Ep 6--Gajog
A/N
SHOUT OUT PO SA CUTE KONG TAGA GAWA NG COVER...NICA RIVERA Gorgeoushana15 KEEP IT UP NAK BAKA JAN TAYO YAYAMAN HAHAHA...
dianerivera17
user32550690
ching5577
TNX FOR READING MGA LALABS!!! 😍😍😍😍
Gajog means Family...
*****************************************
Ajileth...
Nagising siyang masasakit ang katawan.
Ganito pala ang pakiramdam ng nagagahasa.
Masakit ang lahat sa kanya ang katawan, ang kanyang kaselanan...
Maging ang kanyang puso.
Parang ngayon pa lamang ay gusto na niyang sumuko.
Humingi kaya siya ng tulong kay Jungsuk para makauwe ng pilipinas. Ibinigay nito sa kanya ang numero ng cellular nito.
Ngunit wala siyang cellphone...
Hindi na niya iyon nabalikan sa pinagtatrabahuhang kainan.
Dahan-dahan siyang bumangon upang maglinis ng kanyang katawan. Talagang napakasakit ng kanyang katawan.
Napahagulhol siya habang naliligo. Pilit niyang sinasabong maigi ang bawat bahagi ng katawan niyang nilapastangan ng asawa.
Kaya mo 'yan!
Si konsensiya! Himalang pinapalakas nito ngayon ang kanyang loob. Marunong din palang makonsensya.
Balewala iyan sa pinagdaanan mong hirap ng buhay noon.
Wala iyan kumpara sa pagiging ulila mo.
At least ngayon ay may mga magulang ka na. Hindi kana ulila.
Bigla siyang nabuhayan ng loob.
Pagkatapos ay biglang nanglumo.
Mabuti kung magustuhan siya ng mga ito.
Paano kung hindi.?
Inabutan niyang inaalis ni Woobin ang naduguang bed sheet. Pinalitan nito iyon maging ang puting kumot na kinipit niya kagabi upang mawala miski konting kirot ng kanyang pagkababae.
Tumingin ito sa kanya na tila nais siyang akayin.
Ngunit wala namang anumang sinabi. Kinuha nito ang tray ng pagkain at ipinatong iyon sa kama. Saka lumapit sa kanya.
"Let me dry your hair. "Wika nito.
Napaatras siya ng bahagya.
Mabilis siyang umiling iling...
Huminto naman ito paglapit sa kanya. Nakita pa niyang bumalatay sa mukha nito ang pagka dismaya.
Ayaw nito ng nire reject,sure siya roon.
Iniabot nito sa kanya ang baso ng gatas. Mabilis niya iyong kinuha at kaagad na sinisid.
"Are you okay? "Tila nag aalalang tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya.
"I'm leaving! "
"Why!!! " Bulalas niya. I'm leaving daw... Ibig sabihin ay hindi siya kasama.
"I have a business trip in Jeju Island.I'll pick you up here in a week. "
"Can I go with you? "Gusto nga ba niyang sumama dito? Natatakot kasi siyang maiwan sa pamilya nito.
Bahagya itong umiling iling...
"I have a lot of things to do in there, i can't accompany you." Mahina nitong sagot habang nakatanaw sa labas ng beranda.
At pagkatapos ay tinungo na nito ang pintuan.
Mabilis naman siyang napasunod dito.
Lumingon ito sa kanya... Tila nais magbago ng isipan. Tumingin ito sa salas. Naroon ang buong pamilya nito, nagkakape.
Nangangatal ang buong katawan niya sa takot. What will happen to her kapag umalis na ito. Baka maltratuhin siya ng pamilya nito. Sa isipin pa lamang na iyon ay nais na niyang maglupasay ng iyak.
Muli itong tumingin sa kanya at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng pintuan. Hindi na mula pa itong lumingon hanggang sa makasakay ito sa sasakyan nito.
Hinabol niya ang sasakyan nito hanggang paglabas niyon sa gate ng bahay.
Para siyang bata na naglupagi ng iyak.
Ang hagulhol niya'y walang kapantay. Tila habag ng isang nasalanta ang nararamdaman niyang awa para sa kanyang sarili.
Napahinto siya pag singhot ng may lumahad sa kanyang harapan na isang kulubot na kamay.
Tumingala siya.
Ang lola ni Woobin, naka ngiti sa kanya na tila inaamo siya.
"Halmeoni! "Granda ang tangi niyang nasabi. Pilit siya nitong itinatayo. Bahagya siyang yumukod sa matanda ng makatayo siya ng maayos.
Katabi nito ang nakatatandang kapatid na babae ni Woobin.
"Annyeong! "Bati nito sa kanya habang iniaabot sa kanya ang isang kahon ng tissue.
"Just call me Eonni... "Sabay yukod nito sa kanya. (Eonni-older sister)
"Annyeong haseyo eonni! "Yukod din niya rito. "
Kinuha niya ang kahon ng tissue and said thank you. "Gomawo! "
Bahagya siyang nakahinga ng maluwag.
2 points... Mabait ang lola at kapatid.
Dalawa na lang ang huhulihin niya ang loob
Ang kanyang Abeonim(Father inlaw) at ang kanyang Eomeonim (mother inlaw).
"Come inside,let's have coffee! "Yakag sa kanya ng lola nila.
Sumama naman siya sa mga ito.
"Why are you crying? "Nakangiting tanong sa kanya ng kanyang sister-in-law.
"I don't know! " tangi niyang naisagot.
"Do you want to go with Hyun? "Grandma asked her.
"Hyun? "Kunot ang noong tanong niya.
"That's his name... Woobin is just his screen name. "Paliwanag ni Da Eun. That's Eonni's name.
Napatango na lang siya. Alam niya lahat ng tungkol kay Woobin. Dahil my journal siya na naka tala lahat ng tungkol dito. Maliban sa mga bagay na hindi naka lagay sa Google.
She needs to start calling him Hyun from now on.
"Eomeonim! "Bati niya sa kanyang mother- in-law na nag sasalin ng kimchi sa isang lagayan.
Bahagya naman itong ngumiti sa kanya.
"Wow! Kimchi! "Namimilog ang mga mata niya.
"Do you like it? "
"Ne, Eomeonim... I love it! "At niyakap niya ito sa sobrang tuwa. Kinabig naman siya nito pahilig sa balikat nito. Ne(yes)
"So let's eat! " Father-in-law said in her back."
"Im hungry."Grandma said.
"Me too! "Excited niyang sagot. Nakiduet pa sa kanya ng me too si Eonni Da Eun.
"Let's have soju, Yooboo! "Excited din na wika ng ina ni Woobin.
Masaya silang kumain ng Gajog ni Hyun.
Lahat ng itinatanong ng mga ito sa kanya ay sinasagot niya ng may pag galang.
Mali pala siya ng pag aakala.
Mali ang manghusga ng hindi mo pa nakikilala ang isang tao. Mababait ang buong pamilya ng kanyang asawa. Kaya't malakas ang loob nitong iwan siya roon.
Sa isang banda ay naisip niyang mas maganda na naiwan siya rito. Kaysa kasama siya ng asawa, baka sapilitan na naman siya nitong sipingan.
Lasing na siya... Lahat ng sinasabi ng mga ito ay tinatawanan na niya.
Hanggang sa napag usapan nila ang kanyang asawa.
Natanong siya ng kanyang Eonni kung may nangyari na sa kanila nito.
And then after laughing with no reason, she began to cry.
Nadulas ang kanyang bibig. Hindi siya marunong magsinungaling kung matino siya mas lalo na ngayong siya'y wala sa katinuan.
Nasabi niyang dinaan siya kagabi ng asawa sa dahas.
Lahat at nagalit dito.
"That scumbag! "Abeonim said in an angry tone,"He will see... Don't worry,Ajie... I'll punch that scumbag's face when he returns! "
Sabi pa nito habang tinatapik siya sa balikat.
"I'm sorry,dear, I don't teach my son well... Don't worry... Your father will punish him!"
Galit ang ina ng kanyang asawa. Humingi pa ito ng pasensiya na hindi raw nito naturuan ng ayos ang anak nito.
And that's the last thing that she could remember.
ONE WEEK AND THREE DAYS...
Heto siya't nagising na katabi ng kanyang sister inlaw.Nalasing na naman sila kagabi.Naginuman sila kagabi pagkatapos kumain.
At kung hindi siya nagkakamali ng natatandaan ay iyak siya ng iyak kagabi habang hinahanap ang kanyang asawa.
Miss na miss na niya ito...
Minumura niya ito kung bakit siya pinakasalan at pagkatapos ay itinapon sa piling ng mga magulang nito. Ang pangako nito'y babalikan siya pagka isang linggo.Pero siyam na araw na ay hindi pa ito bumabalik.
Sinungaling ang damuhong iyon!
Masakit ang kanyang sintido... Dumako ang kanyang paningin sa orasan sa ibabaw ng bedside table.
10:30 ng umaga.
"Eonni! "Tapik niya sa hipag.
"Ummmmm... "
"Let's have coffee, I have a feeling that I'm going to throw... "At patakbo niyang tinungo ang banyo sa kwarto. Nang mahimasmasan ay naghilamos siya at nag toothbrush gamit ang nakitang selyado pang extra toothbrush sa kabinet ni Da Eun.
"Eonni, let's go! "Yakag niya sa hipag na koreana. Ngunit hindi pa rin ito tumitinag kaya iniwan na niya ito.
"Halmeoni... "Tawag niya sa kanyang lola ng makalabas sa salas ng bahay. Inabutan niya itong nakaupo sa sofa.
"Neeeee... "Malambing na tugon nito sa kanya. Malambing sa kanya ang matanda. Uma umaga siya nitong isinasamang mamitas ng peras at cherry sa likod ng bahay ng mga ito. Tanim daw iyon ng namayapa nitong asawa.
"I want hot milk, grandma... "Lambing niya rito sabay hilig dito.
Hindi ito maka alis sa pagkakahilig niya kayat inutusan nito ang kanyang biyenan na kaagad namang tumayo.
"Ne, eomma! "
"Where's your Eonni, Ajie...? "Tanong ng kanyang biyenang lalaki.
"Still sleeping, Abeonim."Nanlalata pa ring sagot niya.
"Here's your milk, Ajie... "Malambing na abot sa kanya ng kanyang biyenang babae sa baso ng gatas.
Sa loob ng sampong araw ay nakasundo na niya ang buong pamilya ng asawa.
Nabigyan na rin siya ng palayaw ng mga ito.
Ajie... Kyut naman kaya hindi na siya umangal. Isa pa'y napaka bait ng mga ito sa kanya.
"Mother... "
"Hmmmm... "
"What day is it?"Tanong niya habang sinisisid ang kanyang gatas.
"It's Tuesday... "
"It's been ten days... "Nanlulumong usal niya sa sarili.
Tumayo siya't naupo sa may bintanang nakaharap sa may gate ng bahay. Paborito niya ang pwestong iyon. Masigla siyang tatayo kapag may pumasok na sasakyan at kaagad din siyang uupo kapag walang Woobin na bumababa.
That scumbag!
Ayaw pang sabihin kung ayaw sa kanya at uuwe na lamang siya sa Pilipinas.
"Abeonim... "Tawag niya sa biyenan na hindi umaalis sa kanyang pagkakaupo sa may bintana.
"Neeeeee... "
"Send me to the Philippines,Siabeoji."
Humihikbing wika niya.
Wala naman siyang nakuhang sagot mula sa biyenan.
Kaya't lalo siyang napahikbi!
*****************************************
Siabeoji/Abeonim-
Father inlaw if you are a girl.
Eomeonim-
Mother inlaw
Halmeoni-Grandma
Eonni- eldest sister
Sinu-i
Sister inlaw
Ne-yes
Eomma-mother
Kimchi/Gimchi
Spicy fermented vegetables
Gajog-Family
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top