Chapter 53
Tumawag ang pinagtatrabahuhan ni Atlas sa Hawaii kung makapapasok pa ba siya dahil isang buwan na rin silang hindi umuuwi. Sinabi niyang hindi pa niya alam at kung kinakailangan ng termination, wala na siyang magagawa.
Nakausap din niya ang caretaker ng mga bahay nila ni Laurel para siguruhing maayos lang ang lahat.
Lumabas si Atlas ng cabin at naabutan si Laurel na nakatayo sa harapan ng beach. Halos pasilip pa lang ang araw at kalmado ang dagat.
Sandali siyang sumandal sa hamba ng pinto bago naisipang puntahan si Laurel.
"Good morning," bati ni Atlas. "Ang aga mo namang nagising."
Nilingon siya ni Laurel at malapad itong ngumiti. "Good morning, Atlas. Wala kang hangover?"
"Inunahan ko na," ani Atlas at natawa. "I'm sorry about what I said last night. I had some alco—"
"No need to explain." Nilingon ni Laurel si Atlas. "Pero nakakatawa ka kapag lasing palagi. Palagi kang may confession."
Atlas gazed at Laurel and didn't say anything. Sabay silang natawa bago muling humarap sa karagatan. Nabanggit din niya ang tungkol sa bahay nila sa Hawaii at sinabing maayos lang ang lahat.
"Do you miss Hawaii?" tanong ni Atlas.
Ngumiti si Laurel. "To be honest, yes and no. Yes dahil siguro sanay akong walang ibang tao sa paligid ko at ganoon sa Hawaii and No dahil masaya palang may kasama."
Hindi alam ni Atlas kung ano ang isasagot sa sinabi ni Laurel kaya nanatili siyang tahimik at ibinalik ang tingin sa dagat.
"It's fun having people around. It's fun na may nakakatawanan ako like Job and Amira. It's fun na may nagluluto ng almusal sa umaga which is your dad. It's fun that someone's asking me if I'm comfortable and that's your mom." Muli siyang nilingon ni Laurel. "But I want to leave na, Atlas. I don't want this to stay longer kasi ayaw kong masanay."
"We're all here for you," Atlas said in an assuring voice. "My family is happy that you're around. Amira and Job were always excited to have you. I . . . I am both."
A small smile crept into Laurel's lip while looking at him. "Nagugutom ka ba? Pupunta ako sa hotel kasi kukuha ako ng kape. Gusto mo? Okay lang naman si LJ maiwan sandali. I'll just leave a note."
"Sure." Atlas smiled.
—
Nag-decide ang ate at kuya ni Atlas na maagang bumiyahe para hindi sila gabihin sa daan. Para na rin daw makapagpahinga ang mommy nila sa check up kinabukasan.
Panay ang paalala ni Laurel kay LJ na magpapakabait at huwag maging sakit sa ulo. Nakangiti lang si Atlas sa gilid dahil alam niyang nagkakaroon ng separation anxiety si Laurel sa anak nila.
Hindi sanay si Laurel nang wala si LJ kaya naiintindihan niya.
Para hindi masyadong malungkot si Laurel, napagdesisyunan nina Amira at Job na magpunta sa kung saan. Nag-off din si Jude para samahan sila sa ilang parte ng Baler para mamasyal.
Una nilang pinuntahan ang hanging bridge at habang kinukuhanan ni Job ng picture si Amira, nilapitan ni Atlas si Laurel na nakapatong ang dalawang siko sa barrier.
"Okay ka lang?" tanong ni Atlas.
"I miss Laureen," pag-aamin ni Laurel. "Naiiwan ko naman siya noon, pero tuwing mentally and emotionally unstable ako dahil kailangan ko talaga. Hindi ako sanay na okay ako tapos wala siya sa tabi ko."
Nilingon ni Atlas si Laurel at sandaling tinitigan ang mukha nito. Nililipad ng may kalakasang hangin ang mahabang buhok na seryosong nakatingin sa kung saan. Ngunit sa pagtitig, napansin ni Atlas na kalmado si Laurel kahit na inaalala nito ang anak nila.
Sunod silang nagpunta sa lighthouse bago dumiretso sa palengke para bumili ng mga puwede nilang kainin sa gabi. Nagkayayaan silang mag-inuman sa labas ng hotel.
Laurel was wearing a simple sando and a short, naka-sundress naman si Amira. Atlas and Jude were walking behind the women. Sabay itong naglalakad at naghahanap ng puwedeng mabili.
Alam ni Atlas na confident si Laurel sa katawan nito, alam niyang wala itong pakialam sa ilang lalaking nakatingin, pero hindi siya komportable na may ilang nagtatangkang lumapit sa dalawang babaeng nasa harapan nila. May ilang kargador na pasimpleng lalapit sa dalawa na mag-o-offer ng ibinibenta, pero pasimpleng sumusulyap.
Wala siyang pakialam sa admiration, pero kapag may kasama nang kakaiba ang mga titig, doon siya nati-trigger kaya pinagmadali na nila ni Jude ang dalawang babae nang hindi sinasabi kung bakit.
"It sucks," ani Atlas habang nakatingin sila kina Amira at Laurel na nakikipag-usap sa matandang nagtitinda ng prutas.
"Nakakalungkot na may ibang lalaki, parang hindi nila matiis na hindi magnasa sa babae base sa damit. Like, bakit kapag naka-sexy clothes sila, it's like they're asking for it?"
Jude sighed and shook his head. "Stupidity. Mga bobo."
Atlas laughed. "Sobrang bobo," aniya at hinarap si Jude. "What's with you and Amira? I don't mean to pry, but she's a friend. I know we have a past together, which is why I respect her. So, as her friend, I wanna know what's with you?"
"She ghosted me months ago after her training," nakangiting sabi ni Jude. Ang ngiti ay napalitan ng tawa. "I knew about the divorce before anything. I really like her, man. Sobra. But she just decided not to get involved with me anymore. Not sure why she just decided not to."
"Baka kasalanan ko rin?" tanong ni Atlas. "Baka kasalanan ng past namin? I really am sorry."
Jude looked at him. "Hindi ako sigurado, but I really like that ghost, Atlas." Pareho silang natawa at tumingin sa dalawang babaeng nakikipag-negotiate para sa prutas. "How about you and Laurel? I really thought you guys were together."
"Nanliligaw pa lang ako," Atlas admitted. "Medyo mahirap ligawan, but she's worth it. Sobrang worth it."
Mahinang natawa si Jude. "Alam mo, may gusto akong sabihin sa 'yo," anito. "Gustong-gusto kong magpasalamat sa 'yo n'ong naghiwalay kayo ni Amira. Kahit na hindi naman naging kami, masaya ako na pinakawalan ninyo 'yung isa't isa kasi alam kong mas deserve niya ng taong mamahalin siya nang buo."
Atlas quietly listened to Jude.
"Pasensya ka na kung masasaktan kita sa sasabihin ko, pero gusto kong sabihin sa 'yo na Amira doesn't deserve to be loved by you. You were loving another woman while you're loving her, too. Amira doesn't deserve that." Jude smiled and looked at Amira. "Amira deserves someone who can give her everything."
"I know," Atlas answered. "One of the many reasons we decided to call it off. It's not about Laurel or anyone. It's about us both."
Pagkagaling sa palengke, nagpaalam si Laurel na magpapahinga na muna sa cabin. It was around three in the afternoon and everyone decided to rest.
Imbes na matulog, naupo si Atlas sa hagdan ng cabin niya at diretsong nakatingin sa dagat.
Inilabas niya ang phone niya at sinubukang mag-search tungkol sa kaniya. He simply typed his name and there were lots of information about him.
Lahat ng picture niya ay accessible sa internet. Ultimong picture ni Laurel ay nandoon, pati ni LJ. Mayroong blurred images, pero ang picture sa airport ay nandoon.
"Kung ako sa 'yo, 'wag kang magse-search." Naupo si Amira sa tabi niya. "Alam mo bang I stopped reading articles about me after everything? Bukod sa triggering 'yung mga sinasabi nila, I wanna practice something."
Nilingon niya si Amira. "What is it?"
"The lesser we know, the better." Amira breathed. "Ang daming articles about Laurel and us. I suggest you stop searching so you won't have to deal with everything they said."
Sa sinabi ni Amira, tumigil si Atlas at binura ang search history niya. Tama naman. The lesser they know, the better. Mas mabuti na rin na wala siyang alam sa sinasabi ng ibang tao.
"Sinabi ko rin kay Laurel 'yan. She was worried about LJ. She decided to search one time and called me," pagpapatuloy ni Amira. "Sinabi ko sa kaniya na 'wag na 'wag siyang magbubukas ng kahit na anong article about her."
"Thank you," ani Atlas at nilingon si Amira. "Thank you for being there for Laurel."
Amira gazed at him and smiled. "She's a good person, Atlas. Lots of secrets and a broken past. Ang masasabi ko lang, tatagan mo pa. Good luck talaga."
Atlas chuckled and shook his head. Amira yawned and was about to leave when he remembered something.
"Wait, before we end the conversation." Mataman niyang tinitigan si Amira. "What's with you and Jude?"
Amira automatically smiled, and Atlas saw it. "I like him very much." She didn't even stutter. "But I don't want to get involved with him. Natatakot ako. Natatakot ako kasi baka magulo ko sila ni Koa at ayaw ko silang madamay sa kung ano ang meron ako."
Natahimik si Atlas.
"I now get what you feel about Laurel and LJ." Amira stood up. "Matutulog na muna ako. I think this is going to be a long night. Bye, Atlas."
Atlas nodded and waved.
—
Seven in the evening and everything was set. Ipinaluto ni Jude lahat ng pagkain nila sa mga chef sa hotel para hindi na raw sila mahirapan.
Sina Job, Laurel, at Amira ang nagprisintang mag-iihaw ng mga kakainin nila, pero pare-parehong nakatulog.
Ni hindi namalayan ni Laurel na matagal na siyang nakaharap sa laptop nang makarinig ng katok. It was Job asking her to go out dahil naka-prepare na ang dinner nila. Doon lang niya nakita na alas-siyete na ng gabi, hindi na rin siya nakatulog.
May ilang beanie bags na nagsisilbing upuan dahil nakasalampak sila sa buhanginan at mayroon lamang lamesa para sa pagkain nila. Mayroong bonfire sa gitna at nakaayos na ang lahat.
It was just a simple dinner for everyone.
Atlas was about to call Laurel when he saw her walking by the shore. She was wearing a simple spaghetti strap flowing dress. Her hair was in a ponytail and swayed by the salty air.
Ibinalik ni Atlas ang tingin sa hotel nang marinig ang boses ni Amira. Kasabay nitong naglalakad si Jude at masayang nagkukuwentuhan ang dalawa.
Amira was smiling from ear to ear and Atlas smiled, too, knowing that Amira might have found her someone. Nakalulungkot lang na lahat ay mayroong limitasyon dahil sa trabaho nila.
Dumating sina Patrick at Job na masayang nakipagkuwentuhan.
Hawak ni Atlas ang beer at tumungga mula roon. Kinuha niya ang mga barbeque mula sa nag-iihaw. Saktong papalapit si Laurel at inabutan niya ito ng isang stick.
Kita ni Atlas ang gulat sa mukha nina Laurel at Job nang magtabi sa upuan sina Jude at Amira. Malamang ay napag-usapan ang mga ito na hindi niya alam.
They had dinner. Seafood, meats, and vegetables. Maraming kanin, may fresh sushi pa galing sa resort dahil paborito iyon nina Amira at Laurel. They were laughing when suddenly, the atmosphere changed.
Natahimik sila nang magbukas ng topic sina Job at Patrick tungkol sa planong mag-ampon. Hindi pa nasasabi ni Job sa kaniya iyon ngunit base sa reaksyon ni Laurel, mukhang alam na.
Mas mag-best friend na ang mga ito kaysa sa kanila. Nagsimula na silang uminom. Beer lang ang kay Atlas at pipigilan niya ang sarili niya dahil baka maulit na naman ang nangyari kinagabihan.
Dumako ang tingin ni Atlas kay Laurel na kinuha ang vodka sa isa pang lamesa bago bumalik sa upuan at nakinig sa usapan. Nagsisimula palang sila, pero nagkatinginan sila ni Amira nang makita kung paanong tinungga ni Laurel ang vodka.
Kalahati na rin iyon. Isa pang nakita ni Atlas ay no lemon, no salt, no chaser, straight iyong ininom ni Laurel.
"Hindi ko alam na umiinom ka," ani Amira kay Laurel. "Bakit sa tuwing niyayaya kita, humihindi ka?"
"May anak kasi akong uuwian." Ngumiti si Laurel. "Also, it's been years since my last partying. N'ong nag-aaral pa ako sa UST, ayun madalas talaga kaming uminom. Madalas kaming mag-party and I even tried smoking."
Napatingin si Atlas kay Laurel. Hindi niya alam iyon, walang sinabi si Laurel sa kaniya noon tungkol doon.
"Good, old days." Laurel smiled. "Every bar, I fucked men. Sa tuwing iinom ako noon, hindi puwedeng wala akong maiuuwi sa apartment ko, hindi puwedeng wala akong kasamang lalaking lalabas. I was a wild child, I had no control, and . . . natatakot ako dahil babae ang anak ko."
Everyone was just quiet. Nararamdaman nilang may tama na rin si Laurel dahil hindi ito ganito magsalita.
"Natatakot ako na gawin niya lahat ng ginawa ko n'ong kabataan ko. Kahit saan ako dalhin, pupunta ako. I showed everyone na tama 'yung sinasabi nila tungkol sa akin. A slut, a whore, pero alam n'yo?" Laurel drank straight from the bottle. "Naalala ko n'on na sa tuwing pagkatapos kong makipagharutan sa mga lalaki, naaawa ako sa sarili ko. Naaawa ako na hanggang doon na lang ako. Na nakikita ako ng ibang tao bilang babaeng pakawala, inosente ang mukha pero bumubukaka, na maninira ng pamilya katulad ng mga magulang ko, na hinding-hindi sasaya kasi sira na ang buhay ko."
Laurel was about to drink straight from the bottle when Job got it first. "Stop, you're drunk."
"C-Can you let me?" Laurel begged. "Ngayon lang . . . I feel so lost, guys. Hindi ko na alam 'yung gagawin ko sa buhay ko. Hindi ko na alam kung ano'ng kaya kong gawin bukod sa pagsusulat. I can't sing, I can't dance . . . aside from good at fucking, what can I do?"
Atlas was looking at Laurel. Ayaw niyang marinig ang mga sinasabi nito, but he didn't have the energy to stand up. He was just staring at her. Tears were falling, and she even started to tell stories about her past.
"T-Tapos," Laurel sniffed, "I feel so stupid hiding my daughter to Atlas. Alam n'yo 'yun? Galit na galit ako sa sarili ko bakit hindi ko siya kayang mahalin? Masyado na bang sarado 'yung puso ko?"
Atlas looked down for a second and gazed at Laurel again.
"I like being with you." Tumingin si Laurel sa kaniya. "I like it when we talk about things. I like it whenever you're hugging, kissing, or even fucking me."
Hindi alam ni Atlas ang isasagot. Nasa paligid nila ang mga kaibigan, hindi rin niya malapitan si Laurel. He was afraid she might push him away.
"Nagagalit ako sa sarili ko na hindi ko sinubukan noon, I wasted a lot of time . . . I preferred to be alone kasi . . . natatakot ako, Atlas." Tumungga ulit ito sa bote habang nagmamalabis ang luha. Lahat sila, tahimik na nakikinig. Masaya silang lahat kanina, pero ngayon, hindi alam ang gagawin. "Takot na takot akong masaktan kita. Bakit kasi gano'n? Bakit gano'n 'yung naging buhay ko? Gusto ko itanong kung bakit, pero wala namang makakasagot, 'di ba?"
"Laurel, stop drinking," Atlas said. "You're drunk. Dadalhin na—"
Hindi na natuloy ni Atlas ang sasabihin nang bigla itong tumayo. Tumungga ito ng alak mula sa bote, kitang-kita niya ang paglagok, kita nila ang pagtulo ng alak mula sa bibig ni Laurel, at pare-pareho silang natulala.
"Pucha ang sakit." Ibinagsak ni Laurel ang bote sa lamesa. Naglakad ito papalapit sa kaniya. Sumusuray pa. Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Atlas, alam mo, naiinis ako."
"B-Bakit?"
Laurel smiled at him sweetly as if she was not drunk at all. Lumapit ito sa kaniya at laking gulat niya nang maupo nang patagilid sa legs at ipinalibot ang braso sa leeg niya.
Atlas could smell alcohol from Laurel, especially from her breath. Namumula na ang pisngi nito at mukhang inaantok na rin.
"Kasi . . . why can't I just tell you that I love you? Was it so hard to say it? You told me you love me . . . I could've told you I love you, too! I love you naman, e. Bakit hindi ko masabi 'yun sa 'yo? Can you let me know why?" sabi nito habang nakakandong sa kaniya. Mababa ang boses at malambing pa ang pagkakasabi.
Amira's mouth dropped open.
Nakita ni Atlas na tinakpan nito ang bibig sa gulat ngunit may halong ngiti habang nakatingin sa kanila ni Laurel. Job, too, was shocked with a smile on his face.
It was so awkward that the people around them could feel secondhand embarrassment. The way Laurel caressed Atlas' hair while sitting on his lap, the way her fingers ran through his face, her drunk face, and Laurel's half-hooded eyes.
Job bit his lower lip and smiled while looking at Atlas and Laurel. Nakapalibot ang braso ni Atlas para alalayan ang bigat ni Laurel and Laurel was looking at Atlas' eyes, and they were laughing in silence.
Hindi sila makapaniwala na nagko-confess si Laurel kay Atlas dahil lasing.
"Why can't I tell you I love you? Bakit hindi ko masabi?" tanong ni Laurel habang nakatitig kay Atlas. "Anyway, I'm letting you know, Julian Atlas Legaspi." Ngumiti ito at inihilig ang ulo sa balikat niya. "I love you, just . . . don't laugh. Nakakahiya."
Sandaling napanganga si Atlas sa gulat. Nakayakap pa rin ang braso niya kay Laurel para suportahan ang likod nito habang nakahiga parin ang ulo ni Laurel sa balikat niya.
Amira and Job looked at each other with a grin. Everyone was quiet, not wanting to ruin the moment.
"D-Did I hear it right?" Atlas asked when he finally breathed.
Job smiled and played something. Nakuhanan nito lahat sa video at iniabot kay Atlas. Pinanood niya kung tama ba ang narinig niya.
"Did she just confess while she's drunk?" tanong ni Atlas. "Tangina, sandali . . . this is real?"
"Oo nga, mahal ka raw," sagot ni Amira. "Good luck lang paggising, baka makalimutan. Good luck talaga, Atlas. Pero congratulations! Mahal ka!"
Atlas shook his head and smiled. "And you really needed some alcohol to say that, huh?" he whispered. He could feel her breathing by his neck. "I love you more, miss ma'am."
"I love you, Atlas," Laurel whispered.
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top