Chapter 45
Sa ilang buwang nasa Hawaii si Atlas, siya ang naghahatid at sumusundo kay LJ sa school. Kahit isang araw, hindi siya lumiban sa parteng iyon. Siniguro niyang hindi makasasagabal ang trabaho niya sa pag-aalaga sa anak nila.
Sa parent-teacher conference o kahit na anong involved si LJ, palagi silang magkasama ni Laurel. Nangako si Atlas na hindi na ulit siya mawawala sa tabi ng mag-ina niya.
Atlas gave everything up for his daughter. Hindi na ulit niya hahayaang mawalay sa anak o mabigyan ng rason para muling masaktan o ma-invade ang privacy nito nang dahil sa kaniya.
Pagkatapos niyang ihatid si LJ sa school, dumaan siya sa bagong bukas na pastry shop malapit sa city area at bumili ng cake. Wala siyang pasok kaya naman dadalhin niya iyon kay Laurel para lang matikman.
Ilang beses siyang kumatok sa bahay, pero walang sumasagot o nagbubukas. Nasa garahe naman ang sasakyan ni Laurel kaya naisipan niyang silipin sa balcony at nakita itong nakaupo sa hammock na nasa harapan ng dalampasigan.
Sandaling tumigil sa paglalakad si Atlas at pinagmasdan si Laurel. Nililipad nang malakas na hangin ang buhok nito at seryosong nakatingin sa kawalan.
Atlas composed himself while holding the small box of cake and walked towards Laurel. Nasa gilid ng box na iyon ang tinidor na tinanggal niya.
"Ang lalim naman ng iniisip mo," aniya at inabot kay Laurel ang tinidor.
"O, wala kang pasok ngayon?" Inabot ni Laurel ang tinidor.
Umiling si Atlas at sumalampak sa buhangin. May kalakasan nga ang hangin at umaga pa lang naman kaya hindi pa masyadong mainit.
"Wala akong pasok," sagot ni Atlas. "Off ko ngayon. Ikaw, wala kang planong magsulat ngayon?" tanong niya.
Hindi niya sinasadyang magtanong, pero hindi na niya iyon mababawi. Nilingon niya si Laurel na binuksan ang maliit ng kahon ng cake at mayroong munting ngiti sa labi habang nakatitig doon.
"Kakatapos ko lang n'ung isang story, wala na muna akong planong magsulat. I might just relax for a bit before starting a new one," sabi ni Laurel at sumubo ng cake. Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Hala, uy! Saan mo nahanap 'tong cake? Ang sarap!"
Ngumiti si Atlas habang nakatitig sa mukha ni Laurel na muling sumubo ng isa pang slice. "Nakita ko lang 'yung mga post lately about sa bagong bukas na café sa city kaya sinubukan kong puntahan. N'ong nakita ko na may strawberry cheesecake sila, binili ko na."
"Bigla kong na-miss ang Baguio." Ngumiti si Laurel ngunit kaagad iyong nawala at tumingin sa dagat. "Kaso, kung sakaling maisipan kong umuwi ng Pilipinas, mukhang kailangan kong maghanap ng lugar na malapit sa beach."
"Nagbabalak ka bang umuwi?" tanong ni Atlas.
Tumaas ang dalawang balikat ni Laurel at walang sinabing kahit na ano. Bigla niyang naalala ang Baler kung saan nag-training si Amira.
"Maganda sa Baler. N'ong nagpunta ako roon para samahan si Amira noon, for some reason, naisip ko na magugustuhan ni LJ doon. Malalakas 'yung waves, nakaharap din sa beach, and it's actually peaceful," aniya habang inaalala ang lugar.
Walang naging sagot si Laurel sa sinabi niya at nang lingunin niya ay nakatingin ito sa dagat. Nililipad ng malakas na hangin ang buhok nito habang seryosng nakatingin sa kung saan at kumakain ng cake.
Sa buong stay ni Atlas sa Hawaii, ito na yata ang pinakamatagal nilang conversation na wala si LJ.
Napansin ni Atlas na sa tuwing lumalalim ang conversation nila, naghahanap si Laurel ng magagawa para iwasan siya.
Hindi siya manhid para hindi mapansin iyon kaya siya na rin mismo ang gumagawa ng paraan para hindi ito mailang. Madalas na siya na ang umaalis daw ayaw niyang bigyan ng pressure si Laurel sa kahit na ano.
It pained him to see that they were not the same anymore, hindi na sila katulad noon na kahit ano, pinag-uusapan dahil ngayon, ramdam na niya ang mas malaking pader sa pagitan nila.
Kung noon, reserved si Laurel na halos ilihim na ang buong pagkatao. Sa kasalukuyan, halos hindi na ito nagsasalita.
What happened to them took a toll on Laurel. Nawala ang pagiging masiyahin nito, nawala ang matang palaging nakangiti, at mas piniling itago ang nararamdaman.
Sa ilang buwan, ganoon ang halos araw-araw na hinaharap ni Atlas sa tuwing nasa harapan niya si Laurel.
It was so hard for Atlas that, at times, he couldn't look at Laurel.
"I miss our conversation, ma'am," Atlas muttered while staring at nowhere.
Hindi niya magawang tingnan kung ano ang naging reaksyon ni Laurel sa sinabi niya. Hindi rin naman siya naghihintay ng sagot. Gusto lang niyang sabihin iyon nang wala si LJ.
"I miss it, too, Atlas."
Nagulat si Atlas sa sinabi ni Laurel. Nanatili siyang nakatingin sa kung saan na para bang mapakakalma ng dagat ang kabog ng dibdib niya. Sandali niyang ginamit ang pagiging artista na kunwaring walang reaksyon.
"I don't blame you for anything," dagdag ni Laurel. "Hindi kita sinisisi sa kahit ano, it was me. My past haunted me that it affected how I lived. Wala kang ginagawang masama sa akin, Atlas, pero hindi ko alam kung bakit gusto kong lumayo sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong malapit ulit sa 'yo, hindi ko alam kung bakit . . ." tumigil sandali sa pagsasalita si Laurel, "kung bakit mas gusto ko na malayo ka sa 'kin."
Patagilid na nilingon ni Atlas si Laurel. Nakatingin ito sa dagat. "Do you want me to leave you now?"
Ang katahimikan mula kay Laurel ay naging sagot para siya na mismo ang umalis. Maingat siyang tumayo. Sandali niyang tinitigan ang karagatan. Sandali niyang dinama ang hanging tumatama sa mukha niya. Sandali niyang hinayaan ang along bumasag sa katahimikan nila.
"Ako na ang bahalang sumundo kay LJ, ha?" ani Atlas at tumalikod. "Enjoy the cake, ma'am."
Nagpatuloy si Atlas na maglakad nang hindi nililingon si Laurel. Naramdaman niya ang lungkot dahil gusto niya ang pakiramdam na magkausap sila, pero naging limitado ang lahat.
Umuwi si Atlas sa bahay niya at nilinis ang kwarto dahil mag-i-sleepover si LJ. Nakagawian na nila iyon sa tuwing wala siyang shift sa trabaho, sa kaniya matutulog ang anak nila.
Bumili siya ng ingredients para sa lasagna dahil susubukan niya ulit. Noong unang try nila ni LJ, pareho silang pumalpak kaya hindi nila iyon ipinatikim kay Laurel.
Gusto niya ulit subukan para sa dinner nilang mag-ama at susubukan niyang ayain si Laurel na sumalo sa kanila.
Nag-search sa internet si Atlas kung paano magluto. Bukod kasi sa adobo, nilaga, at tinola, walang ibang alam lutuin si Atlas.
Simula rin naman nang dumating siya sa Hawaii, madalas na nagpapadala si Laurel ng pagkain niya kapag nagluluto ito o bumibili na lang siya sa labas.
For the first time in his life, Atlas finally felt what it was like to be normal.
—
Kinagabihan, hindi mapakali si Atlas. Luto na ang lasagna. Bumili rin siya ng ice cream at cake na puwede nilang kainin. Nag-message siya kay Laurel kung gusto ba nitong sumama sa dinner, pero walang reply.
"Daddy!" Bumukas ang main door at mag-isang pumasok si LJ. "I'm here!"
Kaagad na ngumiti si Atlas at nilapitan si LJ. Nakasuot na ito ng pantulog at hawak ang iPad pati na rin ang teddy bear na regalo niya noon pa.
"Hinatid ka ni Mommy?" tanong ni Atlas bago isinara ang main door.
Tumango si LJ at tipid na ngumiti. "Yes po, Daddy. We'll eat na po? Ano po niluto mo, Daddy?"
"Lasagna!" Atlas proudly uttered. "I asked Mom to have dinner with us. Kaso baka she's busy. Also, perfect na siya this time. Bibigyan ko na lang si Mommy mamaya or bukas. Kain na tayo para hindi lumamig 'yung garlic bread?"
Masayang dumiretso si LJ sa dining table. "I'm so excited, Daddy! Last time kasi, you failed the lasagna. I remembered na we didn't give Mommy any kasi you're nahihiya."
Natawa si Atlas habang nag-aayos ng pagkain dahil panay ang halakhak ng anak niya sa kapalpakan nilang mag-ama.
Ilang beses na rin kasi siyang nag-attempt na gumawa, pero madalas na hindi niya nabibigyan si Laurel dahil hindi talaga masarap. Dumating pa siya sa pagkakataong ipinatitikim muna niya sa co-workers niya para makahingi ng feedback, at palpak nga talaga.
Maraming kuwento si LJ tungkol sa school at tawa lang nang tawa si Atlas. Hindi niya naranasang pumasok sa malaking school simula nang mag-ten years old na siya dahil nag-artista na siya at madalas na modular lalo na at homeschooled siya.
"Daddy, may ask ako, pero 'wag po ikaw mag-sad, ha?"
Uminom muna ng juice si Atlas at tumango. "Go ahead."
"When po kaya mag-eat si Mommy with us?" tanong ni LJ. "I'm just curious po when kaya tayo mag-eat ulit sa one table. I asked her to come earlier kaso she's busy writing, e."
Ngumiti si Atlas para itago ang lungkot sa tanong ni LJ. Hindi rin niya alam ang isasagot, pero hindi siya puwedeng magsinungaling kay LJ at lalong hindi puwedeng ibahin ang usapan.
Atlas enjoyed dinner with his daughter. Palagi naman, walang palya. Marunong gumawa ng topic ang anak nila, parang si Laurel. Kahit na simpleng bagay, puwedeng gawan ng mapag-uusapan.
Sandali silang nagpahinga ni LJ. Nag-usap lang silang mag-ama tungkol sa kung ano tulad na lang ng sa pag-aartista niya. Nagtatanong si LJ kung nahirapan ba siya o ano ang mga paborito niya sa trabaho.
It was their way of resting after eating. Malapit na rin kasi ang sleep time ni LJ at sinusunod nila iyon.
Habang naglilinis ng kusina, narinig ni Atlas ang may kalakasang hangin mula sa labas. Nabasa rin niya sa news na magkakaroon ng typhoon kaya malaman na uulan na naman.
Bago pa man lumakas ang ulan, kailangan niyang mapatulog si LJ dahil takot ito sa kulog at kidlat, tulad niya. Baka mahirapan itong makatulog at kailanganing tawagin si Laurel kaya kaagad niyang itinigil ang ginagawa.
Natawa si Atlas nang makita si LJ na nakahiga sa sofa, nakabukas ang TV, at mahimbing na natutulog yakap ang baby bear nito. Maingat niyang binuhat ang anak. May kalakihan na, pero baby pa rin niya.
Sandali niyang tinitigan ang mukha ni LJ dahil parang halos hinulma ang mukha nito kay Laurel. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ng bunga nila at hinalikan ito sa tungki ng ilong bago pumasok sa kwarto niya at maingat na ibinaba sa malambot na kama.
Isinara ni Atlas ang mga bintana at binuksan ang aircon. Naglagay siya ng white noise para kung sakali mang kumulog o kumidlat. Nagsimula na ring bumuhos ang ulan.
Nagmadali siyang linisin ang kusina para makapagpahinga na rin at nang matapos, saktong bumuhos ang malakas na ulan, nag-brownout, at ang kumulog at kumidlat na dahilan para magulat siya.
LJ got it from him—being afraid of the thunder and lightning.
Bata pa lang si Atlas, ayaw na niya iyon. Kalmado siya kapag umuulan, huwag lang kapag kumukulog na at kumikidlat.
Madilim ang buong bahay. Naghahanap siya ng kandila nang biglang lumakas ang kulog na dahilan para sandali siyang mapasandal sa pinto at saktong may kumatok.
May kalakasan ang ulan sa labas.
Maingat na binuksan ni Atlas ang pinto at nakita si Laurel. Nagtama ang tingin nilang dalawa at akmang magsasalita ito, sumenyas siya na huwag mag-iingay.
"Tulog na si LJ," aniya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok ka. Buti hindi ka masyadong nabasa ng ulan."
Maingat isinara ni Laurel ang payong na tumutulo pa at inilagay sa gilid ng pinto. Naunang pumasok si Atlas at nagpunta sa isang kwarto para kumuha ng towel para iabot kay Laurel.
"Nakatulog siya bago pa lumakas 'yung ulan."
Muling lumakas ang kulog. Mabuti na lang at madilim kaya hindi nakita ni Laurel ang gulat niya.
"Ikaw, are you okay?" tanong ni Laurel na sandaling itinapat ang flashlight na hawak nito sa kaniya.
Tumalikod si Atlas at hinanap ulit ang kandila sa kitchen counter. "W-What do you mean?"
"Takot ka rin sa kulog at kidlat, Atlas," ani Laurel.
Nagulat si Atlas sa sinabi ni Laurel. Never niyang sinabi kay Laurel ang tungkol sa takot niya sa kidlat. Nakakahiya iyon, kaya naman walang nakaaalam. Kahit kailan, hindi niya nabanggit iyon kay Laurel.
"Don't worry," ngumiti si Laurel sa kaniya, "your secret's safe with me."
Napako siya sa kinatatayuan. Inayos niya ang kandila sa lamesa at sinundan ng tinign si Laurel na isinara ang mga bintana sa living area pati na ang pinto sa balcony. Hindi niya iyon nagawa dahil hindi siya lumalapit sa kahit saang makikita niya ang kidlat.
"Hindi ko sinabi sa 'yo 'yun," ani Atlas.
Humarap si Laurel at ngumiti. "Hindi mo naman kasi kailangang sabihin sa akin 'yun. N'ong mga panahong magkasama tayo, sa tuwing natutulog ka, gising ako sa madaling-araw. Sa tuwing umuulan n'on sa Tagaytay o sa Baguio, makarinig ka lang ng kulog, you're flinching as if you're afraid of something."
Mas lalong hindi nakasagot si Atlas. Nakakahiya. Tangina.
"I was observing, Atlas," ani Laurel at pumasok sa kuwarto kung nasaan si LJ. Sumunod siya at nakitang isinara din nito ang kurtina ng bintana. Hinalikan na rin muna nito ang anak nila bago lumabas ng kwarto at maingat iyong isinara.
Atlas was shocked not knowing what to say. Wala sa isip niya na inoobserbahan siya ni Laurel. Palagi kasi itong nakatingin sa iba, ni hindi tumitingin sa kaniya. Ni hindi nagtatanong ng kahit ano, ultimo paborito niyang pagkain.
He even thought that Laurel didn't know his favorite color not until LJ told him that Laurel knew about it.
"Matulog ka na rin," sabi ni Laurel. "I'll stay here. Baka magising si LJ. Okay lang ba? Sa sofa lang ako."
"No, doon ka na lang sa bed sa tabi ni J, tapos dito na lang ako sa sofa," sagot niya. "Wait, kumain ka na ba? May lasagna pa rito, it was supposed to be for us three, kaso busy ka raw magsulat sabi ni LJ. Buti na lang, nagsusulat ka na ulit. It's your hobby."
Sandaling yumuko si Laurel bago muling sinalubong ang tingin niya. "Kumain ako ng Lay's," anito at mahinang natawa. "Tinamad akong magluto, e. May lasagna ka pa? Pahingi. Patikim nga!"
"Wait lang." Nakaramdam ng kaba si Atlas. "Initin ko lang sandali sa stove. Mabilis lang."
Hindi alam ni Atlas kung ano ang mararamdaman. Sa unang pagkakataon, nalaman niyang may mga pagkakataon palang nakatingin si Laurel sa kaniya. Ang buong akala niya, siya lang, pero isang importanteng sikreto ang nakita nito nang hindi nagtatanong sa kaniya.
Atlas bit his lower lip and subtly smiled. Hindi naman siya kita ni Laurel dahil nakatalikod siya rito.
His heart pounded knowing at some point, Laurel observed him, too.
Maingat na isinalin ni Atlas ang lasagna sa isang pinggan. Nag-init na rin siya ng garlic bread at kumuha ng juice na natira nila ni LJ. Hindi naman siya magaling sa presentation, pero sinubukan niya.
Tumayo si Laurel at sinundan niya ito ng tingin. Inisa-isa nito ang mga pictures ni LJ na naka-frame at nakasabit sa pader. Simula rin kasi nang magpunta siya sa Hawaii, photography ang isa sa nagustuhan niya. Si LJ ang madalas niyang subject.
. . . si Laurel din kapag hindi ito nakatingin. Hindi printed dahil nakatago lang lalo na at wala itong idea sa mga candid shot niya.
"Here." Ibinaba ni Atlas ang plato sa coffee table ng sala. "I hope you'll like it. Hindi ko first time magluto niyan, pero first time na hindi masyadong palpak. I also recently got an oven. Naisip ko lang din na pag-aralan 'yan kasi sabi ni LJ, paborito mo raw 'yan."
Nanatiling nakatalikod si Laurel at nakatingin sa frames. Sandali niyang iniwan ito at mayroong kinuha sa isang kwarto.
"Also . . ."
Lumingon si Laurel ngunit kaagad na nag-iwas ng tingin si Atlas na ibinaba ang bouquet ng bulaklak na binili niya at itinabi iyon sa mga pagkain na nasa maliit na lamesa.
Those were carnation flowers. It was a mixture of pink, dark red, and a lighter red. Ipinaayos niya sa florist sa city.
"A-Atlas." Laurel gazed at him with droopy eyes.
Atlas breathed. "Ma'am, I am serious about courting you. Don't worry if you're thinking hindi ko sinabi kay Laureen. I just told her we'd be having dinner together, so don't hesitate to reject me if you want," he assured. "I also got you an ice cream. Chocolate chip mint, gusto mo now na para malusaw na?"
Tumango si Laurel kaya tumalikod na siya para kumuha ng ice cream.
Kabado siya dahil baka hindi magustuhan ni Laurel ang lasagna. Tumingin si Atlas sa bintana at nakita ang malakas na ulan at hangin.
Nagsalin siya sa bowl ng ice cream at hinalo iyon bago ibinigay kay Laurel. "Bumili ako ng ice cream. Pambawi sa hindi masarap na lasagna."
"Who says hindi masarap?" Laurel frowned. "It tastes good, Atlas, don't worry. Thank you."
"Hindi ko alam kung magte-thank you ba ako sa bagyo dahil natikman mo 'yung failed lasagna ko."
Laurel chuckled, and Atlas stared at Laurel. There were lots of words he wanted to say. Lots, and he didn't know where to start. But LJ wasn't around, and he would take the opportunity.
"You can reject me multiple times, Laurel. That's okay, that's understandable. But I will try. I . . . I really do love you." Atlas stopped and didn't break the stare. "You don't have to feel bad, hindi mo kailangang suklian 'yun. Just . . . let me love you."
Tumingin si Laurel sa kaniya. "Atlas, I have a question."
Hindi sumagot si Atlas at nanatiling nakatingin kay Laurel.
"Why me?"
"I have a question, too, Laurel," he uttered. "Why not you?"
Ibinalik Laurel ang tingin sa pinggang hawak at iniikot-ikot pa ang tinidor sa pagkain. "I will hurt you," sabi nito at malalim na huminga. "For some reasons, alam ko sa sarili kong masasaktan kita. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari, hindi ko alam kung paano, pero masasaktan kita."
"Love is pain, too, Laurel."
Hindi na nagulat si Atlas nang tumayo si Laurel at ibinaba ang pinggan sa lamesa. May kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata nito na hindi niya alam kung ano.
"Aalis ka na?" tanong ni Atlas.
Tumango si Laurel. "Oo, thanks for the dinner."
Sumandal si Atlas sa lamesa habang nakatingin kay Laurel na papalabas nang tumigil ito at mabagal na humarap sa kaniya.
"Love . . . doesn't have to be painful, Atlas. If it's painful, it's not worth it. You love the wrong person. That's why there's pain. Ayaw kong masaktan ka, please . . . iba na lang."
Dinig ni Atlas ang pagsusumamo sa boses ni Laurel.
"Been trying to, Laurel." Tipid siyang ngumiti. "No worries, hindi naman kita pinipilit. Huwag ka na umalis, you can sleep beside LJ, baka hanapin ka niya mamaya, rito lang ako sa sofa. If you need anything, I'll be here."
Kinuha ni Atlas ang ice cream na pinalambot niya at siya na lang ang kakain. Nang matikman iyon, muntik siyang masuka dahil hindi niya talaga gusto ang combination ng mint chocolate chip. Para iyong toothpaste.
"Give me that." Laurel shook her head and rolled her eyes. "You hate mint chocolate chip, Atlas. Huwag mong pilitin. That's my flavor, and you're more of a double Dutch kind of person."
Pilit nilunok ni Atlas ang nasa bibig niya habang nakatingin kay Laurel na bumalik sa pagkakaupo sa sofa.
"Lasagna is okay naman, kaso lang, medyo maasim, nadamihan mo ng tomato. Sa susunod, lulutuan kita. That's LJ's favorite food rin so dapat, matutuhan mong lutuin. Garlic bread naman was too soggy. Too much butter, but thank you for the dinner, I appreciate it." Laurel smiled at him. "Also, for the flowers."
Atlas calmed. "That was almost ten years too late, I think." He smiled.
Tahimik si Laurel na ipinagpatuloy ang pagkain. Muling tumingin si Atlas sa bintana at nakita ang pagguhit ng kidlat.
Kung sa ibang pagkakataon, makararamdam siya ng kaba ngunit iba kapag kasama na niya si Laurel.
"Nabanggit pala sa 'kin ni Job na . . ." nanatiling nakatingin si Laurel sa bowl na hawak, "na binenta mo 'yung rest house mo sa Tagaytay?"
"Yup. I did." Yumuko si Atlas nang maalala ang dahilan bago nagsalubong ang tingin.
"Bakit?" Laurel's brows furrowed. "That was your favorite place. Sobrang ganda ng lugar na 'yun. I remembered how much you admired that place na kahit ayaw mo sa malamig, and you loved the view. The view of Taal, the green scenery, lahat. Imagine my shock when Job told me you sold it."
Atlas chuckled. "Well," he paused, "it used to be my favorite. It used to be . . . until I found the real meaning of resting."
Laurel remained silent while looking at him.
"Also, it'll be hard for me to go there without you." Pinilit niya ang ngumiti. "Ang hirap kasi nasanay ako na kasama kitang pupunta roon, tapos biglang isang araw, ako na lang mag-isa? I don't wanna go anywhere alone anymore, Laurel. You already made me feel what it was like to sing some cliché songs that I used to hate. I already felt what it's like to be in your arms . . . you can't blame me."
"Atlas," Laurel sighed, "I'm sorry for leaving you."
Umiling si Atlas. "Don't be sorry. Naiintindihan ko . . . but when you left, I realized something, naalala ko 'yung isang kantang madalas nating pakinggan sa road trip. It was just a song we used to jam, but it all made sense when you left me."
Laurel frowned with a smile. "Ano? Puno playlist natin n'on."
"I like me better when I'm with you."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top