Chapter 71
Ilang araw matapos manganak si Laurel, nag-usap sila na hindi muna kikilos ang asawa niya. Siya na muna ang bahala sa lahat at malaking tulong sina LJ at Vaughn sa lahat.
Si Vaughn ang madalas na nagluluto. Mayroon silang helper na nakatoka sa pagluluto, pero nag-aral itong magluto ng sabaw para kay Laurel. Iyon ang hindi puwedeng mawala sa kanila.
Si LJ naman ang paminsan-minsang nauutusan ni Laurel kapag wala si Atlas at mayroong kailangang gawin. Ito rin ang madalas na kasama ni Ali lalo na sa kuwentuhan.
Gustong panindigan ni Atlas na wala sana silang helper, pero hindi niya mapagsabay lahat kaya kumuha sila ng tagalaba.
"Matulog ka na muna," sabi ni Laurel.
Nilingon niya ang asawang nakasandal sa headboard ng kama nila at nagpapadede kay Julien. Halos isang buwan na rin ang nakalipas at kahit papaano ay nakababawi na si Laurel.
"Ako na muna para kapag gising ka na, ako naman ulit ang matutulog," dagdag ni Laurel. "Sige na, mahal. I'm okay. Nakatulog na rin naman na siya, ibababa ko na lang siya sa crib mamaya."
"Sure ka ba?" tanong ni Atlas. Ang totoo, inaantok na talaga siya. Alas-dos na rin kasi ng madaling-araw. "Oka—"
Naningkit ang mga mata ni Laurel at alam niyang hindi na dapat magtanong. Siniguro na muna ni Atlas na nasa storage na nasa tabi ng crib lahat ng kailangan bago siya nahiga.
Kalong ni Laurel ang anak nila at patagilid niyang pinanood ang asawa niya. Pagod ito dahil halos hindi naibababa ang anak nila. Bukod sa breastfeeding, extra clingy ang bunso nila.
Laurel had no idea he was awake. He watched his wife admire their baby by caressing her thumb on Julien's cheek.
Atlas smiled and shut his eyes with a subtle smile. Mahigit isang taon na silang kasal, pero may mga pagkakataong napapaisip pa rin siya dahil hindi siya makapaniwalang nasa ganoon silang sitwasyon.
That was the fact that Laurel was Atlas' need and want, and he couldn't believe they finally built a family together.
Sa tuwing naiisip niya ang buhay niya bago si Laurel, hindi niya inakalang hahantong siya sa pagkakataong titigil siya sa pag-aartista. Marami siyang pangarap noon tulad ng makakuha ng iba't ibang award, makilala sa ibang bansa, at kung ano-ano pa.
But everything changed all because he met Laurel.
No regrets. It was the best decision he had made.
Kinabukasan, nagising si Atlas nang marinig ang iyak ni Julien. Nakadapa siya at nakaharap sa bintana. Sandali niyang prinoseso ang nangyayari at napabalikwas ng bangon dahil umaga na.
Naabutan niya si Laurel na pinapalitan ng diaper ang anak nila at tumingin nang makitang papalapit siya.
"Good morning," aniya at tumingin sa orasan. It was already seven in the morning. "Mahal, I'm sorry."
Ngumiti si Laurel sa kaniya. "Wala 'yun. Mabuti nakatulog ka. Wala ka ring tulog nitong mga nakaraan, e."
Pumasok si Atlas sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nahiya siya kay Laurel na napasarap ang tulog niya at saktong paglabas niya ng bathroom ay humikab ang asawa niya. Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.
"Ako na ang bahala. May gusto ka bang gawin? Inaantok ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni Atlas habang inaayos ang diaper ni Julien. "Do your thing, mahal. Ako na rito."
Nasa gilid niya si Laurel nang yakapin siya nito patagilid. Hindi siya nagprotesta. Ngumiti pa siya at hinalikan ang noo ng asawa niya.
"Antok ka na? Sorry, hindi ako nagising kaagad," paghingi niya ng paumanhin. "Gusto mong matulog na muna?"
Umiling si Laurel. "Patulugin ko na muna siya. Kanina pa rin kasi siya gising and baka mag-milk pa siya. Puwede mo ba akong timplahan ng milk ko rin?"
"Oo naman," aniya at tinapos ang paglilinis kay Julien bago ibinalik ang anak nila kay Laurel.
Kinuha rin muna niya ang mga basura sa kwarto nila para itapon. Sa sala, naabutan niya roon ang papa ni Laurel kausap sina Vaughn at LJ. Mukhang kagigising lang din ng mga ito.
"Good morning, Daddy," ani LJ at tumayo para yakapin siya. "Galing kami sa beach po kasi nag-walk kami with Papa Ali. How's Mommy and baby Julien?"
"Baby Julien's about to sleep and Mommy, too," sagot niya at dumiretso sa kusina. "How's your new room?"
"It was nice, Daddy," natutuwang sagot ni LJ. "I'm next to Kuya's room kaya I'm not afraid naman."
Pagkapanganak ni Laurel, isang linggo silang nag-stay sa cabin dahil tinapos naman ang bahay nila. Paborito nilang spot ni Laurel ang rooftop lalo na kapag pasikat ang araw dahil kitang-kita ang langit.
Muling iniwanan ni Atlas ang mga ito sa sala at si Vaughn na ulit ang magluluto ng almusal para sa kanila.
Pagpasok ni Atlas sa kwarto, nakaupo si Laurel sa gilid ng kama at pinadedede ulit ang bunsong nakatulog na. Naupo siya sa tabi ni Laurel nakaagad inihiga ang ulo sa balikat niya.
"Antok ka na?" muling tanong ni Atlas.
Tumango si Laurel at humikab. "Oo, pero gusto ko muna sanang maligo bago matulog."
"I'll prepare your bath. Gusto mo bang mag-tub or shower lang?"
"Shower lang, I'm too sleepy," ani Laurel sabay hikab. "Can you also prepare 'yung warm compress ko, mahal? Medyo masakit 'yung boobies ko. Parang medyo engorged siya."
Hinalikan na muna ni Atlas ang noo ni Laurel bago pumasok sa closet para kumuha ng pantulog. Inayos niya iyon sa lababo ng banyo at pumasok doon si Laurel.
Si Atlas na muna ang nagtingin kay Julien na nasa crib. Inayos niya ang kwarto nila at inilagay sa basket lahat ng kailangang labhan. Kinuha rin niya ang mga baby bottle na nagamit na pati na rin ang basong ginamit ni Laurel sa pag-inom ng gatas.
Nag-message siya kay Job kung puwede bang makapagpabili ng breastmilk. Nahihirapan si Laurel sa pagpapadede at minsang umiiyak si Julien dahil halos walang masipsip.
Narinig ni Atlas na mayroong bumagsak sa loob ng bathroom kaya kumatok siya. Binuksan naman ni Laurel ang pinto at naabutan niya ang asawang naka-topless habang nakaharap sa salamin. Nakatakip ng mainit-init na bimpo ang dibdib nito.
Kinuha niya ang blower mula sa drawer at siya na mismo ang nagtuyo ng buhok ni Laurel para makatulog na rin ito.
"Masakit pa rin ba?" Atlas asked. "Sana hindi ka na mag-fever. Nag-message na ako kay Job about sa breastmilk. Maghahanap daw ulit siya. Sakto naman na pupunta sina Mommy sa isang araw, sila na lang ang magdadala."
Ipinagpatuloy ni Atlas ang pagbo-blower sa buhok ni Laurel at nang matapos, sumandal ito sa kaniya at pumikit.
"I'm sleepy," bulong ni Laurel. "But I'm okay. I enjoy being a mom. Ang sarap sa feeling."
Atlas smiled at Laurel. "Me, too. Hindi ko 'to naranasan kay LJ and now that I get to take care of you, too, is different. I'm so thankful you gave me this family, mahal," aniya at hinalikan ang asawa sa pisngi.
Ipinagpatuloy ni Atlas ang pagtulong kay Laurel. Kita niya ang hirap ng asawa niya sa pag-breastfeed kay Julien at madalas na nasasaktan.
"We can use formula, mahal," aniya. "Tingin mo?"
Nalungkot si Laurel. "Gusto ko sanang mag-breastmilk si Julien kahit sana hanggang three months," sabi nito sa mababang boses.
"Pero nasasaktan ka na. Nilalagnat ka na. Nagdudugo na 'yung nipples mo noong nakaraan at hindi ka na comfortable. Nag-search naman ako about sa formula milk. Okay naman siya. It's not as good as the breastmilk, of course, but we need to consider things, too," ani Atlas. "If you're comfortable, we can buy breastmilk. Naghanap kami ni Job."
Sandaling napaisip si Laurel. May lungkot ang mga mata, pero sinabing bahala na sa mga susunod. Susubukan pa rin sa sarili, pero usapan nila na kapag hindi na kaya, magsi-switch sila.
It would be hard for Laurel, but they had to.
Sacrifices.
—
Dumating ang buong pamilya ni Atlas para sa mini reunion na inayos nila ni Laurel. Welcome party na rin kasi iyon para sa bunso nila. Pinatagal muna nila nang six weeks bago sila nag-setup ng kainan para sa lahat.
Nakaupo silang dalawa ni Laurel sa reclining chair. Nasa tapat sila ng beach at pinanonood ang mga batang naglalaro. Dumating na rin sina Roha at Pierre galing Paris. Excited pa nga ang mga ito dahil noong pagkapanganak pa lang, kinukulit na sila.
"Ate Roha and Papa look close." Ngumiti si Laurel. "Nabanggit sa 'kin ni Ate noon na sobrang bait ni Papa sa kanila ni Kuya Philipp. Slowly, Ate Roha accepted Papa, kaso si Kuya ang may ayaw."
Inabot ni Atlas ang melon shake kay Laurel. "You never talk about your kuya," aniya.
"Everytime I see Vaughn and LJ," sabay nilang tiningnan ang dalawang naglalaro sa buhanginan, "I always wonder what it felt like to have a kuya. Galit kasi sa 'kin si Kuya Philipp noon and he was vocal about hating me. Pero naiintindihan ko siya. Wala akong galit sa kaniya, sa kanilang lahat, actually. Kahit na palagi nila akong inaaway noon, I love them equally."
Hindi naalis ang titig ni Atlas kay Laurel. Dumating na rin si Vin na naimbitahan nila para sa nasabing party, ganoon din sina Job at Patrick.
Nagpaalam si Laurel na makikipagkuwentuhan kay Amira at si Job naman ang pumalit. Masaya nitong ikinukuwento ang tungkol sa pinoprosesong adoption. Mayroon nang nakita at nakausap, naghihintay na lang daw ng approval.
Pareho nilang nilingon ang mommy niya na mahinang isinasayaw si Julien kasama ang daddy niya. Tuwang-tuwa ang mga ito sa bagong apo.
"Iisa pa ba kayo?" biro ni Job.
Umiling si Atlas at natawa. "Last na si Julien. Ayaw ko nang mahirapan si Laurel. Umiiyak na nga siya noong nakaraan kasi nasasaktan sa breastfeeding. Noong isang araw, nilagnat pa. Nag-usap naman kami kaya bahala na sa mga susunod.
Dumating si Vin at tumango si Atlas nang magtama ang tingin nila. Dumiretso ito kina Vaughn at LJ na naglalaro ng sand castles.
"Ayaw ko sanang magtanong, pero curious ako." Tiningnan siya ni Job. "How's your relationship with Vin? Okay naman ba kayo? Like . . ."
"We're okay, really. Maayos ding kausap 'yan si Vin. Besides, wala akong problema sa kanila ni Laurel. Alam ko naman kung ano ang nakaraan nila and I trust them both," aniya at tiningnan si Laurel. "Laurel herself is my assurance."
Natawa si Job at sumandal sa reclining chair. "Kung tutuusin, wala ka namang dapat alalahanin kay bakla."
"Wala talaga." Atlas chuckled.
Sandaling pinag-usapan pa nina Job at Atlas ang tungkol sa mga business niya sa Manila na ito ang humahawak. Matagal na rin siyang hindi lumuluwas—simula nang magbuntis si Laurel—kaya hindi niya maharap ang mga iyon.
Buo ang pamilya ni Atlas, kasama naman ni Laurel sina Ali at Roha.
Halos hindi nahawakan nina Atlas ang Laurel si Julien. Nagsabi na rin sa kanila kaagad si LJ na matutulog ito sa cabin kasama ang mga pinsan at wala na silang nagawa. Lumalaki na rin ang anak nila at hindi na rin nila ito madalas na nakakasama.
Nilapitan ni Atlas ang papa ni Laurel kasama ang mga magulang niya. "Ayos lang po ba kayo?"
Tumango si Ali. "Oo naman. It's nice to finally meet your family. I'm happy to meet new people again. Kapag may ibang chance ulit, sa Baesa naman tayo magkainan. Dadalhin ko kayo roon."
Natuwa ang parents ni Atlas dahil doon. Nakikinig siya sa kuwentuhan ng mga matatanda at tungkol nga iyon sa nakaraan. Nagtatawanan pa nga ang mga ito dahil hindi na sila maka-relate sa usapan.
Magkatabi sina Atlas at Laurel na nakaupo sa beanie bag. Kalong niya si Julien na mahimbing na natutulog. Mabuti na lang din at sanay ito sa initan katulad nila ni LJ, pero okay lang din naman ito sa lamig.
"Wala ba kayong balak na magpakasal ulit?" tanong ni Roha. "Don't get me wrong, ha? I was just curious."
Nilingon ni Atlas si Laurel. Tumingin din ito sa kaniya bago umiling.
"Siguro we can have something like this, a reception or something," ani Laurel. "But ayaw ko sanang ikasal na maraming tao. I . . . just can't do it."
Atlas agreed. "Yeah. Same."
"I'm curious. Bakit?" It was his ate.
Si Laurel ang gusto niyang sumagot. Ngumiti na siya, pero hindi siya nagsalita. Alam niya ang rason dahil bukod sa ayaw nitong maraming tao, mayroong nakatatawang rason.
"Bakit ganiyan ka makangiti, Atlas?" tanong ni Amira. "Ano'ng meron? Hoy!"
Nilingon ni Atlas si Laurel. Nanatili siyang tahimik ngunit natatawa nang tumingin ito sa kaniya. Sabay silang natawa at mahina pa nga siyang hinampas sa braso.
Everyone was looking at them.
Laurel scrunched her nose and bit her lower lip. Atlas looked down and smiled.
"Hoy! Ano nga?" pamimilit ni Amira.
Natawa si Laurel. "Kasi ang awkward."
"Alin?" Job became even more curious.
Nilingon ni Laurel ang mga batang nasa kabilang side at mayroong sariling mundo. Tiningnan din nito si Vaughn na seryosong nakikinig.
"I don't want you guys na makitang we're kissing," sagot ni Laurel at nilingon siya. Alam niyang natatawa na ito. "And imagine, alam n'yong kasal namin tapos you'll also know na after wedding, it's honeymoon! I don't want the guest thinking na we'll—"
"Stop." Vaughn shook his head. "We got it, Mom. We get it, right, people?"
Malakas na natawa ang lahat dahil sa reaksyon ni Vaughn, ganoon din silang dalawa ni Laurel. Nagsimula na ang kalokohan nang bumangka na sina Laurel, Amira, at Job na sinabayan din ng ate niya at ng ate ni Laurel.
Pare-pareho ang takbo ng isip at puro kalokohan ang alam. Hindi sila maka-relate ni Patrick. Ganoon din si Jude na minsang nagsasalubong ang kilay dahil sa mga pinagsasabi ng mga ito. Si Vin din ay natatawa lang tulad nila.
Si Vaughn ay nagpaalam sa kanila at nakipaglaro ng volleyball sa ibang turista. Naiilang kasi ito sa ganoong usapan, pero bigla itong tumigil at may tiningnan.
Sinundan nila ng tingin kung saan iyon at nakita sina Koa at LJ. Biglang napaisip si Atlas na kung mahigpit siya at magiging mahigpit kay LJ, mukhang mas mahigpit si Vaughn lalo nang tumayo ito.
"Hey, what are you doing?" tanong nito kay Koa. Nagkatinginan sina Atlas, Jude, at Laurel. "Why are you doing that to my sister?"
Inaayos ni Koa ang buhok ni LJ dahil nilipad iyon nang malakas na hangin at humarang sa mukha.
"Kuya, why?" tanong ni LJ habang nakatingin sa kuya nito. "Why are you mad? He just fixed my hair."
Vaughn shook his head. "Don't do that again, Koa."
Kahit na sina Laurel at Amira ay tumigil sa kuwentuhan. Nakatingin ang mga ito sa tatlo. Tawa sila nang tawa nang magsalita si Jude.
"Tawa ka nang tawa riyan, hindi ka ba nagwo-worry na baka may future ng anak ko sa anak mo?" tanong ni Jude sa kaniya.
Umiling si Atlas. "Wala namang problema sa akin, desisyon 'yun ni LJ. Mukhang si Vaughn ang magiging problema ng anak mo. Mukhang over protective sa prinsesa niya. Isang legit na Briton, isang laking Briton. Bahala sila."
Sa isip ni Atlas, kung ano ang maging desisyon ng mga anak nila sa hinaharap, hindi siya makikialam at alam niyang ganoon din si Laurel.
Napag-usapan na isang linggong mamamalagi ang pamilya nila sa Baler. Bukod kasi sa bakasyon, oras na rin iyon para maka-bonding nila ang isa't isa dahil bihira maman.
Naunang magpaalam si Laurel sa kanila. May inumang magaganap sa gabi, pero hindi na ito makakasama. Napaisip si Atlas kung sasama pa ba siya dahil baka kailangan siya ni Laurel.
"Dito na lang ako." Nagsalubong ang kilay ni Atlas. "Samahan na lang kita."
"Mahal, okay lang. Promise. Tatawag naman ako kung may kailangan ako, e." Hinaplos ni Laurel ang pisngi niya. "Inaantok lang talaga ako and para maka-sleep na rin 'tong si Julien. Hindi makatulog doon, e."
Dumedede si Julien sa bote gamit ang breastmilk na dala nina Job. Ang bilis ding lumaki ng anak nila at habang pinagmamasdan niya ito, hindi pa rin siya makapaniwalang tatlo na ang anak nila ni Laurel.
Vaughn may not be biologically related to him, but he would always be their firstborn.
"Mahal." Tumingin sa kaniya si Laurel. "Papa's lawyers met with Patrick and his team."
Nagsalubong ang kilay ni Atlas at tahimik na nakatingin kay Laurel.
"Papa decided to transfer Hacienda Ricardina to me. Sa 'kin na raw 'yun, but I declined. I don't want it," ani Laurel. "But walang ibang magha-handle and Papa doesn't wanna sell it. Parang ayaw ko rin."
"I agree," sagot niya. "It's your home."
Yumuko si Laurel at hinaplos ang pisngi ni Julien. "So, I thought of something. I wanna ask if you're okay na ipangalan na lang natin kay Laureen?"
Hindi nakasagot si Atlas.
"Tayong dalawa ang magma-manage but once Laureen turned eighteen, Hacienda Ricardina is hers. Siya na ang bahalang mag-decide para doon. What do you think? I want your take on this." Tumingin si Laurel sa kaniya.
"Whatever you think is best, mahal," aniya at tumayo. Nahiga siya sa tabi ni Laurel. "Ayaw ko nang lumabas. Dito na lang ako."
Natawa si Laurel at hinaplos ang buhok niya. "Hindi ka pa ba nagsasawang halos twenty-four hours na tayong magkasama? Go bond with them, mahal. I'll be okay here."
Ipinalibot ni Atlas ang braso sa baywang ni Laurel at pumikit. "Ma'am, let's date. I miss dating you. Hindi tayo nakapag-celebrate ng first anniversary natin."
"Babawi ako sa second anniversary. Siguraduhin mong marami kang energy," sabi ni Laurel.
Bahagyang bumangon si Atlas at tiningnan si Laurel. "That's months from now. Bakit, do you have plans?"
"Wala pa, pero babawi ako sa 'yo." Laurel winked.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top