CHAPTER 001 - That One, Rainy Morning...
FOURTEEN YEARS AGO...
SHE RAN LIKE THERE WAS NO TOMORROW. Wala na rin siyang pakialam kung magtalsikan ang tubig ulan sa mga binti niya, tutal ay basang-basa na rin naman ang mga sapatos at medyas niya.
Kipkip niya sa isang braso ang school bag samantalang ang isang kamay ay nakahawak naman nang mahigpit sa payong. Kailangan niyang magmadali upang maka-abot sa unang subject.
Simula kagabi ay masama na ang panahon at inaasahan na niya ito, kaya nagsuot siya ng makapal na jacket panangga sa lamig.
Unang araw ng pasok sa school at mukhang male-late pa siya.
Damn the weather.
Dahil sa sama ng panahon ay hindi kaagad siya nakaalis sa apartment; bumabaha sa harap ng kalsada dahil sa baradong drainage at hindi niya gustong lumusong doon. Mamaya pag-uwi ay kakausapin niya ang landlady; kailangan nitong ipaayos ang drainage na iyon para hindi na maulit ang nangyari sa umagang ito.
Kung alam lang nila ng mommy niya na ganoon ang nangyayari sa lugar na iyon tuwing may ulan ay hindi sana nila napiling okupahin iyon.
Mula primary hanggang middle school ay hindi pa siya na-late, ngayon pa talaga? Magbibigay iyon ng hindi magandang impresyon sa mga bago niyang ka-klase. Hahayaan ba niyang mangyari iyon?
Not in this life!
With that in mind, she fastened her steps. Siya na lang ang natatanging estudyanteng naroon sa daan patungo sa school sa mga oras na iyon at hindi niya mapigilang ma-pressure. Mukhang siya na lang ang natitirang hindi pa nakararating sa klase!
This can't be happening! Damn the weather!
Kanina pa niya sinisisi ang masamang lagay ng panahon dahil wala siyang ibang mapagbuntungan ng inis.
Sinulyapan niya ang oras sa relos. Five minutes past eight.
Lalo siyang nataranta.
Alas-otso ang umpisa ng klase nila sa umaga, ibig sabihin ay huli na siya!
She ran faster, umasang kahit papaano ay abutan niya ang first class; kahit ang kalahati man lang.
Makalipas ang ilang minutong lakad-takbo ay natanaw na niya ang malaking gate ng unibersidad, at doon ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Mahigpit niyang kinipkip sa braso ang bag saka mabilis na tumakbo patungo roon. Okay lang na ma-basa ang sapatos at medyas niya pati ang ibabang bahagi ng palda niya dahil sa nagtalsikang tubig, ang importante sa kaniya ay makarating sa unang klase sa malao't madali.
Tuluy-tuloy siya sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang entrance gate. Nakabukas pa rin iyon, ang guard house na nasa gilid ng malaking gate ay bakante.
She would assume that the guard must have left for a while to maybe get a cup of coffee or take a short restroom break.
Gah. Why did it even matter?
Hindi na mahalaga kung bakit walang bantay sa nakabukas na gate; ang mahalaga ay nakarating na siya! She was halfway to her first class!
Hinihingal na saglit siyang tumigil at tiningnan ang mataas na building ng high school department sa hindi kalayuan. Mula sa gate hanggang sa HS building ay nasa mahigit-kumulang pitumpong metro ang pagitan. Ang facade ay malawak na field at ang main path ay kasing-lapad ng kalsada sa bayan.
Oh, she could not believe she was finally here, standing right in front of the institution she had been dreaming to be part of for so long.
Napangiti siya sa pagkamangha.
The Child of Saint Carmen University (CSC) was known as the most prestigious school in the region. It has two divisions; high school and college. The college division has six different courses: Business Management, Engineering, Accounting, Fine Arts, Tourism, and Literature. At sa bawat departmento ay may kani-kaniyang uniporme para madaling malaman kung sa anong kurso kabilang ang mga estudyante.
CSC was also the biggest institution in that side of the country. Kilala ito sa pagkakaroon ng maraming academic excellences at mga talentado't matatalinong estudyante. The school also offers scholarship to the unfortunate but smart students. Ayon sa impormasyong nakalap niya, malaya ang mga estudyanteng ipahayag ang mga damdamin, ideya, kakayahan, at talento nila sa buong school sa pamamagitan ng mga samut-saring school clubs na sumu-suporta sa mga ito. That made CSC the coolest amongst the rest. At masaya siyang mapabilang roon.
Iyon ang dahilan kung bakit ni-kombinsi niya ang mga magulang na payagan siyang mag-aral doon kahit na malayo sila sa siyudad ng Carmona kung saan nakatayo ang CSC. Noong una'y tumutol ang daddy niya na mapalayo siya, subalit kalaunan ay nakombinsi niya ito. Her dad also allowed her to live alone in an apartment ten minutes away from school.
Her parents were skeptical in letting her move to Carmona; she was only seventeen. Pero nangako siya sa mga itong hindi magbubulakbol at itutuon ang buong pansin sa pag-aaral. Ayaw niyang masira ang tiwala ng mga ito sa kaniya at pabalikin siya sa bayan nila upang doon muling mag-aral.
She let out a deep sigh and straightened her back.
She was finally here, at tila siya nangangarap nang gising.
Huminga siya nang malalim at nakangiting itinuloy ang pagpasok sa gate. Lumakas lalo ang ulan kaya nilakihan niya ang mga hakbang.
Subalit...
Hindi pa man siya gaanong nakalalayo sa gate nang matigilan siya sa paglalakad.
Nahinto siya nang may makita sa kaniyang harapan.
May estudyanteng naglalakad pasalubong sa kaniya, bitbit sa isang kamay ang malaking payong habang ang isang kamay naman nito'y nakasuksok sa bulsa ng suot na top coat.
Dahil sa lakas ng ulan ay hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito.
Kinunutan siya ng noo.
Where is he going? tanong niya sa sarili.
Halos ka-u-umpisa pa lang ng araw at parang pauwi na ang lalaki. At maliban sa kanilang dalawa ay wala na siyang ibang taong maaninag sa paligid.
It was as if... they were the only people in the world.
And she didn't know why her heart just started to thump so hard.
At habang papalapit nang papalapit ang lalaki sa direksyon niya ay hindi niya napigilang suyurin ito ng tingin.
What a tall man... she first thought.
The guy was wearing a topcoat that covered his uniform. At dahil nakalapit na ang lalaki ay nagawa na niyang maaninag ang kabuoan nito. Pero bago natuon ang kaniyang tingin sa mukha ng lalaki ay kaagad na inagaw ng suot nitong black leather shoes ang kaniyang tingin. Basa na rin iyon ng ulan, pati na ang laylayan ng itim na slacks na suot nito.
He was wearing an expensive pair of leather shoes, and she recognized that because her father had one, too. Regalo ng mommy niya noong nakaraang anniversary ng mga ito. And she knew how expensive those shoes were— dahil naalala niyang pinag-iponan ng mommy niya sa buong taon ang regalong iyon. Kahit ang suot nitong topcoat ay tila imported pa; walang ganoon sa Pinas dahil hindi naman tipikal ang ganoon sa bansang iyon.
This guy's presence screams money, she thought again.
At base sa suot na uniform ng lalaki na nakatago sa ilalim ng topcoat ay napagtanto niyang kabilang ito sa Literature Department.
Napakurap siya nang umihip ang malakas na hangin na muntik nang ikalipad ng dala niyang payong. She flinched and tightened her grip around the handle.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan. Hindi ba't late na siya? Ano pa ang tina-tanga niya roon?
Akma na niyang itutuloy ang paghakbang nang maramdaman ang muling pag-ihip ng malakas na hangin. She shrieked when the wind blew her skirt. Nag-ala Marilyn Monroe siya sa gitna ng daan. Napa-uklo siya at mariing hinawakan ang payong habang ang isang kamay ay nakahawak sa palda niya.
Sa muli niyang pag-angat ng tingin ay nakita niya ang lalaking napahinto ilang dipa lang mula sa kinatatayuan niya. At sa unang pagkakataon ay napatitig na siya sa mukha nito.
And that's when she held her breath.
That's when her heart began pounding. That's when she thought the world stopped moving.
The guy standing right in front of her was probably the most attractive man she had ever seen in her entire life.
He had thick brows and lashes, a pair of round yet semi-chinky eyes, a high-bridged nose, and kissable heart-shaped lips.
Her heart was beating so fast she didn't know what hit her.
Subalit nang mapatingin siya sa diamond stud earring na suot nito sa kaliwang tenga ay tila binusuhan siya ng nagyeyelong tubig.
And before she could even prevent it, her face broke into a grimace.
Kahit kailan ay hindi siya nai-impress sa mga lalaking nagpapaka-trying hard na magmukhang cool sa pamamagitan ng pagsusuot ng hikaw. Para sa kaniya ay mga kulang sa pansin ang mga ganoon. And this guy was no exemption.
Bigla siyang na-turn off.
"You're late," the guy stated.
At muli siyang natigilan.
Wow, she thought. That was such a deep voice...
"Have you reviewed the students' handbook?" he asked.
Nanatili lang siyang nakatitig sa seryoso nitong mukha.
Nang walang sagot na nakuha mula sa kaniya ay muli itong nagsalita, "Did you know that CSC don't tolerate tardiness?"
Bigla siyang natauhan sa sinabi nito at pinanlakihan ng mga mata.
She gasped.
Oh yes, I'm late!
Sa naisip ay tila siya nagising sa pag-idlip. At akma na nasa siyang tatakbo papasok patungo sa destinasyon nang muling umihip ang malakas na hangin, at sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang inilipad ang dala niyang payong.
She cursed under her breath and attempted to chase her umbrella, but the wind blew it farther, and it also blew her skirt up, exposing her black spandex shorts and long, slender legs.
Muli ay nag-ala- Marilyn Monroe siya sa harap ng lalaki.
'Di bale nang palirin palayo ng hangin ang payong niya at mabasa siya ng ulan kaysa ang mabosohan siya ng lalaking kaharap.
Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago siya muling nag-angat ng tingin. At doon ay nakita niyang nakasunod ang pansin ng lalaki sa payong niyang inilipad na ng hangin. Malayo na ang narating niyon at mukhang nasira pa.
Pero wala na siyang pakialam sa payong niya. Ang nais niyang malaman ay kung nakita ng lalaking ito ang pag-angat ng palda niya!
Ang lalaki ay dahan-dahang ibinalik ang tingin sa kaniya, at doon ay bigla siyang na-alarma.
Bakit, hindi niya alam.
He stared at her with those semi-chinky eyes for a while before stepping forward.
And she stepped back, not because she was scared or something, but because she was uncomfortable with his presence.
Ang lalaki ay hindi huminto sa paghakbang. Tuluy-tuloy ito hanggang sa marating nito ang harapan niya— ilang pulgada ang layo mula sa kaniya. At nang maamoy niya ang mamahalin nitong pabango ay napapikit siya sabay iwas ng mukha.
Then, she heard him speak,
"Calm down; I don't eat little girls."
Bigla siyang nagmulat, at unti-unting humarap sa lalaki.
At anong pagkamangha niya nang makitang nasa uluhan na niya ang payong na hawak nito, habang ito naman ngayon ang nababasa sa banayad na ulan.
Lalo siyang nawalan ng sasabihin.
Up close, the guy was even more handsome. And she was gaping at him like an idiot.
Kung hindi lang sa suot nitong diamond stud earring, he would have easily swept her off her feet.
Darn, what was I thinking?
She mentally shook her head and said, "W-What are you doing?"
"Lending you my umbrella."
Umiling siya. "T-Thank you, but—"
"I insist." Lalo siyang namangha nang kunin nito ang kaniyang kamay, at bago pa rumehistro sa isip niya ang mga nangyayari'y hawak-hawak na niya ang payong ng lalaki.
Muli siyang napatingala rito. "I was taught to never accept anything from a stranger—"
"Don't worry," he said, cutting her off. "Sooner or later, you'll learn about me and I won't be just a stranger anymore."
Hindi siya kaagad na nakasagot, lalo nang binitiwan na ng lalaki ang kamay niya bago umatras. Doon siya nakaramdam ng panlalamig. And it was an odd feeling she couldn't explain.
At dahil matangkad ang lalaki at nakatayo sa harapan niya'y tila siya nakatingala sa isang mataas na gusali. While the man was looking down to her as if she was a midget.
Then, he smiled. And he walked past her.
Sandali siyang natulala sa biglang pagngiting iyon ng lalaki, at nang makabawi ay para siyang turumpong umikot at nilingon ito. Nakita niya ang paghakbang nito palabas ng gate; hands shoved into his pocket.
Namamanghang sinundan niya ng tingin ang lalaki.
She thought for a moment that he was a gentleman, at na sana ay hindi siya natulala at nagawa man lang niyang kunin ang pangalan nito para makapagpasalamat siya kung muli man silang magkita.
"Oh well," she uttered, shrugging her shoulders. "As he said, I will soon learn his name. Pero sino at ano siya? Is he someone popular?"
If he was, she wouldn't be surprised. The man was oozing with sex appeal.
But wait...
Ano ang alam niya roon?
Napangiwi siya at tuluyan nang nagbawi ng tingin. Niyuko niya ang relo, at nang makita ang oras ay muli siyang napasinghap nang malakas.
Nawala na naman sa isip niya ang oras!
"Oh, shoot!" Mabilis siyang tumalikod at tumakbo patungo sa high school building. Basang-basa na siya ng ulan pero pipilitin pa rin niyang pumasok. She had to be there on the first day of school.
Subalit hindi pa man siya gaanong nakalalayo ay muli niyang narinig ang tinig ng lalaki. Nahinto siya at lumingon.
Nakita niya itong nakaharap sa direksyon niya, nakatayo sa gitna ng nakabukas na gate, basang-basa na ng ulan.
"Heed my warning," he said with a naughty smile on his lips. "Never wear those spandex shorts ever again here at school." Then, his semi-chinky eyes lowered to her skirt. "Those pretty legs of yours will bring you trouble."
Napasinghap siya nang malakas nang rumehistro sa isip ang sinabi nito. Subalit bago pa man siya makaapuhap ng isasagot ay muli na itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad sa ilalim ng ulan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kaniyang paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top