CHAPTER 007 - Hopeless Romantic


"MAGANDA, MAKINIS, MUKHANG ANGHEL. KULANG LANG TALAGA SA APPEAL," komento ni Dani habang titig na titig sa mukha ni Luna. Naka-upo ito sa harap ng dalaga at nakangalumbaba sa ibabaw ng desk.

Si Luna na nakayuko sa binabasang libro ay umikot ang mga mata. She closed the book and gave Dani a bored look.

"Move on, Dani."

"How, Luna? Ang leader ng pinaka-sikat na grupo dito sa CSC ang dumidiskarte sa 'yo. Hindi ako makapaniwala, kaya papaano akong magmo-move on?"

Si Kaki na nasa tabi ni Luna at nakaupo sa sariling desk ay natawa. Maingat nitong pinupunasan ang reading glasses.

"Their group just started a couple of months ago, at wala pa sa batch natin ang nakakakita sa kaniya," patuloy ni Dani. "He is one of the students here in CSC, for sure. At maaaring nakita ka niya at nagkagusto sa 'yo. I mean, don't get me wrong. You are pretty, pero aminin mong maraming mas maganda sa 'yo at 'di hamak na may sex appeal, 'no. Kaya 'di ko gets."

"Sobra ka na, Dani," si Kaki na natatawa naman.

"Pero totoo naman. At totoong achiever itong si Luna back in middle school, pero lowkey siya nang pumasok dito sa CSC. Hindi siya pansinin. Kahit nga si Stefan ay 'di siya type."

Sa huling sinabi ni Dani ay napa-angat si Luna sa upuan kasunod ng paglingon sa desk ni Stefan. Luckily, he wasn't there. At maingay ang classroom dahil hindi pa tapos ang lunch break.

Ibinalik ni Luna ang pansin kay Dani. "Kailangan bang isampal mo sa akin ang katotohanan na 'yan?"

Doon humagikhik si Dani. "I was so annoyed about you when we first met, thinking na magiging karibal kita sa mga boys. I used to have a crush on Stefan, pero nang makilala ko ang bago kong crush ay binalato ko na siya sa 'yo. Akala ko pa man din ay may pag-asa ka dahil close kayo noong unang araw. 'Yon pala, nganga ka rin tulad ko."

Nakisabay si Kaki sa tawa ni Dani, at wala nang nagawa pa si Luna kung hindi sumimangot. Inis itong humalukipkip at sumandal sa upuan.

Si Dani ay tumigil sa pagtawa at dumukwang. "Pero hindi pala pang-varsity player ang beauty mo 'day. Pang frat leader." Itinaas ni Dani ang mga palad at inihawak sa mukha ni Luna. "You are such a lucky girl."

Tinabig ni Luna ang kamay ni Dani. "Stop it. Hindi ako interesado kung sino man ang lalaking iyon."

"Kahit mas pogi kay Stefan?" ani Kaki na inisu-suot na ang salamin. "Hindi lang ako nagpahalata kanina, pero natulala rin ako sa itsura nina Marco at Seann. Iyong tatlong nasa entrance door kanina ng cafeteria, mga simpatico rin. And those three look like half-blooded; mukhang Hapon pa nga ang isa. So, kung pogi ang mga members, siguradong pogi rin ang leader." Dumukwang din ito sa desk ni Luna at bumulong. "Why don't you give it a try?"

Nagpakawala nang malalim na paghinga si Luna. "Pagagalitan ako ni Daddy kapag nalaman niyang inuuna ko ang pakikipag-relasyon kaysa sa pag-aaral. I don't want to disappoint my parents."

"Pero 'di ba, pwede ka nang magpaligaw pagdating mo ng eighteen?"

"Still."

"Come on." Si Dani ay tumayo at tumabi sa kaniya upang dukutin sa ilalim ng desk niya ang rose na ini-abot kanina ni Seann. "Kanina ko pa hinihintay na basahin mo ang note na ipinadala niya this time. Give up mo na si Stefan at dito ka kay D. Van mag-focus. Mukhang mas exciting 'to. At isipin mo, ha? Kapag naging syota mo siya, you will be popular at paniguradong walang mambu-bully sa 'yo rito sa school."

"Gosh, Dani, I could be popular if I want to. I have the skills to be one, but I would rather not."

Tumango si Kaki sa pag-sang-ayon. Si Dani ay umikot ang mga mata paitaas.

"At hindi ko kailangan ng tulad ng The Alexandros na 'yon para protektahan ako sa mga bullies. Besides, sino ba ang mambu-bully sa akin? At kung mayroon man, I can protect and defend myself." Sinulyapan ni Luna ang rose na hawak ni Dani. Tulad noong nakaraan ay may nakatali na namang papel na naka-rolyo sa stem niyon. "At kanina ko pa gustong itapon 'yan pero ang kulit mo."

"Basahin mo naman muna kasi bago mo itapon."

"No. Walang silbi kahit basahin ko pa."

"Eh 'di ako na ang magbabasa." Hindi na hinintay pa ni Dani ang sagot ni Luna. Muli itong naupo sa hiniram na upuan sa katapat na desk ni Luna at maingat na inalis ang naka-rolyong papel sa stem ng bulaklak.. Makaraan ang ilang sandali ay dahan-dahan na iyong binuklat ni Dani; tumikhim, saka nag-umpisang magbasa.

Luna,

My closest friends call me 'Boss'.

But most of my acquaintances call me by my name.

And since you don't know my name yet,

would you like to call me 'babe'?

(Signed by)

D-Van

"Yuck." Luna cringed at the cheesy lines. Ini-kiskis nito ang mga palad sa magkabilang braso. "Itapon mo na nga 'yan, nakakasura."

Si Kaki sa tabi ay napahagikhik.

"OA nito." Umirap si Dani at tinupi ang note. "Kung ayaw mo ng mga notes na ito ay ako ang magtatabi. Hingin mo na lang sa akin kapag nahulog ka na rin sa kaniya."

"Kahit ipamana mo pa 'yan sa mga apo mo, Dani. I don't care about those letters." Tumayo si Luna bitbit ang hygiene kit nito. "Class starts in ten minutes. Toothbrush lang ako."

Nakangusong sinundan ng tingin ni Dani ang kaibigan, habang si Kaki naman ay kinuha ang note at muling binasa.

Then, Kaki giggled and said, "Ewan ko, ha? Pero ang cute ng message na 'to."

"'Di ba?"

Ang hagikhik ni Kaki ay nabitin nang mapatingin ito sa pinto at makita ang biglang paghinto ni Luna sa harap.

Stefan was entering the classroom, at muntik nang magkabanggan ang dalawa.

Siniko ni Kaki si Dani sabay nguso sa direksyon ni Luna. Nanlaki ang mga mata ni Dani, at ang dalawa ay nagmatiyag.

"Hey," Stefan greeted with a light smile on his face.

"H-Hey," utal na tugon ni Luna.

"You okay? Namumula ang pisngi mo."

"H-Huh? Talaga?"

Itinaas ni Stefan ang kamay at sa pagkamangha nina Kaki at Dani ay dinala iyon ng binata sa pisngi ni Luna. "Wala ka namang lagnat."

"I—I'm fine." Luna's face flushed all the more. "T-Thank you for your concern..."

Stefan lowered his hand over Luna's shoulder and tapped her there. He smiled, and without another word, he walked in and went to his seat.

Sina Kaki at Dani ay nagkatinginan.

"Ano sa tingin mo?" bulong ni Dani.

"He's nice and all, but he obviously doesn't have a thing on her."

Itinaas ni Dani ang kamay at nakipag-appear kay Kaki. It was so rare for the two to agree on the same thing, but they did just now:

Dahil parehong alam ng dalawa na walang pag-asa si Luna kay Stefan.

*

*
*

"The Great Depression of the thirties remains the most important economic event in American history..."

Mataimtim na nakikinig si Luna habang binabasa ng guro nila ang leksyon sa Economics nang araw na iyon.

Iyon ang huling klase nila sa hapon, kaya ang ilan sa mga ka-klase nila ay wala nang ganang makinig sa guro at atat nang magsipag-uwian. It was Friday and everybody was excited for the weekend. Kahit siya ay excited na rin dahil uuwi siya sa kanila. Sinabi ng mommy niya na gumawa ito ng paborito niyang brownies, and oh she couldn't wait!

Ibinalik niya ang pansin sa leksyon. Nakararamdam na rin siya ng antok pero malapit na ang exam kaya kailangan niyang magsipag sa pagno-note ng mga pointers. Kahit hindi siya nakikipag-kompetensya upang mapabilang sa honor roll ay kailangan pa rin niyang pagbutihan ang pag-aaral. She owed that to her parents.

Napatingin siya kay Kaki na nakaupo sa kaniyang tabi. Kaki was listening intently to their teacher, at tulad niya'y nagno-note rin. Si Dani naman na nasa unahan nila ay naka-ilang beses nang humikab, and she couldn't help but smile at her friend.

"Good afternoon, and sorry to intrude."

Napahinto sa pagbabasa ng lesson ang guro nila nang may nagsalita sa nakabukas na pinto ng classroom. Natuon ang pansin ng lahat doon.

It was someone from the college department - a tourism student. Kinunutan siya ng noo. At nang makilala kung sino iyon ay pinanlakihan siya ng mga mata.

Oh no.

It was the guy with the name 'Seann'.

Sa nanlalaking mga mata ay sinulyapan niya ang guro. Knowing their Economics teacher, he would surely burst in anger. Nagagalit ito kapag naaabala ang klase.

And she was hoping to see the annoyance on their teacher's face, but instead... there was fondness.

Nakatingin na rin ito kay Seann, may ngiti sa mga labi.

"Good morning, Mr. Ventura. How may I help you?"

Ha?!

"I'm great, Mr. Sanchez. Mom's looking forward to seeing you at the party this weekend."

"Oh, I will be there for sure. Please say Hi to Mrs. Ventura for me."

Mangha niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang magkausap. Kahit ang mga kaklase niya'y kapareho ng reaksyon sa kaniya. They could not believe how fondly Mr. Sanches was treating the guy. It was as if he was talking to his grandson. At namamangha sila dahil kilala nilang istrikto at laging nakabusangot ang matandang guro.

"So, what brought you here?"

Naibalik niya ang tingin kay Seann at nakita ang pag-suyod nito ng tingin sa paligid. At nang huminto ang mga mata nito sa kaniya ay para siyang pagong na biglang napa-uklo. Alam niyang huli na para magtago, pero hiling niya'y mapansin ni Seann na hindi siya komportable sa presensya nito kaya niya ginawa iyon.

But then, she could only hope.

Dahil malapad na ngumiti si Seann, magalang na nagpaumanhin kay Mr. Sanchez, saka humakbang pa patungo sa kaniya.

"Oh, God." Dumagundong ang dibdib niya sa kaba habang sinusundan ng tingin ang paglapit ni Seann sa desk niya. Ang lahat ng naroon sa classroom ay nakasunod din ang tingin dito.

Then, Seann Ventura stopped in front of her. And with a wide smile on his handsome face, he said,

"Hi, Miss Luna Isabella. You look pretty today."

Hindi siya makasagot sa sinabi ni Seann, dahil kung pipilitin niya'y baka masasamang salita lang ang lumabas sa kaniyang bibig. At ayaw niyang magmatapang sa harap ni Mr. Sanchez at ni Stefan—

Oh, no!

Nang maisip si Stefan ay payuko siyang lumingon. At hindi niya alam kung madidismaya o matatawa nang makitang naka-yuko ito sa desk at tulog!

Ibinalik niya ang tingin kay Seann Ventura, at sa kaniyang pagharap ay kaagad na bumaba ang kaniyang tingin sa ini-abot nitong rosas.

The same yellow rose with a note tied around the stem. Tiningala niya ito at sa kontroladong tinig ay, "Sinabi ko nang—"

"Sinabi ko rin sa kaniya, but The Boss is a persistent man." He shrugged, grinning. "It would put a smile on his face if you accept this and read the note."

"Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagpapagod na pumunta rito para lang dalhin 'yang bulaklak at note. Masyado kang nagpapaalipin sa boss ninyong... baduy." Pabulong niyang sinabi iyon, subalit dahil tahimik ang paligid ay siguradong narinig siya ng karamihan sa mga ka-klase niya. But only Kaki had the guts to laugh at her remarks. Si Dani na nakaupo sa kaniyang unahan at nakalingon kay Seann nang may pagkamangha.

"Walang nagpapaalipin sa kaniya," nakangiti namang sagot ni Seann. "We are in a brotherhood, and we support each other in many ways. This is my way to show my support for him."

Hindi na siya nakasagot pa nang ilapag ni Seann ang hawak sa desk niya.

"Simula nang makilala ko siya ay ito pa lang ang unang beses na nagpakita siya ng interes sa babae. You are lucky— he is so into you."

Bahagya na niyang narinig ang bulungan mula sa mga kaklase niya.

"Besides, papunta rin talaga ako rito sa high school department building. I have to speak to one of the faculty staff."

Huminga siya nang malalim. Wala na siyang ibang gustong mangyari sa mga sandaling iyon kung hindi ang umalis si Seann Ventura nang sagayon ay mawala sa kaniya ang pansin ng lahat.

"Fine," aniya. "Kapag ba binasa ko ang note ay aalis ka na?"

Tulad noong nakaraang araw ay hindi na naman mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Seann. "Nah, it's fine. I'll leave now."

Bago pa siya makapagsalitang muli ay tumalikod na si Seann at lumapit kay Mr. Sanchez. Bahagya na niyang narinig ang muling pag-uusap ng mga ito dahil ang kaniyang pansin ay natuon na sa rosas na nakapatong sa ibabaw ng notebook niya.

Ang nakarolyong puting papel ay nakatali sa manipis na sinulid. The paper was thicker than the previous ones, at naisip niyang baka mas mahabang sulat naman ang naroon sa pagkakataong iyon.

"Uyyy... College hotshot ang manliligaw..."

Napakurap siya at muling nagtaas ng tingin nang marinig ang panunukso ng isa sa mga kaklase. Bago pa niya mapagtanto kung sino iyon ay may isa namang nagsabi na ang 'haba raw ng buhok' niya, at nasundan pa ng ilang panunukso mula sa iba.

She felt her face turn red.

Napayuko siya sa kahihiyan.

"Can I have a look at the note, Miss Castillo?"

Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Mr. Sanchez sa kaniyang tabi. Nagulat siya sa bilis ng paglapit nito. Wala na sa anyo nito ang ngiting iginawad kay Seann Ventura na tuluyan nang nakaalis.

"C-Certainly, Sir."

Dinampot nito ang bulaklak at dahan-dahang kinuha ang naka-taling note. Labis-labis ang kaba at kahihiyang naramdaman niya nang malakas na basahin ni Mr. Sanchez ang sulat.

'Hear my soul speak:

From the very instant that I saw you

did my heart fly at your service,

there resides to make me slave to it,

and for your sake

Am I this patient log-man.

Mr. Sanchez paused with a frown.

Siya naman ay naitapik ang kamay sa noo.

Ang binasa ni Mr. Sanchez ay ilan lamang sa linya ng isang karakter sa isang play na ini-sulat ni William Shakespeare na may pamagat na The Temptest. It was one of her favorites, so she instantly recognized the lines.

Pero hindi pa roon nagtatapos ang note. Dahil nagpatuloy si Mr. Sanchez na lalong nagpadagdag sa kahihiyan niya.

"My soul has been charmed by you. Please allow me to get to know you more, Luna Isabella Castillo."

Tuksuhan ang mga kaklase niya nang ibaba ni Mr. Sanchez ang note matapos iyong basahin.

"Your suitor has a classic way to confess his feelings, eh?" ani Mr. Sanchez saka umiling at bumalik sa harapan. "OK, class. Let's continue."

Nanlulumo siyang napa-uklo sabay hablot sa rose at ini-suksok sa ilalim ng kaniyang desk. Akma na rin sana niyang kukunin ang note upang punitin nang naging maagap si Dani na nakaupo sa kaniyang harapan.

Dani grabbed the note and hid it in his pocket.

"Dani..." she hissed, glancing at Mr. Sanchez who was now busy looking for the next page of the book.

Dani looked over his shoulder, and with a grin on his face, he said, "One day in the future, I will give all these notes to your children. Sasabihin ko kung papaano nanligaw ang tatay nila sa nanay nila."

Si Kaki sa kaniyang tabi ay bumungisngis, habang siya naman ay hindi na nagawa pang sumagot nang mag-umpisa nang magpatuloy na sa klase ang kanilang guro.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top