CHAPTER 004 - Alexandros and Bella
"YOU WERE a champion swimmer and a volleyball captain back in middle school?!" nanlalaki ang mga mata sa pagkamanghang bulalas ni Dani nang makalabas sila sa Sports Club room matapos ang registration. Naunang natapos ang mga ito at dinaanan siya sa registration area ng Sports Club kung saan mahaba ang pila. At inabutan siya ng mga kaibigang ipinakikilala ang sarili sa lahat.
"Yeah," maiksi niyang tugon, patuloy sa paghakbang sa footwalk pabalik sa main building.
"Maliban sa pagiging champion debater and orator ay nag-e-excel ka rin sa sports. Is there anything you can't do?" mangha pa ring sambit ni Dani.
Ngiti lang ang ini-sagot niya rito. Nalaman ng lahat sa klase na naging champion debater din siya noong middle school nang banggitin iyon ng English teacher nila isang araw. Everyone was in awe, they never expected her to be someone who had achieved a lot. Bakit? Dahil sa nakalipas na dalawang buwan ay nanatili siyang tahimik sa klase at hindi nakikipagkompetensya sa mga matatalinong kaklase lalo kay Kaki.
She knew that she and Kaki were on par when it comes to their level of intelligence. Pero dahil nais niyang maging top student si Kaki sa class nila ay nagpaubaya siya. She thought Kaki needed the highest spot more than she did. Kailangan iyon ng kaibigan para sa scholarship.
"Alam naming matalino ka, pero hindi namin inakalang top student ka sa pinanggalingan mong middle school," bulalas muli ni Dani. "On top of that, achiever ka rin sa maraming bagay. Like come on, is there anything you can't do?"
"Syempre naman, 'no. Nobody's perfect. Hindi ako marunong magluto at parehong kaliwa ang mga paa ko. Hindi rin ako magaling sa fashion tulad mo. Because gosh, I wish I could dress flamboyantly like you, Dani. You are such a trendsetter!" Then, she turned to Kaki and smiled at her. "At hindi ako magaling sa baking tulad ni Kaki; kahit simpleng cookies nga na ginagawa ko sa bahay namin ay laging palpak; kasing tigas ng granite na ewan ko ba."
"Pero loko ka, lahat ba ng activities sa school ninyo noon ay sinasalihan mo?"
"Not all, but most of them. I have very supportive parents kaya sinubukan ko ang lahat ng alam kong kaya ko. And I didn't have friends, either, so I just spent my life in middle school studying and playing sports with my little brother."
Pumalatak si Dani sabay iling. "What else did you do back then? Did you also join a beauty contest or some sort?"
Tumango siya. "I joined last year and won."
Halos matapilok ito sa narinig. "What the heck are you? Miss Perfect?!"
Si Kaki ay natawa sa naging reaksyon ni Dani. "Bakit ba gulat na gulat ka, Dani? Luna is tall and pretty; hindi na nakapagtatakang sumali siya sa mga ganoong patimpalak dahil maliban sa physically qualified siya ay matalino at confident din. Sometimes I really wish I could be like her..." Kaki pouted and jokingly sneered at her.
Natawa siya sa naging ekspresyon ni Kaki. Nilapitan niya ito at inakbayan. "You are beautiful, too, Kaki. H'wag mong iisiping nakalalamangan sa 'yo ang iba just because you didn't have what they have. Isipin mong hindi rin sila perpekto, at tulad ng lahat ay may puwang din silang nararamdaman sa kanilang dibdib."
"Kuuu, hayan na naman siya sa mga words of wisdom niya," pambubuska ni Dani sabay ikot paitaas ng mga mata.
She and Kaki just chuckled and said no more.
"But you are really amazing, Luna," ani Kaki makaraan ang ilang sandali. "Halos nasa iyo na ang lahat, kaya hindi ako magtataka kung babaha ang mga manliligaw mo rito sa CSC."
Si Dani ay humagikhik at kumunyapit sa braso niya. "I don't think may manliligaw rito kay Luna. She may be pretty, but she has this cocky look on her face na kinatatakutan ng mga lalaki. Alam mo 'yong lalapitan pa lang eh naka-taas na ang kilay at mine-measure na ang lebel ng katalinuhan ng lalaking kakausap sa kaniya? She always look at people from head to toes before speaking to them, silently scrutinizing them, na parang tinitingnan kung may ibubuga ba o ano."
Natawa si Kaki sa sinabi ni Dani, habang siya naman ay napasinghap at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Wala siyang ideya na ganoon ang impresyon ng mga ito sa kaniya!
Well... Nasanay siya sa daddy niya na laging ino-obserbahan ang mga taong kaharap, sizing them up, and reading the expression on their faces. Her father was a lawyer, and it was part of his job to observe, that's why. As for her, dahil nasanay siya sa ama, ay naging habit na sa kaniyang suriin ng nananantiyang tingin ang mga taong kaharap.
She had no idea it drove people away, most especially men. Not that she cared, really. But the knowledge surprised her.
Kaya pala sina Dani at Kaki lang ang naglakas-loob na kaibiganin siya?
"Isa 'yon sa mga dahilan kaya kita nilapitan noong unang araw," ani Dani. "I hated how you look at each of us as if you were sizing us up. Like, who the hell are you to stare at us that way?"
Natawa siya at siniko ito. "It was just a habit, it didn't mean anything!"
"At si Kaki ay nilapitan ka lang noong araw na iyon dahil obligado siyang gawin. Kung hindi mo napiling tumabi sa kaniya ay hindi ka rin kakausapin nitong si Pretty Betty, ano. At wala ring lalapit sa kaniya maliban sa 'yo kasi she's a weirdo."
"Eh bakit kinaibigan mo rin ako?" taas-kilay namang tanong ni Kaki kay Dani.
"Well, you're smart. And I like smart people."
Kaki scoffed and pinched Dani's blushing cheek. Tumili ang huli at nag-umpisang hilahin naman ang naka-bun na buhok ng isa. At dahil nasa gitna siya ng mga ito'y naipit siya sa muling kulitan ng dalawa.
Kaya pinakawalan niya ang sarili at umatras. The two continued messing with each other's faces, and she followed them, chuckling.
Malapit na nilang marating ang main high school building, at naglalakad sila sa harap ng facade kung saan maraming mga estudyanteng kasalukuyang tumatambay. Sa gilid ng daan ay may nakakasabay silang high school at college students.
Natuon ang tingin niya sa field kung saan may mga naglalakihang puno ng acacia na pumu-protekta sa mga estudyante mula sa init ng araw. Ang mga estudyanteng naroon ay nagbabasa ng libro at magazines, ang iba'y tamang tambay lang, at ang iba'y tumitipak ng gitara sa harap ng mga kasama.
Dahil club registration day ang araw na iyon ay walang pasok sa unang klase, dahilan kaya nasa labas ang halos lahat ng mga estudyante at nagpapalipas ng oras. Sigurado siyang ang iba'y nasa library at caferia sa mga sandaling iyon.
"Oh my gosh, what's happening there?" ani Kaki na huminto sabay turo sa field.
Nahinto rin sila ni Dani at sinundan ng tingin ang kumuha ng pansin nito.
Sa kabilang bahagi ng field, halos dalawampung metro ang layo mula sa kanila, ay may mga college students na nagkakagulo. Nagsusuntukan ang mga ito sa ilalim ng arawan habang ang ilang mga college at highschool students na nakapaligid ay nag-uunahan sa pagkuha ng video gamit ang mga cellphones ng mga ito. They were all enjoying the riot.
Nakita niya kung paanong halos duguan na ang mukha ng tatlong lalaking nakasuot ng Tourism uniform. Samantalang ang mga Business Management students na kalaban ng mga ito ay parang halos hindi man lang nagagalusan. At hindi niya maintindihan kung bakit wala ni isa sa mga estudyanteng naroon ang nagtangkang umawat sa mga ito.
"Oh geez, are they the Alexandros?" Nasa tinig ni Dani ang excitement na ikina-kunot ng noo niya.
"Alexandros?" she asked.
Hindi kaagad na-sagot ni Dani ang tanong niya nang makita nilang hangos na dumating ang dalawang guwardiya ng university. Sumigaw ang mga ito bilang warning na narinig din ng mga nag-aaway kaya nagsipag-tigil.
"What took those guards so long?" sabi ni Kaki, nasa mukha din nito ang pag-aalala para sa mga Tourism students na napuno ng pasa at sugat ang mga mukha.
Nakita nila kung papaanong pinaghiwalay ng dalawang guwardiya ang dalawang grupo at binigyan ng warning. Ilang sandali pa'y pinauna ng mga ito na maglakad ang mga estudyante at sinabihang mahinahon na pumunta sa School Counselor's office.
"Who are those guys, Dani?"
"Oh, the Alexandros?" Nagniningning ang mga matang hinarap siya ng kaibigan. "They are the famous fraternity group in CSC. There are only eight members and half of them are from the BM department. Itinatag nila ang grupo to protect the bullied students. I heard that the Disciplinary Coordinator who was supposed to lead the implementation of the school's Code of Conduct and Disciplinary Policy was too busy with meetings and seminars na hindi na nito halos napapansin ang mga ganitong issues sa mga estudyante nila. That's why the Alexandros stepped up, inako nila ang pagdidisiplina sa mga nambu-bully sa school. They're just basically protecting the weak, pero naging kilala sila bilang basagulero dahil kahit ang ilang mga guro ay binabangga."
"You've done your homework, huh, Dani?" Kaki said, mocking.
Kinikilig na tumili si Dani. "Eh kasi naman! Maliban sa magagandang mga lalaki at galing din silang walo sa... alam niyo na. Kilalang pamilya. One of them is actually a mayor's son– and a running governor. Isa naman sa kanila ay galing sa pamilyang nagma-may-ari ng isang malaking airline company. One of them has a father who is known as an oil magnet in the US, and one has a father who is a business tycoon in the country. Malalaking pangalan, mga beshies. Pero hindi tulad ng ibang anak-mayamang mayayabang, these men– the Aelxandros– are a good bunch of people."
"Says who?" si Kaki.
"Sabi mo nga, I've done my homework." Ngumisi si Dani. "Girls, sila 'yong tipong nakikita ni'yo lang sa mga movies at nababasa sa mga novels!"
"Pero sa tingin ko ay mali pa rin ang ginawa nilang pambu-bugbog bilang paraan ng pagdidisiplina."
Nalipat ang tingin ng dalawa sa kaniya nang marinig ang sinabi niya.
"Rich people nowadays think they have the right to do whatever they want just because they have money, power, and a popular family name to back them up." She grimaced and continued to walk. "It sucks to be around those kinds of people."
Tumango si Kaki at walang salitang sumunod sa kaniya.
Si Dani ay humabol sa kanila at hinawakan sila sa mga braso. Pumagitna ito sa kanilang dalawa ni Kaki. "Oh, come on, you two. Ang importante ay sa inaapi kumakampi ang Alexandros, at iyong mga totoong basagulero't mga bullies lang ang tina-target nila. Kung wala sila, sino ang didisplina? Just look at the brighter side."
Sabay na umikot paitaas ang mga mata nila ni Kaki.
"I'll investigate kung ano talaga ang nangyari, para mapatunayan ko sa inyo na ginagawa lang nila ang tama para sa mga estudyanteng kinakawawa rito sa school."
"Ginagawa lang nila kung ano ang sa tingin nilang tama," sabi pa niya. Para sa kaniya ay wala pa ring karapatan ang mga lalaking iyon na manakit ng mga kapwa estudyante; nasa tama man o mali ang dahilan.
Si Dani ay napa-nguso, pero ilang sandali pa'y muling nagningning ang mga mata nito at patuloy na ibinida ang mga idolo. "Well, ang narinig ko'y mababait naman ang lahat ng miyembro at palakaibigan. I know the names of at least four of them, at masasabi kong pawang magagandang salita ang narinig ko tungkol sa kanila. At heto pa, ha? All the members of Alexandros are martial arts experts; some are blackbelters. They also excel in different kinds of sports and are academically intelligent. Ang problema lang ay panay ang pagliban nila sa klase at hindi pinapasukan ang mga classes kapag hindi nila trip ang professor."
"Sounds like typical spoiled rich kids to me," tuya ni Kaki.
Muli ay nagtalo na naman ang dalawa dahil sa magkaibang opinyon ng mga ito. Ilang sandali pa ay nauwi ang pagtatalo sa ibang direksyon; nag-umpisang buskahin ni Dani ang fashion choice ni Kaki, habang si Kaki naman ay binuska ang sobrang tamis na amoy ng perfume na gamit ni Dani.
She just listened and laughed at the disagreement; tuluyan na ring nawala sa isip ang tungkol sa grupong tinawag ni Dani na Alexandros.
Malapit na nilang marating ang high school building nang mapasulyap siya sa katabing gusali; ang Literature building ng college department. It was as if something was urging her to turn her head into that certain direction.
At nahinto siya nang may makitang pamilyar na bulto, nakatayo sa sulok malapit sa concrete wall na pumapaligid sa university solar. Tila ito may hinahanap.
She frowned.
Kilala niya ang lalaking iyon. Hindi siya maaaring magkamali.
Mula sa kinatatayuan niya hanggang sa kinaroroonan ng lalaki ay halos apatnapung yarda ang layo. She could clearly see the man's face, at kahit siguro nakatalikod ito'y makikilala pa rin niya.
And she knew who it was. She was positive.
At nang makita niyang biglang umalis ang lalaki sa kinatatayuan at pumunta sa likod ng Literature Department building ay napasinghap siya.
Narinig iyon ng dalawa na nahinto rin at napalingon sa kaniya.
"What's wrong, Luna?" ani Kaki.
"You two should go ahead, may titingnan lang ako." Hindi na niya hinintay na sumagot ang dalawa. Mabilis siyang naglakad patungo sa direksyon kung saan niya nakitang lumiko ang pamilyar na lalaki.
Pagkarating niya sa likod ng Literature Dept building ay kaagad niyang hinanap ang lalaki. Doon ay nakita niya ang mga tambak na sirang desks at sa likod ng kongkretong bakod na may taas na isa't kalahating metro ay ang mga nagtatayugang puno ng niyog at acacia.
Wow, I didn't know there was a forest behind these college buildings...
"Here, Bella, here..."
Nahinto siya sa pagsuri sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Bella? Was he referring to me?
Umiling siya. Ang daddy lang niya ang tumatawag sa kaniya nang ganoon.
"Bella, come. I brought you some food."
Hinanap niya ng tingin kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa makita niya ang hinahanap sa likod ng nakatambak na mga sirang desks; naka-yuko at tila may sini-silip sa ilalim ng mga naka-tambak ding malalaking mga kahon.
She frowned, nagtataka siya kung sino ang kausap nito.
A pet? Nakita niyang may bitbit itong canned food sa isang kamay.
Nakatalikod ito sa kaniya kaya siguradong hindi nito alam na may nagmamasid dito.
Akma siyang magsasalita para kunin ang pansin nito nang mula sa ilalim ng mga naglalakihang mga kahon ay may lumabas na puting pusa. Nanlaki ang mga mata niya sabay atras.
She couldn't be near cats!
"There you are..." anang lalaki. Iniligay nito sa lupa ang bitbit na canned product at hinintay na lapitan iyon ng pusa.
She froze on her feet; hindi siya umalis sa kinatatayuan o kumilos dahil ayaw niyang maglikha ng ingay at kunin ang pansin nito..
He was the guy she met on the first day of school. The guy who lent his umbrella to her. The one who saw her legs!
Nang maalala iyong huli ay bigla siyang pinamulahan ng mukha.
"Good cat..." sabi pa ng lalaki habang hinihimas ang ulo ng pusa. Nag-umpisa nang kainin ng alaga nito ang dala nitong pagkain. "Just be good here so no one sees you, ok? Kapag may nakakita sa 'yo rito ay paaalisin ka nila."
Nanatili siyang tahimik na nakatayo roon.
Pero...
Tama bang obserbahan niya ito nang palihim? Paano kung makita siya nito, ano ang sasabihin niya? Paano pala kung masama itong tao at bigla na lang siya nitong hilahin at dalhin sa likuran ng kongkretong bakod at gawan ng masama?
Sa naisip ay maingat siyang napa-atras. Siniguro niyang wala siyang maaapakang kahit anong maglilikha ng ingay upang makaalis siya roon nang hindi siya nakikita.
She stepped a few times back, and when she thought it was safe to run, she turned around– but only to stop mid-way– when she saw the man stand up and push his hands into his pockets.
Muli na naman siyang natigilan.
"I'll see you tomorrow, Bella. H'wag kang pumunta sa library o sa cafeteria dahil hahabulin ka na naman ng mga staff at babatuhin ng walis. I don't wanna see you get hurt, 'kay?"
The cat meowed as if it understood what the guy was saying.
Ilang sandali pa ay naglakad ang lalaki patungo sa konkretong pader.
Umatras siya at itinago ang sarili sa likod ng mga nakatambak na sirang desks.
Oh my God, what am I doing?
Sinundan niya ng tingin ang lalaki habang nakapamulsa itong naglakad patungo sa pader. Nahinto ito at huminga nang malalim, muling umatras ng ilang dipa, bumuwelo, at ilang sandali pa'y tumakbo patungo sa pader saka doon ay tumalon.
She gasped. Napatayo siya nang tuwid, at sa panggilalas ay hindi niya napigilang mapasigaw.
"Hoy, bawal 'yan!!"
Oh, shoot!
Maagap niyang tinakpan ang bibig.
Why the hell did she do that? What was her purpose?
Ang lalaking naka-patong na sa ibabaw ng konkretong bakod at akma na sanang tatalon sa labas ay napalingon. Nakita niya kung paanong nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay hanggang sa ito'y malapad na ngumiti.
Then, he turned to face her, squatted, and in a teasing voice, he said,
"Well, well, well... Look who's here?" He gave her a lopsided grin. "Nice to see you again, Luna Isabella."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top