Chapter 39

Hindi masisi ni Atlas ang mga magulang kung gusto ng mga itong araw-araw na kausap si LJ dahil napakadaldal ng anak niya. Unti-unti na rin itong natututo ng Filipino dahil tinuturuan na nila ni Laurel. Kararating lang din niya galing trabaho at naabutan ang mga magulang na kausap ang anak niya.

Araw-araw niyang kausap si LJ, madalas bago ito matulog at pagkagising. Halos labing-isang oras ang pagitan, pero hindi naging hadlang iyon.

Kahit na malayo sila, sinisigurado niyang hindi na siya mawawalan ng oras sa anak. Ipinagpapasalamat na lang niyang maunawain ito at hindi nagrereklamo sa tuwing kailangan niyang magtrabaho.

Sa trabaho, kapag may oras, tinatawagan talaga niya ang anak. Iyon ang nagsisilbing bonding nila. Natutuhan din niya ang sinasabi ni Amira kung paano manood nang sabay, kahit iyon man lang.

Minsan ay guilty si Atlas dahil napag-usapan nilang sabay silang manonood ni LJ, pero nakatutulog siya dahil galing sa trabaho. He was trying so hard, but lately, his schedules weren't cooperating.

Sa tuwing wala siyang trabaho, nagpupunta siya sa bahay ng mga magulang niya at madalas na kausap ng mga ito ang anak niya. Hindi pa nakikita ang mga ito sa personal, sa video call pa lang niya na-introduce.

Sumandal si Atlas sa sofa. Naka-connect ang laptop ng parents niya sa malaking TV ng sala habang kausap ang anak niya na ipinakikita ang mga napulot nitong seashells. Iniisa-isa ng anak niya kung ano ang mga hugis at kulay.

"Kumusta naman pagtira mo riyan?" tanong ng mommy niya dahil ang usapan, Filipino nila itong kauusapin hanggang sa makasanayan na ni LJ. "Ang ganda-ganda ng buhok mo!"

Totoo naman. LJ got his wavy hair. Bukod pa roon ay mahaba iyon at medyo makapal. Naba-bounce pa nga kapag tumatakbo.

Ngumiti si LJ, nabungi na ang harapang ngipin nito. "Maayos lang po me, Lola." Tinakpan nito ang bibig. "Nagsalita po ako ng English, sorry po."

Pare-pareho silang natawa. Nakasando lang si LJ at naka-shorts. Minsang narinig ni Atlas si Laurel sa background ng video ni Laureen, pero hindi nagpakita. Umaga pa lang sa Hawaii, gabi na sa Pilipinas.

Sa background ni LJ, kita ang dagat pati na ang ilang parteng may bundok. Maganda ang panahon dahil tirik din ang araw at bahagyang nililipad ng hangin ang buhok ng anak niya.

"Sandali po, Lola, ipapakita ko po sa inyo 'yung house po namin," sabi ni LJ at tumatakbo kaya naman panay ang uga ng camera. "'Yun po 'yung bahay namin, Lola. Nakikita n'yo po ba si Mommy ko?"

Nakaharap ang iPad kay LJ kaya kita nila ang mukha nitong malapit na malapit samantalang nasa background ang bahay bago nito inilipat sa likod ng camera.

Atlas stared at the monitor when his daughter zoomed the video in. Nakaupo si Laurel sa hagdan ng balcony ng bahay at mukhang nagbabasa ng libro. Nakasuot ito ng crop top at shorts dahil malamang, mainit. Naka-ponytail ang buhok nito at seryosong sa binabasa. He knew that Laurel hated the heat, but she sacrificed because LJ loved the beach.

Simple lang ang bahay na napili ni Laurel, it was just a simple beach house. Kaunting lakad lang, nasa dalampasigan na. And the fact that Laurel bought the house herself, doon mas nalaman ni Atlas kung gaano ito kayaman, pero sobrang low-key.

Sinabi sa kaniya ni Ate Roha na malaki ang iniwanan ng mommy ng mga ito kay Laurel, almost three-fourths of their mom's wealth. Bukod pa sa sariling bigay ng daddy nito.

"Kumusta mommy mo?" tanong ng mommy niya kay LJ bago tumingin sa kaniya. "Kumakain ba siya? Bakit parang ang payat niya?"

"Malakas po kumain si Mommy, but she runs every morning pa rin and doing some crazy workouts po," sabi ng anak niya tapos sumimangot. "Sorry po, hihirapan po ako sa Tagalog ng salita na 'yun."

"It's okay, baby," sagot naman ng mommy niya. "It'll be perfect soon. Tell Mommy to eat more!"

Tumingin siya sa screen at nakitang hindi naman payat si Laurel, normal naman ang katawan nito. Malamang dahil ayaw lang ng mommy niya na pumapayat silang lahat, gusto nito na medyo malaman sila.

"I will, Lola." Ngumiti ito at nang dumaan siya sa screen, mas lalong lumapad ang ngiti ng anak. "Hello, Daddy! Marami akong kuhang seashells. Ibigay ko sa 'yo 'pag nagpunta po ikaw dito."

"Oo, itago mo lang doon sa box na binili ni Mommy," sagot niya. "Kumusta school mo? Nag-aaral ka bang mabuti?"

Tumango si LJ. "Opo, Daddy, kaya lagi ako buy ni Mommy ng ice cream," nagpatuloy ito sa paglakad. "Mabait po ako sa school para very good ako. Si Mommy po, Daddy, hindi na rin siya nagra-write. Ayaw na daw niya mag-write para daw take care na lang niya ako."

Biglang nalungkot si Atlas. Alam niyang mahal ni Laurel ang pagsusulat, alam niyang passion nito ang pagsusulat, pero kinalimutan dahil mas ginustong manahimik na lang muna.

Laurel was a low-key writer, but everyone started digging her past, everything about her, na pati ang writing account nito, nahanap ng lahat. She was even on the verge of deleting her account, na-convince lang nila ni Amira na huwag, at hayaan na lang ang mga taong basahin kung ano ang ginagawa nito. Na magaganda ang story na isinulat nito.

Kahit hanggang sa kasalukuyan, sa tuwing walang ginagawa si Atlas, binabalikan niya ang mga librong isinulat nito. It had been so long since she wrote those stories, pero sa mga latest na libro, nakita niya ang progress ni Laurel. Deeper thoughts, wider plots, and unforgettable dialogues.

Noong huling pag-uusap nila, napag-usapan nila ang tungkol sa mga librong isinulat nito.

Atlas knew na kahit hindi nagsasalita si Laurel, kahit hindi niya ito kinakausap, sa tuwing binabasa niya ang mga librong isinulat nito, nararamdaman niyang nagkakaroon sila ng conversation at parang nararamdaman niya ang nararamdaman mismo ni Laurel.

Kahit na malayo ito sa kaniya, parang bumubulong lang sa tabi niya.

Habang nakahiga dahil nagpaalam na rin si LJ sa kaniya, biglang naisip ni Atlas ang mga panahong kasama niya si Laurel, kung saan gigising siyang wala na ito sa tabi, nakaharap ito sa laptop, at seryosong nagtitipa sa keyboard, tumitingin sa kung saan, maglalakad papunta sa labas, babalik sa kuwarto, magta-type.

Naalala niya kung gaano kaseryoso si Laurel sa pagsusulat kaya ang malaman mula kay LJ na tumigil ito sa ginagawa, nakaramdam siya ng lungkot.

Sa tuwing magkasama rin sila noon, kapag nakita ni Laurel na gising na siya, titigil ito sa ginagawa. Ni hindi rin ito hahawak sa laptop sa tuwing magkasama sila.

Those were very subtle, pero sa tuwing ina-analyze niya ang nakaraan nila ni Laurel, doon niya nare-realize na malaki ang naging adjustment nito para sa kaniya.

Palaging highlighted ang protection na ginagawa niya rito. Anong proteksyon nga ba ang ginawa niya? Ang magtago? Ang itago si Laurel sa lahat?

Umiling si Atlas sa naisip.

Hindi, e.

Dahil umpisa pa lang, si Laurel na mismo ang nagsabi ng tungkol sa privacy. Si Laurel na mismo ang umiiwas sa kahit anong posibleng maging rason para makilala ito. Si Laurel na nag-a-adjust para makapagtago silang dalawa.

Isa pa, naging one call away si Laurel sa kaniya.

Noong binalikan niya lahat, nahihiya siya sa sarili niya. Laurel felt like she was a whore because of him, too. He was paying her. It was just a monetary gift, pero hindi niya nare-realize na ganoon na pala ang labas. He was just calling her whenever he needed to.

Nandidiri si Atlas sa sarili dahil kasalanan niya kung bakit ganoon ang pakiramdam ni Laurel sa sarili. Laurel was taking it lightly, like a joke, but when he analyzed it, it was his fault.

Oo nga at may usapan sila na tatawagan na lang niya ito kapag kailangan, he could have done better!

Maling-mali siya sa part na sobrang nakampante siya sa pagiging chill ni Laurel. Na hindi na niya naisip ang mali dahil alam niya sa sarili niyang understanding ito. If Atlas could just turn back the time, aayusin niya, kaso huli na ang lahat. It was too late to fix things.

"Siguro, kaya hindi rin niya ako minahal," bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame. "Maybe because of the treatment, na hindi ko naparamdam sa kaniya 'yung totoong importance niya kaya nawalan ng chance?"

Atlas sighed in annoyance trying to remember the past. Akala niya, hindi siya nagkulang kay Laurel, mali pala.





"Six months, Atlas," sabi ni Job. Nasa conference room sila dahil katatapos lang ng meeting niya kasama ang bagong endorsement. "Wala ka bang balak pumunta ng Hawaii?"

Mahinang natawa si Atlas. "Ikaw ang may hawak ng schedule ko. Sige nga, sabihin mo sa akin kung may libre akong araw kahit isa lang? Isang araw pa lang, flight na 'yun sa Hawaii. Tapusin ko lang lahat ng commitments ko. Ang hirap, pero alam ko naman na darating naman 'yung araw na pupuntahan ko sila."

Tahimik si Job na nakatingin sa kaniya hawak nito ang iPad dahil sa schedules niya.

Atlas smiled while thinking about LJ. "For now, uunahin ko muna 'yung mga dapat unahin."

"Mabuti na lang naiintindihan ni LJ. Maraming pagkakamali si Laurel, pero sa parteng napaintindi niya kay LJ 'yung sitwasyon, hindi ko alam ang sasabihin ko," ani Job.

"The fact that she raised our daughter alone." Atlas thought of Laurel. "Ang hirap lang kasing mahalin ng babaeng 'yun, nakakainis! Minsan, naiinis ako na bakit ko siya minahal, ang sakit sa dibdib mahalin ni Laurel."

Malakas na natawa si Job. "Sinabihan na kita n'on, e. Hindi ka nagpapigil, ayan tuloy. Pero masaya ako na masaya na kayong lahat. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa hinaharap, pero suportado ko naman kayo. Kinakapatid kita, close friend ko si Amira, best friend ko si Laurel, at inaanak ko na yata si LJ. Isa lang ang gusto ko sa inyong apat, 'yung maging masaya kayo?"

"Mahirap maging masaya kung ganito ang mundong ginagalawan naming lahat. Sobrang kumplikado. Kapag naiisip ko kung sino'ng pamilya ni Laurel, medyo nalulula ako, Job. Knowing Laurel, I never expected she's like that."

Kaagad na lumungkot ang mukha ni Job. "But they ruined Laurel, Atlas. It was unintentional, hindi naman ginusto ng magulang ni Laurel na masira ang anak nila, but this society, lalo na't well-known sila, it took a toll on Laurel's life. Hindi naman sinasadyang masaktan si Laurel, kaso lang, gano'n ang nangyari."

"Ang dami kong realization sa buhay simula n'ong magkita ulit kami ni Laurel." Tumingin si Atlas sa palubog na araw. "Ang daming what-ifs, pero sa tuwing napapaisip ako nang malalim, naiisip ko rin . . . hindi nga pala ako mahal, putangina."

Malakas na natawa si Jobelle habang nakatingin sa kaibigan. Bihira niya itong narinig magmura nang solid, hindi man lang kumurap, ni hindi man lang nagsisi.

"Lagot ka kay Laurel kapag narinig ka niyang nagmura," biro ni Job.

Ngumiti si Atlas. "I bet sasabihin n'on, bakit ka ba nagmumura? Puwede namang hindi, 'di ba?" Natawa si Atlas. "Tapos 'yung boses niya, ang lambing na hindi mo alam kung naiinis ba o nagagalit o wala lang."

Napatingin sina Atlas at Job sa pinto nang pumasok doon si Amira at pabagsak na naupo sa swivel chair na katabi niya. Halata ang inis sa mukha nito kaya natatawa silang makaibigan.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Atlas, inabutan niya ng bote ng tubig si Amira. "Hindi na naman maipinta 'yung mukha mo. Ba't galit na galit?"

"Naiinis kasi ako sa mga pinagagawa nila sa 'kin sa movie. Imagine, ha? Kailangan ko raw matutong mag-surfing! I mean, okay lang naman sa 'kin, kaso in five months ba, magagawa ko 'yun, Atlas? Tingin mo, sa limang buwan, magagawa kong mag-surf?" May pagrereklamo ang boses ni Amira.

Atlas chuckled. "Kaya mo 'yan, ikaw pa ba? May hindi ka ba kaya?" He was cheering her up because Amira was frowning. "Kailan ka raw ba mag-i-start? Bakit mo kasi tinanggap 'yan?"

"I like the maarte role," natatawang sagot ni Amira at umirap. "Kaso lang, ayon, nagulat ako na kailangan ko rin palang matutong mag-surf. Hindi ako na-inform n'ong una. Sabi ko nga, sana pala, 'yung marunong na 'yung kinuha nila, kaso the producer personally chose me to play the role. Gusto raw niya 'yung mukha ko."

"Well, nabasa ko naman 'yung script na binigay mo sa akin, bagay naman talaga sa 'yo 'yung role. 'Yun nga lang, iitim ka," ani Atlas. "Sino'ng partner mo?"

Umiling si Amira. "Kairo Laurent."

Kumunot ang noo ni Atlas. "E mas matanda ka r'on, a! Bata pa 'yun, 'di ba?"

"That's the point!" singhal ni Amira. "The point is, mas matanda talaga ako roon sa makaka-partner ko! Kasi parang medyo college student na bagets-bagets siya, ako naman, medyo maharot na surfer. Imagine, Atlas. Oh my gosh!"

"Swerte naman ng Amira!" natatawang sabi ni Job. "May kissing scene ba kayo ni Kairo? Usap-usapan kasi na good kisser 'yun, kaya maraming bagong artista na gustong maka-partner."

Ngumiti si Amira bago tumingin kay Atlas. "Babe," niloloko niya ito, "may love scene kami. Okay lang sa 'yo?"

Malakas na natawa si Atlas. "Hindi ka ba makakasuhan ng abuse? Medyo malayo na edad mo kay Kairo!"

Tumaas ang dalawang balikat ni Amira. "Sa meeting nga kanina, niloloko ko siya. Sabi ko sa kaniya, ayusin niya 'yung paghalik niya sa akin sa movie. Hindi puwedeng sloppy, dapat good kisser siya!" pagkukuwento ni Amira. "Alam mo ba sabi sa 'kin? Gusto ko raw ba ng free trial. Ibang klase 'yung batang 'yun! But I will give it to him, though, he's really good looking!"

"Makasabi ka na good looking 'yung tao sa harapan mismo ng asawa mo?" natatawang sabi ni Job. "Ang tapang ni Amira, ha?"

Humalakhak lang sina Amira at Atlas.

"My gosh, Job! That Kairo Laurent even smirked and licked his lower lip! No wonder na maraming babaeng artista gusto maka-partner n'on!" natatawang kuwento ni Amira.

The three of them laughed. Nagkukuwento lang si Amira tungkol sa movie na gagawin nito. Si Atlas naman, hindi muna siya tumanggap ng kahit anong movie, mas tumatanggap siya ng endorsement.

Sa mga ganoong pelikula, wala nang problema sa kanila. They both knew the boundaries na kahit kasal sila, may mga taong kailangan nilang makahalikan, ganoon ang kalakaran ng pag-aartista.

Minsan na lang din, naiinggit ang ilan sa Hollywood.

Sa Hollywood, walang problema kung may ibang asawa, hindi nawawalan ng career. Hindi nila maintindihan kung bakit sa Pilipinas, required na maging magkarelasyon ang mga artista.

Nagkatinginan sila ni Amira. They already talked about their marriage and they were okay.


Habang nasa sasakyan, nagkukuwentuhan sila nang biglang mag-ring ang phone ni Atlas. It was LJ, si Amira ang sumagot dahil nagmamaneho siya.

"Hello, LJ!" pagbati ni Amira.

"Hello, Tita Amira! Oh, you're in the car? Sorry . . . is Daddy driving? I'm sorry, I'll just call again," narinig ni Atlas na sabi ng anak niya.

Sumilip si Atlas at nakita si LJ, nilingon din siya ni Amira.

"No, it's okay. We can talk." Amira smiled. "How are you? How's Mommy?"

Muling tumingin si Atlas sa phone niyang hawak ni Amira. Si LJ pa rin iyon na malapit na malapit ang mukha sa camera.

"Mommy is outside, Tita," sagot ni LJ. "Tita, can you sing the song we're singing in Paris?"

Kumunot ang noo ni Atlas at tumingin kay Amira. "What song?"

"That's our secret, Laureen Juliana!" paninita ni Amira. "But okay, let's sing together. Dapat, you'll sing it with me, okay?"

Nakita naman ni Atlas na tumango si LJ sa video at parehong natawa ang dalawa. That was when Amira and LJ started singing "Love is an Open Door" from Frozen.

Sobrang ganda ng boses ni Amira, mataas. Si LJ, nagmana sa kanila ni Laurel, sintunado. Mabuti na lang, maganda. Proud siya na matalino ang anak niya, hindi lang talaga nabiyayaan ng magandang boses.

Who thinks so much like me!
Jinx! Jinx again!
Our mental synchronization
Can have but one explanation

Natatawa si Atlas na hindi nagsasabay ang boses nina Laureen at Amira, pero sumasabay ang asawa niya sa anak para lang mabuo ang kanta. Nakangiti lang siyang nagmamaneho kahit na sumasakit na ang tainga niya.

To the pain of the past
We don't have to feel it anymore!

Natigilan siya sa lyrics dahil naalala niya si Laurel, na sana, hindi na nito ulit maramdaman uyong sakit ng nakaraan. Na sana mabuhay itong masaya. Nawala ang ngiti niya habang inaalala ang mukha nito. Naalala niya ang conversation nina Amira at Laurel sa hospital na ang akala ng dalawa, tulog siya.

"Daddy?"

Saktong nasa red light sila kaya huminto ang sasakyan. Atlas smiled at LJ. "Yes, bub?"

"I miss you." LJ smiled warmly. "I'll wait for our McDonald's date, Daddy."

"I miss you, too." Mababa ang boses ni Atlas. "Soon, bub. Say hi to Mom, okay?"

Nawala si LJ sa screen at tumakbo. Magulo ang nasa screen at dinig nila ang yabag nito.

"Mommy! Daddy and Tita Amira say hi!" Humarap ang camera kay Laurel at Laureen.

Atlas' heart skipped a beat seeing Laurel's face. She was smiling, her hair was in a messy bun, and she was looking at the camera.

"Hello!"


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys