Chapter 63

Atlas was leaning on his car, encircling his car key around his finger, while looking at nowhere. Seeing families hug each other with smiles on their faces was making him happy.

It had been more than two months since he last saw his wife. Today, Laurel was arriving, and he was excited to hug her finally.

Ang usapan, alas-kwatro pa ng hapon ang dating ni Laurel, ngunit halos alas-dos pa lang, nasa airport na siya.

He couldn't be late, more like, he didn't want to be late and make Laurel wait. He would rather be the one to wait than Laurel . . . at bigla siyang natawa. Naalala niya kung gaano rin niya katagal hinintay ang asawa bago naging sila.

Sa mga araw na wala si Laurel, walang ginawa si Atlas kung hindi ayusin ang bahay nila sa Baler. Ipinagpapasalamat niyang nandoon sina Jude at Amira para tingnan iyon kapag nasa Manila siya, pero bago pa man dumating si Laurel, siniguro na ni Atlas na maayos na ang lahat.

Madalas din niyang inaalala si Laurel. Laurel loved cold places, but decided to stay in Baler instead of Baguio since their daughter asked for it. Alam din kasi nitong hindi siya sanay sa malamig so his wife decided to adjust for them.

Pinag-isipan din muna ni Atlas kung tamang move ba iyon, pero ipinagpilitan ng asawa niya na mas mag-e-enjoy si LJ. Ayaw nitong ipilit sa anak nila ang hindi gusto. Simula pa lang, alam niyang mabuting ina ang asawa niya, hindi lang niya inasahan na isasakripisiyo nito ang kahit ano, maliit man o malaki, para sa anak.

Tumingin si Atlas sa relo at nakitang alas-tres y medya na ng hapon. Dumating na rin ang eroplano galing Paris kaya naman naglakad na siya papunta sa waiting area ng arrival.

Kahit na hindi na siya artista sa loob nang ilang taon, hindi na rin siya lumalabas sa kahit na anong commercials, may ilan pa ring nakakikilala sa kaniya. Kahit kapag lumalabas siya sa mall kasama si LJ, madalas na may hihinto at titingin.

Noon, lalapit ang mga ito at pagkakaguluhan siya, ipinagpapasalamat niyang matapos ang ilang taong pananahimik, hindi na ganoon ang mga tao sa kaniya.

Nakatingin na lang, pero alam na ang salitang boundaries. May ilang nagpapa-picture pa rin ngunit hanggang doon na lang.

Habang naghihintay, kausap niya sina Amira, Jude, Patrick, at Job sa group chat nilang magkakaibigan sa Messenger. Nangungumusta ang mga ito, excited na rin sa pagdating ng asawa niya. Nagre-ready na ang mga ito ng maliit na salusalo sa Baler pag-uwi nila, nandoon na rin sina Patrick at Job, kaya naman naiwan niya si LJ na pumapasok sa school kaya hindi niya naisama dahil sumakto na mayroong exam.

It was already four, and for some reason, Atlas decided to look at the arrival area, not knowing what to see until he saw his wife looking at him, smiling. He couldn't feel anything but excitement while looking at his wife.

For more than two months, he couldn't hug his wife, and looking at Laurel's face, he felt comfort.

Laurel stopped and stared at him. He smiled and waved a little.

They were just looking at each other's eyes. Hawak ni Laurel trolley ng maleta at tulak-tulak iyong lumapit sa gate ng waiting area na nagsisilbing pagitan nila.

Nakapamulsa si Atlas na naghihintay. Gustong-gusto na niyang mayakap si Laurel. Video calls weren't enough. Araw-araw naman silang magkausap, pero kulang. Gusto man niyang puntahan si Laurel, hindi puwede dahil may pasok si LJ.

Ginawang busy ni Atlas ang sarili habang busy naman ang lahat sa pagtapos ng bahay nila sa Baler.

Ngumiti si Atlas nang halos lakad-takbo nang papalapit si Laurel. The guard opened the gate and Atlas caught Laurel's hug.

Halos mabuhat ni Atlas si Laurel nang mayakap na niya ito. Isinubsob niya ang mukha sa balikat at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"I missed you so much, mahal," he whispered while slightly kissing her shoulder. "So much."

Laurel smiled and hugged Atlas back, and it felt good to hug her after months of being away finally.

"I missed you more," she answered. "Won't do this again, ang hirap. Homesick na homesick na ako. I missed you and LJ."

Humiwalay si Atlas mula sa pagkakayakap ni Laurel at pinagmasdan ang asawa. Tinanggal niya ang ilang buhok sa mukha nito bago hinalikan sa tungki ng ilong. "Let's go? Bibiyahe pa tayo pa-Baler. Are you sure na okay lang sa 'yo? We can still stay the night para makapagpahinga ka muna."

"No na, mahal. I badly wanna see LJ na. Miss na miss ko na." Laurel pouted and Atlas chuckled. "Para na rin hindi na mabitin 'yung pahinga ko. Pagbalik na lang ng Baler."

"Of course," Atlas answered and kissed her forehead. Hawak na rin nito ang maleta at kamay ni Laurel. "How's your flight?"

Ngumiti si Laurel. "Okay naman, nakatulog ako kaya walang problema. Ginastusan ko na talaga nang mag-first class ako kasi pagod rin ako nitong mga nakaraan. Minadali ko na 'yung pagbenta ng unit ko sa France, medyo nahirapan kasi ako tatlo 'yung nag-check. Ayon, buti na lang, nabenta na."

"Buti na lang din," ani Atlas habang inilalagay ang maleta sa trunk. "Tara na."

Habang nagmamaneho, ikinukuwento ni Atlas kay Laurel lahat. Tungkol sa pag-aayos niya sa bahay nila sa Baler, sa pag-transfer ni LJ sa school lalo na at matagal itong homeschooled, at ang excitement niya sa pagpapakita ng bahay nila.

"Also, I made sure na malakas ang aircon para hindi ka mahirapan kahit na mainit sa Baler. Promise, mahal, mainit talaga kaya sinabi ko rin kay LJ na kapag hindi mo kinaya 'yung init doon, baka lilipat tayo sa Baguio para sa 'yo," ani Atlas at ngumiti. "Pumayag naman si LJ kaya let us know if mahihirapan ka."

Laurel shook her head and a smile crept on her face. "Okay lang naman, nasanay na rin naman ako sa Hawaii. Mas mainit nga roon, 'di ba?" sagot nito. "Excited na rin ako makita 'yung bahay natin. I feel proud na ang hands-on mo, ha?"

"Siyempre, bahay natin 'yun, e. Alam ko naman na wala kang preference sa bahay, pero siyempre, gusto kong maayos naman 'yun." Pinisil ni Atlas ang kamay ni Laurel. "You can sleep, mahal. Mahaba ang biyahe natin and I'll just wake you up."

"Hindi, 'no! Siyempre na-miss kong mag-joyride with you. Magkuwentuhan na lang tayo." Tumingin si Laurel sa daan. Medyo binibilisan na ni Atlas ang pagmamaneho dahil ayaw niyang abutan ng rushed hour sa Manila. "Kumusta naman si Amira? Huminto na talaga?"

Atlas nodded and smiled. "Oo, Jude had to pay the damages. Bukod kay Patrick na personal lawyer ni Ami, pinatawag ni Jude 'yung personal lawyers niya para ayusin 'yung nangyari. Jude paid some damages, the network, too, lalo n'ong mapatunayang nag-e-extend na sila sa working hours."

Nawala ang ngiti ni Atlas nang maalala ang nakaraan.

"Ganiyan naman kami noon pa. Minsan, umaabot kami nang sixteen hours sa shooting para lang matapos kaagad 'yung movie. Malaki ang bayad sa amin, sikat kami, pero . . . nakapapagod talaga siya." Malalim na huminga si Atlas habang nakatingin sa daan. "Pagod na pagod kaming lahat n'on, pero wala rin kaming karapatang magreklamo. 'Pag nag-reklamo kasi kami . . . attitude."

Sa tuwing inaalala ni Atlas ang nakaraan—lalo ang trabaho niya—ayaw na niya iyong balikan. May mga pagsisisi, pero mayroon din namang pagpapasalamat lalo sa parteng material.

Hindi niya mabibili o makukuha ang gusto niya kung wala ang perang pinagtrabahuhan niya. It was the reality. Money was everything.

Nilingon niya si Laurel nang maramdaman ang paghaplos nito sa buhok niya. May ngiti sa labi ni Laurel at iyon ang isa sa na-miss niya. "At least you're happier now. Nakakapag-rest ka naman nang maayos and I think your businesses are enough naman to sustain you and your family."

"Our family." Atlas held Laurel's hand and kissed it before intertwining. "I missed holding your hand while driving, mahal. Please, huwag na nating uulitin 'yung ganoon katagal. Malapit na malapit na kaming sumunod ni LJ sa Paris, e."

Sunod-sunod ang iling ni Laurel at mahinang natatawa. Nagkuwento ito tungkol sa mga ginawa sa Hawaii at Paris pati na rin kung kumusta na si Roha. Matagal na rin nila itong hindi nakikita.

Buong drive, wala silang ginawa kundi i-update ang isa't isa kahit na napag-uusapan naman nila lahat via video call. Noong wala si Laurel, kahit malaki ang time difference, tinatawagan niya si Laurel para kumustahin. Kahit na madaling-araw sa Pilipinas, tatawag siya bago matulog o kaya naman paggising.

Nakailang hinto rin sila sa mga kainan lalo na at hindi masyadong gusto ni Laurel ang pagkain sa eroplano. Naghahanap ito ng sabaw. Kumain muna sila ni Atlas sa isang kaninang nadaanan na twenty-four hours dahil madaling-araw na.

Habang papalapit, papasilip na rin ang araw. Nakita ni Atlas ang ngiti ni Laurel nang matanaw na mula sa daan ang karagatan. Nag-iiba na ang kulay ng langit dahil pasilip na rin ang araw.

"Naalala ko pala sina Papa at Mama." Laurel smiled while looking at Atlas who was still driving. "Parang tayo rin 'yun. Hindi mahilig si Mama sa maiinit na lugar, sa beach, pero dahil mahilig si Papa sa beach, nag-a-adjust siya. Pareho silang nag-a-adjust sa isa't isa."

Natigilan si Atlas nang magbukas ng topic si Laurel tungkol sa mga magulang na sobrang bihirang mangyari.

Out of the blue, bigla lang itong magkukuwento na para bang memorya iyon na ibinaon sa limot. Wala siyang sinagot dahil gusto niyang marinig ang mga sasabihin nito, pero kaagad rin namang binago ang usapan nang makita ang school ni LJ sa bayan.

"Buti masaya naman si LJ," ani Laurel nang makalampas sila sa school. "Hindi naman siya nahirapan knowing na sa public school siya?"

"Kasama niya si Koa, classmates sila kaya mukhang okay naman." Nagsimula siyang magkuwento. "Kinukuwento nga ni LJ na may isang classmate siyang inaway siya kasi English raw siya nang English. Ang nangyari tuloy, nag-e-English na rin si Koa."

Laurel was just laughing while listening to Atlas' story about LJ's school. Nag-decide sila na sa public papasukin ang anak nila para ma-expose ito sa ibang tao. Mas gusto nilang maranasan ni LJ na makipagkaibigan sa iba, hindi lang sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Excited si Atlas na ipakita kay Laurel ang bahay nila. Simple lang iyon. Halos kapareho ng design ng nasa Hawaii. Typical na beach house na nakaharap sa dagat. Walang second floor, bungalow type, at medyo minimalist type, pero mayroong rooftop na puwedeng tambayan.

Ilang lakad lang, nasa dagat na sila at malapit nga sa resort ni Jude kung saan nakatira na rin si Amira. Simple lang ang bahay na may apat na kwarto. Napag-usapan nila ni Atlas na bakit ang daming kwarto, hindi rin nila alam. Basta ang kagandahan, laging may spare.

Nililipad nang malakas na hangin ang buhok nila ni Laurel. Nakaharap sila sa bahay at tahimik na pinagmasdan ang tahanan para sa pamilya nila.

"Do you like it?" Atlas asked while hugging Laurel from behind. "Welcome home, mahal."

Humarap si Laurel sa kaniya at hinalikan siya sa labi. "Thank you, mahal, for this," bulong nito. "I love it . . . so much."

"I'm glad you like it." Hinawakan ni Atlas ang kamay ni Laurel. "Let's go. Puntahan mo na si LJ. Baka natutulog pa 'yun."

Pagpasok sa bahay, pinagmasdan ni Atlas si Laurel na ipinalibot ang tingin sa bahay. Hindi lang basta minimalist ang ayos ng bahay nila. It was a simple Nordic style with a touch of modern. Puti ang loob ng bahay, maliwanag, at may accent ng iba't ibang kulay katulad ng deep orange, navy blue, at gold. Hindi niya alam, pero ang ganda ng taste ni Atlas sa bahay, napansin na niya iyon.

Ibinaba muna ni Atlas ang maleta sa kung saan at iginiya si Laurel papunta sa isang kwarto na may nakalagay na L sa pintuan. The moment Atlas opened the door, they smelled that familiar LJ scent, that baby cologne scent from their daughter.

Sumandal si Atlas sa hamba ng pinto habang pinagmamasdan si Laurel na halikan ang anak nila. Maingat pa itong tumabi ng higa at nagkumot yakap si LJ at hinayaan itong halik-halikan ang pisngi nito. Lumapit siya at pinagmasdan ang mag-ina niya.

"Aayusin ko lang 'yung kwarto natin, buksan ko lang 'yung aircon, ha? Sina Job and Pat, nasa guest room sila. Do you want me to prepare a warm bath?"

Laurel nodded without looking at him. Atlas kissed the top of his wife's head while she was caressing their daughter's hair.

Pumasok si Atlas sa kwarto nilang mag-asawa para buksan ang aircon. Nag-prepare din siya warm bath para makapagbabad si Laurel sa bathtub ng bathroom nila sa kwarto.

He prepared Laurel's clothes, tinanggal na rin niya ang mga gamit sa maleta nito.

When everything was prepared, Atlas went inside LJ's room and saw their daughter awake, shushing him because Laurel had fallen asleep on LJ's bed.

Atlas stared at his wife. She looked exhausted but still beautiful, and he missed her so much.

Inayos niya ang kumot nito bago inaya si LJ para mag-almusal. May pasok ito sa school at alas-sais na rin ng umaga. Maaga rin ang klase sa probinsya, kaya naman sanay na rin si LJ na gumising nang maaga katulad niya.

"Mommy's tired, Daddy," ani LJ habang kumakain ng sinangag at tuyo. Nagsasawsaw pa ito sa suka na may bawang. "You know, Daddy, I love it here."

Sakto namang lumabas si Job. "Ang bango, kaya naman pala!" sabi nito na excited na naupo sa nakahaing lamesa. "Ibang klase talaga si Atlas! Ang dating umaarte sa camera, ngayon nagluluto na ng tuyo, itlog na prito, at maling!"

Natawa siyang umiiling at inabutan ito ng mainit na tubig para sa kape, lumabas na rin si Patrick para sumalo sa kanila.

"Si Laurel?" tanong ni Job. "Gusto ko nang makita!"

"Tulog," aniya at nagsimulang maghiwa ng prutas para sa anak. "May jet lag, siyempre. Kain na kayo. Sina Tito Jude and Tita Amira muna ang maghahatid sa 'yo, ha? Sabay na kayo ni Koa," sabi ni Atlas kay LJ. "I need to look after Mom muna."

"Yes, Daddy," sagot ni LJ. "Later na lang po kami mag-talk ni Mommy after ng school ko po. Buy ko siya n'ong favorite namin ni Koa na bananaque."

Ngumiti si Atlas at pinakinggan ang pagkukuwento ni LJ. Inaantok na rin siya dahil wala siyang matinong tulog, pero may mga dapat pa siyang unahin.

Nagtitimpla si Job ng kape nang tumingin sa kaniya. "Kami ni Patrick, aalis din kami mamaya, ha? May nakita kaming ilang pasyalan malapit dito sa Baler, puntahan muna namin. Mamayang dinner na lang din tayo magkita-kita nina Laurel. Mag-prepare daw si Amira, saka may inuman."

"Sige lang, hayaan na rin muna nating magpahinga si Laurel," sagot niya. "Hindi ko rin alam kung anong oras gigising, e. Tindi pa naman mag-jet lag niyan ni Laurel."

Nang makaalis ang lahat, naglinis ng bahay si Atlas, at nagsalang ng labahin. Mas pinili niyang huwag kumuha ng helper para sa kanila lalo na at kaya naman niya. Sa paglalaba, medyo nag-i-struggle siya, mabuti na lang at may washing machine. From being a well-known actor, Atlas became a father and a husband, and he was happier.

Kung iba siguro, pagtatawanan siya kapag nalaman na naglalaba, naglilinis ng bahay, nagluluto, at kung ano pa para sa anak, pero wala siyang pakialam dahil nag-e-enjoy siyang asikasuhin si LJ.

Dumating pa ang asawa niya na priority rin niya. He was enjoying his life and he wouldn't change this for the world.

Atlas was cooking when the door opened. Nilingon niya iyon at nakitang nakakunot ang noo ni Laurel habang papalapit sa kaniya. No words, Laurel hugged him and even rested her head on his chest.

"Mahal, pawis ako. Katatapos ko lang magsampay," sabi niya at ibinaba ang kutsilyong hawak. "Are you okay? Masakit ba 'yung ulo mo? Nag-prepare ako ng warm bath mo kanina kasi nakatulog ka na, e."

"Anong oras na?" tanong ni Laurel.

Tumingin si Atlas sa relong nasa kusina. "Almost twelve na rin kaya nagluto na ako ng lunch natin. I cooked tinola, okay lang sa 'yo?" tanong niya. "May gusto ka bang ulam?"

"Gusto ko ng fish mamayang gabi," sagot ni Laurel. "Nag-text pala sa akin si Amira, may dinner daw tayo mamayang gabi? May inuman daw."

"Oo, looking forward na 'yun sa inuman." Hinalikan niya ang noo ni Laurel. "Kung hindi mo pa naman kaya dahil sa jet lag, huwag ka muna uminom. Marami namang pagkain for sure."

Ngumiti si Laurel. "Hindi ko man lang naabutang gising si LJ, nakatulog ako. Sabi ko pa naman ako mag-aayos para sa school niya."

"Na-gets naman ni LJ," sagot niya bago humiwalay kay Laurel para haluin ang sabaw. "Sakto pala 'yung niluto ko, masabaw, para mainitan 'yang sikmura mo. Gusto mo ba munang maligo?"

"Do you think I'm mabaho?"

Pagharap ni Atlas kay Laurel, nakasimangot itong nakatingin sa kaniya.

"Nababahuan ka ba sa akin kaya gusto mong maligo na ako?" tanong ni Laurel.

"Of course not!" nagmamadaling sagot ni Atlas na marahas na umiiling. "Iniisip ko lang baka gusto mo nang maligo para makapag-freshen up ka after your travel. For sure, masakit katawan mo."

Laurel lazily nodded. "Actually, oo," sagot nito.

"May heater sa bathroom natin sa kuwarto, ready na rin iyong shirt and shorts mo roon. Bumili na ako ng damit mo para pag-uwi rito, meron kang magagamit. Pasok ka na lang sa room natin, prepared na roon," aniya at humarap sa kalan para haluin ang sabaw. "Luto na rin 'tong kanin, puwede na tayong kumain pagkatapos mo."

"Also, may sasabihin pala ako, Atlas."

"Hmm?" Inilagay ni Atlas iyong papaya sa sabaw ng tinola "Ano 'yun?"

"Delayed ako."

Tumigil si Atlas sa paghalo ng ulam. Sandali siyang natulala sa harapang iniluluto at pilit niyang pinoproseso sa isip niya ang narinig . . . kung tama ba ang narinig, at kung totoo ba ang narinig.

"Tapos before boarding the plane, bumili ako sa pharmacy ng testing kit. Inside the plane, I tested," ani Laurel na dahilan ng paglingon niya. Nakatitig sa kaniya ang asawa. "And it was positive."

Atlas gulped and stared at Laurel, who was intently looking at him.

"Mahal, I'm pregnant."

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys