Ep 20--Sonja
He was running to help Ajileth.
Pagpasok pa lamang niya ng pinto ay narinig na niya itong duwal ng duwal sa kusina.
Inabutan niya itong nanglalambot na at maputla.
Binuhat niya ito at isinakay sa kanyang kotse.
May sakit ito.
Baka kumplikasyon ng sakit nito sa puso ang pagsusuka nito.
Natatakot siya para kay Ajileth.
Ngunit hindi ang babae.
Katwiran nito ay pag oras mo na ay oras mo na talaga.
Sabi pa nito ay hindi ka maililigtas ng pera mo kapag sadyang nakatadhana ka ng kuhanin ni Lord.
Kaya nga ayaw itong magpa opera.
Lumapit kaagad siya sa doktor ng lumabas iyon mula sa ward ni Ajileth.
Kinausap niya ito at nagulantang siya sa sinabi nitong nararamdaman ni Ajileth kaya ito nagsusuka.
Deabak!
Kailangan na niyang hanapin ang kaibigan niya.
Hindi na niya kaya pang panagutan ang tungkulin nito bilang asawa ni Ajileth.
Nanganganib ang buhay ni Ajileth at si Woobin lamang ang kailangan nito.
Dinukot niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng kanyang coat. At nagdial doon.
Ipinahanap siya sa kanyang mga kakilala sa immigration ang kaibigan.
Tapos na ang pagtatago nito kung saan man ito naroroon.
Tapos na rin ang pagsambot niya sa obligasyon nito bilang asawa ni Ajileth.
Tinawagan niya ang pamilya ni Woobin para puntahan si Ajileth.
At umalis na siya sa lugar na iyon.
Meanwhile...
She was astounded by the information!
Conflicting feelings follow!
Shock!
Yet joyful!
The doctor has confirmed that she is expecting a child.
Masayang masaya siya!
Nakita siya ng pag-asa na baka balikan siya ni Woobin because she is bearing his child.
At kapag bumalik ito ay makikiusap siya rito na huwag na siyang iwan dahil kailangan ng ama ng kanilang anak.
Tatlong buwan na siyang buntis.
Hindi niya napansin na hindi siya dinadatnan ng kanyang buwanang dalaw sapul ng umalis ang kanyang asawa.
Ukupado ang kanyang utak kakaiyak at pangungulila sa asawa.
Hindi niya napansin na bumibilog pala ang kanyang tiyan.
Dineklara rin sa kanya ng doktor na mapanganib sa kalagayan ng kanyang puso ang kanyang pagbubuntis.
Maari niyang ikamatay iyon anomang oras.
Magkagayon pa man ay wala siyang pakialam.
Bubuhayin niya ang anak nila ni Woobin.
Kahit na buhay man niya ang maging kapalit niyon.
Ngunit heto ang pamilya ni Woobin.
Bakit parang hindi masaya ang mga ito.
Kung tumingin sa kanya ay akala moy nanlalaki siya ng panahong umalis ang anak ng mga ito.
Nag uusap usap ang mga ito sa wikang Korean.
At nagulat siya sa rebelasyon ng mga ito.
Baog daw ang kanyang asawa!
Iyon daw ang dahilan kaya ito iniwan ni Shina.
So sinong bumuntis sa kanya?
Espiritu santo?
Bigla siyang nanlambot.
Ang kasiyahan niyang naramdaman ay biglang napalitan ng lumbay.
Paano siya babalikan ng kanyang asawa kung ang pagkaka alam nito ay baog ito.
Malamang na pagbibintangan lamang siya nito na nanlalaki ng panahong wala ito.
Lord!
Isa-isa naman po.
Bakit kung dagsain siya ng problema ay parang kinukumbida niya ang mga ito.
Iniwanan siya ng lalaking mahal niya!
May sakit siya sa puso na maari niyang ikamatay!
Ngayon buntis siya at wala itong maaring tawaging ama?
Napapalahaw siya ng iyak.
Hindi niya alintana ang lugar kung nasaan siya at kung sinong mga kaharap niya.
Muli ay nakaramdam siya ng habag sa sarili.
Putragis na buhay ito!
Naisip niya!
Inalo-alo siya ng kaniyang Eonni.
Wala raw findings ang mga espesyalista na baog si Woobin.
Nagpa check up daw ito at wala raw namang problema.
Ngunit ang tanong ay bakit hindi nito mabuntis-buntis ang dating kinakapisan na si Shina.
Wait...?
So they just assume,na baog si Woobin?
Muli siyang nakakita ng pag-asa.
Sadyang may ganoong mag-asawa na hindi kaagad pinagkakalooban ng anak.
Sa pilipinas nga, kailangan mo pang magsayaw sa Obando upang humiling na bigyan ng anak ang mag-asawang namimintuho ng anak sa Obando's three patron saint's.
The Obando Fertility Rites.
Are a dance ritual, initially an Anitist ritual, and later also became a Catholic festival celebrated every May in Obando, Bulacan, Philippines.
Locals and pilgrims, sometimes dressed in traditional costume, dance and sing in the town's streets to honour and beseech Obando's three patron saints: San Pascual (Paschal Baylon), Santa Clara (Clare of Assisi) and Nuestra Señora de Salambáo (Our Lady of Salambao).
Pero pitong taong nagpisan ang dalawa, ayon kay Jungsuk.
Pero minsan sampong taon bago biyayaan ng anak ang isang mag-asawa kung kailan hindi na nila inaasahan ay saka ito ibinibigay ng poong maykapal.
Maari ring hindi magkatugma ng semilya ang dalawa.
Bakit naman siya?
Kadali-dali!
Heto at kung kailan hindi pwede at hindi kaya ng katawan niyang may sakit ay saka naman siya nabuntis.
At kung kailan pang iniwanan na siya ng asawa.
Pilit niyang binibigyang katwiran ang sitwasyon.Hindi baog ang kanyang asawa. Dahil alam ng Diyos na walang ibang lalaki sa buhay niya.Hindi siya maaring mabuntis ng kung sinoman.Dahil malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili. Kaya nga umabot siya sa edad na trenta y kwatro na birhen pa. Dahil ang kanyang puri ay nakalaan lamang sa taong magiging asawa niya.
Nahismasmasan siya sa kanyang isipin ng maramdaman niyang niyayakap siya ng kanyang Grandma.
Namamaalam na ang mga itong uuwe at magpapahinga sa bahay.
Nababanaag niya sa mukha ng mga ito ang pag-aalala sa kanya.
Alam niyang minahal siya ng mga ito bilang tunay na anak.
"Stop crying,Halmeoni."Himas niya sa likod ng matanda."Mahal na mahal niya ang matandang ito. Bukod sa naging bespren niya ang ate ni Woobin ay isa ito sa pinakamalapit sa kanya sa pamilya.
"Always take care of yourself, Ajie. "Ang ina ni Woobin panay pa rin ang singhot.
"Neeee... Eomeonim! "
"After you discharge here, stay at our home, Ajie."Said her father in-law. "We'll take care of you no matter what happens.You are also my child,and that child in your belly is my only grandchild."Hirap na hirap ang kanyang Abeonim bago nabigkas ang mga katagang iyon na nakapagpaiyak lalo sa kanya.
"Yes, Abeonim!"At niyakap niya ito.
"Group hug!"Si Da Eun ang kanyang Eonni.
At niyakap siya ng mga ito.
She was blessed to have this family.
Bukod kay Jungsuk ay ang mga ito ang naging kaagapay niya mula ng umalis si Woobin.
Hindi siya pinabayaan ng mga ito.
Alam na niya kung saan nagmana ng pagiging mabait at maasikaso ang kanyang asawa. Sa mga magulang nito lalo na sa ama nito.
God knows how she misses her husband!
The one and only Hyun of her life!
Where are you,my love?
Come back to me!
Our baby needs you!
A/N
Sonja-grandchild
Grandchildren
Eonni-sister
Abeonim-father in-law
Eomeonim-mother in-law
Halmeoni-gradma
Sa Korea ay iba ang tawag ng anak sa kanyang mga magulang oh pamilya kesa sa tawag ng naging asawa nito.
Katulad ng kung Eomma ang tawag ng lalaki sa kanyang ina ay Eomeonim naman ang tawag dito ng manugang nito.
Kaibahan dito sa atin na kung Mama ang tawag ng iyong asawa sa kanyang ina ay Mama rin ang itatawag mo.
Ayiiiiii makapaghanap na nga ng bagong biyenan...
Hahaha...
Shout out sa aking mga masugid na taga subaybay.
Don't forget to hit the vote guys...
Mhuahugs...!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top