Chapter 67
It was just a day, and a lot happened.
Laurel met her son, Atlas, being able to play consoles with Vaughn, and Vaughn finally meeting LJ.
Excited sina Laurel at Atlas. Pareho silang walang idea kung paano ang magiging tagpo, pero bahala na. They would explain everything for LJ to understand what was happening.
"I'm nervous," ani Vaughn. "Will she accept me?"
Nagkatinginan sina Atlas at Laurel. Pareho silang ngumiti.
"As far as I know, LJ is as understanding as you." Tiningnan ni Atlas si Vaughn mula sa rearview mirror. "She'd be thrilled, I'm sure."
Sumang-ayon si Laurel at nag-aya na itong bumaba sa sasakyan papunta sa naka-bike na nagtitinda sa harapan ng school nina LJ at Koa. Nakasunod lang sila ni Vaughn sa likuran ni Laurel na nagsimulang mag-order.
Tinanong pa niya kung maselan ba sa pagkain si Vaughn, pero hindi naman daw kaya halos lahat ay binili nila para matikman nito. Naupo sila sa waiting area na nasa labas kasama ang iba pang parent.
Noong unang beses, marami ang nagulat na nandoon si Atlas hanggang sa nasanay na lang dahil araw-araw namang siya ang sumusundo sa mga bata.
Pinanonood ni Atlas sina Laurel at Vaughn. Itinuturo ni Laurel kung ano ang pagkaing tinitikman at iniisa-isa pa nga ang posibleng ingredient na ikinangiti ni Atlas.
His wife was smiling, but he knew better. The longingness was visible, and he was so happy that Laurel could finally hear Vaughn's voice.
Sa tuwing nagtatawanan ang mag-ina, nakikita ni Atlas ang saya.
Nang tuluyang buksan ni Laurel ang sarili sa kaniya, nakita niya ang pagiging transparent nito. Nakikita niya kapag sobrang saya, kapag malungkot, kapag may dinaramdam, o kaya kapag may gusto itong sabihin.
Laurel became open, and it was one of the best things ever.
Parang magkapatid lang sina Laurel at Vaughn. Mukha pa rin naman kasing bata si Laurel. His wife was in her mid thirties and didn't even look thirty.
Dumako ang tingin ni Atlas sa tiyan ni Laurel. Sandali na lang ay lalabas na rin ang bunso nila. Napag-usapan nilang huling pagbubuntis na iyon dahil ayaw na rin niyang mahirapan ang asawa niya. Hindi na rin naman ito bumabata.
Tumunog ang bell at sabay-sabay nilang nilingon ang gate. Nasa gilid lang sila ng kalsada at sa hindi kalayuan, naka-park ang sasakyan nila.
Vaughn was seventeen, almost eighteen. Makisig ang katawan nito at may angas ang datingan. Hindi nito nakuha ang malamlam na mga mata ni Laurel. May mga babaeng nakatingin sa binata at hindi na nagulat si Atlas.
Bumukas ang gate at kaagad nilang nakita sina LJ at Koa na nagkukuwentuhan. Naglabas pa ng barya ang mga ito at mukhang bibili ng bananque dahil ganoon ang naging routine.
"She's so big already," bulong ni Vaughn at tumingin sa kaniya. "Tito, she's really big na."
Ngumiti si Atlas at tumango. "She really is."
Si Laurel ang sumalubong kina LJ at Koa. Nag-usap na rin silang dalawa na si Laurel ang magpapakilala at siya lang ang backup kung sakali mang magtanong pa ito. Tinawag niya si Koa para bigyan ng privacy ang mag-ina niyang nag-uusap bago tumingin sa kanila si LJ.
LJ's brows furrowed while looking at Vaughn. Atlas was confident that their daughter would understand, and before he could even react, LJ ran toward them and smiled, but tears were pooling in his daughter's eyes.
Nilingon ni Atlas si Vaughn na nakatingin kay LJ. Tumingin siya kay Laurel na nakatayong medyo malayo sa kanila hawak ang bananaque. Hindi alam ni Atlas kung matatawa ba siya o ano.
"Hello." LJ waved at Vaughn. "Mommy said you're my kuya an—"
Hindi na natapos ni LJ ang sasabihin nang bigla na lang lumebel si Vaughn para yakapin ito nang mahigpit na mahigpit.
Nasa gilid ng dalawa si Atlas at pinanonood ang dalawa. Walang kahit na anong salita at naalala niya ang ginawa ni LJ sa kaniya noong unang beses silang magkita.
LJ immediately encircled her arms around Vaughn's neck.
Sa pagkakataong iyon, iniwan ni Atlas ang dalawa at nilapitan si Laurel na seryosong nakatingin sa mga anak. Nakahawak naman ang kamay ni Koa kay Laurel.
Walang idea si Atlas kung paano na-explain ni Laurel kay LJ ang lahat, but knowing their daughter, she would easily grasp and understand. Sa bahay na lang din nila ito kauusapin nang masinsinan.
"Saan mo gustong kumain ng dinner?" Hinalikan ni Atlas ang gilid ng noo ni Laurel. "Gusto mo bang magluto ako?"
Umiling si Laurel at tumingin sa kaniya. "What if sa restaurant ng resort na lang tayo kumain para hindi ka na rin magluto?"
"Sige lang," sagot ni Atlas. "I'll call Jude to reserve one VIP area. Tingin mo?"
Tumango si Laurel at lumapit sila sa magkapatid na nag-uusap. Tulad ng inaasahan, English speaking ang mga ito. Sumabay pa si Koa na ipinakilala ni LJ at sa loob ng sasakyan, nagkakatinginan na lang silang mag-asawa dahil sa mga pinag-uusapang laro sa console.
Koa even offered to let Vaughn borrow some of his games while in Baler.
Habang binabaybay ang daan pauwi, pasimpleng nilingon ni Atlas si Laurel na diretsong nakatingin sa daan. May munting ngiti ito sa labi at kakaiba ang kislap sa mga mata habang hinahaplos ang tiyan.
Atlas couldn't help but feel happy for his wife. He knew he could make Laurel happy. LJ and the baby inside made her happier, but Vaughn held an important role in making Laurel the happiest.
He sighed in relief that finally, everything was in place, except for one—Laurel's relationship with her father.
Ayaw makialam ni Atlas sa parteng iyon at hihintayin niya si Laurel. Darating ang araw na iyon at nasa tabi siya. Iyon ang sigurado.
Nang makarating sa resort, sinabihan nila ni Laurel si Vaughn tungkol a dinner. Maaga pa naman kaya uuwi na muna sila at babalik na lang sa resort. Sinabi naman ni Vaughn na sasaglit lang sa kwarto, pero babalik sa kanila. Malamang na makikipaglaro ito sa kapatid.
"Mom, Tito." Vaughn paused. "S-Should I tell Dad?"
Nilingon ni Atlas si Laurel. "Are you comfortable if we invite him for dinner, too?" tanong niya.
"Sige." Tumango si Laurel at hinawakan ang kamay niya bago nilingon si Vaughn. "Tell your dad na we're here at Baler and that we're inviting him for dinner."
Vaughn smiled and nodded. "Thanks, Mom and Tito."
Habang naglalakad, naramdaman ni Atlas ang pagpisil ni Laurel sa kamay niya. Magkahawak-kamay silang papauwi sa tahanan nila.
"Sure ka bang okay lang na kasama natin si Vin?" tanong ni Laurel sa kaniya. "Gusto rin kitang ipakilala sa kaniya kung sakali."
"Oo naman, walang problema." Nginitian ni Atlas si Laurel. "I know you're overthinking."
Laurel subtly nodded.
"I trust your love." Atlas pinched Laurel's nose. "Isa pa, tanggap ko naman na kahit ano'ng mangyari, you're connected to Vin. He's part of your past and you guys share a son. Walang kaso sa 'kin. I'd like to meet him, too."
Laurel pouted and wrapped her arm around his waist as they walked to their home. Nakatingin sila kay LJ na naglalakad na nasa harapan nila at panay ang tanong kay Laurel tungkol sa kuya nito.
Kaagad na naupo si Laurel sa sofa pagpasok sa bahay at tumabi si Atlas. Hinawakan niya ang kamay ng asawa niya habang nakatingin kay LJ na inaayos ang gamit nito bago pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Nagpaalam itong pupunta sa resort.
"Wait," pagpipigil ni Laurel kay LJ. "How are you na, Laureen?"
Lumapit si LJ sa kanila na naupo sa gitna nila at inihilig ang ulo sa braso ni Laurel. "Mommy, why didn't you tell me about Kuya?"
Hinalikan na muna ni Laurel ang tuktok ng ulo ng anak nila. Naghintay si Atlas ng sagot. "It's a little complicated but slowly, we'll let you know, okay? You're still a little young to understand what happened. Is that okay?"
Mabagal na tumango si LJ.
"I know you can understand," sabat ni Atlas. "But you're still our baby! Slowly, we'll explain, okay? For now, enjoy with Kuya Vaughn. 'Wag kayong masyadong makulit ni Koa, okay?"
LJ giggled and kissed them both before leaving.
Muli silang naiwan ni Laurel. Sandaling natahimik ang bahay at ngumiti si Atlas nang ihilig nito ang ulo sa balikat niya habang nilalaro ang wedding ring niya. Walang kahit na ano mang salita.
It must have been overwhelming for Laurel, and he wasn't wrong when he heard a subtle snore.
Atlas fixed the sofa and let Laurel sleep. He kissed his wife's cheek.
"I love you," he whispered.
—
Atlas wore a simple, dark blue polo shirt and Laurel was wearing a white maternity dress with floral prints. Kagigising lang nila at kung hindi pa sila tinawag ni LJ, malamang na hindi sila makasisipot sa dinner.
Pagdating sa restaurant, nag-order na si Atlas ng dinner nila. Hinayaan din niya sina LJ at Laurel na kumuha pa ng dessert.
"I still wonder kung ano'ng gender ni baby," ani Laurel at hinawakan ang tiyan. "I'm actually hoping it's a boy."
Ngumiti si Atlas dahil kahit na ano namang gender, okay lang sa kaniya. Naayos na rin nila ang isa pang kwarto sa bahay nila para sa darating na baby. Neutral colors na lang ang inilagay nila para hindi sila mahirapan.
Atlas caressed Laurel's belly. They were both excited about the little one's arrival.
Sabay na tumingin sina Laurel at Atlas nang bumukas ang pinto ng VIP room kung nasaan sila. Tumayo naman kaagad si LJ para salubungin si Vaughn na kaagad na binuhat ang kapatid.
Kasunod ni Vaughn ay pumasok ang isang lalaki at kamukhang-kamukha ito ni Vaughn. Sa tindig, sa mukha, si Vaughn kaagad ang nakita niya.
Tumayo silang dalawa ni Laurel. Hawak ni Laurel ang kamay niya.
"Hoy, De Los Santos!" ani Laurel na ikinagulat ni Atlas. Hindi iyon ang inaasahan niyang pagbati ni Laurel sa dating kasintahan. "Long time no see!"
Umiling ito habang nakatingin sa kanila at naglakad papalapit. Inilahad nito ang kamay sa kaniya. "It's nice to finally meet you and thank you, Mr. Legaspi, for inviting me to dinner."
"Nice to meet you, too, Mr. De Los Santos." Tinanggap ni Atlas ang pakikipagkamay nito. "It's good na nandito rin kayo. We're finally meeting each other. Atlas na lang. Ang formal."
"Vin." Tumango si Vin sa kaniya at nilingon si Laurel. Bumaba ang tingin nito sa tiyan ng asawa niya. "Ang laki na, ha? Nagulat ako n'ong sinabi ni Vaughn na rito na kayo nakatira."
Nabanggit din sa kanila ni Vaughn na nauna itong dumating sa Baler. Kung tutuusin, tatlong araw na ito sa probinsya bago sila nakita. Kararating naman ni Vin kahapon.
Vin was as tall as Atlas. Tulad ni Vaughn, may angas ang postura at tindig nito. Seryoso ang dating at professional makipag-usap. Nakikipagtawanan lalo na kapag nagkukuwento si LJ tungkol sa Baler.
The meeting wasn't awkward. Iba ang inasahan ni Atlas. Inakala niyang maiilang siya kapag kaharap na ito ngunit hindi dahil marunong itong makipag-usap nang maayos.
Naupo sila at nagsimulang kumain. Nagpatuloy sila sa kuwentuhan. May sariling mundo sina Vaughn at LJ, pinag-uusapan naman nila ni Laurel kasama ni Vin ang real estate nila.
The De Los Santos' were also known in politics and real estate but they focused on the construction businesses.
Everything was casual and the dinner went well. Nagpaalam si Vaughn kung puwede ba itong matulog sa bahay nila dahil may usapan ang magkapatid na manonood ng movie. Excited si Laurel na sinabing magluluto ng popcorn, nag-offer naman si Atlas na magluluto ng french fries para sa magkapatid.
Hawak-kamay silang lumabas ng VIP room at habang nasa lobby, pinisil ni Laurel ang kamay niya. Ngumiti ito sa kaniya.
"What is it?" tanong ni Atlas. He knew Laurel wanted to say something.
Humugot ng malalim na hininga si Laurel. "C-Can I talk to Vin? Kung hindi ka komportable, it's gonna be okay. Just be honest with me. If you wan—"
Atlas smiled at Laurel. "Go ahead, mahal. You guys need to talk. Basta uuwi ka sa 'kin, ha?"
Mahinang sinuntok ni Laurel ang tagiliran niya at ngumuso. "Malamang! Parang ano naman si Atlas."
Natawa siya at hinalikan ang pisngi ng asawa niya bago ito humiwalay sa kaniya para lapitan si Vin.
Habang nag-uusap ang dalawa, nakatingin lang si Atlas. Ilang beses niyang inisip kung mayroon ba siyang selos na nararamdaman, pero wala. Looking at Laurel, he knew he trusted his wife so much to feel comfortable seeing her talk to her ex.
Laurel herself was already an assurance. The love they had already answered his questions and doubts.
Sabay-sabay silang nagpunta sa bahay nila. Masaya namang nakikipagkuwentuhan si Vin sa kanila. Nagpaalam na rin si Atlas kina Laurel at Vin na naiwan sa tapat ng balcony.
Pumasok si Vaughn, ganoon din si LJ. Nagbukas ng TV ang mga ito, si Atlas naman ay nagluto ng french fries at popcorn.
"Tito?"
Nilingon ni Atlas si Vaughn. "Uy, you need something?"
"I . . . I just want to ask if you're really okay that Mom and Dad are talking? Aren't you mad that he ate dinner with us?" Vaughn worriedly asked. "I don't want you to feel uncomfortable. My dad respects your marriage, I'm sure."
Natawa si Atlas at umiling. "You don't have to worry about me. No issues at all. It's a good thing they'll talk after so many years. They weren't a stranger after all. Besides, I trust your mom."
Vaughn subtly nodded and breathed.
Nagtimpla na rin ng gatas si Atlas para kay Laurel. Iniwan niya iyon sa lamesa para inumin pagpasok.
Nang matapos magluto, lumabas siya at naabutang naghaharutan ang magkapatid na nakahiga sa sofa. Ginawang unan ni LJ ang braso ni Vaughn habang nanonood ng movie. Ibinaba niya ang popcorn at french fries bago pumasok sa kwarto.
Nahiga si Atlas at sandaling tinitigan ang kisame. Magaan ang pakiramdam niya. Wala siyang kabang nararamdaman patungkol sa pag-uusap nina Laurel at Vin, walang selos, at iniisip niya na makagagaan para sa lahat ang pag-uusap ng dalawa.
Hindi namalayan ni Atlas na nakatulog siya nang maramdamang sumiksik sa kaniya si Laurel. Naamoy niya ang buhok nito at awtomatikong hinaplos iyon.
"Naubos mo ba 'yung milk mo?" tanong niya.
Tumango si Laurel. Kinumutan niya ang asawa at ipinatong niya ang kamay sa malaking tiyan nito. He didn't dare ask about the conversation. Instead, he hugged his wife from behind.
"Mahal kita." Humarap si Laurel sa kaniya. "Gusto ko ng pancake bukas, luto tayo? Gisingin mo ako? Luto tayong dalawa for the kids?"
Atlas smiled and kissed Laurel's temple. "Sige. May ingredients naman tayo. Go to sleep. Hindi na ulit puwedeng magpupuyat ka."
"Mahal, gising ka pa?" bulong ni Laurel.
Dumilat si Atlas at sinalubong ang tingin nito sa kaniya. "Yeah. Bakit?"
"Thank you for understanding the current situation," ani Laurel at hinaplos ang pisngi niya. "Kapag may hindi ka gusto, let me know. I want to know. If it's becoming overwhelming, please, tell me."
Atlas chuckled and pinched Laurel's nose. "You're overthinking. Una sa lahat, I trust you. Pangalawa, alam kong mahal mo ako. Pangatlo, the talk was needed for you guys to know what could happen. Pang-apat, kung sakali mang may mali, alam kong sasabihin mo sa 'kin."
"Y-You trust me that much?"
Tumango si Atlas at pinunasan ang luhang bumagsak sa mata ni Laurel. "Yes. Now, go to sleep. We can talk about it tomorrow, okay?" aniya at hinalikan ang noo ng asawa. "Mahal kita, Laurel."
Humigpit ang yakap sa kaniya ni Laurel at isinubsob ang mukha sa leeg niya. "Mahal kita, Julian."
. . . and that put a smile on Atlas.
—
Maagang nagising si Atlas para tingnan kung kumpleto na ba ang ingredients ng pancake. Naisip din niyang magpunta sa resort na mayroong mini grocery para bumili ng bacon.
Habang papalabas, nakita niya ang pamilyar na lalaking lumabas mula sa elevator lobby. Nagsalubong ang tingin nila at kaagad na tumango si Atlas.
"Good morning," bati niya.
Lumapit si Vin sa kaniya. "Good morning. Si Vaughn, tulog pa ba?"
Tumango si Atlas. "Oo, nakatulog sila ni LJ sa sofa. Gusto mong magkape? Nag-brew ako kanina sa bahay bago pumunta rito."
Tumingin si Vin sa hawak niya at tumango ito bilang pagtanggap sa imbitasyon niyang magkape. It was just six in the morning and Atlas already had the routine of waking up early.
Minsan nagwo-workout siya o tumatakbo sa dalampasigan, minsan nagsi-swimming, pero mas madalas na nagluluto ng almusal kasama ang mag-ina niya.
Iniwan ni Atlas si Vin sa balcony ng bahay nila para makagawa siya ng kape. Sandali muna niyang sinilip si Laurel na mahimbing pang natutulog yakap ang unan na iniregalo ni Amira galing pa sa ibang bansa.
Sa sofa, tulog na tulog pa rin ang magkapatid. Nakataas pa ang kamay ng dalawa na ikinangiti ni Atlas.
Paglabas ni Atlas, naabutan niya si Vin na nasa dalampasigan at nakapamulsang nakatingin sa kawalan. Huminga siyang nang malalim hawak ang dalawang kapehan para sa kanilang dalawa.
"Here." Inabot niya kay Vin ang kape. "Hindi masyadong malakas ang alon ngayon. Usually, sa ganitong oras, nagsi-swimming din kami."
"This place is peaceful," sabi ni Vin at patagilid siyang nilingon. "Gusto kong mag-thank you sa pagtanggap mo kay Vaughn. He told me what happened, how you invited him for lunch, how you both played consoles. Thank you."
Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Vin. "Wala namang dapat ipagpasalamat. I knew about Vaughn since Laurel told me about him. Bago kami ikasal, sinabi niya lahat sa 'kin at masaya ako na nagkita na sila."
"I wanna be honest with you." Seryoso ang pagkakasabi ni Vin.
Hindi alam ni Atlas kung ano ang mararamdaman. Nanatili siyang tahimik na hinintay ang sasabihin ni Vin.
"I looked for her. After college, I looked for her." Ibinalik ni Vin ang tingin sa karagatan. "I failed to protect and fight for her, but I tried. I tried looking for Aly. Actually, nakita ko lang siya sa news report. With you."
Atlas remained quietly listening.
Umiling si Vin at ngumiting tumingin sa kaniya. "To be honest, nagulat ako. Aly loves her privacy so much, and being with you was the last thing I thought would happen. No offense meant, but you're an actor."
Tumaas ang dalawang balikat ni Atlas. "Wala, e," aniya sa mahinahong boses bago sumimsim ng kape.
Nagkatinginan sila ni Vin at pareho silang natawa sa sagot niya.
Pareho silang nakaharap sa dalampasigan. Tahimik, payapa, at kalmado, tulad nilang dalawa.
"Laurel didn't deserve what you did to her." Binasag ni Atlas ang katahimikan. "You're an accessory to all the doubts and fears, and it was so hard to break her walls . . . because of you."
"I know." Vin looked down. "I had eighteen years of guilt, pain, and cowardness, and the closure last night between Laurel and me wasn't going to fix all of it, but seeing how Aly ge—" he paused. "Laurel. Sorry. You might get uncomfy if I continue calling her Aly."
Natawa si Atlas. "It's okay. I like calling her Laurel or ma'am or mahal."
Vin nodded. "Seeing how Aly genuinely smiles again . . . thank you, Atlas, for fighting for her."
"No need to thank me," Atlas uttered. "I love her, but I wanna thank you."
"For?" Vin looked confused.
Atlas smiled. "For raising Vaughn well. For letting him know about Laurel, for letting him know about his mom."
"It's the least I can do." Vin raised his coffee cup.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top