CHAPTER 002 - Love At First Sight
HINDI MAGKANDARAPA si Luna nang marating ang locker room pagpasok sa main building ng high school department. Ang locker room ang pinaka-unang silid na dadaanan sa hallway patungo sa mga classrooms sa first floor. Katabi iyon ng lobby kung saan may information desk.
Hinanap ng dalaga ang nakatalagang locker. Hers was locker #247. Nahanap niya iyon sa bandang dulo malapit sa malaking bintana; kaagad niyang ini-suksok ang susi sa keyhole at binuksan. She then took her white indoor shoes out and placed them on the floor. Madali niyang hinubad ang itim na outdoor shoes na suot; they were soaking wet. Buti na lang at required ang indoor shoes sa high school department tulad ng mga paaralan sa ibang bansa; isa ito sa mga dahilan kung bakit natatangi ang CSC sa lahat ng paaralan sa rehiyon nila.
Buti na lang at may pamalit siya, at isa ito sa mga dahilan kung bakit wala siyang pakialam kung mabasa ng tubig ang medyas at sapatos niya.
Well, her only concern was that she needed to remove her socks. Pero 'di bale na. Okay lang na magmukha siyang jologs, ang importante'y makapasok pa rin.
Matapos niyang magpalit ng sapatos ay muli niyang sinukbit ang bag bago inisuksok papasok sa locker ang basang pares ng outdoor shoes niya. She hurriedly closed the locker and turned towards the door when suddenly, a man emerged and walked to her direction. At nahinto siya dahil namangha siya sa tangkad ng lalaking palapit.
Alam niyang high school student lang din ito tulad niya base na rin sa suot nitong uniporme, pero dahil sa tangkad nito at laki ng katawan ay mapagkakamalan itong hindi estudyante. And he was looking down to his white polo shirt because it was soaking wet, just like her skirt.
Nang may maisip ay napasinghap siya. At nang marinig ng lalaki ang pagsinghap niya'y nag-angat ito ng tingin at nahinto nang makita siya. Sigurado siyang hindi nito inasahan na sa mga oras na iyon ay may estudyante pang naroon.
Mabilisan niyang sinuyod ng tingin ang mukha ng lalaking kaharap. He was standing just a few feet away from her and she had a clear view of his cute face. Yes. The guy was cute. His hair was clean cut, his eyes were the lightest brown, and his skin was fair. Typical mestizo.
Kung paano niya itong sinuyod ng tingin ay ganoon din ito. But the guy's face remained emotionless as he gazed at her. Ilang sandali pa'y itinuloy nito ang paghakbang at huminto sa harapan niya. She swallowed hard; unable to say a single word. Nakaramdam siya ng hiya lalo't alam niyang hindi siya mukhang presentable sa mga sandaling iyon. Para siyang basang sisiw na nakasilong saglit.
Magkaganoon man ay hindi rin niya maalis ang tingin dito, at hindi rin niya magawang ibabaw ang tingin.
She bravely met his gaze, hanggang sa mangalay ang batok niya sa pagkakatingala kaya sumuko siya at nagbaba ng tingin.
Sa mga sandaling iyon ay biglang tumagilid ang lalaki upang buksan ang locker sa tabi ng kaniya. His was locker #248.
She cleared her throat and let out an awkward smile. "K-Kararating mo lang din ba?"
Tinanong niya iyon dahil ang kinuha ng lalaki mula sa locker nito ay ang indoor shoes. At kung basa ito ng ulan, ibig sabihin ay sa labas din ito galing.
"No, I came early. Ang kaso ay sa gymnasium ako dumiretso kanina at dahil sa malamig na panahon ay naka-idlip ako. I ran and soaked in the rain when I realized that I was late for my first class." Inilapag nito ang indoor shoes sa sahig at hinubad ang itim na outdoor shoes. "I guess we have the same fate?"
Tumango siya. At para siyang loka na pinanood ang pagpapalit nito ng sapatos.
Hindi ba dapat ay pumunta na siya sa classroom niya? Bakit na naman siya nagsasayang ng oras? Why was she easily distracted? At bakit sa lalaki na naman?
Oh, God. Why am I acting strange today? Is this because of the weather?
Sinapo niya ang ulo sa naisip at akma nang iiwan ang lalaki upang hanapin ang classroom sa unang klase nang marinig niya ang muling pagsalita nito,
"Are you a junior or a senior?"
"Junior. And you?""
"Junior, Class A."
Napasinghap siya. Kapareho sila ng section!
"What are the odds?" she said, chuckling nervously. "Classmates tayo, at hindi ko alam kung bakit nakahinga ako nang maluwag."
The guy smiled, his eyes sparkled in amusement. "Nakahinga ka nang maluwag dahil alam mong hindi ka nag-iisang papasok sa classroom nang late."
She chuckled again and watched him push his outdoor shoes into the locker. Matapos isara ng lalaki ang locker nito ay muli siya nitong sinulyapan. Ang tingin nito'y bumaba sa basa niyang jacket, at doon ay muli siyang sinalakay ng hiya.
"Why don't you just take your jacket off? Lalamigin ka sa classroom."
"I-I'll be fine..."
The guy let out a gentle smile. "Fully air conditioned ang mga classrooms dito sa CSC, at kung hindi mo tatanggalin ang jacket mo ay manunuot ang lamig sa buo mong katawan. You wouldn't be able to focus on class, at ang masama pa, baka magkasakit ka at hindi makapasok ng ilang araw."
Sandali siyang natigilan sa narinig
Why, that's so thoughtful of him!
"I guess you're right." Pino siyang ngumiti at hinubad ang jacket.
Ang lalaki naman ay niyuko ang wristwatch, at nang makita ang oras ay pumalatak ito. "We should get going. Normally, kapag unang araw ng klase ay nagkakaroon ng meeting ang mga guro. Let's hope they did, dahil kung magkaganoon ay ligtas tayo."
Tumango siya at hindi na nagsalita pa.
Ang lalaki'y muling ibinalik ang pansin sa kaniya. Subalit tila ito may nakita sa kaniyang likuran dahilan kaya lumampas ang tingin nito sa balikat niya.
Lumingon din siya upang tingnan kung ano ang umagaw sa pansin nito.
It was the black umbrella that the man at the front gate lent to her. Ini-sandal lang niya iyon sa pader katabi ng locker niya; ang tubig-ulan mula roon ay bumabagsak sa sahig.
"Do you work at a place called Nobori?"
"Nobori?" Ibinalik niya ang tingin dito at nakita ang pagkunot ng noo nito.
"It's a Japanese restaurant in town; one of the biggest and finest in the area. That umbrella has a logo of that place. Ang narinig ko ay tanging mga empleyado lang ng lugar na iyon ang pwedeng gumamit ng mga bagay na may logo ng Nobori. So, are you?"
Sunud-sunod siyang umiling. "Ipinahiram lang sa akin ang payong na 'yan."
"Ahh. I see." Ang kunot sa noo nito'y napalis, muling ngumiti. At nang itaas nito ang kamay at inabot sa kaniya ay napakurap siya. Bumaba ang tingin niya roon; his fingers were long and slender. His nails were short and clean.
She was impressed.
She liked clean-looking guys.
"I'm Stefan Burgos."
Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Stefan. She smiled and took his hand.
"I'm Luna Isabella Castillo. Nice to meet you."
*
*
*
"PAANO MO NALAMANG posibleng walang guro sa unang klase?" manghang tanong ni Luna kay Stefan nang sa pagdating nila sa classroom ay nadatnan nilang wala ngang gurong naroon. Ang ilan sa mga kaklase nila ay abala sa pakikipagkilala sa isa't isa, ang ibang magkakakilala na ay nakatambay sa bintana, ang iba nama'y nasa hallway at nag-uusap-usap, katulad ng mga nasa mga katabing classrooms.
Pagpasok nila ay may lumapit na kaklaseng nakasuot ng eye-glasses at naka-messy bun ang buhok. She introduced herself as Karina Quintana, Kaki for short. Ito raw ang binilinan ng guro na mag-asiste sa mga kaklaseng darating dahil ito raw ang naunang dumating sa classroom. Itinuro ni Kaki ang ilang mga bakanteng upuan, at ang napili niya ang ang katabi nito mismo, habang si Stefan naman ay nakahanap ng kakilala mula sa middle school at doon naupo sa likurang bahagi ng room, katabi ang kakilala nito.
Nang makapwesto sa kani-kanilang upuan ay muli siyang nilapitan ni Stefan; he sat on her desk and handed her a face towel; ipunas daw niya sa buhok niya.
Namangha siya sa kabaitang ipinakita nito, at wala siyang masabi kung hindi magpasalamat. She took the towel and dried her hair, at habang ginagawa niya iyon ay napa-tanong siya rito.
"My sister told me," Stefan answered. "She used to study here."
"I see. When did she graduate?"
"She never did. She quit school last year to help with the family business."
Tumango siya at hindi na muling nagtanong pa. Itinuloy niya ang pagpupunas ng buhok sabay libot ng tingin sa paligid.
Ang totoo'y hindi siya komportable sa presensya ni Stefan. Not in a bad way, though. Hindi lang siya komportable dahil wala pa silang isang oras na magkakilala pero tila malapit na kaibigan na ang pakikitungo nito sa kaniya.
And besides... She found him cute.
Not only that; he was kind and thoughtful, too. And she couldn't help herself liking him.
At hindi siya komportable dahil sa palagay niya'y hindi tama iyon.
She went to Carmona and enrolled at CSC to study, not to like boys. Pero heto siya, sa unang araw ng klase, thinking about how cute and thoughtful one of her classmates was.
"Found a new friend yet?" tanong pa ni Stefan makaraan ang ilang sandali. Nakayuko ito sa kaniya, seryoso ang anyo.
"W-Well..." She looked around and found Kaki leaning on the wall next to the glass window. She was silently reading a book with headphones in her ears. "Karina seems nice..."
"Being quiet and aloof doesn't make a person nice."
"I never said she was; I just assumed."
Pinong ngumiti si Stefan sa naging sagot niya. "Is that why you chose to sit beside her?"
"Yes. She was the first person to smile at me when I entered the room. And besides..." Lumingon siya at hinanap ang kakila ni Stefan na tinabihan nito pagpasok nila sa classroom. "Kung... wala kang kakilala, would you... choose to seat beside me?"
Huli na nang rumehistro sa isip ang sinabi. Nagulat siya at tinakpan ang bibig. Bakit ba ba siya umaakto nang ganito? She wasn't like this before! In fact, she never really had time to think about boys.
Oh God... Nahihiya siyang yumuko at sinapo ang ulo.
Talagang mapapalo siya ng daddy niya kapag nalaman ito.
"Had you told me you wanted to sit next to me, I would have chosen the same."
Napasinghap siya at nag-angat ng tingin. Doon ay nakita niya ang nakangiting anyo ni Stefan.
Subalit bago pa man siya makaisip ng isasagot ay saka naman lumapit ang kakilala nito.
"Dude, let's go to the cafeteria for a cup of coffee. Matatagalan pa naman yata ang balik ng mga guro."
Tumango si Stefan at sinulyapan siya. "This is Paul, by the way. Kasamahan ko siya sa basketball team noong middle school."
Sinulyapan niya si Paul at tinanguan.
"Paul, this is Luna. I met her at the locker."
Paul smiled at her and she did the same.
Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na ang dalawa at lumabas ng classroom. Nang mapag-isa siya'y niyuko niya ang bag at hinanap ang cellphone. Pero bago pa man niya mahanap iyon ay muling may naupo sa desk niya.
Umangat ang tingin niya roon at nakita ang seryosong mukha ng isa sa mga kaklase nila.
At hindi niya napigilang kunutan ng noo. The guy sitting on her desk wore a men's uniform, but was looking so feminine due to the heavy makeup on his face. Ang light brown nitong buhok na hindi siya sigurado kung natural o gawa sa salon ay naka-brush up. Ang may kapakalan nitong kilay ay maganda ang pagkakahulma. Hindi madaling hulaan na dinadala iyon sa salon para i-trim. He was also wearing pink eye shadows and coral blush-on. On his lips was cherry-colored balm.
"You're interesting..." anito, nakataas ang isang kilay, ang mga braso'y nakahalukipkip. And she couldn't help but think about the Queen's vocalist Freddie Mercury when she heard the guy speak.
"I beg your pardon?"
"Stefan Burgos and Paul Rivera are two of the most popular basketball players from St. Patrick's Academy. I was a fan, and I was ecstatic when I learned we ended up in the same class this year. Paano mo nakilala si Stefan?"
"We... met at the locker room." Hindi niya gusto ang pataas-taas ng kilay ng isang ito.
"Just this morning?"
"Yes, just this morning."
"And yet you were able to get his attention." Lalong tumaas ang kilay nito "What's your name?"
"Luna Isabella Castillo."
"Do you like Stefan Burgos?"
Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Kung inisiip ng taong ito na magiging kasangkapan siya sa bullying, he could think again! "Who are you to ask me these questions?"
The guy smirked and extended his hand to her. "Dani Gabriel. Not so nice to meet you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top