Chapter 46

Mabagal ang takbo ng sasakyan ni Atlas habang binabaybay ang daan pauwi. Katatapos lang ng shift niya. Medyo tumila na rin ang ulan, pero wala pa ring pasok si LJ.

Umaambon pa rin naman at medyo malamig ang panahon kaya naka-jacket si Atlas. Naisip niya si LJ na malamang na nakabalot din tulad niya.

Dumaan din siya sa isang restaurant na mayroong masarap na soup. Bumili siya para kina Laurel at LJ. Idadaan na lang niya sa bahay ng mga ito bago umuwi para magpahinga.

It was almost four in the afternoon, and Atlas felt tired and sleepy.

Medyo maraming orders sa fast-food kaya hindi sila magkandaugaga. Halos lahat ay nag-crave sa McDo order.

Ang pagiging crew ng McDo ang isa sa hindi niya pinagsisihan dahil nag-e-enjoy siya lalo na kapag nakikita ang mga batang masayang natatanggap ang Happy Meal na binili.

Nang makalabas ng sasakyan, naramdaman ni Atlas ang lamig ng hangin. Malamang na matutuwa si Laurel dahil kahit papaano ay lumamig dahil sa ulan.

Dumiretso na siya sa bahay ng mag-ina niya at hindi na kumatok. Laurel gave him a key—his access—to the house, just in case he needed something and Laurel wasn't around.

Pagpasok sa loob, nakita kaagad niya si LJ na nasa sofa at nakahigang nagbabasa ng libro. Ibinaba na muna niya ang paper bag na hawak sa dining table bago nilapitan ang anak at hinalikan ito sa tuktok ng ulo.

Si Laurel naman ay nakaupo sa balcony ngunit nakasara ang pinto. Lumingon ito sa kaniya at tipid na ngumiti.

"I brought some soup," ani Atlas kay LJ na niyakap ang comforter.

"Thank you, Daddy." LJ smiled warmly.

Nagpaalam na muna siya sa anak at pumunta sa balcony. Isinara niya ang pinto dahil giniginaw si LJ na ikinangiti niya dahil pareho sila.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Atlas. "Malamig."

"Exactly." Natawa si Laurel at tinitigan siya. "Ang cute mo sa McDo uniform mo."

Yumuko si Atlas para tingnan ang suot niyang uniform. Hindi na siya nakapagpalit pag-alis at nag-jacket na lang para hindi abutan nang malakas na ulan. "Do you want me to wear the hairnet and the hat, too?"

"No need." Laurel chuckled. "Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit ka nagtitiis na maging crew when you could earn millions naman sa Pilipinas while acting."

"I'm done with acting," seryosong sagot ni Atlas, naupo siya sa kasalungat na sofa sa balcony. Pareho silang tumingin sa kawalan. "I've done it for years. Ngayon, nag-e-enjoy ako na simple lang buhay ko, Laurel." Tumingin siya kay Laurel. "I get to finally be with my daughter. Alam mo 'yun?"

Tumango si Laurel. "Simula n'ong makilala mo si LJ, alam mo, nilalamon ako ng guilt na hindi ko man lang ipinaranas sa 'yo 'yung pagiging daddy niya. I feel like . . . I robbed you."

"You did, pero tapos na rin kasi tayo roon. Ayaw ko nang isipin 'yun, Laurel, kasi sa tuwing binabalikan ko,  nagsisisi ako na hindi ako bumaba n'ong araw na umalis ka." Malalim na huminga si Atlas at nag-iwas ng tingin. "Na sana, alam ko n'on na buntis ka. Sana, naalagaan man lang kita, nabigay ko lahat ng kailangan mo, pagkaing gusto mo."

"Alam mo . . ." Laurel paused, and Atlas gazed at her. "You did."

Atlas frowned. "What do you mean?"

Mahinang natawa si Laurel at komportableng sumandal sa sofa. "Dinala mo ako sa bulaluhan just because I wanted some soup, binilhan mo ako ng chocolates, chips, candies, donuts . . . everything that I asked that day." Tumingin si Laurel sa kaniya. "I was craving for those because I was already pregnant and you were there, giving me those foods that I want."

Nag-iwas ng tingin si Atlas dahil biglang bumigat ang dibdib niya sa mga sinabi ni Laurel. Dapat ay matuwa siya dahil ang pinangarap niyang gawin ay nagawa pala niya, pero hindi . . . dahil nasaktan siya.

Mas nasaktan siya.

Pilit niyang pinakalma ang sarili bago maingat na tumayo. "Alis na ako," aniya at kaagad na umiwas ng tingin kay Laurel. Tumalikod na siya. "Magpapahinga na muna ako."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Laurel. Nagpaalam na siya kay LJ, nagmadaling lumabas ng bahay ng mag-ina niya, dahil mas lalong naninikip ang dibdib niya sa mga narinig.

It was fine, and he should be happy that for a short period, he was there for Laurel . . . but there were so many what-ifs.

Bigla niyang naramdaman na sana, hindi na niya narinig iyon. Na sana talaga, bumaba siya years ago, para pigilan si Laurel.

Pag-uwi sa sariling bahay, naligo si Atlas at nahiga sa kama. Nakatitig siya sa kisame habang nag-iisip. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya at ilang beses inisip na sana hindi na niya narinig iyon mula kay Laurel.

Naalala rin ni Atlas ang pakiramdam nang mabigat na ang lahat. Emotionally and physically, he became tired until he went to Hawaii. Malaki ang pagbabago dahil nagawa na niya ang mga bagay na hindi niya nagawa noon.

Atlas enjoyed what he was doing.

Natutuwa siya na noon, camera lang ang nasa harapan niya, pero sa kasalukuyan, mas nakakapag-explore siya sa ibang bagay. Nararamdaman niya ang freedom na gusto, ang excitement sa normal na ginagawa ng ibang tao

Hindi namalayan ni Atlas na nakatulog siya nang marinig na nagri-ring ang phone niya. Pupungas-pungas siyang bumangon para kunin iyon sa lamesa at sagutin.

Madilim na ang buong bahay at hindi niya alam kung ano ang oras na.

"Atlas?"

Sinagot niya ang tawag. Nakakunot ang noo ni Atlas dahil tumatawag ang ate niya. It was very unusual for them to call him dahil mas madalas na siya ang tumatawag.

"Ate? Kumusta?"

"N-Nagising ba kita?" tanong nito. Dinig ni Atlas ang panginginig ng boses ng ate niya.

"Oo, Ate. Pero ayos lang. Ano'ng nangyari?" tanong niya.

Narinig ni Atlas kung paano bumuntonghininga ang ate niya mula sa kabilang linya. "Atlas, kasi, nasa hospital si Mommy. Inatake siya sa puso, pero maayos na siya. Nag-stable na rin siya, kaso hinahanap ka. Puwede ka bang umuwi muna?"

Malakas na kumabog ang dibdib ni Atlas. Sumandal siya sa dining table at napatitig sa kadiliman ng buong bahay. Parang biglang naging blangko ang isipan niya dahil sa narinig. Ilang buwan na rin niyang hindi nakikita nang personal ang mommy niya, simula nang magdesisyon siyang pumunta ng Hawaii.

"A-Atlas?" Kinuha muli ng ate niya ang atensyon niya. "Sorry, nabigla kita. Basta, if kaya mo, uwi ka sana. Hinahanap ka ni Mommy."

"Sige, Ate," bulong niya habang nakapikit. "I'll book the earliest flight, uuwi kaagad ako. Ingat kayo and please, update me as much as possible."

"We'll do, Atlas. See you. Tawagan mo na lang kami, ha?" sabi ng ate niya bago ibinaba ang tawag.

Nang mawala sa linya ang ate niya, naramdaman ni Atlas ang panic. He tried looking for the earliest flight possible and it was just almost midnight. While browsing for some flights, nakita niya sa advisory na walang available as of now dahil sa typhoon na posibleng maging hurricane pa.

Atlas started to panic. He was walking back and forth not knowing what to do. Natatakot siya sa mga posibleng mangyari, natatakot siyang hindi na makita ang mommy niya.

His hands shook, but he dialed number one on his speed dial. Hindi siya sigurado kung sasagot ito, but he needed to talk to this person. Three rings, the person picked up.

"Atlas, good morning."

"Hey, ma'am . . ." Hawak ni Atlas ang dibdib, hinahabol ang paghinga. Walang lumalabas na salita mula sa bibig niya. He breathed and spoke, "H-How's Laureen?"

"Tulog na siya, e," sagot ni Laurel.

Atlas smiled and stared at the frame on the side. It was LJ's picture, laughing. "Right. 'Yun lang naman. Kiss her for me," he said.

"S-Sure," Laurel responded.

Atlas didn't bother saying anything and dropped the call. Kailangan niyang maghanap ng flight dahil kailangan niyang umuwi. Pumasok siya sa kwarto ngunit nakalimutan niya kung bakit nga ba siya nasa loob.

Sumandal siya sa pinto at malalim na nag-isip. Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling mga daliri nang makarinig ng katok. Hindi siya sigurado kung katok ba iyon o dahil sa hangin hanggang sa maulit iyon.

Pagbukas ng pinto, laking gulat niya nang makita si Laurel na seryosong nakatingin sa kaniya.

"Hey, are you okay?" Mababa ang boses ni Laurel.

"Bakit ka nandito?" Pinakalma ni Atlas ang sarili. "I just called to ask if Laureen's asleep."

Laurel gave him a subtle smile. "Lies. What's wrong? Something's wrong, Atlas. Ano'ng nangyari?"

Hindi alam ni Atlas ang isasagot at kung bakit alam nitong hindi maayos. Narinig ba nito sa boses niya? Halata ba masyado? Hindi siya sigurado.

Naisip niyang hindi sila puwedeng magtagal nang walang kasama si LJ sa bahay kaya isinara niya ang pinto.

"Doon na lang tayo sa bahay ninyo mag-usap. Baka magising si LJ, wala siyang kasama. I'm okay." Tumalikod siya para I-lock ang pinto. "Kumain ka na ba? Gusto kong magpa-deliver sana ng food, hindi pa ako kumakain."

"May sopas sa bahay, LJ requested," sagot ni Laurel. "Tinatawagan kita kanina kasi ipinagbalot kita, pero hindi ka sumasagot, I assumed you were sleeping."

"I was." Ngumiti si Atlas.

Naglakad sila papunta sa bahay nila Laurel. Pareho silang tahimik at nasa likuran siya nito. He could see Laurel's hands swaying and he felt the urge to hold it, so he did.

Tumigil si Laurel sa paglalakad nang hindi tumitingin sa kaniya. Naramdaman niya ang gulat nito sa ginawa niya, pero kailangan niya.

"Ma'am, just this one," he begged. "Please, just this one."

Laurel didn't say anything, but Atlas felt that Laurel squeezed his hand a little. She was now holding his hand, too, and started walking. They were holding hands while walking.

Kaunti lang ang lalakarin nila at gusto sana niyang pabagalin ang oras dahil malamang na pagpasok nila sa bahay ni Laurel, bibitiw na ito ngunit hanggang sa makarating sa bahay, hindi siya bumitiw.

Sa pagpasok, hindi niya binitiwan ang kamay ni Laurel.

"Upo ka na muna," ani Laurel na humarap sa kaniya. "Iinitin ko lang muna 'yung so—"

Bago pa man makabitiw si Laurel, hinila niya ito at kaagad na niyakap nang mahigpit na mahigpit. Atlas smelled Laurel's familiar perfume.

Over the years, Laurel never changed it.

"Atlas, ano'ng nangyayari?" Naramdaman ni Atlas ang paghagod ng kamay ni Laurel sa likuran niya. "Alam kong hindi ka okay, ano'ng nangyayari? Hindi mo kailangang sabihin sa akin, but I'll listen."

Atlas shut his eyes and breathed. "J-Just . . . stay like this for a minute, please?" he stuttered. "One minute, ma'am. I just . . . need to breathe."

Ipinikit ni Atlas ang mga mata niya at mas hinigpitan ang yakap kay Laurel. The hug felt familiar. It was calming, comforting, and he didn't want to pull away just yet.

Laurel was quiet, and Atlas didn't mind the world for a minute. If he could just stop the time for one more minute, he would, but he didn't want to be pushed away.

Atlas buried his face in Laurel's shoulder, and his heart calmed.

Madilim ang buong bahay at tahimik. Halos dinig niya ang hampas ng alon mula sa dalampasigan. Ang bawat paghinga niya ay mabigat hanggang unti-unti na iyong naging magaan.

"Upo ka muna sa dining," ani Laurel na hinaplos ang braso niya dahilan para siya na mismo ang bumitiw.

Magkadikit pa rin ang katawan nilang dalawa habang nakatingin siya kay Laurel. Sapat ang kaunting ilaw mula sa balcony para maaninag niya ang mukha nito.

"Gusto mo ba ng toasted bread? Ipainit ko lang 'yung sopas. It's two in the morning, so it's like breakfast." Laurel chuckled.

Two in the morning. Ni hindi niya namalayang madaling-araw na.

"Ikaw, kumain ka na ba?" tanong ni Atlas. "Sabay na tayo."

"Okay," Laurel agreed. "Maupo ka na muna roon. O kung gusto mo, silipin mo na muna si LJ. Pupunta dapat siya sa bahay mo, kaso sabi ko, baka tulog ka."

Pumasok si Atlas sa loob ng kuwarto ni LJ. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang anak kaya naman nakaramdam siya ng pagkalma. Sa yakap kay Laurel, inaasahan niyang itutulak siya palayo, pero ipinagpapasalamat niyang hindi dahil kailangan niya iyon.

"Atlas?" bulong ni Laurel habang nakayakap siya kay LJ. "Ready na."

Paglabas ni Atlas, naka-prepare na ang lamesa. Nasa mesa rin ang laptop ni Laurel at mukhang nagtatrabaho ito.

Tahimik silang kumain. Walang nagsalita, walang umimik, hanggang sa matapos sila. Atlas volunteered to do the dishes and Laurel agreed. May kailangan lang daw itong tapusing report.

Siya na ang naghugas ng pinggan at nang matapos, nakita niyang nakasara na ang laptop ni Laurel. Nakatingin ito sa kaniya.

"Gusto mo ng chocolate?" offer ni Laurel.

"Thank you." Ngumiti. Si Atlas. "Pero uuwi na ako, ha? Hindi na kita aaba—"

Hindi pinansin ni Laurel ang sinabi niya at basta na lang itong tumayo papunta sa fridge at kumuha ng Toblerone sa counter. "Naalala ko n'on, tuwing road trip, binibilhan mo ako ng Toblerone and we would eat that during our sing-along sessions," natatawang sabi nito. "Here."

Tinanggap niya ang inabot ni Laurel. Naupo ito sa sofa para manood ng movie. Sumunod siya, pero malayo ang pagitan nilang dalawa.

It was an American movie, and Atlas quietly watched as he ate the chocolate. Laurel did the same until he broke the silence.

"Magiging okay lang naman kayo rito ni LJ, 'no?" tanong niya nang hindi tumitingin at yumuko pa nga sa sahig.

"Oo naman. Kailangan mo na bang umuwi sa Pilipinas? LJ would understand, don't worry," Laurel assured.

Tumingin si Atlas kay Laurel. "Babalik din naman kaagad ako. Nakatanggap kasi ako ng tawag sa Pilipinas, nasa hospital daw si Mommy. Kailangan kong umuwi kasi inatake raw siya sa puso, e." Malalim siyang huminga. "Sorry pala, ikaw ang tinawagan ko . . . I just . . . need someone to talk to."

"Oo naman, ano ka ba?" Laurel smiled. "Atlas, can I . . . fix your hair? Ang gulo."

Mahinang natawa si Atlas. "Go ahead."

Kaagad na tumayo si Laurel kaya naiwanan siya sa sofa. A part of him felt better. Kung kanina, nahihirapan siyang huminga nang maayos, after seeing Laurel, medyo naging okay na siya.

Paglabas nito ng kuwarto, may hawak na itong suklay at pang-ipit. "Puwede kang maupo sa sahig?" tanong ni Laurel. "I'll fix your hair."

Pumuwesto si Laurel sa likuran niya habang nakasalampak siya sa sahig. Nararamdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya, it was a familiar feeling. The touch he longed for years.

"I missed that, ma'am," pabulong ang pagkakasabi ni Atlas. "I'm not being sexual, don't worry. I just missed this, you caressing my hair with your fingers. Naalala ko 'yung feeling n'ong panahong napapagod na ako, you're doing that until I fall asleep. You used to do this whenever we're lying in bed, telling me that I should rest."

Walang sagot mula kay Laurel.

"I need to go to the Philippines, pero ayaw ko kayong iwanan ni LJ rito. Hindi ko alam 'yung gagawin ko, Laurel. I badly wanna see my mom, pero . . . natatakot akong iwanan kayo rito."

"We're okay here," paniniguro ni Laurel. "Secured naman 'yung neighborhood, wala kang poproblemahin. For your peace of mind, palagi kitang ia-update."

Hindi nakasagot si Atlas.

"Kailan mo plano? Ihahatid ka namin sa airport," sagot niya. "Tinawagan mo na ba si Job? Do you want me to? Gusto mo hanapan na rin kita ng ticket?"

"Walang available flights dahil sa typhoon." Nilingon ni Atlas ang bintana dahil nagsimula na namang humangin. "Bahala na."

Isang mahabang katahimikan ang muling namayani sa kanilang dalawa. Nakayuko lang si Atlas habang nakatingin sa sahig at hinahayaan si Laurel sa ginagawa sa buhok niya.

"Tita's gonna be okay," ani Laurel. "Puwede kang matulog sa room ni LJ kung gusto mo para hindi ka mag-isa. If you're overthinking, talk to me or LJ until you feel better."

"I feel better now, ma'am," Atlas admitted. "Just . . . being with you, kahit hindi tayo nag-uusap, it feels better."

Nang matapos si Laurel, bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa para ipagpatuloy ang pelikula hanggang sa makaramdam siya ng antok at nagpaalam para pumasok sa kwarto ni LJ.

Mahigpit niyang niyakap ang anak. Inayos niya ang kumot nito at ipinikit ang mga mata. Biglang naramdaman ni Atlas ang pagkahapo at hinayaan ang sariling makatulog.



Nagising si Atlas nang maalimpungatan. Wala siya sa sariling kwarto at paglabas, naabutan niya si Laurel na nakaupo sa counter ng kusina, at nagbabasa ng libro habang may earphones na kaagad tinanggal.

"Good morning," bati ni Laurel. "Tulog pa si J?"

Tumango si Atlas. "Oo. Uwi muna ako."

"Magluluto ako ng pancake," ani Laurel na bumaba ng counter. "Dito ka na mag-breakfast?"

Sandaling napaisip si Atlas dahil natatakot siyang masanay na ganoon. Ayaw niyang muling maramdamang nasasanay sa ganoon ni Laurel.

"Sige." Hindi na niya pinigilan ang sarili. May takot, pero gusto rin naman niya. "Maliligo lang ako sandali. Babalik kaagad ako."

Tumango si Laurel at ngumiti.

Habang naglalakad pabalik sa bahay, tinawagan niya si Job tungkol sa situasyon ng mommy niya at sinabi nitong nagiging maayos naman na, ngunit mas makabubuti kung makabibisita siya.

Sinabi rin niya ang sitwasyon na wala pa siyang mahanap na ticket, pero kapag mayroon ay uuwi kaagad.

Nagmadaling maligo si Atlas para sumaglit sa market. Gusto niyang bumili ng prutas para sa almusal. Kung may pancake, mahilig si LJ sa manggang hinog na mayroong whipped cream.

Hindi siya nagtagal at mabilis na dumating. Saktong pagpasok niya sa bahay ni Laurel, gising na si LJ, at bumati sa kaniya.

Siya na mismo ang naghiwa ng mangga. Mayroong pancake na ginawang manipis ni Laurel para magmukhang crepe. Si Atlas na ang nag-assemble para kay LJ na natutuwang tinikman ang whipped cream.

They were eating at the same table.

Laurel seemed happy, and Atlas was already calm. Job assured him his mom was getting better, but he still needed to go home.

Tumayo si Laurel at may kinuha sa fridge nang tumigil at mukhang may naalala. Parehong napatingin sina LJ at Atlas.

"Atlas, by the way." Laurel gazed at him. "I found a flight."

Atlas frowned and stopped chewing. "S-Saan mo nahanap?"

"I searched. Baka wala ka lang nakuha kagabi kasi nga wala ka sa sarili." Laurel smiled. "So, I booked three tickets for us para na rin—"

"Three . . . tickets?" Ibinaba ni Atlas ang tinidor at mas lalong napatitig kay Laurel. "W-What do you mean?"

Laurel raised her shoulders. "I realized, hindi pa nakikita ni Tita nang personal si LJ. So, I decided na sasama na lang kami sa 'yo sa Pilipinas so your mom could—"

Tumayo si Atlas at lumapit kay Laurel. Kakausapin sana niya ito nang palihim, pero hindi niya mapigilan nang magtama ang mga mata nila.

Atlas held Laurel's arms and pulled her for a hug. Mahigpit na mahigpit iyon. Hindi niya mapigilan dahil natuwa siya. Alam niyang mahihirapan siyang maiwan ang mag-ina niya at ang marinig na kasama niya ang mga ito na uuwi sa Pilipinas ay mas nagpagaan sa lahat.

Humiwalay si Atlas at hinalikan si Laurel sa pisngi.

Natigilan siya sa sariling ginawa. Hindi niya sinasadya.

"Oh shit." Umatras si Atlas nang hindi inaalis ang titig kay Laurel. "I'm sorry."

Laurel walked toward him and whispered, "Maka-sorry, parang hindi nanlalaplap noon."

Mabuti na lang ang malayo si LJ sa kanila. Sandali siyang napatitig kay Laurel hanggang sa sabay silang natawa. Their laughter was in sync.

"Miss ma'am," Atlas shook his head, "that's mean."

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys