Chapter 34
Gising si Atlas. After the conversation with Amira, he couldn't sleep. Nasa loob siya ng video room ng bahay nila at pinanonood ng isang pelikula nila ni Amira. They were still young and it was one of the first movies they starred in.
Naiintindihan niya si Amira.
"Kadiri, ang bata pa natin!" It was Amira. "Popcorn?"
Atlas smiled. "Ang cute mo sa scene na 'to." Pinindot niya ang remote at ipinakita ang scene ni Amira na nagmamaktol at makapal ang makeup. "Pink pa eye shadow mo."
"Yuck!" Amira laughed. "Ikaw ang payat mo. Totoy ka."
Naupo si Amira sa tabi niya. Naamoy ni Atlas ang popcorn na hawak nito at sabay nilang pinanood ang pelikula. They were quiet the entire time. May pagkakataong natatawa sila sa scene, nandidiri dahil ang pangit pa nilang umarte, at pati outfits nila, tinatawanan pa nga.
"Atlas, kanina," Amira broke the silence. The movie was still playing. "Sorry for making you choose."
"You have all the right." Atlas breathed.
Nilingon siya ni Amira. "Go ahead and see your daughter. Okay lang."
"Come with me," Atlas said without buckling. "Aayain naman kitang sumama sa 'kin. I'll formally introduce Laurel and Laureen to you. Kilala ka nila. My daughter knows about you. Remember the strawberries?"
Amira nodded. "Yes?"
"Those were from her. She picked them for you." A lone tear fell from Atlas' eyes. "Amira, I'm real—"
"Tama na 'yung sorry!" Natatawa si Amira, pero may luha. "Kailan ka aalis? Bilhan mo 'ko ng macarons. I remembered, ang tagal natin sa Paris n'ong nakaraan, pero hindi man lang nag-cross 'yung landas natin. Timing is fucked up."
Atlas stared at Amira. "Come with me to Paris. Please?"
"Marami akong dapat ayusin dito, Atlas." Amira smiled at him. "Introduce them to me next time. Ako na muna ang bahala rito. Go see your daughter, I'll be okay."
Mahinang natawa si Atlas ngunit kaagad iyong napalitan ng mahinang hagulhol.
"Ano'ng nakakaiyak?" Tawa-iyak si Amira.
"LJ used to say those words. LJ is okay," Atlas muttered.
Inihiga ni Amira ang ulo sa balikat ni Atlas. "Sige na, pumunta ka na sa Paris. Nagtatampo pa rin ako sa 'yo. Pagbalik mo, kailangan mo akong i-treat sa drive-in movie kasi iiyak talaga ako. Ako na ang bahala rito, go see your daughter."
"Come with me, please?" Atlas begged. "Aayusin ko na 'yung pagkakamali ko, 'yung pagtatago, at pagsisinungaling ko. Please, come with me."
Amira looked at Atlas. Hinaplos niya ang pisngi nito at tipid na ngumiti. "Gusto ko silang makilala, pero hindi na muna ngayon. Don't worry much about me. Sa pagkakataong 'to, pagkakatiwalaan kita, Atlas. I am telling you, I'll fight for our marriage."
Atlas nodded. "Babalik kaagad ako. If you're able, sumunod ka, okay?"
"I will."
—
Atlas' original plan, sasabay na siya kay Job papunta ng Paris, pero nagkaroon ng urgent meeting sa network dahil sa nangyari. They needed to clarify things to him so they could help explain.
Ayaw siyang payagang umalis, pero iba na ang priority niya. Ilang beses silang nag-usap ni Amira, ilang beses niya itong inaya, pero mas pinili nitong magpaiwan.
Sa buong flight, hindi siya nakatulog dahil ang daming pumapasok sa isip niya kung kumusta sina Laurel at LJ. Wala siyang balita dahil kahit mismo kay Job, wala siyang natatanggap.
Atlas couldn't afford to see them hurt, pero siya ang may kasalanan kung bakit lumabas ang private life ni Laurel. Dahil sa desisyong hindi niya pinag-isipan, napahamak si Laurel.
"Welcome to Paris," nakangiting salubong ni Job sa kaniya paglabas ng airport. "Your daughter's waiting for you, sobrang excited 'yun n'ong sinabi ko kaninang umaga na susunduin kita."
Ngumiti si Atlas nang maalala ang maliit na mukha ng anak at nakangiti. Apat na araw na simula nang mawalay ito sa kaniya at nahirapan siya. Doon lang din niya na-realize na tama ang sinabi ng mga magulang niya nang bumisita siya bago pumunta ng Paris.
Kapag anak na ang pinag-uusapan, ibang kaso na. Kakayanin pang magtiis, kakayanin pang umayaw, pero kapag anak na, gagawin na ang lahat masiguro lang na maayos ang lahat.
Nagulat ang mga magulang niya tungkol sa anak niya, sinabi niyang kahit siya.
"My parents can't wait to meet LJ," kuwento niya kay Job. "N'ong pinakita ko sa kanila 'yung pictures ni LJ, natuwa silang dalawa. Kamukhang-kamukha nga raw ni Laurel, ni walang nakuha sa akin."
"Ang hina ng dugo mo." Ngumiti si Job sa kaniya, pero pagdating pa lang niya, napansin na niyan tahimik lang ito.
Dumaan sila sa lugar kung saan kita ang Eiffel Tower. Parang ilang linggo lang ang nakararaan, narito siya sa lugar na ito, isang linggo silang nag-stay ni Amira para sa anniversary nila.
"Akalain mo 'yun," ani Atlas habang nakatingin sa Eiffel Tower. "Isang linggo kami ni Amira dito. Halos araw-araw kaming naglalakad-lakad, kung saan kami kumakain, namamasyal, at nagpupunta. Tapos malalaman kong dito nakatira ang mag-ina ko?"
Tahimik si Job na naka-focus sa daanan.
"Ang liit ng mundo na ginalawan namin, pero ni hindi nagtugma ang lahat. Hindi man lang nag-cross landas namin n'ong nandito kami." Atlas sighed. "Minsan, iniisip ko kung saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali?"
Ngumiti si Job sa kaniya. "Huwag na natin balikan 'yung nakaraan, Atlas," seryosong sabi nito bago tumingin sa daanan. "May kaniya-kaniya tayong rason. Kung puwede lang din, mag-focus na lang tayo sa present, kung paano gagaan ang lahat."
Hindi na sumagot si Atlas dahil naramdaman niya ang pagkaseryoso ni Job. Hindi niya maintindihan kung bakit, malamang ay dahil apektado na rin ito sa nangyayari sa kanilang lahat. Sa Pilipinas, medyo nagkakagulo ang lahat dahil sa mga na-pull out na commercial niya dahil sa issue. Aayusin niya ang lahat pagbalik, he just wanted to make sure Laurel and LJ were okay.
Nang huminto sila sa harapan ng isang building, ipinalibot niya ang tingin at maganda ang neighborhood. Alam niyang kayang buhayin ni Laurel ang anak nila sa maayos na lugar, maparaan ito, nagulat nga lang talaga siya sa nakaraan nito.
The building even had an elevator, it was not a cheap house, after all. Modern ang itsura ng lugar kumpara sa ibang nakikita niya. Tumigil sila sa seventh floor at pagbukas niyon, may limang pinto. Sinundan lang niya sa Job hanggang sa tumigil ito sa dulo.
Pagkapasok niya sa loob, kaagad na nagtama ang tingin nila ni LJ na nakaupo sa sofa. Tumakbo ito papalapit sa kaniya kaya naman lumuhod siya para salubungin ang mahigpit na yakap ng anak. Atlas immediately inhaled his daughter's familiar perfume and it felt like home.
Napapikit si Atlas dahil miss na miss niya ang anak. He kept on whispering, I missed you, and I love you to his daughter. Atlas never thought that almost a week could be long when missing someone.
"Where's Mommy?" nakangiting tanong niya sa anak habang hinahaplos ang mahabang buhok nito. "Is she working?"
Tumango si LJ. "Yes, Daddy. She's in the U.S. right now. She left yesterday for work," anito na ikinagulat niya. "Mommy leaves for work sometimes. So I will be staying with Tita Roha!"
Nag-angat ng tingin si Atlas at nakitang bukod kay Job, may isang babae pang nakatayo malapit sa dining table kasama ang isang lalaking French. Nakatingin ang mga ito sa kaniya. Tumingin siya kay Job na nakatitig sa kaniya, pero hindi nagsasalita.
Ngumiti ang babae sa kaniya at lumapit. "Hi, I'm Rohannah Chen-Lambert, I am Laurel's half-sister from our mother."
Tinanggap ni Atlas ang pakikipagkamay ni Rohannah. Sakto naman na bumaba si Laureen dahil manonood raw ng TV.
"I'm Atlas Legaspi," sabi niya habang nakatitig dito. "I am LJ's dad."
"I know. I mean, nalaman ko lang n'ong lumabas na 'yung issue kasi wala namang sinasabi si Laurel sa akin. Hindi ko alam n'on kung sino ang daddy ni LJ, now I know," sabi ni Rohannah. "Kaya pala she decided to keep it, you are well-known."
Atlas looked down and sighed before facing Rohannah again. "May I know how Laurel is? Gusto ko lang po siyang kumustahin? I just wanna know if she's okay?"
Tumingin muna ito kay Laureen. May tipid na ngiti. "She's in the U.S. for work," sabi nito. Nilingon nito ang asawa. "By the way, this is my husband, Pierre Lambert. Magkatapat lang ang bahay namin ni Laurel kasi n'ong panahong bagong panganak pa lang 'yan at galing ng Switzerland, sa hotel tumutuloy! Sakto naman na bakante itong bahay, kaya binili na niya."
"Hindi ko alam na may kasama pala si Laurel dito, salamat naman. Akala ko kasi, mag-isa lang siya," ani Atlas. "Good to know she's not alone."
"Well, mag-isa lang talaga siya madalas kasi nasa work din naman ako o kaya nasa ibang bansa. Natataon lang na kapag may trip to U.S. si Laurel, iniiwan niya sa amin ni Pierre si LJ. Wala naman kaming anak kaya masaya rin." Nilingon ni Rohannah si LJ at ngumiti. "Medyo malayo na rin agwat ko kay Laurel, mas matanda ako sa kaniya nang ten years, kaya huwag kang magugulat na may-edad na ako."
Umiling si Atlas. "No, not at all. Hindi ko nga naisip 'yun. Ang iniisip ko kasi, hindi kayo magkamukha."
"Mas kamukha ni Laurel ang Alcaraz side. Mestizo kasi sila roon, kami naman, Chinese kasi ang daddy ko," pagpapatuloy ni Rohannah. "Kami ng kuya ko, malayo ang mukha kay Laurel."
"Sabay ba kayong umuwi sa Pilipinas no'ng . . ."
"N'ong namatay si Mommy? Oo, sabay kaming umuwi. Medyo estranged kasi kaming dalawa ni Laurel kay Mommy. Hindi ko alam kung nakuwento na ba sa 'yo ni—" Mukhang nahalata nito ang reaction niya dahil kaagad itong ngumiti. "Anyway, marami tayong time mamaya para pag-usapan 'yan. Iiwanan muna namin kayo sandali dahil magdidilim na at bibili na lang kami ng dinner kaya huwag na kayong mag-abala. As for LJ, nag-iwan si Laurel ng lasagna para sa kaniya, iinitin na lang."
Nagpaalam na ang mag-asawa, sumama rin si Job kaya naiwanan siyang kasama ang anak. Nagkukuwentuhan silang dalawa tungkol sa buhay nito sa Paris at mula sa kinauupuan, nakikita nga niya ang Eiffel Tower. Madilim na kaya naman kita niya ang ilaw niyon at sobrang ganda nga sa gabi.
Naalala niyang paboritong parte ng araw ni Laurel ang gabi.
"Bub, you need to eat."
Ngumiti si LJ at sumunod sa kaniya. "Daddy, are you gonna leave again?"
"No, bub. I will stay till you fall asleep, and I'll still be here when you wake up. How does that sound?" Hinaplos ni Atlas ang buhok ni LJ. "I will be the one to take care of you since Mommy isn't here."
"I miss Mommy." LJ pouted. "But since you're here, I will smile. But still, can I call Mommy?"
Ngumiti si Atlas at hinaplos ang pisngi ng anak. "We'll call her later, okay?"
Tumango naman ang anak niya. Pinakain niya ito, pinaliguan, at binihisan ng layers dahil medyo malamig ang kwarto at pareho silang mag-ama na ayaw sa malalamig na lugar. Pinagtitiisan lang niya, makasama ang anak. Panay ang tawa niya habang nakatingin dito na nagkukuwento lang tungkol sa buhay noong panahong sila lang ni Laurel.
A part of him hoped na sa lahat ng kuwento ni Laureen sa kaniya, kasama siya, but things weren't made to be that way. May mga pagkakataon talagang hindi kontrolado ang bagay-bagay.
Nakatitig si Atlas sa anak habang natutulog ito sa braso niya. Ni ayaw niya itong bitiwan habang nakahiga sa malambot na kama. Nakabukas pa ang lampshade na parang mga star sa kisame.
The entire room screamed chic. Hindi ganoon ang tipo ni Laurel, pero siguro ay para sa anak nila. Black, white, teal, and touches of yellow.
"Atlas?" It was Job, "kain na tayo. Tulog na?"
Atlas nodded. Maingat niyang ibinaba si Laureen sa unan at inayos ang kumot nito. He kissed his daughter's forehead before leaving the room.
Pagkalabas niya, nakasalampak ang tatlo sa sala, parang si Laurel kapag kumakain. Tahimik ang mga itong nakatingin sa news, kung saan kita ang mukha niya, ni Amira at ni Laurel. Ipinagpapasalamat niyang naka-blur pa ang mukha ni LJ, pero sa social media, hindi.
"Nalaman lang ni Laurel na kumalat na pala 'yung mukha nilang mag-ina pagdating niya rito sa Paris. Pagbukas niya ng TV, may news sa inyong lahat," pagsasalaysay ni Roha. "Kumatok siya sa akin, kasi nagpa-panic siya. Sabi niya, kung puwede bang kunin ko muna si Laureen, so kinuha naman ni Pierre, nanood sila sa kabilang bahay."
Atlas intently listened to Rohannah.
Pagkabalik ko, nakasalampak siya sa sahig, gumagawa ng account sa Facebook at Twitter dahil gusto niyang makita kung ano 'yung mga sinasabi sa kaniya ng mga tao, sa kanila ni Laureen, sa 'yo. For the first time, Laurel made a social media account only to see her face, her daughter's face everywhere."
Hindi makapagsalita si Atlas, wala rin namang galit sa mukha ng ate ni Laurel. Nag-e-explain lang ito, pero nakararamdam siya ng lungkot sa pagkukuwento.
"Nagulat ako sa mga nangyari, pero hindi kita masisisi kasi ama ka. Tatay ka ni Laureen, pero alam mo 'yung naisip ko? Sana nag-isip ka muna bago mo ginawa 'yun kasi si Laurel . . . she'd been hiding for so long tapos sa isang iglap, lalabas siya," dagdag ni Roha. "Sa isang iglap, bumalik ang nakaraan niya."
Tahimik lang si Atlas na nakaupo sa sahig habang kumakain ang mga tao sa harapan niya, si Job, mukhang alam na ang istorya na sinasabi ni Roha.
Hawak lang niya ang container at hindi iyon ginagalaw habang nakikinig sa sinasabi ng Ate ni Laurel.
"For sure, alam mo ang past ni Laurel since nagkaroon naman kayo ng relasyon?" Sinalubong ni Roha ang tingin niya. "Sana dahil doon, nag-isip ka muna."
Umiling si Atlas. "Now I realized, I really don't know her. Wala akong alam sa kaniya bukod sa pangalan niya, bukod sa . . . naging kung ano kami namin n'on, wala po akong alam."
Natigilan si Roha at tumitig sa kaniya. "Seryoso?" Mahina itong natawa. "Sa bagay, ano nga bang aasahan ko sa kapatid ko? Siguro kung may sikreto kang gustong itago, sa kaniya mo sabihin kasi walang sasabihin 'yun. Alam mo, gusto kong sabihin sa 'yo na it's not my story to tell, but knowing my sister, walang sasabihin 'yun sa 'yo kahit ano. Laurel will keep it to herself at dahil involved ka naman sa nangyayari sa kapatid ko, ako na mismo ang magsasabi sa 'yo."
Ibinaba ni Atlas ang lalagyan ng pagkain at kinuha ni Atlas ang album na nasa ilalim ng lamesa. May initials iyon na LxLJ.
Binuklat niya iyon at ang unang picture na naka-print ay si Laurel. It was a photo of her holding two pregnancy test kits. She was smiling, and she looked so happy.
"Laurel came from a very unusual family. Alam mo bang lahat kaming half-siblings niya, ayaw sa kaniya? We hate her. Siya ang resulta ng pagiging kabit ng mga magulang namin. Siya ang naging bunga ng kataksilan ng dalawang taong piniling iwanan ang sariling pamilya para maging masaya." Huminga ito nang malalim. "First love ng parents ni Laurel ang isa't isa. My mom was just forced to marry my dad because of business, kaya iniwan niya ang daddy ni Laurel. Years later, nagkita ulit sila. There, they relived their romance, hence Laurel. Hanggang sa mamatay mommy namin, kasama niya daddy ni Laurel. She chose him over our family."
Nagulat si Atlas, pero hindi niya iyon ipinahalata.
"Mom and Laurel's dad were so happy. Kinalimutan nila ang mundo dahil sa pagmamahal na meron sila. Na ang naging consequences, anak nila ang nag-suffer. Masarap ang buhay ni Laurel dahil complete family sila. Masaya dapat, pero hindi 'yun ang naging childhood ng kapatid ko. Bata pa lang siya, inaaway na siya ng mga kapatid niya sa kabilang side, ng kapatid ko, kami.
"Kapag naglalaro kami, hindi siya kasali. Gano'n din sa kabilang side. Kasi ipinamukha naming lahat sa kaniya na siya lang ang mahal, na iniwan kaming lahat para sa kaniya. I was guilty, I became an accessory to the fear she had. The main reason why Laurel has fright, is because of us. Bukod pa roon, 'yung ibang taong nakapalibot sa aming lahat, ayaw sa kaniya at tinatawag siyang bunga ng kasalanan."
Hindi alam ni Atlas kung ano ang magiging reaksyon.
"Matalino ang kapatid ko, tumatak sa kaniya lahat. Hanggang sa paglaki niya, dala-dala niya 'yun. Tinutukso siya sa school, sinasabihan ng masasakit, kaya mas madalas na ayaw pumasok n'on. Simpleng mall, hindi niya magawa sa probinsya dahil kilala siya ng lahat." Umiling si Roha. "Everyone around Laurel was mean to her for being a bastard's daughter. Everyone in the society know what happened to our family, to her family, the Alcaraz family."
Nakayuko si Atlas na iniisa-isa ang mga picture ni Laurel na naka-print sa album. Nakikinig siya sa sinasabi ni Roha, pero wala siyang lakas na salubungin ang tingin nito sa kaniya.
Sa album, nakikita niya ang compilation ng travels ni Laurel. Sa bawat picture, sa bawat lugar, lumalaki ang tiyan nito. She documented her pregnancy while traveling.
"Dahil sa lahat ng negatibong narinig ni Laurel tungkol sa kaniya, she chose to hide. Nag-homeschool siya until n'ong high school, naglakas loob ang kapatid ko," ani Roha. "Naglakas loob siyang pumasok sa school kahit na kilala siya ng lahat. She tried so hard to be unbothered. My sister tried to blend in, and she successfully did it kahit na maraming salita, maraming haters, maraming naririnig na negative about her. She remained happy, she remained nice to everyone.
"Laurel is very beautiful, I think alam mo na 'yun," dagdag nito. "Maraming lalaki ang may gusto sa kaniya sa school, she was fifteen, pero na-in love siya kay Vin or Venicio Delos Santos."
Nag-angat ng tingin si Atlas. "Venicio Delos Santos? 'Yung may-ari ng VDS Real Estate."
"That's the father, the fourth si Vin. Naging sila, they dated in secret at first kasi nga fifteen lang sila. Lately lang nakuwento sa 'kin ni Laurel 'to," nakangiting sabi nito. "And Laurel loved him. Si Vin lang yata ang minahal ni Laurel, e. Kaso lang . . . n'ong ipinakilala na ni Vin si Laurel sa family, after graduation, nagkaroon ng problema."
Atlas listened carefully. Nagulat siyang ganoon kabigat.
"Vin's mom looked at Laurel. Mula ulo hanggang paa, bago mahinang natawa. Sinabi niya sa harapan mismo na ayaw niya sa kapatid ko, kasi kung ano ang puno, siya ang bunga. Darating ang araw na makasasakit si Laurel, iiwanan si Vin, manlalalaki, sasama sa ibang lalaki, katulad ng ginawa ng magulang niya. Kumbaga ipinamukha niya kay Laurel na nakakabit na sa pangalan at pagkatao na gano'n siya.
"Sinabi pa n'ong tao na 'yun na mukha lang inosente ang mukha ni Laurel, pero nasa loob ang kulo. Maganda ang mukha, pero nakamamatay. Maganda ang mukha, pero traydor.
"Si Vin, hindi niya ipinaglaban si Laurel. Iniwanan niya si Laurel, they broke up. Vin was the son of Baesa's vice mayor."
Biglang naalala ni Atlas ang tungkol sa naging kwentuhan nila years ago na muntik madulas si Laurel sa sinasabi ngunit kaagad tumigil. Si Vin pala iyon.
Umiling si Roha at ngumiti. "Simula n'on, nawalan kami ng balita sa kaniya. Wala siyang social media, hindi siya umuuwi sa probinsya, at sa tuwing sinasabi ng parents niya na hindi siya bibigyan ng allowance, wala siyang pakialam." Bakas ang lungkot sa mukha ni Roha. "Never umuwi si Laurel sa probinsya, n'ong mamatay lang si Mommy dahil nakiusap ako. Kaming magkapatid, naging maayos lang ang relasyon namin, dito sa Paris. Laurel doesn't trust anyone, but she started trusting me."
Alam ni Atlas iyon. Kahit siya mismo, pahirapan na pagkatiwalaan nito.
"The main reason Laurel hid from everyone, why she wants her privacy, is because of her past. Kilala ang pamilya namin sa nangyari, pamilya niya, at magulang niya. Tumira siya sa Baguio, nagtago siya roon, hanggang sa nakilala ka niya. She tried being happy again, she tried trusting people, pero hindi niya nagawang sabihin 'yung nakaraan niya sa 'yo dahil baka husgahan mo siya."
"I w-would nev—"
Roha smiled bitterly while looking at him. "She had enough, Atlas. Napagod na siya."
Atlas pressed his lips together. Dahil sa desisyon niyang hindi inisip, naapektuhan si Laurel and the issue might trigger something from the past.
"Ako na ang nagkuwento ng past ng kapatid ko dahil alam kong hindi 'yun magsasalita. She's a strong person with a thick wall no one can break, even you, Atlas. Laurel basically has nothing. Ikaw, may asawa ka, may taong bayan na nagmamahal sa 'yo, may pamilya ka." Malalim na huminga si Roha at umiling. "While Laurel? She only has Laureen. It was wrong for her to hide your daughter, pero naiintindihan ko siya. The society judged my sister so bad since she was young, she knows what it feels like. She lived with it, but fear is still consuming her so bad."
Kumuyom ang kamao ni Atlas habang naghihintay pa sa sasabihin nito.
"Kaya hangga't kaya niya, itinago niya si Laureen sa lahat. Ako lang ang nakakaalam tungkol sa anak niya, until you guys saw her. Sinabi niya sa akin pagdating dito na biggest mistake of her life na itinago niya ang anak niya sa 'yo. Na nasasaktan ngayon ang anak niya na akala niya, kaya niyang protektahan, pero hindi pala.
"If you only saw how she cried because Laureen was exposed and felt like she was hurting you and LJ, it was the worst because seeing Laurel cry is a different thing."
Atlas looked down and stared at Laurel's smiling face while traveling to Denmark with a huge belly. Matagal niya iyong tinitigan.
"Laurel doesn't cry . . . but she did because she failed to protect Laureen. And she said that because of her fear, she left the only person who told her about love despite being imperfect."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top