Prologue

Prologue

Daddy


Hestia

"Ano ba kasi ang ginagawa mo at nawala mo?!" Naiiyak na ako at kung ano-ano na ang naiisip habang hindi pa namin nakikita ang anak ko.

Pinayagan ko si Jennie na dalhin muna rito sa mall si Ellie habang abala pa rin ako sa pakikipag-usap sa isang customer na o-order sa bakeshop namin ng marami para daw sa birthday ng anak niya. Patuloy na ring nakikilala ang business na sinimulan ko noon at ilang buwan na rin ang branch na binuksan namin dito sa Cebu City na nagsimula lang sa probinsya rin namin sa Negros. Kung alam ko lang na mawawala ang anak ko, hindi ko na lang sana siya hiniwalay sa akin kahit pa mahirap din magtrabaho nang may anak sa tabi at malikot din si Eleanor.

"Sorry talaga, Ate. May tiningnan lang naman ako sandali sa phone ko tapos pagtingin ko, nawawala na si Ellie..." Jennie was already crying.

"Customer announcement. We have found a little girl, approximately 4 years old, who tells us her name is Eleanor Dela Rosa and that she is here with her aunt today. If you are with Ellie, please come to the nearest customer service desk." We heard the mall's announcement on the speakers. Agad na naming tinungo iyon matapos marinig at wala nang sinayang na panahon.

I just wanted to see my daughter now more than anything. She's the most important to me. Ellie's my life. I can't bear losing my daughter...

"This way, Ma'am." Giniya kami ng staff ng mall sa kung nasaan si Ellie.

Agad ko ring nakita ang anak ko. "Ellie!" I immediately opened my arms for her. Naiyak na rin ako sa naghalo-halong mga emosyon kanina—sa kaba ko at sa takot na baka mawala siya sa akin.

"Mama!" She ran to me, too, and hugged me. Niyakap at hinagkan ko ang anak ko. "Why are you crying, Mama?" She tried to wipe the tears off my cheeks. "'Wag ka na pong umiyak. I'm okay. I did not cry, I'm brave!" she proudly said.

Bahagya na lang akong napatawa sa anak ko at muli siyang niyakap. "He found me and brought me here!" Tinuro niya ang isang tao. Agad namang umawang ang bibig ko nang nag-angat ako ng tingin at nakita kung sino iyon.

I was only focused on my daughter when I came in here that I failed to notice other things... Unti-unti siyang lumapit sa amin and was already glaring at me. I bit my lip and tried to look away, finding an escape to this situation we're in now. How could I forget? Hindi ba't mga mall nga rin pala ang business ng taong 'to? Malamang siya rin ang may-ari ng mall na 'to! At siya pa ang nakakita kay Ellie...

We cannot really hide things forever... Pero pananagutan ba niya noon? Handa na ba siya? Ano lang ba iyong sa amin noon... I wasn't sure... At alam kong hindi rin siya sigurado...

"Ellie, mag-thank you ka na. We have to go," I was able to say.

Bumaling naman ang anak ko sa kakikilala niya pa lang. Ngumiti sa kaniya si Ellie. "Thank you po!"

Hinawakan ko na ang kamay ng anak ko at aalis na kami, when I felt a hand stopping me. I turned to him at nakita kong mukhang galit siya. "Where are you going? Stay and we'll talk," he commanded.

Nagagalit na rin ako. "I'm sorry, mister, but we really have to go. Thank you so much for finding my daughter," tapang-tapangan ko kahit parang nanghina na rin ang mga tuhod ko.

"No." Umiling siya at kinuha sa akin si Ellie at binuhat pa.

Nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing?" sita ko sa kaniya at kukunin ko sana si Ellie sa kaniya pero nilayo pa niya ang anak ko na mukhang naguguluhan na rin sa nangyayari.

"No, you, what did you do?" balik niya sa 'kin.

I heaved a sigh. "Akin na ang anak ko—"

"We will talk," mariing aniya na ayaw pa ring ibigay sa 'kin si Ellie.

I gritted my teeth. "We will!" Fine! "Akin na muna ang anak ko."

"Mama..." Ellie was about to cry now. Walang naiintindihan ang bata sa nangyayari.

Louis looked at her at agad na-guilty kaya binalik na rin niya sa 'kin si Ellie. Para siyang natakot para sa anak ko. "Don't cry, sweetheart. Shush," alo niya sa bata.

I carried Ellie now in my arms. Pinatahan ko na rin ang anak ko tapos sinamaan ko ng tingin si Louis sa harap namin.

"Ah, Ate, excuse me lang... Siya ba daddy ni Ellie?" Naguguluhan din at parang tanga na tanong ng kapatid ko na kanina pa rin nakikinig lang sa amin na halos nagtatalo na rito. Bumaling kami ni Louis sa kaniya. Umawang ang labi ko. Naghihintay lang naman si Jennie ng sagot.

She just said it. Sumakit ang ulo ko at parang mahihilo ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top