CHAPTER 009 - Buttercup


WHAT IS HE DOING THERE? tanong niya sa isip, naka-ismid.

Nasa pinaka-sulok ang lalaki at malapit na halos sa pinto ng cafeteria. At dahil naka-bukas ang isang panel ng two-way door ay halos natatakpan ang area na iyon. Pero sa kinaroroonan niya ay malinaw niya itong nakikita.

At iyon ang unang beses na nakita niya ito roon sa cafeteria.

Gusto niyang isipin na kanina pa ito naroon at nakamasid sa mga nagkakagulo. Siguradong kung ano ang nasaksihan nila at nasaksihan din nito.

And why was he drinking that kiddie chocolate drink?

Ah, well. Baka isip-bata talaga.

Muli siyang napa-ismid sa huling naisip.

Malibang walang umo-okupa sa mga katabi niyang tables ay mag-isa lang din siya. I bet he has no friends. Paano, maliban sa manyak ay stalker din.

Sa huling naisip ay natigilan siya.

Hindi kaya narito 'yang lalaking 'yan para i-stalk ako?

She grimaced at the final thought. Kailangan na niyang yayain sina Kaki at Dani bago pa siya makita ng lalaking iyon.

Pero... paano si Stefan? She wanted them to talk a little bit more. Madalang itong makisalamuha sa iba nilang ka-klase, at ito ang unang pagkakataon makalipas ang ilang buwan na muli siya nitong nilapitan at kinausap nang matagal.

Binawi niya ang tingin mula sa lalaking nasa sulok at muling hinarap si Stefan na sinasagot ang tanong ni Dani tungkol sa pamilya ng isa sa mga miyembro ng Alexandros. At sa pagharap niyang iyon ay kaagad niyang nakita ang isa sa mga miyembro ng grupo na naglalakad palapit sa direksyon niya; may ngiti sa mga labi at nakasuksok ang mga kamay sa magkabilang mga bulsa.

It was Seann Ventura. Sandali nitong iniwan ang mga kasama upang lapitan siya.

"Hey, Miss Luna! Glad to see you here!"

Ugh. Ito na naman 'tong isang 'to. Bahagya siyang napayuko at sinapo ang noo. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya ang ilang mga estudyanteng nalipat ang pansin sa kaniya.

"I didn't know you were here," anang lalaki pagkalapit. Huminto ito sa gilid ng table. Ang mga kasama niya ay napa-angat ang tingin dito.

Why is this guy acting like we're friends? Lalo siyang napa-uklo.

"How's lunch?" tanong pa ni Seann.

Bahagya niyang itinaas ang mukha upang sabihin ditong masarap sana ang pananghalian niya kung hindi niya nakita ang mga ito, subalit bago pa niya naibuka ang bibig ay narinig na niyang nagsalita si Stefan.

"Hindi mo nabanggit na kilala mo sila, Luna."

Natuon ang tingin niya sa kaharap, at nang makita ang pagsalubong ng mga kilay nito'y lihim siyang napa-ungol.

"No, Stefan, hindi ko sila kilala. It just so happen na ang lalaking ito ay biglang sumusulpot sa harapan ko upang magbigay ng—"

"Lalaking ito?" ulit ni Seann, natatawa. "Oh, sorry. I haven't formally introduced myself. I'm Seann Matteo Ventura from the graduating class of the Tourism Department. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagpakilala nang pormal sa kabila ng ilang beses na nating pagkikita."

Sa narinig ay lalong lumalim ang gatla sa noo ni Stefan, at siya naman ay pinamulahan ng mukha. Sunud-sunod siyang umiling.

"K-Kamakailan ko lang... nakilala ang lalaking ito. I knew nothing about him up until now."

She was being so defensive and she knew that, pero gusto niyang iparating kay Stefan na wala talaga siyang koneksyon kay Seann Ventura.

Ang kunot sa noo ng kaharap ay unti-unting naglaho, at ang mukha nito'y unti-unting naging blangko. Sumandal itong muli sa upuan at hindi na nagsalita pa.

Si Seann naman ay nilingon ang mga kasama at tinawag. Ang buong grupo ay napalingon sa direksyon nila, at nang makita siya at isa-isang nagsilapitan.

Doon siya nag-umpisang makarinig ng bulung-bulongan mula sa ibang mga estudyanteng naroon sa cafeteria. At doon siya nakaramdam ng pagkataranta.

Yumuko siya at muling sinapo ang ulo. Then she turned her head in another direction just so Stefan wouldn't see her face turned red in embarrassment.

Subalit ang direksyong binalingan niya ay ang area kung saan nakaupo ang lalaking ayaw din sana niyang makita. At napagtanto niyang isa ring malaking pagkakamali ang ginawa niyang iyon dahil sa pagbaling niya roon ay saka naman nag-tama ang kanilang mga mata.

The umbrella man's attention was on her now, and when their eyes met, a smile suddenly lit up his face.

Nagtayuan ang mga balahibo niya sa pagka-umay, at sandali niyang nakalimutan ang mga lalaking ngayon ay nasa kaniya nang harapan. Ilang sandali pa'y itinaas ni Umbrella Man sa ere ang hawak nitong tetra pack drink na tila ba nakikipag-cheers sa kaniya.

She couldn't help but roll her eyes up.

Hindi na niya kayang manatili pa sa lugar na ito.

With that in mind, she stood up and turned to her friends. Sina Kaki at Dani ay tulalang nakatingala sa mga lalaking nakatayo sa paligid ng table nila.

"Bumalik na tayo sa room."

Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagtuwid ng upo ni Stefan. Gusto niya itong yayain na ring umalis, pero hindi niya magawang humarap dito dahil pakiramdam niya ay nag-iba ang tingin nito sa kaniya sa biglang paglapit ng grupo.

"Hindi ko pa ubos itong lunch ko..." wala sa loob na sagot ni Dani, ang tingin ay nanatili sa mga nasa harapan nila.

Si Kaki at tumikhim at pilit na binawi ang tingin upang harapin siya. "S-Sayang naman ang pagkain kung hindi natin mauubos..."

She leered at her friends and said, "Kung ayaw ni'yo pang bumalik ay mauuna na ako."

"Is Miss Luna scared of us?" anang pamilyar na tinig. At kahit hindi siya lumingon ay alam niyang si Marco Sansebastian ang nagsalita.

Hindi niya ito pinansin. Ini-usog niya paatras ang upuan at akmang kukunin ang tray niya ng pagkain upang dalhin sa counter nang muling nagsalita si Seann Ventura.

"She probably saw what happened at the counter."

"I did and it's disappointing," maagap niyang sagot at hinarap ang mga ito. At sa pagharap niyang iyon ay sandali siyang natigilan dahil pakiramdam niya'y nasa gitna siya ng mga nagtataasang building sa tangkad ng mga lalaking nasa harapan. Mariin siyang napalunok bago nagpatuloy. "Hindi nadadaan sa pagbabanta ang pagdidisiplina sa mga taong kaharap ninyo kanina. While I appreciate the fact that you only did that with good intention, I still don't think it was the necessary way to handle the situation. There are other ways to discipline people like them, and it shouldn't be in an aggressive manner like you did."

Si Marco ay sandali natigilan sa sinabi niya bago pinong napangiti. "We only gave them dozes of their own medicine, Miss Ma'am."

"But you need to think outside the box," patuloy niya. "Maraming flaws sa paraan ninyo. Hindi sa lahat ng oras ay naroon kayo para bantayan ang lahat. At some point, gagawin nila ang ginawa nila sa iba dahil wala kayo para kalabanin o pigilan sila. Para kayong nagbibigay ng temporary relief to treat addiction, pero paano kung wala nang supply ng gamot na iyon? People will go back to their addiction, 'di ba?"

Walang naibigay na sagot si Marco at mangha lang na napatitig sa kaniya.

"What I am trying to get into is that walang silbi 'yang paraan ninyo kung wala kayo. If you want to stop bullying, you should dig deeper and find proper ways to permanently stop it, hindi 'yong kung kailan lang kayo nariyan ay saka lang kayo nakatutulong."

Marco's eyes narrowed in amusement.

Sa gilid ng kaniyang mata ay nakita rin niya ang pagtaas ng gilid ng mga labi ni Stefan sa pag-ngiti.

"Now I understand why Boss is so drawn to her."

Napatingin siya sa nagsalita, at kung hindi siya nagkakamali ay si Kane Madrigal iyon. May pinong ngiti rin sa mga labi.

"And he is right," sabi naman ng lalaking itinuro ni Stefan na siyang si Grand Falcon. "This girl is something else."

This girl?!

Hindi niya maipaliwanag ang inis na naramdaman sa paraan ng pag-address sa kaniya ng lalaki. Tinapunan niya ito ng masamang tingin at akmang pagsasabihan na hindi na siya bata para tawagin nang ganoon nang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria at doon ay nagsipasukan ang mga lalaking nakasuot ng uniporme mula sa Engineering Department. Ang ilan doon ay ang mga lalaking nakaharap kanina ng grupo nina Marco.

"Oh, gosh, nagtawag na ng mga kasama..." usal ni Kaki na napatayo na rin sa takot. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.

Ang pansin ng lahat ay natuon din sa mga bagong dating. Mahigit sampu ang mga ito, at mukhang nakahandang makipagsagupaan. Umikot ang tingin ng mga lalaki hanggang sa makita ang grupo sa kinaroroonan nila.

"It's time to go, Luna," yaya ni Kaki sabay hila sa kaniya.

Pero hindi siya kaagad na nakakilos dahil hindi niya alam kung saan sila dadaan. There was only one door in and out of the cafeteria– saan sila dadaan kung nakaharang doon ang mga bullies mula Engineering Dept?

"Marco," anang isa na pinangalanan kanina ni Stefan na si Raven Worthwench.     "Nangangati na ang kamao ko."

"Calm down for a sec, Rave," ani Marco.

"Calm down for what?" tanong naman ng Hapon na kasama ng mga ito— si Jet Yuroshi. "Those bastards came back for a fight. And I am more than willing to entertain them."

Ngumiti si Marco at hindi na sumagot pa.

"Let's go, Luna..." bulong ulit ni Kaki. "Maiipit tayo sa gulo."

Muli ay hindi niya nagawang umalis sa kinatatayuan dahil may ibang umagaw sa kaniyang pansin.

Kinunutan siya ng noo nang makitang tumayo ang lalaking naka-upo sa sulok ng cafeteria. Mas matangkad ito sa mga lalaking bagong dating, kaya nang tumayo ito ay kaagad niyang nakita. The Engineering students were standing in front of the 'Umbrella Man', so they weren't aware of him at the back.

At mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya kung papaanong tumilapon ang isa sa mga Engineering students na nasa bandang likuran. Tumilapon ito sa isang panel ng two-way door, at humampas ang mukha sa handle kaya kaagad na nawalan ng malay.

It was so swift she didn't know what happened.

Napa-igtad ang mga kasama nito at napalingon sa lalaking balewalang inisuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na topcoat matapos ang pag-atake. At nang makita ng mga ito kung sino ang naroon ay sabay na nagsi-atrasan.

Ano ang ginawa niya para tumilapon nang ganoon ang isang lalaki? tanong niya sa sarili, puno ng pagkamangha. At bakit niya ginawa 'yon? What the hell was his tiny brain thinking?

The Umbrella Man tilted his head to the side and gave the engineering students a menacing grin. Kagat-kagat nito ang straw ng chocolate drink na ini-inom nito kanina habang isa-isang tinatapunan ng tingin ang mga lalaking kaharap.

Ilang sandali pa ay itinaas ng lalaki ang isang kamay at inalis ang straw sa bibig saka iyon inipit sa gilid ng tenga.

"Sorry," the Umbrella Man said before pushing his hand back into his pocket. "I had to do it 'cause y'all blocking my view." Then, he peeked through the men standing in front of him, and when his chinky-eyes found hers, he smiled again. "Hi there, buttercup."

Umawang ang bibig niya sa pagkamangha.

Buttercup?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top