Chapter 50
Ilang beses tinanong ni Atlas si Laurel kung ayos ba talagang sa bahay ng parents niya sila tutuloy paglabas ng mommy niya sa ospital. Pumayag ito, pero siya mismo ang kabado.
Mahigit isang linggo na rin sila sa Pilipinas at hindi pa niya alam kung ano ang plano ni Laurel tungkol sa pagbalik nila sa Hawaii.
Hindi makatulog si Atlas dahil iniisip niya si Laurel. Alam niyang hindi ito komportable sa isang bahay na maraming tao at ganoon ang sitwasyon nila sa kasalukuyan. Alam din niyang pinagbibigyan lang nito ang request ng pamilya niya dahil gusto rin ng anak nila.
Naisipan niyang pumunta sa kusina para sana kumuha ng maiinom nang makarinig siya ng mahinang nag-uusap mula sa garden na nasa right side ng kusina.
Si Laurel iyon at ang mommy niya na parehong sumisimsim ng kape.
Tahimik siyang lumapit. Hindi naman niya intensyong makinig, pero nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito, sumandal siya sa gilid.
"Huwag mong intindihin si Atlas," narinig ni Atlas na sabi ng mommy niya. "Kung hindi siya ang lalaking magpapasaya sa 'yo, Laurel, maiintindihan niya 'yun. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa bagay na hindi ka comfortable."
Yumuko si Atlas. Gusto niyang malaman ang naunang pinag-usapan. Bakit ganoon ang sinasabi ng mommy niya? Hindi ba talaga komportable si Laurel sa kaniya?
Maraming tumakbo sa isip ni Atlas at nagpatuloy sa pakikinig.
"Sa pagkakataong ito, huwag kang mag-adjust para sa ibang tao. This time, learn to decide based on the things you want the most." Mahabang katahimikan. Gustong sumilip ni Atlas, ngunit nanatili siyang nakasandal sa pader, sa dilim, ngunit may bahagyang liwanag na nangagaling sa kusina, at nakinig. "Thank you for raising LJ well, Laurel."
Bumigat ang pakiramdam ni Atlas. Pumasok ang mommy niya at nakita siya. Imbes na magsabi ng kahit na ano, dumiretso na ito papunta sa hagdan na parang walang nakita.
Mula sa kinatatayuan, narinig niya ang mahinang pagsinghot hanggang sa mapalitan iyon ng hagulhol. Mahina, pero sapat na para marinig niya.
Nanatili si Atlas sa kinatatayuan. Hinihintay niya si Laurel nang makitang naglakad ito palabas ng bahay. Medyo madilim pa. Madaling-araw pa lang kaya hindi niya alam kung saan ito pupunta.
Kinabahan siya sa posibleng sinabi ng mommy niya para umiyak nang ganoon si Laurel. He knew Laurel too much and she wouldn't cry like that.
Tahimik siyang sumunod kung saan pupunta si Laurel. Mabuti na lang at madilim pa kaya hindi siya nito napansin. Nag-observe lang siya at maingat ang bawat paggalaw.
Maingat pang isinara ni Laurel ang gate bago tuluyang naglakad palayo.
Hindi kaagad sumunod si Atlas. Ayaw niyang mas lalong mailang si Laurel dahil kilala na niya ito na biglang magbabago ng reaksyon kapag nakita na siya. Ngingiti na rin na para bang walang ibang dinadamdam na iba.
Isinuot ni Atlas ang hoodie sa ulo nang maramdaman niya ang ginaw samantalang si Laurel, nakasuot ng jogger pants at simpleng puting T-shirt.
Medyo malayo ang pagitan nila, pero nakasunod si Atlas.
Dumiretso si Laurel sa park at naupo sa swing at hindi alam ni Atlas kung magpapakita ba siya, pero hindi siya aalis para iwanan itong mag-isa.
He knew that the subdivision was safe, but he wouldn't want to risk anything.
Atlas leaned on the wall. It was hidden from Laurel's view, but he could see her. Seryoso itong nakatingin sa kawalan, sa papasilip pa lang na araw dahil nag-iiba na rin ang kulay ng kalangitan.
Tulad noon, palaging iniisip ni Atlas kung ano ba ang nasa isip ni Laurel. There was fear on his part because he was clueless until he decided to finally show up.
Nagtama ang tingin nilang dalawa.
"Ginaw na ginaw, a?" Laurel smiled at him as if she didn't cry. "Ang aga mong nagising."
Nakapasok ang kamay ni Atlas sa harapang bulsa ng hoodie niya. "Ikaw? Ang tanong . . . natulog ka ba?"
Umiling si Laurel. "Hindi pa. Nagsulat kasi ako kaninang madaling-araw, saka medyo namamahay rin ako. Ang cool pala ng room mo dati, ang dami mong posters!"
Naglakad papalapit si Atlas kay Laurel at naupo sa katabing swing. Mula sa inuupuan nila, kita ang bakanteng lote na maroong puno at sumisilip na ang araw.
"Ikaw? Ano'ng itsura ng room mo noon? Siguro, para kang prinsesa?" Nilingon niya si Laurel at mahinang dumuyan. "Ano'ng kulay ng room mo n'on?"
"Pink." Laurel gazed at him softly with a subtle smile. "Gusto ko n'on ng aquatic blue, kaso gusto ni Mommy ng pink kasi girl daw ako. Doon ko na-realize n'on na may ilang tao pala, may gender preference or something. Mommy sees light colors are meant for girls, gano'n."
Mahinang natawa si Atlas. "Well, our daughter loves pink."
"Hindi ko naman pinigilan si Laureen sa mga gusto niya. She can do whatever the hell she wants as long as hindi siya napapahamak," pagpapatuloy ni Laurel at ibinalik na ang tingin sa kung saan. "As long as she's happy, I'll be happy."
Atlas smiled and looked at Laurel, who was staring at nowhere. Mabagal ang paduyan ng swing nilang dalawa.
"You're a great mom, Laurel. Base sa pagpapalaki mo kay LJ. Nakakalungkot lang na wala ako sa tabi mo, but seeing how LJ grew into someone admirable, I wanna commend you," ani Atlas.
Tahimik lang ang paligid. Halos naririnig nila ang ilang kulisap na nasa paligid, hindi na rin nagsalita si Laurel.
Atlas didn't want to push Laurel to talk or open up. Ayaw niyang magkaroon si Laurel ng dahilan para iwasan siya. Gusto niyang bumalik sila sa dati kung saan comfortable lang ang lahat.
Sapat na sa kaniya na magkasama silang dalawa kahit hindi nag-uusap. Ang mahalaga, maramdaman nitong hindi ito nag-iisa.
"Alam mo, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa buhay ko." Ngumiti si Laurel sa kaniya.
"Huwag mo pilitin 'yung sarili mo, Laurel. Darating 'yung time na malalaman mo rin 'yan, pero let it flow. Just go with the flow and I know you'll be happy with whatever your decision will be."
Biglang naalala ni Atlas ang narinig niyang sinabi ng mommy niya kay Laurel.
"K-Kahit na . . . kahit na . . . mag-decide kang hindi talaga ako, hindi mawawala 'yung suporta ko sa 'yo bilang mommy ni LJ." Ngumiti siya kahit ayaw niyang sabihin iyon. "Mahalaga 'yung happiness mo."
Nilingon siya ni Laurel. Suminghot ito at mahinang humikbi. "Bakit ganiyan ka, Atlas?"
Tumayo si Atlas at lumuhod sa harapan ni Laurel. Kita niya ang basa sa pisngi nito mula sa pag-iyak. Hinaplos niya at pinunasan ang mukha nito.
"Bakit ano?"
"Bakit . . . kahit na ang drama ng buhay ko, hindi ka umaalis?" Muling humikbi si Laurel.
Ngumiti si Atlas. "N'ong panahon bang ako 'yung down, ako 'yung wala sa wisyo, wala sa direksyon, umalis ka ba sa tabi ko? Sa pagkakaalala ko n'on, isang tawag ko lang sa 'yo, bibiyahe ka from Baguio to Manila. Six to seven hours, depende, para lang sabihin sa 'kin na okay lang ang lahat. Magpahinga muna ako, huminga muna ako."
Tahimik lang si Laurel na nakatingin sa kaniya.
"What we had years ago, it wasn't just about sex. Yes, no doubt, sex was incredible, pero 'yung companionship na nabuo natin, kahit na ayaw nating aminin na naging magkaibigan talaga tayo? It was something na hindi ko mahanap sa iba. Everyone was feeding me toxic positivity, while you? You showed me the reality."
Naramdaman ni Atlas ang hikbi ni Laurel, bumagsak din ang sarili niyang luha habang nakatitig sa maamong mukha nito. Tinanggal niya ang ilang buhok na nakaharang sa mukha ni Laurel at ngumiti.
"Hindi ko makalimutan 'yung sinabi mo noon." Ngumiti siya. "Magiging mahirap ang lahat, aayawan ka ng ibang tao, iiwanan ka nila, but rest assured I'll be here. One call away lang ako and I will support you." Hinaplos ni Atlas ang pisngi ni Laurel. "Kahit na pakiramdam ko n'on may limit ang lahat, pinanghawakan ko na nasa tabi lang kita, kasi alam kong magkaibigan tayo."
"Atlas." Laurel smiled at him but nothing.
Atlas sighed. "When you left, everything became negative. Tuwing pagod na ako, they would say think happy thoughts, look at the brighter side, you'll get over it." Umiling siya. "Tangina, na-miss ko 'yung sasabihin mo lang sa 'kin na it's okay to feel that, let's sleep? Tapos hihiga lang ako sa tabi mo, knowing na gigising akong nandoon ka.
"Until one day, you decided to leave. Hindi kita mapigilan, kasi wala akong right, but if I could, I would stop you from going," dagdag ni Atlas. "It was painful, not because I love you, but because I feel like I lost a friend who became my wall."
Mabagal na umiling si Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Atlas, I am a weak wall for you to lean on."
"I know." He warmly smiled and caressed Laurel's cheek. "The main reason why I want to be the support whenever you feel like losing it, Laurel. I want you to lean on me, too."
"Atlas." Yumuko ito, pero walang sinabi.
Atlas was about to say something when Laurel leaned forward and kissed his lips. He was frozen for a second but he kissed Laurel back.
It had been eight years, but the feeling of kissing Laurel was still the same. Kung puwede lang na hindi bumitiw, gagawin niya, but before he could even move, Laurel let go of the kiss and was actually looking shocked.
"Hala."
Atlas smiled while looking at Laurel's innocent face as if it was her first kiss.
"You taste like coffee, ma'am."
"Dapat bumitiw ka." Inayos ni Laurel ang buhok. "Dapat hindi ka pumayag!"
"Ba't ako bibitiw, eight years na 'yung last. Isa pa nga?"
Umiling si Laurel. "Accident lang 'yun."
"Accident? May tumulak ba sa 'yo para halikan ako?" Atlas smirked. "I miss that, Miss Ma'am."
Laurel smiled at him. "Gagi, eight years na akong walang kiss, ha!"
"Kiss lang?" he teased.
"Stop."
—
Two weeks after the kiss, Laurel had been distant. Atlas could feel it. Kinakausap pa rin naman siya, pero madalas na hindi na sila naiiwan nang silang dalawa lang.
Pero mukhang hindi nakikisama ang pamilya niya at mismong si LJ dahil habang papunta sa isang hotel para sa dinner, sa kotse niya sasakay si Laurel at dalawa lang sila.
Gusto ni LJ na sumama sa kotse ng mommy niya dahil naroon ang mga pinsan. Nasa tapat na sila ng bahay at naghihintay.
"Si LJ, doon na raw siya sa kotse ng parents mo?"
Nilingon niya si Laurel. Iniiwasan niyang tumitig kaya ibinalik niya kaagad ang tingin kay LJ na masayang nakikipag-usap sa mga pinsan.
Laurel was currently wearing an emerald, fitted dress that hugged her curves. Lagpas tuhod naman iyon, pero sleeveless.
Nakabagsak din ang mahabang buhok nito at nakahati sa gilid. May kaunting makeup, pero mas nangibabaw ang red lipstick na suot nito.
"Ayaw sumakay ni LJ kasabay natin, doon daw siya kina Mommy," natatawang sabi niya. "Let's go?"
Laurel nodded. Nauna itong sumakay sa sasakyan niya dahil siya ang nahuli para siguraduhing naka-lock na ang bahay nila. Pagpasok niya, hindi siya nagkamali nang manuot ang amoy ni Laurel sa loob ng sasakyan niya.
It was seven in the evening, and both had to stay quiet.
Parehong tahimik nang tumugtog ang isang kanta. It was chill and Atlas' fingers started tapping the steering wheel. It was "Nangangamba" by Zack Tabudlo.
Bigla niyang naalala ang nangyari walong taon na ang nakalipas, kung paanong hindi niya alam kung paano aaminin kay Laurel ang lahat hanggang sa umalis na ito.
Maraming pagsisisi ilang taon na ang nakalipas, pero hindi na maibabalik ang kahit ano roon. Sa kasalukuyan, hindi pa rin niya alam ang mangyayari.
Mahirap mahalin si Laurel, iyon ang nag-iisang bagay na sigurado siya.
"By the way," basag ni Laurel sa katahimikan, "gusto ko palang itanong kung may balak ka pa bang bumalik sa Hawaii? May mga kailangan na rin kasi akong asikasuhin doon. 'Yung schooling pa ni Laureen. Dapat dalawang linggo lang 'yung absences niya, kaso almost one month na tayo rito sa Pilipinas."
Nang huminto sa red light, nilingon ni Atlas si Laurel. Naninibago siyang mayroon itong makeup . . . pero ang ganda.
Mayroon o wala, maganda talaga.
"If you wanna stay for your mom, go ahead." Laurel smiled at him. "Kaso, baka mauna na kami ni Laureen. We need to go back to Hawaii."
"Sabay-sabay na tayong babalik ng Hawaii. I was about to ask you, too, kauusapin ko na rin si Mommy talaga na kailangan na nating bumalik ng Hawaii. Hindi naman ako papayag na kayo lang ni LJ," ani Atlas. "Don't worry, okay lang kay Mommy."
Laurel nodded and didn't say anything.
Pagdating sa hotel, as expected, maraming nakatingin sa kanila dahil kilala pa rin siya. Nauna na rin kasing makarating ang pamilya niya dahil na-stuck pa sila sa traffic.
Sa valet paring pa lang, naglingunan na ang lahat dahil sa mga bulungan. Atlas wanted to hide Laurel, but seeing her confidently walk with him, he let everyone see her.
Sanay si Atlas sa tingin ng iba, pero kay Laurel siya nakatingin. Lumapit pa siya at ipinalibot ang kamay sa baywang ni Laurel. He was ready if she protested, but didn't.
Instead, Laurel softly gazed at him with a subtle smile.
They walked together. Buffet style ang buong restaurant. Maraming pagkain at medyo marami ring tao . . . and they didn't care.
"By the way, gusto mong pumunta ng Baguio? 'Yung bahay r'on, nandoon pa rin naman. Hindi ko naman binebenta 'yun, may caretaker lang. Kung gusto mo, we can visit Baguio bago tayo bumalik sa Hawaii," sabi ni Atlas. "Lalo nabitin naman 'yung time n'ong nag-strawberry picking kayo ni Laureen."
Tumango si Laurel at tipid na ngumiti. Nandoon na lahat at nagsisimulang kumain. Nag-volunteer na rin si Atlas na siya na ang kukuha ng pagkain ni Laurel dahil naglambing bigla si Laureen sa ina.
Atlas got the foods he thought Laurel would enjoy.
Naningkit ang mga mata niya nang makitang sinubuan ni LJ si Laurel ng cake sa sarili nitong pinggan.
"Here you go." Ibinaba niya ang pinggan. "Oh, I also got your mommy some cake!"
Nagtawa si Laurel at tumingin sa kaniya. "Ay, may competition ba?"
Ngumiti lang si Atlas at naupo na rin sa tapat ng mag-ina niya. Nasa isang mahabang table silang buong pamilya. Pina-reserve ng ate niya ang nasabing dinner dahil pare-parehong gustong lumabas.
Natigilan siya nang makita si Laurel na nakatingin sa parents niya kaya sinundan niya ito ng tingin.
Hinihiwa ng daddy niya ang salmon ng mommy niya sa maliliit para maging bite size. Sakto ring hinalikan ng daddy niya ang mommy niya sa gilid ng noo na masayang nakikipag-usap naman sa mga apo.
"Gusto mo pa ba?" tanong ni Atlas kay Laurel para mabaling ang atensyon nito sa iba. Nakatusok kasi ang tinidor nito sa isang dessert. "Ikukuha kita. Nag-aaya si LJ umikot, e."
"Oo, pero ako na ang kukuha." Pinilit ni Laurel ang ngumiti. "Magiikot-ikot na rin muna ako. Parang may iba pang pagkain doon, e."
Tumango si Atlas at sinundan ng tingin si Laurel bago niya ibinaling ang atensyon kay LJ.
Inaaya niya ang anak na mag-ikot lalo sa sweets. Kumuha sila ng marshmallows, chocolates, at nagpagawa pa si Atlas ng personalized ice cream. Nagpalagay siya ng KitKat at almonds sa vanilla dahil paborito iyon ni Laurel.
Habang naglalakad, nakita niya si Laurel na may lalaking kausap. Nakangiti ang dalawa at mukhang nagkukumustahan.
The man was a professional basketball player. It was Kevin Torres. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Laurel na mayroon itong ex-boyfriend na nasa professional league ngunit kahit kailan, hindi siya nagtanong.
Huminto sina Atlas at LJ sa counter ng pasta dahil gusto ng anak niya ng baked macaroni at pinadagdagan ng cheese.
Masayang nag-uusap ang dalawa nang tumigil dahil may babaeng lumapit na parang susugod o ano . . . at hindi siya nagkamali.
"Hindi ka pa ba kuntento sa paghihiwalay nina Atlas Legaspi at Amira Del Real na pati 'tong asawa ko, kasabay mo talagang maglakad?"
Nagulat si Atlas. Gusto niyang lumapit, pero alam niyang kaya ni Laurel. Nilingon niya ang ate niya.
"Hey, babe, it's nothing. We're just catching up," sabi ng lalaki. "She's my college ex-girlfriend and—"
"And that's supposed to help?" sagot ng babae.
Nilingon ni Atlas si LJ na nakatingin kay Laurel. Hindi niya alam ang gagawin. Kinuha niya ang atensyon nito habang nagkakaroon ng diskusyon at sinabing kumuha pa ng marshmallows para sa mga pinsan dahil kulang.
Atlas heard words, and he wanted to intervene.
"Please what? Hindi mo ba alam na home-wrecker 'yang ex-girlfriend mo? She was all over the news two years ago for having a kid and Atlas Legaspi's mistress. Tapos makikita kong magkasama kayo?"
Nakita ni Atlas kung paanong ngumiti si Laurel, naka-side view ito, pero kita niyang naningkit ang mga mata nito. "Hey, don't worry, walang something sa amin ni Kevin. We just happened to bump into each other. It was years ago and we're just catching up. Don't worry, he's yours."
"Dapat lang alamin mo 'yung lugar mo," sabi ng babae. "Once a home-wrecker, always a home-wrecker. Like her parents."
Kaagad na hinawakan ni Kevin Torres ang braso ng babae at nilingon si Laurel. "Aly, I'm sorry."
"No worries." Atlas saw Laurel smile. "I understand."
Maraming nakakita, maraming nakarinig ngunit narinig ni Atlas na humingi pa ng tawad si Laurel sa pamilya niya nang makaupo ito.
Atlas saw his daughter walking toward him with a smile. He held LJ's hand and happily went straight to the table.
Laurel had no idea he saw everything, heard everything.
Nakatingin ito sa kanila ni LJ habang papalapit na mayroong ngiti sa mga labi, na parang walang nangyari, na parang walang pakialam sa mga sinabi ng babae.
Pag-upo ni Atlas, biglang nag-open ng topic ang mommy niya tungkol sa swimming dahil baka nami-miss na raw ni LJ ang beach.
"Can we go to the beach po? Please? I can show you how I can build sand castles perfectly," pagmamalaki ni LJ na ikinuwento pa ang ginagawa sa Hawaii.
"Sige! Saan ba may maganda?"
Nilingon ni Atlas si Laurel na nakangiti at nakikinig. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Sa Baler, 'di ba, Atlas, sabi mo maganda?" tanong ng kuya ni Atlas. "Sakto, gustong matuto ni Lili mag-surf! Puwede ba r'on?"
Tumango si Atlas. "Oo, may contact din ako r'on. 'Yung may-ari ng hotel na tinutuluyan namin doon, naging trainer ni Amira sa surfing, puwede r'on. Let me know if tuloy, para matawagan ko siya and we can reserve some villa."
"Sige!" Tuwang-tuwa ang mommy niya. "Let's go! I wanna go to the beach, too, with my apos!"
They enjoyed the dinner and had time to talk about things. Nagtatawanan sila at ganoon din si Laurel. Nakangiti ito, pero alam ni Atlas na malamang ay iniisip nito ang nangyari.
Nang matapos ang dinner, akala nila sasabay na sa kanila si LJ, pero nakiusap ang ate niya kung puwede bang mag-sleepover ang anak nila. Pumayag si Laurel kaya silang dalawa lang ulit.
Imbes na ipakuha sa valet ang sasakyan, inaya siya ni Laurel na maglakad na lang papunta sa malawak na open parking ng hotel.
"Atlas," kuha ni Laurel sa atensyon niya. Nilingon niya ito. "Puwede ko bang mahiram 'yung phone mo? Wala kasi akong Facebook, pero narinig ko kasi kanina sa labas na ako raw 'yung nasa video with Kevin?"
Atlas was aware of the video because Job and Amira messaged him.
"'Wag mo nang panoorin, Laurel." Nagpatuloy si Atlas sa paglalakad. "I heard the whole thing. Alam kong okay ka lang at alam kong 'yun ang sasabihin mo sa 'kin. But if you need someone to talk to, I'm here."
Hindi na sila nagsalita si Laurel at sumunod sa kaniya hanggang sa magsabay sila sa paglalakad. Pareho silang tahimik na halos pati tunog ng takong ng sapatos ni Laurel, naririnig nila.
Bumagal ang lakad ni Atlas habang papalapit sa sasakyan. Nakapamulsa niyang pinagmasdan ang likuran ni Laurel.
Mabagal silang naglalakad. Nakayuko si Laurel na ibinaba ang buhok bago pa man sila sa lumabas para maitago ang mukha. Bigla na namang bumalik ang nakaraan, kung saan sinisisi niya ang sarili kung bakit nakilala si Laurel.
Nang makarating sa sasakyan, nasa likuran pa rin siya nang humawak si Laurel sa side mirror. Nakita ni Atlas kung paanong gumalaw ang balikat ni Laurel kasabay ng sunod-sunod na pagsinghot.
Atlas walked toward Laurel, and he didn't say anything.
Maingat niyang ipinaharap si Laurel sa kaniya at nakita kung paano nito pigilan ang namumuong luha sa mga mata. Atlas sighed and kissed Laurel's forehead and hugged her tight.
Naramdaman niya ang higpit ng pagyakap ni Laurel bago humagulhol nang sobra-sobra. Bawat iyak, may kasamang sakit. Nakasubsob ang mukha nito sa dibdib niya, hinayaang umiyak sa kaniya.
"Sorry." Humikbi si Laurel. "Sorry, kasi ganito lang ako."
Atlas frowned. "What do you mean ganito ka lang?"
Humiwalay sa kaniya si Laurel, humikbi, at bumagsak ang luha. "Na . . . sa tuwing makikita ng iba, 'yung isip nila tungkol sa 'kin, hindi ko na maaalis. Na . . ."
Atlas remained silently waiting.
Laurel smiled but failed because her chin started to vibrate. "Na . . . home-wrecker ako katulad ng mga magulang ko."
Hinaplos ni Atlas ang pisngi ni Laurel para punasan ang luhang bumagsak.
"Na kahit ano'ng gawin ko, hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko dahil totoo ang sinasabi nila. Sinira ko kayo ni Amira, sinira ng mga magulang ko ang pamilya nila, na gani—"
Atlas leaned to stop Laurel from talking. He felt Laurel still when their lips met.
Laurel's eyes widened in shock. He waited for her to push him away, but she didn't. Instead, Laurel closed her eyes and kissed back. Their lips subtly moved. It was gentle, warm, and soft.
The smell of Laurel's perfume dominated Atlas. It was nostalgic.
Laurel sobbed in between kisses, and Atlas pulled away.
Ipinagdikit niya ang noo nilang dalawa habang ipinaglalandas ang ilong sa ilong ni Laurel.
"Don't let them kill your vibe, ma'am," he whispered. "They don't know you, and they won't know you. You will forever be a mystery to all of them. Stay that way."
Again, Laurel sobbed. Their foreheads were into each other.
"Let them wonder, ma'am. Talo silang lahat dahil hindi ka nila kilala. Kung ano 'yung alam nila, it's just the tip of the iceberg."
"Bili mo ako ice cream. Narinig ko 'yung ice, bigla akong nag-crave sa ice cream." Humiwalay si Laurel at suminghot. "Gusto ko ng vanilla."
"Nice, a good way to kill the vibe. Galing mo talaga!" Atlas squinted.
Laurel smiled and wiped her tears. "'Kala mo, ha! Nararamdaman kong magdadrama ka na. Uunahan na kita. Ako lang ang madrama tonight so . . . feed me some ice cream."
"Beg." Atlas smirked.
"Please, Daddy." Laurel seductively looked at him.
"Tangina."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top