Ep 17--Johahae-Saranghae


I like you!

I love you!

Sunday...

"Hey, babe,your phone is ringing! "

Sigaw niya kay Ajileth na naghuhugas ng plato sa kusina.

Nadaanan niya sa salas ang cellphone nito na kumikiriring.

"Answer it, juseyo!" she shouted back at him.

"But it has a password! " he shouted again.

"07161989!"she shouted back again.

Natigilan siya.

It's his birthday!

Tulala pa rin siyang naupo sa sofa.

Kusa ng tumigil sa pag ring ang cellular dahil hindi niya ito nagawang sagutin.

Bakit kaarawan niya ang password ng kanyang asawa?

All along ang alam niya'y hindi siya nito mahal.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabuksan niya ang cellphone ng asawa.

Noong huli niya itong mabuksan ay nakita niyang puro picture niya ang naka wallpaper sa cp nito. Maging sa laptop nito.

At dahil doon ay umasa siyang gusto rin siya nito.

Na mahal din siya nito.

Ngunit nabigo siya!

Dahil kaagad itong pumayag ng pag usapan nila ang paghihiwalay nila ng landas pagkatapos nitong maging Korean citizen.
Nakitahan niya ng lungkot ang mukha nito ng pumayag ito. Ngunit ipinagpalagay niyang dahil dalaga ito ng makuha niya. Tapos ay magiging diborsyada ito pagkatapos ng lahat.

Pero hindi naman ito malulugi sa paghihiwalay nila.

Nasa batas na kapag naghiwalay ang isang mag asawa ay hahatiin sa gitna ang lahat ng ari arian niya. At bukal sa loob niyang ibibigay iyon kay Ajileth.

May kundisyon si Ajileth pagkatapos nilang mag hiwalay.

Gusto nitong sa kanyang mga magulang tumira.At iyon din ang gusto ng kanyang mga magulang.

Galit ang mga ito sa kanya.

Parang akala moy si Ajileth ang anak ng mga ito at hindi siya.

Bawal na siyang tumuntong sa bahay ng mga ito sa oras na isauli niya si Ajileth sa bahay ng mga ito.

And that is just one more week after this day.

Hindi niya masisisi ang kanyang pamilya sa pagmamahal na ibinibigay ng mga ito sa kanyang asawa. Mabait, malambing at totoong tao si Ajileth.

His father likes her because she's kind and honest,according to the old man.

At gustong gusto ito ng kanyang ina at lola dahil mabait ito at masunurin. Madali itong pasayahin kahit sa pamamagitan lamang ng mga luto ng kanyang ina. Malambing ito sa kanyang lola na animoy isang tunay na apo.
Kayat nais ng matanda na kasali ang pangalan ni Ajileth sa pamamanahan nito. At walang tumutol isa man sa kanila.

At hindi na rin siya magtataka kung pagkatapos niya itong ibigay sa kanyang mga magulang ay alisin na siya sa last will and testament ng kanyang ama't ina at si Ajileth ang ipalit sa kanya.

Ang kanyang nuna na matandang dalaga at sinosolo ang kayaman nito buhat sa pagsisikap nito ay mas lalong hindi malabong si Ajileth din ang pamanahan. Mahal ito ng kanyang nuna. Ito ang kapated na babaeng pinapangarap nito. Bukod pa sa naging mag best friend ang mga ito ng tumira si Ajileth sa kanilang bahay.

Whew!

Ito ang magiging kapalit kapag ibinigay niya ang asawa sa kanyang mga magulang. Hindi niya habol ang kanyang mana. Mayaman siya.

Ngunit ang itakwil ng sarili niyang mga magulang ay napakasakit para sa kanya.

Iyon ang binitawang salita ng mga ito sa kanya.

Galit ang mga ito kay Shina at hindi na raw ng mga ito muling matatanggap ang babae.Dahil sa ginawa nitong pag iwan sa kanya noon.

Wala siyang naisagot na tamang katwiran sa kanyang mga magulang.

Mali siya!

Alam niya iyon!

Ngunit hindi naiintindihan ng kanyang mga magulang ang kanyang kinatatakutan.

Mahal niya si Ajileth.

At nasasaktan din siya kapag nakikita niya itong nasasaktan kapag pumunpunta sa kanila si Shina.

Lumuluha ito ng tahimik ngunit wala itong sinasabi kamunti man.

Iyon din ang sanhi ng hindi nila pag iimikan ng kaibigang si Jungsuk.

Bakit daw hindi niya mahintay ang paghihiwalay nila ni Ajileth bago makipag relasyong muli kay Shina.

Kagustuhan ni Shina na pumunta roon kahit ayaw niya.

Hindi naman ito gumagawa ng kahit na ano mang gulo. Ngunit pasakit ang dulot niyon sa kanyang asawa.

Alam niyang gusto siya ng kanyang asawa. Mahal siya nito. Ang hindi niya alam ay kung hanggang saan ang pagka gusto nito sa kanya.Maari din namang napipilitan lamang ito sa kanilang sitwasyon.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito ay nanatiling mabait at malambing sa kanya ang kanyang asawa.

Palagi itong nakapulupot sa kanya na parang sinusulit ang araw na magkasama sila.

Palagi rin itong nauunang magyaya ng sexual inter course nilang mag asawa.

At sinusulit na rin niya ang mga oras na katulad niyon. Dahil hindi niya magawang ikama ito sa kabila ng nalalapit nilang paghihiwalay.

Wala siyang nahihimigang pagtatampo oh galit mula sa kanyang asawa.

Nanatili itong mahinahon at taos puso kung tumitig sa kanya.

May isa lamang siyang napapansin sa asawa.

Madalas itong atakihin ng sakit nito ngayon.
Palagi itong pinagsisikipan ng hininga at madalas niya itong makitang sinusuntok-suntok ang sarili nitong dibdib.
Lumalala ang sakit nito ngunit matigas ang ulo nito. Ayaw nitong magpa check-up sa doktor miski sa bahay lamang.

Hiningi nito sa kanya ang bahay na ito. Ang kanilang tinitirhan. Huwag daw niyang itira sa bahay na ito ang magiging bago niyang asawa. Ito raw ang tangi nitong alaala sa kanya.

Napakalalim pa nga ng pagkakabanggit nito sa mga kataga nito na hindi naman niya naiintindihan noong oras na iyon.

[Ang bahay na ito ang simbolo ng pag ibig ko sa iyo. Sa bahay na ito kita lubusang minahal. Ang bahay na ito ang saksi na minsan kang naging akin...]

At habang sinasabi nito ang mga katagang iyon ay tumutulo ang mga luha nito. Pagkatapos ay sumandig sa kanyang dibdib. Nasa sofa sila noong mga oras na iyon.

Hindi niya naintidihan ang sinabi nito ngunit alam niyang para sa kanya iyon at sinadya nitong sabihin sa wikang hindi niya maiintindihan.

Ang wikang Filipino nito.

Kayat ipinalipat niya sa pangalan nito ang bahay na ito kahit hindi pa sila hiwalay.

Ito man lamang ay maibsan ang sakit na naidulot niya sa pagkasira ng buhay nito ng dahil sa kanya.

Alam niyang malaking bagay sa mga Pilipina ang puri ng mga ito.

At kinuha niya iyon kapalit ng dalawang taon nilang pagsasama.Alam niyang kasabihan ng mga ito na ang pagkababae ng mga ito ay nakalaan lamang sa mapapangasawa ng mga ito.

Kaya nga birhen ito ng makuha niya...

Ang kanyang si Ajileth.

Johahae neol!

Saranghae neol!

A/N

Shout out sa aking masugid na mambabasa...

Lalabs ...wag kang mag isip ng kung ano ano. Ganyan din aku. Kaya nga aku nagsulat ay dahil magdamag akong tulala ng mga panahong nagdadanas aku ng mga gabing walang tulog.

ching5577 ingat palagi lalabs...

Gorgeoushana15

dianerivera17

user32550690

PrincessAthenaRamos

Antonette_GatduLa

Labyooo guys...

Hart hart...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top