Chapter 70

Lumapit si Atlas kay Laurel at tinitigan ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito at sandaling inalalayan ang asawa na maupo sa sofa.

Sumandal si Laurel at pinakiramdaman ang sarili.

"Sobrang sakit na ba?" tanong ni Atlas.

Hinaplos ni Laurel ang tiyan. "Nagising akong masakit na siya. May sakit, pero hindi masyado. Ngayon, nawala 'yung sakit. It felt like dysmenorrhea na lang."

"Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" Naupo si Atlas sa tabi ni Laurel. "You're still calm so I will rely on you."

Malalim na huminga si Laurel at mukhang pinakikiramdaman ang sarili. "I'll monitor. Sabi naman ni Doktora, we can monitor using 511 or 411 rule. So far," naningkit ang mga mata ni Laurel, "nawala na 'yung pain."

"Are you sure?"

Tumango si Laurel at inihiga ang ulo sa balikat niya. "Baka sa paglalakad ko kanina. Anytime naman, possible na mag-labor na ako so I'll just observe muna."

Sumang-ayon si Atlas at inaya na lang si Laurel na mahiga sa kama. Inayos niya ang malaking unan para maging suporta sa malaking tiyan ni Laurel at napag-usapan nilang magsasabi ito kapag masakit na masakit na.

Imbes na magluto, nagpadala na lang si Atlas ng pagkain galing sa resort. Hindi rin niya mahaharap dahil kailangan niyang bantayan si Laurel.

Tinawagan din ni Atlas ang OB ni Laurel at sinabing mag-observe na lang muna para hindi sila magpabalik-balik sa ospital. Base naman sa nararamdaman ni Laurel, kaya pa nito ang sakit. Wala rin namang likidong lumalabas kaya ayos pa sila.

Paglabas niya sa kwarto matapos siguruhing tulog si Laurel, sakto namang pagpasok ni Vaughn sa bahay.

"I thought you'd be here by next week," ani Atlas at nakipag-fist bump kay Vaughn.

Ngumiti si Vaughn at umiling. "I miss my princess," sagot nito at dumiretso sa kusina para ibaba ang dalang donuts. "Where's plintet, Tito?"

"For sure, at Tita Amira's," sabi ni Atlas.

Kinumusta niya ang pagmamaneho ni Vaughn. Mabilis naman daw ang naging biyahe kaya maagang nakarating. Malapit na rin kasi ang pasukan nito kaya kailangang ayusin ang mga papeles at titirhan.

Sa isang condo na pag-aari ni Laurel titira si Vaughn. Binilhan naman ito ni Vin ng sariling sasakyan.

Medyo maingay ang gumagawa sa second floor nila kaya paniguradong may pagkakataong magigising si Laurel. Iniisip ni Atlas na kung sakali mang manganganak na ang asawa niya at ginagawa pa ang second floor, sa isang cabin na muna sila tutuloy.

Buong maghapong binantayan ni Atlas si Laurel. Nagising naman ito nang mag-lunch sila, pati na ang dinner, at tuwang-tuwa nang malamang umuwi si Vaughn.

May pagkakataong nagigising si Laurel at iniinda ang sakit sa tiyan, pero hindi nagtatagal. Pareho silang nagbibilang habang nagmo-monitor.

Nagsabi rin si Atlas na kung gusto na nitong magpa-confine sila sa ospital, puwede naman, pero si Laurel mismo ang may ayaw.

Alam din naman niya iyon na ayaw nitong nagtatagal sa ospital. Kaya pa naman, hindi pa naman pumuputok ang panubigan, at base sa heart rate monitor na mayroon sila, normal pa ang baby nila.

Bago matulog, siniguro ni Atlas na maayos na ang lahat ng puwede nilang dalhin sa ospital. Kung sakali mang matuloy ang labor ni Laurel sa madaling-araw, magiging madali lang ang lahat para sa kanila.

Sandali niyang tinitigan si Laurel habang nakahiga. Tulog na tulog ito at nakatigilid ng higa. Nakasando at underwear lang dahil naiinitan.

Nilingon niya ang aircon. Nasa maximum na sila. Naka-hoodie na nga siya kung tutuusin at naka-jogger pants dahil sa ginaw. Pero iyon ang naging issue nila kay Laurel. Naiinitan ito lalo sa gabi.

Pregnancy really was complicated, he thought.



Hindi namalayan ni Atlas na nakatulog siya nang maramdaman niya ang mahinang pagtapik at bulong ni Laurel. Hindi kaagad siya dumilat dahil antok na antok siya.

"Mahal?" narinig niyang bulong ni Laurel kasabay ng paghaplos sa buhok niya. "Mahal?"

Dumilat si Atlas nang marinig na ang mahinang pagdaing ni Laurel. Binuksan niya ang lampshade sa side niya at nakita itong nakatingin sa kaniya ngunit butil-butil ang pawis sa noo.

"Hey, masakit na masakit na?" Pupungas-pungas na bumangon si Atlas.

Tumango si Laurel. "Oo, nagle-labor na talaga ako ako. Medyo hindi na bearable 'yung sakit at medyo. . . ." Pumikit ito at bahagyang dumaing at kinagat ang ibabang labi. "Mahal, I think . . . we need to go to the hospital."

Atlas conditioned himself and remained calm.

Kinuha niya ang maletang naka-prepare kung sakali mang mag-labor na si Laurel. Naroon ang mga damit ng baby, ni Laurel, at mga papeles na kakailanganin nila.

Kumuha siya ng damit sa closet para bihisan si Laurel. Sinuutan niya ng simpleng dress ang asawa. Kinuha rin niya ang suklay at pang-ipit sa buhok.

Inalalayan na rin muna niya si Laurel na maupo sa living room. Alam din niya sa sarili niyang medyo nagpa-panic na siya kahit pa sabihin sa sariling kaya.

Atlas knew he had prepared himself, but it was different from the actual situation.

Naisip na niya noon na siya ang magmamaneho, magiging maayos ang lahat, magiging kalmado, at kakayanin niya. Pero hindi.

Gusto niyang isiping kaya niya, pero hindi puwede iyon kaya tinawagan niya sina Jude at Amira. Nakiusap siya na kung puwede bang samahan sila ni Jude at ito ang magmaneho, si Amira naman ang maiiwan sa bahay para samahan ang mga anak nila at ang papa ni Laurel.

Wala pang limang minuto pagkatapos ng tawag kay Jude, kumakatok na ang mga ito at sinasabing maayos na ang sasakyan.

"Tito, what's happening?" Pupungas-pungas na lumapit sa kanila si Vaughn at napatingin sa inang nakasandal sa sofa. "Mom, are you okay? Manganganak na ikaw po?"

Ngumiti si Laurel kay Vaughn. "Yup, ikaw na muna bahala kay LJ and kay Papa. Sina Tita Amira and Koa, they'll be here, too, so kayo ang maiiwanan. Ikaw na magsabi kay Laureen."

"Of course, Mom, I'll take care of plintet and Papa," sagot ni Vaughn. "Have a safe delivery, Mom." Hinalikan nito ang pisngi ng asawa niya. "And I hope it's a boy. One plintet to protect is enough."

Malakas na natawa si Laurel ngunit kaagad ring dumaing. Buhat ni Atlas ang maleta samantalang si Vaughn ang umalalay sa ina para maisakay sa sasakyan ni Jude. Vaughn even carried Laurel since she was having a hard time getting inside the car.

Sa loob ng sasakyan, tahimik si Atlas. Sumandal si Laurel sa kaniya habang hinahaplos niya ang buhok nito at minamasahe naman ang isang kamay.

Nararamdaman ni Atlas ang panginginig ng katawan ni Laurel at ang pagpigil nito sa sakit na nararamdaman. Hindi pa naman pumuputok ang panubigan dahil wala siyang nakitang likido, pero hindi na nito kaya ang sakit.

Iniisip niya na sana, hindi masyadong mahirapan ang asawa. Ipinalangin niya na sandali lang itong mag-labor para agad na makapagpahinga.

"You feeling okay?" tanong ni Jude sa kaniya. Nakatulog si Laurel habang papalapit sila sa ospital. "Parang kapag si Amira na, baka kabahan din ako."

Atlas smiled. "Kinakabahan talaga ako ngayon, sobra. This is my first time seeing her like this, nakikita ko pa lang 'yung mukha niya, parang ang sakit na." Umiling si Atlas. "I can't imagine n'ong mag-isa siya. When she gave birth alone to Laureen and Vaughn."

"Huwag mo na balikan 'yung nakaraan. Ang mahalaga, kasama mo na siya ngayon, kasama ka na niya ngayon." Ngumiti si Jude. "We can't wait to meet the little one. Hindi n'yo pa rin ba alam kung boy or girl?"

"Hindi pa." Tumingin si Atlas sa labas. Madilim na madilim pa. Ni hindi niya namalayang alas-dos pa lang ng madaling-araw dahil hindi niya nagawang tumingin sa relo. He was low-key panicking. "Sabay-sabay na lang natin malalaman."

Dumaing si Laurel habang papalapit sila sa ospital. Medyo naalarma siya nang hindi na maipinta ang mukha ng asawa at humihigpit na rin ang hawak sa kaniya na bahagya siyang nakukurot.

"Ang sakit," mahinang sambit ni Laurel bago mahinang dumaing. "I'm close, I can feel it."

"Malapit na rin tayo sa hospital," ani Jude.

Hindi nagkamali dahil limang minuto pagkatapos ay nasa hospital na sila at nandoon na rin ang OB ni Laurel na tinawagan niya. Nakita nitong malapit na ngang manganak ang asawa niya.

Itinanong ni Atlas kung puwede ba siyang sumama sa loob ng delivery room, pero hindi siya pinayagan dahil iba ang policy sa nasabing ospital.

Bago ipasok sa delivery room ang asawa, hinalikan ni Atlas si Laurel sa noo. May luha na ito sa mga mata dahil sa sakit na nararamdaman, puno naman siya ng pagaalala.

"I'll see you later, ma'am." He kept on kissing Laurel's cheek. "I'll wait for you, okay? I'll see you agad."

Laurel nodded and sniffed. Nakatingin lang ito sa kaniya at wala nang sinabi bago ipasok sa delivery room.

Sinabihan si Atlas na ayusin na lang din ang papeles ni Laurel. May mga pinirmahan siya, may kwartong inayos para tutuluyan ng mag-ina niya, pati na rin ang mga kailangan para sa baby nila. Tinawagan niya si Vaughn at sinabing natutulog pa rin si LJ. Malamang na magugulat na lang ang anak nila pagkagising na lalabas na ang kapatid nito.

Mabilis ang kabog ng dibdib ni Atlas. Ilang videos na ang napanood niya. Inihanda niya ang sarili ngunit habang naghihintay, parang napakatagal.

Sa bawat lalabas at papasok sa daan kung saan ipinasok si Laurel, naghihintay siya ng news.

Habang nasa waiting area, nakaupo silang dalawa ni Jude. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Laurel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.

"Kailan pala kayo magpapakasal?" tanong niya. "You guys are a family now, kasal na lang ang kulang."

"Soon," sagot ni Jude. "Ang hirap din kasi lalo na't may contract pa si Amira. She needs to finish the contract for the brand first before getting married. Malapit na rin naman 'yun, we'll just wait."

"Laurel's very excited," aniya. "How about Koa's mom?"

Ngumiti ito. "Lumalaban pa rin, we're even at court last week . . . pero ayaw pumayag ni Amira. Sinabihan siyang walang karapatan ng korte . . . pero n'ong si Koa na ang pinapili, medyo lumakas ang laban."

"Let us know if you need any help, okay?" ani Atlas. "Laurel knew some people who could help you, guys. May lawyer ang parents ni Laurel na puwedeng makatulong sa inyo."

Tumango si Jude at nagkuwento tungkol sa hinaharap sa korte dahil gustong ilaban ng nanay ni Koa ang custody at dadalhin ito sa London kung saan ito nakatira. Ayaw pumayag ni Jude at mismong si Koa.

Sinabihan ni Atlas si Jude na puwede na itong umuwi at siya na lang ang maghihintay sa mag-ina niya. Panay ang tingin niya sa orasan dahil isang oras na ang nakalipas, wala pa rin siyang news mula sa loob.

Nakisuyo na lang din siya kay Jude na kung sakali mang lalabas na si Laurel kinabukasan ay kung puwede ba silang sunduin.

Isang oras pa ang lumipas nang lumabas ang doktora at lumapit sa kaniya. Tinanggal nito ang mask at ngumiti. Sinabi nitong maayos lang ang lagay ni Laurel at nakatulog ito sa panganganak.

"Nahirapan po ba siya?" tanong ni Atlas.

Bahagyang tumango ito. "Medyo. Akala namin mapupunta kami sa emergency caesarean, pero kinaya naman niya. Si baby, dinala na rin siya sa nursery para ma-check. Dadalhin na lang sila sa room kapag okay na ang lahat, okay?"

Nagpasalamat si Atlas sa doktor. Hindi niya itinanong kung ano ang gender dahil gusto niyang si Laurel na ang magsabi sa kaniya.

Mabilis ang kabog ng dibdib niya. Sumandal siya sa pader at huminga nang malalim. Inisip niya na sana ay maayos lang ang lagay ni Laurel.

It was already almost five in the morning, and Atlas was inside the room he chose. It was a private hospital but wasn't as fancy as the ones in Manila.

Wala naman silang problema roon ni Laurel dahil ang mahalaga, komportable sila sa doktor.

Pagpasok sa kwartong napili niya, mayroong privacy barrier bago ang kama. Mayroong comfort room at sofa na puwede niyang tulugan. Mayroon ding microwave na magagamit nila at aircon para hindi mainit.

Pinili ni Atlas ang pinakamagandang kwarto para sa mag-ina niya. Nakaharap siya sa bintana at nakitang pasilip na ang araw. Nakapamulsa siya at pilit na kinakalma ang sarili.

Nilalaro niya ang singsing habang naghihintay at habang wala pa si Laurel, naisipan niyang pumunta muna sa cafeteria para bumili ng kape. Naghanap din muna siya ng pagkain na puwede niyang bilhin para kay Laurel.

Nakasalubong rin niya ang doktora ni Laurel at sinabing dinala na sa kwarto ang asawa at anak niya. Muli siyang nagpasalamat sa pag-aalaga sa mag-ina niya.

Mabagal na naglakad si Atlas papunta sa kuwarto. Kinakabahan, excited, masaya? Hindi na rin niya alam. Halo-halo na.

Pagbukas ng pinto, kaagad niyang narinig ang boses ng asawa. Mahina itong nagha-hum . . . If by Bread pa ang kinakanta, isa sa mga kanta niya para kay Laurel.

If a face could launch a thousand ships,
Then where am I to go?
There's no one home but you,
You're all that's left me too.

Sumandal si Atlas sa lugar kung saan hindi siya makikita ng asawa. Bihira itong kumanta, lalo na't pareho silang sintunado, pero hindi niya alam na kapag bagong panganak pala, gumaganda ang boses.

Malamang na kapag narinig ng asawa niya ang sinabi, baka irapan siya nito.

And when my love for life is running dry,
You come and pour yourself on me.

Pumikit si Atlas habang pinakikinggan ang pag-hum ni Laurel. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil ito ang unang beses niyang makikita ang asawang may hawak na sanggol.

Oo, nakita niya sa picture kasama si LJ, pero iba ang sa personal.

Humugot ng malalim na paghinga si Atlas. Pinipigilan niya ang maluha. Nag-iinit ang gilid ng mga mata niya ngunit hindi hinayaang dumaloy ang luha.

Lumabas siya at nagtagpo ang tingin nilang dalawa. Kaagad na ngumiti si Laurel sa kaniya. Nakabagsak na ang mahabang buhok nito, malamlam ang mga matang galing sa pagod at iyak, hawak ang maliit na sanggol na mukhang natutulog.

"Hey, mahal." Ngumiti si Laurel sa kaniya. "Nakapagpahinga ka ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Atlas sa tanong ni Laurel dahil kung tutuusin, wala siyang ginawa kung hindi ang maghintay. Naalala niya ang sinabi ng doktora tungkol sa hirap ng asawa niya.

"Bakit ako ang tinatanong mo, ikaw ang naglabas ng bata riyan?" Ngumiti siya at ibinaba ang mga pinamili sa lamesang nasa gilid ng bintana bago lumapit sa asawa. "How are you feeling? Nahirapan ka ba?"

"Medyo. Mas nahirapan ako rito sa pangatlo kaysa kina Vaughn at Laureen," sagot nito. "You wanna carry our baby?"

Tumango si Atlas at inayos ang sarili. He sanitized himself and changed his clothes. He made sure that he was clean enough to carry the baby. His heart was pounding as he fixed himself.

Naupo muna siya sa tabi ni Laurel. Tiinitigan niya ang asawa. Malamlam na malamlam ang mga mata nitong nakatingin din sa kaniya. Halatang inaantok, pagod, at medyo namamanas pa ang mukha.

"Naiilang ako," ani Laurel habang nakatingin sa kaniya. "I feel sore and I know na medyo namamaga 'yung face ko."

Atlas smiled and shook his head. "I don't know what to say. I love you. So much."

Laurel frowned with a smile. "Mahal din kita. Kumpleto na tayo, mahal."

Napatitig si Atlas sa mukha ni Laurel nang suminghot ito at bumagsak ang luha sa magkabilang mata.

Hinawakan niya ang pisngi ng asawa, hinaplos iyon at hinalikan ito sa labi. Magkadikit ang noo nila, nakapikit siya dahil mahal na mahal niya si Laurel. Ni hindi niya makita ang sariling wala ito sa tabi niya. Laurel was the only woman he wanted to spend moments like this.

"It's a boy," bulong ni Laurel bago siya halikan sa tungki ng ilong. "Our baby boy."

Naramdaman ni Atlas ang pagbagsak ng pinipigilang luha sa pisngi. Hinalikan niya si Laurel sa labi bago bumaba ang tingin sa anak nilang buhat nito.

Bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa anak nilang humihikab. Napakaliit ng mukha nito at natatakot siyang buhatin, but his paternal instinct kicked in when Laurel gave their son to him.

Tinitigan ni Atlas ang mukha ng anak nila bago ibinalik ang tingin kay Laurel. Nakatingin ito sa kaniya. Lumuluha ngunit nakangiti.

Sa pagkakataong iyon, inisip ni Atlas kung ano ang naging lagay ni Laurel noong panahong mag-isa ito kay Vaughn at kay Laureen. At dahil sa naisip, yumuko siya para halikan ang noo ng anak sabay hikbi.

Hindi na ulit niya hahayaang mag-isa si Laurel sa kahit na ano, iyon ang nasa isip niya.

Mahinang humagulhol si Atlas habang isinasayaw nito ang anak nila. Narinig din niya ang paghikbi ni Laurel at hindi siya nagkamali nang magtama ang mga mata nila.

Laurel's eyes were pooling with tears. He walked toward his wife and kissed the top of her head. He sat on her side, and both were looking at the new member of their family.

Atlas chuckled when their baby yawned. Laurel rested her head on his shoulders and breathed as they adored their son.

"Hey, boy." Atlas kissed their son's cheek. "Hey, Aries Julien Alcaraz-Legaspi."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys