01 | The Grey Met The Hazelbrown
"Hindi ka ba muna mag-aalmusal bago pumasok, anak?"
Ang akmang pagbukas ni Raven ng pinto ay nahinto nang marinig ang tinig ng ina. Lumingon siya at nakita itong nakasilip sa pinto ng kusina— katulad ng dati ay may ngiting naka-paskil sa mga labi.
"Sa school canteen na ako kakain, Ma," sagot niya bago muling akmang bubuksan ang front door kung hindi lang muling nagsalita ang ina.
"Tumawag ang daddy mo kaninang madaling araw at kinu-kumusta ka. Gusto niyang malaman ang sagot mo sa hiling niyang bumalik ka sa States at doon tapusin ang kolehiyo. Inaasahan din ng daddy mong tutulungan mo siya sa negosyo."
Doon pa lang ay nasira na ang araw niya— tulad ng araw-araw na nangyayari sa tuwing binabanggit ng mama niya ang tungkol sa Amerikano niyang tatay.
Dalawang linggo na rin ang nakararaan nang huli silang mag-usap ng ama na ngayon ay nakatira sa New Zealand kasama ang bago nitong asawa.
His parents divorced when he was fifteen— basically five years ago. Umuwi silang mag-ina sa Pilipinas matapos ang paghihiwalay ng mga ito habang ang ama naman niya'y nanatili sa Amerika ng isang taon hanggang sa makilala nito ang bagong asawa. He and his new wife eventually migrated to New Zealand.
His mother had told him that the reason for the separation was because his father had fallen out of love.
Mababaw na dahilan— pero tinanggap iyon ng mama niya dahil likas itong pusong mamon. Wala yatang masamang tinapay pagdating dito; madaling magpatawad, mabilis umusad. Wala pang isang buwan matapos ang hiwalayan ay nakangiti nang muli ang mama niya. At para sa ikabubuti niya ay nakipag-kaibigan ito sa dating asawa.
Basically, his parents remained friends despite the separation.
Pero iba siya sa ina niya. Hindi naging madali ang pagtanggap niya sa hiwalayang iyon. Para sa kaniya ay mababaw ang dahilan ng tatay niya para hiwalayan ang kaniyang ina. Nagtampo siya sa ama at kausapin-dili niya ito sa tuwing tumatawag. He would always ignore his father's calls and emails— nawalan siya ng gana rito. Kung hindi lang din sa pamimilit ng mama niya ay walang sagot na matatanggap sa kaniya ang magaling niyang ama.
Pero magkaganoon man, kahit ganoon ang pakikitungo niya rito, ay patuloy ang suporta nito sa kaniya at sa kaniyang pag-aaral.
Ang mama niya, na dating nurse, ay pumasok bilang assistant sa isang private clinic doon sa bayan na tinitirhan nila— ang bayan ng San Guillermo.
That town was small and rural— wala pa nga yatang isang libo ang mga taong nakatira roon. Ang bayan ay pinalilibutan ng mga bulubundukin, mga kaniyogan, at malaki at malawak na ilog. Pero kahit rural ay kumpleto ang lahat doon. Mayroong maliit na ospital sa bayan, may police station, may dalawang malaking grocery stores, may maliit na shopping center, kalat ang mga bakeshops at coffe shops, may dalawang sikat na fastfood chains, at mga paaralan mula elementary hanggang college na pampubliko at pribado. Lahat ng tao roon ay magkakakilala— dahil sa maliit na populasyon.
Ang sabi ng mama niya ay doon daw nakatira dati ang matandang babaeng nag-ampon dito at nagpaaral, kaya naman doon nito napiling tumira nang umuwi sila sa bansa.
And at first, he struggled. Ano bang malay niya sa pamumuhay sa probinsya? He grew up in Chicago— a place where everything was accessible and modernized. He had a hard time adapting to the culture, understanding the people, and getting used to the place. He was moody all the time, he didn't like it there— hanggang sa nasanay na lang siya at nawalan na ng pakealam. Nawalan na rin siya ng plano sa buhay niya. He just... went with the flow.
He had a boring life in San Guillermo— he did the same routine every day. His life was in Chicago— he shouldn't be in this place.
Kung hindi sana naghiwalay ang mga magulang niya... Kung hindi sana nag-inarte ang magaling niyang tatay... ay hindi sana sila uuwi ng nanay niya sa lugar na ito. Hindi sana nila iniwan ang buhay na nakagisnan niya sa Chicago.
But actually, two weeks ago, his father called and asked him if he wanted to go back to the States. He wanted to, but he was worried about his mother. He couldn't just leave her alone— he was her only family. Subalit hindi iyon ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa rin niya ibinibigay ang sagot niya sa ama kahit pa talagang gusto niyang umalis sa bayan na iyon at bumalik sa Chicago.
The reason why he hadn't given his answer was that his father wanted to manipulate his life— and he never wanted that.
Nais ng tatay niyang bumalik siya sa America at doon magpatuloy sa pag-aaral upang makapag-umpisa na rin siya sa pamamahala ng oil company nito sa Chicago.
Ano ito, sinu-swerte? Umalis ito ng Chicago at iniwan sa assistant ang kumpanya para pagbigyan ang request ng bago nitong asawa na doon na sa New Zealand manirahan— hindi nito magawang makabalik sa America dahil ang kasalukuyang asawa nito'y ayaw manirahan doon.
Kaya nito ipinapasa sa kaniya ang resposibilidad nito sa kumpanyang naiwan sa America!
"If he calls again, just tell him that I have no interest in handling his business," aniya sa ina.
"Pero anak—"
"If he cares about his business, he should go back to Chicago and take care of it. Bakit niya ipapasa sa akin ang responsibilidad niya habang siya ay nagpapakasarap doon sa piling ng bago niyang asawa? Wala akong pakealam sa kompanya niya, Ma— I don't even need it. I'll build my own someday."
Huminga ng malalim ang mama niya at hindi na nagpumilit pa.
Lumapit ito sa kaniya at inayos ang kwelyo ng suot niyang uniporme na nakapaloob sa dark green na hooded jacket. Napa-buntong-hininga ito nang mapatingin sa panga niya na may marka ng pasa mula sa pakikipagbugbugan niya noong isang araw.
"Kailan mo ba titigilan ang pakikipag-away mo sa mga lalaking taga-bayan, anak?" his mother asked in a worried tone.
"Hindi ko alam, 'Ma. Itanong mo sa kanila," bahaw niyang sagot saka inayos ang pagkakasukbit ng sachel sa balikat. "I'm heading off now. See you tonight." He bent down and kissed his mother's forehead before leaving.
Pagkalabas niya sa bahay nila ay itinaas niya sa ulo ang hoodie ng suot na jacket at isinuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa niyon. At habang naglalakad palayo ay hindi niya napilang mapa-ismid nang maalala ang tinutukoy na mga lalaki ng ina niya.
Mga lalaki sa bayan... Nahiya pa ang mama niya na tawaging 'bully' at 'warfreaks' ang mga iyon.
I never wanted to fight those guys, but they left me no choice, he uttered in his mind.
Simula nang dumating sila ng mama niya sa bayan na iyon ay hindi na siya nawalan ng pasa sa katawan o mukha. He was always in streetfights— always, like every day.
Dahil laking Estados Unidos— isama pa ang lahing banyaga niya— ay kakaiba ang itsura at tindig niya kumpara sa ibang mga binata roon sa bayan— dahilan upang madalas siyang pagdiskitsahan ng mga siga sa San Guillermo. Madalas siyang harangin ng mga ito, iba-ibang grupo kada araw, para hamunin ng away.
Akala marahil ng mga ito, dahil nag-iisa siya, ay hindi siya lalaban.
They just didn't know he could fight anyone— he was a blackbelter back in the U.S. Sanay siyang depensahan ang sarili at makipaglaban kahit naka-piring ang mga mata.
Subalit dahil madalas na siya ang nananalo laban sa mga nakakaaway ay napagkakamalan siyang basagulero at siyang laging nag-uumpisa ng gulo.
Yes, people thought he always started the fight. Kung sinu-sino na lang din kasi ang binabangga niya— mapa-senior man niya iyon sa kolehiyo, o mga grupong walang magawa sa buhay, o mga tambay sa gilid ng kalsada. Tingin ng mga lalaki sa kaniya ay mayabang, at tingin ng mga tao'y siya ang may problema.
Thus, people started to dub him as the street fighter, the warfreak, the rebellious Amboy.
At sa tuwing nakararating sa mama niya ang kinasangkutan niyang gulo ay labis itong nag-aalala. His mother would get stressed and worried about his attitude— inisip nitong nagre-rebelde siya.
The truth was... he wasn't rebelling. Far from that. Wala siyang dahilan para gawin iyon. He was just simply defending himself against those bullies and warfreaks— not the other way around.
But who would believe that, anyway? Laging siya ang nananalo, mas malaki ang katawan niya, may mga tattoo siya sa magkabilang braso, at mas nakakatakot ang itsura kumpara sa mga ito— natural na siya ang masisi kahit hindi naman totoong siya ang nagpasimula. Until he got tired explaining himself to people. Hinayaan na niyang isipin ng mga itong basagulero nga siya at siyang laging nag-aamok.
Tuloy, nakilala siya sa buong bayan dahil sa pangit na reputasyong iyon.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at nilakihan ang mga hakbang.
Mula sa bahay nila patungo sa pribadong kolehiyo na pinapasukan niya ay halos kalahating oras na lakad. Kailangan niyang dumaan muna sa isang malaking konkretong tulay bago niya marating ang bayan.
At doon sa tulay na iyon ay madalas siyang magpalipas ng oras. He liked it there— payapa.
Makalipas ang halos sampung minutong paglalakad ay narating niya ang nasabing tulay. May haba iyong limang metro at may taas na walong metro mula sa tubig. Ang ilog sa ilalam niyon ay laging malakas ang agos. Ang iba ay takot na maupo roon sa barandilya dahil nalulula at takot na mahulog—but it was different for him.
He actually liked high places. Noong nasa Florida pa siya at maayos pa ang relasyon nila ng kaniyang ama ay madalas silang mag-skydiving, parachuting, at bungee jumping. Iyon palagi ang bonding nilang mag-ama tuwing weekend. Nasanay siya sa mga extreme sports na ginagawa nila ng tatay niya kaya hindi na iba sa kaniya ang maupo sa barandilya ng mataas na tulay na iyon.
Nang marating niya ang nasabing tulay ay kaagad siyang sumampa sa railings— tulad ng araw-araw niyang ginagawa tuwing mapapadaan siya roon. Mahigpit siyang kumapit sa bakal na handle at pumatong sa barandilya. Patayo niyang pinagmasdan ang ilog na malakas na umaagos pa-Kanluran.
Ang mga taong nakakakilala na sa kaniya ay sanay nang makita siya roon at napapa-iling na lang. Akala ng mga ito lagi ay lutang siya— o high sa droga.
People had always misunderstood him, and he got tired of explaining himself to them. Bahala na ang mga itong mag-isip na masamang tao siya, baliw, o kung ano pa man. He didn't care anymore. All he wanted was to do whatever made him happy— he didn't care about what others think of him.
Ipinikit niya ang mga mata saka siya tumingala sa langit. Huminga ng malalim, inilahad ang mga kamay sa ere, at inumpisahang dam'hin ang paligid.
The fresh, morning breeze and the sound of the heavy flow of water under the bridge calmed his senses. Kahit ang sikat ng araw na nararamdaman niya sa kaniyang balat mula roon sa kinatatayuan niya ay naghahatid ng magandang pakiramdam sa kaniya. He felt so relaxed!
Hanggang sa...
Biglang may humila sa sachel niya dahilan upang mawalan siya ng balanse at bumagsak sa sementadong tulay. Mariin siyang napapikit sa tatlong dahilan:
Una, ay sa matinding kirot na naramdaman niya sa kaniyang likod mula sa pagkakabagsak.
Pangalawa, sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mga mata.
At pangatlo— ay sa ambang pag-hampas sa kaniya ng kung sino ng bag nito.
Itinaas niya ang mga kamay upang sana'y itakip sa mga mata at protektahan ang sarili mula sa pananakit ng taong humila sa kaniya. Subalit nang itaas niya ang mga kamay ay nahagip niya ang strap ng bag nito, kaya imbes na maihampas iyon sa kaniya at nagawa niya iyong hilahin.
Dahilan upang ang taong may hawak niyon ay bumagsak sa ibabaw niya.
He was about to wrestle that person, strangle him until he could not move his body anymore when he heard her squeak.
Natigilan siya.
At bago pa niya maimulat ang mga mata upang suriin kung sino iyon ay sunud-sunod na sampal at pananabunot ang natanggap niya.
"Damn it, stop!" he yelled as he tried to catch her hands. He had no idea who it was, but she was hurting him. Kaya naman nang mahuli niya ang mga kamay nito'y kaagad niya iyong hinawakan ng mahigpit nang sagayon ay hindi ito makawala.
That's when he opened his eyes and met hers— a beautiful pair in hazel-brown color, filled with tears.
Kinunutan siya ng totoo. He thought one of his enemies at school or some of the troublemakers in the town attacked him. But it was not. What he saw was an unfamiliar beautiful face that would probably give him sleepless nights.
Ang akma niyang pagtanong kung sino ito at kung bakit nito iyon ginawa sa kaniya ay nahinto nang magpumiglas ito at nagpumilit na bumangon.
He let go of her hands and watched her stood up. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit may mga namumuong mga luha sa mga mata nito.
Ano'ng... kasalanan ko sa kaniya?
"Tanga ka ba?!"
Napa-kurap siya nang marinig ang pagsinghal nito. Nanatili pa rin siyang naka-tihaya sa sementadong tulay at naguguluhang nakatingala rito.
"Maraming tao ang namamatay ngayon sa mundo dahil sa sakit, at karamihan sa kanila ay pilit na lumalaban para lang patuloy na mabuhay! Pero ikaw? Magpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay? Gago ka ba?!"
Gusto niyang mabingi sa malakas na pagsinghal nito. Halos hindi rin niya narinig ang lahat ng mga salitang binitiwan nito dahil pakiramdam niya biglang sumakit ang tenga niya.
He was about to question her when suddenly, tears started to spill down her cheeks.
Lalo lang siyang naguluhan. Totoong umiiyak ang babae, at totoong mga luha rin ang nasa mga mata nito. Malalaking mga luha!
Baliw ba ang babaeng 'to?
Nang hindi siya kumibo ay muli nitong inihampas sa kaniya ang bitbit nitong backpack na sinalag niya gamit ang kaniyang mga kamay.
"Sumagot ka! Ano'ng problema mo para tapusin mo ng ganoon na lang kadali ang buhay mo, ha?! Wala ka na bang pagsasaalang-alang sa pamilya mo?! Mahiya ka sa mga taong nasa ospital ngayon at may sakit! Mahiya ka sa mga taong kahit wala nang pambili ng gamot ay pilit pa ring dumidiskarte para dugtungan ang buhay! Mahiya ka sa mga pamilyang nagsasakripisyo maipagamot lang ang miyembro ng pamilyang may malubhang karamdaman!"
What the heck is wrong with this woman? Iniisip niyang... magpapakamatay ako sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay?
Muli siyang hinampas ng babae gamit ang bag nito. "Answer me! Who the hell do you think you are to kill yourself so easily?! Haven't you had no shame at all?!
Napikon na siya. Galit niyang inagaw ang bag nitong kanina pa nito inihahampas sa kaniya saka inihagis iyon sa kung saan na lang. Matapos iyon ay inis siyang tumayo at hinarap ito. He was so ready to yell at her, tell her to shut up and stop hurting him when the woman started to cry loudly. Hagulgol talaga na animo'y ginawan ng masama!
Ang dalawang binatang highschool students na napadaan sa tulay ay nag-bulungan. Kilala na siya ng mga ito at alam ang reputasyon niya, sigurado siyang iniisip ng mga ito na babae naman ngayon ang sinaktan niya't pina-iyak.
Ahh, damn it.
"Kung pagod ka na sa buhay mo ay magdasal ka! H'wag kang basta-basta magpapakamatay nang ganoon lang!"
Ibinalik niya ang pansin sa babaeng kaharap nang marinig ang muling pagsinghal nito. Hindi pa rin ito maawat sa paghagulgol.
Nakita niyang marahas nitong pinahiran ang mga luha habang nasa magandang mukha ang inis.
"I wasn't trying to—"
"H'wag mong sayangin ng ganoon lang ang buhay mo!" putol nito sa depensa niya. "Marami ang nagkakasakit ngayon at may taning na ang buhay— at marami sa kanila ay ayaw pang mamatay! They love and treasure life! H'wag kang gago!" Kahit anong gawin nitong pag-punas ng mga luha ay patuloy pa rin ang pag-agos niyon sa magkabila nitong mga pisngi.
Itinaas niya ang hintuturo upang patigilin ito sa pag-singhal sa kaniya at bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag nang bigla na lamang itong tumalikod at pahablot na dinampot ang backpack sa pinaghagisan niya saka paharurot na umalis.
Wala na siyang nagawa kung hindi sundan ito ng namamanghang tingin.
Doon lang niya napansing naka-uniporme ito— uniporme ng pampublikong highschool doon sa bayan nila. Nagtaka siya dahil noon lang niya ito nakita roon— dahil imposibleng matagal na itong naroon sa San Guillermo at hindi lang niya napapansin.
That kind of beauty she got? No, she wouldn't be that easy to be overlooked.
A new resident of this town, maybe?
Maybe. Dahil kung matagal na itong nakatira roon ay siguradong kilala na siya nito at hindi ito mag-re-react ng ganoon nang makita siyang nakasampa sa tulay. Lahat ng taong dumadaan sa mga ganoong oras sa tulay ay alam na nag-a-ala Superman siya sa ibabaw ng railings, kaya hindi na bago sa mga itong makita siya roon.
But that woman.... she was frantic. Hindi pag-aalala ang nakita niya sa mukha nito kung hindi sobrang inis.
Pero bakit kailangan niyang umiyak? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.
Hanggang sa lumiko na ang babae sa isang kanto at mawala ito sa kaniyang paningin ay nakasunod pa rin ang kaniyang mga mata rito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon nito.
Well, naiintindihan niyang natakot ito sa pag-aakalang magpapakamatay siya, pero ang umiyak ito ng ganoon na tila pamilya sila?
Napa-iling siya at dinampot ang sachel na naalikabukan na rin. Inis niya iyong pinagpagan.
Pagsasabihan talaga niya ang babaeng iyon kapag nagkita silang muli— hindi imposible iyon dahil maliit na bayan lang ang San Guillermo.
Isang sulyap pa ang pinakawalan niya sa kantong nilikuan ng babae, bago akmang tatalikod at ituloy na ang paglalakad papasok sa school, nang may mahagip ang kaniyang mga mata.
Hindi kalayuan sa kinatatayuan niya ay may isang nakatuping papel na marahil ay ni-lipad ng hangin. Kunot-noong naglakad siya patungo roon at iyon ay dinampot. Naisip niyang marahil ay nawaglit iyon mula sa backpack ng babae nang ihagis niya iyon.
Sinuri niya ang papel na hawak. Ang itsura niyon ay yaong nilakumos at pinagpupupunit, subalit muling pinagdikit gamit ang manipis na transparent tape.
Binuklat niya ang bondpaper, at ang una niyang napansin ay ang pangalan at logo ng nag-iisang ospital sa bayan na naka-imprenta sa ibabaw niyon. May ilang bahagi ng papel ang napunit at hindi na naibalik pa. It was like a puzzle with few missing pieces.
Itinuloy niya ang pag-basa sa mga impormasyong nakasulat doon.
Patient's name: Gaznielle....
Putol ang pangalan, edad, kasarian, address at araw ng kapanganakan. Naisip niyang marahil ay hindi na nito nahanap ang bahaging iyon nang subukang pagkabiting muli.
Gaznielle... What a pretty name, he thought. And before he realized it, the side of his lips stretched up for a smile. Pero ang ngiti niya ay kaagad ding nalusaw nang may mapagtanto.
Bakit siya... may record sa ospital?
At upang masagot ang mga katungan niya'y itinuloy niya ang pagbasa. Maraming mga medical terms ang nakasulat doon, at hindi niya maintindihan. He was frowning as he read the information stated on the paper, at dahil may mga piraso at bahaging punit ay lalong hindi niya naintindihan ang mga nakasulat doon.
Hanggang sa ma-basa niya ang diagnosis. Doon siya biglang niragasa ng lungkot at awa.
She has... brain tumor?
Pakiramdam niya ay bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig. Doon niya naintindihan kung bakit ganoon na lang ang inis nito sa pag-aakalang magpapakamatay siya.
She was probably fighting so hard to get better and prolong her life, and there she thought he was, playing with his life like it was nothing.
Doon ay naiintindihan na niya kung bakit ito nainis— at naiyak. She was pissed.
Bumuntong-hininga siya at maingat na tinupi ang papel na iyon, bago muling hinayon ng tingin ang kantong nilikuan ng babae. Sa mga sandaling iyon ay naglalaro na sa kaniyang isipan kung ano ang sasabihin niya rito sa muli nilang pagkikita at kung papaano niya itong matutulungan upang kahit papaano ay gumaang ang pakiramdam nito sa hinaharap na pagsubok.
How about... I befriend her?
And right there and then he knew... that he was going to be in trouble.
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Book 1 - My Heart Remembers | Ryu Donovan
Book 2 - Missing Peace | Kane Madrigal
Book 3 - To The Ends Of The Earth | Seann Ventura
Follow me on my socials:
Facebook: Tala Natsume
Instagram: Tala Natsume / thequeenchristala
Like my page:
Tala Natsume's Alexandros: Defender of Mankind
Follow my group for early updates:
Superstars: Tala Natsume Official
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top