CHAPTER 003 - The Trio


"LUNA!!!"

Napalingon si Luna nang marinig ang pagtawag na iyon mula sa kaniyang likuran. It was Dani, her gay classmate. Kaba-baba lang nito sa sasakyang naghatid dito sa school at mabilis na humabol sa kaniya.

Dani is short for 'Danilo', and he was one of the richest students in CSC. Noong makilala niya ito sa unang araw ng klase ay iba ang naging impresyon niya rito. She thought they wouldn't get along, but eventually, they did.

Sinabi sa kaniya ni Dani na kaya siya nito kinaibigan ay dahil naniniwala ito sa kasabihang 'maging malapit sa mga kaibigan, pero mas lalo sa kaaway'. And Dani, at first, considered her as a competitor. Kalaunan ay naging malapit sila, at ang kanilang pagkakaibigan ay lumalim.

Dani was actually the sweetest. Mabait ito at maraming kaibigan sa CSC dahil na rin sa personalidad nito.

"You're early today," ani Dani nang makalapit. And as usual, puno na naman ng makeup ang mukha. He was actually a handsome man, pero sasakalin siya ni Dani kapag sinabi niya iyon rito. Ayaw na ayaw itong ina-address na lalaki. At nagsabi itong kapag nagkaroon na ito ng trabaho at nakaalis na sa poder ng mga magulang ay magta-transition na ito sa pagkababae.

Sa ngayon ay masaya ito sa kung ano ang mayroon ito. And Dani enjoyed it when people called her the CSC's Freddie Mercury. Because... why not? She spoke and acted like the famous British band's vocalist. Ang paraan ng pananalita nito at pilantik ng mga kamay ay tila si Freddie Mercury, and everyone loved her.

"Morning, Dani," bati niya rito.

"Maaga kang nagising?" tanong nito bago dinukot ang compact mirror mula sa suot na pants upang i-check ang sarili.

"Yep. Ngayon ang araw ng registration para sa mga school clubs, and I don't want to be late."

"What club are you choosing?"

"Sports Club. And you?"

"Probably the Drama Club. Gusto kong ilabas ang pagka-bruha ko kaya doon ako nababagay."

She chuckled and nodded her head. "I agree. You are the dramatic queen so you should be joining that club. You have my full support."

"Loka ka." Inirapan siya nito na lalo lang niyang ikina-tawa.

Ibinalik ni Dani ang tingin sa salamin, at mula sa repleksiyon doon ay nakita nito sa likuran si Kaki.

"Oh, there's Kaki!"

Lumingon sila at hinintay na makalapit si Kaki na lakad-takbong lumapit.

Tulad ng inasahan niya, Kaki was easy to get along with. Mabait pero seryoso masyado sa buhay. She was smart to the point where their classmates would call her nerdy. May suot itong salamin na may makapal na frame at ang buhok ay laging naka-messy bun. Dani called herself Pretty Betty La Fea.

"Gah! I slept in!" bulalas nito nang makalapit sa kanila. Ang itsura'y tila bagong gising pa.

Ngumiti siya rito. "Looks like you didn't get enough sleep last night?"

Ma-drama itong bumuntonghininga, "I was watching a documentary film about Ted Bundy. It was so intriguing na hindi ko na namalayan ang oras. I slept in kaya hindi ko na nagawang maligo."

Pinagtawanan ito ni Dani at tinuksong nangangamoy kahit hindi naman.

Kaki was fond of watching serial killer documentaries, dahilan upang weirdo ang tingin ng iba nilang mga ka-klase rito.

It had been two months since the school opening, and she was thankful that she met her new friends. The three of them had become really good friends. Hindi niya alam kung bakit sila nag-click na tatlo sa kabila ng pagkakaiba ng mga personalidad nila. Their bond just happened magically.

Sa kanilang tatlo, Dani was the social butterfly; kakilala at ka-vibes ang lahat. Kaki was weird and nerdy, almost introverted. While she was known to be Miss Prim and Proper, and the ambivert in the trio.

Galing sila sa magkakaibang middle schools at may iba't ibang rason kung bakit napili ang CSC para doon mag-aral ng high school at college.

Kaki's reason was simple. Nagtapos ito sa isang public school bilang top honour student at napili ang CSC dahil sa scholarship na inaalok ng school. She applied for it and passed, obtaining a scholarship until college. Kaki was hardworking, dedicated, and smart. Kaya sa loob ng dalawang buwan simula nang magsimula ang klase ay ito na ang naging top 1 sa klase.

As for Dani. He studied in an exclusive school for boys from nursery until middle school, kung saan din parehong nag-aaral sina Stefan Burgos at Paul Rivera. At ayon kay Dani ay doon nito sa St. Patrick's Academy napagtantong pusong-babae ito dahil sa dami ng lalaking nakapaligid dito noon. He's the only son at hindi raw naging madali ang pag-amin nito ng kasarian sa mga magulang. Dani said that at first, his father was enraged. Pero kalaunan ay tinanggap nito iyon dahil bali-baliktarin man daw nito ang mundo ay anak pa rin naman daw ito ng mga magulang.

At ang rason ni Dani kung bakit nito napili ang CSC ay dahil sa ultimate crush nito na isang graduating college student sa school nila. And no, it wasn't Stefan Burgos or Paul Rivera.

Dani was into a man named Ryu. Just Ryu. Hindi rin alam ni Dani ang kompletong pangalan ng lalaki, at hanggang sa mga sandaling iyon ay nangangalap pa rin ito ng datos.

Hindi pa nila nakikita ni Kaki ang lalaking iyon, pero sigurado silang isa ito sa pinaka-poging lalaki sa CSC kung ang pagbabasehan ay ang determinasyon ni Dani na mapalapit dito. Dani wanted to be close to him kaya kinumbinsi nito ang mga magulang na doon ito pag-aralin sa CSC.

"Ano'ng club ang sasalihan mo, Kaks?" tanong ni Dani kay Kaki.

"The High School Paper club, of course. Yayain ko nga itong si Luna pero mukhang sa Sports siya sasali."

She chuckled. "I have been writing for the school paper since I was in fourth grade; I wanna try something new. Kabilang ako sa volleyball team noong middle school, kaya doon muna ako sa Sports Club."

"Mukhang maraming boys doon," ani Dani. "Kaya lang ay wala akong alam sa sports kaya ayaw kong sumugal. Anyway, what's your plan for the weekend?"

"The usual," sagot niya. "Kailangan kong umuwi sa mga magulang kong hindi mapakali kapag hindi ako nakakatawag sa gabi."

Dani pouted her lips dramatically. "I'm so jealous of you! Buti ka pa at sa edad na disi-siete ay independent na. Your parents have allowed you to live on your own; how lucky can you get?"

"My parents still provide for me, kaya hindi independence ang tawag doon. They still pay for my apartment, my food, and my clothes. They still send me allowance. Nakatira lang ako malayo sa kanila, pero hindi ibig sabihin ay independent na ako. I still rely on them... financially and morally."

Nagkibit ito ng balikat, "That's how it is for me. Kung pwede lang na magsarili na rin ako nang sagayon ay magawa ko na ang gusto ko."

Si Kaki na inayos ang salamin ay sinuri siya ng tingin. "Hindi ka ba nahihirapan na nasa malayo ang mga magulang mo at mag-isa ka lang dito? I mean, your family lives more than two hours away from here. Kung ako ikaw ay baka hindi ako nakatutulog sa gabi dahil sa pangungulila."

"I was struggling at first but I got used to it. Gumagaling na ako sa pag-prito ng itlog at hotdog, at hindi ko na rin na-o-overcook ang instant noodles." She giggled at her own statement. "Besides, magandang training ito sa akin lalo at gusto kong magtrabaho sa ibang bansa kapag nakapagtapos na ako. I'll take up a course that'll give me opportunity to travel abroad."

"Hmm, you have a point," sabat pa ni Kaki. "Sooner or later ay kailangan nating umalis sa pugad ng mga magulang natin at tumayo sa sarili nating mga paa." Ngumiti si Kaki at inakbayan siya. "Ito ang gusto ko sa 'yo, Luna, eh. Masyadong advanced ka mag-isip; no pun intended. And you already have plans for the future. Karamihan sa mga ka-edad natin ay hindi pa sigurado sa gustong gawin sa buhay, tulad ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano'ng kurso ang kukunin ko sa kolehiyo."

"Bagay sa 'yong maging teacher," komento ni Dani na may kalakip na pambubuska.

Inismiran ito ni Kaki at binuska rin sa kulay ng lipstick na gamit nito sa araw na iyon. The two argued like usual, and while they did that, her eyes shifted to the high school building's entrance door where she saw Stefan walking in. Kasabay nito si Paul Rivera.

Lihim siyang napabuntonghininga.

She and Stefan Burgos didn't get closer. Isang linggo makalipas ang unang araw ng pasukan ay nag-umpisa na itong ignorahin siya sa dami ng mga kaklase nilang nagkagusto rito. Sa ibang mga sections ay may nagpapalipad-hangin din dito, at dahil hindi naman lalaki ang dahilan ng pagpasok niya sa CSC ay hindi na siya nakipag-kompetensya sa atensyon ni Stefan.

Halos hindi na sila nag-uusap o nagbabatian hindi tulad noong unang linggo. He became distant since he became one of the heartthrobs of high school dept.

She developed feelings for Stefan Burgos on the first day of school, that one rainy morning, two months ago. And she didn't hide it from her friends. Si Dani na dati ring crush si Stefan ay naka-move on na at nang malaman ang damdamin niya'y naki-simpatya.

Bagaman nais niyang ituon ang buong pansin sa pag-aaral, naisip niyang magandang motivation ang pagkakaroon ng crush sa school para lalo siyang ganahang pumasok. So with that in mind, she continued crushing on Stefan Burgos.

Hanggang kailan, wala siyang ideya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top