Chapter 42
Simula nang magdesisyon sila ni Amira na maghiwalay, tumira si Atlas sa dati niyang bahay na mayroong indoor swimming pool. Isa iyon sa properties niya na hindi niya ibinenta. Ipinaayos niya iyon at ginawang modern ang theme ngunit nanatili ang swimming pool sa loob.
Ipinaiikot ni Atlas ang susi ng sasakyan niya sa hintuturo habang nakatingin sa kisame. Nakahiga siya sa sofa at nag-iisip. Malalim na malalim ang iniisip. Nilingon niya si Job na naupo sa pang-isahang sofa.
"Sigurado ka bang pupunta ka?" tanong ni Job. "Baka mamaya, pasabugin ni Governor ulo mo dahil sa iskandalong kinasangkutan ng anak niya dahil sa 'yo!"
Natawa si Atlas habang nakatingin sa kaibigan na puno ng pag-aalala sa mukha. Kinakabahan siya, oo, pero wala namang masama kung haharapin niya ang daddy ni Laurel. Walang masama dahil maayos naman itong nakipag-usap sa kaniya nang tumawag dalawang araw na ang nakalipas kung puwede silang magkita.
"Sa sikat na hotel naman kami magmi-meet. For sure naman, hindi 'yun gagawa ng kahit anong masama sa 'kin, 'di ba?" pangungumbinsi ni Atlas sa sarili.
Kahit na may pag-aalinlangan, tinanggap niya ang imbitasyon nito.
"Ako ang kinakabahan sa 'yo, Atlas!" singhal ni Job. "Nasa hotel area lang din kami para kung ano man ang mangyari, at least, madali ka naming mare-rescue."
Atlas laughed and snorted. Bumangon na rin siya para mag-ayos dahil 7 p.m. ang usapan nila ng daddy ni Laurel. Alas-singko na rin at hindi niya alam kung mata-traffic ba siya. He needed to be there on time para naman hindi nakakahiya.
Pagkatapos mag-ayos, nakita niya na nagri-ring ang phone niya at FaceTime iyon ni Amira.
Nang sagutin niya ang tawag, nakangiting kumaway si Amira.
"Tingnan mo 'yung sunset!" excited na sabi ni Amira at itinapat ang camera sa palubog na araw.
While looking at Amira, Atlas noticed something.
Amira was refreshed. Mukha ngang nakatulong ang pag-stay sa probinsya kung saan malayo ang lahat. Tatlong buwan na ang nakalipas simula nang ihatid niya ito sa Baler. Ilang beses na rin niya itong nabibisita, pero hindi madalas dahil naging busy siya sa sariling trabaho sa Manila.
"Ang ganda, 'no?" Amira smiled widely. "Atlas, tingnan mo, ang itim ko! Nakakatawa!"
Nagsalubong ang kilay ni Atlas at mahinang natawa. "Natatawa ka na ngayon samantalang n'ong first week mo, inis na inis ka kasi ang itim-itim mo na?"
"I am slowly appreciating this tan, Atlas." Bakas ang ngiti sa mukha ni Amira. "Bagay pala sa 'kin na ganito? Bagay pala sa akin 'yung sunburnt and tan? Masyado kasi akong naniwala na mas maganda kapag mas maputi."
Tahimik lang si Atlas na nagbibihis habang nakikinig sa rants ni Amira. Nakababa iyon sa office table na nasa loob ng kwarto niya.
"Hindi ko rin maintindihan bigla kung bakit nino-normalize ng Philippine show business ang mapuputi? Like, why do we have to do gluta? My gosh! Sobrang gandang maging tan. Kaya nga I stan Nadine Lustre and other morenas." Natigilan si Amira nang kuhanin niya ang phone. "Uy, aalis ka? Oh my gosh, sorry! Tumawag ako!"
"Okay lang!" Sinuklay ni Atlas ang buhok gamit ang mga daliri. "I'll just have to meet someone. Kumusta naman training mo? Hindi ka naman nahihirapan? Hindi ka na nahihirapan?"
Umiling si Amira bago kumagat sa barbeque stick na hawak. "Hindi naman na. I'm actually enjoying it. I never thought I could do this, Atlas." Amira even squealed. "It's fun to learn new things at this age. Akala ko, napag-iiwanan na ako."
"I'm happy you're enjoying. Hindi ka na nga masyadong nagpo-post sa Instagram mo, e," aniya habang naglalakad pababa ng hagdan. "Ako, I already deactivated my Facebook and Twitter. Instagram na lang ang meron ako. Nagalit sina Grace, but who cares?"
Amira smiled. "You're loving that life, 'no? Ako rin soon," sabi nito na lumingon nang may tumawag. "Hey, una na ako, ha? They're inviting me to a party! Call you again!"
"Ingat ka! Don't drink too much," pagpapaalala niya bago nila pinatay ang tawag.
Napag-usapan din nila ni Job na sa hotel na sila magkikita.
It was past six when he received a message from Governor Alcaraz. Sinabi nito ang pangalan ng restaurant na nasa loob ng hotel at sabihin lang ang pangalan dahil mayroon nang reservation.
Pagkakita pa lang sa kaniya ng receptionist, kaagad na itong nag-ayos ng tayo. Kahit pala hindi na siya lumalabas sa kahit anong movies or series, kilala pa rin siya ng lahat. Kahit na iilang commercial na lang ang mayroon siya, hindi pa rin nawawala sa alaala ng mga tao kung sino siya.
Tulad nga ng sinabi ni Amira sa kaniya, it would take time.
Iginiya siya ng isang waitress sa closed area ng restaurant. In-inform din niya sina Job at Patrick kung nasaan siya dahil ayaw siya tigilan ng kaibigan. Nagtatanong na rin ang waitress kung may gusto ba siyang order ngunit sinabi na hihintayin na lang niya ang kasama.
Hindi alam ni Atlas kung ano ang pag-uusapan nila, kung ano ang kahihinatnan, kung saan mapupunta ang pag-uusap nilang dalawa ng daddy ni Laurel. Kinakabahan siya lalo na at hindi pa niya ito nakikila nang personal.
Natatakot siya sa posibleng gawin nito sa kaniya dahil sa nangyari kay Laurel. Nabuntis niya ito nang hindi sila, nakilala ito ng lahat dahil sa kaniya, at bilang ama, alam ni Atlas na gagawin nito ang lahat para sa anak.
In the back of Atlas' mind, meeting Governor Alcaraz was a death wish.
Tahimik na nakatingin si Atlas sa litrato ng mag-ina niya na s-in-end sa kaniya ni LJ nang bumukas ang pinto. Kaagad na pumasok doon si Governor Alcaraz, nakatingin sa kaniya at seryoso ang mukhang naupo sa harapan niya.
Kaagad na tumayo si Atlas at naglahad ng kamay. "Good evening, sir."
Ngumiti ito at tinanggap ang kamay niya. "Good evening, Mr. Legaspi. Have a seat."
Tumango siya at naupo. Isang mahabang katahimikan ang nangyari. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pag-uusap, ganoon din ito na panay ang inom ng tubig.
"So," basag ni Governor Alcaraz sa katahimikan.
Ngumiti ito at doon napansin ni Atlas na kamukha ni Laurel ang ama. Malamlam ang mga mata at maamo ang mukha.
"Meron ka bang latest picture ni Laurel?"
Nanlaki ang mga mata ni Atlas, that was the last thing he expected. "Meron po. S-in-end po sa akin ni LJ kaninang umaga."
Mas lalong lumapad ang ngiti nito. "C-Can I see it?" Biglang nalungkot ang mga mata, pero nakangiti. "Huling kita ko sa anak ko, n'ong namatay ang mama niya. I j-just . . . miss my bunso."
Inilabas ni Atlas ang phone. Nahihiya siya dahil kung iisa-isahin nito ang pictures sa gallery niya, picture iyon nina LJ at Laurel. Madalas pa na puro screenshot sa tuwing nagvi-video call sila dahil nahihiya rin siyang humingi ng litrato. Wala rin kasing social media ang mga ito.
Iniabot niya ang phone sa daddy ni Laurel at ngumiti ito habang nakatitig sa litrato ng mag-ina niya. It was a selfie by LJ with Laurel. Parehong nakangiti at mukhang masaya habang nakaharap sa dagat.
Tahimik na nakatingin si Atlas kay Governor Alcaraz na seryosong nakatingin sa picture. Sandali itong ngumiti bago ibinalik ang phone sa kaniya.
"Thank you. Thanks for letting me see it. Wala kasi akong communication kay Aly. Ang alam ko noong huli, nasa Paris siya. Nakausap ko si Roha, wala na raw si Laurel doon. As a father, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang bunso ko. Nakalulungkot lang na she's all I have . . . na magpapaalala sa akin kay Rica."
Hindi nakapagsalita si Atlas at nanatiling nakatitig lang siya sa mukha nito.
"Si Aly lang ang meron ako na kumukonekta sa amin ni Rica." Huminga ito nang malalim at sumandal sa malambot na upuan. "Sinisi namin ang sarili namin sa nangyari sa kaniya. Dahil mas pinili namin ni Rica 'yung sarili namin, anak namin ang naghirap. Mas pinili namin 'yung desisyon na makasasakit sa iba, hindi iniisip 'yung magiging consequences n'on sa anak namin. We . . . both thought we could just face the world because we love each other and we did."
Atlas was just there, frozen in his seat while listening to the older man with different emotions on his face. Happiness? Regret? Sadness? He didn't know. He wasn't even expecting the conversation.
"Kinalimutan namin ni Rica ang mundo para sa isa't isa. We were dating when we were young. Mahal na mahal ko 'yun, kaso lang . . . hindi ako sapat para sa kaniya kaya ipinakasal siya sa iba. At eighteen, ipinakasal kaagad siya sa iba," pagsasalaysay nito. "Ako naman, nasaktan, nakahanap din ako ng iba after how many years. We both thought we moved on . . . until we saw each other accidentally after twenty-five years.
"We were already old, but we still had an affair," umiling ito. "We never expected na may mabubuo sa kasalanan naming dalawa and that resulted to Laurel. May edad na kami, we're in our early forties . . . Rica got pregnant."
Bumuntonghininga si Atlas nang makitang lumuluha ito. "Sir, you . . . you don't have to," pagpigil niya.
"I want to." Ngumiti si Alisano. "Nang malaman kong buntis si Rica, parang everything went blur. Sinabi ko sa sarili ko, posible bang matupad ko pa rin 'yung pangarap kong pamilya para sa aming dalawa almost thirty years ago? Posible pa rin ba na makasama ko si Rica?"
Gustong mag-iwas ng tingin ni Atlas nang bumagsak ang luha nito.
"Dahil d'on, kinalimutan ko ang lahat para makasama ang nag-iisang babaeng minahal ko. I did everything I could to be with her. Kinalimutan kong hindi na pala kami bata at may pamilya kaming dalawa."
Atlas looked down, dahil nakita niya ang sarili niya. Tahimik lang si Atlas na nakikinig sa may-edad nang lalaking umiiyak sa harapan niya. Ramdam at rinig niya sa hagulhol nito ang pagsisisi, pangungulila sa anak, at pagmamahal sa yumaong babaeng pinangarap nitong makasama.
"Ang masasabi ko sa 'yo," nagsalubong ang tingin nilang dalawa, "don't make the same mistake as me, Atlas. Huwag kang mananakit ng ibang tao. Hangga't maiiwasan mo, gawin mo. Pero hangga't may panahon ka pa, itama mo na ang mga mali, huwag mo na hayaang humantong pa sa pagsisisi. Huwag mo hayaang lumaki ang anak mo sa kasalanan, huwag mong sasaktan ang anak ko."
Hindi nakasagot si Atlas.
"Laurel doesn't deserve all the pain, kahit katiting, wala siyang deserve roon. Kasalanan namin 'yun ni Rica, dahil sa pagmamahalan namin, anak namin ang sumalo ng lahat. Kung alam ko lang, sana . . . " nanginig ang baba ni Alisano, "sana hindi na lang namin pinili ni Rica ang sarili namin para hindi na nasaktan ang anak namin."
Huminga nang malalim si Atlas. "Sa totoo lang po, sinisisi ko po kayo kung bakit hanggang ngayon, hindi kayang magmahal ni Laurel, aside kay LJ. Gusto ko pong magalit sa inyo dahil kayo ang naging dahilan ng lahat ng takot, hinanakit, at pag-iyak ni Laurel. Gusto ko kayong sisihin sa lahat, pero hindi ko po gagawin 'yun. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang pagmamahal ninyo kay Ma'am Rica para iwanan ninyong dalawa ang pamilya para sa isa't isa . . . siguro po, sa remaining years ninyo, just make up to those people you've hurt. Hindi man nila kayo patawarin dahil sa ilang taong pain na ginawa ninyo, ang mahalaga po, maiparamdam ninyo sa kanila 'yung pagsisisi ninyo."
Seryosong nakatingin kay Atlas si Alisano at nakikinig sa bawat salitang binibitiwan. May kabang naramdaman si Atlas, pero hindi niya babawiin ang mga sinabi. Pare-pareho silang may mga nagawang hindi maganda.
"Hindi na po tayo makababalik sa nakaraan, pero sa mga natitirang taon . . . let them feel the love you have for them, too." Tipid na ngumiti si Atlas. "It's never too late to apologize sincerely, sir. Just make it count."
Alisano chuckled and stared at Atlas. "I have one question, Mr. Legaspi."
"What is it, sir?" Atlas felt his heart pound.
"Do you love my daughter?" Alisano asked.
Atlas looked down, breathed, and faced Laurel's father. "All I know is your daughter's my home."
—
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Governor Alcaraz, kaagad na dumiretso si Atlas sa café kung nasaan sina Job at Patrick. Sa loob lang din iyon ng hotel at mabilis pa rin ang tibok ng puso niya sa kaba.
Inabutan siya ni Job ng kape. "Ayan, hindi ka ba kinabahan kanina?"
"Sinikmura nga ako n'ong unang kita ko sa daddy niya. Parang gusto ko nang mamanhikan," ani Atlas at umiling.
Malakas na humagalpak si Job sa sinabi niya at hinampas siya sa braso. "Mamamanhikan ka, hindi ka naman mahal n'ong anak ni Gov. Huwag kang umasa, Atlas Legaspi. Hindi ka mahal."
"Alam ko naman!" singhal niya. "Ibubuhos ko sa 'yo 'tong kape ko, e. Ang tindi mo mambasag ng trip. Masama bang mangarap? Kahit man lang sana r'on, suportahan mo 'ko, langya ka!"
Sumandal si Atlas sa inuupuan habang nakatingin sa mga tao sa paligid nila. Everyone was looking at him, he was still well-known, at nakakairita pa rin ang pakiramdam na kahit sa pagkain niya, hindi puwedeng walang nakatingin. For more than a year, wala siyang ibang ginawa kundi asikasuhin ang gulong sinimulan niya.
Nilinis niya ang pangalan ni Laurel, ginawa niya ang lahat para protektahan ang mag-ina niya sa kahit na sino, ang relasyon nila ni Amira, at ang career niya.
Maraming umatras na endorsement sa kaniya dahil akala, nag-cheat siya, pero marami ring dumating. Mas maraming nagtiwala, dahil sinigurado niyang wala silang ginagawang masama ni Laurel. Malaking tulong din na ipinagtatanggol ni Amira si Laurel, na ipinagpapasalamat niyang naging maayos na magkaibigan.
Mas madalas pa ngang magkausap ang dalawa, mas madalas pang nakikita ni Amira ito, kaysa sa kaniya.
Simula nang matapos ang kontrata niya sa network, naging freelance artist na siya at hindi na tumanggap ng kahit anong movie at teleserye. Tinapos na lang niya lahat ng commitments niya at nag-focus na lang sa advertising.
Bakit?
Dahil magpapahinga na siya sa lugar kung nasaan ang pahinga niya.
"Ready ka na ba?" tanong ni Job. "Ilang araw mo balak mag-stay roon?"
Nagkibit-balikat si Atlas. "Hindi ko pa alam, bahala na. Ang mahalaga, maayos na lahat dito sa Pilipinas. Uuwi na lang ako kung kailan ko gusto. Basta I'll enjoy with my daughter first. Bahala na kung ano'ng mangyari."
"After more than a year, makikita mo na ulit si Laureen." Ngumiti si Job. "Bakit parang gusto kong umiyak, Atlas? Bakit sa lahat ng pinagdaanan mo, ninyo, bakit gusto kong umiyak na finally, mayayakap mo na ulit 'yung anak mo?"
Naramdaman ni Atlas ang pagtulo ng luha sa magkabilang mga mata niya at mahina siyang humikbi. "Hindi ko alam, Job. Iniisip ko pa lang na makikita ko na mukha ng anak ko, naluluha na ako." Ang hikbi ay naging mahinang paghagulhol. "I can't wait to hug my baby."
"Here." Iniabot ni Patrick sa kaniya ang envelope. "Enjoy your flight, Atlas."
Yumuko siya habang nakatingin sa envelope kung nasaan ang mga papeles na kailangan niya. Passport, ticket, visa . . . and in the next few hours, he would be able to hug his daughter after more than a year of waiting.
Nag-dinner muna silang tatlo bago siya inihatid sa airport ng dalawang kaibigan. Niyakap niya ang mga ito, walang salita, nakayakap lang siya kay Job. Tinawagan na rin niya si Amira bago siya tuluyang makapasok sa loob ng eroplano. Nakatingin siya sa pakpak niyon kung saan may ilaw na nagbi-blink. Madilim ang paligid dahil magmamadaling-araw na, nakayakap na rin siya sa sarili dahil giniginaw na siya.
In a few hours, he would see his daughter.
Nang makarating na sa himpapawid, inilabas ni Atlas ang phone niya kung saan wallpaper niya si LJ. Habang lumalaki, mas lalo itong nagiging kamukha ni Laurel. The way they smiled, the way their eyes looked at the camera, it was the same.
Isinuot ni Atlas ang AirPods para makinig ng kanta, baka sakaling makatulog siya. Mahaba pa ang biyahe, mahaba pa ang hihintayin niya.
Atlas smiled when he heard the song. It was If by Bread.
If a face could launch a thousand ships,
Then where am I to go?
There's no one home but you,
You're all that's left me too.
Tumingin si Atlas sa bintana kung saan kita ang pakpak ng eroplano. Sandaling-sandali na lang, makakauwi na siya.
And when my love for life is running dry,
You come and pour yourself on me.
If a man could be two places at one time,
I'd be with you.
Tomorrow and today, beside you all the way.
Atlas closed his eyes while listening to the melody of the song. It was giving him feels and the moment he tried feeling the music, eyes closed, he saw Laurel's face.
If the world should stop revolving and spinning slowly down to die,
I'd spend the end with you.
—
Nang magising si Atlas, pa-landing na sila. Ni hindi niya namalayang palapag na sila hanggang sa makita na niya mula sa eroplano ang dagat na pumapalibot sa Hawaii. Mga bundok, dagat, at mga berdeng lupain. Naririnig na rin niya ang piloto na wine-welcome sila.
Marami siyang dinaanan pagbaba ng eroplano; immigration, mga bagahe niya, at kung ano-ano pa. Kung puwede lang na kaagad lumabas, ginawa na niya, dahil gusto na niyang mayakap ang anak niya.
Atlas removed his hoodie when he felt the heat. Hindi na siya nagtaka kung bakit sa tuwing kausap niya si LJ, tuwang-tuwa ito sa lugar dahil hindi na raw kailangang magsuot ng makakapal na T-shirt at jacket.
Habang papalabas ng airport, hindi na tumahimik ang puso niya. Hindi niya alam kung may naghihintay ba sa kaniya sa labas, kinakabahan siya na baka wala, kaya nakayuko lang siya, natatakot na walang sasalubong.
But when Atlas looked up, he saw Laurel and LJ laughing about something. He bit his lower lip, looking at his girls. They were playing some hand games, and he was not sure. Natahimik siya, natameme, at na-stuck sa gitna hawak ang nag-iisang maletang dalawa niya. He couldn't look away until his eyes met Laurel's.
Ngumiti si Laurel sa kaniya at parang may sinabi sa anak nila, kaya naman tumingin si LJ at walang sabing tumakbo.
"Hi, Daddy!"
Atlas smiled while looking at LJ, who was running towards him. Everything was in slow motion. He remembered the first time he saw his daughter cry at the airport. He remembered how everything stopped the moment he saw LJ run towards him . . . and it was happening again.
This time, he was crying not because he had to let his baby go. Instead, he cried because finally, he was with the person he missed the most.
"Daddy." Nakangiti tumatakbo si LJ papalapit sa kaniya kaya naman lumuhod siya para salubungin ang yakap ng anak na kaagad ipinalibot ang braso sa leeg niya. "Daddy!"
Tumayo si Atlas habang buhat si LJ. She was bigger and smelled the same.
"Hey, bub."
Atlas buried his face into his daughter's neck and sobbed.
"Finally, baby . . . finally."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top