CHAPTER 005 - The Mysterious Man
NAGSALUBONG ANG MGA KILAY NIYA. Paano nalaman ng lalaking ito ang pangalan niya?
"Are you here to stalk me?" tanong pa nito; ang ngisi'y abot hanggang tainga.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"I asked first."
Itinaas niya ang noo. "I am not here to stalk you. Napadaan lang ako at nakita kita. And I followed because..."
"Because...?"
Bakit nga ba?
Humugot siya nang malalim na paghinga bago muling itinaas ang noo. She then opened her mouth to say something but closed it again when no words came out. Hindi niya mahanap sa isip ang tamang sagot. Kahit siya ay nagtaka kung bakit siya naroon at sinundan ito.
Nang wala pa ring maisip na sagot ay minabuti niyang tumalikod na lang at umalis. Pero hindi pa man siya naka-i-ilang hakbang ay muli niyang narinig ang tinig nito.
"Hey, I need to know something."
She stopped and looked over her shoulder. Nakita niyang muli na itong nakatayo, ang mga kamay ay nanatiling nakasuksok sa magkabilang mga bulsa, at ang ngiti'y nakapaskil pa rin sa mga labi.
"You aren't using those spandex shorts anymore, are you?"
Buhat sa sinabi nito'y napasinghap siya nang malakas. Bigla siyang nakaramdam ng matinding inis sa pagpapaalala nito tungkol sa bagay na iyon. Lumingon-lingon siya at naghanap ng kung anong mahahablot para ibato rito. Subalit wala siyang mahanap na kahit ano roon maliban sa mga nagpatung-patong na sirang desks at boxes.
Narinig niya ang malakas na pagtawa ng lalaki. "I guess you still are."
Muli siyang humarap at tinapunan ito ng masamang tingin. "Sinagot ko na ang tanong mo kanina. Ngayon ay ang tanong ko naman ang sagutin mo. Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Tumigil sa pagtawa ang lalaki at sandali siyang pinagmasdan bago nakangiting nagkibit-balikat. "I'm not telling you. Besides, hindi mo rin sinagot nang buo ang tanong ko."
She leered at him and turned her back again. "Well I guess ikaw itong ini-i-stalk ako. Hindi mo malalaman ang pangalan ko unless sinusundan mo ako. Kung ang tungkol ito sa payong mo na gusto mong bawiin, well sorry to say dahil nawala ko na. Nilagay ko sa locker at nang balikan ko kinabukasan ay wala na. Pero kaya kong bayaran iyon, so just let me know how much you need and I—"
"Nah, don't worry about it. I don't need any payments; I have enough money to buy myself a hundred of those."
Napa-ismid siya sa kayabangan nito. "Kung ganoon, bakit mo ako ini-i-stalk?"
"I never did."
"Eh papaano mo nga nalaman ang pangalan ko kung hindi?"
"I know someone who knows everyone. Besides, madali kang mag-marka dahil isa ka sa mga top students ng batch mo. You are somewhat popular."
"No, I am not." Kumunot ang noo niya. "I was never popular; I always try to be lowkey since day one, kaya h'wag mo akong bigyan ng ganiyang sagot."
Lumapad ang pagngisi nito.
"Hinanap mo siguro ako sa high school department kaya mo nalaman ang pangalan ko. Kung hindi dahil sa payong sa pinahiram mo noong araw na iyon, sabihin mo kung bakit at kung ano ang kailangan mo."
"Hmmm." Nagkunwari itong nag-iisip. At sa sandaling katahimikang iyon ay nagawa niya itong suriin nang maayos.
Hindi maulan at hindi rin malamig pero nakasuot ito ng topcoat na wari'y nasa isang malamig na bansa. He was wearing his uniform under that coat, and that irritating diamond stud earring was still there.
At kung noong una'y namangha siya sa gandang lalaki nito, ngayon ay para itong siling ini-kiskis sa mga eyeballs niya. Kay hapdi sa mga mata.
"How about you give me your number?"
"Ha?" Literal na umawang ang bibig niya.
"I'm asking for your number so I could ask you out for a cup of coffee sometimes."
Sandali siyang natulala sa pagkamangha bago siya napa-ismid. She crossed her arms across her chest and said, "How old are you?"
"Does age matter?"
"It does. Dahil seventeen lang ako at siguradong hindi ka na minor tulad ko. If you plan on hitting on me, I'm warning you— my parents will sue you for child abuse."
Natahimik ito.
Subalit sandali lang.
Dahil makalipas ang ilang sandali ay bumulalas ito ng tawa na ikina-inis niyang muli.
At nang makabawi ay natatawa itong nagsalita, "Wow. This is the first time I asked for a woman's number, and I got nothing but a warning in return. You are something else, Luna Isabella Castillo."
She used to love her name, pero ngayon ay napipikon siya kapag naririnig niya ang pangalang binabanggit ng lalaking kaharap.
"I'm twenty-two, turning twenty-three in a few months time," the guy added after a while. A gentle smile broke his face. "And I know that your birthday is coming up. You will turn eighteen in two months. Legal na 'yon at pwede nang ligawan."
Muli siyang kinunutan ng noo. "Kahit ang birthday ko ay alam mo. Talagang ini-stalk mo ako!"
"I asked around, but I never followed you. So technically, I wasn't stalking."
"Same thing!" Umatras siya, biglang nabahala sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Definitely not. Because you never felt my presence around you. I never made you feel upset, anxious, or scared for your safety. I never followed you. But you did just now. And at this point, you're the one who's stalking. So... " His grin widened, his chinky eyes sparkled in delight. "Why did you follow me here, Luna Isabella?
"Sinundan lang kita rito dahil nagtaka ako sa kung ano ang ginagawa mo! You looked suspicious!" Oh, she had no idea why she was shouting. At hindi rin niya alam kung bakit kay daling painitin ng lalaking ito ang ulo niya!
"At ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" tanong nito, nakangisi pa rin.
"Skipping class! Tulad ng ginawa mo noong unang araw ng klase!"
The guy chuckled again and said, "Why did it concern you?"
"Dahil maraming estudyante ang hindi nakakapag-aral kahit gustuhin nila, maraming estudyante ang nagsusunog ng kilay para manatiling maganda ang grado nang sagayon ay hindi matanggalan ng scholarship. Samantalang ikaw ay heto." She gave him a disgusted glare. "I could easily tell you are someone who came from a prominent family. Being rich must have gave you the right to act high and mighty. Siguro ay iniisip mo na por que may pera ka ay pwede ka nang lumabag sa batas ng paaralang ito. I remember the first time we met, you reminded me about the university's tardiness policy. That was such a hypocrite thing to say lalo kung ikaw mismo noong araw na iyon ay nagsi-skip class, don't you think? Gusto mong sumunod ang ibang mga estudyante sa handbook samantalang ikaw ay lumalabag din naman sa batas." She sneered before adding, "Rich people have double standards and it's so disgusting."
Ang ngisi ng lalaki ay napalitan ng pinong ngiti. May kung anong dumaan sa mga mata nito. Something like... amusement and adoration.
And it cringed her.
"So, may pinaglalaban ka rin."
Rin?
"Not only do you have a nice pair of legs, but you are also an advocate of equality. Gosh, you are an interesting lady."
"And you're a perv!"
Bumalik ang nakalolokong ngisi sa mukha ng lalaki. "Don't blame me, blame the wind."
Oh! Muli siyang naghanap ng maibabato rito. Nagpalingon-lingon siya, at nang makakita ng sirang white board sa tabi ng mga nakapatong na desk ay nilapitan niya iyon at dinampot. Muli niyang hinarap ang lalaki, at akma sanang ibabato ang hawak sa direksyon nito nang makitang tumalon pababa ng konkretong bakod ang lalaki at nakapamulsang naglakad patungo sa kaniya.
Bigla siyang nakaramdam ng panic. Napa-atras siya.
"Do you plan to hit me with that?" he asked with a grin on his face, eyeing the thing she was holding.
"I will hit you with this kung patuloy kang lalapit sa akin."
"Tsk. Hindi bagay sa 'yo ang maging bayolente."
"Wala akong pakialam sa opinyon mo." Muli siyang umatras.
Ngumisi pang lalo ang lalaki nang makita ang pag-atras niya. "You have such a feminine name, but your personality is... too masculine."
"Kung makapagsalita ka'y parang kilala mo na ako." Ibinato niya ang hawak sa pinagkuhaan at nakataas ang noong muling nagsalita. "Hindi ko alam kung bakit inalam mo ang pangalan ko, pero sana ay tigilan mo na ang pag-alam ng ilang mga impormasyon tungkol sa akin. Otherwise, I will consider you a stalker and report you to the School Counselor."
Balewalang nagkibit-balikat ang lalaki.
Muli siyang umatras."My father is also a lawyer, so I could easily file a complaint against you should you start bothering me."
Doon ito huminto, lalong ngumisi. "Nakalimutan mo bang ikaw ang lumapit at sumunod sa akin dito? At kung hindi mo ako tinawag ay wala sana ako ngayon dito sa tapat mo. So, sino sa ating dalawa ang stalker?"
Ibinuka niya ang bibig upang sagutin ito, pero hindi niya alam kung ano ang isasagot.
May punto ito—siya ang sumunod doon. Na kung hindi siya nag-ingay ay wala sana ito sa harapan niya at hindi sana sila nagsasagutan.
At dahil wala na siyang maisagot pa rito at inirapan na lamang niya ito at tinalikuran. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ay muli niyang narinig ang tinig nito.
"Oh, and by the way. I named my cat after you. Her name is Bella."
Lalong nadagdagan ang inis niya, pero hindi na niya pinatulan pa ang lalaki at nagpatuloy na lang siya sa paglayo.
"See you around, Luna Isabella!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top