Ep 12--The Billionaire





Saturday... No classes...

But most of Ajileth's students are here now, in their house.

Ginising silang mag asawa ng sunod-sunod na doorbell ng mga ito. Pinagbuksan ni Ajileth ang mga iyon. Ayon sa kanyang asawa ay magpapaturo ang mga ito sa English subject para sa nalalapit na exam ng mga ito.

Hindi siya lumabas doon. Baka makilala siya ng mga ito ay mag ingay pa ang mga ito. Ayaw niya ng maingay.

Pero naawa siya sa kanyang asawa dahil siguradong mapapagod ito paghahanda ng makakain ng mga estudyante nito. Hindi nga niya pinapagod ang kanyang asawa tapos ay papagudin ng mga batang ito.

Siya ang nagluluto ng pagkain nila ni Ajileth. Siya rin ang naglalaba ng mga damit nila. Siya ang nag naglilinis ng bahay. Walang ginagawa si Ajileth kundi matulog, kumain at maligo. Siya ang namimili ng susuotin nitong damit sa umaga. Mula sa panty, bra, sapatos, damit at coat nito. Ipinapares niya sa bag at sapatos ang mga damit na susuotin nito.

Ganoon kasi ang nakita niyang pananamit ng asawa. Kundi man kapartner ang coat nito ay dapat na magkaterno ang kulay ng bag at sapatos nito.

At wala namang angal na sinusuot iyon ng kanyang asawa. Pag awas nito sa hapon ay maliligo na lamang ito at nasa ibabaw na ng kama ang mga susuotin nitong damit pangtulog.

Kapag hindi na ito lumabas pagkaligo ay alam niyang pagod ito. Dinadalhan kaagad niya ito ng isang bagong gatas at mamasahihin hanggang sa makatulog.

Ganoon ng ganoon ang eksena sa bahay nilang mag asawa.At siya ang may kagustuhan niyon. Para kapag may nakitang mali sa kanya si Ajileth ay kaagad siya nitong patatawarin dahil minahal niya ito ng lubusan. Lalo na kapag nalaman nito ang sikreto niya.

Sanay siyang sa kanya lamang nakatutok ang atensyon ng kanyang asawa. Sa kanya ang araw ng sabado at linggo.Kada araw pa ng linggo ay nasa bahay sila ng kanyang mga magulang. Kaagaw din niya ang mga iyon kay Ajileth. Kayat naiinis siya sa sangkatutak na bisita nito ngayon. Inagaw pa ng mga ito ang araw ng sabado na dapat siya ang kalambingan ng kanyang asawa.

Ajileth dont cook. Kaya alam niyang oorder lamang ito ng pagkain para sa mga bisita nito. Hindi siya nito tinawag upang magluto dahil alam nitong ayaw niya ng maraming tao.

Dinalhan siya nito sa kanyang opisina ng Burger, chicken at fries. Naging paborito na rin niya ang pagkaing iyon dahil iyon ang pagkaing gusto ng kanyang mahal na asawa.

It's twelve in the afternoon.

Tinanong niya ito kung hindi pa ba aalis ang mga bisita nito. At nadismaya siya ng sumagot ito na hindi pa.

Wala naman siyang nagawa kundi pabaunan ng isang halik sa labi ang asawa bago lumabas ng opisina niya.

Nakatulog siya ng ilang oras.

Nagising siya ng alas singco ng hapon.

Inabutan niya ang asawang tila pagod na pagod na nagliligpit ng mga kalat ng mga estudyante nito.

"Let me do that, Babe"Agaw niya sa garbage bag na kapit nito.

"Thank you! " Sagot nito bago pabagsak na nahiga sa sofa."I'm very tired "

"I'll just finish this and I will prepare your bathtub, let's take a bath together. "Sabay kindat niya rito na ikinahagikhik nito.

Pagkatapos niyang linisin lahat ng ikinalat ng mga bisita nito, hugasan ang mga dapat hugasan. Itapon ang dapat itapon.Ay inihanda na niya ang bathtub na pagliliguan nilang mag asawa.

But to his dismay!

Tulog na tulog na ang kanyang asawa. Humihilik pa ito. Naawa tuloy siya rito. Pagsasabihan nga niya itong huwag ng tatanggap ng bisita sa kanilang bahay. Dahil ninanakaw ng mga ito ang araw ng pahinga ng kanyang asawa.

At tulad ng mga nakaraang araw na nakakatulog ito sa sobrang pagod. Binuhat niya ito papasok sa kanilang kwarto at pinunasan ito at pinalitan ng damit pantulog.

Tumunog ang cellular nito. Text message. Pero hindi niya iyon mabuksan dahil may password iyon.Kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at idinikit iyon sa finger print sensor ng cellular nito.

At nagulat siya ng mabuksan iyon!

Siya ang wall paper ng cellphone nito. Home screen, lock screen,at maging ang wall paper ng text messages nito. Ibat ibang picture niya ang nakalagay doon.

Ikinatuwa niya iyon ng lubos.

Mahal din siya ni Ajileth. Hindi ito nakikisama sa kanya para sa citizenship nito. At maligayang maligaya siya sa isiping iyon.

Hindi niya binasa ang text message na natanggap nito. Pero nahagip ng mata niya ang nakaregister na pangalan ng nag text. Student-Jo Juna ang nakalagay.

Binitawan na niya ang cellular nito. At muli iyong ipinatong sa headboard ng kanilang kama.Alam niyang pribadong gamit iyon ng kanyang asawa at mali na pakialaman niya iyon.

Naglinis na rin siya ng katawan. Palaging utos iyon sa kanya ni Ajileth ang maligo umagat gabi kahit pa malamig ang panahon.
Kapag sinabi mong malamig ay sasabihin nitong ano pang silbi ng heater. Kayat nasanay na rin siyang maligo umagat hapon tulad ng ginagawa nito.

Nilalamig na sumukob siya sa kumot ng asawa.Hinagip niya ang kanyang journal at isnulat doon ang nangyari maghapon.

Pagkatapos ay marahan niyang hinalikan sa noon ang asawa at naghanda na ring matulog.

Sunday...

Masaya silang kumakain habang nagkukwentuhan sa garden ng bahay ng kanyang mga magulang.

Tuwang tuwa si Ajileth dahil ipinag ihaw ito ng kanyang ama ng malalaking isda. Panay pa ang paalala nito sa kanyang ina na ipagbalot sila ng kimchi. At maging ng iba pang side dishes na ginawa ng kanyang Eomma. Naglambing din ito ng peras at cherries sa kanyang lola. Mahilig talaga kasi ito sa prutas. Lalo na sa maaasim na prutas. Ang gusto nito sa apple ay iyong kulay berde at hindi kulay pula.

Nasa kalagitnaan sila ng masayang kainan ng bigla ring sumulpot ang kaibigan niyang si Jungsuk. Natuwa naman ang kanyang pamilya. Anak ang turing ng mga ito sa kaibigan niya. Kaagad na inasikaso ito ng kanyang ina.

Pagkatapos nilang kumain ay nagbeer sila ni Jungsuk sa kanilang beranda. Si Ajileth naman ay ipinasok ng kanyang nuna sa kwarto nito. Knowing her nuna. Pihadong inihahanap na naman nito sa mga bago pa nitong damit ang kanyang asawa.

Napakaraming damit ang palaging iniuuwe ni Ajileth kada linggo. Puro designer clothes iyon at may mga tag pa. Hindi naman bibigyan ng kanyang nuna ng lumang damit ang kanyang asawa. Maaring hindi nito nagamit iyon o kayay sadyang binibili nito iyon para kay Ajileth. Sabik kasi sa kapatid na babae ang kanyang ate. Lalot lumaki siyang nag aartista kasabay ng pag aasikaso ng kanilang Family business.

Fashion Designer ang kanyang nuna kayat metikuloso ito sa mga usaping pananamit.

Kayat heto siya't nagpapakahirap ikarga ang mga ibinigay nito sa kanyang asawa. Kahit pa sinabi niyang naipamili na niya ng mga ganoong damit ang kanyang asawa ay nagpumilit pa rin ito. Pinagalitan pa siya. Ilan daw ang mall nilang pag aari bakit daw hindi man lamang niya dinadala roon ang asawa para makapamili ng gusto nitong gamit para sa sarili.

Palagi niyang niyayakag ang kanyang asawa. Ngunit ayaw naman nito. Mas gusto pa nitong matulog kaysa gumala.

Saka isa pa ay hindi pa niya nababanggit sa asawa ang mga pag aaring tinutukoy ng kanyang kapatid. Mahal siya ni Ajileth kahit hindi nito alam kung gaano siya kayaman.

Kaya nga hindi siya bumababa kapag sinusundo niya ito sa university. Ayaw niyang malaman nito na ang pamilya niya ang may ari ng eskwelahang iyon. Kasosyo niya ang kaibigang Si Jungsuk.

Pareho nilang minana iyon sa kanilang mga ama. At ngayon ay silang dalawa ang nagmamay ari niyon.

Kayat hindi rin siya nagpakita sa mga estudyante ni Ajileth. Dahil sigurado siyang kilala siya ng mga iyon bilang Chairman ng university.

Alam niyang hindi mukhang pera ang kanyang asawa. Dahil palagi niyang binibisita ang labindalawang bag na binili niya rito.Na naglalaman ng mga Cash, atm at credit card.

At iisang bag pa ang napansin niyang nabawasan ang pera. Ang LV bag nito na paborito nitong dalahin sa school. At ayaw na niyang alamin kung saan man iyon ginamit ng kanyang asawa.

Masyado niya itong mahal upang paghanapan ng mga ganoong maliliit na bagay. Kaya lamang niya iyon napansin ay dahil palagi niyang inaayos ang mga ginamit nitong gamit. Maging ang laptop nito at bag ay maayos niyang ibinabalik sa kabilang kwarto pagkakatapos nitong gamitin.

"She's always like this? "Tanong sa kanya ng chingu niya. Ginabi na sila kayat nakisabay na ito sa kotse niya at doon na matutulog sa kanila. May sarili naman itong kwarto sa kanyang bahay at ganoon din siya sa mga bahay nito.

Ang itinatanong nito ay ang mahimbing na natutulog na si Ajileth.

"O"

"How about her asthma? "

"I don't see her using an inhaler" Sagot niya. Ngayon lamang niya naalalang may hapo nga pala ang kanyang asawa. Hindi man lamang niya ito nakukuhang tanungin. Hindi kaya palaging masama ang pakiramdam nito kaya palaging tulog. Nasaisip niya.

"Are you sure?"

"I don't know.What I know is that I didn't see her using her inhaler."Bigla tuloy siyang nag alala para sa asawa. Paano kung atakihin ito ng hindi siya kasama. Nakita pa naman niya kung gaano kalupit ito atakihin ng asthma.

"Jung.Always look at my wife when I'm not around. Especially in the university,"He said to Jungsuk.

"Ne! "

At kung saan saan na dumako ang kwentuhan nilang magkaibigan. Hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top