Chapter 66
Sumandal si Atlas sa hamba ng pinto habang pinanonood si Laurel na itirintas ang buhok ni LJ dahil papasok na ulit ito sa school. Ganoon naman ang routine nila sa umaga at sanay na sila.
Nalagpasan na nila ang pagiging moody ni Laurel. Wala na silang problema at masayahin na ulit itong nakikipag-usap sa kanila.
"Mahal, what do you want for lunch?" tanong ni Atlas. Ipinagkrus niya ang mga braso habang nakatingin sa mag-ina niya. "Dadaan ako ng market."
Naningkit ang mga mata ni Laurel. "I think I want some okra." Nagtaas-baba ang kilay nito. "Gusto ko rin sana ng grilled tuna, mahal. Please?"
Tumango si Atlas at lumapit kay Laurel. Hinalikan niya ang asawa sa pisngi, sa labi, habang hawak ang tiyan nito. Malaki na at nasa pitong buwan na kaya medyo nahihirapan na rin itong magkikilos.
"Ang laki na," ani Atlas at hinalikan ulit ang pisngi ni Laurel. "Mag-sleep ka, ha? Hayaan mo na 'yung labahin. Ako na ang bahala mamaya."
Ngumuso si Laurel at natawa. "Magsasampay ako! Wala naman akong gagawin, e. Sabi ni Doktora, 'wag akong masyadong maghihiga, 'di ba?"
"Basta 'wag ka masyadong kumilos. Babalik kaagad ako," aniya at nagpaalam.
Hinalikan siya ni Laurel, ganoon din si LJ, bago sila tuluyang nagpaalam. Sinundo na rin muna nila si Koa. Naka-park din naman ang mga sasakyan nila sa parking area ng resort kaya kailangan pa nilang maglakad.
Bukod sa bahay, nagpundar sina Atlas at Laurel ng mga sasakyan. Dalawa iyon at salitan nilang ginagamit depende sa pangagailangan.
"How's school?" tanong ni Atlas kay LJ.
"It's fun po, Daddy," sagot ng anak niya. "Natuto na rin po akong mag-Tagalog. Still a little hard, but I'm learning."
Ngumiti si Atlas at tingnan ang dalawang bata sa backseat. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa assignment at nagpapagalingan pa nga. Nagyayabangan pa ang mga ito sa score.
Sa pag-aaral, pareho nilang hindi pine-pressure si LJ. Kung ano lang ang kaya nito, sapat na sa kanila ni Laurel. Sa bahay, wala silang rule. Bawal lang silang magsalita nang hindi maganda.
Nang maihatid ang mga bata, dumiretso si Atlas sa palengke para bumili ng prutas na naisipan niyang gawing juice o hindi naman kaya ay i-shake—depende sa gusto ni Laurel.
Nahihilig din ito sa mga gulay na ipinaluluto sa mga lokal kaya naman mayroon silang na-hire na puwedeng maging helper kung kinakailangan at iyon ang nagluluto ng ulam nila paminsan-minsan.
Pagkatapos sa gulay at prutas, sa mga karne at isda naman. Naghanap si Atlas ng tuna at pusit na siyang hiling ni Laurel. Hindi ito masyadong kumakain ng manok nitong mga nakaraan dahil nalalansahan.
Weird kung tutuusin dahil sa isda, hindi. Naging paborito pa nga nito ang inihaw na pusit at inihaw na tuna.
Kilala na si Atlas sa palengke. Hindi pa rin maiwasan ang mga biglang titingin kapag nakikita siya, pero sanay naman siya roon. Natatawa pa siya minsan lalo na kapag may turistang titigil. Minsan, nasa social media pa siya dahil sa kumakalat na picture niya habang namimili.
Bumili na rin siya ng lumpiang isinasawsaw suka. Paborito iyon ni Laurel. Nagmadali na rin siyang umuwi para tulungan ang asawa niya sa pagsasampay dahil hindi na naman ito makikinig sa kaniya. Sigurado siya roon.
Nang makarating sa resort, naabutan niya si Jude na kausap ang ilang turistang bagong dating. Pare-parehong lumingon ang mga ito nang makita siya at sumubok pang magpakuha ng picture ang iba na kaagad tinanggihan ni Atlas.
Nagpaalam na rin si Atlas kay Jude at nagmadaling umuwi. Hawak niya ang mga plastic ng pinamili niya at mula sa malayo, nakita kaagad niya si Laurel.
Suot ito ng sandong puti at swimswear na pang-ibaba. Mukhang papunta sa beach. Malaki na ang tiyan ng asawa niya at gustong-gusto niya iyong makita ngunit napansing may kausap itong lalaking seryoso ring nakatingin sa asawa niya.
Atlas slowly walked toward Laurel and overheard the conversation. "Sorry, Filipino isn't that straight yet, but I am trying."
"N-No, I actually live here with my—"
"Married," Atlas interrupted. Parehong tumingin ang dalawa sa kaniya. Salubong ang kilay ni Laurel, ganoon din ang lalaki. "She's married and I am the husband."
Nagbago ang expression ng mukha ng lalaki at hinarap ito ni Laurel. "Oh, of course, yeah. I know you." Ngumiti ito. "I just . . . didn't know you guys were married. But I saw you both on social media once."
Nagtataka niyang tiningnan si Laurel na salubong ang kilay at nahalata niya sa mga mata nito ang lungkot o ano mang emosyong hindi niya mabasa.
Bumaba ang tingin ni Atlas sa sando ni Laurel dahil hindi pamilyar sa kaniya iyon. Gusto niyang magtanong, pero hindi niya ginawa. Hinintay niya si Laurel na magsalita, pero wala rin.
Mahabang katahimikan ngunit nabasag iyon ng lalaking kaharap nila.
"I'm gonna get going." Inilahad ng binata ang kamay sa kaniya. "I'm Vaughn. Vaughn Alison De Los Santos."
Nagulat si Atlas sa narinig. Nilingon niya si Laurel na nanginig ang baba habang nakatingin sa binatang nasa harapan nila. Pati na ang kamay nito ay nakakuyom.
"I'm gonna get goin—"
"Wait," pagpipigil ni Laurel sa binata. "Wait."
Nanatiling tahimik si Atlas. Nakatingin ang binata sa kamay ni Laurel na nakahawak sa kamay nito. Halata rin ang gulat.
Matangkad ito, halos parang magkasingtangkad lang sila. May kahabaan ang medyo magulong buhok at sigurado si Atlas na athlete ito, hindi siya puwedeng magkamali. Sa postura ng katawan, para itong si Jude.
"A-Are you leaving?" Laurel uttered.
Tumango ang binata. "Yes, I'm sorry for calling you that. I'm just gonna go."
Seryoso ang binata na nakatingin kay Laurel. Nanatili namang nakahawak si Laurel at hinayaan niya ang asawa.
"No, it's okay," ani Atlas. Parehong tumingin sa kaniya ang dalawa. "I'm gonna leave you two to talk. Don't worry, kid, I know about you. She told me about you, and I am happy you're here. Just . . . don't hurt my wife."
Kaagad na umiling ang binata. "No, I would never hurt my mom."
"Thanks, kid." Lumapit si Atlas kay Laurel at hinalikan ang asawa sa pisngi. "Sa bahay lang muna ako, go talk to him. If you want, invite him to lunch," bulong niya.
Tumalikod na si Atlas nang hindi hinihintay ang sagot ni Laurel. Alam niyang matagal na nitong gustong makita ang anak. Hindi man nabubuksan ang topic tungkol doon, alam niyang may mga pagkakataong gusto nitong makilala ang anak na ilang taon nang iniwan.
Ayaw nang makialam ni Atlas sa dalawa. Dumiretso siya sa bahay para bigyan ng space ang mga ito.
Sandali niyang ibinaba ang mga ipinamili sa lamesa bago pumasok sa kwarto nila ni Laurel at dumiretso sa bathroom. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Iniisip niya si Laurel. Buntis ang asawa niya at iniisip ni Atlas na sana ay huwag itong masaktan. Sana ay hindi ito pagsalitaan nang masasakit ni Vaughn. Mayroong takot sa parte ni Atlas, pero mag-uusap na lang sila ni Laurel pagkatapos.
Pilit na kinalma ni Atlas ang sarili niya. Bumalik siya sa kusina para ayusin ang mga ipinamili niya at para na rin magluto ng lunch nilang mag-asawa, at ni Vaughn kung sakali mang maging maayos ang lahat.
Atlas wanted everything to be okay. Laurel wanted to see her son. She wasn't vocal about it, but he knew she wanted it. It had been almost two decades.
He couldn't imagine the longingness his wife felt. With that thought, Atlas breathed . . . hard . . . thinking about Laurel. Kung siya lang noon, nahirapan na sa ilang buwan at hindi niya maisip ang ilang taon na walang ibang nakaaalam.
Imbes na mag-isip, nag-focus si Atlas sa ginagawang pagluluto ng lunch at paghihiwa ng prutas para kay Laurel nang bumukas ang pinto.
"Mahal?" Narinig niya ang boses ni Laurel. "Ma—"
Lumabas si Atlas mula sa dirty kitchen para salubungin ang asawa, pero dumako ang tingin niya kay Vaughn na nasa likuran nito. Seryoso ang mukha na parang ayaw lumapit sa kaniya.
"I invited him for lunch." Lumapit is Laurel sa kaniya at ngumiti. Bumulong pa nga. "I hope it's okay."
Atlas subtly nodded and walked toward Vaughn to offer a handshake. "It's nice to finally meet you," he uttered.
"I-Is it okay that I'm here?" Vaughn stuttered, and Atlas could hear the accent. British accent. "I'll get going if you'r—"
"Welcome home." Atlas smiled and nodded. "I'm happy you're here, and I'm happy you finally saw each other. Go ahead and spend more time. I'll just cook our lunch."
Itinuro niya kay Vaughn ang couch bago nilapitan si Laurel. "Enjoy, mahal. Magluluto lang ako. Ano'ng gusto mong shake? Watermelon, mango, or melon?"
"Watermelon, please?" sagot ni Laurel at hinalikan siya sa pisngi.
Bumalik si Atlas sa dirty kitchen at nagpatuloy sa ginagawa. Hahayaan niya sina Laurel at Vaughn na mag-usap. Maraming dapat pag-usapan ang dalawa at maraming dapat linawin.
Naririnig niyang nagkukuwentuhan ang dalawa. Pinag-uusapan ang buhay sa England, ang pag-aaral, kung paano lumaki. Atlas overheard the conversation and it was all Vaughn who did the talking.
Paglabas ni Atlas, naabutan niya si Vaughn na nakaupo sa sofa. Tumayo ito at ngumiti sa kaniya. Wala itong pang-itaas kaya pumasok si Atlas sa loob ng kwarto nila ni Laurel para kumuha ng damit na puwedeng ipahiram dahil kakain na rin sila.
Hindi niya namalayang ganoon na katagal dahil lunch time na.
Naabutan ni Atlas si Laurel na nakaupo sa gilid ng kama. Nakasuot na ito ng dress at hawak ang sando ng anak na ipinahiram. Naupo si Atlas sa tabi ng asawa niya at hinawakan ang kamay nito.
"Are you okay?" tanong ni Atlas kay Laurel.
Tumingin sa kaniya si Laurel at nakita ang namumuong luha sa magkabilang mga mata ng asawa niya. Nanginginig ang baba, ang kamay, at mukhang hindi makapagsalita.
Tumayo si Atlas at inalalayan si Laurel na tumayo tulad niya. Kaagad nitong ipinalibot ang dalawang braso sa katawan niya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. Hindi siya nagkamali nang bigla na lamang humagulhol si Laurel at halos pabulong pa nga iyon.
Hinaplos niya ang buhok ni Laurel at hinayaan itong umiyak. Sa paggalaw ng balikat nito, sa bawat malalim na paghinga, at sa higpit ng yakap sa kaniya, alam niya kung gaano katindi ang emosyon nito.
"Nagluto ako ng adobong pusit at saka na-bake ko na 'yung tuna," bulong ni Atlas. "Puwede na tayong kumain kung gusto mo. Everything's ready. Good that he's here."
Humikbi si Laurel at bahagyang humiwalay sa kaniya. "Mahal." Nanginig ang boses nito. "Ang gaan-gaan. We talked, heart to heart, and it feels light. I never thought this day would come and . . . and . . ."
Atlas caressed his wife's chin and smiled. "And?"
Instead of saying anything, Laurel encircled her arms around his neck for another hug. He hugged his wife back and whispered that everything would be okay.
"Vaughn seems like a nice kid," he whispered.
"H-He is," Laurel murmured. "I'd like to formally introduce you to him. Okay lang ba sa 'yo?" She pulled away.
Atlas nodded and kissed Laurel's forehead. "I would love to."
Muling kinuha ni Laurel ang sando ni Vaughn at iyon na lang daw ang ibibigay nito sa anak. Hawak-kamay silang lumabas ng kwarto at naabutan itong nakatingin sa photo album na nakalagay sa gilid ng TV. Tumingin ito sa kanila at ngumiti.
"Sorry. Mom mentioned about LJ and I got curious." Ipinakita nito ang picture ni LJ sa kanila. "She really looks like you, Mom."
Ngumiti si Atlas, ganoon din si Laurel. Inabot ni Laurel ang sando sa binata na kaagad namang isinuot bago humarap sa kanila.
"Vaughn, I'd like you to formally meet my husband," ani Laurel at nilingon siya. "This is Atlas Legaspi. Mahal, this is Vaughn, m-my f-firstborn."
Rinig ni Atlas na nautal si Laurel at mukhang iiyak na naman ito. Malapad siyang ngumiti at inilahad ang kamay sa binatang nasa harapan nila.
"It's nice to formally meet you, sir," anito at kinamayan siya.
"Sir?" Atlas frowned and chuckled. "Too formal. You can call me Atlas or whatever's comfortable with you."
"Tito?" Vaughn smiled at him.
"Better," Atlas uttered.
Inaya niya itong kumain ng tanghalian kasama nila na kaagad namang pumayag. Nagkuwentuhan sila tungkol sa buhay nito at kung ano ang ginagawa sa Pilipinas na nagbabakasyon lang at naghahanap ng school para sa college.
Nalaman din nila na bukod sa pagiging swimmer, naglalaro ng football si Vaughn. Hindi siya nagkamali na atleta ito dahil sa built ng katawan. Habang nagkukuwento si Vaughn, inoobserbahan ni Atlas si Laurel. Nakangiti ito ngunit kita niya sa mga mata ang lungkot.
Nang matapos silang kumain, nagpaalam si Vaughn na pupunta lang sandali sa hotel. Pagbalik nito mayroong dalang cake para kay Laurel na pinagsaluhan nilang tatlo. Mayroon ding maliit na box at mayroong pangalan ni LJ.
"I'm excited to meet LJ," ani Vaughn at ngumiti. "I've always wanted a sibling—a sister. I thought it would be impossible to meet her, but here we are."
Ngumiti si Atlas. "If you want, sabay natin siyang sunduin mamaya? Sumama ka sa 'kin sa school para makilala mo siya kaagad. What do you think, mahal?" Nilingon niya si Laurel.
"Can I come?" Laurel innocently asked.
Atlas chuckled. "Oo naman. Bili tayo ng suman?"
"Do you eat suman?" Laurel excitedly asked Vaughn. "Favorite akong bilhan ni Atlas ng suman. Si LJ naman, she likes to eat bananaque. Do you wanna try it?"
"I would love to!" Vaughn smiled widely. Ngunit bigla ring nawala ang ngiting iyon habang nakatingin sa kanila. "By the way, Mom and Tito. Dad's also here."
Nakaramdam ng kaba si Atlas, pero hindi siya kumibo. Alam niyang siya ang asawa, alam niyang siya na ang mahal, pero hindi niya maiwasang mag-isip lalo na at si Vin ang first love ni Laurel.
Walang ipinakitang mali si Laurel, pero hindi niya maiwasang hindi mag-isip.
Nilingon niya si Laurel. Nakatingin lang ito kay Vaughn.
"I haven't told him yet about seeing you, Mom," anito. "Is it okay if I tell him or not?"
"It's okay," sagot ni Laurel. "It's cool to catch up. It's been . . . eighteen years since I last saw your dad. Sakto rin naman na ipapakilala ko sa kaniya si Atlas."
Ngumiti si Vaughn kay Laurel. "Okay, Mom. I'll let him know." Tumingin din ito sa kaniya. "Is it okay, Tito?"
Tumingin si Laurel sa kaniya.
"Of course. It's nice to meet him, too," ani Atlas.
Nakatulog si Laurel kaya naman hininaan nina Atlas at Vaughn ang TV habang naglalaro sila ng gaming console. Nagkukuwentuhan lang sila hanggang sa biglang natahimik si Vaughn at napansin iyon ni Atlas.
"Tito." Tumingin si Vaughn sa kaniya. "Thank you for taking care of Mom when she was alone. Thank you for being with her, loving her, and respecting her. I saw respect in you . . . the way you cared for her is something I wished even though I haven't met her yet."
Tahimik si Atlas na nakikinig kay Vaughn.
"My dad told me about what my mom went through during their youth, and he was just stupid enough . . . more like, afraid and a coward for not fighting for her," anito at yumuko. "I was mad at my dad for letting my mom experience pain because I know she doesn't deserve it."
Umiling si Atlas. "She doesn't deserve all the pain." Tumingin siya sa asawang tulog na tulog. "But all those pain made her stronger than she was."
"I know." Vaughn warmly smiled while looking at Laurel. "Thank you for being with her, Tito. I really appreciate it as her son."
"Aren't you mad that she left you?" tanong ni Atlas.
Vaughn shook his head and stared at Laurel. Tipid itong ngumiti. "No, Tito. I'm not a shallow person. I understood everything. Mom decided for my own good, even if it'll hurt her. She said . . ." Suminghot ito. "She said she lost herself when she lost me . . . I felt that."
Atlas didn't say anything.
"A part of me was missing because she left me . . . but looking at her now? I am whole, Tito. I finally met my mom."
Huminga nang malalim si Atlas. "You're just like your mom, a very understanding person. Parang kahit hindi siya ang nagpalaki sa 'yo, nakuha mo 'yung ibang ugali niya."
"I was never mad at her. I was . . . longing for her."
"You had no idea how she longed for you, too, Vaughn." Atlas smiled. "Thanks for coming into her life . . . you just completed my wife."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top