Chapter 43
Mahigpit na niyakap ni Atlas si LJ at kung puwede lang na huwag na muna itong bitiwan, gagawin niya. Naramdaman niya ang pamumuo ng likido sa magkabilang mga mata niya habang nakasubsob ang mukha sa leeg ng anak.
Atlas recalled the same position they were in. It wasn't a pleasant experience; he would if he could just forget about it.
"I missed you so much, bub," he whispered against LJ's neck before pulling away. He stared at his daughter for one good minute before kissing her cheek.
No words. Atlas smiled while staring at his daughter.
"I missed you, Daddy." Laureen Juliana kissed his cheek. "Let's eat McDo?"
Atlas nodded and gazed at Laurel, who was walking toward them. A smile crept into his lips when their eyes met.
"Welcome to Hawaii," Laurel said with a smile.
"Hi, ma'am," Atlas responded. "Thanks for picking me up."
Laurel gave him a nod. "Wala 'yun. Isang maleta lang ang dala mo?"
"Oo. Importanteng gamit lang saka 'yung mga papeles lang naman," sagot ni Atlas at ibinaba si LJ. "Dito na lang ako bibili. Maghahanap na lang ako ng mall."
Tumango si Laurel at mahinang natawa. "Sige lang. Marami namang mall na puwedeng puntahan rito kung sakali. Sasamahan ka na lang din namin ni Laureen," anito at naningkit ang mga mata. "Kain tayo? Libre ko."
"No, it's ok—"
"I insist," Laurel cut him off. "Tara na? Saan n'yo ba gustong kumain?"
"McDo!" LJ excitedly uttered. "Right, Daddy? You promised na we'll eat sa McDo pagkita na ulit tayo?"
Atlas held LJ's hand while the other was on his luggage. "Yup." He gazed at Laurel. "McDo raw, e."
Naningkit ang mga mata ni Laurel at tiningnan si LJ na nakayakap sa kamay ni Atlas. "Hindi ka pa ba nasusuka sa McDo? Halos araw-araw na tayong dumadaan doon, e."
Ngumuso si LJ at tumingala kay Atlas. "But Daddy promised po, Mommy," sabi ng anak nila.
Umirap sa hangin si Laurel at mahinang natawa. "Fine. Mukhang may pag-uusap naman na kayo. Tara na? Gusto mo rin bang dumaan na ng mga gamit mo sa mall or pahinga ka muna 'cos jetlagged?"
"Sa susunod na lang 'yun. Marami namang time," sagot ni Atlas.
Sabay-sabay silang naglakad papunta sa parking. Hila ni Atlas ang maleta at nasa likuran ang backpack na laman ay personal na gamit din niya.
Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hawak ni LJ. Panay ang kuwento nito tungkol sa pag-aaral sa Hawaii at humahagikgik pa nga habang nagsasalita ngunit hindi siya makasagot. Nanatili ang focus niya sa kamay nilang magkahawak.
"Atlas," pabulong na pagkuha ni Laurel sa atensyon niya. "Tinatanong ni LJ kung kumusta 'yung flight mo."
"Oh." Atlas gazed at LJ. "Sorry."
"Are you okay po, Daddy?" nag-aalalang tanong ni LJ.
Tumango si Atlas. Magsasalita sana siya nang huminto sila sa itim na sedan at si Laurel na ang nagsalita.
"Laureen, get in the car na," sabi ni Laurel. "Sa backseat na lang kayo ng daddy mo."
Hindi na kailangang ulitin ni Laurel ang sinabi. Nag-stay naman silang dalawa sa likod at binuksan nito ang trunk para mailagay niya ang maleta.
"Ayos ka lang?" Seryosong nakatitig si Laurel sa kaniya.
"Oo. Overwhelmed." Huminga nang malalim si Atlas at ipinalibot ang tingin sa lugar. Ilang beses muna siyang lumunok bago muling nagsalita, "I've been looking forward to this day, holding Laureen's hand."
"Loosen up." Laurel tapped his arm. "Marami kayong time together. Excited na rin 'yan. Siya ang namili ng bedsheet sa kama mo sa bahay mo."
Atlas chuckled and stared at Laurel who walked towards the driver's side. Sinabi nito sa kaniya na sa backseat na siya kung nasaan si Laureen.
Pagpasok sa sasakyan, napapikit si Atlas nang maamoy ang pamilyar na amoy. Magkahalo iyon at pareho niyang hindi malilimutan.
The scent was a mixture of Laurel and LJ's perfume. It invaded his nostril. He looked down, shut his eyes for a second, and inhaled the scent of home. His home.
"So, McDo nga?" tanong ni Laurel.
Nag-angat tingin si Atlas at tipid na tumango. Nilingon niya si LJ na nakatingin sa kaniya. Hindi niya maialis ang tingin dahil kahit araw-araw silang magkausap, iba ang pakiramdam niya.
Laureen Juliana grew bigger and Atlas felt like he missed lots of times. Nabungi, nag-birthday, pumasok sa school, nagsimulang mag-take ng art class, at kahit isa roon ay wala siya.
Lumapit sa kaniya si LJ kaya nakakuha siya ng pagkakataon para ipalibot ang braso sa katawan ng anak na sumandal pa sa kaniya. Nakakuha siya ng pagkakataon para halikan ang tuktok ng ulo ng anak.
Muli siyang napapikit at pagdilat, nagtama ang tingin nila ni Laurel sa rearview mirror bago nito ibinalik ang tingin sa daan.
Atlas took the chance and stared at Laurel who was casually driving. The speaker was on, and the three of them were quiet. The song was Muli by Ace Banzuelo.
Nilingon ni Atlas ang bintana at binabaybay nila ang daang kita ang malawak na dalampasigan ng Hawaii. Ayaw sana niyang muling magsalubong ang tingin nila ni Laurel kaya siya na ang umiwas.
Atlas's thumb caressed Laureen's hand. That was what he did the whole drive. No one was talking until they reached McDo.
Si Laurel na ang nagprisintang mag-order para sa kanila. Naiwan sila ni Laureen sa upuan at magkatabi pa nga. Ipinatong niya ang siko sa lamesa at ang baba sa palad para lingunin ang anak. Sandali niya itong tinitigan.
"Why are you looking at me like that, Daddy?" Laureen frowned.
"I missed you so much," Atlas murmured. "I still can't believe we're together now. Nasanay ako sa video call and to see you up close is way, way, way better."
"I missed you more po, Daddy." Ngumiti si Laureen. "When ka po babalik sa Philippines? Sana po hindi po soon kasi gusto ko pa po ikaw kasama."
Ngiti lang ang naisagot ni Atlas dahil hindi rin niy alam. Ayaw niyang mangako sa anak para hindi ito umasa. Wala pa siyang plano at hahayaan na lang ang mga susunod na araw.
Nilingon niya si Laurel na papalapit sa kanila bitbit ang tray ng mga pagkaing binili nito bago naupo sa harapan nila ni Laureen.
Laurel was wearing a simple white tank top and ripped jeans paired with chucks. Sakto lang ang katawan nito, tulad pa rin noong nasa Paris, pero mas firm. Tama nga si Laureen, madalas na nagwo-workout si Laurel.
Naningkit ang mga mata ni Laurel habang nakatingin sa kaniya. "Titig na titig naman 'yan," sabi nito na inaayos ang pagkain nila. "After this, saan n'yo gustong pumunta?"
"Ikaw ba? Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Atlas bago nilingon si Laureen. "Do you wanna go somewhere?"
LJ shook her head. "No, Daddy. I think let's go home na po so you can rest. I remembered the last time we rode a plane; Mommy and I were sleeping the entire day."
Natawa si Laurel at komportableng naupo. Sumandal ito sa upuan, inipitan ang mahabang buhok, bago nagsimulang kumain ng burger.
Nothing changed. That was what Atlas thought. The way Laurel ate burgers was the same. Overloaded sa pickles, maraming mustard, pero kaunti ang ketchup. Nilagyan ng fries sa loob ng burger bago in-enjoy ang pagkain.
Sa naisip, napangiti si Atlas at nahuli siya ni Laurel na nagsalubong ang kilay hanggang sa sabay na silang natawa.
"Kung ayaw mo ng gulay, sa 'kin na lang," ani Laurel at umiling. Tumingin din ito kay LJ. "Mag-ama nga kayo. Pareho kayong ayaw ng gulay."
Nagkatinginan sila ni LJ at mahinang natawa. Pareho nilang tinanggal ang mga gulay ng burger nila. Sinabi sa kaniya ni LJ na palaging ganoon ang order ni Laurel at saka kukunin ang gulay para ilagay sa sariling burger.
Burger, fries, ice cream, at softdrinks, iyon ang nagsilbing lunch nila. Busog si Atlas dahil sa kinain niya sa eroplano, pero iba ang pagkabusog na naramdaman niya habang kumakain sa isang lamesa kasama ang mag-ina niya.
It was their first time eating together—just the three—at one table.
—
Habang nasa Pilipinas, nakisuyo si Atlas kay Laurel kung puwede ba siyang magpahanap ng bahay na puwede niyang mabili kung sakali mang nasa Hawaii siya—na para sa kaniya. Mayroon siyang nabili, pero iba ang nakatira. Sakto namang kasalukuyang ibinebenta ang isang bahay malapit kina Laurel.
They were three houses away from each other. Both were facing the sea. Walking distance lang din ang bahay nila sa isa't isa.
"Ako nag-choose ng bedsheet mo, Daddy," pagmamalaki ni LJ at binuksan ang pinto. "Look mo, o. It's dark blue kasi Mom said it's your favorite daw po."
Nilingon ni Atlas si Laurel na nakasandal sa hamba ng main door ng bahay niya at nakatingin sa kanila ni LJ. He didn't know that Laurel knew his favorite color, he never mentioned it.
"So, okay na sa 'yo 'tong bahay mo?" tanong ni Laurel. "Ang ganda rin ng view rito, e. Two bedrooms lang siya and it's as good as cottage house but since you're planning to make it a house lang naman kapag nandito ka sa Hawaii, do you think it's good for you?"
Atlas nodded and smiled. "Thanks for fixing these," he said.
"Parang others." Laurel chuckled and called LJ's attention. "J, tomorrow ka na lang mag-sleepover, ha? Let your dad sleep muna."
"It's ok—"
"No," Laurel stopped him. "Rest. But if you're awake mamaya, dinner's on me. Punta ka na lang sa bahay. Tingin mo?"
"Sure," Atlas responded with a nod. "Siguro iidlip lang muna ako. Maaga pa naman and I'll be there in time for dinner."
Laurel agreed. Inaya na rin nito si LJ para umuwi muna sa bahay dahil gusto nitong magpahinga na muna siya. Dama rin niya ang antok at pagod ngunit nang tumama sa mukha niya ang mainit na hangin mula sa balcony, para siyang nagising sa katotohanang totoong kasama na niya si LJ.
Mula sa bahay niya, tanaw ang malawak na karagatan, ang payapang dalampasigan, at ang berdeng bundok na mukhang litrato sa tuwing tinititigan niya. The whole place was like a postcard. Tahimik din ang lugar dahil bukod sa paghampas ng alon sa dalampasigan, huni ng mga ibon ang naririnig niya.
Nag-message si Atlas sa mga nasa Pilipinas na maayos siyang nakarating sa Hawaii. Nag-send pa siya ng picture nila ni LJ habang kumakain sa McDo at habang ginagawa iyon, nakita niya ang stolen shot niya kay Laurel habang nakatingin ito sa kung saan.
Atlas unconsciously smiled when his heart pounded. He got the deja vu. The same feeling he had when he first felt that thump inside his chest.
The first one was confusing and restricting. The second one was still restricting, but the third was freeing.
—
Nagising si Atlas nang madilim na ang buong kwarto. Tiningnan niya ang orasan at kaagad siyang napabangon dahil hindi niya inasahang magiging mahaba ang tulog niya.
It was already eleven in the evening, and he was supposed to have dinner with Laurel and LJ.
Marami siyang messages galing sa Pilipinas, pero dumako ang message sa kaniya ni Laurel gamit ang iMessage ni LJ. Natawa siya nang maalalang wala silang ibang means of communication kung hindi ang sa anak nila.
LJ
Atlas, it's Laurel.
If gising ka na, punta ka na lang here.
I prepared dinner. Wala kang stocks.
Atlas replied. Baka tulog na ang mga ito, nakakahiya kung magpupunta siya.
Atlas
I'm sorry.
I just woke up.
LJ
No prob!
Dalhin ko ba yung food mo?
Atlas
No, I'll be there.
I'm sorry
Read
Nagmadali siyang maligo at nagbabaka sakaling gising pa ang mag-ina niya. Nagugutom na rin siya at wala pa ngang stock sa bahay niya dahil kinabukasan pa lang sila magpupunta sa grocery.
Habang naglalakad mula sa bahay niya papunta sa bahay nina Laurel at LJ, sandali niyang ipinalibot ang tingin sa lugar. Hindi crowded ang lugar at may sapat na espasyo ang bawat bahay. Maliwanag din ang lugar at halatang safe naman. Hindi rin naman tatagal ang mag-ina niya sa lugar kung hindi.
Nakita kaagad ni Atlas na bukas ang ilaw sa bahay nina Laurel. Suot niya ang simpleng board shorts at T-shirt na puti. Sinuklay niya ang may kahabaang buhok bago kumatok ngunit walang nagbukas.
Sandali siyang sumandal sa poarch ng bahay at nag-message kay Laurel nang lumabas ito.
"Sorry." Tinanggal ni Laurel ang AirPods. "Pasok ka muna." Niluwagan nito ang pinto. "Tulog na si LJ kasi nine talaga ang sleep time niya. Pero you can still have dinner. Bukas, sasamahan ka na lang namin sa grocery para sa stocks mo."
Pumasok si Atlas at ipinalibot ang tingin sa buong bahay. Simple lang din at hindi ganoon kalakihan. Mula sa main door, kita kaagad ang sofa at hindi kalakihang TV Na katabi ang isang malaking glass door na mayroong balcony.
Mayroong tatlong pinto at ang isa ay may pangalan ni LJ.
Sa kanang bahagi, nandoon ang dining table na pang-apatan at maliit na kusina. Mayroong nakahain sa lamesa at tinanggal ni Laurel ang mga nakatakip.
"Kain ka na muna," ani Laurel. "Sa balcony lang muna ako."
"Kumain ka na ba?" tanong niya
Tumango si Laurel. "Oo, kumain ako kanina kasabay ni LJ bago rin siya natulog. Nagluto ako ng nilagang pork na maraming patatas dahil paborito ninyong dalawa 'yan," anito at natawa. "Sa labas lang muna ako."
Hindi na hinintay ni Laurel ang sasabihin niya dahil lumabas na ito sa balcony. Mula sa loob ng bahay, kita niya si Laurel. Nakabukas ang ilaw sa labas at basta ito naupo sa hagdan ng balcony.
Nilingon ni Atlas ang nakahain at muli iyong tinakpan bago sumunod kay Laurel. Lumingon ito sa kaniya. Hawak nito ang phone at mukhang nagbabasa.
"Hindi ka pa kakain?" tanong ni Laurel. Nililipad nang malakas na hangin ang buhok nito.
Umiling si Atlas at naupo sa hagdan tulad ni Laurel. There was a safe space between them. He could smell the salty air, hear the waves splashing by the shore, and feel something inside his chest.
Peace? Calm? He didn't know.
"Siguro ang ganda rito kapag umaga?" ani Atlas nang hindi tumitingin kay Laurel. "Imagine waking up watching the waves meet the shore."
"Maganda, pero mas gusto ko kapag gabi. Wala akong makita." Natawa si Laurel. "I like how the darkness could emphasize the stars and the moon. Gusto ko 'yung view kapag nagre-reflect na 'yung buwan sa dagat."
Sandaling pumikit si Atlas. Bukod sa tunog ng alon, pinakiramdaman niya ang sarili habang pinakikinggan ang boses ni Laurel.
Laurel was talking about the place on how peaceful it was. The neighborhood, the people, the weather, everything, but he was too focused on Laurel's voice. The voice he longed to hear for years.
"Atla—"
"Please, continue talking," Atlas murmured. Nanatili siyang nakapikit. "I want to hear more. Tell me something about the beach, anything. Just keep talking."
"O-Okay," Laurel said and started talking about LJ's school. "Tapos gusto niyang baon araw-araw 'yung apple juice and 'yung bread sticks na sinasawsaw niya sa chocolates. Pinapayagan ko naman siya as long as mag-toothbrush siya nang maayos."
Yumuko si Atlas habang pinakikinggan ang kinukuwento ni Laurel. The voice was soothing him, so much, just like before.
Laurel's voice . . . could make his heart beat fast, but it could also slow it down.
Nilingon niya si Laurel na patuloy na nagkukuwento tungkol sa mga classmates at teachers ng anak nila. Nakatingin ito sa kawalan, nililipad ang mahabang buhok, at masayang isinasalaysay sa kaniya ang paboritong subject ng anak nila.
Atlas was staring at Laurel's side profile. Nothing changed. She still had a face straight out of a magazine—that was when he remembered the song he chose to forget.
Laurel stopped talking and gazed at him. Nangunot ang noo nito ngunit walang sinabing kahit na ano. Matagal silang nakatingin sa isa't isa hanggang sa pareho silang ngumiti, mahinang natawa pa nga, umiling, at tumingin ulit sa kawalan.
Ibinalik ni Atlas ang tingin kay Laurel, ganoon din si Laurel sa kaniya.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang mga mata kasabay ng pagdaloy ng likido sa magkabilang pisngi niya. Walang kahit na anong salita mula sa kaniya, walang salita mula kay Laurel.
Atlas' heart pounded as he stared at Laurel, whose eyes were onto him, too.
"Bakit ka umiiyak?" seryosong tanong ni Laurel. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at nilipad pa nga ng hangin ang buhok kaya inipit sa may tainga.
Umiling si Atlas, humarap sa dagat, suminghot, humikbi, at ngumiti.
Matagal na katahimikan at tanging tunog ng alon ang naririnig nila. Naalala niya ang araw na inihatid niya si Laurel sa airport.
"I wish you turned around the first time," Atlas muttered.
"I almost did," Laurel gazed at him. "Almost."
Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Laurel nang makita ang pagbagsak ng luha nito habang nakatingin sa kaniya.
"I almost did, pero . . . maraming pero," dagdag ni Laurel.
Nag-angat ang isang kamay ni Atlas at sinapo ang pisngi ni Laurel para punasan ang pisngi nitong mayroong luha.
"Sana isinugal mo 'yung pero kasi ilalaban ko, e," aniya habang nakatitig kay Laurel.
Natawa si Laurel at naningkit pa ang mga mata. "Bakit? Kung lumingon ba ako, lalabas ka ng kotse?"
"Oo. Ikaw lang, e."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top