bago ito humakbang patungo sa kaniya. Kung wala sina Marco para tulungan itong tapusin ang laban ay baka hindi rin ito nanalo. Hindi siya naniniwalang kakayanin nito mag-isa ang mga Engineering students na iyon, so he should at least thank the guys who helped him.
Lihim siyang napa-iling. Kakaiba nga talaga yata ang mga estudyante rito sa CSC...
"Luna."
Inalis niya ang tingin sa papalapit na si Umbrella Man at binalingan si Dani nang marinig ang pagtawag nito. Kinunutan pa siya nang noo nang makita ang nanlalaki pa ring mga mata ng kaibigan.
"Are you okay, Dan?"
Umiling ito, ang tingin ay nasa papalapit na lalaki.
"Ano'ng problema mo?"
Si Dani ay lumapit pa sa kanilang dalawa ni Kaki, yumuko, at sa nanginginig na tinig ay bumulong.
"I—I know that man."
"You mean that guy?" she clarified, pointing her thumb to the Umbrella Man.
Tumango si Dani, at ang mga mata'y pinamunuan ng luha. "That's the guy I was telling you about. Ryu."
Sabay silang napasinghap ni Kaki, sabay ring pinamilugan ng mga mata.
Ryu was Dani's new crush. Nang makilala ni Dani si Ryu ay tuluyang nawala ang pagkahumaling nito dati kay Stefan Burgos. Alam ni Dani na sa CSC nag-aaral si Ryu, pero hindi nito alam kung anong kurso.
Kaya pala ganoon na lang ang pagkamangha sa mukha ni Dani...
Kaya pala mangiyak-ngiyak ito.
And oh, good Lord. Bakit kailangang ang manyak na lalaki pang iyon si Ryu?
"How have you been, Luna Isabella?"
Napaharap siya nang marinig ang tinig ng lalaki. Tuluyan na itong nakalapit at nasa kanila nang harapan.
Napatingala siya rito. "W-What do you want?"
Ryu smiled and stepped closer. He then lowered his head to stare straight into her eyes. Bahagya niyang ini-atras ang ulo.
"Why are you stuttering?"
Ang lakas ng tibok ng puso niya. "L-Lumayo ka sa akin, I could smell your breath."
Ngumisi ito, at para siyang lokang natulala. "And how does it smell?"
A mixture of mint and chocolate.
Pero imbes na sumagot ay napatitig na lang siya sa mga mata nito, tila nahihipnotismo. Hindi rin niya maintindihan kung bakit siya biglang natigilan, kung bakit siya biglang natulala. Kung bakit siya nawalan ng lakas na itulak ito palayo sa kaniya.
She just froze there like an idiot, unable to say another word or move a single muscle.
At nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya ang lalaki ay lalo pa nitong inilapit ang mukha sa mukha niya, stopping just a few strands away.
"God, I like how you smell. Are you wearing Gucci and Gabbana floral perfume?"
Hindi niya kinaya ang sobrang pagkakalapit nilang iyon, kaya pinilit niyang magbaba ng tingin. Natuon ang kaniyang mga mata sa suot nitong coat kung saan niya nakita ang ilang puting balahibo na alam niya kung saan nanggaling.
Humugot siya nang malalim na paghinga at buong tapang na muling sinalubong ang mga tingin nito. She knew she had to say something, do something. Nakatingin ang lahat ng mga naroon sa cafeteria sa kanilang dalawa with their phones pointing at them, kaya hindi niya hahayaang mapahiya.
Kailangan niyang ipakita sa mga ito na hindi siya basta nahuhulog sa pagpapa-cute ng mga lalaking tulad nitong nasa kaniyang harapan.
So, with that in mind, she raised her head and looked Ryu Donovan in the eye. She then opened her mouth to say something, but suddenly... just suddenly... her nose started to itch. Her throat constricted next, and before she could stop herself, she began to sneeze.
Right in front of the Umbrella Man's beautiful face.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top