Chapter 44

Nag-message si Atlas sa parents niya at kinumusta ang mga ito. Madalas din naman niyang nakakausap ang mga magulang niya lalo na at nami-miss na siya ng mga ito.

Hindi inasahan ni Atlas na magre-reply si Job kaya imbes na mag-reply siya pabalik, tinawagan niya ang kaibigan.

"Good morning naman, Atlas." Umiiling si Job na naglakad papunta sa kung saan. "Kumusta ka naman diyan?"

"Okay lang naman ako." Naupo si Atlas sa unang baitang ng balcony niya. "Kayo?"

Nanatiling nakatingin si Atlas sa screen ng phone niya at hawak sa kanang kamay ang kapehan. It was almost seven in the morning.

"We're okay," ani Job na naupo sa sofa at komportableng sumandal. "Ikaw, may balak ka pa bang umuwi? Gago ka, anim na buwan ka na riyan."

Natawa si Atlas at umiling. "Parang hindi ko kakayaning umuwi. Ang hirap iwanan ni Laureen, e."

Naningkit ang mga mata ni Job at may nakalolokong ngiti habang nakatingin sa kaniya. "Si Laureen nga lang ba o pati 'yung nanay?"

"Pareho," pag-aamin ni Atlas at yumuko.

"Stiff pa rin ba?" tanong ni Job.

Mabagal na tumango si Atlas at natawa, ganoon din si Job na humalakhak pa nga. "Laurel isn't Laurel if not stiff. Literal na bato, e."

Natawa si Job at wala siyang naging sagot sa reakson nito at iniba na ang usapan. Nagtanong siya tungkol sa businesses niya sa Pilipinas na sina Job at Patrick muna ang nagha-handle.

"Kahit bakasyon lang sandali para makita mo 'yung businesses mo?" ani Job. "Okay naman lahat dito, wala kang dapat alalahanin. Nami-miss ka lang namin, lalo ni Tita Jenny!"

"Nagkausap kami kanina. Nagtatanong nga rin kung kailan ako uuwi, kami . . . pero hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin masagot," seryosong sabi ni Atlas.

Job warmly smiled at him. "Sige lang. Mag-enjoy ka lang diyan kasi okay naman kaming lahat dito. Kung sakali man, dalhin mo na lang muna sina Tita Jenny riyan, 'di ba?"

"That's actually the plan," sagot naman ni Atlas.

Mahabang katahimikan ang sandaling namayani sa kanila ni Job. Nakatingin si Atlas sa malawak na karagatan dahil kapareho ng kay Laurel, mula sa balcony ng bahay niya ay kita ang malawak na dalampasigan.

"Gusto kong itanong, kung komportable ka lang, ha?" Tumigil si Job. "How's your life recently, Atlas? Ikaw kasi ang palaging kumukumusta sa 'min. Kapag kinukumusta ka namin, biglang nag-iiba ang topic."

Atlas unconsciously smiled and breathed. "It's addicting. The freedom, the anonymity, and the feeling of unrestricted? I never thought it was this good that I don't want to leave it."

Hindi sumagot si Job sa isinagot ni Atlas.

"Laurel and LJ aside, ha? I like that I can walk freely without the fear of getting mobbed. And actually, my recent most favorite? The fact that I can just walk around the supermarket to buy my stuff . . . was so nice. Ang babaw, per—"

"Hindi mababaw," Job said with a warm smile. "I am so happy for you, Atlas. So happy that you have that smile on you and it's refreshing."

Atlas unconsciously smiled because it was true. The happiness was unexpected and it was addicting. Ilang beses na rin niyang sinabi iyon sa parents niya, kina Job at Patrick, pati na kay Amira na minsan niya ring nakakausap.

"Job, I have to go. I have to fix myself. Ihahatid ko kasi si LJ sa school and I might grab some stuff. Wala rin kasi akong pasok ngayon." Sumimsim ng kape si Atlas habang nakatingin sa phone. "Balitaan mo na lang ako."

"Always." Job nodded and dropped the call.

Hinarap ni Atlas ang malawak na dalampasigan. Sa anim na buwan sa Hawaii, hindi niya naisipang umuwi ng Pilipinas. Dapat ay ilang linggo lang hanggang sa naging buwan at hindi na niya nagawang umuwi.

Sa tuwing paplanuhin niya, hindi siya natutuloy.

Laureen Juliana's puppy eyes staring back at him would always be the reason he couldn't leave. Alam din niya sa sarili niyang mahihirapan siya at babalik kaagad. Wala na rin naman siyang commitments sa Pilipinas.

Naglinis muna ng kusina si Atlas bago ayusin ang sarili para sunduin si LJ na ihahatid niya sa school. Mas madalas kasing siya na ang sumusundo at bihirang siya ang maghahatid.

Bumili na rin si Atlas ng sariling sasakyan dahil kailangan niya ng sariling transpo. Kung tungkol sa bahay, maganda ang napili ni Laurel dahil komportable iyon sa kaniya.

Habang umiinom ng tubig bago umalis, nakita niya ang pinamili niya noong isang araw dahil aayain niyang mag-dinner sina Laurel at Laureen sa bahay niya. Madalas na ang anak lang niya ang nakakasama dahil nahihiya rin siyang ayain si Laurel, pero sa pagkakataong iyon, susubukan niya.

Madalas na ring natutulog si LJ sa bahay niya. Madalas na random lang na maiisipan lalo na at lalakarin lang naman.

Paghinto ng sasakyan sa harapan ng bahay nina Laurel, naisipan niyang bumaba para katukin kung ready na ba si LJ. Madalas kasi na nakaupo na ito sa hagdan sa tuwing susunduin niya at sa pagkakataong iyon, wala pa ito.

Mula sa pintong nakabukas, narinig ni Atlas si LJ. Hindi siya kita ng dalawa na nakatalikod habang may inaayos sa lamesa.

"That's your fourth cup of coffee, Mommy," paninita ni LJ kay Laurel na mahinang natawa.

Walang naging sagot si Laurel sa sinabi ng anak nila. Nakaupo ito sa dining table at nakaharap sa laptop na sakto namang sumimsim ng kape.

Atlas smiled while looking at Laurel and LJ. Pinagsasabihan ng anak niya ang ina tungkol sa pag-inom ng kape na hindi niya ikinagulat. Coffee was Laurel's fuel, he was sure.

"Grabe ka na sa kape, ha?" Sumabat na si Atlas at sumandal sa hamba ng pinto. "Hindi ka pa ba nagpa-palpitate?"

Umiling si Laurel at tinungga ang kape. Bottoms up sabay hagikgik at naningkit ang mga matang nakatingin sa kaniya. "So far, hindi pa naman," anito at ngumiti. "I needed it. Gising ako sa madaling-araw."

Nabanggit ni LJ kay Atlas na nagsusulat na ulit si Laurel. Wala naman itong sinasabi sa kaniya at ang anak nila ang nagshi-share ng mga ganoong bagay.

"Aalis na ba kayo?" tanong ni Laurel.

Tumango si Atlas at kinuha na ang backpack ni LJ na nakalagay sa sofa. "Yup. Maaga na rin kaming aalis. I'm planning na dumaan muna sa McDo bago ihatid si LJ sa school," aniya at nilingon ang anak na nagsasapatos. "Ikaw, wala ka bang lakad? Coding ang sasakyan mo ngayon."

"Oh, shoot." Nanlaki ang mga mata ni Laurel na tumingin sa kalendaryo. "Oh my gosh. Kailangan kong magpunta ng mall. But that's okay, mag-cab na lang ako."

"Bakit hindi ka na lang sumabay sa 'min? Wala naman akong pasok ngayon, I can give you a ride," pag-offer niya.

Umiling si Laurel at ngumiti. "No, it's okay. Mamayang hapon na lang siguro ako."

Nag-iwas ng tingin si Atlas at hinaplos ang batok, at tumango-tango. It was expected and it was okay.

Sa anim na buwan niya sa Hawaii, ramdam naman niya ang pag-iwas ni Laurel sa mga ganoong bagay. He didn't want to push it. Kapag sinasabi ni Laurel na hindi, hindi na siya namimilit. He didn't want to make her uncomfortable.

Kaysa ipahalata ang hiyang naramdaman niya, nilapitan niya si LJ para tulungan ang anak niya sa pagsuot ng sapatos nito. Alam niyang kaya nitong magsintas ng sapatos, pero siya na ang gumawa—para na rin makaiwas kay Laurel kahit sandali.

"Mahihintay n'yo ba ako?" tanong ni Laurel na nagpatigil kay Atlas sa pagsisintas ng sapatos ni LJ.

Hindi siya lumingon at muling itinuloy ang ginagawa.

"Maliligo lang ako sandali, sasabay na lang ako sa inyo. Magbabayad na rin siguro ako ng tuition ni LJ," ani Laurel.

Nilingon niya si Laurel at bahagyang tumango. "Maaga pa naman. Take your time," aniya at ibinaling ulit ang atensyon sa pagsisintas ng sapatos ng anak. "We'll wait for you."

Inaya ni Atlas si LJ na hintayin na lang si Laurel sa labas ng bahay. Naupo silang dalawa sa hagdan ng balcony at ipinakita sa kaniya ni LJ ang mga activities sa school nitong mga nakaraan.

"I'll cook dinner later," ani Atlas kay LJ na tumingin sa kaniya na may ngiti sa mga labi. "Do you want me to buy some cake and ice cream?"

"Yes, Daddy." LJ happily nodded. "I'm excited po. Let's do a movie, too?"

Atlas agreed. Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa schooling nito at natatawa si Atlas na sinusubukan naman ni LJ na mag-Tagalog, medyo nahihirapan lang dahil mismong si Laurel, English makipag-usap sa anak.

Bumukas ang pinto at sabay na nilingon nina LJ at Atlas si Laurel na nagsusuklay.

"Five minutes, okay lang? May story lang akong ipa-publish," ani Laurel sa nangungusap na boses.

Sabay silang tumango at nang wala na si Laurel, nilingon kaagad ni Atlas si LJ na nakatingin sa sariling test paper. Nanatiling nakabukas ang pinto at nakita niya si Laurel humarap sa laptop.

"Mom's writing again?" Atlas asked his daughter, whispering. "If it's a secret, don't tell me."

LJ giggled and nodded. "I think, yes, Daddy. Kasi po sa morning, she's typing. Nagigising po ako, she's in front of the laptop."

Tumango si Atlas at hindi na muling nagtanong. Walang nababanggit si Laurel tungkol sa pagsusulat nito at mukhang hindi rin naman sinabi kay LJ.

Inaya rin niya si LJ na mag-swimming kinabukasan dahil wala naman itong pasok. Hindi na rin siya nawawalan ng oras sa anak. Sa meeting, madalas na siya ang uma-attend kaya may mga Pilipinong nakakikita sa kaniya.

Ang mabuti lang din, hindi ito tulad ng mga nasa Pilipinas na wala ng pakialam sa pribadong buhay niya. Atlas liked it that he wasn't relevant in Hawaii and that some Filipinos were respecting the boundaries.

"Let's go?" ani Laurel.

Tumango si Atlas at tumayo naman si LJ na tumakbo na papunta sa sasakyan niyang naka-park sa harapan ng bahay nina Laurel.

Sigurado siyang nila-lock ni Laurel ang pinto ng bahay ngunit nasanay siyang palagi iyong dino-double check kahit na tinatawanan lang siya ni Laurel. As always, Laurel shook her head without saying anything.

"Locked." Atlas gazed at Laurel and smiled. "So, you're back to writing?"

Laurel shrugged. "I don't know. Maybe? Hindi rin ako sure, pero sinubukan ko lang ulit."

Sabay silang naglakad papunta sa sasakyan. Nakapamulsa si Atlas at mabagal na sinasabyan si Laurel na mayroong inaayos sa bag.

"What's you new story?" he asked. "Ang tagal mo na ring hindi nagsusulat, e. Ano'ng title?"

Laurel stopped walking and faced him. "Actor's Hidden Whore," she responded with a subtle smile. "Our story."

Natigilan sa paglalakad si Atlas habang nakatingin kay Laurel na tumalikod at naglakad na papunta sa sasakyan niya. Nakaramdam siya ng kaba dahil hindi niya alam kung ano ang nakasulat sa librong iyon. Hindi niya alam kung may masasabi ba roon tungkol sa nakaraan ni Laurel, pero may tiwala siya rito. Kung ano man ang nakasalaysay sa librong iyon, may tiwala siya.

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi kita whore n'on," aniya bago hinayaang makapasok si Laurel sa sasakyan. "You will never be."

Ngiti lang ang isinagot ni Laurel sa sinabi niya ngunit habang nagmamaneho, tahimik lang si Atlas dahil ina-analyze na naman niya ang mga bagay-bagay. Hindi rin siya mapakali dahil curious siya sa laman ng story at gusto niya iyong mabasa.


Dumaan muna sila sa McDo bago ihatid sa school si LJ. Sandaling nawala ang pag-aalala ni Atlas dahil natawa siya nang pare-pareho sila ng order, pero mas marami ang kay laurel.

May burger na, may nuggets at pancakes pa!

Crew siya sa branch na pinuntahan nila kaya naman kilala siya ng mga katrabaho. Wala lang talaga siyang pasok dahil saktong off niya.

Isa iyon sa malaking desisyong ginawa ni Atlas nang maisipan niyang tumira sa Hawaii dahil wala siyang experiences, pero gusto niyang subukan. Isa iyon sa naging pangarap niya noong kabataan niya na hindi niya nagawa.

Naging endorser siya ng iba't ibang fast-food chain, pero hindi niya naranasang maging empleyado at ang paninirahan sa Hawaii ay nagbukas ng bagong oportunidad sa kaniya.

"Mommy, you're so matakaw talaga!" natatawang sabi ni LJ.

Atlas smiled. "Kahit naman noon pa. Your mom would eat like three burgers sa tuwing lumalabas kami. Tapos minsan, bibili kami ng isang bucket ng chicken, sa kaniya lang 'yun. So ang nangyayari, tig-isa kami ng bucket."

Tumawa si Laurel. "E kasi naman, food is life, guys. You can't blame me. I love food so much, it makes me happy. Especially some ice cream."

Atlas knew about it, of course. Noong unang beses na magkakilala sila, ice cream ang kinakain nito. He could still remember the first time he saw her, and he would never forget that.

Inihatid nila si LJ sa school kasabay ng pagbayad ng tuition. Sa gastusin sa anak, palagi silang hati.

Pagkatapos ay sinamahan niya si Laurel sa mall. Hindi katulad sa Pilipinas na pinagtitinginan siya, walang pakialam ang mga tao sa kaniya sa Hawaii kaya naman nakaramdam siya ng kapanatagan. Ni hindi na niya kailangang magtago para lang hindi makita ng iba.

"Uy, if you need to go, I can manage," sabi ni Laurel habang papasok sila sa loob ng mall. "May bills lang akong kailangang bayaran dito, tapos baka dadaan ako ng grocery, I'm not sure, kaya kung uuwi ka na, I can take the cab."

Atlas shook his head. "No, it's fine. Libre ako buong maghapon kahit saan mo pa gustong pumunta. This is the first time na pumayag ka na samahan kita. I . . . I hope it's fine."

"Okay lang naman." Ngumiti si Laurel sa kaniya. "Ikaw lang, e, baka you're busy."

"Hindi." Nakapamulsa siyang naglalakad kasabay ni Laurel. For some reason, nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi siya sanay na naglalakad silang magkasabay na maraming tao sa paligid.

Hindi alam ni Atlas, pero mukhang nagkaroon siya ng trauma. Natatakot siya na baka dahil na naman sa kaniya, may mangyaring hindi maganda kay Laurel.

He just couldn't inflict more pain to Laurel, ayaw na niya. Those more than two years of Laurel's life, hindi niya alam ang nangyari dahil wala siya.

Laurel was very secretive. Kahit na sinasabi ng anak nila noon na minsan, umiiyak ito, hindi niya alam ang dahilan. Naalala rin niya ang nangyari sa ospital two years ago, kung paano ito mag-breakdown at ayaw na niyang maulit iyon.

May ilang lugar at offices silang pinuntahan pati sa bangko. Mas madalas na nasa labas lang siya at naghihintay kay Laurel.

Simula nang dumating siya, may mga pagkakataong sinusubukan niyang yayain si Laurel na lumabas. Pero nang pumayag at kasama na niya, hindi siya mapakali.

"Okay ka lang?" tanong ni Laurel na huminto sa paglalakad. "You look uneasy? Am I making you feel uneasy?"

Umiling siya. "Of course not. Natatakot lang ako na . . . na . . . baka may makakita sa atin na magkasama, tapos ikaw na naman ang lalabas na masama. I j-just don't wanna hurt you anymore."

"Never mo naman akong sinaktan, Atlas," sagot ni Laurel na humarap sa kaniya. "Gusto mo ng ice cream? I'm really craving for it. Libre ko na since ikaw naman ang nag-drive."

Tango lang ang isinagot ni Atlas at naupo sa isang waiting area ng mall habang nag-o-order si Laurel sa Dairy Queen.

Atlas was just staring at Laurel, who was smiling while talking to the crew. Mahina siyang natawa. Maybe she really missed eating her ice cream. She looked so happy, she looked refreshed.

Bigla niyang naalala na may bagong post nga pala si Laurel na story. He never deleted the application, he was waiting for Laurel's update.

Hinihintay niya ang time na magsusulat na ulit ito katulad ng dati at nangyari iyon.

Binuksan niya ang application at nakita ang bagong story. She really did update a new one, but the title got him. Nalungkot siya dahil iyon ang tawag nito sa sarili noong panahong magkasama pa sila.

Actor's Hidden Whore.

"Ang lalim naman ng iniisip ni Atlas!" Naupo si Laurel sa tabi niya at inabot ang ice cream.

Kaagad na tinago ni Atlas ang phone para hindi makita ni Laurel na binuksan niya iyon.

"Mango cheesecake with Oreo, KitKat, almond, and whipped cream. Pareho tayo, still my favorite blend," magiliw na sabi ni Laurel.

"Ang loaded. Hello calories tayo rito," sagot niya at nagsimulang kumain.

The blend really tasted good.

Huminga nang malalim si Atlas at tumingin kay Laurel. "You were never my whore, Laurel," aniya.

Tumingin sa kaniya si Laurel. "I was, Atlas. Ano ka ba? Ang tagal na nating pinagdidiskusyunan 'yun." Natatawa ito. "Okay nga lang, kasi totoo."

Umiling siya at sinalubong ang titig ni Laurel. "No. You were never my whore, Laurel. Kahit ayaw mong pakinggan, you were my home. During those time na . . . pagod na ako sa mundo, ikaw ang pinapupunta ko, ikaw ang pinupuntahan ko. 'Cos you keep me warm in ways possible. Not the bed thingy, in other ways."

At kahit paulit-ulit niyang sabihin sa sarili niya iyon, hindi siya magsasawa. Multiple rejections, he would never care.

Laurel smiled at him and his heart raced like crazy. Inangat nito ang kamay at tinanggal ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"I never thought long hair suits you. Lumabas 'yung pagiging kulot mo, no doubt, sa 'yo nakuha ni LJ 'yung hair niya. Do you want me to braid it later?" Laurel offered.

Natigilan si Atlas.

Later?

May later pa?

"S-Sure." He smiled.

"Sige, sa may beach area, doon sa hammock, i-braid ko 'yung hair mo," sabi ni Laurel na parang walang epekto.

Atlas sighed. Maybe it was the right time. Dalawa lang sila, wala si LJ. Mas madalas kasi na makakasama lang niya si Laurel sa tuwing kasama si LJ. Atlas breathed and tried to calm himself.

"Laurel, I'm courting you."

Subo nito ang kutsara bago tumingin sa kaniya. "W-What?"

"I am courting you. Formally," seryosong sabi niya. "We have a daughter together, we used to do things together, but this time, I want to court you formally."

Mahinang natawa si Laurel. "Really? Marunong kang manligaw?"

"L-Let's try." He smiled. "Whatever, I'll court you anyway. I should've done it years ago . . . but the timing wasn't right. Now, I will."

"Atlas, we're in our thirties na," pagpapaalala ni Laurel. "Wala na tayo sa calendar."

"Whatever," sagot ni Atlas. "I'll wait."

Laurel laughed. "What if abutin ka ng years sa panliligaw? I'm not sure, Atlas. You know my thoughts about relationships."

"I know." He smiled. "Naalala mo ba 'yung kanta ni Chris Brown and Justin Bieber? We used to sing it during road trips."

Kumunot ang noo ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "What song?"

Ngumiti si Atlas. Mahina niyang kinanta ang Next to You para ipaalala kay Laurel ang kantang madalas nilang pakinggan.

"Sintunado ka pa rin," natatawang sabi ni Laurel sa kaniya.

Mahinang natawa si Atlas. "Girl, 'cause you are the only thing that I got right now," pagpapatuloy niya.

"Atlas, I'm not sure."

"Don't worry, hindi ako nagmamadali. I have a lot of time, Laurel," Atlas assured. "Alam kong hindi ka madaling mahalin but I—"

Laurel shook her head while looking at him. "Don't waste your time, Atlas. I'm a boring person."

"Waste my time? You are a boring person?" Atlas paused and smiled. "Hindi mo sure."

Natawa si Laurel habang nakatingin sa kaniya. Umiiling ito at nagpatuloy na lang sa pagkain ng ice cream. Wala itong sinabing oo o hindi, she didn't say anything.

He was just looking at Laurel, and he couldn't look away anymore. Atlas smiled while Laurel started to talk to him normally. Nagkuwento ito tungkol sa trabaho.

Habang nagmamaneho dahil ihahatid na niya si Laurel sa bahay, nagulat siya nang ilabas nito ang ulo sa bintana ng sasakyan habang malakas silang nagpapatugtog ng Drive ng Incubus.

Whatever tomorrow brings I'll be there
With open arms and open eyes yeah
Whatever tomorrow brings
I'll be there, I'll be there

Atlas was focused on the road but thought of something when Laurel started to laugh over a video she just watched on YouTube and told him about it.

'While looking at her, I saw life. While hearing her laugh, I understood happiness. While watching her smile, I felt at peace. Laurel is everything . . . and she doesn't even deserve to be hidden. I love her . . . so much.'

Atlas eyes were concentrated on the road, his hand was busy holding the steering wheel, but his mind was focused on Laurel. Finally, he was home . . . the home he would always come back to, the home he wouldn't want to leave.

He was listening to the music when he realized something. Starting today, he would be standing right next to Laurel.

It took them long, and it would take them longer, that was for sure.

But he was willing to wait.

He would wait.

There was no assurance, but he would wait.

It was going to be challenging, but life was just starting.

Yes, his life with Laurel starts now.


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys