Chapter 51

Atlas was staring at Laurel while driving. They were almost at their destination. Two days after that family dinner, his family decided to go to Baler as per his daughter's request.

Walang hinihindian ang magulang niya kay LJ. Their daughter was spoiled.

"I feel like my parents are spoiling LJ too much," natatawang sabi ni Atlas habang nakatingin sa daanan. "No need na humiling ni J, they're giving it to her."

"I am happy." Laurel smiled at him and sighed. "Alam mo bang never kong nakilala ang grandparents ko? They died when I was seven years old, pero never ko silang nakilala kasi . . . hindi na nila tinanggap 'yung parents ko sa bahay nila dahil nga sa nangyari. So, never ako nadala sa kanila."

Tumingin si Atlas kay Laurel. Wala siyang sinabing kahit na ano at gusto niyang hayaan si Laurel na magkuwento.

"I am happy for LJ. Kahit na late na rin niya nakilala 'yung family mo, at least she had a chance to meet them." Malalim na huminga si Laurel. "Medyo nalungkot din ako sa part na naging madamot ako, naging matigas, na hindi na nakilala ng anak natin 'yung mama ko."

Anak natin.

For some reason, Atlas' heart skipped a beat upon hearing Laurel say those words, pero hindi siya nagpahalata. He just smiled and didn't say anything.

Atlas thought that it was actually good that Laurel started talking about herself more kaysa noon. Hindi rin niya magawang magtanong dahil ayaw niyang bigyan ito ng rason para umiwas.

He hated seeing Laurel dodge anything especially when it was about her past. Hindi rin naman niya ito masisisi. Ayaw niyang pilitin si Laurel sa kahit anong hindi nito gusto. He needed to be more careful and sensitive.

Atlas just decided to let everything flow and fall into place.

Nang makarating sila sa Baler, kaagad silang sinalubong ni Jude na hindi tumanggap ng clients para sa surfing tutorial para sa kanila. Naghihintay ito sa parking area nang sabihin niyang malapit na sila. Isa-isa niyang ipinakilala ang pamilya niya.

"And this is Laurel." Nilingon ni Atlas si Laurel. "Ready na ba lahat ng villa for us?"

Tumango si Jude at inilahad ang kamay kay Laurel. "Nice to meet you, Miss Laurel. I'm Jude Laforteza. I'm the owner of this resort. Sana mag-enjoy kayong lahat and Atlas mentioned that you guys live in Hawaii, by the beach."

Nilingon ni Atlas si Laurel at tiningnan kung ano ang magiging reaksyon nito habang nakatingin kay Jude. Naalala niya si Amira na halos hindi nakapagsalita.

Si Laurel, nagtanong pa. Pinag-usapan ng dalawa ang tungkol sa mga surfer at tumigil lang nang tumakbo si LJ papalapit sa kanila.

"This one's LJ, our daughter," pakilala ni Laurel kay Jude.

Atlas smiled. It felt nice to hear it directly from Laurel.

"Really?" Biglang sumulpot ang batang lalaki. Kamukhang-kamukha ito ni Jude. Lumapit ito sa kanila. "Good morning, miss. I'm Koa. I love the beach din po. If you need a tour guide, puwede po ako."

"Of course!" Laurel happily uttered.

Ngumiti ang batang lalaki at tumingin kay LJ. Inilahad nito ang kamay sa anak nila, kaagad niyang siniko si Atlas nang makita kung paano ngumiti ito.

"Hi, I'm Koa Martiel Laforteza," anito habang nakatingin kay LJ.

LJ smiled. "I'm Laureen Juliana Alcaraz."

"Legaspi." Atlas smiled. "Soon, you will be a Legaspi."

Nagkatinginan sila ni Laurel at tipid na ngumiti. Sumunod sila kay Koa na nagsimulang mag-tour. Natuwa sila dahil napakadaldal nito at iniisa-isa pa ang bawat lugar sa resort. Tahimik ang ama nitong nakangiti sa gilid habang pinakikinggan ang anak.

"Do you wanna swim? We have a huge pool if you don't like the beach. The waves are strong right now." Hinarap sila ni Koa. "But the pool is newly cleaned po, so you won't have to worry. Also, I live here, too. If you need a playmate, I can play with you," anito kay Laureen.

Lahat sila, may kaniya-kaniyang villa. Maganda ang lugar. Bukod sa mga villa, may hotel din para sa gusto ng simpleng kuwarto. Dumating na rin sina Job at Patrick at magkakatabi lang ang villa nila.

"Medyo kinakabahan ako, Atlas," ani Laurel na kaagad pumukaw ng atensyon niya. Naupo siya sa tabi nito, sa hagdan ng villa, habang nakatingin kay Laureen na nakikipaglaro sa mga pinsan.

"Bakit?"

Humugot ng malalim na hininga si Laurel. "Mukhang mahihirapan ako kay Laureen kapag naisipan ko nang bumalik ng Hawaii. Mukhang . . . magkakaroon kami ng iyakan." Itinuro nito ang anak nilang nakikipaghabulan. "Look at her? Tingin mo, gugustuhin niyang umalis dito sa Pilipinas knowing na it's happier?"

Pareho silang natahimik dahil napaisip na rin si Atlas tungkol sa sitwasyong iyon. Sa nakikita niya, nag-e-enjoy si LJ sa Pilipinas kasama ang pamilya niya.

Kauusapin na rin sana niya si Laurel tungkol sa napansin niya ngunit nauna na ito.

Nagpaalam si Laurel na aayusin na muna ang mga gamit sa kuwarto at ganoon din siya. Tatlong cabin ang pagitan nila, pero walking distance lang naman. Sa gitna kasi nila ang cabin ng parents ni Atlas ng ate niya.

Mula sa hagdan ng sariling cabin, pinanood ni Atlas ang anak niyang gumagawa ng sand castles kasama ng mga pinsan nito habang binabantayan ng parents nila.

"Mukhang mahihirapan kayong umuwi, ha?" Si Patrick iyon na papalapit sa kaniya. Naupo ito sa hagdan tulad niya. "Tuwang-tuwa si Laureen, e."

"We're already thinking about it," sagot ni Atlas. "Pareho kami ni Laurel na hindi alam kung ano ang gagawin."

Nilingon siya ni Patrick. "Wala ba kayong plano na mag-stay rito sa Pilipinas?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Atlas at ibinalik ang tingin kay LJ. "Hindi pa kami nagkakausap ni Laurel about it. I might open the topic soon, kapag nakakuha ako ng tiyempo na kaming dalawa lang."

Nag-agree si Patrick sa sinabi niya, pero hindi na ito nagsalita. Pareho silang tahimik. Sa magkakaibigan, silang dalawa ang hindi gaanong nagsasalita ngunit sa pagkakataong iyon, alam ni Atlas na malalim ang iniisip nito.

Hindi nagtatanong si Atlas sa mga ganoong bagay. Kung gusto namang sabihin sa kaniya ni Patrick, sasabihin nito nang hindi siya nagtatanong.

Instead of asking, he quietly admired his daughter who was laughing, running, and enjoying. Mukhang matindi nga ang pagdaraanan nila ni Laurel bago makauwi sa Hawaii.

Nang magpaalam si Patrick na pupuntahan si Job na nasa cabin ni Laurel, pinuntahan naman ni Atlas ang parents niya.

"Atlas." Nilingon siya ng mommy niya at malalim na huminga. "How are you? Magkasama tayo sa bahay, pero hindi tayo masyadong nagkakausap."

Natawa si Atlas at nilingon ang mommy niya. "Pa'nong hindi, Mommy? You're so into my daughter."

Sabay-sabay silang tumingin sa mga batang naglalaro sa harapan nila. Pati ang daddy niyang komportableng nakahiga sa reclined chair ay natawa.

"Pinapalipat na nga ako ng mommy mo sa guest room kasi gusto niyang katabi lang si LJ. Baka raw kasi aalis na kayo sa mga susunod, e," sabi ng daddy niya. "Pero, Julian, kelan n'yo ba balak umalis?"

Umiling si Atlas. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Laurel. She's still considering LJ. Natutuwa raw kasi, e."

"I hope you'll stay longer," sabi ng mommy niya. "Kumusta ba si Laurel, Julian?"

"She's too reserved and secretive, but I hope she's better," sagot ni Atlas. "Hindi rin naman ako nagtatanong, Mom. I'm there for her, but I don't wanna push her to tell me if she's uncomfortable."

Nilingon siya ng mommy niya at ngumiti. Walang kahit na anong sinabi, basta lang na ngumiti at tumayo papunta sa mga apong naglalako sa may dagat.

Dumating ang ate niya at inabutan siya ng mango shake galing sa hotel. Naupo ito sa tabi niya at pare-pareho nilang pinanood ang mga bata.

"Na-meet mo na ba 'yung daddy ni Laurel?" Tumingin sa kaniya ang ate niya. Nagulat siya dahil out of nowhere ang tanong nito. "Curious lang ako."

"Once. Bago ako pumunta sa Hawaii, nag-reach out siya sa 'kin. Nagkausap kami sandali," ani Atlas.

"Curious ako noong nalaman ko kung sino ang family ni Laurel," sabi ng ate niya. "Huwag kang magalit, ha? I searched lang naman."

Nilingon niya ang ate niya. "Ikaw talaga, Ate," aniya at ibinalik ang tingin sa dagat.

"What? I was curious. Don't tell me, hindi ka nag-search?" tanong ng ate niya.

Umiling si Atlas at uminom mula sa basong hawak. "Nope."

"Seriously? Kahit curious ka?" His sister frowned, and he shook his head in response. "Wow. Okay."

Hindi sumagot si Atlas at tahimik lang na nakatingin sa kung saan. Wala siyang balak magtanong, wala siyang balak alamin kung ano ang nasa internet. Hihintayin niyang si Laurel na mismo ang mag-open tungkol doon.

Kinagabihan, pinuntahan ni Atlas si LJ sa kuwarto ng ate niya dahil natulog itong kasama ang mga pinsan. Ni hindi mapaghiwalay ang magpipinsan. Hinalikan niya sa noo ang anak na sobrang pagod dahil walang tigil sa kalalaro.

Papasok na sana siya sa sariling cabin nang makarinig ng tugtog, bukod pa roon, nakita niya si Laurel na nakaupo sa beach inclined chair. Nakasando at shorts lang ito, samantalang siya, naka-T-shirt dahil medyo may kalamigan ang hangin. Nililipad rin ang mahabang buhok nito, pero walang epekto.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya at naupo sa kabilang upuan. Nakita niya ang pamumula ng braso ni Laurel Nag-enjoy ka ba kanina? Medyo nagka-sunburn ka na."

"Medyo matagal akong nagbabad sa araw kanina, kaya ayun. Pero oo, nag-enjoy ako. Sumakit lang 'yung katawan ko kasi ang lakas ng alon. Ibang-iba r'on sa lugar natin sa Hawaii." Laurel smiled. "So, tulog na ba si J?"

Tumango si Atlas. "Oo, katabi niya si Jaira."

Pareho silang nakatingin sa madilim na dagat, nakikinig sa bawat hampas ng alon, tugtog mula sa phone ni Laurel, at sa ilang punong pumapagasgas dahil sa malakas na hangin. Mukhang malalim ang iniisip ni Laurel at ayaw niyang manggulo.

Gusto lang niyang mag-stay roon kasama si Laurel.

"Ilang years na palang kasal parents mo?" tanong ni Laurel. Niyakap nito ang sarili at nakapatong ang baba sa tuhod bago tumingin sa kaniya. "They seemed so happy."

"Thirty-nine years," sagot niya at ngumiti. "Ideal relationship ko parents ko. Imagine, tumagal sila nang gano'n? Iniisip ko na sana, kung sakali, magse-celebrate rin ako nang gano'n katagal."

Tumingin sa kaniya si Laurel. "Did . . . wait, kung mao-offend ka sa tanong ko, you don't have to answer. I just wonder kung . . . may pagkakataon bang nag-cheat ang daddy mo sa mommy mo?"

"To be honest, hindi ko alam kasi walang naging gano'ng issue ang parents ko. Hindi ko alam kung silang dalawa na lang. We'll never know since some parents keep the problems to themselves to protect their children. Pero sa pagkakaalam ko, walang naging issue ang parents ko sa gano'n."

Nag-iwas ng tingin si Laurel sa kaniya. "N'ong bata pa ako, naiisip ko na sana, hindi na nagkita ulit 'yung parents ko para hindi na sila nakasakit. Nakita ko kasi kung gaano kagalit ang mga kapatid ko both sides sa nangyari sa kanila. Nakita ko kung gaano kagalit ang asawa ng mama ko, ang asawa ng papa ko . . . na parehong nag-decide na huwag ipawalang bisa ang mga kasal, para forever kabit ang isa't isa."

Nilingon ni Atlas si Laurel. Kaparehong posisyon, yakap ang tuhod habang nakapatong ang baba roon.

"Kaso, kapag naaalala ko kung gaano kasaya ang mama at papa ko sa tuwing magkasama sila, parang gusto ko na lang hayaan na maging masaya rin sila. I was torn, galit ako sa kanila, but a part of me wanted them to stay together. I saw how my papa cared for Mama. I saw how he hugged her, how he kissed her, how they danced as if there was no one else in the world. Sa tuwing magkakahiwalay sila, pag-uwi, akala mong ilang taon silang hindi nagkita?" Mahinang natawa si Laurel, pero pinunasan nito ang mukha.

Atlas could hear the pain in Laurel's voice.

"My papa would hug Mama after a long day. He would whisper I love you, I miss you, how was your day, let's date tomorrow, something like that." Tumingin sa kaniya si Laurel. "Naisip ko n'on, how can they be so happy knowing the pain they inflicted on others? Pero naalala ko 'yung sinabi ni Papa sa eulogy ni Mama. Knowing that everyone was there? Papa's legal wife, Mama's legal husband, their kids, everyone.

"Papa said that it was wrong, but he loved her. He loved Mama, and she would always be the one. His only one." Laurel's sniffs turned into sobs. "Galit na galit 'yung mga kapatid ko kay papa n'ong araw na 'yun. I ended up crying, hugging my papa 'cos they were arguing, they were all fighting kung kanino mapupunta 'yung ashes ni Mama. Mama's side of the family wanted to take it, but my papa didn't want to let go of Mama."

Lumipat si Atlas sa upuan ni Laurel. Ipinahilig niya ang ulo nito sa balikat niya habang nakaakbay siya at hinahaplos ang balikat nito.

Iyon ang unang beses na mag-o-open up sa kaniya si Laurel, fully.

"My papa," Laurel paused and sobbed like a kid, "my papa kneeled to keep my mama. It was painful to watch everyone shouting at him while kneeling and crying. My papa was powerful. He was a governor, but that night, my mama's last night, he was just a man begging to keep the love of his life with him."

Atlas hugged Laurel tight. "But . . . why did you decide to leave your papa behind?" he asked. "We met, Laurel, before I went to Hawaii, and he begged to see me."

Tumingin sa kaniya si Laurel. Magkasalubong ang kilay nito at nagtatakang nakatitig sa sa kaniya.

"W-What?"

"Gusto niya akong makausap. He asked to see your latest picture because he missed his baby bunso." Atlas smiled at Laurel. "Sorry, pinakita ko sa kaniya 'yung picture mo. Also, I noticed, ilang beses na tayong nagkakasama na tumatawag siya sa 'yo, but you kept on ignoring his calls. He may not be the best person, hindi man naging mabuti ang nakaraan, but he's still your father."

Nakita ni Atlas ang pamumuo ng luha ni Laurel at sabay pa iyong bumagsak mula sa magkabilang mga mata nito kasunod ng hagulhol na hindi na pinigilan.

"Sinabi niya sa 'kin na ikaw lang ang nag-iisang memory niya galing sa nag-iisang babaeng minahal niya. Ikaw lang, pero hindi niya pipiliting patawarin mo siya." Atlas kissed the side of her forehead. "You don't force forgiveness, Laurel. Forgive when you're able. Let go of the pain if you're ready, then face it before it's too late."

Kinagat ni Laurel ang ibabang labi. "I'm . . . I'm not yet ready to face him. Sinisisi ko pa rin sila sa nangyari sa buhay ko, maybe in time . . . I'll see him."

Atlas nodded. "Of course, wala namang pilitan. It's your own decision, and he loves you. He will wait for you, that's for sure."

Pinunasan ni Laurel ang pisngi. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na nagkita kayo ni Papa?" tanong ni Laurel.

"Hindi naman importante 'yun. He just . . . wanna see your latest picture. Kayo ni LJ. He just wanna know if you're okay. Gusto lang niyang malaman kung maayos ba 'yung buhay mo at kung kumakain ka raw ba nang maayos," sagot niya. "Hindi ko siya masisisi. I am a father myself. Kahit ako, mag-aalala sa anak ko."

Laurel smiled. "I miss my mama and papa. May mga desisyon sila noon na hindi ko gusto, na hindi ko maintindihan. Ngayong mommy na rin ako, I realized that some of their decisions were for my own good. Nasakal lang talaga ako."

"You like being choked, Laurel," Atlas teased.

Laurel shook her head. "Atlas, you're horny."

"I am," pag-amin ni Atlas dahil totoo naman. "But . . ." hinawakan niya ang kamay ni Laurel, "let's put a ring first."

Natawa si Atlas nang bawiin ni Laurel ang kamay at masama siyang tinitigan.

"Ring pinagsasasabi mo."

Laurel stood up, but he was fast enough to grab her hand and pulled her to his lap. He hugged her tight, not wanting to let go.

"Let me go, Atlas," Laurel murmured.

Atlas sighed and shook his head. He rested his chin on Laurel's shoulder. He could even smell her perfume. "I love you, miss ma'am. I can't wait to celebrate anniversaries with you."

"Atlas, anong anniversaries? Wala tayong label," sagot naman ni Laurel, hindi man lang marunong magsinungaling. "Mga pinagsasasabi ni Atlas."

"Then let's put a label!" he exclaimed.

Laurel stared at him for a mere second and bit her lower lip. "Atlas, h-hindi pa ako ready sa ganiyan."

Ngumiti si Atlas at tinanggal ang buhok nitong nakaharang sa mukha. Tinitigan niya ang mukha ni Laurel, matagal na matagal.

"Bakit ganiyan ka makatitig?"

"Tama 'yung sinabi ko years ago." Atlas chuckled. "Ang hirap mong mahalin. Sinabi ko noon na ang malas ng lalaking magmamahal sa 'yo kasi ang hirap mong mahalin. Pucha, ako pala 'yun."

Mahinang natawa si Laurel. "Ikaw kasi, e. Sa dami ng babae, ba't ako?"

"Ewan ko ba. Hirap mong kalimutan."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys