Chapter 33

Napatitig si Atlas sa news. Nanginginig ang kamay niya habang nakatitig sa mga lumabas na picture galing sa iba't ibang tao. Maraming nag-upload, mayroong videos, at exposed ang mukha ni Laurel sa lahat ng iyon.

Sandali niyang prinoseso ang lahat. Huminga muna siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at binuksan ang gallery kung saan mayroong isang picture si LJ habang natutulog.

Awtomatikong tumulo ang luha ni Atlas habang nakatingin sa maliit na mukha ng anak. Napatakan pa ng luha ang phone niya na naging dahilan para mahina siyang humagulhol dahil naisip niya rin si Amira.

Maramin tumatawag sa kaniya, pero mas marami kay Job dahil hindi na siya sumasagot. Grace, his manager, was calling him nonstop.

Bukod sa articles na lumabas, sa mga post sa social media, walang tigil ang tunog ng phone niya galing sa kung kani-kanino. Kahit ang parents at mga kapatid niya ay tumatawag ngunit wala siyang sinasagot kahit na isa.

He wouldn't deal with anyone, just Amira.

Pagkapasok ni Atlas ng kuwarto nilang mag-asawa, naabutan niya si Amira na kalalabas lang ng bathroom at naupo sa vanity habang nagsusuklay. He was staring at his wife. Sa ilang taong magkasama sila, never niya itong sinaktan, ngayon lang . . . iyong pinakamatindi pa.

Sinalubong nito ang titig niya at tipid na ngumiti. Kinuha nito ang suklay nagsimulang ayusin ang buhok na basa pa.

"Naalala mo ba 'yung isang theme song ng isang movie natin?" sabi ni Amira habang nakatingin kay Atlas. "Sana by I Belong to the Zoo?"

Nanatiling tahimik si Atlas na nakatitig kay Amira.

"Ayaw ko sanang maging theme song ulit natin 'yun, babe." Yumuko si Amira. "Naging theme song na natin 'yun sa isang movie, sana naman, hindi sa totoong buhay, Atlas."

Bumagsak ang luha ni Amira at nakita ni Atlas ang kislap sa mga mata ng asawa niya habang nakatitig sa kaniya.

"Napansin ko na, e. Nitong mga nakaraang linggo, ginagabi ka ng uwi, maagad kang umaalis. Alam mong hindi ako nakikialam, Atlas, pero nararamdaman ko naman." Humikbi si Amira. "Hindi ako nagtanong. Nararamdaman k—" Tumigil ang asawa niya.

Atlas waited.

"No, alam ko, pero sinabi ko sa sarili ko na nag-o-overthink lang siguro ako? May tiwala naman kasi ako sa 'yo, 'di ba? K-Kasi, mahal mo ako, 'di ba?" Amira sniffed and gazed at him. "Alam ko sa sarili kong hindi mo ako sasaktan, kasi alam kong mahal mo ako. Pero ang sakit kasi, Atlas, na hindi mo ako nagawang pagkatiwalaan, na . . . hinayaan mong malaman ng buong mundo, kasabay ko, ang tungkol sa anak mo."

Yumuko si Atlas. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha niya sa magkabilang mga mata.

"Ang bigat, Atlas. Sanay akong natutulog at nagigising na wala ka dahil sa trabaho, pero nitong mga nakaraan, iba ang pakiramdam ko." Amira's voice quavered. "Kagabi. . ."

Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Amira.

"Kagabi, gising ako kasi nararamdaman kong gising ka. Nakatagilid ako, tinititigan kita. Nakatingin ka lang sa kisame. Ang lalim, Atlas. Parang ang lalim ng iniisip mo. Hindi ako nagtanong, baka may problema ka. Now, this lyric made sense." Amira smiled. "Katabi mo ako, pero ang lamig kasi ang layo mo."

"Amira . . . ."

Nanginig ang baba ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "Saan ako nagkulang para hindi mo ako magawang pagkatiwalaan, Atlas? May anak ka? Okay lang naman sa akin, e. Walang problema sa akin 'yun, matutuwa pa ako kasi at least, may instant anak ka. May anak ka. Pero . . . pero . . . 'yung pagsabi mo sa akin . . . na mahal mo siya? Mahal na mahal?"

Naramdaman ni Atlas ang pagtulo ng sarili niyang luha habang nakatingin kay Amira na umiiyak nang dahil sa kaniya. Artista sila, sanay siyang umiiyak ang asawa niya sa eksena, pero iba ang pakiramdam na dahil sa kaniya kung bakit ito lumuha sa harapan niya.

"Mahal na mahal mo siya, Atlas, paano naman ako?" Nagmamalabis ang luha ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "Sa ilang na taon, sa mahigit apat na taong tayo, minahal mo ba ako?"

Atlas nodded. "Mahal kita, Amira. I married you because I love you. I am here with you because I love you."

"O baka naman mahal mo ako kasi ako 'yung nandito?" malungkot na tanong ni Amira. "Na-realize ko, Atlas, na baka mahal mo ako kasi ako 'yung kasama mo, ako 'yung mahal mo kasi ako 'yung nandito, ako 'yung mahal mo kasi . . . wala siya."

Lumapit si Atlas kay Amira at nagpantay ang tingin nila nang bahagya siyang lumuhod sa harapan ng asawa. Matagal bago siya nakapagsalita. Nakatitig siya sa mga mata nitong lumuluha dahil sa kaniya.

"Amira." Umiling si Atlas at hinawakan ang kamay ng asawa. "Mahal kita, please, I am sorry for hurting you, for lying to you. I love you, it's just that . . ."

"I'm sorry," Amira sobbed, "but I will fight for you. I will fight for this marriage. Ipaglalaban kita sa kanila, sa kanilang lahat. Asawa mo ako, kasal tayo, lalaban ako."

Hinawakan ni Atlas ang kamay ng asawa at hinalikan iyon. "Sinabi ko na sa 'yo, wala kang dapat ipag-alala kay Laurel. She's the mother of my child, I love her, that's the truth—" Natigilan siya nang makita ang luhang bumagsak sa pisngi ng asawa.

"Hindi ka man lang ba magsisinungaling sa harapan ko tungkol sa pagmamahal mo sa kaniya? Puwede bang sa harapan ko, sabihin mong hindi mo siya mahal?" Amira inhaled.

Atlas shook his head. "Hindi ako magsisinungaling sa 'yo . . . I love her and she's part of the past, she's buried." Hinaplos niya ang pisngi nito. "I love you."

"You love me," nakangiting sabi ni Amira habang nakatingin sa kaniya, "but not as much as you love her?"

"Amira," huminga nang malalim si Atlas at hindi inalis ang tingin kay Amira, "let's not go there."

Ngumiti si Amira at hinalikan ang pisngi niya. "Of course." Tumayo ito. "Matutulog na ako. We have a long day ahead tomorrow, babe. We'll have to face the consequences of what happened today. We're going to need to address people and our management."

Nahiga si Amira sa kama, sumunod siya at tinabihan ito. Hinaplos niya ang buhok ng asawa. "I'm sorry you're going through this, I really am," bulong ni Atlas habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ni Amira. "I'm sorry for hurting you and I know you don't deserve this."

"Just stay with me." Niyakap siya ni Amira nang mahigpit na mahigpit at ginawang unan ang balikat niya. Ipinikit nito ang mga mata. "Just stay with me, I love you."

Atlas closed his eyes and breathed. "I love you, and I'm really sorry."

Tinitigan niya si Amira na natutulog sa bisig niya. Hinalikan niya ang noo nito at mahinang humagulhol. He loved his wife, he wanted to respect her, at ayaw niya itong masaktan, pero nagawa niya. He promised he wouldn't hurt her the moment they became official, and he did! For years, wala silang naging problema.

Laurel came into his life without warning.

Bumalik kay Atlas ang lahat ng nangyari, walong taon na ang nakalipas simula nang makilala niya ito. Laurel became his safe haven, his safe place, his resting place. Si Laurel ang naging pahinga niya noong mga panahong pagod na siya sa mundong ginagalawan.

Si Laurel ang naging kanlungan niya sa tuwing napanghihinaan siya ng loob, si Laurel ang nagsasabi sa kaniya na deserve niyang magpahinga, pero babalik din siya. Never siyang pinigilan ni Laurel sa mga bagay na gusto niyang gawin, never siyang pinilit sa mga bagay na ayaw niyang gawin. Laurel pushed him to rest if needed and continue if refreshed.

Laurel became the support he never asked for.


Buong magdamag siyang hindi natulog dahil iniisip kung ano ang consequences ng ginawa niya. Sinabihan din siya ni Job na patayin muna ang phone niya at pupunta ang mga ito para kausapin siya tungkol kay Laurel. That one article he opened last night shook him. He didn't expect that.

Kinaumagahan din, napag-usapan nila ni Amira na hindi muna sila makikipag-usap kahit kanino, kahit sa network nila, dahil gusto muna nilang pag-usapang dalawa ang tungkol sa nangyayari, pero pumunta ang mga manger nila.

Nasa bahay rin nila sina Job at Patrick.

Pagkapasok nilang dalawa sa office ng bahay nila, na ang mga ito kasama rin ang mga lawyer ng network.

"We need to talk about what just happened, Atlas," ani Grace, ang manager niya. "Ano ba 'yung ginawa mo? Hindi ka nag-iisip! You risked a lot, maraming endorsements mo ang tumatawag dahil sa nangyari, some producers were asking me about what happened. Ano ka ba naman? Sana man lang nagkaroon ka ng kaunting pagpipigil sa sarili!"

Tahimik na nakasandal si Atlas sa lamesa. Nakaupo si Amira sa sofa katabi si Job na pare-parehong nakatingin sa kaniya.

"So, are you really having an affair with her?" galit na tanong nito. "May anak pa kayo? Ano ba, Atlas!" Bumaling ang tingin nito kay Patrick. "Who's the girl?"

Tumingin sa kaniya si Patrick bago nagsalita. Walang sinabi si Patrick sa kaniya tungkol kay Laurel, malamang na pakiusap ni Laurel iyon.

"Laurel Alyssa Upchiango-Alcaraz, youngest daughter of Governor Alisano Alcaraz. Governor siya ng Baesa. The thing is, hindi nito anak si Laurel sa legal wife."

Atlas was just listening, but hearing what Patrick said, napatitig siya rito, pati kay Job na nakatingin sa kaniya. Walang reaksyon ang mukha nito at mukhang nag-iisip. Dumako rin ang tingin niya kay Amira na halatang nagulat tulad niya.

"Anak ni Governor Alcaraz si Laurel kay Ricardina Uchiangco-Chen, legal wife of Mr. Patricio Chen, the owner of Uplift Philippines na nagpo-produce ng mga sikat na beverage rito sa Pilipinas. Miss Ricardina, on the other hand, is a socialite and owner of some real estate houses and condos for rent." Binuklat ni Patrick ang isa pang papel. "The society knew about them, everyone knew about the scandal that happened years ago, wherein Governor Alcaraz and Miss Ricardina left their own families and eloped."

Huminga nang malalim si Grace at tumingin sa kaniya. "So, you're telling me na hindi basta-basta ang pinasok mong iskandalo, Atlas? What were you thinking? You impregnated her and now she's your mistress?"

"She's not my mistress."

"I guess it runs in the family." Nagulat siya sa sinabi ng manager ni Amira kaya napatitig siya rito. "The parents ruined each other's family, what would we expect? That who—"

"What the fuck? Stop!" ani Amira habang nakatingin sa sarili manager.

Tumayo si Atlas at tinitigan ang manager ni Amira. "Don't you dare say shit about the mother of my child. I don't care about her past, that doesn't define her. For everyone's information, wala kayong dapat problemahin kay Laurel, we're not a thing. I just want to see my daughter before they leave. Why? Dahil hindi ko na alam kung kailan ko ulit makikita ang anak ko."

Everyone was looking at Atlas.

"Why? Because that whore you're talking about chose to leave for her privacy, my marriage, my career." Atlas bitterly smiled. "Wala kayong dapat alalahanin sa kaniya, she already chose to leave, and please, don't say a single word about her, ako ang makakalaban ninyong lahat. Wala na akong pakialam, I already made a huge mistake by not thinking about the consequences of my action. Please, ako na lang ang batuhin ninyo. Not her."

Lumabas siya ng kwarto dahil hindi niya matagalan ang presensya ng mga taong nanghuhusga kay Laurel. It was his fault. Sobrang daming tumatakbo sa isip niya kung kumusta na si Laurel, kung ano ba nangyayari, kung nakarating na ba ito? Kung napanood na ba nito lahat ng nakita nila sa social media?

Sasakay sana si Atlas ng sasakyan niya dahil kailangan niyang huminga nang marinig niya si Jobelle. "Atlas!" anito at kinuha ang susi sa kaniya. "Saan mo gustong pumunta? Let me drive."

Hindi na siya tumanggi hanggang sa nagmaneho sila papunta sa lumang bahay niya na hindi niya ibinenta. Matagal na rin simula nang huling pumunta siya rito, matagal na matagal na dahil punong-puno ito ng memories na ginusto na niyang ibaon.

Naupo siya sa sofa na madalas tulugan ni Laurel sa tuwing dito sila nakatambay. Hindi siya nakapagsalita. He kept on imagining LJ's face while running towards him, crying.

"Naiintindihan kita sa parteng gusto mo lang makasama si LJ. Kaso, mali 'yung ginawa mo. Sana kaunting pagpipigil sa part na 'yun, Atlas. Sana inisip mo 'yung magiging resulta, pero hindi kita masisisi kasi ama ka."

Atlas rested his head on the back of the sofa and shut his eyes.

"Hindi kita masisisi sa parteng 'yun, kasi mahal mo si LJ, anak mo si LJ," dagdag ng kaibigan na nakaupo sa pang-isahang sofa. "Ang laking gulo nito, Atlas. Hindi basta-basta ang pamilya ni Laurel. Bukod pa roon, kilala ang pamilya niya, ang magulang, dahil sa kaparehong kaso. Ayaw kong magbasa ka ng articles at ng mga comment ng taong bayan tungkol sa kaniya, dahil alam kong magagalit ka.

"Isang rason 'yun kaya sinasabi ni Laurel sa atin na kailangan niya 'yung privacy niya, kung bakit mas pinili niyang magtago, dahil kilala ang pamilya niya," pagpapatuloy ni Job.

Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Job. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"It's not my story to tell, Atlas. Si Laurel ang dapat magsabi n'on sa 'yo, pero alam natin pareho na never magsi-share ang isang Laurel." Job smiled. "Hindi ko alam kung ano'ng magiging plano mo, hindi ko alam kung ano'ng gagawin mo, basta nandito lang ako. This is gonna be hard, Atlas. Your career, maraming gustong marinig ang side mo, or they will pull you out."

"Pull me out for choosing to hug my daughter goodbye?" Atlas chuckled. "Then so be it if they decide to pull out, okay lang, walang problema. I would understand them, and I would accept everything."

Tahimik silang dalawa, parehong hindi inaasahan ang mga nangyari. Sa loob ng isang linggo, maraming nangyaring hindi inaasahan.

"I miss my daughter, Job." Humikbi si Atlas at sumandal sa sofa, pilit na pinipigilan ang luha. "Nami-miss ko 'yung anak ko."

Job remained quietly sitting on the sofa.

Bumangon si Atlas nang may ma-realize. "What have I done?" bulong niya habang nakatitig sa kaibigan. "Laurel's privacy . . . I . . . I exposed her. I promised to protect her, I promised to—"

"Atlas," ngumiti si Jobelle. "you weren't protecting Laurel, kahit n'ong umpisa pa lang."

Kumunot ang noo niya. "I did!"

"You did because she asked you to. Tingin ko, kung hindi sinabi ni Laurel sa 'yo 'yun, you will be okay with her exposed. You will even show her to everyone. Naalala ko 'yung sinabi mo na she doesn't deserve to be hidden and that you're proud to be with her. Naalala mo ba 'yun?"

Umiling si Atlas dahil hindi niya maalala ang sinasabi nito.

"After you bought the house, sinabi mo sa akin na a part of you was willing to risk it all for her. Na pakiramdam mo, ayaw mo na magtago and that the society might understand," sabi nito. "The main reason na dinala mo siya sa Korea, you wanna try what it's like to be with her in public, kasi you were testing kung ano'ng gagawin mo kapag nandito na kayo sa Pilipinas."

He was quietly listening.

"You were ready to show her off until she rejected you," seryosong sabi ni Job. "Atlas, analyze everything and you will realize that you are being protected by Laurel. Ngayong alam mo na ang nakaraan niya, well, a hint of her past, her family, malalaman mo kung bakit mas pinili niyang lumayo sa 'yo, kung bakit mas pinili niyang humingi ng privacy, kung bakit mas pinili niyang magtago, at kung bakit mas pinili niyang itago ang anak ninyo."

Natahimik si Atlas na nakatitig sa kaibigan.

"Aalis ako mamayang madaling-araw, pupuntahan ko si Laurel. After this issue, Laurel needs someone. For the meantime, ako na muna ang bahala kay LJ, don't worry about her. Tatagawan na lang kita. Laurel's my friend and I will make sure she's okay after this. Nagkausap na rin kami Amira. We talked about the situation." Tumayo ito. "We'll make sure your daughter is safe, Atlas."

Bumalik silang dalawa sa bahay nila ni Amira, nakaalis na rin daw ang mga tao, except for Patrick na naghihintay kay Job. Naabutan nila ang dalawa sa sofa at nagkukuwentuhan.

Bago umalis sina Patrick at Job, sa gate, kinausap niya ang dalawa. "Paano kayo pupunta sa Paris? Do you even know where they live?"

"Ibinigay sa akin ni Laurel 'yung address nila sa Paris, just in case hindi na kayo magkikita. She was about to say something to you, kaso nawalan na ng chance," ani Job. "We'll get going, Atlas. Maaga ang flight ko, tatawagan na lang kita kapag nasa Paris na ako para makausap mo si LJ."

Tumango lang si Atlas at nakatingin sa sasakyang papaalis. Bigla siyang nag-isip kung ano ang sasabihin ni Laurel sa kaniya. The fact that she gave their address to Jobelle and was about to give it to him, that meant she was trusting him about LJ.

Pagkapasok sa kuwarto, naabutan niyang nakaupo sa kama si Amira, nakangiti sa kaniya. "I hope you have a good day. Kailangan na nating magsalita sa press about what's happening, babe. We need to fix this. Ano'ng sasabihin ko sa press? Na alam ko 'yung tungkol sa anak mo?"

Atlas shook his head. "No, don't lie. Tell them na hindi mo alam, wala kang alam, and that it was my fault."

Tumayo si Amira at nagpunta sa balcony na konektado sa kwarto nila. Sumunod si Atlas at pareho silang nakatingin sa madilim na parte ng subdivision. It was a long day.

"I know her," Amira uttered and warmly smiled.

Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Amira. "What do you mean?" Atlas frowned.

Amira crossed her arms and faced Atlas. "The moment I saw her at the airport, I instantly knew it was her. Too familiar. Alam mo ba kung saan ko siya unang nakita?"

Hindi nakasagot si Atlas habang nakatingin sa kaniya.

"Dressing room. It was years ago. Hindi ko makalimutan." She chuckled. "I was looking at you. As always, I was there, staring at you. Habang nakatingin ako sa 'yo, I saw you frowning. Nakita kong nakatingin ka sa salamin, pero kay Laurel, who was Job's cousin." Natawa si Amira. "I was looking at you and you were looking at her."

"Amira."

"Let me finish," Amira smiled but there were tears. "N'ong araw na 'yun, sabi ko sana gano'n ka rin tumingin sa 'kin. You were staring at her as if she was the only person inside the room. Gano'n ako sa 'yo, e."

Yumuko si Atlas dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin ni Amira.

"Alam kong mahal mo ako, Atlas, I know that. Hindi ko kukwestyunin 'yun. Hindi ko pinagdududahan 'yun, pero ginusto ko 'to, e." Amira sobbed. "Lahat ng nangyari ngayon, kasalanan mo. If only you trusted me, Atlas. We were friends, magkaibigan tayo bago ang lahat. S-Sana pinagkatiwalaan mo ako."

"I'm really sorry." Atlas sobbed. "I'm really sorry."

"Patrick told me everything, Job, too. Nagalit ako sa kanila 'cos they hid this one, too. Sinabi rin sa akin ni Patrick kung sino si Laurel and I am sorry for calling her your whore, Atlas." Humikbi si Amira.

Atlas sniffed. "It was my fault."

"It really is. Your selfishness is the reason why Laurel will suffer in the next days, Atlas. If you only you trusted me, hindi tayo aabot sa ganito. Hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon dahil hindi naman kita pipigilan." Amira shook her head. "You failed Laurel this time, Atlas."

Napatitig si Atlas kay Amira dahil sa sinabi nito at hindi siya nakapagsalita.

"Years of hiding ruined all because you chose not to trust me. I should be the first person you'll trust because I am your wife, but you forgot about it." Amira's tears fell. "Kinalimutan mo. It's all your fault."

Pumikit si Atlas dahil naalala niya rin ang pinag-usapan nila ni Job. "Amira, I need to go to my daughter."

Nakita niya kung paanong manlambot ang mukha ng asawa habang nakatitig sa kaniya, wala itong sinabi na parang naghihintay ng kasunod.

"I need to go to Paris."

Umiling si Amira. "No, we need to fix our issue here, Atlas. Malaking gulo ang pinasok mo, our career, our marriage is on the rocks because of this, tapos aalis ka? No, hindi ako papayag."

"I need to see my baby girl, Amira." Umiiling siya habang nagmamalabis ang luha. "I need to see Laureen Juliana or I'll lose it, Amira."

Nagmalabis ang luha ni Amira habang nakatingin sa kaniya. "Atlas." She paused. "If you leave, w-wala ka nang babalikan."

Atlas looked down.

"Atlas, I am warning you. If you leave, you'll lose me, too."

Nag-angat ng tingin si Atlas at ngumiti. "I love you, Amira."

"Then stay, and let's fix this mess!" Amira uttered with frustration.

"But my daughter . . . is my priority."

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys