CHAPTER 008 - Face to Face with The Alexandros




"HI, LUNA. IS THIS SEAT TAKEN?"

Napasinghap si Luna nang sa pag-angat niya ng tingin ay makita si Stefan na nakatayo sa harapan, bitbit ang tray ng pagkain na ni-order nito sa counter ng cafeteria.

Sandali siyang natulala. Ngayon lang niya ito nakitang pumunta sa canteen para mag-lunch. Kadalasan ay may baon itong take-out food mula sa mga restaurants o fast food chains sa bayan at sa classroom lang o sa rooftop ng High School Department building kumakain kasama si Paul.

Ito ang unang beses na nakita niya ito sa loob ng cafeteria simula nang mag-umpisa ang klase.

Natauhan siya nang maramdaman ang bahagyang pagsipa ni Kaki sa paa niya sa ilalim ng mesa. Nakalimutan niyang kasama niya ang mga kaibigan at nakikita ng mga ito ang reaksyon niya sa harap ni Stefan.

Her face flushed in embarrassment.

She cleared her throat and forced a smile. "No, you can have this seat if... y-you want." Oh dear, bakit ako nauutal?

Kahit sina Dani at Kaki na nakaupo sa tabi niya ay hindi rin makapaniwala sa paglapit sa kanila ni Stefan. Sa loob ng dalawang buwan simula nang mag-umpisa ang klase ay hindi nila ito nakitang naki-halubilo sa iba maliban kay Paul.

Pigil hininga siya nang maupo na si Stefan sa harap niya at ipinatong sa table ang tray nitong may pagkain at bottled water.

Ang bawat mesa sa cafeteria ay sakto para sa anim na estudyente. Ang mesang kinaroroonan nila ay okupado nilang tatlong magkakaibigan, at magkakatabi sila. Tatlong upuan ang bakante sa kanilang harapan, and Stefan chose to sit in front of her, making her heart stumble in panic.

"How do you like the food here?"

Lalo siyang namangha nang mag-umpisa itong magsalita. Inasahan niyang tahimik lang itong kakainin, pero ano'ng gulat niya nang kausapin siya nito.

"M-Masarap naman at... lasang malinis."

Napatingin ito sa pagkaing nasa food tray niya. Wala pa halos bawas ang kanin na kasama sa meal number six na ni-order niya. The meal number six included a serve of sweet and sour fish and sautéed carrots and corn.

"Kauumpisa mo lang din ba?' tanong pa ni Stefan.

Tumango siya. "Yeah, m-mahaba ang pila kanina." Kunwari ay inilibot niya ang tingin sa paligid. "Hindi mo... kasama si Paul?"

"Nah, he went home. May emergency sila sa bahay nila at hindi siya papasok ngayong hapon." Napatingin ito kina Dani at Kaki na naka-mata rin dito habang patuloy sa pagsubo. "Karina and Danilo, right?"

Si Dani ay napa-ubo nang marinig ang kompletong pangalan, samantalang si Kaki ay pigil na natawa.

"I hope you don't mind me sitting here with you guys?"

Pairap na inabot ni Dani ang bottled water nito sa tray, habang si Kaki naman ay kibit-balikat lang ang ini-sagot.

Umusal ng pasasalamat si Stefan bago nag-umpisang kumain. He ordered chicken alfredo and a slice of cheesecake.

Niyuko din niya ang pagkain at nilaru-laro. Ganitong kaharap niya si Stefan ay hindi niya alam kung papaaano a-akto nang tama. Naka-ilang tikhim siya, at naka-ilang sipa na rin si Kaki sa paa niya upang gisingin siya sa pagkakatulala sa harap ni Stefan.

Hanggang sa si Dani ay hindi napigilang magtanong, "Ngayon ka lang yata namin nakitang kumain dito sa cafeteria, Stefan?"

Bahagya lang nitong sinulyapan si Dani. "My sister usually prepares my food, but she was sick this morning so... here I am."

Nangalumbaba si Dani at tinitigan ang gwapong mukha ni Stefan. Kung hindi lang niya alam na matagal nang nawalan ng pagkakagusto si Dani rito ay baka umikot paitaas ang mga mata niya.

Muli siyang tumikhim at ibinalik ang tingin kay Stefan.

Stefan Burgos was the classic tall, hunk, and neatly handsome type of student. He was always silent and reserved unless he was with his best friend Paul. Kung wala ito sa gymnasium para magpractice ng basketball ay nasa classroom lang ito at tulog. At hindi pa niya sinasabi ito sa mga kaibigan niya, subalit isa si Stefan sa mga dahilan kung bakit niya napiling sa Sports Club sumali.

She was actually looking into joining the Foreign Language club, but she realized that Stefan might be joining the sports club so she went in there instead. At hindi nga siya nagkamali; rumehistro si Stefan sa club kinahaponan.

Alam niyang hindi lang siya ang may lihim na paghanga rito sa klase nila, at kung hindi nakahanap ng bagong crush si Dani ay baka nakipag-agawan din ito sa atensyon ni Stefan.

Pero kay hirap kunin ng atensyon ni Stefan Burgos.

"Ano ba?!"

Bigla siyang napa-igtad at nahinto sa malalim na pag-iisip nang mula sa hindi kalayuan ay makarinig ng malakas na sigaw na iyon, kasunod ng isang kumosyon. Sabay silang napalingon sa direksyon ng cafeteria counter, at doon nila nakita ang ilang mga college students na nagkakagulo.

May isang taga-Business Management na hawak-hawak sa kwelyo ang estudyanteng mula sa Engineering Department. And she could easily tell that there were two groups preparing for a riot.

At kilala niya ang isa sa dalawang grupo.

"Wait," ani Dani, nasa tinig ang excitement. "Isn't that the Alexandros?"

"It sure is," ani Kaki na itinuloy na ang pagsubo. "And here comes the fist fights..."

Ang school cafeteria ay malawak para i-accommodate ang highschool at college communities. Mula sa table na ino-okupa nila hanggang sa counter kung saan naroon ang mga nagkakagulong mga estudyante ay nasa mahigit sampung metro pa ang layo. Pero dahil sa lakas ng boses ng mga ito ay malinaw nilang naririnig ang pagtatalo ng dalawang grupo, at malinaw nilang nakikita ang nangyayaring kaguluhan.

"Just because you are rich and this lady is poor doesn't mean you can insult her." It was Marco, the guy she met along with Seann Ventura. Hawak-hawak nito sa kwelyo ang estudyanteng taga-Engineering Department. "Naka-ilang warning na ako sa 'yo pero hindi ka tumitigil sa kayabangan mo."

Ang estudyanteng taga-Engineering Department ay tinabig ang kamay ni Marco, at sa maangas na tinig ay, "Ikaw itong mayabang, Marco Sansebastian. Kayong lahat! Nakikipag-usap lang ako rito pero—"

"I heard you with my own two ears," sabi pa ni Marco. "You insulted her appearance and called her a rat. We were standing just a few feet behind, and we heard everything loud and clear."

Subalit nanlaban ang lalaki at tinulak sa dibdib si Marco na hindi natinag. "Get your hands off me, Marco!"

"Not until you apologize to this lady."

"Kahit sakalin mo ako ay hindi ako hihingi ng tawad. Nakita mo ba kung ano ang itsura ng ngipin ng babaeng 'yan? Pagka-kita kong ngumiti ay nawalan na ako ng ganang kumain—" Naputol ang iba pang sasabihin nito nang pabalya itong itinulak ni Marco. Ang mga kasamahan nitong nasa likuran ay nasalo ito dahilan kaya hindi ito dumiretso sa sahig.

"Wala akong pakialam kung muli akong ipatatawag sa School Counselor's office, pero nakahanda akong paduguin 'yang bibig mo kapag narinig ko pang nagsalita ka, Veloso," ani Marco sa mapanganib na tinig. His eyes slanted in fury.

Sandali niyang inalis ang tingin kay Marco at inilipat sa mga kasama nitong nakatayo ilang dipa sa likuran. Naroon si Seann Ventura at ang tatlo pang mga lalaking nakatayo noon sa entrance door ng cafeteria nang una niyang makilala ang grupo. At sa likuran ng tatlong kalalakihan ay ang babaeng takot na takot ang itsura, mangiyak-ngiyak. Katabi nito ang dalawa pang lalaki na noon lang niya nakita. They were standing there with dark expression on their faces, at parang pader ang mga ito na pumu-protekta sa babaeng inabuso ng estudyanteng si Veloso.

Kinunutan siya ng noo at tahimik na binilang ang mga lalaking nasa grupo ni Marco.

There were seven.

Seven members.

And she wondered...

Isa kaya roon si D.Van?

"Hali ka na, pare," sabi ng kasamahan ni Veloso. Ang mga mata nito'y matalim din. "Lumabas na lang tayo ng campus."

Galit na tinabig ni Veloso ang kamay ng kasamahan na humawak sa balikat nito, saka inayos ang unipormeng polo, bago umismid at tumalikod. Subalit hindi pa man ito nakahahakbang palayo ay muling nagsalita si Marco,

"This is your second warning, Veloso. Alam mo ang mangyayari kapag umabot pa ng tatlo."

Mula sa kinauupuan niya ay nakita niya ang pag-tiim-bagang ni Veloso bago itinuloy ang pag-alis. Humakbang ito palabas ng cafeteria, at walang salitang sumunod naman ang mga kasamahan nito.

Halos lahat ng mga naroon sa cafeteria ay nakasunod ang tingin kay Veloso at sa mga kasama; karamihan sa mga ito ay may hawak na cellular phones at nakatuon ang video recorder sa mga lalaking humahakbang palabas. Nang tuluyang nakalabas ang mga 'bullies' ay nabaling naman ang pansin ng lahat sa grupo ni Marco— sa Alexandros.

Si Marco ay hinarap ang babaeng dinepensahan nito, sandaling kinausap, at pinauna sa linya. Ang mga staff ng cafeteria ay nakangiting hinarap ang babaeng estudyante, at hindi na niya kailangang hulaan pa na pabor sa mga ito ang ginawa ng grupo ni Marco.

"Seems like the seven members of the Alexandros are here."

Napatingin siya kay Stefan nang marinig ang sinabi nito. "Kilala mo sila?"

He shrugged his shoulders. "Mayroon bang hindi? Usap-usapan sila sa buong campus." Kinuha nito ang bottled water sa tabi ng tray at binuksan. Matapos uminom ay saka nito ibinalik ang pansin sa grupo na ngayon ay kausap na ang mga staff ng cafeteria.

"Those guys are the talk of the student community." At doon nag-umpisang itinuro isa-isa ni Stefan ang bawat miyembro.

"That guy, Marco Sansebastian, is the Interim Boss. He's the eldest and the most hard-headed, I would say. Dalawang beses siyang nagpalit ng kurso noon unang taon niya sa kolehiyo. He was taking the Tourism course before transitioning to Business Management. Siya ang tumatayong leader ng grupo kapag wala sa eksena ang Big Boss."

Napa-tuwid siya ng upo. Kilala kaya ni Stefan ang big boss?

"The next one is Kane Madrigal." Itinuro nito ang isang matangkad at pinakamalaki sa grupo na nakasuot ng reading glasses at nakatayo sa pinaka-likuran. Magka-krus ang mga braso sa dibdib at kay seryoso ng mukha. Isa ito sa dalawang lalaking ngayon lang niya nakita. "He's a genius. He used to be a top student, pero simula nang mapabilang siya sa Alexandros ay laging nagbubulakbol. Hindi siya madalas makitang nakikipag-sagupaan pero malaki ang papel niya sa grupo. He's one of the founders."

"And that one standing next to Marco, that's Seann Ventura. He's a rich kid at madalas na palabuy-laboy sa Paris at New York. Kapag walang pasok ay kung saan-saang bansa nagbabakasyon. Kilalang politiko ang nanay niya sa kabilang bayan, at kilala ng halos lahat ng mga guro rito ang pamilya nila. He's untouchable."

That's why, she thought, thinking about that day when Seann went to interrupt Mr. Sanchez's class. Tulog noon si Stefan kaya hindi nito nalaman na naroon si Seann.

"And then, there's Raven Worthwench, ang pinaka-basagulero sa kanilang lahat." Itinuro nito ang lalaking isa sa tatlong nakita niya noong nakaraan. "Laging pumapasok na may pasa sa mukha dahil lahat ng maaangas na lalaking nakakasalubong sa bayan ay sinisita."

Raven... Worthwench? Mukhang tama ang hinala niyang hindi purong Pilipino ang tatlong lalaking iyon.

"Next is Jet Yuroshi— a Japanese exchange student. Siya ang pinaka-tahimik sa lahat pero kapag oras na ng sakitan, asahan mong nangunguna sa pila 'yan kasama si Raven." Sunod na tinukoy ni Stefan ay ang lalaking medyo singkit ang mga mata at blangko ang ekspresyon ng mukha. Tulad ng inasahan niya, he was Japanese. "Ang usap-usapan ay Yakuza boss ang tatay niya sa Japan. Ipinadala lang siya rito sa bansa natin para umiwas sa gulong kinasasangkutan ng grupo ng tatay niya."

Wow... Just like in the movies...

"And then, Blaze Panther." Ang sunod na itinuro ni Stefan ay ang lalaking nag-suplado sa kaniya noong unang beses niyang makilala sina Seann Ventura at Marco Sansebastian. "Just like Seann, nasa Tourism Department din siya. Hindi siya madalas na nakikita sa campus at walang nakaaalam kung pumapasok pa siya sa mga klase niya. Pero kapag oras na ng gulo, hindi siya nawawala. He's also a musician. His family owns the biggest night pub in town where he performs every night."

A mysterious musician... she thought.

"And then, the richest of them all— or probably the richest student here in this school, Grand Falcon." Itinuro nito ang isang lalaking nakatayo katabi ni Kane Madrigal, nakatingin lang din sa mga kasama at tila bagot na bagot sa nakikitang kaguluhan. "His family owns an airline company and chain of hotel and casinos in Asia. He never joins the fistfights pero isa rin siya sa mga founding members ng grupo."

"How did you know about all this info, Stefan?" tanong ni Dani na napukaw ang interes. "Ilang linggo na akong nangangalap ng impormasyon tungkol sa kanila pero wala ako halos nakuha. Karamihan sa mga pinagtatanongan ko ay ayaw magsalita tungkol sa mga miyembro ng grupo; it was as if they're scared to even speak the members' names."

Balewalang nagkibit-balikat si Stefan. "My older sister who used to study here was friends with the group. Naging ka-klase niya sina Marco Sansebastian at Kane Madrigal, that's why."

"Wow, your sister used to be friends with the Alexandros?" sabi naman ni Kaki na kanina pa nakikinig sa kanila. "How badass..."

Si Dani ay napa-dukwang sa mesa upang ilapit ang mukha kay Stefan na bahagyang napa-atras sa pagkagulat. "Ano pa ang impormasyong alam mo tungkol sa kanila?"

Sumandal si Stefan sa upuan bago nagpatuloy. "Hindi magawang i-suspinde ng CSC officials ang grupo sa kabila ng mga ginagawa nila sa ibang estudyante dahil sa tuwing nasasangkot sila sa gulo ay lumalabas at napapatunayan na ipinagtatanggol lang nila ang mga estudyanteng naaapi. Marami ang witness kaya walang laban ang mga nagre-reklamo sa kanila. Isa pa, kaibigan ng ama ni Grand Falcon ang may-ari ng CSC, at kakilala ng ina ni Seann Ventura ang mga propesor. Not to mention, Kane Madrigal's family business is one of the sponsors of the school. In short, tino-tolerate ng school officials ang ginagawa ng grupong 'yan dahil sa mga koneksyon nila."

"Sa nakita ko kanina ay mukhang pinagtanggol lang nila ang babaeng ni-bully ng kabilang grupo," aniya na ang tingin ay muling nabaling sa mga lalaking masaya nang nakikipag-usap sa mga staff ng cafeteria. "Pero nakita ko rin kung ano ang ginawa nila noong nakaraan sa field, at sa tingin ko ay mali ang pamamaraan nila. It's never okay to hurt others."

Sinulyapan siya ni Stefan. "I could tell you're not a fan."

"No, I am not. Si Dani lang ang bilib na bilib sa kanila."

Si Dani ay napa-nguso at minabuting hindi na sumagot.

"But I don't hate them," she added. "I just thought it's better to let the school officials handle this. Wala sa mga kamay ng grupo ng mga lalaking 'yan ang pagpaparusa."

Ayaw niyang banggitin kay Stefan ang tungkol sa pagpapadala ng Boss ng grupo ng mga rosas at maiikling mga sulat.

"Ang sabi ay walang panahon ang school officials para mag-entertain ng mga reklamo tungkol sa bullying," ani Stefan. "The group learned about it, so they stepped up." Bagot nitong ibinalik ang tingin sa grupo. "The students believe that they were the university heroes. They are so amazed by the group's rough ways they even gave them the name Alexandros."

"Bakit Alexandros?" tanong naman ni Kaki.

"It's a Greek word that means Defender of Mankind."

"Defender of mankind," ulit niya. "Ang cheesy, ha?"

Pinong ngumiti si Stefan at ibinalik ang tingin sa kaniya. "I also heard that the leader of the group is the scariest of them all."

Doon napukaw ang interes niya. Napatuwid siya ng upo at salubong ang mga kilay na nagtanong. "Ano ang... alam mo tungkol sa leader nila?"

Stefan shrugged his shoulders and said, "Hindi siya madalas na makikitang kasama ng pito; he has his own little world. Pero ang dinig ko ay siya ang pinaka-paborito ng mga estudyante dahil siya ang nagpasimuno nito."

"Nakita mo na ba ang leader nila?" tanong ni Kaki na tulad niya'y napukaw rin ang interes. "He's called The Boss, right?"

"The Big Boss. And no, I haven't seen him personally, but I know his name. Maladas ay iyang pito lang ang nakikita ko sa tuwing tumatambay ako sa gymnasium. Sa tingin ko ay bulakbol numero-uno ang lalaking iyon at hindi pumapasok sa klase."

"What else do you know about him?" she asked again. And she was only asking because she needed to know the guy who kept sending her those stupid notes and roses.

Matagal bago sumagot si Stefan. "Noong nakaraang taon lang siya lumipat dito sa CSC galing America. I heard he was kicked out of his previous school because he was always involved in a riot, so his parents sent him here. If you didn't know yet, and I don't want to sound bitter, CSC will take the devil itself just as long as it has something to offer. Say, money and connection."

She couldn't agree more.

Nagpatuloy si Stefan. "He's a monster. Kung narinig mo kanina, si Marco ay nagbibigay pa ng warning sa mga bullies. But the Big Boss? Straight to hell. Walang ibang salita. Magigising na lang ang mga kalaban niya sa ospital."

"But he only beat up students who acted like they own the school," depensa ni Dani. "Kung mga basagulero rin na mga estudyante ang tina-target niya ay wala akong nakikitang mali sa ginagawa niya."

Pinong ngumiti si Stefan, and that momentarily stunned her.

"Ang sabi ng iba ay palakaibigan siya at natural na mabait. Hindi siya magugustuhan ng mga estudyante kung hindi. At sikat siya sa college department. Ang ilan sa mga seniors natin ay kilala rin siya. Pero dahil kapapasok lang natin sa CSC, at naging madalang ang pagpapakita niya sa publiko nitong nakalipas na mga buwan, ay wala pa tayong basehan kung ano at sino ba talaga siya. Ang mga impormasyong sinabi ko ay narinig ko lang din sa mga kasamahan ko sa basketball team at sa ate kong naging malapit sa Big Boss."

Sandaling nag-pause si Stefan na tila iniisip ang susunod na sasabihin.

"As you know, this school contains eighty percent of rich kids, at karamihan sa kanila ay matapobre. So, the Big Boss gathered his trusted friends to form a group that would protect the weaklings from bullies, and ensure none of them got exploited. They are basically good guys using prejudicial ways like punching and kicking to teach bad guys a lesson."

"Pero mali ang ganoon," aniya makaraan ang ilang sandali. "Marami namang paraan para turuan ng leksyon ang mga pasaway. Ang pangit lang na dinadaan nila sa dahas ang pagdidisiplina nila."

"Marami rin ang hindi pabor sa ginagawa nila," sabi pa ni Stefan. "But the majority is on their side."

Well, ano'ng laban ng opinyon niya sa majority?

Napa-ismid siya at muling sinulyapan ang grupo. May ilang mga estudyanteng lumapit sa mga ito at nakipag-usap, at karamihan sa mga iyon ay mga babae.

Hindi niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata. Halatang nagbubulag-bulagan ang mga babae sa kung ano ang tama at mali dahil sa itsura at tindig ng grupo. She wouldn't deny the fact that those guys were all good-looking— kahit pa alisin sa usapan ang pera at power na mayroon ang mga ito. They were all made to perfection.

Buti na lang, hindi niya type ang tulad ng mga ito.

Buti na lang at hindi mababaw ang taste niya pagdating sa mga lalaki.

With that in mind, her eyes shifted back to Stefan. Kausap na nito sina Dani at Kaki na patuloy sa pagtatanong tungkol sa Big Boss. At habang kausap ni Stefan ang mga kaibigan niya ay nangalumbaba siya at matamang tinitigan ang mukha nito.

At nang makitang lumingon ito ay mabilis siyang umiwas ng tingin. Ayaw niyang makita siya nitong tulalang nakamasid dito at naghuhugis puso ang mga mata.

At sa pag-iwas niya ng tingin ay nabaling ang kaniyang pansin sa kabilang dako ng cafeteria, sa sulok kung saan walang gaanong nakaupo dahil hindi na abot doon ang lamig mula sa air conditioned system.

At nang mapatingin siya sa direksyong iyon ay kaagad siyang natigilan.

She blinked twice.

And there she realized that her eyes weren't playing tricks on her.

Totoo nga ang kaniyang nakikita.

Sa sulok ng cafeteria ay natagpuan niya ang pamilyar na lalaking prenteng nakaupo sa harap ng mesa kung saan ang mga paa nito'y nakapatong. Ang tingin nito ay nakatuon sa Alexandros habang sinisipsip ang maliit na paper straw ng chocolate drink na nasa tetra pack.

Lihim siyang napa-iling. She had never seen a college student sipping a nursery drink before.

It was none other than the perverted umbrella man.

And he was looking at The Alexandros with a bored look on his face.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top