Chapter 74

Sumandal si Atlas sa hamba ng pinto habang pinanonood si Laurel na makipaglaro sa mga anak nila. Nakasalampak ang mga ito sa buhanginan at bumubuo ng sand castles.

It was just seven in the morning.

Nagising siyang walang katabi. Late na rin silang nakatulog ni Laurel dahil dumating mga kapatid at parents niya. Walang pasabi ang mga ito sa kaniya at biglaan na lang. Sa guest room muna natulog ang mga ito dahil wala naman siyang alam.

Lumapit siya sa mag-iina niya. Sabay-sabay ang mga itong tumingin sa kaniya at ngumiti.

"Daddy!" Ngumiti si Laurel at itinuro siya kina LJ at Julien. "Go to Daddy na, Julien."

Gumapang papunta sa kaniya ang bunso niyang naka-diapers lang. Ni wala itong pang-itaas. Hawak nito ang plastic na pàla. Nakaipit din ang buhok nito dahil may kahabaan na.

"Kanina pa kayo gising?" tanong ni Atlas kay Laurel. "Nakatulog ka ba nang maayos?"

Tumayo si Laurel at pinagpag ang pang-upong puro buhangin. "Oo, kanina pang mga five siguro. Dumede kasi 'tong si Julien tapos hindi na ako nakatulog. Lumabas na lang kami."

"Tulog pa po sina Lolo and Lola, Daddy," sabi naman ni LJ na lumapit din sa kaniya. "They'll stay here daw po for a week."

Natuwa si Atlas. At least ay makakasama ng mga anak nila ang mga lolo at lola nito. Hindi rin kasi sila nakapupunta ng Manila dahil may school si LJ at hindi puwedeng mag-excuse.

"Ano'ng gusto mo for breakfast?" Hinalikan niya si Laurel sa pisngi. "Magluluto ako."

"No na. Nagpaluto na ako sa restaurant, dadalhin na lang nila rito." Ipinalibot ni Laurel ang isang braso sa baywang niya. "Para hindi ka na rin magluto."

Ipinalibot naman niya ang isang braso sa balikat ni Laurel. "Okay lang namang magluto ako. Nagulat ako sa pagdating nila kagabi. Hindi kasi sila nag-message sa 'kin, e."

Tumingala si Laurel sa kaniya at ngumiti. "Actually, 'wag kang magagalit." Kinagat nito ang ibabang labi. "I knew they were coming."

Nagsalubong ang kilay ni Atlas ngunit hindi siya nagsalita. Gusto niya munang marinig ang sasabihin ni Laurel.

"I asked them to come," Laurel nervously said.

"Why?" Atlas asked. "I mean, it's okay. Pero bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"

Laurel smiled widely and walked backwards. "Later. Sabihin ko sa 'yo later. Ikaw muna bahala sa kanila, ha? I just need to talk to someone."

Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Atlas para makapagtanong o makapagsalita man lang dahil tinalikuran na siya ni Laurel at basta na lang itong pumasok sa bahay nila.

Binalikan niya ng tingin si LJ na naglalaro na naglalarong mag-isa ng volleyball. Bukod kasi sa nahihilig ito sa surfing, ginagawa nitong pastime ang volleyball dahil na rin kay Vaughn.

Sumalampak si Atlas sa harapan ng sand castles na iniwan ni Laurel. Hindi pa iyon tapos at hindi rin maalis sa isip niya ang dahilan ng pagpapapunta ni Laurel sa pamilya niya. Hindi rin naman ugali ni Laurel na hindi muna siya tanungin kaya mas lalo siyang napapaisip.

Hinayaan niyang gumapang sa buhnaginan si Julien at maglaro. Ganoon naman ang routine nila sa umaga lalo na kapag nagpapaaraw.

"Atlas."

Nilingon ni Atlas ang daddy niyang papalapit sa kaniya. "Dy. Kumusta po biyahe n'yo?"

"Maayos naman. Excited ang mommy mo, e. Sabi namin ngayon na lang kami bibiyahe, kaso gusto kahapon kaagad." Natawa ito at naupo sa reclining chair. "Buti rin at hindi kami na-traffic."

"Mabuti nga po. Kumusta po pala 'yung bagong sasakyan n'yo?"

Natawa ang daddy niya. "Maganda siya. Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo naman kami kailangang bilhan ng bago, e."

"Maganda po 'yung unit, e," sagot ni Atlas. "Saka customized 'yan, Dad. Recommended lang din ni Jude kasi 'yung kaibigan niya, dealer ng mga sasakyan tapos customized kaya tiningnan namin ni Laurel n'ong nagpunta kami sa Manila."

Umiling ang daddy niya. "Salamat sa inyong dalawa. Ang lalaki na ng mga apo ko, ha! Ayaw n'yo na bang sundan si Julien?"

"Ayaw ko na po. Okay na 'ko sa tatlo." Ngumiti si Atlas at naglagay ng buhangin sa maliit na timba. "Itong kakulitan pa lang ni Julien, medyo nahihirapan na kami ni Laurel, e."

Natawa ang daddy niya. "Mana sa 'yo kung ganoon. Noong bata ka, pahirap ka rin sa mommy mo, e. Bukod sa clingy kang bata dahil gusto mo palaging nasa tabi ng mommy mo, e medyo sumasagot ka rin."

Napangiwi si Atlas at nahiya. Akala niya ay mabait siyang baby, pero hindi pala. Si Laurel pala ang mabait na baby ayon kay Ali tulad ni LJ.

"Ang ganda rito sa lugar ninyo. Tahimik lang. Ayaw n'yo bang tumira sa Manila?" tanong ng daddy niya. "Para naman mas malapit kami sa inyo."

"Wala po kaming plano, Dad. Sa buhay namin ni Laurel, mas gusto rin namin na walang masyadong nakakakilala sa 'min o kung meron man, hindi tulad sa Manila na parang kahit saan kami pumunta, maraming mga mata."

Sumandal ang daddy niya sa reclining chair at huminga nang malalim. "Hindi bale. Ang mahalaga, mas tahimik at masaya kayo rito. Nakakuwentuhan ko nga rin si Alisano kagabi. Masaya rin daw siyang kasama si Laurel lalo na at mag-isa na lang din siya."

Isa sa ipinagpapasalamat nina Atlas at Laurel na magkasundo ang mga magulang nila. Mommy na rin niya ang tumatayong ina ni Laurel pati na rin ang ate niya.

Madalas na ang mga ito ang tinatakbuhan nila kapag mayroong kailangan pagdating sa mga anak nila.

Nang magising ang lahat, ipinadala na ni Laurel mula sa restaurant ang almusal nila. Sa labas ng bahay na sila kumain kasalo ang buong pamilya. May mga pagkakataong tinitingnan niya si Laurel, pero umiiwas ito sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon, napapaisip na si Atlas kung may nagawa ba siyang mali o ano kaya hindi niya ito inaalisan ng tingin.

Nakangiti naman. Nakikipagtawanan naman sa lahat.

Kausap ni Laurel ang ate niya at medyo malayo ang mga ito sa kaniya. Hinihintay niyang tumingin sa kaniya si Laurel, pero kahit sandali, hindi nito ginawa.

Nagpatuloy si Atlas sa pakikihalubilo sa pamilya niya ngunit hindi inaalisan ng atensyon si Laurel nang ngumiti ito sa ate niya at naglakad papunta sa bahay nila.

Nagpaalam na rin siya sa kuya niya at ipinakisuyo muna si Julien sa daddy niya. Hindi na siya mapapakali at hindi na siya matahimik kung ano ang nangyayari kay Laurel.

Dumiretso si Atlas sa kwarto nila ni Laurel at naabutan itong nakaupo sa kama, nakangiti ngunit salubong ang kilay, at parang alam na nakasunod siya.

"What's happening, ma'am?" Atlas shut the door and stared at Laurel. "I'm overthinking."

"Hindi naman makapag-wait!" Umiling si Laurel at tumayo.

"What's happening?" Atlas asked.

Naglakad papalapit si Laurel sa kaniya at ipinalibot ang dalawang braso sa leeg niya. Maamo ang mukha, malamlam ang mga mata, at may ngiti sa labing hindi niya maintindihan.

"Laurel." May diin ang boses niya.

Imbes na magsalita, inihilig ni Laurel ang ulo sa balikat niya. "I called them kasi ano . . ."

"Ano?" Atlas was getting impatient.

"I called them kasi gusto kitang ayaing umalis?" Laurel looked at him. "Alis tayo? I miss road trips with you. I miss being alone with you. I miss our . . ." His wife squinted. "I miss fucking you."

Atlas couldn't say anything when Laurel kissed his lips and pulled away, staring at him. Patalikod itong naglakad habang nakangisi at humawak sa door knob.

"Laurel." Atlas shook his head.

Laurel chuckled. "Alis tayo mamayang gabi?" she innocently asked. "Please?" Her eyes even looked begging.

Atlas nodded slowly. "Okay, mahal. Lumabas ka na bago pa kita hilahin dito." He shook his head.

And Laurel wasn't kidding because they left their home and were on the road at exactly midnight. Atlas gazed at his wife, wearing his hoodie, as they traveled to who knew where.

"Saan mo ba balak magpunta?" tanong niya kay Laurel.

Nilingon siya ni Laurel na may ngiti sa labi. "What if Tagaytay? Nakaka-miss magbulalo roon. I remembered our trips there."

Nawala ang ngiti ni Atlas. Dumiretso ang tingin niya madilim na daan.

"Why?"

Mababa ang boses ni Laurel kaya sinulyapan niya ang asawang nakatingin sa kaniya bago niya ibinalik ang tingin sa daan. Hindi siya sumagot.

"Ayaw mo ba sa Tagaytay?" tanong ni Laurel.

Malalim na huming si Atlas. "Hindi naman sa ganoon," sagot niya at nag-isip na muna bago nagsalita. "Just too many bad memories..."

Diretso siyang nakatingin sa daan at inaalala ang nakaraan. Iyon ang nakaraang ayaw niya sanang balikan dahil masakit iyon para sa kaniya. It took him years to drive alone because he was so used to having Laurel by his side.

Nilingon niya si Laurel nang maramdaman ang paghaplos nito sa batok niya at malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"Just this one?" Laurel murmured. "Isang araw lang. If you're still uncomfortable, we'll leave kaagad. I just . . ." She paused. "I just wanna reminisce, Atlas."

Naging mabilis ang biyahe nila. Madaling-araw pa lang, nasa Manila na sila kaya dumaan na muna sila sa isang café para bumili ng kape bago nagpatuloy sa Tagaytay.

"After bulalo, saan tayo?" tanong ni Atlas. Hawak niya ang kamay ni Laurel.

"Wala pa nga, e!" pagrereklamo ni Laurel. "Mag-enjoy na muna tayo, please? Kung saan tayo tutuloy, maayos naman 'yung isang condo ko sa Metro. Let's just stay there."

Ngumiti si Atlas. "I still couldn't believe you did this, though. Alam kong ayaw mong iniiwan ang mga bata nang hindi natin sila kasama."

"I suddenly missed this," sagot ni Laurel at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "I miss road trips with you na tayong dalawa lang."

"Me, too." Atlas kissed the back of Laurel's hand. "Let's do whatever you want today, okay?"

"Totoo?" Laurel's brows furrowed. "Totoong-totoo?"

Atlas chuckled and nodded. "Yup. Anywhere you want to."

Malapad na ngumiti si Laurel at mukhang excited. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa maghapon, pero na-miss din niyang silang dalawa lang.

Nakaka-miss ang mga anak nila, pero na-miss din niyang silang dalawa lang ni Laurel.

Simula nang magkita sila ulit, halos hindi sila makaalis nang wala si LJ. Hawaii na ang pinakamatagal nilang bonding nang silang dalawa lang at mahigit dalawang taon na ang nakalipas.

Bukod sa nag-focus na sila kay LJ, nagbuntis si Laurel. At nang magbuntis si Laurel, mas lalo silang nawalan ng oras sa isa't isa.

Oo nga at magkasama sila sa iisang bahay, hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapagsolo. It wasn't as important as having their kids around, but them together, without anyone around, was something they missed.

"We're always together naman, but a part of me missed you," Laurel murmured. "Thank you for saying yes to this one."

"Did you plan this, mahal?" Atlas asked and squinted. "Tinawagan mo ba sina Mommy?"

Kita ni Atlas na nahihiyang tumango si Laurel. "Yup. Job, Patrick, and Madi will be in Baler, too, kasi I ask them about this. Gusto ko talagang umalis with you."

Atlas' heart pounded. It had been more than two years since they married, and he still felt the same heart thump whenever Laurel was doing something for him. His wife wasn't even aware of the impact.





Nang makarating sa Tagaytay, naramdaman kaagad ni Atlas ang lamig. Medyo foggy at medyo umaambon kaya nang makababa si Laurel ng sasakyan, siniguro niyang nakasuot ng hoodie nito sa ulo para hindi maambunan.

Muli nilang pinuntahan ang paborito nilang kainan. Parehong order, parehong upuan, na para bang nagsisimula sila ulit.

Atlas observed his wife who happily sipped some soup and smiled at him.

Just like old times, Atlas would make the sauce and happily watch Laurel eat. Madalas pa noon na siya ang naghihimay ng karne galing sa buto ng bulalo bago iyon ibigay kay Laurel.

Sumandal siya sa upuan at tinitigan si Laurel. Nagkukuwento ito tungkol sa kung ano, pero hindi niya naririnig. Hindi niya maintindihan ang bawat salita dahil naka-focus siya sa mukha nito.

Ipinalibot niya ang tingin sa lugar at nakaramdam nang kakaiba. Mabigat sa dibdib? Magaan? Masaya? Malungkot? Hindi niya alam kung ano.

The feeling was foreign as he remembered the times with Laurel in the same place—where they used to eat in the middle of the night or until dawn. They weren't a thing, but Laurel was the only person he would always look forward to seeing the sunrise with.

"Atlas?" Laurel got his attention. "Okay ka lang?"

Tipid na ngumiti si Atlas at ibinalik ang tingin kay Laurel. Wala siyang sinabing kahit na ano. Sinabi lang niyang ipagpatuloy nito ang pagkukuwento at makikinig lang siya. He wanted to relive the moment they were years ago where Laurel would talk about movies, music, anything and he was just listening and staring.

Tumigil sa pagsasalita si Laurel kaya sinalubong niya ang tingin nito. Seryoso itong tumitig sa sa kaniya at ibinaba ang kutsara at tinidor.

"Kung ayaw mo sa date na 'to, let's go home, I would understand." Mahinahon ang pagkakasabi ni Laurel. "Uwi na lang tayo?"

Umiling si Atlas. "Hindi, mahal. Saan mo gustong pumunta pagkatapos kumain? Do you have any plans for the day aside from bulalo?"

"What if umuwi na lang tayo? I noticed you're uncomfortable," ani Laurel at tumingin sa labas. "Besides, parang uulan na man so it's gonna be boring for us. Wala tayong ibang pupuntahan."

Naramdaman ni Atlas sa boses ni Laurel na mayroong lungkot at kahit na nakangiti ang asawa niya. Bukod pa roon, tumigil na ito sa pagkukuwento at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Ganoon na lang din ang ginawa ni Atlas at hanggang sa matapos sila, walang kibuan.

Sa sasakyan, bago niya paandarin ang sasakyan, hinawakan niya ang kamay ni Laurel. Tumingin ito sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Uwi na tayo?" tanong ni Laurel.

"Saan mo gustong pumunta?"

Matagal na nakatingin sa kaniya si Laurel. "Ikaw, may gusto ka pa bang puntahan? Kung wala na, uwi na lang siguro tayo. Ayaw ko rin kasi na ako lang 'yung masaya, tapos ikaw, hindi."

"Mahal." Atlas pulled Laurel toward him. "I didn't mean to look like that."

"But," Laurel looked at him, "ayaw mo, e. Uwi na la—"

Atlas stopped Laurel from talking by kissing her lips. "Saan mo gustong pumunta?"

Hindi kaagad sumagot si Laurel at basta na lang siyang tinitigan. Matagal na matagal. "Sure ka bang okay lang sa 'yong aalis pa tayo? Wala ka sa mood."

Atlas looked down and smiled. "I wasn't. I was just . . ." He looked around the area and chuckled. "I was just reminiscing. Naalala ko kasi 'tong lugar noong umpisa."

Laurel intently stared at him.

"Naalala ko na roon," itinuro niya ang parking spot na nasa pinakadulo at nakaharap sa pader, "doon tayo nagpa-park kasi walang masyadong tao. I remem—"

Tumigil sa pagsasalita si Atlas nang haplusin ni Laurel ang pisngi niya. Hinalikan din nito ang noo niya pababa sa tungki ng ilong hanggang sa labi bago ipinagdikit ang noo nilang dalawa.

Atlas shut his eyes and caressed Laurel's free hand using his thumb. No words, Atlas just closed his eyes.

"Can we go somewhere?" Laurel murmured.

Atlas opened her eyes and frowned. "Where?"

Nilingon ni Laurel ang windshield bago muling tumingin sa kaniya. "I wanna see Taal upclose. Like the view we had before," seryosong sabi ng asawa niya. "I wanna see it again."

Atlas gripped the stirring wheel and stared at the glass in front of him. It was already raining. It was just nine in the morning, but the place looked gloomy, foggy, and dark.

He knew a place, of course. It had the best view of Taal.

"Skyranch na lang tayo?" aniya at tipid na ngumiti kay Laurel. "Maganda rin naman ang view ng Taal doon, 'di ba? Can we ride a Ferris wheel?"

Umiling si Laurel. "The small subdivision with your house has a great view, too. Hindi ko alam kung nakita mo na, pero there's a hidden view around the area na nakita ko. Pinu—"

"What?"

Laurel chuckled. "Tulog ka kasi noon kaya lumabas ako. Naglakad ako around the area and I saw the best vie—"

"I know that place," Atlas interrupted Laurel. "There's a big tree and . . ."

"Yup." Laurel widely smiled at him. "Tara? Puwede naman siguro tayong pumunta? Sabihin natin sa guard, sandaling-sandali lang tayo."


Atlas was hesitant and he didn't want to. Ayaw niyang makita ang dating bahay sa Tagaytay. Kahit na sabihin pa niya masaya na siya kay Laurel, kasama na niya ito, that house was a part of him.

It was hard for him to let it go.

"I wanna say something," Atlas murmured. "Letting go of that house was painful. Halos kasingsakit noong panahong nasa airport tayo at iniisip ko na sana lumingon ka. I didn't wanna let go, but I had to."

Laurel looked down and started at nowhere.

"That house . . . was you." Atlas started the engine. "Well, at least I'll see that house again and the real home is here."

Nilingon siya ni Laurel na mayroong munting ngiti sa labi. Walang sinabing kahit na ano at nanatiling tahimik kahit na habang binabaybay ang daan papunta sa lugar na iyon.

Mabigat para kay Atlas, pero para kay Laurel, dahil gusto nito ay gagawin niya.

Kung puwede lang niyang pabagalin ang pagmamaneho para hindi sila kaagad makarating sa lugar, gagawin niya. Ngunit kahit na anong bagal, nakarating sila at sa gate, si Laurel ang kumausap sa guard. Pumayag ito basta sinadali lang sila.

"Baka hindi n'yo rin po makita, ma'am," sabi ng guard. "Umuulan po at saka foggy, wala kayong makikita."

Ngumiti si Laurel. "Ayos lang po, manong. Salamat po ulit. Saglit lang po kami," anito at tumingin sa kaniya. "Tara?"

Malalim na huminga si Atlas at ipinalibot ang tingin sa maliit na subdivision. Nadagdagan na rin ang mga bahay, pero hindi naman ganoon karami. Exclusive pa rin iyon tulad noon. Sa dulo rin naman siya at iyon ang pinakapribadong lugar sa area.

Mabigat ang dibdib niya habang binabaybay nila ni Laurel ang daan hanggang sa makita niya ang pamilyar na street sign na siyang daan papunta sa dati niyang bahay.

"I wanna share a secret," Laurel broke the deafening silence. "You knew I was keeping diaries, right?"

Atlas nodded and gazed at Laurel. They were driving around five kilometers per hour. Mabagal na mabagal iyon.

"I still do." Laurel smiled at him. "But in a recording. Hindi na ako nagsusulat by hand, but I recorded everything. Since I didn't have anyone to talk to at that time, I recorded everything. All the thoughts, all the pain, the love, every single thing."

"Until now?" he asked.

Tumango si Laurel at ibinalik ang tingin sa daan. Nakikita ni Atlas sa peripheral niya ang dating bahay, pero hindi niya iyon nilingon. Diretso siyang nagmaneho papunta sa destinasyon nila—ang puno kung saan may magandang view ang Taal.

Mabilis ang tibok ng puso ni Atlas at kahit na huminto sila, nanatili siyang tahimik. Ni hindi niya nilingon si Laurel nang basta na lang itong bumaba sa sasakyan niya at humarap sa kawalan.

The engine was still on, and Atlas was staring at Laurel when the speaker played something.

"Hi, Julian." It was Laurel's voice.

Atlas stared at the speaker and frowned.

"I'm inside the plane now. I hope you're doing fine, I hope you'll do well, and I hope you'll be happy. Don't worry, and I'll take care of the baby. You take care, okay?"

The recording stopped but another played. It was a baby's cry.

"Hi, Julian." It was Laurel again, and a baby was crying in the background. "I gave birth yesterday, and it was a little painful. It's a girl, by the way. I borrowed your first name, ha? It's Laureen Juliana."

And the recording stopped again. A new recording played.

"Hi, mahal. I'm inside the plane, in the bathroom. I took a pregnancy test, and I'm pregnant." Narinig niya ang panginginig sa boses ng recording. "I'm pregnant. Oh my gosh."

And the recording stopped again. A new recording played.

"Hi, Mahal. Are you just gonna stay inside the car?" Tumingin siya sa labas at nakangiti si Laurel na nakatingin sa kaniya. "Labas ka naman diyan. It's cold out here and I need a hug."

Atlas couldn't move and stared at Laurel.

"Also, the house." Laurel smiled and showed him a key. "I got it back. Happy second anniversary, Julian."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys