Chapter 59

"Wait."

Nagulat si Atlas at nilingon si Laurel na lumabas ng pinto. Nakapamulsa siyang naghihintay sa harapan ng elevator.

"Why?" Atlas frowned. "Gusto mong sumama?"

Laurel smiled and nodded. "Sama na lang muna ako? Gusto kong mag-road trip or something?"

Tumango si Atlas at binalikan ang girlfriend niyang seryosong nakatingin sa kaniya at mukha pang nagsusumamo. Hinawakan niya ang kamay nito at sakto namang dumating na ang elevator.

Sa loob ng elevator, hawak ni Atlas ang kamay ni Laurel. Nag-observe siya, pero hindi nagtanong. Napalilibutan sila ng salamin at nang lingunin niya si Laurel, nakatutok ito sa numbers.

Atlas shut his eyes for a minute and recalled that every time they were inside an elevator with mirrors, Laurel would count the floors, smile at him, and then go back to counting. She sometimes tried to understand the engraved braille dots on the buttons.

"Saan mo gustong magpunta?" tanong ni Atlas.

Ngumiti si Laurel. "Puwede ba tayong magpunta sa bayside? Wala lang, maiba lang naman. Gusto ko lang kumain ng ice cream sa may bay side."

Tumango si Atlas at hinawakan ang kamay ni Laurel. Atlas took a chance to kiss Laurel's cheek without saying anything. He asked if she was okay, and his girlfriend nodded.

Nararamdaman niya ang pag-iwas nito tungkol sa kasal. Noong nakaraang pa lang na mabuksan ang topic, noong kumain sila sa Tagaytay, mayroon nang pag-iwas.

Alam niya sa sarili niyang mabilis, nagmadali siya, at mukhang nabigla si Laurel sa tanong niya kaya naman hindi na ulit niya iyon binuksan. Nabigla lang din siya sa pagtanong ulit.

Nirerespeto niya ang desisyon ni Laurel. It was a bold move to ask Laurel, but he still did it. Hindi man niya nagustuhan ang sagot, he would wait. That was what he would do.

He would wait for her.

It wouldn't be easy, but he would stay.

Why?

Love.

Atlas was busy driving, looking straight, so Laurel took a chance to hold his hand. Kaagad itong tumingin sa kaniya, ngumiti, at hinalikan ang likod ng kamay niya. Nakakunot din ang noo nito, pero pinagsaklop lalo ang kamay nilang dalawa.

Nginitian ni Atlas si Laurel na seryosong nakatingin sa kaniya. Nakaipit na rin ang mahabang buhok nito at wala nang sagabal sa mukha.

Nang huminto sila sa red light, sumandal si Atlas sa headrest ng driver's seat at tinitigan si Laurel. Malamlam ang mga mata nitong diretsong nakatingin sa kung saan. Wala siyang makitang saya o ngiti.

Nakarating sila sa mall na mayroong bayside. Medyo maraming tao kaya sa dulo sila nagpunta para walang masyadong makakikita sa kanila.

"Mukhang makakaabot tayo sa fireworks," ani Atlas nang makapag-park. "Bili na lang tayo pagkain sa may bay area o pasok na lang tayo sa mall?"

"If you're okay, pasok muna tayo sandali sa mall?" ani Laurel.

Kung noon, sa tuwing bibili sila ng pagkain, si Laurel ang humaharap at nakikipag-usap. Nagbago ang lahat magmula nang tumigil si Atlas sa pag-aartista. Wala na siyang pakialam kung makita ng ibang tao, lalo na kapag magkasama sila. Atlas would just hold her hand and walk as if he owned the entire place.

Habang naglalakad, hawak ni Atlas ang kamay ni Laurel. Maraming nakatingin, pero parang nasanay na rin sila na nakikita ng ibang tao. Ang importante lang sa kanila ay ang privacy ni LJ.

Dumiretso sila sa bilihan ng paboritong burger ni Atlas at nag-order ng take out. They were inside the restaurant while Atlas was hugging her from behind. Pinag-uusapan din nila ang tungkol sa pag-aaral ni LJ nang may lumapit sa kanila.

"Hello." Nakangiti ito. "P-Puwede po ba kaming magpa-picture? Alam po namin na hindi na po kayo artista, pero fan n'yo po kasi 'yung mommy namin. Kung puwede lang naman po," magalang na pagpapaalam ng dalaga.

Handa nang humindi si Atlas, pero humiwalay sa kaniya si Laurel. Nakangiti ito. "Do you want me to take a picture of you two?"

Atlas frowned.

"T-Talaga po?" gulat na tanong ng babae.

"Of course." Laurel smiled. "Give me your phone."

Ayaw pumayag ni Atlas, pero ayaw rin niyang mapahiya ang mga ito. Hawak na ni Laurel ang cellphone ng dalaga at ayaw niyang pumayag na hindi niya ito kasama.

"Is it okay if we will take the photo with my girlfriend?" magalang na tanong ni Atlas. "I'm not comfortable na she's taking–"

"Atlas!" Laurel exclaimed. "It's okay, let them take a photo, dumating na 'yung order natin."

Huminga nang malalim si Atlas at inakbayan ang babaeng nagpapa-picture sa kaniya. Pareho silang nakatingin sa camera at si Laurel naman ang kumukuha ng picture.

"Thank you." Nagpasalamat ang dalaga sa kaniya at nilapitan si Laurel. "Thank you po, ha? Pasensya na po, kayo pa kumuha ng picture."

Atlas was looking at Laurel. His girlfriend was talking to his fan and everyone else was looking at her. Lumapit naman sa kaniya ang crew para ibigay ang order kaya niyaya na niyang umalis ito. Wala na siyang ibang sinabi.

Niyaya niya si Laurel sa bay area. Sakto rin na nagsisimula na ang fireworks display na gabi-gabing events sa nasabing mall. Maraming tao sa paligid, pero nakatingin lang siya sa babaeng nakatitig sa makulay na langit.

Kumikislap ang mga mata ni Laurel, pero hindi nakangiti.

Ilalabas na sana ni Atlas ang pagkaing nabili nila nang pigilan siya ni Laurel. Tipid itong ngumiti at malalim na huminga. Nakatingala sa langit at malamlam ang mga matang nag-aabang tulad niya.

Nagulat si Atlas nang magsimula na ang firework display. Humarap siya roon, ganoon din si Laurel. The noise wasn't too much.

"N'ong bata ako, takot ako sa fireworks." Laurel stared at the red firework and smiled faintly. "Natatakot ako kasi sobrang ingay, ang sakit sa tainga kaya tuwing New Year, mas pinipili ng parents ko na mag-beach kami." She chuckled. "Tuwing New Year, nasa isang private island kaming pamilya, para lang hindi ako umiyak. Tumagal 'yun hanggang mag-fifteen ako."

Atlas could see the glint in Laurel's eyes.

"One day, I met Vin. Siya ang first boyfriend ko. Una, naging friends kami hanggang sa naging kami. I fell in love with him and he was the only man I have ever loved."

Huminga nang malalim si Atlas. He wasn't ready to hear it, but he needed to.

"At sixteen, we already planned to get married. We planned to have a family together. We planned to have kids together." Tumingin si Laurel sa kaniya. "Minahal ko siya nang sobra. Siya ang first ko sa lahat. First boyfriend, first love, first hug, first kiss, first dance, first sex . . . first of everything."

Nag-iwas ng tingin si Atlas dahil bigla siyang nahiya. He was never the first.

"Nawala ang takot ko sa fireworks dahil kay Vin. He showed me na wala akong dapat ikatakot, na safe ako sa tabi niya, na magiging safe ako." Laurel smiled. "And I did! That man protected me from everyone.

"It was fun, tumagal kami. Everything was okay . . . pero n'ong graduation, officially, pinakilala ako ni Vin sa mommy niya." Ngumiti si Laurel at pinunasan ang bumagsak na luha. "Alam ng mga magulang niya 'yung tungkol sa amin, pero hindi sinabi sa akin ni Vin na ayaw sa akin ng mommy niya. Hindi niya sinabi sa akin na napag-uusapan na ako ng lahat, 'cos Vin protected me from everyone."

Tumingin si Atlas kay Laurel. Alam niya ang istoryang iyon dahil sinabi ni Roha sa kaniya, pero iba ang pakiramdam na galing na mismo kay Laurel ang lahat.

"I was so confident, Atlas." Nagsalubong ang tingin nila. "I was wearing my graduation dress, it was custom made. I was smiling from ear to ear to finally meet his family. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ayaw pumayag ni Mama na lumapit ako, pero dahil matigas ang ulo ko, ginawa ko pa rin.

"Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang maruming tao ako. Hinding-hindi ko makalilimutan 'yung tingin niya sa akin dahil sa tuwing may mga taong tumitingin sa akin, iniisip ko, gano'n ang iniisip nila." Laurel bit her lower lip. "Sinabi niya sa akin, kaharap si Vin, daddy ni Vin, at mga kapatid. May ilang classmates kaming nakarinig, na layuan ang anak niya, kasi hindi kami bagay."

Atlas wanted to stop Laurel, but didn't. Kung gusto nitong magbukas ng ganoong kalalim na nakaraan, hahayaan na niya.

Laurel smiled at him, but her tears were falling. "Na katulad ako ng mga magulang ko, na wala akong gagawing matino, na pakawala ako katulad ng mama ko, na hindi ako makatatapos, mapapariwara ako, at maruming babae ako." She wiped her tears and smiled. "Atlas, I was pregnant that time. I was carrying Vin's baby. Our baby. I was . . . pregnant."

Napasinghap si Atlas habang nakatingin kay Laurel. Hindi niya alam ang sasabihin, hindi niya alam kung paano siya magre-react. Hindi na niya naitago ang gulat at nanigas sa mismong kinauupuan.

"I was sixteen, wala akong mapagsabihan. I carried my baby alone, saktong papunta akong Manila for college, saktong . . ." humikbi si Laurel habang nakatingin kay Atlas, "s-saktong maitatago ko ang pagbubuntis ko."

"Laurel." Atlas held his girlfriend's hand. "Laurel, stop. You don't have to tell me."

Umiling si Laurel. "I wanna marry you, but I have to tell you a vital part of me, Atlas. Matagal ko nang kinalimutan, matagal ko nang tinago. Walang nakakaalam kahit sino, kahit magulang ko . . . si Vin lang."

Atlas' heart was breaking hearing Laurel's sobs. Muli nitong hinarap ang fireworks na halos patapos na rin.

"Iniwan niya ako n'on dahil kailangan niyang sundin ang mommy niya, pero napag-usapan namin ang tungkol sa bata." Tumingin si Laurel sa kaniya.

Hindi alam ni Atlas ang mararamdaman. Nakatitig siya kay Laurel, he was in a complete shock, but he needed to keep himself together.

"Vaughn," Laurel murmured. "Vaughn." She sobbed. "'Yun lang ang alam ko, ni hindi ko alam kung ano'ng itsura niya. Nag-aaral si Vin sa UK that time, nahanap ako ng mommy niya. She asked me if I wanna keep the baby . . . I said I don't. I was planning to give my baby away, I was . . . young, I was in college, I was sixteen."

"W-What happened?"

Laurel pressed her lips together. "Kinuha ng mommy ni Vin ang anak namin . . . at ang huling naalala ko, pinalabas nilang kapatid ni Vin si Vaughn. 'Yun ang huling nalaman ko, 'cos we signed an agreement, Atlas."

Hinawakan ni Atlas ang kamay ni Laurel.

"She made me sign na never ko nang hahanapin ang anak ko, never ko nang hahabulin, at never kong ipagkakalat ang tungkol doon. Pero hindi puwede sa 'yo. Gusto kita, gusto kong magpakasal sa 'yo, pero hindi ko magawa . . . kasi may tinatago ako." Lumuluha itong nakatingin sa kaniya. "I'm sorry. I'm really sorry. I'm sor—"

"D-Do you wanna see your son?" Atlas muttered. "Laurel, tell me, do you wanna see him?"

Nakita ni Atlas ang pagbagsak ng luha ni Laurel sa makibang mga mata habang nakatitig sa kaniya.

"Wala akong karapatan sa kaniya," sagot ni Laurel at yumuko. "Wala akong karapatan kasi iniwan ko siya. Seventeen ako n'ong inilabas ko siya, kahit silip sa mukha ng anak ko, hindi ko nagawa dahil natatakot ako na kapag tumingin ako, hindi ko na mapakawalan. Ang bata ko, Atlas. It was one of the decisions I did na pinagsisisihan ko. Na sana, hindi ko inabandona ang anak ko."

Atlas could hear frustration, longing, and pain from Laurel. He was beyond shocked, but a part of him also knew about this. Nabasa niya ito sa isang story na isinulat ni Laurel. Kung hindi siya nagkakamali, may isinulat si Laurel.

Laurel wrote a story similar to what happened—the female character abandoning her son for his own good.

He didn't ask. He already knew the answer.

Hinawakan ni Atlas ang braso ni Laurel at hinila ito palapit sa kaniya. Hinayaan niya itong mahinang umiyak, kasabay ng malakas na pagputok ng fireworks, hinayaan niyang humagulhol ang girlfriend sa dibdib niya dahil hindi alam ni Atlas kung gaano kabigat ang nasa puso nito.

The revelation was too much to handle.

Naramdaman niya kung ano ang pakiramdam na lumaki si LJ na wala siya. Paano pa si Laurel na mismong nagluwal ngunit kinuha rito ang anak at sinamantala ang pakabata?

"Kinuha lahat sa 'kin, Atlas. Dignidad ko, privacy ko, kahihiyan ko, pati anak ko . . . dahil pinamukha sa akin na failure ako." Pabulong ang bawat pagkakasabi ni Laurel. "Gustong-gusto kong um-oo sa alok mo, pero hindi ko deserve kasi may tinatago ako. I don't deserve anything. Karma hit when I gave my son away . . . simula n'on, hindi na naging maayos ang buhay ko."

"Shhh." Atlas caressed Laurel's hair. "Cry, I'm just here."

"I'm sorry." Laurel sobbed like a lost child. "I'm sorry dahil tinago ko si LJ n'on dahil natakot ako na baka pati ikaw, kuhanin sa akin ang anak ko. Atlas, si LJ lang ang meron ako. Si Laureen lang ang—"

"You have me." Atlas pulled away and wiped Laurel's tears. "Napapagod akong mahalin ka, Laurel. Napapagod ako kasi hindi ko na rin alam kung paano kita iha-handle. Napapagod akong intindihin kung ano pa'ng tinatago mo, kung meron pa ba . . . pero hindi ko kayang umalis sa tabi mo."

Humikbi si Laurel si Laurel dahil sa sinabi niya. Naramdaman niya ang pagkakahigpit ng hawak nito sa T-shirt niya.

"Eventually, I'll get tired. Pero palagi kong aalalahanin 'yung sinasabi mo n'ong artista pa ako. It's okay to rest for a while and be back on track." Bumagsak na rin ang luhang pinipigilan niya. "Kasi kahit ano'ng gawin ko, ikaw 'yung pahingang hinahanap ko. Ikaw 'yung sandalang gustong-gusto ko . . . at ikaw lang 'yung uuwian ko kapag pagod na rin ako."

Tahimik lang si Laurel, pero nagmamalabis ang luhang nakatitig sa kaniya.

"Pagod na rin ako, pero alam kong mas pagod ka. Puwede bang maging pahinga mo rin ako? Puwede bang sandalan mo ako, pagkatiwalaan mo ako, isipin mo rin na nandito lang ako?"

Mabagal na tumango si Laurel at humikbi. "Gustong-gusto ko, pero sinabi ko na sa 'yo 'yung nag-iisang tinik na nagpapahirap sa akin, nahihiya ako . . . natatakot na . . . iwanan mo ako."

"Bakit kita iiwan?" Atlas kissed the tip of her nose. He recited the chorus of All of Me. "Pagkatiwalaan mo ako, for once, Laurel. I'm listening. Throw your burden at me. I'm willing. Laurel . . . I love you. Always remember that."

"I love you, too, but . . . I'm . . . scared." Laurel sobbed.

"Don't be." Atlas smiled to make Laurel feel better. "I accepted every flaw ever since I met you. Please, love yours, too. Sarili mo ang umpisa ng lahat, pangalawa lang ako. Love yourself and surrender, Laurel."

Nakatitig si Laurel kay Atlas. "B-Bakit, ang gaan ng puso ko n'ong sinabi ko 'yung tungkol sa nag-iisang sikretong hindi ko masabi kahit kanino? Ang gaan, Atlas." Hinaplos ni Laurel ang puso. "Ang gaan-gaan."

"Thank you for trusting me with your personal secret, ma'am." Atlas smiled.

"Atlas, I wanna marry you," diretsong sabi ni Laurel. "I badly want to, but I'm scared you might . . . not like the secret I just told. I can't marry you without telling you about him. I can't—"

"Shhh." Atlas smiled and hugged her. "Marry me, Laurel. Let's get married."

Without saying anything, Laurel nodded, and Atlas felt that.

Laurel leaned onto his chest. His tears fell, and they watched the fireworks together until the last spark. He kissed the top of Laurel's head and hugged her tightly. No more letting go.





Atlas and Laurel walked hand in hand toward the car. They ate quietly, and Atlas gave Laurel some peace and privacy. The revelation was too much to handle for him. What more for Laurel?

"Sa condo na lang tayo ulit o gusto mo sa bahay?" tanong ni Atlas.

Laurel gazed at him. "Puwede bang sa bahay na lang? Mas komportable kasi."

Atlas nodded and lightly squeezed Laurel's hand while they walked. The silence was killing him, but it was okay. As long as Laurel was responding to his questions, it would be okay.

Maybe she needed to breathe, too . . . like him.

Sa open parking sila nag-park. Hawak pa rin ni Atlas ang kamay ni Laurel nang huminto ito, binitawan ang kamay niya, at sandaling tinitigan ang reflection ng sarili sa bintana ng kotse niya. Nagtaka si Atlas dahil seryosong nakatitig si Laurel sa sarili.

Tinanggal ni Laurel ang buhok na nakaharang sa mukha nito at hinaplos pa nga ang salaming nasa harapan.

"Palagi bang ganito ang itsura ko?" tanong ni Laurel kay Atlas.

"W-What do you mean?" Atlas was confused.

Mula sa reflection, nakita ni Atlas ang pagtulo ng luha ni Laurel. "Sixteen years na simula noong huling beses kong nakita ang mukha ko sa salamin. After I gave him up, it was also the last time I stared at myself in the mirror."

Natahimik si Atlas. The mirrors . . .

"Uwi na tayo." Humarap si Laurel sa kaniya at ipinalibot nito ang dalawang braso sa leeg niya. "Mahal kita, Atlas."





The drive was quiet. Nakatagilid si Laurel sa bintana at hindi siya nililingon. He knew that what was revealed was too much, and Atlas even questioned himself on why he didn't even bother to think twice.

Hindi tumitigil sa paghikbi si Laurel. Masakit para kay Atlas na marinig ang bawat hagulhol, pero kailangan iyon ni Laurel.

Mahal niya talaga si Laurel at iyon lang ang sagot sa mga bakit.

Kung tutuusin, isang malaking sikreto iyon. Malaking-malaki na puwedeng makaapekto sa kung ano mang mayroon sila, pero hindi niya iyon naramdaman.

Sa nalaman, mas naintindihan niya.

That information answered all the questions inside his head, especially about why Laurel was too reserved. Ang buong akala niya, childhood trauma, pero mas malala pa pala.

Naisip ni Atlas na mali ang ginawa ni Laurel, pero hindi na maibabalik ang nakaraan kung magsisisihan.

Atlas wouldn't understand. He would never know what Laurel felt for years. Wrong choices, bad decisions, and an unhealthy mindset became the culprit of everything.

Maraming maling desisyon si Laurel sa nakaraan at hindi rason ang kahit na ano mang naranasan para sa mga iyon, pero wala na silang magagawa. Nasa nakaraan na ang lahat, hindi na mababalikan.

Pagdating sa bahay, tahimik pa rin silang dalawa. Laurel was unmoving but awake. He waited until he finally decided.

Bumaba si Atlas at maingat niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Nakatingin si Laurel sa kaniya ngunit na nagmamalabis ang luha nito. May kaunting ngiti, pero lamang ang pag-iyak.

"I . . . c-can't move," Laurel murmured.

Atlas painfuly smiled and nodded. He understood. Ipinagdikit niya ang noo nilang dalawa at sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan ni Laurel. He didn't know if it was another breakdown and he hoped it wasn't.

He removed Laurel's seatbelt and carefully carried her from his car to her room. Maingat niya itong ibinaba sa kama at tinanggal ang sapatos.

Kaagad na tumagilid si Laurel, niyakap ang unan, at ipinikit ang mga mata.

Dimmed light from the lampshade was enough for Atlas to see that Laurel's tears were flowing nonstop. He covered Laurel with a comforter and gave his girlfriend some space.

Imbes na iwanang mag-isa si Laurel, nahiga siya sa sofa. Kaharap si Laurel na tahimik na humihikbi.

Masyadong tahimik ang kwarto kaya rinig ni Atlas ang bawat singhot, bawat malalim na paghinga, at ang mahinang pag-iyak kasabay ng pagyakap sa sarili.

Atlas wanted to lay down beside Laurel. He wanted to hug her and whisper that everything would be alright, but he knew it wouldn't help. It would never be okay.

Dumireto ng higa si Atlas at tinitigan ang kisame. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata at bumagsak ang mainit na likido mula sa makabilang gilid.

Ipinatong niya ang braso sa noo at malalim na nag-isip.

Because Laurel had been through numerous therapies and was still unwell, Atlas thought that maybe she was hiding a vital part of her and couldn't share it with anybody.

Any therapy wouldn't work because Laurel's pain, regrets, and hatred toward herself were too much.

Muling nilingon ni Atlas si Laurel na humikbi, pero nakapikit. He silently cried as he stared at the woman he loved the most and couldn't do anything to soothe her.

Laurel had been keeping that vital thing, and nobody knew. For years, it was all her. Yes, her fucked up decision led her to what she experienced, but Laurel didn't deserve any of it.

Nobody did.

Nakapikit si Atlas nang makarinig ng yabag at nakita si Laurel na papalapit sa kaniya. Hawak nito ang comforter at kinumutan pa siya.

"Why?" Atlas asked.

"Baka you're cold," Laurel murmured.

Atlas smiled. "I'm a little cold."

Laurel's innocent eyes were staring back at him. "C-Can I sleep beside you here? Please?"

Hindi na nagsalita si Atlas. Tumagilid siya ng higa at binigyan ng space ang sofa. Pinahiga niya si Laurel sa tabi niya na ginawang unan ang braso niya.

Niyakap siya nang mahigpit ni Laurel, isinubsob ang mukha sa leeg niya, at naramdaman niya ang init ng hininga nito. Tinakpan ni Atlas ang katawan nila ng comforter at hinayaan si Laurel na sumiksik pa sa kaniya.

"Good night, Laurel," Atlas murmured, kissing the top of her head. "Everything's gonna be okay soon."

No response.

"Atlas?"

"Hmm?"

"You will still marry me?"

Atlas chuckled. "Yes, ma'am." He breathed. "But will you?"

"Yes."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys