Ep 15--Saranghae

[Ohhh makapagyarihang pag ibig.
Kapag pumasok sa puso ninoman...
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang!]

                           *********

Jeonju University...

Nataranta siya!

Makakasalubong niya ang mag asawang Woobin at Ajileth.

Hindi niya malaman kung paanong pag iwas ang gagawin sa mga ito.

Noong nakaraan pa siya hina hunting ng kaibigan. Bakit daw hindi na siya pumupunta sa bahay ng mga ito. Ilang beses na siya nitong inalok na mag inom ngunit palagi niyang tinatanggihan.

Ayaw niyang mahalata ng kaibigan ang nararamdaman niya para kay Ajileth.

Si Ajileth naman ay sadya niyang iniiwasan sa University. Sa ibang co-teachers na nila siya sumasabay ng pagkain sa tanghalian. Hindi na rin siya nakikipagkwentuhan dito. At bago niya pasukin ang advisory class nito ay tinitiyak niyang wala na ito roon.

Mahirap ang ginagawa niya pero kailangan!

Hindi siya ang taong muling sisira at mananakit sa pagkatao ng kaniyang kaibigan.

Hindi niya kasalanan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Naramdaman niya ito noong unang matagpuan nila si Ajileth. Mabilis ang naging pagtibok ng kanyang puso noon.Awang awa siya rito ng makita niyang tumulo ang masagana nitong luha habang hirap na hirap itong huminga.

Siya ang nakiusap sa kaibigan na iuwe nila ang babae kahit hindi nila ito kilala.

Noon pa lamang ay umusbong na sa puso niya ang pagkagusto sa dalaga.

Ngunit naunahan siya ng kaibigan na pakasalan ito.

Isa pa ay hindi ito magugustuhan ng kanyang mga magulang. Labag sa pamilya niyang kinabibilangan ang magpakasal sa isang dayuhan.

Idagdag pang sobrang yaman nila. Magiging kawawa lamang si Ajileth kung sa kanya ito mapupunta. Dahil kahit kaya niya itong ipaglaban sa pamilya niya ay masasaktan muna ito bago lumigaya sa kanyang piling.

Kayat habang maaga pa ay sinupil niya ang nararamdaman niya para kay Ajileth.

Kayat ipinaubaya niya ito ng lubusan sa kaibigan.

Hindi man lamang iyon nalaman ni Woobin.

At mas lalong hindi nalaman at hindi malalaman ni Ajileth ang kanyang nararamdaman.

He automatically opened the door and entered his office when he saw the couple stop walking and suddenly talk to the principal.

He gasped for air and said...

Whew!

Oh My God!

Hanggang kailan niya kayang iwasan sina Woobin at Ajileth?

Hanggang kailan siya masasaktan?

Nasasaktan siya kapag nakikita niyang naglalambingan ang dalawa.

He was about to close his eyes and think when somebody had dragged his door.

"Hey,Chingu! Do you still know me? "
Woobin asked him. He looked at him with his deep,piercing eyes.

Just like before,when he is impersonating an arrogant guy in his movies.

And there on his back was Ajileth. She's also looking at him as if he is doing something bad to them.

He didn't catch a word. He doesn't know what to say.

The couple stood in front of him, waiting for his answer.

Otdokkae!

Otdokkae!

What to do, what to do!

"Chingu! "He plastered a fake smile on his face."Do you need anything? "He suddenly asked while acting like he was searching for something in his drawer.

His friend walked towards him and grabbed his wrist.

"Yahhh! "

Si Ajileth, habang winawagayway sa kanyang mukha ang isang palad nito.

"Are you avoiding us? "Woobin asked him with his intense eyes.

"Aniyo! It's just that I'm too busy here.I have a lot of work to do. "He answered.

And while he was saying that fake alibi, he was looking at his friend. He is trying to read his mind to see if he is buying his reason.

"Geurae? "Woobins said,"I thought you didn't want to see me? "He continued. 

"Michyeosseo? "Are you crazy? And then he laughs like nothing happened.He needs to convince him upang tigilan na siya ng mag-asawa.

Ngunit sa pagkakatingin niya sa kaibigan ay hindi ito kumbinsido.Tumigil ito pagtatanong dahil kinalabit ito ng asawa.

Gusto niyang maiyak habang nakatingin siya sa magkapulupot na kamay ng mga ito.

Nahihili siya sa kaibigan. Kaagad itong sumunod na manahimik ng kalabitin ni Ajileth.Talagang mahal nito ang asawa kaya madali itong napapasunod ni Ajileth. Knowing his friend hindi siya nito titigilan para alamin kung anong problema niya.

Sana all!

Salitang natutunan niya kay Ajileth kapag nakikipagharutan ito sa mga studyante nito.

"It's weekend, let's sleep over at our house. Let's have some beer while watching a movie."Woobin said.

Nakatingin ito sa kanya na tila inaarok kung papayag siya oh tatanggi.Ang mga titig nito sa kanya ay tila ang mga nakakatakot nitong titig sa pelikula nito kapag galit ito.Sure siyang kakausapin siya nito ng masinsinan mamaya sa pag aakala nitong sinosolo niya ang kanyang problema at hindi ibinabahagi rito gayong ang patakaran nilang dalawa ay walang lihiman sa isa't isa.

Wala siyang maidadahilan ngayon kundi ang pumayag. May kwarto siya sa bahay ng kaibigan. May mga damit at gamit siya roon. Naroon din ang isang kotse niya. Wala siyang kahit na anong maidadahilan sa kaibigan upang tumanggi.

"Why not! "

Sagot niya. At nagplaster siyang muli ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.

Dinampot niya ang kanyang cellphone at inilagay iyon sa kanyang body bag.Sumunod na rin siya sa mag asawang nauna nang lumabas ng kanyang opisina.

Meanwhile...

Hindi siya nakisali sa usapan ng magkaibigan.

Nagkwe-kwentuhan ang mga ito sa salas habang umiinom ng beer. Bukas ang television ngunit batid niyang wala doon ang atensyon ng dalawa.

Seryoso ang mukha ng mga ito na tila may pinag uusapang mahalagang bagay.

Siya nama'y piniling maupo sa komedor at inuutay utay ang isang bowl na fruit and vegetable salad na ginawa niya.

Mula sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang mag kaibigan.

Alam niya ang ipinagkakaganoon ni Jungsuk.

Iniiwasan siya nito. At iniiwasan din niya ito.

Nagsimula iyon noong minsan silang nagkabanggaan. Na off balanced siya at muntik ng magtihaya sa corridor ng eskwelahan kundi siya nito nahagip. Hinapit siya nito sa baywang, kung kayat nagkalapat ang kanilang mga katawan.

Nakatitig ito sa kanyang mga mata na tila natulala at parang tila nais pa yata siyang hagkan. Kundi pa siya pumiksi at nagpasalamat dito ay wala pa yatang balak na bitawan siya ng oras na iyon.

Gwapo ang binata!

Mayaman!

Matalino!

Ito ang una niyang minahal sa mga korean nobela na napanood niya na pinagbibidahan nito.

Ngunit nabaling iyon ng mapanood niya ito kasama si Woobin sa isang kdrama.

Naakit siya ng mga mata ni Woobin na tila gumagayuma.

Si Woobin ang laman ng puso niya mula noong umalis siya ng Pilipinas hanggang ngayon.

Si Woobin lamang at wala ng iba pa!

Hindi siya nagparamdam na alam niya na may nararamdaman sa kanya ang kaibigan ng asawa. Ayaw niyang magka asiwaan sila nito.Matagal na niyang nararamdaman na may gusto ito sa kanya.

Alam niyang nasasaktan ito kapag nakikita silang mag asawa na magkasama kayat umiiwas ito sa kanila.

At wala siyang magagawa para sa binata. Malinis ang intensyon niya rito bilang kaibigan dahil kaibigan ito ng kanyang asawa. At alam niyang ganoon din ito sa kanya. Normal itong nakikipag kwentuhan sa kanya kapag kaharap ang mga co-teachers nila. Maging sa harap ng mga estudyante nila.

Pero hindi kapag dalawa na lamang sila. Hindi na ito umiimik kayat iniiwanan na niya.

At habang pinapanood niya ang mga ito habang magkausap ngayon ay tila napakabigat ng dala-dala nitong problema. Nakita pa niyang lumingon sa kanya ang magkaibigan. Saglit na tumingin sa kanya si Jungsuk samantalang tinitigan siya ng malalim ng kanyang asawa na tila may nais itong sabihin sa kanya.

Bigla siyang kinabahan!

Batid niyang may patakaran ang magkaibigan na ito na walang lihiman sa isa't isa.

Pero bigla rin siyang napanatag. Naisip niya na wala siyang ginagawang masama. Wala siyang gusto kay Jungsuk at tanging si Woobin lamang ang mahal niya. Kung nagtapat man si Jungsuk sa kaibigan nito ay problema nito iyon dahil kailanman ay hindi niya ito pinakitahan ng motibo upang magkagusto ito sa kanya.

Nais niyang lumapit sa dalawa ngunit inawat niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang maasiwa ang mga ito sa kung ano man ang topic ng mga ito.

Kayat pumasok na lamang siya sa kanilang kwarto. Naglinis siya ng katawan bago nahiga sa kanilang kamang mag asawa.

Nakahiga na siya ng tumunog ang kanyang cellphone.

Ang kanyang asawa.

[Hey, babe. Don't sleep.]unang chat.

[Wait for me!]sumunod na chat nito ng hindi siya nagreply.

Natawa siya!

Alam niya na may balak sa kanya ang asawa kaya hindi siya nito pinapatulog kaagad.

[Yahhh!] Patatlo.

Bumungisngis siya!

Sadyang hindi siya nagrereply upang magmadali itong umakyat sa kanilang kwarto.

Miss na rin niyang kaniig ang asawa. Masyado itong gentleman ngayon. Bastat nakapikit na siya ay hindi na siya nito ginagalaw pa. Marahan itong nahihiga sa tabi niya at ingat na ingat na magising siya. Nararamdaman na lamang niya na hinahalikan siya nito bago ito matulog.

Kayat nag bukas siya ng laptop at nagsimulang gumawa ng kanyang lesson plan upang huwag agad siyang makatulog.

Hihintayin niya ang kanyang si Hyun...

Ang mahal niyang si Woobin...



Dedicated to Miss Gladys Samonte Bolivar.

user32550690

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top