Ep 16--The EX

Nakarinig siya ng malalakas na tawanan bago pa man siya makapasok ng bahay.

Inakala niyang dumalaw ang pamilya ng kanyang asawa.

Kayat excited siyang pumasok sa kabahayan, upang batiin ang mga itinututing na rin niyang pamilya.

Mahal niya ang mga ito dahil mabuti ang pakikitungo ng mga ito sa kanya at tinanggap siya bilang asawa ni Hyun gayong isa lamang siyang dayuhan sa bansa ng mga ito.

She was about to say [Annyeong] ...

Ngunit napalis ang ngiting nakaplaster sa kanyang mga labi ng isang babae ang abutan niyang katawanan ni Jungsuk at Woobin/Hyun.

Hindi siya maaring magkamali.

This is the famous Min Shina of Korea. Sikat na modelo at korean artist.

And none other than...

Ang EX ng kanyang asawa.

Katulad ng napapanood niya sa pag ganap nito sa mga kdrama ay sadyang napakaganda nito. Maputi, makinis, flawless  at napakakyut ng dimple nito.

Matanda ito sa kanila ayon sa bio nito sa Google.Kundi siya nagkakamali ay 40 na ito.

Ngunit kung itatabi at ipapares ito sa kanya na edad 34 ay magmumukha pa rin siyang tindera ng isda sa talipapa.

Hindi siya selosa...

Iyon ang pagkakaalam niya base sa mga nagdaan niyang relasyon.Sanay siyang iniiwan ng mga lalaki kapag hindi niya ibinigay ang gusto ng mga ito. Sa patatlo at panghuli niyang jowa ay nangako siyang hindi na muli pang iiyak ng dahil sa mga lalaki.

Ngunit ano itong kirot sa kanyang dibdib na tila pinupunit ang kanyang puso. Lalo na ng mapadako ang kanyang mga mata sa kamay ng babae na nakapatong sa kandungan ng kanyang asawa.

Nakita iyon ni Woobin kaya't maagap nitong inalis ang braso ni Shina na nakapatong sa kandungan nito.

Kaagad itong tumayo at lumapit sa kanya.

Ngunit hindi na niya ito hinintay na makalapit pa sa kanya.Masama ang kanyang loob. Hindi man lamang nito naisip na masasaktan siya kapag pinapunta nito ang dating kasintahan sa kanilang tahanan. Kahit na sabihin pang hindi siya nito mahal at marriage for convenience sila nito ay maayos silang nagsasama.Malambing siya rito at ipinakikita niya rito na mahal niya ito kahit hindi niya banggitin iyon.

Ayaw niyang maunang magsabi na mahal niya ito. Dapat ay ito ang mauna dahil lalaki ito.

Mahal na mahal niya ito!

Iyon ang totoo!

At ikamamatay niya kung mawawala ito sa kanya!

Yumuko siya at kinapa ang kanyang inhaler sa kanyang dala-dalang bag. Nangangatal ang kanyang mga kamay. Nahihilam siya ng sarili niyang luha.

Hindi niya iyon makapa!

Nagpapanic na naman siya!

Hindi niya malaman kung dahil hindi niya makapa ang inhaler niya oh dahil sa sitwasyon na naririto sa kanilang bahay ang dating kasintahan ng kanyang asawa.

Ang kaagaw niya sa pag-ibig ni Hyun!

Nakita ni Woobin na nahihirapan siyang huminga. Kaagad iyong nagtungo sa table at kinuha mula sa basket doon ang kanyang enhaler. Maraming nagkalat na inhaler sa kanilang bahay. Pakana iyon ng kanyang asawa upang kapag inatake siya ay madaling madadampot iyon.

Kaagad nito iyong pinaputok sa kanyang bibig ng dalawang sunod.

"Gwaenchanha?" Tanong ni Jungsuk na nakalapit na pala sa kanila ng hindi niya namamalayan.

"Ne"sagot niya kahit ramdam pa niya ang pagsisikip ng kanyang dibdib.

Nakatingin lamang sa kanya ang kanyang asawa. Walang anomang salita itong binibitiwan mula pa kanina pa.

Hindi niya mawari kung ano ang nakabalatay sa mukha nito.

"I'm sorry, I need to rest"tangi niyang nasambit. Gusto na niyang pumasok sa kwarto at doon magiiyak.

Bakit parang walang pakialam sa kanya si Woobin?

Nauna pang nagtanong si Jungsuk kung okay lang siya kesa sa asawa.

Dahil ba bumalik na ang dati  nitong karelasyon?

Bumalik ba si Shina para makipag balikan sa kanyang asawa?

Sasabihin na ba sa kanya ni Woobin na tatapusin na nila ang kanilang relasyon kapag nakadalawang taon na sila at makukuha na niya ang kanyang Korean citizenship?

"Later"sagot sa kanya ng kanyang asawa at balewalang hinila siya patungong salas. Kung saan naroon at nanatiling nakaupo ang dati nitong kasintahan.

Ipnakilala naman siya nito bilang asawa.

Pakonswelo de bobo!

Walang halaga ang kapirasong papel na pinanghahawakan niya bilang asawa nito, kung makikipag hiwalay ito sa kanya upang bumalik sa dating jowa nito.

Isang pitik lamang ng kamay ng mayayamang ito ay mawawalan na siya ng asawa...

ora mismo!

Lalong sumisikip ang kanyang dibdib sa isiping iyon!

Bahagya siyang yumukod sa babae.Tanda ng pagbati at pag galang ng mga Korean.

Kahit masikip ang kanyang dibdib ay binati niya ito ng hello sa lengwahe ng mga ito.

Yumukod din ito sa kanya. Nakatitig ito sa kanya,ngunit walang binibitawang salita kamunti man.

Marahil ay katulad ito ni Woobin na hindi sanay gumamit ng English kaya pinipiling manahimik kesa mag salita.

Mas lalo namang wala siyang balak na makipag palitan ng salita rito kung iyon ang nais ng mga ito.

Bahagya niyang tinapik-tapik ang kanyang dibdib.

Nag uusap ang mga ito sa wikang Korean.

Tinatanong ng babae kay Jungsuk at Woobin kung napapaano siya. At sinabi naman ng dalawa na may asthma siya.

Sa wakas ay nakita niyang nataranta na rin ang kanyang asawa.

Inupo siya nito sa sofa.

Binuksan nito ang ilang botones ng kanyang suot na blouse katulad ng ginagawa niya.

"Let's take her to the hospital! "Jungsuk said.

Umiling iling siya.

"No, need. I'll just need to rest."Sambit niya. Napagod siya kanina ng mag laro sila ng volley ball ng kanyang mga estudyante. Kaya marahil ay ganito siya ngayon.

Sinungaling!

Si konsensiya!

Umariba na naman!

Nagseselos ka at natatakot gaga!

Nataranta ka pagkakita mo kay Ex!

Ayaw pa nitong aminin!

Hindi lamang siya natatakot... Takot na takot siya.

Pilit niyang kinakalma ang kanyang sarili.

Pumikit siya at hinayaang pumatak ang kanyang mga luha upang lumuwag ang kanyang dibdib. Gusto niyang mapahagulhol. Hindi niya nararamdaman ang kanyang asawa. Boses ni Jungsuk ang naririnig niyang panay ang salita sa tabi niya.

Paulit-ulit kung okay na ba siya.

Ayaw siya nitong asikasuhin dahil makikita ni Shina.

Lalo tuloy siyang napaiyak!

Bakit kay lupit ng pag ibig sa kanya!

Sa tuwing mayroon siyang mamahalin ay aagawin naman iyon sa kanya ng iba.

Wala siyang pamilya.Ulilang lubos siya at sa tuwing iibig siya ay kinukuha iyon ng iba.

Lalong sumikip ang kanyang dibdib.

At tulad ng mga unang pangyayari ng ganoon sa kanya at nawawalan siya ng lakas at pinaglalabuan ng ulirat.

Naramdaman na lamang niyang umangat ang katawan niya sa sofa. May bumuhat sa kanya at dinala siya sa kwarto.

At iyon na ang huli niyang natatandaan.

Woobin...

Naiipit siya sa isang sitwasyon!

Nakikipagbalikan sa kanya si Shina.Kaya ito naroroon.

Minahal niya ito.

Ngunit mahal na rin niya si Ajileth.

Ang pagkakaiba lamang ay...

Minahal siya ni Shina noon.

Samantalang hindi niya alam kung mahal siya ni Ajileth ngayon. Ang tanging alam niya ay malambing ito sa kanya. Bilang obligasyon ng isang asawa.

Mula't simula ng kanilang relasyon ay hindi pag ibig ang nagbuklod sa kanila.

Pinakasalan niya ito upang tulungan at gantihan na rin si Shina sa ginawa nitong pang iiwan sa kanya.

At pinakasalan siya ni Ajileth dahil kailangan nitong maging Korean citizen.

Magkasundo sila ni Ajileth dahil hindi naman siya palaimik.Hindi siya pala pansin ng mga maliliit na bagay. At ganoon din ito. Marahil ay sadyang mahirap makipagtalo sa sitwasyon nilang dalawa. Minimal ang English niya kayat ang palaging scenario nila ay question and answer lamang.

Kung meron man silang pinagkakasunduan na isang bagay na walang kailangang pag uusap  iyon ay ang usaping love making.

Compatible sila sa kama!

Walang duda roon!

Mahal niya si Ajileth kahit hindi niya iyon binabanggit dito.

At kailanman ay hindi rin iyon lumabas mula sa bibig ng kanyang asawa.

Kaninang wala pa ito ay buo na ang desisyong niyang makipag usap dito ukol sa pakikipag hiwalay dito kapag natapos na nila ang dalawang taong pagsasama.

Magiging Korean citizen na ito at malaya na itong magpabalik balik sa kanilang bansa kahit hindi na niya ito asawa.

At iyon ay ilang linggo na lamang mula ngayong araw na ito.

Ngunit bigla siyang nakonsensiya ng makita niyang bumalatay sa mukha nito ang pagseselos pagka kita nito sa dati niyang kasintahan.

Alam niyang iyon ang dahilan kayat nagsikip ang paghinga nito.

Natataranta rin siya kanina.Gusto niya itong yakapin at sabihing ito lamang ang mahal niya at wala ng iba pa. Madali itong kumakalma kapag hinihimas niya ito. Hinahalik halikan at binubulungan ng mga salitang pampagaan ng dibdib.

Shhhh... Breathe baby... I'm here!

Ngunit pigil niya ang kanyang sarili dahil makikita ni Shina kung papaano siya mag alala sa kanyang asawa.

Baka hindi na siya nito tanggapin pang muli.

Kayat nanatili siyang nakatayo at hinayaan si Jungsuk na asikasuhin ang kanyang asawa.

Matatalim ang tinging ipinupukol sa kanya ng kanyang kaibigan.Nanunumbat ang bawat sulyap nito sa kanya.

Alam niyang nababasa ng kanyang kaibigan ang mga ikinikilos niya.

Alam nitong kaya bumalik si Shina ay para makipag balikan sa kanya.

Pero takot na rin siyang masaktan.

Atleast si Shina bumalik kahit alam nito na baog siya.At umamin itong mahal pa rin siya sa kabila ng lahat.

Pero si Ajileth ay sure na iiwan din siya sa oras na malaman nitong hindi niya ito kayang bigyan ng anak.

Kaya kailangan niyang pumili sa dalawang babae kung alin ang mas tama niyang pakisamahan.

Si Shina na bumabalik...

Oh si Ajileth na anomang oras ay maari siyang iwan...






A/N

Aray...

Ano ba yan...

Ayaw kuh na nga...

Naiiyak na aku...

Kakaawa nmn ang mga katulad naming balak iwan kapag nakakita na ng bagong mamahalin.

Iiwan kapag mayroon ng iba.

Bat ganyan kayong mga lakaki.?

Anla hindi na nga kita mahal Woobin...

Hehehe....

Charot...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top