Ep 14--Good Heart
She's been looking for his wife.
Heto at masayang nakikipag tawanan sa mga estudyante nito sa canteen. Kasundo nito ang buong klase nito. Maging ang ibang section na tinuruan nito ng subject na English ay kasundo nito lahat. Mabait at bubbly ang asawa niya. Ayon sa naririnig niya sa ibang teacher ay madalas nitong ilibre ang buong klase nito.
Hindi ito humingi sa kanya ng pera. Ang sinasahod nito bilang teacher ay nakikita niyang inilalagay lamang nito sa drawer ng headboard ng kanilang kama.
Kilala ito sa buong university bilang isang mabait at malambing na Chairwoman at asawa ng may ari ng school.
Tagapag tanggol ito ng mga estudyanteng nabubully.
At tagapag tanggol din ng mga batang nambubully. Inaalam nito kung ano ang pinagdadaanang buhay ng bata kung bakit ganoon ang pakitang ugali nito sa eskwelahan.
Pinagbabantaan nito ang mga magulang na sinasaktan ang mga anak. Lalo na kapag may nakita itong estudyante na may pasa kapag pumapasok. Kaagad nito iyong susugudin at pagbabantaang sasampahan ng kasong child abuse.
Lahat iyon ay nalalaman niya sa kaibigang niyang chismoso na si Jungsuk. Lahat ng nakikita nito at nalalaman patungkol sa kanyang asawa ay kaagad na ibabalita sa kanya.
Lalapitan niya ang kanyang asawa, ngunit lumayo ito sa karamihan. Kasunod nito ang isang lalaking estudyante at inabutan iyong ilang paper bills mula sa nakasakbit nitong bag.
Iyon ang estudyanteng si Oh Jun-O. Nabalitaan na rin niya na sinusuportahan ito ng kanyang asawa sa tuition fee nito dahil palaging late ang suporta ng ina nito. Nakikitira lamang ang bata sa tiyahin nito.
Wala naman siyang tutol doon. Pera nito ang itinutulong nito at hindi kanya.Walang problema na hindi kinakaya ni Ajileth. Kahit hirap na hirap na ito ay hindi nito ipinapaalam sa kanya ang nangyayari dito.
Tanging kay Jungsuk lamang niya nakukuha ang mga balita. Maging ang pagpapalipad hangin ng isang co-teacher ng mga ito kay Ajileth. At mahugong din sa school ang pagkakaroon ng crush ng mga lalaking estudyante sa kanyang asawa.
Hindi naman malabo iyon dahil bukod sa maganda ito ay idagdag pang talagang napakabait nito.
Naalarma siya panonood sa kanyang asawa ng lumapit dito ang isang teacher na lalaki at inabutan ng isang nakakahong chocolate ang kanyang asawa. Tinanggap naman iyon ni Ajileth at kaagad na ibinigay sa mga estudyante nito ng makatalikod ang nagbigay.
Napaumis tuloy siya!
Akala mo hah!
Napatingin ito sa gawi niya kaya kaagad niya itong kinawayan para lumapit.
"Hey, Babe! "Bati nito at kaagad na humilig sa kanya. Kinabig naman niya ito at kinintalan ng halik sa noo.
"Miss me? "He asks
"O! "Muli naman niya itong kinintalan ng halik sa noo.
"Let's eat outside. I want fries and chicken. "
He said. At masuyo niya itong hinila sa isang kamay. Wala naman nitong tutol na yumakap pa sa kanyang braso.
Meanwhile...
Nakita niyang sinundo ng kaibigan si Ajileth. Sure siyang manananghalian sa labas ang mga ito. Kung saan my burger, fries at chicken katulad ng paborito ni Ajileth.
May kirot siyang naramdaman sa kaibuturan ng kanyang puso. Matagal na niyang kinikimkim ang lihim na pag ibig sa sa asawa ng kaibigan.
Ngunit wala na siyang magagawa. Mahal na nito si Ajileth at ganoon din si Ajileth dito. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang sweet ang dalawa sa isat isat. Kaya bihira na siyang pumunta sa bahay ng mga ito.
Mahal niya at itinuring na kapatid Si Hyun.Hindi niya kayang saktan ito at agawan ng minamahal. Nakita niya kung paanong sinira nito ang buhay nito ng iwanan ito Shina.
Pero hindi niya maiwasang hindi mahalin si Ajileth. Kahit anong pigil ang gawin niya ay lalong yumayabong araw-araw ang pag ibig niya rito. Ang pagmamahal niya rito ay sigurado siyang hindi magkakaroon ng katugon kaylanman.
Madalas niya itong makakwentuhan. Lahat ng mga bagay sa buhay nito ay alam niya. Alam niyang matagal ng iniibig ni Ajileth ang kanyang kaibigan. Mula pa noong isang guro pa lamang ito sa Pilipinas. Nakita rin niya ang cellular nito at puro mukha ni Hyun ang naroon. Maging ang wall paper ng laptop nito ay mukha ng asawa. Ang password ng mga gadget nito ay birthday ng asawa. Hindi alam kung alam iyon ng kanyang kaibigan.
Likas na tahimik ang kanyang kaibigan. Hindi ito matanong. Bukod pa sa hirap talaga ito gumamit ng lengwaheng English. Sadyang itoy likas na isang tanong isang sagot. Nahahawa lamang ito minsan sa kakulitan niya. Ngunit masuyo pa rin itong minamahal at inuunawa ni Ajileth. Kayat magkasundo at walang pinag aawayan ang mga ito.
Humugot siya ng isang malalim na hininga.
Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang itago ang nararamdaman niya para kay Ajileth.
Wala naman siyang balak na agawin ito at guluhin ang pagsasama ng mga ito. Mahal niya ang dalawa at wala siyang kayang saktan sa mga ito.
Mas pipiliin niyang saktan ang kanyang sariling damdamin kesa sa saktan ang mga ito.
Laglag ang mga balikat na tinungo niya ang kanyang opisina.
Bakit kung kailan tumanda siya ay saka pa nakipag agawan ang puso niya sa minamahal ng kaibigan.
Pabagsak siyang naupo sa kanyang swivel chair. Nagpaikot ikot doon na parang iyon ang sulusyon sa kanyang problema.
Anong kailangan niyang gawin.?
Otdokkae?
Iniiwasan na niya niya si Ajileth. Ang ikinatatakot niyay ang mahalata nito ang ginagawa niya.
Iyon lamang ang paraan na alam niya upang mailayo ang puso niya sa kapahamakan.
Pero hanggang kailan.?
"Chairman Kim? "
Nagulantang siya sa gulat.
Heto si Ajileth sa harapan niya. Tinatapik tapik siya sa pisngi niya.
Nakabalik na pala ito.
"Any problem? "Tanong nito sa kanya habang inihahain sa table niya ang mga dala nito.
Inilabas nito ang burger, fries at fried chicken. Ang mga pagkaing naging paborito na rin niya dahil iyon ang paborito nito.
Paano ba niyang iiwasang mahalin ang babaeng ito?
Heto at hindi siya nakalimutang dalhan ng pagkain gayong asawa ang kasama nitong kumain sa labas.
"Let's eat"
"Ani. I'm done! "Sagot nito. Naupo ito sa sofa niya. Sure siyang pagkailang minuto lamang ay tulog na ito.
Sa opisina niya ito madalas magnakaw ng oras upang makapag pahinga.
Ayaw nito sa opisina ng asawa. Nakakailang minuto pa lamang daw itong nakakapag pahinga ay ayan na ang mga estudyante nito at nambubulabog.
Minamasdan niya ito habang nilalantakan niya ang mga pagkaing dala nito.
Hindi naglaon ang oras ay heto at payapa na itong humihilik. Gusto niya itong lapitan at dampian man lamang ng halik sa noo. Ngunit inawat niya ang kanyang sarili.
Wala iyong maitutulong na mabuti. Kapag kinunsinti niya ang kanyang puso ay mas lalo siyang mahihirapang alisin ito sa kanyang sistema.
Muli niya itong minasdan.
Ang kanyang minamahal na si Ajileth.
A/N
Idamay na natin ang puso ni Jungsuk hahaha...
Pampaganda ng kulay ng istorya.
Sabay sabay nating gayahin at isapuso ang kalinisan ng puso ng isang taong nagmamahal ng lihim.
Kung paanong ang ang isang nagmamahal ay kayang magmahal ng walang kapalit.
Ang pusong mas piniling sugatan ang sariling damdamin kesa sa wasakin ang iba.
Enjoy mga lalabs...
Jan na kau naiiyak aku eh...
Panu kasi aku lang ang nagmamahal kay Hyun/Woobin. Hehehe...
Hindi naman niya aku mahal...
Awts sakit...huhuhu...
Ayiiiii garutay... Hahaha...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top