Chapter 69
Inaya si Atlas ng may-edad na babae na pumunta sa likod ng mansion dahil nandoon daw sina Vaughn at LJ. Naabutan niya ang dalawang naglalaro ng football.
Malawak ang lupain. Sinabi ni Manang Rosy, ang matandang helper sa mansion, na kung ano ang nakikita ni Atlas, iyon ang pag-aari ng mga magulang ni Laurel.
Biglang naalala ni Atlas ang mga panahong nagbibigay siya ng monetary gift kay Laurel. Halos manginig ang batok niya sa hiya dahil kung ano ang mayroon siya, walang-wala iyon sa lupaing nasa harapan niya.
Bukod pa sa mga pag-aaring nakuha ni Laurel sa ina, iba pa ang sa ama.
Mayroong pagkakataong gustong mag-search ni Atlas sa internet tungkol sa mga Upchiangco, Chen, at Alcaraz, pero pinipigilan niya ang sarili. The internet was full of lies and he wouldn't know nor differentiate the truth and lies.
Sumali siya kina Vaughn at LJ sa paglalaro. Nagtatakbuhan sila. Naglabas ng meryenda ang mga matatanda na tuwang-tuwa kay LJ dahil kamukha raw ito ni Laurel.
Ultimong pananalita ay Laurel na Laurel.
"It's funny that I've been here in Baesa multiple times," ani Vaughn bago sinipa ang bola papunta sa kaniya. "I know who the former governor was, but I didn't have the guts to say hello."
Ngumiti si Atlas at sinipa ang bola papunta kay Vaughn. "Then you'll finally meet the governor."
Tumigil siya sa pagtakbo, ganoon din si Vaughn nang makita nila si Laurel hawak ang kamay ng papa nito at nakangiting nag-uusap. Papalapit na rin ang mga ito sa kanila.
Sandaling tinitigan ni Atlas ang asawa. Nakangiti si Laurel at tumatawa pa nga habang mayroong itinuturo ang ama sa lugar. Hawak ng dalawa ang isa't isa at habang papalapit sa kanila, ngumiti si Laurel sa kaniya. Tumigil ang dalawa sa harapan niya.
"Papa, asawa ko po," pagpapakilala ni Laurel sa kaniya. "Julian Atlas Legaspi po."
Inilahad ng papa ni Laurel ang kamay sa kaniya at ngumiti. "It's good to see you again, Mr. Legaspi."
"Governor." Bahagyang yumukod si Atlas at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
"Former." Tumango-tango ang papa ni Laurel at pinisil ang kamay niya. Walang sinabing kahit na ano at ibinaling na ang atensyon kina LJ at Vaughn na nasa gilid nila.
Lumapit si Laurel sa kaniya at ipinalibot ang braso sa baywang niya habang pinanonood ang tatlo na magkuwentuhan. LJ was holding Ali's hand and Vaughn was talking about the whole place.
Atlas kissed the side of Laurel's forehead as they watched the three laugh and talk about something.
"So?" Atlas murmured. "What happened?"
"He agreed to live with us," sagot ni Laurel. "In one condition."
Nilingon ni Atlas ang asawa at hindi nagsalita.
"Once or twice or thrice a month, we'll be here. Gusto ni Papa na hindi pa rin mapapabayaan itong lugar and that . . . that he'll name the place after me," pagpapatuloy ni Laurel. "Agreed about being here, but I declined to be the owner of this place."
"Whatever's making you comfortable, mahal," aniya at inakbayan si Laurel.
Nag-prepare ng dinner ang mga helper sa bahay. Masayang nagkukuwento ang mga ito tungkol sa batang Laurel at lahat sila, natatawa lalo sa parteng naglagay ang mga ito ng kunwaring tindahan sa labas ng mansion at mayroong iba't ibang meryenda.
"Tapos naalala ko noon, maraming pumilang trabahador kasi nakita nila 'yung minatamis na saging! May karatula ng presyo tapos may apron pang suot si Laurel." Humalakhak ang matandang babae. "Nagbayad naman 'yung mga trabahador ng dalawang piso!"
Nilingon ni Atlas si Laurel na malapad na nakangiti. Yumuko ito at tumawa, sabay tingin sa kaniya. "Bakit? It was fun! Nakikita ko kasi 'yun sa labas ng munisipyo noon, may nagtitinda ng gano'n kaya ginaya ko."
"Ang naipong pera, ipambibili ulit niya ng ingredients. Kinabukasan naman, ginataang bilo-bilo ang pinaluto sa 'min. Limang piso naman 'yung bayad," natutuwang kuwento ng matanda. "Ang tagal din niyang ginawa 'yun hanggang sa nagpunta sila sa America para magbakasyon. Tapos hindi na naulit."
Marami pang kuwento ang mga matatanda habang nagdi-dinner sila. Kahit na ang mga kasambahay ay kasama nila sa iisang lamesa na nakikipagtawanan.
Sandaling ipinalibot ni Atlas ang tingin sa lahat ng taong nasa lamesa. Lahat ay mayroong kanya-kaniyang kuwento tungkol kay Laurel, sa mansion, at sa mga magulang ni Laurel.
Base rin sa kuwento ng pinakamatandang kasambahay, mababait ang mga magulang ni Laurel. Mapagbigay, matulungin, at walang hinihindian ngunit hindi maialis ang mga nagawang kasalanan.
Hawak ni Atlas ang wine glass habang nakatingin kay Vaughn. Masaya nitong ikinukuwento ang buhay sa England. Si LJ na nagkuwento naman tungkol sa Paris at Hawaii, at si Laurel na komportableng nakasandal habang nakikinig at nakikipagtawanan.
Mula sa ilalim ng lamesa, hinawakan ni Atlas ang kamay ni Laurel na kaagad siyang nilingon. Walang kahit na ano mang salita, they communicated through their eyes—they were happy.
Ibinalik ni Atlas ang tingin kay Ali bago siya yumuko nang makita kung gaano kaaliwalas ang mukha nito.
Ilang beses na silang nagkita nang personal ngunit palaging malamlam ang mga mata. Sa pagkakataong iyon, nakita niya ang saya.
Nagsabi si Laurel sa kasambahay na gusto nitong tumuloy sa dating kwarto nito. Hawak ni Atlas ang maleta sa kanang kamay, sa kaliwa naman ang kamay ni Laurel.
"Thank you, Ate Fe," sabi ni Laurel sa kasambahay na inayos ang comforter ng kwarto. "Magpahinga na po kayo. Gusto ko po sanang magpabili ng nilupak. Meron pa po ba rito?"
Masayang tumango si Fe. "Oo! 'Yung asawa ni Mario na nasa palayan, nagtitinda sa may palengke ng mga kakanin! Magpapabili ako bukas."
Panay ang pasalamat ni Laurel sa kasambahay na nagpaalam na sa kanila.
Nakita ni Atlas ang vinyl player sa gilid ng kama ni Laurel at ilang records na nasa gilid. Nakaayos ang lahat at nakaayos base letra. Inisa-isa niya iyon hanggang sa makita ang isang kantang pamilyar sa kaniya.
"Gumagana pa pala 'yan," ani Laurel na tumigil sa pagtanggal ng mga gamit nila sa maleta. "Regalo sa 'kin ni papa 'yan noong thirteenth birthday ko. Favorite ko nga noon pakinggan 'yung Michael Learns to Rock."
"What song?" Nagkunwari si Atlas na walang alam.
Laurel's brows furrowed, and she smiled. "Oh my gosh. The Actor was my favorite song." She shook her head. "Who knew I'll end up with an actor!"
Atlas smiled and walked toward Laurel. The song Till Death Do Us Part by White Lion played on the old vinyl. He held his wife's hand and wrapped his arm around her waist.
"Hindi tayo marunong sumayaw, hoy!" Tumingala si Laurel sa kaniya. "Welcome to my room."
He kissed the side of Laurel's head and smiled. No words, they swayed slowly, and Laurel rested her head on his shoulder.
Ramdam ni Atlas ang malaking tiyan ni Laurel. Maingat niya iyong hinaplos at dinama ang bunga nilang dalawa. Malapit nang lumabas at malapit na silang makumpleto.
Alam niyang nahihirapan si Laurel sa pagbubuntis, pero hindi masyadong sinasabi sa kaniya. Nalalaman lang niya sa gabi sa tuwing hindi na ito mapakali sa pagkakahiga at hindi mahanap ang tamang puwesto sa pagtulog.
Tahimik sila hanggang sa matapos ang kanta. Humiwalay si Laurel sa kaniya at ipinakita ang kwarto.
"Told you. It's pink." Laurel chuckled. "It was mama's favorite color. Naalala ko noon na halos lahat gamit ko, may pink. But when I started loving maroon or burgundy, unti-unti akong nagdagdag."
Malaki ang kwarto. Mayroong balcony na kita ang kabuuan ng hacienda. At sa obserbasyon ni Atlas, hindi nagalaw ang kwarto. Nalilinis, oo, pero luma ang mga gamit. Bukod sa unan at kama, halos lahat ng nasa paligid ay mukhang iniwan pa ni Laurel.
Tumingin siya kay Laurel nang mahina itong suminghot hawak ang isang notebook. Lumapit siya at nakita ang pangalan nito sa cover. Mayroong cut-out ng mga lipstick, letters galing sa magazine, mga fashion clothing, at kung ano-ano pa.
"Imagine, I was this girly." Nilingon siya ni Laurel na mayroong luha sa pisngi. "This was my diary."
Sa lamesa, mayroong isang kahon at laman niyon ang mga notebook na iba-iba ang design ng cover.
"These are my diaries." Huminga nang malalim si Laurel. "Noong bata pa ako, Mama taught me to write all my emotions in a diary. Kasi hindi naman ako lumalabas, I had no friends, and 'yung mga helper ang kasama ko."
Sumandal si Atlas sa lamesa at nag-cross arms habang nakikinig kay Laurel. Iniisa-isa nito ang pages ng notebook at mahinang umiiyak.
"Sabi ni Mama, kapag may gusto akong sabihin, pero hindi ko ma-share iba, isulat ko. I should write it down if something happened and I had no one to talk to. If I had lots of things inside my head and I wanna release everything, isulat ko." Laurel looked at him. "Mama taught me to write."
Atlas smiled. "So, she's the reason why you became a writer."
"Yeah." Laurel breathed. "I became the writer."
Atlas looked down and smiled. He didn't know why, but knowing this part of Laurel was wholesome and sad at the same time. He was happy that she became a writer and found a way to release her thoughts, but the reason behind it was heartbreaking.
"Sa tuwing masaya ako, sinusulat ko. Kapag malungkot ako, isusulat ko. Kapag masakit, isusulat ko. At kapag naramdaman kong in love ako, isusulat ko," pagpapatuloy ni Laurel.
Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Laurel sa kaniya. "Did you also write something about being in love with me?"
Laurel smirked and chuckled. She raised her shoulders and walked away. "We'll never know," she said.
Atlas shook his head and smiled. "By the way, ma'am, I saw your picture wearing an equestrian outfit."
Humarap sa kaniya si Laurel at naningkit ang mga mata. "Shit."
Atlas frowned. "No cursing. But . . . bakit hindi mo sinabi na used to own a horse? You used to ride a horse."
Laurel innocently looked at him. "Parang hindi mo naman alam."
He then processed Laurel's response and breathed. Hard. "Bad girl."
—
They stayed in Baesa for a week but had to leave as soon as they could because of Laurel's condition. Gustuhin man nilang mag-stay pa, hindi na puwede.
Habang pinanonood ni Atlas si Laurel na magpaaraw at maglakad sa dalampasigan kasama ang papa nito, natutuwa siyang kahit papaano, hindi pa huli ang lahat.
Susundin nila ang hiling ng papa ni Laurel na more than twice a month, sa Baesa sila mag-i-stay. Malaking adjustment sa kanilang lahat ang nangyari—lalo na kina Laurel at sa papa nito.
Sanay ang papa ni Laurel sa Baesa, sanay naman si Laurel na malayo sa papa nito, pero lahat sila ay nagkompromiso para sa bagong sitwasyon.
Mahigit isang buwan na rin simula nang makarating sila galing sa Baesa at nag-hire sila ng construction company para mapabilis ang pagpapa-renovate sa bahay nila dahil nagpadagdag sila ng floor at rooms.
Bukod sa kwarto ng papa ni Laurel, nagpadagdag sila para kay Vaughn, at para sa dadating na baby.
"Malapit na ring matapos," sabi ni Job na inabutan siya ng kape galing sa hotel. "Mabuti rin at mabilis silang magtrabaho."
"Oo, mabuti na lang at may kakilala si Jude na willing talagang madaliin. Medyo mahal dahil galing pa sa Manila 'yung ibang gamit, pero worth it naman," ani Atlas. "Malapit na rin kasing manganak si Laurel, e. Hindi na puwedeng easy-easy."
Naupo si Job sa isang reclined chair, ganoon din siya.
Pinanonood nila sina LJ at Jude na naglalaro ng badminton. Maaga pa kung tutuusin, pero sinasabayan nila si Laurel sa pagpapaaraw at paglalakad.
"Ang gaan sa pakiramdam na makitang ganiyan si Laurel." Sumimsim si Atlas habang nakatingin sa asawa niya. "Masayahin ang Laurel na nakilala nating lahat, pero iba 'to. Ibang-iba."
"Pinag-usapan nga namin ni Amira 'yan, e. Iba ang dating ng mukha ni Laurel ngayon. Siguro dahil sa pagbubuntis kaya may glow, pero iba."
Ngiti ang naging sagot ni Atlas. Totoo iyon.
Sa kasalukuyang pagbubuntis ni Laurel, siniguro ni Atlas na kasama siya. Sa pagluluto, sa pagbili ng mga kailangan, sa pagsama sa checkup, at sa kahit na ano pa dahil ayaw niyang maramdaman ulit ni Laurel ang pag-iisa.
Dalawang pagbubuntis nang mag-isa si Laurel at sa huli, gusto niyang iparanas sa asawa na hindi na ito mag-isa.
"May masakit pa ba?" Nakapuwesto si Atlas sa likuran ni Laurel at bahagyang binubuhat ang tiyan ng asawa. Napanood nila iyon sa internet na puwedeng tulungan ng ibang tao ang buntis para makaramdam ng relief. "We're almost there, mahal . . . almost." Hinalikan niya ang gilid ng noo nito.
Mula sa salamin, nakita niyang tumango si Laurel. Nakapikit ito habang nakasandal ang katawan sa kaniya. Araw-araw nilang ginagawa iyon simula nang maramdaman ni Laurel ang bigat.
Nang matapos ay maingat na humarap si Laurel sa kaniya. Mataman siya nitong tinitigan at tumingkayad para ipalibot ang dalawang braso sa leeg niya.
Maingat na hinawakan ni Atlas ang baywang ni Laurel. "Something wrong?" aniya nang maramdaman ang paghikbi ni Laurel.
"Wala, I'm just emotional," anito na inihiga pa ang ulo sa balikat niya. "Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, sobrang palad ko na dumating ka sa buhay ko? We're not the most ideal couple. We had our ups and downs, we're not low-key, and our names will forever be on the internet."
Tahimik si Atlas na nakatingin sa asawang umiiyak. Alam na rin niya iyon. Kahit pictures ni Laureen, hindi nila maiwasang makita sa internet. Kahit na ano ang gawin nila ni Laurel, nakakabit na sa pagkatao nila kung ano ang nakaraan.
"I never thought I'd have a family like this. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, hindi ko inasahang may tatanggap sa akin, pakakasalan pa ako." Tumingin sa kaniya si Laurel at hinaplos ang pisngi niya. "I still don't know what I did in life to deserve all of these, this family, you."
Atlas smiled and caressed Laurel's hair. Simula nang magbuntis ito, matindi ang pagiging emosyonal. Halos madalas inaalala ang nakaraan at iniisip pa nga ang mga kasalanan.
"May mga kailangan pa ba tayong bilhin para kay baby?" tanong ni Atlas. Naupo sila sa sofa na nasa loob ng kwarto nila at humarap sa TV para maghanap ng puwedeng palabas. "Anytime soon, you'll be in labor. Naayos ko naman na lahat ng bag na dadalhin natin sa ospital kung sakali man."
"So far naman, I think we're good. Kapag nakalabas na siya, saka na lang natin tingnan kung ano pa ba 'yung mga kulang," ani Laurel. "I know that you're worried and excited, mahal, but we're gonna be okay."
Naupo si Atlas sa tabi ni Laurel. Ipinatong niya ang paa nito sa legs niya at maingat na minasahe. "I was just . . ." He paused. "Yup. I'm really worried. May mga pagkakataong hindi na ako makatulog 'cos I was watching those who're in lab—"
"Stop watching!" Nagsalubong ang kilay ni Laurel. "Did you watch the whole thing, like how the vagina expands when giving birth?"
"Y-Yeah?" Atlas saw the shock on Laurel's face. "W-Why?"
Laurel frowned. "Dapat 'yung sa 'kin lang tinitingnan mo, e. Wala na. Nakakita ka na ng ibang vagina. Hindi na nakakatuwa. 'Wag kang manonood!"
Hindi alam ni Atlas kung ano ang ire-react sa sinabi ni Laurel. Binawi pa nito ang paa at maingat na tumagilid ng higa yakap ang unan. Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro at hindi niya kayang magtanong dahil baka lalong mainis.
"Galit ka talaga?" kinakabahang tanong ni Atlas kay Laurel. "Laurel?"
Tumingin sa kaniya si Laurel at natawa. "Parang sira. Hindi. Pero 'wag ka nang manonood. Masyado kang kabado."
Nakahinga nang malalim si Atlas sa sinabi ni Laurel. Nagpaalam na rin muna siya na lalabas at maiisip ng puwedeng maging lunch nila. Wala si Vaughn dahil mayroon itong kailangang asikasuhin sa Manila, si LJ naman ay nasa bahay nina Amira.
Paglabas niya, naabutan niya ang papa ni Laurel na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng puwedeng kainin.
"Tulog si Aly?" tanong nito. "Malapit na rin pala siyang manganak, ano?"
"Opo." Inabutan ni Atlas si Ali ng mamon na dala nina Job at Patrick. "Meryenda na po muna kayo. May gusto po ba kayong lunch?"
Umiling si Ali at huminga nang malalim. "Excited ka ba sa panganganak ni Laurel?"
"Sobra po." Naupo si Atlas sa pang-isahang sofa. "Kayo po ba noong pinapanganak ni Ma'am Rica si Laurel, kinabahan po ba kayo?"
Natawa si Ali at umiling. "Umpisang pagbubuntis pa lang, kabado na ako. Bukod kasi sa may-edad na si Rica noon, maselan ang naging pagbubuntis niya. Nagpunta kami sa US at naka-bed rest siya buong pagbubuntis. Paminsan-minsan akong umuuwi sa Pilipinas kasi Mayor na ako noon, e. Pero bumabalik kaagad ako sa kaniya."
Tahimik na nakikinig si Atlas.
"Ilang beses na muntik makunan si Rica noong nandito pa kami sa Pilipinas. Ilang beses kaming natakot dahil dinudugo siya, ilang beses . . ." Yumuko si Ali. "Hindi kita tinatakot, ha? Kinukuwento ko lang. Malapit na rin namang lumabas ang bunso, excited na rin ako."
"Ako rin po," ani Atlas. Bigla niyang naalala ang tanong na ilang beses nang sumasagi sa isip niya. "Noong nanganak po ba si Ma'am Rica, nasa loob po ba kayo ng delivery room?"
Tumango si Ali at nakita ni Atlas ang ngiti nito na para bang may inaalala. "Oo. Nasa tabi ako ni Rica. Magkasama kami. Pangarap namin 'yun, e."
Ayaw na sanang magtanong ni Atlas at gusto nang magpaalam nang muling magsalita ang papa ni Laurel.
"Anyway, I know you will be a great father to your kids and husband to my daughter." Ali smiled at Atlas. "At saka gusto ko rin san—"
"Atlas?"
Sabay na tumingin sina Ali at Atlas sa pinto kung nasaan si Laurel at nakahawak ito sa hamba ng pinto. Sapo ang tiyan at gumuhit ang sakit sa mga mata.
"Masakit siya," kalmadong sabi ni Laurel. "Masakit na masakit na."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top