Chapter 40
Nag-aya si Amira na magpunta sa isang mall para sa mga dadalhin daw nito pagpuntang Baler sa susunod na linggo. Kasama niya sina Patrick at Job na wala rin namang gagawin.
"Musta pala 'yung punta ninyo sa US ni Amira?" tanong ni Job. Nakaupo sila sa sidewalk na katapat ng bahay nila. "Natawa kami pagtawag mo, e. Wala man lang kayong jetlag?"
"Sanay na." Natawa si Atlas. "Okay naman. We had fun. Galing kami sa parents niya."
Mula sa sidewalk ng bahay nila ni Amira, tanaw niya ang park. Nakita niya ang swing at bigla niyang naalala ang bonding nilang mag-ama sa Baguio noong panahong nasa Pilipinas ang mag-ina niya.
Kaka-birthday lang ulit ni LJ noong nakaraang buwan at wala na naman siya. They celebrated via video call where he watched his little girl blow her birthday candle.
Gumawa sila ng sariling party sa Pilipinas. Kasama ni Atlas ang sariling pamilya, si Amira, sina Job at Patrick.
Dahil sa naalala, inilabas ni Atlas ang phone. Sinubukan niya kung gising pa si LJ. It was four in the afteroon. Malamang na madaling araw pa lang sa Hawaii, pero susubukan niya. There was an eighteen-hour difference.
Laureen's iPad rang and no one answered. Malamang na natutulog ito. Nagpaalam na muna si Job na pupuntahan si Patrick. Nilalaro nito ang aso na gumagala sa loob ng subdivision nila. The dog was the security guard's companion.
Papatayin na sana ni Atlas ang tawag nang may sumagot. He tried to compose himself and smiled.
"Hey, baby!" bati ni Atlas.
"Hey, Atlas." It was Laurel.
Atlas gulped upon seeing Laurel's face. Alam kaagad niyang kagigising lang nito. Medyo magulo pa ang buhok at medyo maga pa ang mga mata. Naglalakad ito habang hawak ang iPad ni LJ bago naupo sa lamesa at sumimsim ng kape.
"Natutulog pa si LJ, e. Sasabihin ko kaagad na tumawag ka kapag nagising na," ani Laurel na nakaharap sa laptop.
"Nagising ka ba sa tawag?" tanong niya. "Sorry."
Umiling si Laurel at tumingin sa camera. "Hindi, gising na ako n'ong narinig ko 'yung iPad ni LJ. Nagtitimpla ako ng kape." Ngumiti ito. "I'm . . . starting to write again kaya nagising ako ng madaling-araw. Wala lang, I was just looking for a hobby ulit."
"Sabi nga sa akin ni LJ na tumigil ka raw sa pagsusulat kasi naging busy ka rin sa schooling niya." Mababa ang boses ni Atlas. Hindi niya inaalis ang tingin kay Laurel.
Hindi na nakatingin si Laurel sa camera na nasisinagan ng liwanag mula sa laptop ang mukha. Naririnig ni Atlas ang pagtipa sa keyboard habang nakababa lang ang iPad at naka-slant sa lamesa, pero sapat na ang anggulo para matitigan niya ang mukha nito.
"Oo, medyo naging busy rin talaga ako sa schooling ni LJ. Aside from that, I think I lost my passion," ani Laurel at tumingin sa kaniya. "Tinatamad na ako, like . . . hindi ko na rin alam isusulat ko. Parang nauubusan na ako ng plot."
"Ngayon ka pa ba susuko? Kung kailan marami ka nang nasusulat, susuko ka pa?" Atlas asked.
Laurel smiled at him. "I don't actually know. Bahala na. Susubukan ko ulit."
"It's okay to stop," Atlas nervously uttered. "Remember what you told me? Take a rest and if you're feeling better, continue. Hindi lang naman dapat sa 'kin nag-a-apply 'yun, dapat sa 'yo rin."
Hindi sumagot si Laurel na nakatingin sa camera o sa kaniya, hindi niya alam.
"Pahinga ka muna, Laurel. I know you'll be able to write the stories you want to tell soon. Siguro sa ngayon, pagkatapos ng mga nangyari, hindi kaya, but maybe and I hope soon you'll find it again," pagpapatuloy ni Atlas..
"Thank you, Atlas." Laurel gave him a subtle smile.
"You are a good writer, Laurel. It's in you. Titigil ka, pero alam kong babalik ka rin. Sa ngayon, hinga ka muna. I know the plot will flow again," Atlas continued.
Hindi nagsalita si Laurel, nakatingin lang ito sa camera, katulad niya. He was staring at her just-woke-up face, and he couldn't look away. He missed that face so much, he missed staring at her, he missed her . . . he still loved her.
"It's nice to talk to you again, Laurel." Atlas slightly nodded. "Hindi na kita iistorbohin sa pagsusulat mo. Tatawag na lang ako ulit kapag gising na si LJ. Kiss her for me, ma'am."
Laurel nodded, and they both dropped the call.
—
Habang nasa sasakyan, pinag-uusapan nila ang rehearsal ni Amira para sa bagong movie nito. Dapat, months ago pa iyon sisimulan sa shooting, pero nagkaroon ng problema sa magiging trainer ni Amira sa surfing, hindi rin nakatulong ang sunod-sunod na bagyong dumaan sa Pilipinas.
"Nakilala ko 'yung isang pinsan ni Kairo," biglang sabi ni Amira. "Ang bata pa rin, pero na-invite for Victoria's Secret. Grabe naman kasi!"
Lumingon si Job. "Si Stella Alonzo?" anito. "Nabanggit nga sa 'kin ni Grace. Wala raw tinatanggap na manager 'yun si Stella, self-managed o kaya roon siya sa agency ng mga Herrera. Kahit si Kairo, under ng agency ng mga Herrera, pinsan din kasi nila may-ari ng mga 'yun."
"Wala naman kasi yatang pinagkakatiwalaan 'yung family nila," ani Patrick. "Even their lawyers were hired inside the family. They only accept Montecristo, kasi nakapangasawa ng Laurent. Tapos medyo bigatin 'yung lawyer nila, si Reidos Ramirez. Family rin, his daughter's taking up law rin, so yeah."
Sa passenger's side nakaupo si Amira kaya lumingon ito sa kaniya. "Atlas! Kasama ko pala sa movie si Majuri, 'yung gumanap na kapatid ko sa movie natin five years ago? This time naman, may ka-love team na siya. Grabe, na-realize ko kaagad na ang tanda ko na dahil hindi na siya teenager."
Natawa si Atlas nang sumibi si Amira na mukhang nalungkot. "Ang daming bagong artista ngayon, e. Imagine what the network would do to them, too?"
"True." Amira shook her head. "Sa tuwing naalala ko lahat ng indecent proposals na natanggap natin, nalulungkot akong may mga makakaranas ulit niyon."
Ibinalik ni Atlas ang tingin sa bintana. Sa mga susunod na buwan, marami pa silang haharapin ni Amira. Trabaho, issue, at kung ano-ano pa.
Dumaan sila sa EDSA, nakita niya lahat ng endorsements niya, billboards, at sa mga litratong 'yon, mukha siyang masaya. Kung alam lang ng lahat kung gaano na niya kagustong sumuko, pero hindi pa puwede. Hindi muna niya kailangang pairalin ang puso niya dahil maraming maaapektuhan.
Kailangan muna niyang gamitin ang isip para hindi na maulit ang kahit na anong issue.
Sa loob ng isang taon, wala siyang ginawa kundi maging masunurin. Naayos na ang gusot na pinasok niya. Dumating pa sa puntong gusto siyang kausapin ng daddy ni Laurel, pero hindi nangyari dahil hindi pumayag si Laurel.
Atlas was quietly looking outside the window.
"By the way," kuha ni Atlas sa atensyon ni Amira. "Kailan kita ihahatid sa Baler? Maayos na ba 'yung mga gamit mo? Baka naman bigla kang may makakalimutan? Naku, Amira, five months ka r'on!"
Humagalpak si Amira. "E 'di dalhin mo!" pagbibiro nito. "Joke lang! Next week. May laban daw kasi 'yung trainer kaya kailangan muna naming mag-adjust."
"Lalaki?" tanong ni Atlas sa kaniya.
"Bakit, nagseselos ka?" Tumaas ang kilay ni Amira at natawa. "Oo, lalaki. Kaedad raw natin. Saka na-search ko na siya sa Google. Hindi ko type, malayong-malayo sa 'yo. Nakakaloka! Mas type ko pa si Kairo Laurent, e."
Humalakhak si Atlas. "Ang bata ng gusto mo, mestizo pa!"
"Ang dami pang tattoo." Kumindat si Amira. "Ang landi lang. Minsan, nakatitig sa akin, sinasabi ko na lang may asawa ako. Napakaharot tumingin. Tapos nalaman ko, sinabi nila na gano'n din daw 'yung daddy n'on. Malandi raw."
Panay ang kuwento ni Amira, natatawa lang sila ni Job sa likuran.
Pagdating nila sa mall, may ilang mga taong tumitingin sa kanila kaya naman panay ang tago ni Atlas kay Amira lalo na kapag may lumalapit sa kanila. Iyong iba naman, hindi titingin, pero nakataas ang phone at kinukuhanan sila ng pictures. Nakakainis, nakakailang, pero ganoon ang buhay nila.
"Minsan, iniisip ko na sana, dumating 'yung time na maglalakad ako sa mall na hindi na ganito," sabi ni Amira habang nagtitingin ng mga damit. "Ayaw ni LJ ng pink, 'no? Manang-mana 'yun sa mommy niya. Ayaw sa bright colors!"
"Ano ba'ng sabi ni LJ sa 'yo na favorite niya?" tanong niya kay Amira.
Nagdesisyon kasi ito na bilhan ng damit si LJ para kung sakaling maisipan ni Job na pumunta sa Hawaii, mapadala nila. Pareho kasi sila ni Amira na hindi basta-basta makapunta roon.
"Maroon bet ng anak mo, sira!" natatawang singhal ni Amira sa kaniya. "Si Laurel kasi, burgundy. Na-adapt na lahat ni LJ 'yung mga paborito ni Laurel. Mas madalas ko kasi silang kausap kaysa sa 'yo! BFFs na nga kami ni Laurel, e. I bet, hindi mo alam favorite food niya. Buti pa ako, alam ko."
Atlas smiled. "What is it?"
"Ayaw ko ngang sabihin sa 'yo!" Amira rolled her eyes at him. "Secret lang namin ni Laurel 'yun. Baka agawin mo pa siya sa 'kin, no, ekis. Laurel is mine." Amira pouted, mocking Atlas.
"Makaasta ka, parang ikaw boyfriend ni Laurel, ha?" Atlas responded.
Amira smirked. "At least, tie tayo sa isang bagay."
Nagtatakang tumitig si Atlas kay Amira.
"Hindi ka rin jinowa." His wife even had the nerve to stick her tongue out. "Hindi ka rin jojowain."
Atlas shook his head and chuckled.
"Ang weird, 'no? Feeling ko, best friend ko na 'yung babaeng mahal mo, ako na asawa mo?" Naningkit ang mga mata ni Amira. "I like Laurel so much, Atlas. Kahit na alam kong magiging weird 'yung relasyon nating tatlo, dahil alam ko naman na siya lang love mo, masaya ako kasi nakilala ko siya."
"Don't tell me bisexual ka, Amira?" tanong ni Atlas.
Amira smiled and raised her right brow. "Hindi mo sure."
"Amira!"
"Si Atlas, ang seloso." Amira laughed. "All yours po!"
—
Si Atlas na ang nagprisintang maghatid kay Amira sa Baler. Limang oras ang inabot bago sila nakarating, kung saan gagawin ang surfing lessons ni Amira.
"Sumakit 'yung likod ko," pagrereklamo niya habang nag-i-stretch sa labas ng sasakyan. "Ako ang kinakabahan sa 'yo! Kaya mo ba talagang mag-surf?"
"Ako pa ba?" pagmamalaki ni Amira. "Wala naman akong hindi kayang gawin. Alam ko namang bilib na bilib ka sa 'kin, ayaw mo lang aminin!"
Atlas laughed. "Kailan ba ako hindi nabilib sa 'yo?" tanong niya. "Ikaw lang naman walang bilib sa sarili mo, e."
Pareho silang nakaharap sa beach habang nililipad ang kaniya kaniyang buhok. Humarap si Amira sa kaniya at sinuklay nito ang buhok niya. "Magpagupit ka na, oy! Ang haba na ng buhok mo. Wala kang balak pabawasan?"
Malayo ang buhok ni Atlas sa nakasanayan ng lahat. Kung noon, palagi siyang naka-clean cut, sa pagkakataong iyon, nagpapahaba na siya. Mas gusto niya iyon, kahit kaunting pagbabago.
"I kinda like it long," sagot niya. "Magiging okay ka lang ba rito? Aalis na rin ako kinabukasan, may kailangan akong ayusin. Medyo marami akong kailangang asikasuhin, e."
Amira smiled at him. "Oo naman, mukhang magtatagal ako rito, mabuti na lang din, sagot ng network 'yung hotel ko." Itinuro nito ang resort. "Doon ako tutuloy."
Sabay silang tumingin, sakto namang may lalaking papalapit sa kanila at may hawak na surfboard. Ngumiti ito at naglahad ng kamay. "You're here, hindi pa kayo papasok sa loob?" tanong nito. "By the way, I'm Jude."
Tumingin si Atlas kay Amira dahil natameme ito. Mahina siyang natawa dahil pilit nitong sinasabi sa kaniya na hindi raw type ang magiging trainer, pero starstrucked.
"Hey, Jude."
Atlas pursed his lips. Gusto niyang matawa. 'Really, Amira?' Iyon ang naisip niya.
"We already prepared the rooms for you," sabi ng lalaking kaharap nila. "As requested. Mas mabuti po na magpahinga na lang din muna kayo, bukas na rin tayo mag-start ng training, Miss Amira. For now, enjoy Baler."
Tahimik si Atlas na nakatingin sa lalaki.
The man was fit. Moreno ito at magkasingtangkad lang sila. May kahabaan ang buhok nitong nakaipit. Naka-board shorts ito na may tatak na Quiksilver.
Tumingin ito sa kaniya. "Welcome to Baler, Mr. Legaspi. Enjoy your stay."
Atlas nodded. "Thank you for organizing everything."
Nagpaalam ito sa kanila at tumakbo na papunta sa beach. Kaagad niyang nilapitan si Amira at inakbayan ito.
"So . . ." Atlas laughed. "Magseselos na ba ako?"
Mahinang sinuntok ni Amira ang tagiliran niya. Tawang-tawa siya sa reaksyon nito na tinalikuran siya at kinuha ang sariling gamit sa sasakyan. Siya na rin ang nagbitbit ng maleta nito na ikinagulat niya at magaan.
"Anong meron?" Atlas asked while holding Amira's luggage. "Bakit sobrang gaan ng maleta mo? Wala kang masyadong bitbit?"
"Phone lang and iPad ang dala ko," sagot nito. "Hindi ako nagdala ng ibang gadgets, part of my isolation as per the director. Medyo mahirap 'yung pinagagawa sa akin and I am also fully aware na iitim ako, but who cares, right?"
Atlas didn't say anything.
"And for sure, palagi akong naka-swimsuit dito, why bother, 'di ba?"
They walked toward the resort, and based on Atlas' observation, it was a cozy type of resort.
Simple lang at chill, pero gustong siguraduhin ni Atlas na safe rito lalo na at mag-i-stay si Amira nang lima hanggang anim na buwan sa lugar. Gusto niyang makasiguro para sa isang araw, bago siya umalis, maayos niyang iiwanan si Amira.
Maaga pa rin naman. Pareho silang natulog dahil pareho silang pagod sa biyahe. Marami pa silang panahon para mag-swimming.
Nang magising, tumingin si Atlas sa orasan. Tulog pa rin si LJ kaya mas pinili niyang magpahinga. Isang taon na siyang puro trabaho kaya ang limang araw na break ay sinusulit na niya.
May pagkakataong naghihintay pa rin siya ng updates from Laurel, pero mukhang hindi na talaga ito magsusulat.
Atlas felt sad because he knew that Laurel loved writing so much. But after the incident, about her identity being known, hindi na ulit ito sumubok. He wanted to encourage her to write but didn't know what to say.
Ayaw niyang magkaroon ng toxic positivity, kaya mas pinili niyang low-key na lang itong payuhan kahit indirect sa tuwing may pagkakataong magkausap sila. Madalas pa ay kasama si Amira.
Bihira din naman silang mag-usap, nararamdaman pa rin niya ang pagiging malayo nito sa kaniya kaya mas madalas na ang anak lang niya ang nakikita.
Mahigit isang taon na niyang hindi nakakasama ang anak, pero kailangan niyang magtiis. May mga desisyon talagang hindi basta-basta kaya naman mas gugustuhin niyang maghintay ng tamang panahon, bago gumawa ng bagong desisyon.
"Ang lalim naman ng iniisip ni Atlas." Naupo si Amira sa tabi niya sa buhanginan. "Ang init pa, ayaw ko munang mag-swimming. Malamang naman na masusunog ako sa mga susunod na araw, sakto sa role ko na sunburnt."
Nilingon niya si Amira at ngumiti. "Versatile ka naman. Kahit ano, kaya mong gawin, doon ako proud na proud sa 'yo. Kahit anong role, kaya mong gawin."
"Nami-miss na nga kitang partner, e," sagot ni Amira. "'Yung araw-araw tayo magkasama sa shooting n'on, tapos matutulog tayo nang dalawang oras lang kasi trabaho na naman. Nakakapagod rin pala sa tuwing naiisip ko na ilang taon na tayong ganoon."
"Why not try and have a break?" tanong ni Atlas. "Maybe after this movie, subukan mo munang magpahinga bago ka bumalik sa trabaho? You've been working since we all can remember. Sabay tayo, e. This time, try to rest muna."
Bumuntonghininga si Amira at tumingin sa dagat. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ako nagtatrabaho. I seriously have no idea on what to do with my life and fear is consuming me."
"What happened to the positive version of Amira?" tanong niya. "You were the one who always lifts me up when I am down. On second thought," hinawakan niya ang kamay ni Amira, "it's okay to feel bad, to feel tired, and to feel sick of what you're doing. Maybe this trip, kahit na sabihin mong work ito, puwede mo itong gawing time para mag-isip."
Natahimik si Amira habang nakatitig sa kaniya.
"Malalayo ka sa family, sa industry na ginagalawan natin, sa city life ng Manila, sa lahat. Baka this trip is a blessing in disguise for you to find what you really want," pagpapatuloy ni Atlas.
Amira smiled at Atlas. "Alam mo, naalala ko n'ong bata-bata pa tayo, sobrang workaholic mo. Like, bilib lahat sa 'yo, kasi hindi ka rin nagpapahinga, kaya there's this one time na nagulat ako, you decided to ditch some of the shoots, biglang gusto mo mag-take ng one to two weeks off. Na dumating ka pa sa punto na isang buwan kang wala, isang buwan kang MIA. 'Yun naman pala, nakahanap ka ng pahinga mo."
Mahinang natawa si Atlas habang nakatingin kay Amira. "Siya naging pahinga ko n'ong mga panahong pakiramdam ko, gusto ko nang huminto," sabi niya bago tumingin sa dagat. "'Yun 'yung mga panahong pagod na pagod na ako, but Laurel taught me how to be patient."
Amira shook her head. "Sa tuwing magkausap kami, alam mo bang she's lifting me up? Laurel's words are something. Parang gusto ko ring subukang huminga."
Atlas agreed. "Sinasabi sa akin n'on ni Laurel, na puwede akong mapagod, puwede akong magpahinga. Puwede akong sumuko, pero kung mahal ko 'yung ginagawa ko, magtitiis ako hanggang sa pakiramdam ko, hindi ko na talaga kaya." He sighed and gazed at Amira. "Napagod ako, sobra."
Hinaplos ni Amira ang pisngi ni Atlas. "Then rest. Tama naman si Laurel, e. Huwag mong pilitin 'yung sarili mo sa mga bagay na ayaw mo. Mahihirapan ka lang, masasaktan ka lang. Darating 'yung time na bigla ka na lang din talaga aayaw." Umiling si Amira. "And I can feel it, Atlas. Isang araw, titigil na rin ako."
"You're still young, ang dami mo pang puwedeng gawin," sagot ni Atlas sa kaniya. Nakakunot ang noo niya. "But if you're tired, learn to rest."
Amira nodded. "I agree with marami pa akong puwedeng gawin, pero ayaw ko nang dumating ako sa puntong pagod na ako saka ako titigil. What if . . . tumigil na rin ako dahil kuntento na ako? Like, I will now do whatever I want? Alam mo, gusto kong mag-college ulit."
"Go!" Atlas cheered Amira. "We'll support you! Kung gusto mo, go for it! Nasa likod mo lang naman ako palagi, 'di ba? Kahit na ano'ng mangyari, we'll support each other. Kahit na maraming pagsubok, we'll be there for each other, right?"
"Oo naman," sagot ni Amira at inihilig ang ulo sa balikat ni Atlas. "Thanks for not leaving me, Atlas. Thanks for supporting me, for being with me during those times na nahihirapan ako, and for making me feel loved."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top