Chapter 48

Sumandal si Atlas sa pader habang nakatingin sa mommy niya at kay LJ na mahinang tumatawa habang nakatingin sa iPad. Parang may nilalaro ang dalawa dahil pareho pang pumipindot.

Nakaupo rin sa kama ang daddy niya at nakatingin kay LJ at minsang nagtatanong, pati na ang ate niyang excited na makilala ang anak niya.

Everyone in the family was excited to meet his daughter, and he was thankful that Laurel gave everyone a chance without him asking.

Nilingon ni Atlas si Laurel na nakaupo sa sofa at nakangiti habang pinanonood na magtawanan ang mga kasama nila sa kwarto. Paminsan-minsan itong humihikab, pero pinipigilan.

Sa kwarto, nandoon ang parents ni Atlas, mga kapatid niya at mga asawa nito, si Job, si Pat, at sila ni Laurel.

Nagkuwentuhan ang lahat, nagkainan, nagtawanan. Nakikita ni Atlas na masaya naman si Laurel kasama ang pamilya niya, pero kailangan din na mag-excuse ni Atlas para makapagpahinga na muna sila.

"Mommy, baka hindi rin kami magtagal," paalam ni Atlas sa mommy niya. "We kinda need to rest kasi may jet lag kami, pero babalik kaagad kami bukas. Also, you need to get better as soon as possible so you can bond more with LJ."

Tumango ang mommy niya. "Oo, I would love to. Sana paglabas ko, sa bahay kayo tumuloy. I badly wanna bond with my apo." Tumingin ito kay Laurel. "Is that okay, Laurel? Of course, I still respect your decision, just let us know if you're uncomfortable."

Ngumiti si Laurel. Tumingin muna sa kaniya at tumango. "Oo naman po, Tita. Wala pong problema. Ang mahalaga po, magpagaling po kayo. Wala naman po kaming date ng balik sa Hawaii since one-way ticket pa lang naman po 'yung nabili namin, so just bond with LJ."

Nagpasalamat ang mommy niya kay Laurel at nagtanong tungkol sa Hawaii. Nagkuwentuhan ang mga ito hanggang sa mag-aya na rin mismo si Atlas para makapagpahinga sila.

Dalawang magkatabing hotel room ang na-book ni Atlas. Sinigurado muna niyang maayos ang mag-ina niya bago siya pumunta sa sariling kuwarto. Sa sasakyan pa lang, hindi na sila nag-uusap ni Laurel. Tahimik lang itong nakasandal sa upuan at walang kinikibo kahit si Job.

Sa hotel, nagkaniya-kaniya na sila.

Habang nakahiga, nag-ring ang phone ni Atlas at nakitang tumatawag si LJ. Kaagad niyang sinagot iyon nang marinig na may sumusuka. It was also a video call so it was a little shaky. Parang naglalakad si LJ.

"Daddy? Are you sleepy na? Kasi, Mommy's not feeling well po. She's—"

"LJ, I'm okay." Narinig niya si Laurel, pero sumuka ito. "I'm okay, Dad's resting."

Tumingin sa kaniya si LJ at ngumiti. "Daddy, it's okay. Mommy's okay. Good night, Daddy, I love you."

Kaagad na bumangon si Atlas para i-check si Laurel. Sinabi niya rin kay LJ na pupunta siya at kakatok nang tatlong beses, para pagbuksan siya nito na kaagad rin namang sinunod.

"Where's Mommy?" Pumasok si Atlas sa loob ng hotel room nina Laurel.

Pagpasok, may living area muna iyon bago siya makapasok sa mismong kwarto at naabutan niyang nagsusuka pa rin si Laurel sa bathroom. Kaagad siyang pumasok at naabutan itong nakayuko sa bowl.

"Hey." Lumapit siya at hinagod ang likod nito at tumingin sa anak. "Bub, can you get some bottled water doon sa table, 'yung hindi malamig?"

Tumango si LJ at tumalikod.

"Hey," bulong ni Atlas habang hawak ang buhok ni Laurel.

He grabbed Laurel's hair to make sure she wouldn't get it messy, pero tumingin ito sa kaniya at parang tiningnan kung nasaan si Laureen.

"Why?" He was confused.

Laurel playfully smiled. "Naalala ko lang n'ong sinabunutan mo ako n'on."

"Laurel!" singhal ni Atlas, pero pabulong. "You're having a high fever tapos ganiyan ka pa. Ano ka ba naman?"

Humiwalay sa kaniya si Laurel, tumayo, at naupo sa bowl na nakasara. Inipitan nito ang buhok sabay na umubo dahil nasasamid. Halata ang pagod sa mukha nito at pagkahawak niya, nilalagnat pa.

"Sungit mo," bulong ni Laurel. "Sabi ko kay LJ, okay lang ako. Normal naman 'to, remember?"

"Yes, but you're having a fever." Tumayo siya at maingat na pinangko si Laurel papunta sa kuwarto, pero naalala niya ang sinabi nito.

Nagsalubong ang tingin nila at nangunot ang noo ni Laurel.

"Bakit?"

"You're remembering the past, ma'am." Naningkit ang mga mata ni Atlas. "That's forbidden. You are teasing me."

Laurel smiled at him. Mukhang wala na itong energy para makipag-argue sa kaniya, ni hindi na rin pumalag nang buhatin niya at dalhin sa kama. Tinanong niya kung gusto nitong kumain, tumango naman kaya nag-prepare siya ng sabaw. Natulog na rin si LJ sa tabi ni Laurel, siya naman sa labas lang ng kuwarto sa sofa, para ma-monitor kung susuka pa ito.


Nagising si Atlas dahil kay LJ. Bumubulong ito sa kaniya na nagri-ring daw ang phone niya at nakitang mommy niya iyon, ipinadadala si LJ sa hospital. Pupungas-pungas pa siya dahil halos madaling-araw na siya natulog, pero kaagad siyang pumasok sa loob ng kuwarto para kumustahin si Laurel.

Nakabalot ito ng comforter na mukhang giniginaw kaya kaagad niyang nilapitan para tingnan kung may lagnat pa, at oo, mayroon pa.

"Laurel?"

Tumingin ito sa kaniya, nangangalumata. "Hmm?"

"Gusto mo, dalhin na kita sa hospital? Sakto rin kasi, gustong papuntahin ni Mommy si LJ. Dadalhin na kita para mapatingnan ka since your fever was high last night," ani Atlas habang nakatingin kay Laurel. "Please?"

Umiling si Laurel at ngumiti sa kaniya. "Okay lang ako, I'll just sleep. Dalhin mo na si LJ roon, matutulog na rin muna ako. Mag-enjoy kayong dalawa. Tatawag naman ako sa inyo kapag kailangan, hospital is just three blocks away, so don't worry about me."

"Are you sure?"

"Oo, matutulog lang ako. Nakainom na rin naman ako ng gamot ko, don't mind me," sabi nito bago tumingin kay LJ na nakaupo sa kama. "Be a good girl, okay?"

Tumango ang anak nila at nagpaalam na kay Laurel. Nagpadala na rin sina Job at Patrick ng sasakyan na puwede niyang gamitin habang nasa Pilipinas. Tama rin kasi si Laurel na walang date kung kailan sila babalik sa Hawaii.

Pagdating sa ospital, excited na yumakap si LJ sa parents niya. Sa sasakyan palang, kinausap na niya si LJ na babalik kaagad siya sa hotel pagkahatid para matingnan si Laurel at kaagad namang pumayag ang anak nila.

"Aalis ka kaagad?" nagtatakang tanong ng mommy niya. "Bakit? Saan ka pupunta?"

"Nilalagnat si Laurel, Mom," aniya at nilingon si LJ na nakikipag-usap sa daddy niya. "I just wanna check if she's okay. Bibili na rin kasi ako ng food niya tapos babalik na lang ako. She's on her period."

His mom smiled warmly and sat comfortably. "Kailan ba ang kasal?"

Nagsalubong ang kilay ni Atlas. "What wedding?"

"Kasal ninyo ni Laurel?" tanong nito. "Ano pa ba? Don't . . . tell . . . me, wala pa?"

Umiling siya. "No, Mom. I'm still courting her."

"Ang hina naman ni Atlas," pagbibiro ng mommy niya. "Go ahead. Iwanan mo na si LJ sa amin ng daddy mo. Make another apo for us, okay?"

"Mom!" singhal niya at natatawang umiling. Tumalikod siya at nakitang nakikipagkuwentuhan pa rin si LJ sa daddy niya kaya naman nagpaalam na siya. Mukha rin kasing natutuwa ang mga ito sa apo.

Dumaan muna si Atlas sa isang restaurant kung saan makabibili siya ng sabaw para kay Laurel. Hindi rin niya alam kung ano ang gustong kainin nito kaya kung ano-anong drive thru na ang dinaanan niya na puwedeng makain nito. Bumili siya ng hot compress at gamot sa pharmacy bago bumalik sa hotel.

Hindi na siya kumatok dahil hawak naman niya ang isang keycard at sakto namang kalalabas lang ni Laurel ng kuwarto at mukhang kagigising lang.

"Oh, ano'ng ginagawa mo rito?" Sinuklay ni Laurel ang buhok gamit ang mga daliri. "Si LJ?"

"Nagpaiwan muna sa hospital, susunduin ko na lang mamaya. Bumili ako ng pagkain. Kain ka na muna ng lunch." Ibinaba niya ang mga pagkain sa lamesa. Lumapit siya kay Laurel para i-check ang noo nito. "Mainit ka pa, sure ka na ayaw mong magpa-hospital?"

Laurel shook her head. "Tara, kain na tayo. Gusto kong matulog ulit. Medyo nagiging okay naman na ako, pero medyo masakit pa 'yung puson ko. Naghahanap ako ng puwedeng pang-hot compress."

"Nakabili ako sa pharmacy. Sinabi sa akin na lagyan na lang natin ng mainit na tubig." Inilabas niya mula sa paper bag ang mga napamili niya. "Nakabili na rin ako ng gamot."

Pinainit na rin ni Atlas ang mga pagkaing nabili niya. Iba't ibang fast food ang pinuntahan niya tulad ng McDo, KFC, Jollibee. Dumaan na lang din siya sa isa pang restaurant para naman sa sabaw.

Tahimik silang kumakain at minsang inoobserbahan ni Atlas si Laurel. Magkaharap sila sa lamesa kaya nakakuha siya ng pagkakataon. Nangangalo mata pa rin si Laurel at minsang naghihikab.

"Anong oras mo pala susunduin si Laureen?" Uminom ng tubig si Laurel. "After this, puwede ka naman nang bumalik. Okay lang naman ako. Go bond with your mom, ano ka ba? Kaya nga tayo umuwi, e."

"I just wanna make sure you're okay first." Tinanggal ni Atlas ang pagkakatakip ng McFlurry na nabili niya. "Okay lang naman daw na samahan muna kita. I won't be okay knowing you're alone."

Laurel frowned and chuckled. "Drama. Matutulog lang naman ako."

"Then sleep. I'll be here."

Ngumiti lang si Laurel sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Wala siyang balak umalis at wala siyang gagawin. Nasa ospital na rin naman ang ate niya at nag-update ito na masayang nakikipagkuwentuhan si LJ kasama ang mga pinsan nito.

Si Atlas na rin ang naglinis sa kinainan nila. He asked Laurel to just rest.

Nang matapos, naupo si Atlas sa kabilang sofa habang nakahiga si Laurel sa malaking sofa. Nanonood sila ng movie nang basagin ni Laurel ang katahimikan.

"Atlas." Bumangon si Laurel at naupo na nakatingin sa kaniya. "About what you said last time, about fixing Laureen's birth certificate?"

Tahimik si Atlas na nakinig. Nabuksan niya ang topic weeks ago.

"Do you want to process it?" tanong ni Laurel.

"Kung papayag ka, puwede naman na nating i-process. Puwede ko namang kausapin si Patrick kung gusto mo," ani Atlas. "If I were to ask, of course, gustong-gusto ko na gamitin ni LJ 'yung last name ko, but I still consider your opinion."

Tumango si Laurel. "Let's fix it, lumalaki na si Laureen, I don't want her asking about something na kasalanan ko naman in the first place. Ang daming taon na rin and LJ might ask. I'm really sorry about this."

"It's too late now for all the apologies, I think," Atlas answered. "Siguro, ang magagawa na lang natin, is just to live in the present. We really need to think things through. Siguro 'yung nangyari sa past, those were a product of bad choices and decisions."

Matagal na nakatingin sa kaniya si Laurel at umiwas siya. Hindi na rin kasi maibabalik ang nakaraan. Kung sakali mang magalit siya, wala nang magagawa iyon. Gusto na lang din ni Atlas na kung ano ang nasa kasalukuyan, doon na lang sila mag-focus.

"Atlas?"

"Hmm?"

"May tanong ako."

Tumango si Atlas habang nakatingin kay Laurel, pero hindi siya nagsalita.

Naka-comforter si Laurel at nakatakip ang ibabang parte. Suot nito ang T-shirt na niregalo niya noong nasa Hawaii sila—kapareho ng kay Laureen—na galing sa unang sweldo niya sa pagiging crew.

"Gusto ko lang malaman, after ng lahat ng ginawa ko sa 'yo, like . . . leaving you when you said you love me, hiding LJ from you, pushing you away, and even asking you to stay out of our lives . . . may part ba sa 'yo na naisip mong sana, hindi mo na lang ako nakilala?"

Atlas nodded. "Yes, a part of me thought na sana, hindi na lang kita nakilala. Siguro, kung sakaling hindi kita nakilala n'on, I won't be able to feel the pain, the unreciprocated love, the feeling of not being good enough, and . . . siguro, hindi ko kailangang makasakit ng ibang tao."

Gustong maging honest ni Atlas sa pagkakataong iyon. It was rare for them to talk about it and rarer that Laurel even asked.

Walang naging sagot si Laurel at tulad ng inaasahan niya, tumayo ito at tipid na ngumiti.

"Papasok lang muna ako sa loob, ha? Matutulog na ako. You don't have to wake me up, ingat na lang kayo mamaya ni LJ sa biyahe," ani Laurel.

Sinundan niya ng tingin si Laurel. He already expected it, Laurel avoiding the conversation, and he spoke before she even entered the room.

"A part of me wanted to forget you even existed, but I don't want to. There's something about you na hinahanap-hanap ko, not the sex, ma'am." Their eyes met. "Alam ko na iisipin mo na naman 'yun. Pero n'ong mga panahong wala ka, I was longing for you . . . so much."

Mataman niyang tinitigan si Laurel. Nakabagsak ang buhok nito na bahagyang tumatakip sa kalahating mukha. Her eyes were droopy and sad and was staring at him, waiting.

"I was in denial. Matagal na akong may feelings sa 'yo n'on, pero natatakot ako na hindi tayo pareho . . . at alam kong lalayo ka kapag nalaman mo 'yung feelings ko sa 'yo."

Humarap si Laurel sa kaniya at inipit nito ang buhok sa tainga nang hindi inaalis ang tingin.

"That's actually the main reason why I left. Nararamdaman ko . . ." Laurel paused. "Nararamdaman ko na may mali na sa 'yo n'on. Umpisa pa lang, we did the forbidden. We were doing eye-to-eye contact whenever we were fucking. It was wrong . . . tumagal tayo nang dalawang taon. You were holding my hand while you were fucking me. You even whispered you love me."

Nakakunot ang noo niya dahil ang naaalala niya, isang beses lang niyang sinabi iyon kay Laurel, noong nasa Baguio sila.

"Hindi mo maalala." Laurel smiled at him. "You drunk called me, galing ka ng shoot, tapos nagkayayaan kayong uminom. That time, nasa bahay mo ako. Job and Patrick were out of town and that was the first time I used your car. Ang nakakatawa, I wasn't even wearing a bra n'ong sinundo kita kasi sabi mo, bilisan ko na."

A memory resurfaced.

"Sinundo kita sa inuman ninyo, nakita pa ako ng ilang kasama mo sa inuman. They thought I was your girlfriend, I said no, I'm your PA and told them that Job wasn't around so I was the one available." Laurel chuckled and crossed her arms. "Tapos, nilapitan ako ng isang kasama mo roon. He was drunk, too. He asked me kung kailan ako free, and I said I'm not free."

Atlas remained stoic.

"Nag-uusap pa kami, isinasakay ka ng isa sa mga kasama mo, pero pasakay na ako ng sasakyan, may nakakita sa 'yong kakilala ko. He was one of my hookups. Nakilala niya ako, sinabi niyang ang bigtime raw ng nabingwit ko, which was you." Laurel bitterly smiled. "Another reason why I preferred to be low-key, Atlas. Hindi lang ikaw ang nakagalaw sa akin. I don't even remember how many. Hindi ko alam kung ilan sila dahil kahit college ako, I was even wearing my uniform while fucking someone inside the car and I wa—"

"Wait, what's the difference?" Atlas stopped Laurel. "I don't care about the past."

Laurel smiled at him. "You should. Lahat ng sinasabi nila sa comments, totoo. I was a low-key slut. Mukha lang akong matino, pero hindi ako 'yung tipo ng babaeng maipagmamalaki mo sa magulang, Atlas."

Hindi siya nakasagot. Nakatitig siya kay Laurel.

"N'ong nasa sasakyan na tayo, lasing ka. Tumingin ka sa 'kin." Mahinang natawa si Laurel at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "Bigla kang kumanta. Tinatawanan kita kasi sobrang sintunado mo. Isa pa, kinakanta mo 'yung kanta ni Taylor Swift. I'm only me when I'm with you."

Hindi maalala ni Atlas ang sinasabi ni Laurel. Malamang sa malamang, lasing nga siya.

"Hindi ko makalimutan 'yung kanta. Kasi halos isigaw mo na. Well, you drive me crazy half the time, the other half I'm only trying. To let you know that what I feel is true and I'm only me when I'm with you," pagpapatuloy ni Laurel. "Binuo mo 'yung kanta, tapos humarap ka sa 'kin. Imagine the secondhand embarassment? Ang pangit ng boses mo."

Atlas' heart was pounding but it became a laughter. Pareho silang natawa.

And when Laurel laughed hysterically, Atlas stopped and stared at Laurel. It was the first time he heard her laugh like a little kid.

"Sabi mo . . . Laurel, you know what, I love you. Let's be official," natatawang sabi ni Laurel. "I mean, no, that's not the right way to say it. Wait, will you be my girlfriend? 'Yan 'yung sinabi mo sa akin no'n. I shrugged it off 'cos you were drunk. Pero no'ng dumating na tayo sa bahay mo, niyakap mo ako. Mahigpit na mahigpit."

"Ano'ng sinabi ko?" Kabado si Atlas sa mga susunod dahil hindi niya maalala lahat ng iyon.

Laurel bit her lower lip, shook her head, and chuckled. "Wala kang sinabi. Hinalikan mo lang ako sa pisngi, ngumiti ka na, tapos natulog na. You were so weird."

Mahinang natawa si Atlas. "Is that the reason why you decided to leave? Dahil ba . . . mahal kita? Gano'n ba ako kahirap mahalin, Laurel?"

"No." Umiling si Laurel.

"Then . . . why did you decide to leave when you know I love you?" tanong ni Atlas.

Laurel bit her lower lip. "Kasi hindi ko kaya."

"Hindi mo kayang ano?"

Laurel's face softened. "Ayaw kitang saktan. Baka hindi ko maibigay 'yung pagmamahal na gusto mo. Natatakot ako na baka . . . kulang 'yung kaya kong ibigay sa 'yo. Kasi ano . . . ano . . . basta."

Atlas smiled. "Cute mo!" aniya para hindi na bumigat ang sitwasyon. "Huwag kang magmadali. Maghihintay ako. Sampung taon lang naman 'yung paghihintay ko. Kung dadagdagan mo pa, okay lang."

"Nangongonsensya ka ba?" Laurel's brows furrowed.

"Hindi, ha! Sinasabi ko lang na kaya kong maghintay! Ikaw pa ba? Malakas ka sa 'kin."

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys