Chapter 36

Atlas was wrong when he thought Laurel was always strong, happy, and never sad. As he watched Laurel break down, he never felt so bad.

It was unimaginable to see the woman he loved for years hysterically crying until she fell asleep.

Looking at Laurel felt like he was drowning. Atlas felt suffocated, helpless, and incapable of taking care of Laurel.

"Shhh," bulong ni Atlas habang inaalo si Laurel. She had been crying for hours and he couldn't do much about it. Hinahaplos niya ang likod ni Laurel habang nakatigilid ito ng higa at humahagulhol.

Sa dalawang araw na nasa hospital siya, hindi siya umalis sa tabi ni Laurel. He took care of Laurel, he wanted to make sure she was okay, he wanted to make sure na ibabalik niya ito sa anak niya nang hindi ganoon ang sitwasyon.

Sinubukan na rin niyang manghingi ng tulong sa mga doctor at mga nurse, pero nalaman niya na regular pala si Laurel sa hospital. Bukod sa nagpapa-confine raw ito almost every month dahil inaatake ng panic attack, nakausap niya ang psychiatrist na nagha-handle kay Laurel.

Nang bumisita si Roha para kumustahin si Laurel, nagkuwento pa ito sa kaniya tungkol kay Laurel and that made him feel guilty.

The current issues between them triggered the past. Nag-flashback sa kaniya ang paulit-ulit na pag-remind sa kaniya ni Laurel tungkol sa privacy na gusto nito.

It all made sense why.

Laurel was really not who he thought she was. Kung kaya lang niyang ibalik ang nakaraan, hindi siya lalabas dahil bukod sa kanila ni Amira, dalawang buhay ang apektado dahil sa ginawa niya.

Naiintindihan niya ang sinabi ni Laurel sa kaniya na umalis na siya sa buhay ng mga ito. Laurel badly wanted to protect Laureen at habang nasa tabi siya ng mag-ina niya, hindi matatahimik ang kahit sino lalo na't kilala siyang tao.

Nahimasmasan na rin si Laurel at nakatulog kaya naman nakakuha si Atlas ng pagkakataon para maupo sa upuang nasa tabi nito.

Ganoon na ang naging routine niya sa dalawang araw. He would calm Laurel down until she falls asleep lalo na at ayaw niya na mag-settle ulit si Laurel sa gamot.

Kapag natutulog na, saka siya magpapahinga.

Atlas was staring at Laurel's face. Noong magkasama pa sila, paborito niya itong panooring natutulog. Laurel's angelic, innocent face always got him. And he loved to kiss her forehead down to the tip of her nose and lips. He used to do that.

Alam din ni Amira kung nasaan siya. He kept on updating about what was happening to Laurel at ipinagpapasalamat niyang naiintindihan nito ang sitwasyon. He promised he would never lie to his wife again, ever. Kung ano ang nangyayari, sinasabi niya.

Isa rin iyon sa sinabi ni Laurel sa kaniya kaya pumayag itong mag-stay siya sa ospital. Papayag lang itong pumunta siya sa hospital, kapag pumayag si Amira kaya naman tinawagan niya ang asawa para i-explain dito ang nangyayari. His wife agreed.

Habang nakaupo, Atlas started browsing some of the effects of PTSD, and his heart pounded while reading.

Anxiety, fear, feelings of isolation, poor self-esteem, and difficulty trusting others. Lahat iyon, nag-a-apply kay Laurel. Nakita rin niya na possible rin na walang interes sa mga normal na activity. Naalala ulit niya ito na walang gustong gawin kung hindi magsulat, magtago sa kuwarto, at matulog. About sa pagtulog, mayroon ding problema si Laurel. Kahit walang ginagawa, mas gising ito sa gabi.

Atlas stopped reading because it was making him uncomfortable. Hindi niya alam na ganoon ang pinagdaanan at pagdadaanan ni Laurel. If he only knew, he would never do it kahit na masakit. Kung alam lang niyang ganoon ang magiging epekto kay Laurel, mag-iisip muna siya.





Nagising si Atlas nang marinig ang pamilyar na mga boses. Nanatili siyang nakahiga, pero dalawang boses ang nag-uusap at hindi siya nagkamali nang makita si Amira na nakaupo sa kama ni Laurel.

Nag-uusap ang dalawa na tumigil nang makitang gising na siya.

"Hi." Amira smiled at him. "Kanina pa kami nagkukuwentuhan, tulog ka pa rin."

Sinuklay ni Atlas ang sariling buhok. Naalimpungatan siya kaya parang hindi pa nagpoproseso sa kaniya na nakikita niya si Amira.

Bahagyang nakaangat ang kama ni Laurel kaya nakaupo ito at nakasandal. Wala na ang oxygen nito pati na rin ang feeding tube.

Tumayo si Atlas at uminom mula sa bote ng tubig na nasa gilid ng lamesa. Nakatingin pa rin siya kina Laurel at Amira na nakatingin din sa kaniya.

"Tulog pa yata siya, mare," ani Amira na ikinatawa rin ni Laurel. "Naalimpungatan. Na-surprise."

Nakagat ni Laurel ang ibabang labi habang nakatingin din sa kaniya. "Baka nananaginip pa siya. Hayaan muna natin," anito na mukhang inaasar nga siya.

Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa. Magkaharap ang mga itong nagkukuwentuhan. Nagbabalat ng orange si Amira, ganoon din si Laurel.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na dadating ka?" tanong ni Atlas kay Amira. "Sinundo na sana kita sa airport."

"Surprise nga, e." Amira rolled her eyes. "Anyway, hindi mo na kailangang formally na ipakilala sa 'kin si Laurel. Pinag-usapan ka na namin, na-backstab ka na namin."

Atlas frowned. Laurel chuckled. Amira laughed.

"Joke lang! Ang serious naman, parang action star!" Humalakhak si Amira. "Mga two hours na 'ko rito, ganiyan ka katagal natulog. Pero okay lang, at least nakapagtsismis kami about you." Nang-iinis na tumaas ang kilay ni Amira.

Mahinang natawa si Atlas at umiling. "Amira, Laurel. Laurel, Amira."

"Napakapangit naman magpakilala." Umirap si Amira. "Magkakilala na nga kami. Don't worry, we're okay."

Atlas smiled and gazed at Laurel. "Tinanggal na 'yung feeding tube mo?"

"Oo, kanina," sagot ni Laurel. "Sabi rin ng doctor, puwede na akong lumabas bukas kung gusto ko. Mukhang okay naman na raw ako. Nami-miss ko na ri— Sandali itong tumigil at humarap kay Amira. "Laureen wants to meet you."

"Ako rin." Amira pouted. "Kapag lumabas ka na bukas, can I meet Laureen?"

"Oo." Laurel smiled and gazed at Atlas as if she remembered something. "Atlas, c-can we talk about what I said last time?"

"What about?" Atlas asked.

Laurel breathed and gazed at Amira. "It's about Laureen. I'm sorry for being selfish. Sorry na sinabi ko sa 'yo na umalis ka na lang sa buhay namin, it was unintentional, I was in a lot of stress, I was overthinking, I was—"

"Hey, hey," pagpipigil ni Atlas kay Laurel. "It's okay. You taught me one thing, remember? Hindi ako mababaw mag-isip and I understand. Gusto rin kitang kausapin tungkol kay LJ. Ano ba'ng plano mo?"

Naramdaman ni Atlas na nagbago bigla ang atmosphere sa kwarto. Nagkatinginan pa sila ni Amira dahil bigla na lang tumulo ang luha ni Laurel.

"I want a clean slate, Atlas. Gusto kong ilayo si Laureen sa kanilang lahat, sa nakaraan ko, sa . . . sa buhay na meron ka, pero hindi ko siya ilalayo sa 'yo bilang ama niya."

Natahimik si Atlas, ganoon din si Amira na nanatiling nakaupo sa gilid ng kama ni Laurel.

"I want our daughter to live normally, without thinking about things, away from all the trauma and pain." Laurel started sobbing.

Tumayo si Amira kaya napunta ang atensyon niya sa asawa.

"I'll be outside so you can talk," ani Amira ngunit kaagad na pinigilan ni Laurel.

"No, stay here." Hawak ni Laurel ang kamay ni Amira. "You're his wife, and you deserve to hear what we're gonna talk about our daughter. I respect your marriage, Amira. Please, stay."

Nagtama ang tingin ni Atlas at Amira. Tumango si Atlas, bumalik naman sa pagkakaupo si Amira.

"I was planning to move away from everyone I know, Atlas," ani Laurel. "Gusto kong mabuhay si Laureen sa tahimik, one last time, hihingi ako ng tulong sa 'yo . . . c-can you help me take her away from everyone?"

Kinagat ni Atlas ang ibabang labi. "Is that what you want?" tanong niya. Kahit masasaktan siyang hindi niya makakasama ang anak, for their privacy and safety, he would do whatever it was. "I can arrange for you to go somewhere."

Tumango si Laurel. Nakita ng peripheral ni Atlas na tumingin sa kaniya si Amira. Nagsalubong din ang tingin nila at nakita niya ang luha nito sa mga mata.

"Saan mo gustong dalhin si LJ?" Pinigilan ni Atlas ang maluha. "Sinabi sa akin ni LJ na mahilig siya sa beach, na gusto niya ng mainit na place 'cos she hates the cold, na gusto niya ng maraming trees. Our daughter wants a place where she can run, hindi 'yung nakakulong siya sa apartment. She said she wants to live by the mountains where it's quiet, but also near the beach where she can watch the sunset."

Bumagsak ang luha ni Laurel.

"She was a mixture of you and me, Laurel." Atlas's voice cracked. "Hawaii, Laurel. Just say yes, I'll process Hawaii."

"Whatever my LJ wants, Atlas," Laurel murmured.

Narinig ni Atlas ang pagsinghot ni Amira at seryoso itong nakatingin kay Laurel. Nagkatinginan ang dalawa nang bigla na lang natawa.

"Gagi ka, ang bilis magbago ng mood mo," ani Amira na mahinang humahagulhol. "Kanina tumatawa lang tayo, ngayon umiiyak. Ano ba 'tong nangyayari? Para tayong nasa movie!"

Laurel smiled and tears fell. Gustong matawa ni Atlas dahil tawa-iyak sina Amira at Laurel na bigla na lang nagbago ang usapan. Parang hindi napag-usapan ang pagpunta sa Hawaii.

Atlas observed, and Laurel was laughing with Amira.

"Sa'n pala may masarap na restaurant dito?" tanong ni Amira. "Samahan mo ako kaya bilisan mong lumabas dito. Ang boring kaya."





Hindi alam ni Atlas kung ano ang nangyari. Sa ospital, nag-stay silang dalawa ni Amira. Silang dalawa ang nagbantay kay Laurel at tinawagan na lang nila si Job na susunod sa kanila.

Kasamang dumating ni Amira si Patrick. Kasama man ito ni Job sa pagproseso para makalabas na si Laurel sa ospital, hindi naman nag-usap ang dalawa.

Atlas could still feel the gap between Laurel at Patrick.

Sa loob ng sasakyan pauwi, parang nawala sa eksena si Atlas dahil sina Laurel, Job, at Amira ang nag-uusap. Itinuturo kasi ni Laurel ang mga paboritong kainan ni Laureen.

Sa harapan siya nakaupo at minsang nililingon si Patrick na tumitingin din sa kaniya, pero tahimik lang ito.

Sa ospital pa lang, napag-usapan na nilang didiretso muna sila sa bahay nina Laurel. Gustong pormal na ipakilala nina Laurel at Atlas si Laureen kay Amira na excited rin na makilala ang anak nila.

Pinakikinggan ni Atlas kung paanong mag-usap sina Laurel at Amira. Wala siyang idea sa pinag-usapan ng dalawa, pero hindi na niya kinailangang pormal na ipakilala ang dalawa. Naglolokohan na nga at nagtatawanan pa.

Diretso siyang nakatingin sa kalsada habang pinakikinggan ang mga nag-uusap sa likod. Amira's jolly and energetic voice complemented Laurel's soft and husky voice.

Dalawang araw na ring hindi nakikita ni Atlas si Laureen. Gumawa na lang sila ng excuses para hindi ito magtanong. Sinabi na lang din ni Job na susunduin na nila si Laurel galing America.

Pare-pareho silang guilty sa pagsisinungaling, pero kailangan.

Pagbukas ng pinto ng apartment, kaagad na tumakbo si LJ papunta kay Laurel na lumuhod para yakapin ang anak. Pinanood lang ni Atlas ang dalawa na magyakapan. Katabi niya si Amira na nakatingin din at mayroong ngiti sa mga labi.

Suot ni LJ ang kulay blue na Stitch overalls na nakasuot pa ang hood sa ulo. Nakaipit din ang mahabang buhok nito kaya hindi nakaharang sa mukha.

"Dadd—" Nanlaki ang mga mata ni LJ nang makita nito si Amira. "Hi po." Nag-wave pa ito.

Ngumiti si Atlas dahil nang bahagya itong magtago sa likuran ni Laurel habang nakatingin sa kanila at halatang nahihiya. Lumingon si Amira sa kaniya at tipid na ngumiti.

"Oh, why ka nag-hide?" tanong ni Laurel nang harapin ang anak. "Akala ko ba you wanna meet Tita Amira? I met her na, she's nice. Do you wanna meet her?"

LJ nodded and removed the hood on her head. Lumapit ito sa kanila at nakangiting nag-wave ulit kay Amira. "Hello po."

Maingat na lumuhod si Amira at lumebel kay LJ. "Hello. Ganda mo, kamukha mo si mommy mo!" anito at naningkit ang mga mata. "Buti na lang hindi mo kamukha si Atlas, you're so pretty."

Nakalebel kay Laureen sina Amira at Laurel. Pinanonood lang ni Atlas ang tatlong magpakilala sa isa't isa.

Laureen giggled, Amira sniffed and possibly teared up, and Laurel smiled.

"Tita, ipakita ko sa 'yo 'yung picture ko po sa Philippines n'ong nagpunta kami ni Mommy sa strawberries. If magbalik po ako there, I can pick more for you," magiliw na sabi ni Laureen hawak ang kamay ni Amira.

Ngumiti sa kanila ang ate ni Laurel na inihanda ang pagkaing para sa kanila. Inabutan sila ni Job na excited na sumali sa kuwentuhan nina Laurel, Laureen, at Amira.

"We already booked a hotel," ani Patrick habang nakaharap sa bintana, sa harapan ng Eiffel Tower, at kumakain ng pasta. "Si Job, parang gusto niyang mag-stay rito. Ako hindi. Kayo ni Amira?"

"Sabi niya sabay kayong nag-book ng hotel. Walking distance lang naman dito, kaya okay lang," sagot ni Atlas. "Thank you sa pag-asikaso ng mga bagay sa Pinas at pagsabay kay Amira."

Umiling si Patrick. "Nagsisimula ka pa lang, marami kang dapat harapin pag-uwi. May mga endorsement kang posibleng matanggal. Alam kong okay lang naman sa 'yo 'yun."

Mahinang natawa si Atlas at nilingon ang mga nagtawanan sa sala. "Walang kaso sa 'kin," aniya. "Mas importante 'to."

Pinanood niya kung paanong turuan ni Laureen ang mga nakatatanda na maglaro ng chess. Si Job na napapakamot na lang ng ulo, si Amira na sumusuko, at si Laurel na natatawa na lang.

"Baby, ganda lang talaga ang meron ako." Ngumuso si Amira na ikinatawa nilang lahat. "Laurel, dapat ang itinuturo mo kay LJ 'yung snake and ladder, hindi chess. Bigla akong naging brainless."

Malakas na natawa si Job at nakipag-high five pa kay Amira. "Same."

Tawa lang ang isinagot ni Laurel. Napatitig si Atlas dahil kakaiba ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa mga kasama sa sala.

Naningkit ang mga mata ni Laurel at may mga pagkakataong humahalakhak ito, malayo sa sitwasyong nasa ospital sila na halos hindi na alam ni Atlas kung ano ang gagawin.

Tumalikod si Atlas nang maalala kung paanong humagulhol si Laurel. Sumikip ang dibdib niya at kung puwede lang na huwag na niyang maalala iyon ay gagawin niya.

Kung paanong hirap itong huminga, isa iyon sa ayaw niyang maalala.

Bumaba ang tingin ni Atlas sa kamay niyang puro kalmot. Pilit niya iyong itinago kay Laurel dahil ayaw niyang sisihin na naman nito ang sarili.

Muli rin niyang nakausap si Roha nang magpunta ito sa ospital tungkol sa sitwasyon ni Laurel na ilang taon na palang nakikipag-usap sa therapist ngunit paulit-ulit pa ring bumabalik sa umpisa.

Nanatiling nakatingin si Atlas sa bintana. Nakatingin siya sa Eiffel Tower nang tumabi sa kaniya si Amira.

"Ang ganda ng lugar nila rito," mahinang sabi ni Amira. "Nag-book na lang kami ni Patrick ng hotel na malapit dito, puwedeng lakarin. Si Job na ang nag-suggest kasi gusto kong malapit lang."

"Thank you for being here," Atlas murmured. "Akala ko hindi ka susunod. Thank you. How's your meeting with Laurel and LJ?"

Ngumiti si Amira at mahinang tumikhim. "You have an amazing child," anito at nilingon si LJ na nakikipaglokohan kay Job. "Laurel, I now get it why."

Hindi nakasagot si Atlas sa sinabi ni Amira.

"I-date mo naman ako mamaya!" aya ni Amira sa kaniya. "Gusto ko ulit panoorin nang malapitan 'yung fireworks sa tower. Puwede ba?"

"Oo naman." Sinalubong ni Atlas ang titig ni Amira. "Punta tayo later."


T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys