Chapter 31

​​Atlas was looking at Job. Kausap nito si Amira, sakto namang lumabas si Patrick at mukhang na-gets nito ang sitwasyon. Ngumiti ito kay Amira, nakipagkumustahan sandali at tumingin sa kaniya. Hindi niya alam kung natutulog na ba si LJ, hindi siya makapagtanong.

Sandali siyang tumingin sa bintana ng bahay kung saan alam niyang naroon sina LJ at Laurel.

Sa sasakyan, ilang beses niyang inisip kung sasabihin na ba niya kay Amira ngunit sa tuwing susubukan niya, magsasalita ito at magsisimulang magkuwento. Kita niya ang saya sa pagkukuwento nito na nagpapatigil sa kaniya. Hindi niya alam kung paano at kung ano ang gagawin.

Nilingon ni Atlas si Amira na masayang nakasandal sa kotse at nakikipag-usap kay Job. Nahihiya siya sa mga kaibigan niyang nadadamay ang mga ito dahil sa kaniya. Panay ang tingin ni Job, ganoon din si Patrick, at mukhang nakikiramdam.

Tipid na umiling si Atlas para sabihing hindi pa niya nasasabi. Kaagad na nagbago ang itsura ni Patrick. Bumagsak ang balikat nito at nilingon si Amira.

Hindi mapakali si Atlas at panay ang suklay niya ng buhok gamit ang mga daliri. Mabilis ang tibok ng puso niya at gusto na niyang makita ang anak niya.

Biglang nabuksan ni Amira ang topic tungkol sa lupang tinitingnan nila para sa real estate partnership nilang apat. Pinag-uusapan nila ang ilang lupa na prospect nilang bilhin, hanggang sa magsalita si Job.

"Pat, ibigay mo na kay Atlas 'yung kailangan niya, kuwentuhan lang muna kami rito ni Amira. May gusto ka bang kainin, girl?" tanong ni Job kay Amira. "Hayaan na muna natin 'yung mga boring nilang pag-uusapan. Kumusta 'yung shoot mo para sa Chanel perfume? Ang ganda ng billboard mo, girl!"

"Okay naman! Nakakatuwa nga, e, hindi ko pa rin in-expect na kukuhanin ako ng Chanel," sabi naman ng asawa niya.

Nakatingin si Atlas kay Amira na masayang nakikipagkuwentuhan sa best friend niya. Nakagat niya ang ibabang labi at hindi pa rin alam ang gagawin. Blangko na siya dahil si LJ na lang ang laman ng isip niya.

"Akyat muna kami, may kailangan lang akong tingnan," paalam ni Atlas.

Amira just nodded and happily talked to Job na excited pang isinalaysay ang tungkol sa new endorsement nilang magkasama.

Sandaling nag-isip si Atlas kung papasok ba siya. Nasa gate na si Patrick at naghihintay sa kaniya. Seryoso itong nakatingin, nakapamulsa, at walang reaksyon ang mukha na parang naghihintay ng susunod niyang gagawin.

Atlas took a deep breath and caressed Amira's arm before entering the house.

"Tulog na ba?" tanong niya kay Patrick pagkapasok ng bahay. "Ang dami naming meeting, hindi na ako nakabalik."

"Hindi ko alam," sagot naman ni Pat. "Sabi ni Job, nag-aayos na ng maleta si Laurel n'ong niyaya niyang kumain. Pagkatapos naman, umakyat na rin kaagad sila. Kaya hindi ako sure if tulog na ba."

Nilingon niya si Patrick habang pareho silang paakyat ng hagdan. "Nagkausap na ba kayo ni Laurel?"

"No," Patrick responded without buckling.

Atlas sighed. Sa ilang araw, ramdam niya ang pag-iwas ni Patrick kay Laurel. Sinabi rin ni Job na sa kainan, madalas hindi gustong sumabay ni Patrick unless pipilitin.

Muling huminga nang malalim si Atlas. Sandali siyang yumuko at pumikit. Hindi na niya alam ang gagawin, hindi na niya alam kung ano ang magiging desisyon. He just wanted to see his daughter.

Pagkabukas ni Atlas ng pinto, naabutan niya si LJ na naka-cover ng comforter hawak ang remote, yakap ang bear na bigay niya, at kaagad itong tumingin sa kaniya. His daughter smiled sweetly, got up, and hugged him.

"Hi, Daddy," mahinang sabi ni LJ. "I thought you won't come na." His daughter even kissed him on the cheek.

"Of course, I'll come," he whispered and hugged her tightly. Nakapikit siya dahil ang sarap sa pakiramdam na ang higpit ng yakap nito sa kaniya.

Maingat niyang binuhat ang anak at niyakap nang mahigpit na mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at mahinang isinayaw.

"What are you watching?" tanong niya at humiwalay bago hinalikan ang pisngi ng anak. Tinitigan niya ang mukha nitong natakpan ng buhok.

"I was watching Finding Nemo, Daddy." LJ smiled and caressed both of his cheeks. "It's my first time watching this, and I almost cried. I love how Marlin protected Nemo from everyone, that I have to be obedient so I won't get lost, and Mommy won't be sad."

Tahimik lang si Atlas. Nakabukas ang bathroom at mukhang nandoon si Laurel na parang may inaayos. 

"How are you, Daddy?" LJ asked. Their faces were an inch away.

Atlas had the opportunity to trail the tip of his nose into LJ's cheek, inhaling her baby scent. They also did the nose-to-nose when LJ cupped his face and giggled.

"I'm okay." Atlas tried to smile and kissed his daughter's cheek. "I can't stay long, bub. I have to go home early, is that okay? I will see you tomorrow before the airplane, okay?"

LJ nodded and encircled her little arms around his neck. "I love you, Daddy."

Ayaw bumitiw ni Atlas, pero bumaba si LJ sa pagkakabuhat niya, nahiga, at tinakpan ang sarili ng comforter. Hindi na ulit ito tumingin sa kaniya, sakto namang lumabas ng bathroom si Laurel.

Pinindot ni LJ ang remote ng TV para mamatay iyon. Atlas was standing beside the bed watching his daughter.

"Good night, Daddy," nakangiting pahabol ni LJ at nag-flying kiss pa bago ipinikit ang mga mata. Hindi siya sigurado kung tulog na ang anak, pero humiga siya sa tabi nito sandali.

A lone tear dropped while staring at his daughter's beautiful face. Nararamdaman ni Atlas naglalakad lang si Laurel sa kuwarto, naririnig niyang may inaayos ito, pero nakatutok ang mata niya sa mukha ng anak.

Mahina niya itong tinapik hanggang sa bumuka nang kaunti ang bibig. Parang si Laurel kapag natutulog, nakanganga.

Atlas kissed his daughter's forehead, the tip of her nose, and whispered, "I love you, too . . . so much."

Nang maramdamang malalim na ang paghinga ng anak, bumangon siya at inayos ang kumot, nakita niyang isinasara ni Laurel ang maleta.

"Laurel?"

Tumingin ito sa kaniya, pero hindi nagsalita.

"N-Nakita ba niya si Amira?"

Laurel gave him a faint smile and shook her head.

Atlas frowned.  Noong magkasama sila, hindi nagsisinungaling si Laurel sa kaniya kaya. Nang malaman niya ang tungkol sa anak nila, nagsabi ito ng totoo kaya bago sa kaniya ang reaksyon nito.

Laurel blinked twice. Isa pa, kaagad itong umiwas ng tingin. He knew she was lying.

Atlas didn't push it, though. "I'll get going. Pupunta na lang na lang ako rito bukas."

Laurel nodded without saying anything, and she just smiled at him.

For the last time, Atlas looked at LJ. Tulog na tulog na ito kaya maingat niyang isinara ang pinto para hindi gumawa ng ingay. Tumingin din siya kay Laurel na nakatingin naman sa anak nila, at wala na ang ngiti nito habang nakatingin kay LJ.

Pagkasara ng pinto, sumandal siya roon at pumikit.

"Ano'ng plano mo?" It was Patrick.

Atlas shook his head. "I can't do this, Pat."





Panay ang tingin ni Atlas sa relo kung nasaan ang shoot nila para sa commercial. Sinabi ng mga ito sa kaniya na maagang matatapos, pero nag-extend dahil magdadagdag ng scenes, sequences, and another photoshoot. Hindi na siya mapakali dahil ala-una na ng hapon at alam niyang alas-kwatro papasok sina Laurel sa airport.

Nawawala na siya sa mood, nag-iiba na ang paraan ng pagngiti niya kaya nasisita na siya. Hindi na niya alam kung anong ngiti pa ang gagawin niya, dahil hindi siya masaya. He was supposed to bond with his daughter and even bring them to the airport, but because of his job, hindi niya nagawa.

It was his fault. He chose this. Walang ibang dapat sisihin kung hindi siya mismo.

"Babe, are you okay?" bulong sa kaniya ni Amira habang nakaharap sila sa camera. "You seemed uneasy, may nararamdaman ka ba? May masakit ba sa 'yo?"

Atlas shook his head without saying anything. Pilit lang niyang sinusunod ang lahat ng inuutos ng direktor kahit na panay na ang tingin niya sa orasan. He couldn't concentrate and he was thinking about Laureen.

Iniisip niya kung kumusta ba ang anak niya? Hinahanap ba siya? Malungkot kaya itong hindi siya nakita?

At marami pang ibang pumapasok sa isip niya.

He badly wanted to see his daughter, but with his current situation, Atlas couldn't. He was at work, and he couldn't leave. Plus, he was with Amira, who didn't even know his daughter existed.

"Atlas, you need to smile more," sabi ng photographer. "Sobrang dull ng mata mo sa pictures, looks like you're sick. Are you okay?"

Atlas nodded and forced a smile. "I am."

Pinilit ni Atlas ang sarili na magmukhang masaya. Iniisip na lang niya ang mukha ni LJ na nakangiti sa tuwing nagkukuwento sa kaniya tungkol sa mga pinanood nito. Naalala niya ang paghalik at pagyakap ng anak sa kaniya kinagabihan na naging dahilan kaya hindi siya makatulog.

He tried so hard to finish the shoot, pero may isang shot pa.

Atlas was getting pissed, medyo padabog na siyang kumilos. Alas-dos na, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari kina Laurel at LJ. Ni wala siyang idea dahil wala rin namang updates galing kahit kanino.

Ilang beses niyang tiningnan ang phone, pero kahit kina Patrick at Job, wala.

Dapat ay kasama si Job sa shoot, pero siya na mismo ang nagsabi na huwag na at asikasuhin na lang ang mag-ina niya.

Habang inaayos ang makeup ni Atlas, nakatitig siya sa sarili kung bakit hindi niya kayang ipaglaban ang anak niya. Natatakot ba siyang malaman ng mga tao na may anak siya? Natatakot ba siya sa privacy ng mag-ina niya? Natatakot ba siyang masira ang career niya? Sila ni Amira, paano na? Hindi na niya alam.

Gusto niyang lumaban, pero kung mismong si Laurel ang kalaban niya, hindi na niya alam kung paano. Bukod kay Laurel, kalaban niya ang taumbayan. Artista siya, kasal kay Amira, kilala ng lahat, hindi basta-basta.

Atlas felt worthless for not being with his daughter. The fact that his daughter was leaving and that Laurel was leaving na wala silang maayos na pag-uusap tungkol sa magiging setup made him furious and uneasy at the same time.

Nasa kabilang kwarto si Amira dahil nakikipag-usap ito sa ilang artistang kasama nila sa shoot. Tapos na rin itong ma-retouch.

Nakakuyom ang kamao ni Atlas habang nakatitig sa sarili nang umilaw ang phone niyang nakapatong sa lamesa. He saw that it was Job and he immediately answered.

"Hello?" Atlas pretended it was nothing, but his heart pounded. "What's happening?"

"Ano'ng plano mo?" tanong ni Job. "We're leaving. Nandito na ako sa labas ng sasakyan, tinawagan lang talaga kita, pero nasa sasakyan na sina Laurel and Laureen. Ano'ng plano mo, Atlas? Hindi ka pa ba tapos sa shoot?"

Atlas sighed while looking at himself. He was on the verge of crying. "C-Can I talk to LJ?" His voice was begging.

Tumingin sa kaniya at artist, wala siyang pakialam.

"Wait," narinig niyang sabi nito. "LJ, your dad wants to talk to you."

Kinagat ni Atlas ang ibabang labi lalo nang makarinig siya ng mahinang paghinga. "H-Hi, sir?" sabi nito na ikinagulat niya. Hindi kaagad siya nakapagsalita. "Tito Job, can I call him daddy? No one can hear?"

"A, e . . ."

Kaagad na niyang pinutol ang sasabihin ni Job. "Hi, bub." Pinilit niyang ngumiti, tumingin sa kaniya ang makeup artist at hairstylist. "How are you? Sorry, hindi na ako nakapunta, ha? Are you okay?"

"Yes, Daddy." LJ's tiny voice filled his ear. "I'll see you when I see you, Daddy. I'm happy I finally met you."

Sumikip bigla ang dibdib ni Atlas sa narinig. Pumikit siya dahil ayaw niyang makita ang sakit sa mukha niya habang nakaharap sa salamin. He didn't want to see how he was trying to hold it up while listening to his daughter's voice.

"We're going to ride a plane again, Daddy," LJ continued. "I will be hugging baby bear. Thank you for giving baby bear, Daddy."

"Y-You're welcome, bub." Ngumiti siya dahil inaalala niya kung paanong kilig na kilig ang anak niya noong ibigay niya iyon. "Be careful, okay? Say hi to Mommy."

Wala na siyang pakialam sa mga nakapaligid. Atlas couldn't contain it.

"I love you, Daddy."

Dumilat si Atlas nang marinig ang kakaibang boses ng anak. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig, but his daughter's voice quavered.

. . . and because of that, Atlas lost it.

"Wait for me, bub, will you?" aniya habang nakapikit. "I'll come, okay?"

Kaagad niyang pinatay ang tawag at walang sabing tumayo. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at lumabas ng dressing room. Nakita niya si Amira na napatingin sa kaniya at panay ang tanong kung bakit.

"I need to go now, I'm sorry, I need to," aniya na parang nagmamadali.

"Atlas, may shoot pa!" sigaw ng manager niya. "Saan ka ba pupunta?"

Atlas shook his head. "Just let me go, please, babalik kaagad ako. I just need to see someone. Please?" he begged. "Please, just this one."

"Wait!" It was Amira walking toward him. "I'll come with you. Saan ka ba pupunta? Don't leave me here, babe! Saan ka ba pupunta? Is it so important na aalis ka sa work?"

"I need to go, Amira," seryosong sabi niya. "Please, let me go. Babalik ako. I just . . . need to go. Babalikan kita kaagad dito. Please."

Umiling ang asawa niya. "No, I'll come with you! Kung ano man 'yan, kahit saan, sasama ako."

Hindi na siya nakipag-discussion at tinalikuran na. Wala na siyang oras. Wala na siyang pakialam kung malaman nito ang totoo, wala na siyang pakialam kung magalit ito sa kaniya. He would see Laurel and Laureen Juliana, one way or another.

Hindi na niya ito hinintay, he just started walking faster.

His time was running out. Medyo malayo ang airport sa kung nasaan siya at alam niyang kakailanganin niyang magmaneho nang mabilis.

Atlas was so focused on driving na kung saan-saan na sila sumusuot dahil traffic. It was just three in the afternoon.

Panay ang tanong ni Amira kung saan sila pupunta, pero hindi siya makapagsalita. He was concentrating, he wanted to be in the airport on time, and he wanted to see his daughter.

Ramdam ni Atlas ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Ayaw niyang dumating sa airport nang walang maaabutan. Kahit silip lang, gagawin niya. Kahit na hindi na siya makita ng mag-ina, okay na sa kaniya.

"Atlas!" pagkuha ni Amira sa atensyon niya habang stuck sila sa traffic. "Can you please tell me what's happening? Hindi kita maintindihan! Umalis tayo sa shoot, ano ba'ng nangyayari?"

"I told you to stay," sagot ni Atlas at humigpit ang hawak sa manibela. "You could've stayed."

"Atlas, commercial shoot nating dalawa 'yun! You're expecting me to stay?" singhal ni Amira. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi ka mapakali?"

Hindi na sumagot si Atlas. Panay lang ang isip niya kung makaaabot ba siya sa airport bago man lang makapasok sa loob ang mag-ina niya. Paulit-ulit na nagre-replay sa kaniya ang boses ng anak, paulit-ulit na iniisip kung umiiyak ba ito.

Doon na-realize ni Atlas na sa isang linggo na kasama niya ang anak, hindi ito umiyak. Hindi niya alam kung paano ito umiyak. Naalala rin niya si Laurel. Sa dalawang taon, isang beses lang itong umiyak sa harapan niya, wala nang iba.

Panay ang tanong ni Amira, tumataas na rin ang boses nito, pero parang wala na siyang naririnig. Parang may static na sa tainga niya dahil isa lang ang goal: makarating sa airport, makita ang anak niya, ang mag-ina niya, bago man lang umalis ang dalawa.

They were still wearing their photoshoot clothes. Amira wore a dress, while Atlas wore a white long-sleeved polo and slacks. They were casual because of the shoot.

Kapag humihinto ang sasakyan dahil sa stoplight o traffic, napapapalo si Atlas sa manibela. Tumitingin sa kaniya si Amira, nagtatanong. He was usually calm, but now? He was ready for a road rage.

It was 4:15 p.m. Atlas kept on looking at the clock. Hindi siya mapakali, kung ano-anong scenario na ang pumapasok sa isip niya na baka hindi na niya maabutan sina Laurel at LJ.

A sigh of relief escaped when Atlas saw the airport. It was 4:21 in the afternoon, and he hoped he would still see them.

"Atlas, for once, tatanungin kita. Bakit tayo nasa airport?" tanong ni Amira nang makapasok sila sa airport premises, papunta sa departure area. "Ano'ng ginagawa natin dito?"

Hindi sumagot si Atlas. Sinubukan niyang bagalan ang takbo para makita kung nakapila ba sina Laurel at LJ, pero tumigil ang mundo niya nang makita ang dalawa na bumababa ng sasakyan ni Patrick.

Hawak ni Laurel ang kamay ng anak nila, habang hawak nito ang teddy bear na binili niya. May mga tumutulong na rin na airport personnel para mga maleta, at nandoon lang siya sa sasakyan, nakatitig sa mag-ina.

Atlas parked his car properly in the waiting area while looking at his two girls.

"Turn around, please."

"Atlas, what the heck is happening?" Amira's voice started to shake. "Please, tell me, what the hell is happening?"

Atlas stared at Laurel and LJ. Nakasuot ng simpleng pantalon ang anak niya, simpleng T-shirt na kulay green, hawak ang teddy bear na bigay niya, at maliit na bag sa likuran.

Nag-flashback sa kaniya kung paanong gusto niyang sundan si Laurel anim na taon na ang nakalipas, pero hindi niya nagawa dahil artista siya. Kung paanong gusto niya itong habulin, pero hindi niya nagawa . . . na sana pala, bumaba siya.

Kung bumaba siya noon at hindi pumayag na umalis ito, baka kasama niya ang mag-ina niya.

Atlas' heart was pounding too much. Maraming taong nakapila, maraming sasakyan ang nakahinto, maraming makakikita.

One wrong move, everyone would see them. Masisira ang lahat.

"Bub, please . . . ," Atlas whispered and begged. "Turn around, please."

But Atlas' world stopped when Laureen Juliana turned around as if looking for someone. He saw the pain in his daughter's eyes, which triggered him to go out. He heard Amira shout and saw Job looking at him with a shocked face. He saw people staring at him.

But he didn't care at all.

It felt like he was in a movie with slow motion. Naka-focus lang ang titig niya sa mag-ina niya, kay Laurel at kay Laureen na nakatalikod papalayo sa kaniya.

"Laureen!" sigaw ni Atlas.

And that caught everyone's attention.

"Laureen, turn around, baby!" he shouted one more time.

Tumigil sa paglalakad si Laurel at lumingon sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila, pero kaagad na nabaling ang atensyon kay LJ na bumitiw kay Laurel at tumakbo papalapit sa kaniya.

"Daddy!" sigaw nito habang tumatakbo at nagsisimulang umiyak. "Daddy! Daddy! Daddy!"

Lumuhod si Atlas para salubungin ang umiiyak na anak. And for the first time, he heard his daughter's cry.

"Daddy . . ." Umiiyak si LJ habang mahigpit na nakayakap sa leeg niya. "Daddy, you . . . are . . . h-here. . ." Hagulhol bawat salita na mas lalong naging dahilan ng pagkawasak ng puso niya.

"Atlas, maraming tao!" It was Patrick behind him.

Atlas shook his head and hugged LJ tighter. He buried his face in his daughter's neck and started sobbing.

"I don't care," he whispered while crying. "I want my baby."




T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys