04
04
Broken
"Girl! Dito!" Nakita ko na ang table nina Rapha. Kumakaway rin sila sa amin ni Louis na kasama ko. Hinila ko na si Louis papunta sa mga kaibigan ko. Sa isang resto bar iyon. Magdi-dinner muna kami tapos inuman. Okay lang din naman at off ko kinabukasan sa trabaho.
"Pakilala mo naman kami sa kasama mo, Hestia," nakangising inunahan na ako ni Jerusha, ang birthday girl namin.
Tumango ako at pinakilala na nga si Louis sa kanila. "Si Louis nga pala. Louis, these are my friends. Si Sonnie..."
"Best friend." Naglahad si Sonnie ng kamay na maagap din tinanggap ni Louis sa tabi ko.
Ngumiti ako at nagpatuloy. "This is Rapha, Jennifer, Leanne, and Jerusha. Siya ang may birthday." Tinuro ko sila isa-isa.
Louis politely greeted my friends. Nakangiti lang naman ako sa tabi niya. "Happy birthday," he then greeted Jerusha a happy birthday and handed my friend a paper bag for our gift. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Jerusha nang tanggapin 'yon. Sa paper bag pa lang ay alam nang mamahaling pabango ang laman. Kanina lang din iyon binili ni Louis matapos niya akong sunduin sa trabaho ko. Nasabi ko rin kasi sa kaniya ang plano ko ngayon dahil birthday nga ng kaibigan. "Thank you!" natutuwang nagpasalamat naman si Jerusha kay Louis sa regalo.
"Upo na kayo." Pinaupo na rin nila kami.
"Kailangan nga pala niyang mag-restroom." Baling ko sa mga kaibigan at tinanguan na si Louis na umalis na rin muna para magbanyo. Umupo na rin ako roon kasama ang mga kaibigan.
Malakas akong hinampas ni Jerusha. "Ang blooming, blooming mo ngayon! Walang panama ang stress, 'no, sa call center? Dilig na dilig si mars!"
Nangingisi lang naman ako sa mga kaibigan. "'Wag nga kayo..."
"'Wag nga kayo," panggagaya sa 'kin ni Jerusha. "Tse!" Pabiro ako nitong inirapan.
Napatawa na lang ako at tumawa rin ang mga kaibigan. "Congrats, girl! May lalaki ka na rin sa buhay mo!" ani Leanne.
"True! Having a man by your side is life!" bahagyang tili pa ni Rapha.
"Ang sabihin mo, hindi ka mabubuhay nang walang sex. Malanding baklang 'to!" sabi ni Sonnie.
Binalingan siya ni Rapha. "Ang sabihin mo rin, humanap ka na rin ng lalaki mo para hindi ka nagmumukhang masungit na matandang dalaga, Miss Minchin!"
Ngumiti na lang ako mga sa kaibigan at bahagyang napailing.
"Fubu na may pa-meeting with friends, a. Bago 'yan," singit ni Jennifer. "Ano sunod, meet the family naman?"
I only shook my head with my friends' teasing. "Uy, pasabi na lang ulit sa jowa mo na salamat dito sa gift niya, ha? Mamahalin! Galante! Hindi tulad n'yo, ililibre ko na nga ngayon, wala pa kayong regalo kahit panty na lang!" reklamo ni Jerusha.
"Ay, wala ka na bang panty, mars? Naubos na kakasira ng jowa mo? Sige, bigyan kita sa susunod. May mga extra'ng panty pa rin ako sa bahay na hindi pa nagagamit," ani Leanne.
"Ew!"
"Ew ka riyan! Bago nga. Hindi pa nagagamit. Arte nito. Mas magaganda pa mga panty ko sa 'yo, oy!"
Medyo nakakahiya na rin sa ibang mga kumakain o nag-iinuman dito ang kaingayan ng grupo namin. "Hindi ko siya boyfriend, Jerusha," pagtatama ko.
"Hindi nga niya boyfriend. Lalaki, lalaki niya," sagot nina Rapha na nagkatinginan at halos sabay-sabay pa na nagsalita.
Natawa na lang ako. "Nakapag-order na ba kayo?" tanong ko. Baka dada pa rin kami nang dada rito tapos wala pa palang pagkain.
"Tapos na, girl," sagot ni Jerusha. "Nasaan na ba 'yong menu? Dagdag na lang kung may order pa kayo."
"Mayaman siya ngayon," sabi sa 'kin ni Jennifer na tinutukoy ang kaibigan naming manlilibre nga ngayon.
Ngumiti lang ako.
"Pero, ha, sana all," ani Rapha na bumaling muli sa 'kin.
"Sana all talaga. Hindi gaya mo, nako, pineperahan ka na naman niyang Jason na 'yan!" Sonnie interrupted Rapha.
Natahimik naman si Rapha. Ganoon din kami. Minsan din talaga itong si Sonnie... Pero alam naman namin that he's just worried for Rapha. Close rin kasi talaga sila.
Nakabalik na si Louis at dumating na rin ang pagkain. We sang a happy birthday song for Jerusha, and then she blew the candles on her cake na binili rin namin nina Rapha para sa kaniya. Iyon na lang ang regalo namin, taggipit, e. We started eating while conversing with each other. Nagbibiruan din kami. Sinasali rin namin sa usapan si Louis na nakikipagbiruan din sa amin ng mga kaibigan ko. He already got along well with my friends at natutuwa na rin sa kaniya ang mga kaibigan ko. Napangiti na lang ako. Madali talagang pakisamahan si Louis at magaling din siyang makisama. He's polite and playful enough to be with. Walang hiya-hiyang tawa nang tawa pa ang mga kaibigan ko sa ilang biro din niya. Napapailing na lang ako.
Pagkatapos kumain ay nag-iinuman na rin kami. Umiinom din si Louis ng beer kasama namin. Nalalasing na sina Jerusha habang okay lang naman sina Sonnie at Jennifer. Hindi rin talaga walwalera ang dalawa. Tumayo ako matapos magpaalam na magbabanyo lang muna. Naiihi na ako sa pag-inom ng alak. "I'll go with you." Tatayo rin sana si Louis para samahan ako.
Bahagya akong napatawa at inilingan siya. "Okay lang. Kaya ko na. Dito ka lang muna at sandali lang naman ako," sabi ko sa kaniya. Tumango siya at hinayaan na rin ako. Mukhang hindi pa rin naman siya lasing at makakapag-drive pa mamaya.
Pumunta na ako sa restroom at pagkalabas ko ay sinalubong na ako ni Sonnie. Hinigit pa ako nito sa isang tabi. "Oh, bakit—"
"Gaga ka! Naalala ko na! Kaya pala kanina pa parang pamilyar sa 'kin 'yang lalaki mo. Boss namin 'yan!" Sonnie said.
"Oh." Sonnie worked as a mall manager. At may-ari ng mga mall sina Louis kaya napagtanto ko rin agad. Tumango-tango ako.
"Hindi ko lang agad namukhaan kasi parang isang beses ko pa lang yata siya nakita noon. Iyong kapatid niyang si Mr. Moreau ang madalas naming makaharap," ani Sonnie.
Tumango ako.
"Palaban 'to!" Kinurot ako ng nangising si Sonnie. Ngumisi na rin ako sa kaibigan. "At least! Hindi gaya niyang si Raphael! Kanina pa niya tinatawagan 'yong Jason na 'yon para magpasundo siya ngayon. Hindi sumasagot ang gagong lalaki! 'Yang tangang kaibigan mo pa ang nagbabayad ng sasakyan n'on pati pang-gas!"
Pinakalma ko siya. "Dahan-dahan ka lang kay Rapha. Alam mo namang medyo sensitive rin 'yon," paalala ko sa kaniya.
Umirap lang si Sonnie at bumalik na rin kami sa mga kaibigan namin. Umiiyak na si Jerusha sa kalasingan at brokenhearted na naman. Inabot na rin sila ng ilang taon ng jowa niya sa pagbe-break at balikan ulit. Si Jerusha ang laging sumusuyo. Alam naman niyang may iba nang babae 'yong gagong 'yon, pero nagpapakatanga pa rin at umaasang magbabago pa at magsi-stick din sa kaniya. Naabutan kong tumutulong na rin si Louis sa pag-alo sa kaibigan ko. Bahagya na lang akong napangiti.
"Tigilan mo na kasi at makipaghiwalay ka na lang—" ani Jennifer.
"Madaling sabihin 'yan sa 'yo, Jennifer. Wala ka naman kasi sa sitwasyon ko. Sa mahal ko ang gagong 'yon!" Jerusa was obviously wasted now. Ngayon ngang birthday niya ay wala rin dito ang boyfriend niya. Malayo pa siya sa pamilya niyang nasa probinsya rin. So she would often celebrate her birthdays with our friends and other occasions. "Mahal ko siya, putangina..." she cried. May hawak pang isang bote ng alak sa kamay.
Nagpakawala ako ng hininga at bumaling kay Sonnie. Lasing na rin si Rapha. "Ang tatanga n'yo kasi," sabi niya sa tabi ni Rapha.
Lasing na bumaling sa kaniya si Raphael. "Palibhasa wala kang jowa! Hindi ka marunong magmahal! Napaka-bitter mo! Masama bang umasa na may magmamahal din sa kagaya natin? Iyong totoo." Nag-breakdown na rin si Rapha na mukhang hindi pa rin talaga nako-contact ang boyfriend niya.
"Ako? Hindi ako marunong magmahal? Mahal ko kayong mga kaibigan ko kaya nga ako concerned diyan sa mga katangahan ninyo!" Bumaling din si Sonnie kay Jerusha na papikit-pikit na rin ang mata.
"Oh, oh, tama na. Nasobrahan na yata tayo ng inom. Magsiuwian na nga lang tayo," sabi ni Leanne na bumaling sa 'kin.
Tumango naman ako at tulong-tulong na kaming inakay ang mga kaibigan namin paalis ng resto bar at gumagawa na rin kami ng eksena roon. Baka pa may nagbi-video na pala sa amin at mag-trending pa kami.
"Sa sasakyan ni Sonnie na lang kami," paalam nina Jennifer.
Tumango ako at bumaling kay Louis sa tabi ko. Nasakay na rin namin sa loob ng kotse niya sa backseat si Jerusha. Kami na ang maghahatid. Si Rapha naman na tulog na ay sina Sonnie rin ang maghahatid. Nagpaalam na rin kami kina Sonnie.
Iyon nga ang nangyari. Binuhat na lang ni Louis si Jerusha paakyat ng floor ng condo nito dahil bagsak na talaga sa kalasingan. Binuksan ko ang pinto ng condo ng kaibigan ko gamit ang keys na galing din sa bag niya. Dineretso namin siya sa kuwarto at binaba sa kama nila. Wala pa rin dito ang boyfriend niya. Hindi nga rin namin 'yon ka-close dahil medyo masama rin ang ugali at wala ring pakialam sa amin. Kahit nga kay Jerusha, hindi ko alam kung may kahit kaunting care pa iyon sa kaibigan ko. Nakatingin si Louis kay Jerusha matapos namin itong ibaba sa kama na para bang naaawa rin siya sa ayos ng kaibigan ko. Niyaya ko na rin siyang umalis kami. We made sure that we locked Jerusha's door before we left her unit.
"Thank you nga pala, ha? Pasensya ka na rin sa mga kaibigan ko."
Umiling si Louis habang pabalik na kami sa kotse niya para makauwi na rin. Hiniling niyang sa kaniya ako umuwi ngayon kaya dadaan lang din muna kami sandali sa apartment namin ni Sonnie para manguha ng mga damit ko at ilang gamit na rin at napapadalas na rin yata ako sa penthouse ni Louis. "No, it's okay. I like your friends," he assured me with a smile.
Napangiti rin ako. "Salamat," sabi ko na lang.
Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan nang muli siyang magsalita. "Your friend... She looks so broken," tukoy niya kay Jerusha. Nakatingin din sa akin si Louis. "I don't want that to happen to you," seryosong aniyang nakatingin sa 'kin.
Bahagya naman akong nabigla sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako. "Tara na..." yaya ko sa kaniya at bumaling na rin siya sa steering wheel and started maneuvering his car.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top