Chapter 56

Kumatok si Atlas sa kwarto ng mga magulang niya dahil gusto niyang makausap ang mga ito. Alam na rin ng parents niya ang tungkol sa relasyon nila ni Laurel. Natuwa ang mga ito, lalo ang mommy niya. Umiyak pa nga lalo nang maabutang umiiyak si LJ dahil natutuwa.

"Julian." Ngumiti ang mommy niya at bumangon mula sa pagkakahiga. "Tulog na si Laureen?"

Atlas nodded. He sat by the bed and his parents were looking at him. "Hindi pa po namin alam ni Laurel kung kailan kami uuwi ng Hawaii." Huminga siya nang malalim. "Ayaw nang bumalik ni Laureen sa Hawaii kasi ayaw raw niya kayong iwanan, tapos 'yung mga pinsan daw niya."

Nakita ni Atlas na namuo ang luha sa mga mata ng mommy niya.

"Ito talagang si Laureen." Pinunasan ng mommy niya ang luha. "Kung ano'ng magiging desisyon ninyo, susuportahan lang namin kayo. Puwede rin naman kaming bumisita sa Hawaii kung sakali."

Tumango si Atlas. "Pag-uusapan muna namin ni Laurel, Mommy."

Sandaling namayani ang katahimikan lalo nang ngumiti ang mommy niya. Huminga ito nang malalim at umayos ng pagkakaupo para sumandal sa headboard ng kama.

"Alam mo, ang saya ko n'ong naging kayo ni Laurel. Isa pa, masaya ako na maayos ang paghihiwalay ninyo ni Amira. Hindi naging kumplikado ang mga bagay kahit na . . . sobrang laking issue kasi naka-media," sabi ng mommy niya. "Naaawa rin ako kay Laurel kasi kung tutuusin, nananahimik ang batang 'yan kaso, ayon nga."

Sa tuwing iniisip ni Atlas ang tungkol sa kanila ni Laurel, may mga pagkakataong hindi siya naniniwala. Alam niya kung gaano ka-reserve si Laurel, kung gaano ito karamot sa pagmamahal, pero binigyan siya ng pagkakataon.

"We might stay at my house," sabi niya sa mga magulang. "My house is being taken care of at habang nandito po kami sa Pilipinas, I plan to stay there with Laureen and Laurel if that's okay with you."

Tumango ang mommy niya. "Oo naman para may privacy rin kayo. Mabait na bata si Laurel, pero alam ko rin at aware ako na nahihirapan siya kapag masyadong maraming tao. I can actually feel it." Ngumiti ito. "She's just too polite."

Hindi sumagot si Atlas dahil may katotohanan ang sinabi ng mommy niya. Walang sinasabi si Laurel, pero nararamdaman niya ang pagkailang nito lalo na kapag nagkakasiyahan ang lahat.

"That girl's too used to being alone na hindi na niya alam o hindi siya masaya kapag maraming tao sa paligid niya." Malalim na huminga ang mommy niya. "Go ahead, Atlas. Whatever you think is best for your family, go ahead. I am happy that you guys are now complete."

"Me too, Mom."

Nang matapos kausapin ni Atlas ang mommy niya, kumatok siya sa kwarto kung saan natutulog si Laurel. Naabutan niya itong nagtutupi ng damit at tulog naman si Laureen yakap ang bear na binili niya ilang taon na ang nakalipas.

"Kinausap ko pala si Mommy," ani Atlas at naupo sa gilid ng kama.

"Tungkol saan?" tanong ni Laurel. Nakatayo itong inaayos ang mga damit ng anak nila.

Kinuha ni Atlas ang maliit na damit ni Laureen na regalo ni Amira. "Naisip ko kasi na baka gusto mo ng privacy. I decided na since wala pa naman tayong planong bumalik sa Hawaii, what if mag-stay muna tayo sa bahay ko?"

Tumigil si Laurel at naupo sa tabi niya. Inabot niya ang kamay ni Laurel at pinagsaklop iyon. Maliit talaga ang kamay kumpara sa kaniya.

"Alam ko kasing nahihirapan ka," bulong ni Atlas. "Hindi mo sinasabi sa 'kin, sa 'min, but I know this is new to you. Socializing with people almost everyday isn't you. So, naisip ko na sa bahay na lang muna tayo hangga't hindi ka pa nakakapag-decide about Hawaii. Para hindi ka rin mahirapan."

Umangat ang kamay ni Laurel at marahang hinaplos ang pisngi niya. Walang kahit anong salita, nakatitig lang sa kaniya bago inihiga ang ulo sa balikat niya.

Pinisil ni Atlas ang kamay ni Laurel at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "Ayaw kong biglain mo. Ayaw kong pilitin mo para sa 'min ni Laureen. This time, think about yourself first, okay?"

Laurel looked at him and smiled.

Atlas pinched Laurel's nose and smiled back.

No words, they stayed together that very moment, holding each other's hand.





Ilang araw pang nag-stay sina Atlas sa bahay ng parents niya dahil kinailangan niyang ipa-general cleaning ang bahay na lilipatan nila. Habang nasa sasakyan, naglalaro sila ng hanapan ng bagay gamit lamang ang kulay.

Palagi nilang ginagawa ni LJ iyon sa Hawaii, pero mas masaya dahil kasali na si Laurel sa laro nila at mukhang pinagsisisihan nilang mag-ama iyon.

Walang hindi nahuhulaan si Laurel. Lahat ng ipahula nina Atlas at Laureen, nasasagot nang tama. Parehong natatahimik ang dalawa dahil wala pa silang puntos, tapos na ang laro. Doon napatunayan ni Atlas na sobrang observant ni Laurel kahit na tahimik. Hindi ito kumikibo, pero alam ang sagot.

Nang makapasok sa loob ng subdivision, nakita ni Atlas mula sa rearview mirror na ipinalilibot ni Laureen ang tingin sa lugar. Iyon ang unang beses na dadalhin nila ang anak sa bahay niya, pero may idea na ito sa madaratnan.

Atlas' mom was telling LJ about the place. Laurel even told their daughter about the indoor pool.

Tahimik lang itong nakatingin sa bintana. Nilingon ni Atlas si Laurel na tahimik lang din bago tumingin sa kaniya at tipid na ngumiti.

"It's been years," Laurel murmured.

Atlas smiled. "Yeah. This time, we're three."

Laurel gave him a warm smile and looked away. When they stopped, Laurel looked back at LJ and smiled.

"Welcome to your dad's house, LJ."

"Which, by the way, is your house, too!" pagtatama ni Atlas. "Let's go? I wanna show you the pool. The place was still the same as before, but it improved with some renovations naman."

"I love it." LJ giggled. "It's far from your house in Hawaii, Daddy."

Pagbaba nila, kaagad na tumakbo si Laureen papunta sa garden area ng bahay at naupo sa swing. Maraming halaman, the entire place was green. In Hawaii, Atlas knew that their daughter was used to everything blue and sandy. Here, it was green and refreshing.

Nilingon ni Atlas si Laurel na nakasandal sa sasakyan habang nakatingin sa bahay. Atlas knew that they had lots of memories together. Noong panahong magkasama sila, madalas sila sa bahay niya dahil mas ligtas para sa kanilang dalawa.

"I'm curious," Laurel gazed at him. "You sold the Tagaytay house, but not this?"

Atlas walked toward Laurel and wrapped his left arm around her. He kissed the side of her head and shrugged. "Hindi ko rin alam. Ayaw kong ibenta 'to kahit na ang daming memories. The Tagaytay house though was different. That house was you."

Laurel looked at him and smiled. No words, she left him. Pinuntahan nito si LJ na tinitingnan ang garden na katatapos lang ma-landscape ilang buwan na ang nakalipas. Pumasok sila sa loob at nakita ni Atlas ang tipid na ngiti ni Laurel.

"Welcome home . . . again."

"This house feels nostalgic," ani Laurel. "Walang masyadong pinagbago, it's still the same."

"It is." Ibinaba ni Atlas ang hawak niyang maleta. "N'ong nagkahiwalay na kami nang tuluyan ni Amira, dito na ako tumutuloy. Dito na ako natutulog kaya unti-unti ko pinaayos. Pinalagyan ko ng swing for Laureen, kaso look, iba na sa imagination ko. I was imagining her running na kasing liit ng dati . . . now's she's a young lady na. I'm feeling nauseous."

Mahinang natawa si Laurel at kinurot ang tagiliran ni Atlas. "You're being overly dramatic. She will always be your baby! Look mo rin naman, palagi siyang nagpapa-baby sa 'yo! Ikaw naman, you're babying her too much!"

"I like babying both of you." Nilingon ni Atlas si Laurel. "I never got a chance to do so kaya babawi ako sa inyong dalawa. Both of you, kayo ang priority ko, and for the record, ma'am, I love taking care of you."

Lumapit siya kay Laurel at hinalikan ang tungki ng ilong nito bago sila nagpatuloy sa pag-ikot sa bahay. Kita ni Atlas ang tuwa sa mukha ng anak niya at nag-aya pa nga itong mag-swimming kaagad, pinigilan lang ni Laurel.

Ipinaayos din ni Atlas ang sala. Nagpa-print siya ng mga picture ni LJ.

"Can't wait to have your own photos here, ma'am," bulong niya kay Laurel habang nakayakap mula sa likuran nito. "I still can't believe I'm back here with you. Sa totoo lang, hindi ko naisip na mangyayari ito. I know I'm being dramatic and all, but . . . knowing you, I didn't even know we had a future."

Humarap si Laurel kay Atlas at tinanggal ang buhok niyang nakaharang sa mata. "I'm sorry for being too reserved, and it took me long to feel it. You don't deserve an unsure love, Atlas. I had to make sure what I felt for you was real . . . and it is real."

"It's okay." Atlas kissed Laurel's cheek. "The past, we can't change it anymore. We can just focus on our present for a better future, okay?"

Laurel nodded. Humiwalay si Atlas at tumakbo papunta kay Laureen. Nag-tour pa silang tatlo, ipinakita ni Atlas ang buong bahay, bago sila dinala nito sa sarili nilang kwarto ni Laureen.

They both decided not to sleep together. Hindi ibig sabihin na sila na at officially together na, they would sleep on the same bed. Not to be pathetic or anything, may nangyari naman na sa kanila, may anak na sila, but they decided to just chill and respect the boundaries.

Not because they shared a daughter together, and were wild and adventurous in the past, didn't mean they had to do it again.

Pareho nilang alam na may sexual tension sa kanilang dalawa, it was showing, but they were both emotionally and mentally able to resist the urge to do it.

"So, you're going to stay here," ani Atlas sa kanila ni Laureen. "I'll be staying next door, okay?"

"Okay, Daddy." Ngumiti si LJ. "Daddy, can we play in your gaming room if it's okay?"

Tumango si Atlas at inaya si Laureen. Binuksan niya ang gaming consoles na kabibili lang niya noong isang araw at naghanap ng larong puwede kay LJ. Medyo mahigpit si Laurel sa parteng iyon dahil pili lang ang pinalalaro nila.

"Are you happy, bub?" tanong ni Atlas.

"So much, Daddy," LJ responded. "I like seeing you talking to mom. I know she was uncomfortable before but seeing her smile at you, it felt better."

Atlas knew that their daughter was very much like Laurel—observant.

Nag-e-enjoy silang dalawa nang pumasok si Laurel sa gaming room. Tiningnan nito ang nilalaro nila. It was a racing game.

Sabay sialng tumingin. Nagsalubong ang kilay ni Atlas nang makitang nakabihis si Laurel at mukhang aalis. Wala naman itong sinabi sa kaniya o sa kanila ni LJ kaya pareho silang nagtaka.

"Where are you going?" tanong ni Atlas. "Bakit ka nakapang-alis?"

"I need to buy some groceries. Ang takaw ninyo, wala tayong lulutuin bukod roon sa binigay ng mommy mo na pagkain natin for tonight. Kulang 'yun sa atin, Atlas," sagot ni Laurel. "Hiramin ko 'yung car mo, medyo malapit naman 'yung mall, ako na lang and you guys enjoy."

Atlas stood up and looked down. "Bub, papayag ka bang aalis si Mommy mag-isa?"

LJ shook her head. "No, Daddy. Can we go with Mommy? Please?"

"Yes, we will," sagot naman ni Atlas.

Umiling si Laurel at mahinang natawa. Nagmadali silang mag-ama na magbihis. Atlas chose a hoodie to hide and LJ also wore the same. Gusto rin kasi ni Laurel na kung sakali man, madaling maitago ang mukha ni LJ sa publiko kaya madalas na hoodie ang suot nito o hindi naman kaya ay mayroong sumbrero.

Si Laurel lang ang nakasimpleng T-shirt, pero may dalang hoodie kung sakali man.

Habang naglalakad papalabas ng bahay, tumigil sa paglalakad si Laurel na parang may naalala. Nataka si Atlas kung bakit.

"Okay lang ba na lalabas ka? Hindi ka ba kinakabahan na pagtitinginan ka tapos kasama mo kami ni Laureen? People might say things about you, about us, and . . ."

"Hey." Atlas cupped Laurel's face and lightly kissed her lips. "It's gonna be okay, ako ang bahala sa inyong dalawa. They won't be able to touch you . . . and I'm not an actor anymore, I don't really care about what they'll say. But if you're uncom—"

"Atlas, hey." Laurel smiled. "It's okay. Ikaw lang naman ang inaalala ko, baka may masabi na naman sila sa 'yo."

Umiling si Atlas at hinawakan ang kamay ni Laurel. "I don't really care about them. Basta huwag lang nila kayong hahawakan or sasaktan, I'll be okay."

Dahil nauna na sa sasakyan si Laureen, natawa sila ni Atlas pagpasok dahil nagpapatugtog na naman si Laureen ng Taylor Swift, she was even listening to the newly released version of Love Story.

Atlas was focused on driving when Laurel gazed at him. Hindi niya alam kung bakit hanggang sa banggitin nito ang lyric ng kantang pinakikinggan ni LJ. Pareho silang ngumiti nang ma-realize na umakma sa kanila iyon.

So, I sneak out to the garden to see you. We keep quiet 'cause we're dead if they knew. So, close your eyes, escape this town for a little while.

They saw each other secretly years ago, the way they needed to keep quiet about what was happening to them, and the way they escaped to be together and rest. It was unknowingly their little love story.

Nang makarating sa mall, hawak ni Atlas sa kanan ang kamay ni Laurel, sa kaliwa si Laureen. It was one of the things he wanted to do. Being able to hold his girls' hands without thinking about the consequences. Gabi na rin, pero maraming pang tao sa mall kaya naman nang makita siya ng mga ito, kaagad na tumitig.

Hindi na siya naiilang, sanay na siya, pero sina Laurel at LJ ang inaalala niya. Some were checking them out, too. It was uncomfortable for him. But seeing how Laurel walk confidently, he was relieved. Inaasahan niyang magtatago ito, but no, she didn't even bother putting her hoodies on. She was just walking while holding his hand.

Kahit nang makapasok sila sa grocery, siya ang nagtutulak ng cart, lagay naman nang lagay ang mag-ina niya ng mga pagkain. Some were sweets!

"Miss ma'am!" kuha niya sa atensyon ni Laurel nang bigla itong kumuha ng mga chocolate. "That's a lot, Laurel. That's so much. Too many sweets will make you fat."

Laurel frowned while looking at him. "So, ayaw mo na ako kapag tumaba ako?"

"Not that." Atlas shook his head. "I was just saying na . . . it's bad for your health. That's too many chocolates. Hindi ka naman mahilig sa matamis n'on, you're into chips, remember?"

Inirapan siya ni Laurel, pero inilagay pa rin ang mga chocolate sa cart. Ang buong akala niya, tapos na, hindi pa pala. Nagpunta pa si Laurel sa chips section, kumuha ng sandamakmak na chips at nakangiting inaasar siya sa dami.

"PMS, Atlas. . . can't blame me."

Atlas smiled while looking at Laurel walking away from him na parang kukuha pa ng iba. "Whatever, get me some gummy bears."

Nakatatlong cart sila sa dami ng binili nina Laurel at Laureen. Nagtatawanan pa ang dalawa na para bang nanalo sa pustahan.

Habang nakapila, nagkukuwentuhan ang mag-ina niya, samantalang naghihintay siya ng turn nila sa counter. May ilang nakakakilala sa kaniya na lumilingon, bubulong sa kasama. Ang iba naman, kukuha ng picture.

He didn't care at all at mukhang ganoon din si Laurel, pero isinuot nito ang hoodie ni LJ para maitago ang mukha ng anak nila. Laurel was even looking at him from time to time, smiling, so he would wink.

"Atlas, ang landi." Sinimangutan siya nito. "Sabihin ng mga tao, nilalandi mo ako. Alam mo naman mga 'yan, mga tsismosa. 'Yung iba riyan, gagawa pa ng issue."

Mahinang natawa si Atlas dahil maraming nakarinig ng sinabi nito. Seeing Laurel this confident na hindi na nagtatago, it was refreshing for him.

Noon, halos humiwalay ito sa kaniya na halos hindi na niya nakakasama. Kapag nasa hotel sila noon, nasa iisang restaurant sila, pero magkalayo ang table, magkalapit lang nang kaunti.

"Baka naman kulang pa 'tong binili ninyo?" tanong ni Atlas sa dalawa. "Grabe, e. Tatlong cart?"

"Ayos nga 'yan, para hindi na tayo lalabas. Ang dalas pa naman natin sa fast food lately," sagot ni Laurel. "Ako na lang magluluto ng food natin. Ito si LJ napapansin ko, hindi na masyadong kumakain ng gulay. At dahil diyan, gulay palagi ang ulam natin."

Kaagad na sumama ang mukha nila ni LJ. Laurel was aware that he actually hated vegetables at nakuha iyon ng anak nila. Napagsasabihan lang madalas ni Laurel si LJ kaya madalas na kumakain ito kahit labag sa loob.

Isa-isang inilagay ni Atlas ang mga pinamili sa cart nang makita ang okra. "Oh damn, not this one, Laurel!"

"Kung ayaw ninyo, ako ang kakain ng okra. Ganiyan naman kayong dalawa, hindi kayo nasasarapan sa luto ko. Ganiyan naman kayo, hindi nakikinig sa sinasabi ko. Okra's good for you both, pero ayaw ninyo," ani Laurel na kunwaring nagtatampo. "That's fine . . . okra will be mine."

"Ma'am, it's disgusting." Tumingin siya kay LJ. "Right, bub? Okra's like saliva."

Sa sinabi niya, sumama ang tingin ni Laurel at lumapit sa kaniya. Malapit na malapit at bumulong na silang dalawa lang ang nakaririnig. "Pero kapag nakikipag-kiss ka, ang galing-galing mo. E malaway rin naman 'yun."

Umiling si Atlas at mahinang natawa sa sinabi ni Laurel. "Ma'am, you're teasing me again," aniya at naningkit ang mga mata. "Your voice is so soft but your words . . . it's hard," bulong niya. "It's making me hard. Nakakainis."

Mahinang natawa si Laurel na tinalikuran siya at parang walang epekto ang sinabi nito. He started paying for their groceries while his girls were inside the cake store in front of the grocery. Nobody knew kung ano na naman ang binibili.

"Mukhang kulang pa po 'yung tatlong cart na binili ninyo para sa kanilang dalawa," nakangiting sabi ng cashier. "Pinapanood ko po kayo simula n'ong bata pa ako. Kaya nalungkot po talaga kaming fans ninyo n'ong tumigil kayo sa showbiz."

Ngumiti si Atlas. "Pero mas gusto ko 'yung buhay ko ngayon, malungkot din ako kasi may mga nalungkot na fans, pero masaya ako ngayon."

"Mukha nga po, sir." Ngumiti ang cashier. "'Yun naman po talaga ang importante. 'Yung masaya tayo. Nakakalungkot para sa iba 'yung pagkawala n'yo sa showbiz, pero kung saan po kayo sasaya, masaya kami para sa inyo."

"Thank you for understanding me," nakangiting sabi niya sa cashier. "Lots of people na nandito, for sure, maraming nasasabi lalo na't kasama ko 'yung mag-ina ko. Wala na rin akong pakialam."

Tumingin ito kay Laurel na saktong lumabas ng shop. "Ang ganda po niya, ang amo ng mukha. Siguro, sobrang sweet at mapagmahal," sabi nito.

Atlas smiled while looking at Laurel. "Pinaghirapan ko 'yan."

Totoo naman.

Iniwanan na rin muna nila ang grocery sa baggage counter dahil nagyaya si LJ na maglakad-lakad pa. Hawak lang niya ang kamay ni Laurel habang naglalakad sila at nakasunod sa anak nilang hindi malaman kung saan pupunta.

He loves walking around the mall not minding other people. Ipinagpapasalamat din niya na nakatingin lang ang iba at hindi na lumalapit. Malaking bagay ang pag-quit niya sa showbiz dahil nagkaroon siya ng freedom.

"I love having groceries with you," sabi niya habang naglalakad sila ni Laurel. Pinisil niya pa ang kamay nito.

Laurel looked at him. "Grocery is just simple, Atlas."

"Simple, yeah . . . but you make it better." He smiled. "I love doing simple things with you since the moment I met you, miss ma'am."

"Kahit mag-sleep lang?"

Atlas smiled. "Especially that."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys