Chapter 68
Nagkatinginan sina Atlas at Laurel habang nag-aayos ng almusal nang marinig ang conversation nina Vaughn at LJ. Parehong English ang ginagamit at paminsan-minsan na conyo pa ang kinalalabasan.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang makilala nila si Vaughn at hindi na rin ito umalis sa Baler. Sa bahay na nila tumutuloy at hinayaan na si Vin na umalis mag-isa.
Kita ni Atlas ang tuwa kay Laurel lalo na kapag nakikita nilang magkasama at nagkakasundo ang magkapatid.
"It's not like that," narinig nilang sabi ni Vaughn. "Your answer was wrong, plintet. Wait, let me show you. This is the . . ."
Tinuturuan ni Vaughn si LJ tungkol sa assignment nito sa isang subject. Patuloy itong nagpapaliwanag. Nakabihis na rin ng skirt at sando si LJ dahil papasok na ulit sa school.
Sina Atlas at Laurel ang nakatoka sa paghatid. Every other day rin ang usapan nila nina Jude at Amira dahil palagi nilang kasabay si Koa.
"I'll come with you ulit, ha?" Lumapit sa kanila si Vaughn at sumandal ito sa counter. "I remembered when I was young, I was just inside the private school, it was all boys pa, and it was so boring. LJ's school looks fun."
"Me nga, Kuya, nag-homeschool kasi nag-tour kami ni Mommy sa Europe, e. So, si Mommy lang ang naging teacher ko, but she's the best. After schooling, we'll eat something like that," sabat naman ni Laureen na nag-aayos na ng lamesa.
Natawa si Laurel at niloko pa si LJ na bolera, ganoon din si Atlas.
Tumulong sa pag-aayos si Vaughn sa kapatid. Ito ang nagsapatos kay LJ. "By the way, Mom, Dad already enrolled me at EU. It's a big university in Manila and I'll be staying there. From time to time if wala akong school, punta po ako here."
"Oo, or if nanganak na ako, we'll come visit you sa Metro." Ibinaba ni Laurel ang nilutong pancake. "One year ka pa sa senior high, 'no? Then you'll be college na. Ano'ng plan mong kuhanin?"
"I don't know yet, Mom," sagot ni Vaughn. "No plans yet and Dad's not pressuring me naman po. I'll just check na lang if ano'ng okay for me in the future. I still have a year."
Tumango si Laurel. "Yup, we'll support you naman whatever your decision will be."
Atlas and Laurel observed Vaughn. Ito na mismo ang nagpe-prepare ng pagkain ng kapatid. Nilagyan ng butter ang pancake, sumunod ang syrup, at hiniwa pa into bite size pieces habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga pinanonood nitong mga nakararaan.
Habang nasa sasakayan, hinahaplos ni Atlas ang tiyan ni Laurel habang naghihintay kay Vaughn na naghatid kina Koa at Laureen. He loved kissing Laurel's belly from time to time, but he liked kissing her lips more.
Mabuti na lang din at tinted ang sasakyan kaya hindi nakikita sa labas kung paano sila maghalikan.
"I miss having sex inside the car," ani Laurel habang hinahalikan niya ang leeg nito. "After this baby talaga, I'll have you here."
Mahinang natawa si Atlas. "I read that some pregnant ladies aren't into sex during pregnancy but you are different, mahal," aniya habang gumagapang kamay sa hita ni Laurel papasok sa loob ng dress. "You are insatiable as if you're not carrying another human being."
Hinawakan ni Laurel ang panga niya. "Well, I love making love to you, mahal."
"Me, too," ani Atlas at kaagad na inayos ang sarili nang makitang lumalabas ng school ni LJ si Vaughn. "Para lang natin siyang kapatid, mahal. Lalo kayong dalawa, para lang kayong magkapatid."
Natawa si Laurel at pareho lang nilang inobserbahan si Vaughn. Bumili muna ito ng bananaque na naging paborito dahil na rin sa tindi ng pag-flex ni LJ.
The swimmer body was visible on Vaughn. Malaki ang mga balikat nito at fit ang katawan. May pagkakataong maangas ang datingan ni Vaughn dahil kamukha nito si Vin, pero paminsan-minsan niyang nakikita si Laurel.
Noong unang beses niyang makilala si Vaughn, nasabi niyang hindi nito nakuha ang mga mata ni Laurel ngunit nakita niyang nagbago iyon nang tumagal. A part of Laurel showed on his eyes.
Malamlam, expressive, at mukhang palaging nakangiti. Isa sa pagkakapareho ng magkapatid.
"All good with plintet, Mom and Tito," ani Vaughn pagpasok sa kotse. "Are you planning to go somewhere or anything? If yes, you guys can drop me off at the resort."
"No, we'll stay at home lang." Nilingon ni Laurel si Vaughn. "Ikaw, may plano ka bang puntahan? Nag-i-invite kasi sina Tita Amira mo ng lunch kung gusto mo lang naman. Kung hindi ka comfortable, it's fine."
"It's okay, Mom, it's good to meet people," sagot ni Vaughn. "By the way, when po ikaw mag-aanak?"
Atlas pressed his lips hearing Vaugh. No wonder nagkasundo ito, si LJ, at si Koa.
"Almost eight months, so may two months pa naman ako. Pero medyo sumasakit na rin 'yung likod ko since I am not getting any younger, but all good."
"Okay." Ngumiti ito sa kaniya. "I just feel . . . excited."
"Same, V," sagot niya. "I'm actually hoping it's a boy para sina Laureen and Mom lang ang girls natin."
Napasinghap si Vaughn. "Yes! Same thinking, Tito! Then we could just teach him basketball or something. And plintet will be my only girl," dagdag nito.
Plintet meant princess for Vaughn at iyon ang tawag nito kay Laureen. At nabanggit sa kaniya ni Laurel na nainggit siya sa pagtawag ni Vaughn sa kapatid dahil hindi nito naramdaman iyon.
Napansin ni Atlas na biglang natahimik si Laurel. Nagkatinginan pa sila ni Vaughn mula sa rearview mirror kung bakit bigla na lang nagbago ang mood ni Laurel.
Pareho silang natahimik at pag-uwi sa bahay, bigla na lang umiyak si Laurel at hindi nila alam ang dahilan. Hindi na sila natuloy sa lunch dahil ayaw nitong sumama kaya naman dinala na lang ni Amira ang pagkain at inintindi ang sitwasyon.
Nakahiga si Laurel sa sofa habang nakasandal sina Atlas at Vaughn sa kusina dahil parehong walang ideya sa nangyayari. Magmula nang dumating sila, umiiyak ito kaya naman nakiusap na lang din si Atlas kay Amira na ito muna ang sumundo kina LJ.
"Mahal?" Atlas broke the silence and leaned toward his wife. He kissed her cheek. "Ano'ng nangyari? May masakit ba sa 'yo?"
Umiling si Laurel at pinunasan ang luha. "Wala, I was just emotional . . . parang bigla kong na-miss si Papa? I don't even know why I am feeling like this? Biglang gusto kong makasama ang papa ko, biglang . . . gusto kong makita si Papa."
Nagkatinginan sina Vaughn at Atlas.
Naglakad si Vaughn papalapit sa ina at hinalikan ito sa pisngi. "Mom, do you wanna see your papa?" tanong nito. "If yes, I think you should for peace of mind? Do you remember when I told you that I was longing for you? Sometimes I feel like crying because I want to see you."
Tahimik si Laurel na humihikbi at nakahawak sa malaking tiyan. Nakatayo lang si Atlas habang nakatingin sa asawa niya.
Ito na naman sila.
Another unexpected breakdown. Hindi rin nakatulong na emosyonal talaga si Laurel simula nang magbuntis. May mga pagkakataong may mga trigger.
Kahit pa sabihing nasa proseso sila o okay na si Laurel, dumadating ang mga pagkakataong may trigger. It would be a very long process for everyone.
Atlas smiled when Vaughn started comforting Laurel. May mga sinasabi itong nakapagpapagaan sa sitwasyon. Binigyan pa nito ng example si Laurel tungkol sa pagkikita, sa sariling naramdaman nang magkausap ang mga ito.
Nakikita niya kung paanong magsalita si Vaughn. Parang kahit na hindi ito lumaki kay Laurel, pareho ito ng paraan ng pananalita kung paano pagaanin ang loob ng isa. Hindi namimilit kundi nagbibigay ng possibility.
Nakita rin ni Atlas iyon kay LJ. Nakuha ng mga anak nito ang pagiging comfort sa ibang tao.
"Let me ask you, Mom," tanong ni Vaughn sa ina. "Did you miss me? Or if plintet would be away from you, would you miss her?"
"So much," sagot ni Laurel, walang patumpik-tumpik. "If I could hold you both and hug you tight, I would. A parent would never forget their kid no matter what."
Vaughn caressed his mom's hair, putting a smile on Atlas' face. "Exactly. I don't know how long na kayo hindi nagkita ng papa mo, Mommy, but . . . for sure he misses you, too. Now that you're longing for your papa, maybe . . . it's time for you to meet him finally?"
Imbes na sumagot, ipinikit ni Laurel ang mga mata at niyakap ang unan. Doon nila binigyan ng space si Laurel at hinayaan itong manood ng TV habang patagilid na nakahiga.
Maya-maya ay dumating si LJ at kaagad nitong nakita ang ina na umiiyak. Walang kahit na anong tanong, maingat itong lumuhod sa harapan ni Laurel.
"Mommy, are you okay? Why are you crying?" tanong ni LJ.
Kinuha naman ni Atlas ang gamit na ibinaba sa lamesa at hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak bago makalapit kay Laurel. Hinalikan nito ang ina at tinanong kung bakit. Niyakap naman ni Vaughn patagilid ang nakababatang kapatid habang nakasalampak sa sahig.
"Nothing." Laurel smiled. "I was just missing my papa."
Hindi sumagot si LJ ngunit nakatingin sa ina. Hinalikan ni Vaughn ang pisngi ng kapatid. "Hello, plintet. How's school? Did you enjoy your school?"
"Yes, Kuya. We have a lot of assignments, and you will help me since you're good at it," nakangiting sabi ni LJ na tumayo at kinuha ang bag.
Ngumiti si Vaughn at hinalikan ang ina sa noo. "Whatever your decision will be, Mom, we'll be here." Tumakbo ito papunta kay LJ na inilalabas na ang mga notebook at nagsimulang magpaturo sa kuya.
Huminga nang malalim si Atlas. Maingat na naupo si Laurel at tumabi siya. Inihilig naman nito ang ulo sa balikat niya at kaagad siyang niyakap. No words from him, ayaw niyang pangunahan ang desisyon ng asawa.
"May sasabihin ka rin ba, mahal?" Laurel asked.
Ngumiti siya at hinalikan si Laurel sa labi. "Kung ano'ng nararamdaman mo, sundin mo. Tama si Vaughn, we'll be here. If you miss him, maybe it's time for you to reconcile, mahal. He's not getting any younger. Your papa . . . loves you . . . so much."
"I know." Laurel sniffed. "Can we meet my papa?"
"Of course. Are you ready?"
Laurel nodded. "Yes, I wanna see my papa."
—
Hindi na pinatagal ni Atlas dahil dalawang araw matapos magdesisyon ni Laurel na makita ang ama, bumiyahe na sila papuntang Baesa. Kahit na mayroon siyang communication sa daddy ni Laurel, wala siyang sinabi.
He wanted to surprise the governor.
Atlas borrowed Amira's recreational vehicle with a bed for Laurel. Mayroong maliit na kwarto at komportableng upuan para kina Vaughn at LJ na mahimbing na natutulog.
Halos hindi na mapaghiwalay sina Vaughn at Laureen at iyon ang inaalala ni Laurel kapag kailangan nang bumalik ni Vaughn sa Manila para sa school.
Nakaupo naman siya sa kama at nakasandal sa headboard para magbasa ng ilang papeles tungkol sa businesses niya. Sinusuklay ng daliri niya ang buhok ni Laurel na nakahiga sa tabi niya.
Alam ni Atlas na taon ang binilang bago naisipang bumalik ni Laurel sa lugar na kinagisnan nito, ganoon din ag makita ang ama. Ang libing pa ng mommy nito ang huli.
Sampung oras ang layo ng Baesa sa Baler kaya mabuti rin at hindi normal na sasakyan ang gamit nila.
Nilingon ni Atlas si Laurel na nakatagilid sa kaniya. Nagtama ang tingin nila, pero wala itong sinabing kahit na ano. Atlas then respected his wife's space.
Nararamdaman niya ang kaba galing kay Laurel. Hindi maalis sa isip niya kung paanong humagulhol ang asawa dahil bigla nitong naalala ang ama. He did not expect that kind of reaction from his wife. His wife rarely talked about the past ever since, let alone mention her own father.
Atlas and Laurel did some talking, walang pilitan. Hinayaan niyang mag-decide si Laurel dahil gusto nito, hindi dahil pinilit niya. Mas gusto niyang sa pagkakataong iyon, maging suporta lang lalo na at wala siyang alam sa nakaraan.
Hinawakan niya ang kamay ni Laurel at nilaro ang wedding ring nito. Dumako rin ang tingin niya sa tiyan ng asawa. They even had to confirm from the doctor kung puwede bang mag-travel si Laurel.
Ilang linggo na lang, lalabas na ang bunso nila.
Sa buong pagbubuntis ng asawa, ginawa niya ang lahat ng kaya niya. Inalagaan niya ito at hindi hinayaang mag-isa lalo na at noong panahong ipinagbubuntis nito ang dalawang naunang anak, mag-isa lang si Laurel.
Ayaw ni Atlas na sa muling pagbubuntis ni Laurel, maranasan ulit nitong mag-isa.
Ipinagpapasalamat niyang full support si Vaughn sa ina. Ito pa minsan ang nagdadala ng mga pagkain galing Manila. In short, spoiled ang asawa niya sa panganay nitong anak.
Hindi na niya magawang matulog kaya naman buong biyahe siyang gising hanggang sa makarating sila sa Baesa. Nakita niya ang arko. Maganda ang lugar, malawak ang lupain, at kulay berde ang paligid.
Tumingin si Atlas kay Laurel na maingat na bumangon at nag-angat ng tingin. Ipinalibot nito ang mata sa kapaligiran ang simpleng ngumiti. "I grew up here, this place gave me so much pain that I can't even walk around without those judgmental eyes looking at me."
Hinalikan niya ang gilid ng noo ng asawa. "Are you ready to see your papa?"
"I am." Laurel gave him a sweet smile. "It's time, mahal, for me to finally let go of all the pain." Lumingon ito at nakitang natutulog pa rin ang mga anak. "Vaughn's already here . . . you, Laureen, and this baby. Si Papa na lang ang kulang sa akin."
"I love you," Atlas whispered and kissed his wife's cheek. "Whatever your decision will be about this matter, it's all you. Nandito lang kaming tatlo para samahan ka. Ikaw pa rin ang magdedesisyon."
Ibinalik ni Laurel ang tingin sa paligid at tahimik lang na nakatingin si Atlas sa asawa niya. Ipinagsaklop ni Atlas ang kamay nila ng asawa. Wala siyang sinabing kahit ano, hinayaan niyang umiyak si Laurel. As long as hindi affected ang ipinagbubutis ng asawa, hahayaan niya ito.
"Kung puwede lang na hindi ko na balikan ang lugar na 'to, ginawa ko na." Pinunasan ni Laurel ang luhang tumulo sa pisngi. "For Papa, I would."
Binaybay nila ang lugar hanggang sa huminto sila sa isang gate na itinuro ni Laurel. Mula sa gate, medyo malayo pa ang lalakbayin at maraming puno sa paligid. Huminto ang van at may guwardiyang lumapit sa kanila. Nang makita ng mga ito si Laurel, bahagya itong yumuko at binuksan ang malaking gate.
May ilang kabayo sa lugar. Hacienda iyon, hindi basta mansyon.
Huminto sila sa harapan ng bahay na medyo makaluma na ang disenyo. Maayos pa iyon, maintained, at malinis ang lugar. May dalawang babaeng naghihintay sa kanila kaya naman nang makababa si Laurel, kaagad na ngumiti ang mga ito.
"'Nay, hindi ko alam na nandito ka pa rin." Niyakap ni Laurel ang isang matanda. Nanatili si Atlas sa likod ng asawa.
"Ikaw lang naman ang umalis, Alyssa," sagot ng may-edad ng babae. "Ang ganda-ganda mong buntis! Parang hindi ka tumatanda! 'Yung itsura mo n'ong araw na umalis ka para sa kolehiyo, parang ganoon pa rin. At ang nakakagulat, hindi ako makapaniwalang nandito ka."
"Si Papa po?"
Ngumiti ang matanda. "Nasa greenhouse ng mama mo," sagot nito. "Puntahan mo na lang siya roon, alam mo naman 'yun, tuwing umaga, roon tumatambay. Kami na ang bahala sa mga gamit ninyo."
"May mga kasama po pala ako, pero asawa ko na ho ang magpapakilala sa kanila. Nakilala n'yo naman na po si Laureen," anito at tumingin sa kaniya. "Mahal, puntahan ko lang si Papa, ha? Kayo na ang bahala nina Vaughn."
Tumango siya at hinalikan si Laurel sa pisngi.
Iniwan sila ni Laurel kasama ang matandang helper at naiwan sa kanila ang isa pa. Pinapasok sila at sinabing mayroong kukuha ng gamit nila sa sasakyan para dalhin sa kwarto.
Ipinakilala ni Atlas sina LJ at Vaughn sa mga helper ng bahay na tuwang-tuwang nakipagkuwentuhan. Sinabi pa ng mga ito na kamukhang-kamukha ni LJ si Laurel noong bata pa ito. Kaibahan lang, kulot si LJ.
Pagpasok sa loob ng bahay, ipinalibot ni Atlas ang tingin sa mansion. Mula sa pinto, mayroong hagdanan sa kanang bahagi papunta sa second floor. Mayroong malaking chandelier sa gitna, mayroong bulaklak, at mga babasaging display tulad ng mga mamahaling vase.
Mayroong mga painting sa pader ngunit dumako ang tingin ni Atlas sa malaking picture na nasa gitna ng sala. It was a family picture.
Laurel was widely smiling while sitting on a red sofa with her mom. Naka-brace pa si Laurel at mayroong headband. Ayos na ayos ang buhok nito, malayo sa kilala niyang halos hindi gumagamit ng suklay at hinahayaang nakabagsak ang buhok sa mukha.
Tinitigan ni Atlas ang mama ni Laurel. Hindi nga niya ito kamukha at si Roha ang nakikita niya. The woman had fierce, upturned Asian eyes, unlike Laurel and Ali with downturned, droopy, and expressive eyes.
But he noticed that Laurel got her mom's smile.
"Na-miss namin 'yang batang 'yan," sabi ng may-edad na bumalik mula sa greenhouse. "Noong umalis siya rito, nalungkot ang buong bahay. Nalungkot ang mag-asawa. Nawalan ng buhay ang mansion."
Nilingon niya ang matanda. "Masayahin po ba si Laurel noong bata pa siya?"
"Maingay ang bahay dahil kay Laurel. Kalaro niya lahat ng katulong dito sa mansion. Lahat ng trabahador dito sa hacienda, paborito niya. Kapag nagpapameryenda ang mga katulong, gusto niyang kasali siya sa pagbibigay ng pagkain. Minsan, siya pa ang nagsasandok." Natawa ito. "Hanggang sa naging teenager na siya. Unti-unting nawala 'yun. Halos lahat kami, nanibago."
Tahimik si Atlas na nakikinig sa matanda.
"Hanggang sa hindi na siya bumalik dito." Kita ni Atlas ang pait sa ngiti ng matanda habang nagkukuwento. "Bumalik siya rito noong namatay na si Ma'am Rica at ang sakit-sakit sa 'ming lahat 'yun. Alam mo bang merong kabayo si Laurel dito?"
Ngumiti si Atlas para kahit papaano ay gumaan. "Talaga po?"
Tumango ang matanda. "Regalo sa kaniya 'yun noong sixteenth birthday niya. Mahal na mahal niya si Cherry at noong aalis na siya papunta sa Manila, hanap nang hanap sa kaniya ang parents niya. 'Yun pala, nakatulog sa stable ni Cherry."
"T-Tapos po?"
"Tapos hindi na bumalik si Laurel dito." Tumulo ang luha ng matanda. "Naging matamlay si Cherry, pero nabuhay naman siya. Inalagaan siya at noong mamatay ang mama ni Laurel, nagkita ulit sila ni Cherry. Nagulat nga si Laurel na buhay pa si Cherry, e."
Namangha si Atlas nang malamang buhay pa iyon.
"Nagkita sila, pero kinagabihan pagkatapos ilibing ni Ma'am Rica, nagulat kaming lahat na naghingalo si Cherry," pagpapatuloy ng matanda. "Noong gabing 'yun, tinabihan ni Laurel si Cherry hanggang sa mamatay na. Sabi nga namin, hinintay lang siya, e."
Hindi nakapagsalita si Atlas. Sinundan niya ng tingin ang matanda na dumiretso sa harapan ng malaking family picture. Binuksan nito ang vinyl player at tumugtog doon ang isang kanta.
Lumang kanta iyon.
Inilabas din nito ang isang photo album at kinuha roon ang isang picture. "'Yan ang unang picture ni Laurel kasama si Cherry." Inabot nito sa kaniya ang picture. "Isa pa, paboritong kanta 'yan ni Laurel noong kabataan niya. Palagi niyang kinakanta."
The song was The Actor by Michael Learns to Rock.
Nakatingin si Atlas sa picture. Laurel was wearing a white equestrian clothing. May suot pa itong helmet, naka-tall boots, at nakahawak sa kulay puting kabayo.
"Ang ganda ni Laurel," ani Atlas habang nakatingin sa picture.
Ngumiti ang may-edad na matanda. "Sinabi mo pa."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top