Chapter 30
Atlas was just looking at LJ. Kaka-deliver lang ng teddy bear na pina-rush niyang ipabili kay Job para sa anak. Tinanong niya ito kung anong laruan ang gusto dahil kahit ano, bibilhin niya para sa anak. Pero simpleng teddy bear lang ang ipinabili nito.
Ang rason ng anak niya? Gusto lang nitong may makayakap habang natutulog. Iyon lang. Wala ng iba.
Biglang kumirot ang dibdib ni Atlas sa narinig dahil pakiramdam niya, bear ang hiniling ng anak para maisip na siya iyon. Ayaw niyang mag-assume ngunit habang nakatingin sa anak na nakayakap sa bear habang nanonood ng TV, gusto niya itong yakapin nang mahigpit na mahigpit.
Hindi niya ginawa.
Instead, Atlas laid down and used LJ's legs as his pillow. Akala niya, itutulak siya, pero hindi. Ngumiti si LJ sa kaniya, hinalikan ang pisngi niya, at hinaplos ang buhok.
Sa bawat paghaplos ng anak sa buhok niya, naalala niya si Laurel dahil ganoon ang ginagawa nito sa tuwing mararamdamang pagod siya. Sa tuwing magkasama sila noon at nag-uusap lang, hahaplusin nito ang buhok niya na na para bang mapapawi niyon ang pagod niya.
Pumikit si Atlas habang pinakikiramdaman ang paghaplos ni LJ sa buhok niya. Kung noon ay si Laurel, sa pagkakataong iyon, si LJ na ang gumagawa niyon sa kaniya.
"Daddy, you know how to cook pancakes?" biglang tanong ni LJ. "I am hungry po and I want some pancakes."
Atlas thought, how hard could it be?
Kaagad siyang nag-search sa Google kung paano ba magluto ng pancakes. It wasn't his forte—hindi, never pa pala niyang nagagawang magluto ng pancake. He was nervous, but he didn't have the guts to let his daughter starve. Hindi niya kayang biguin ito at sabihing hindi siya marunong.
"I'll cook some pancakes. Do you wanna watch how Daddy makes you a heart-shaped pancake?" tanong niya. "Let's cook it together!"
LJ's face lit up, and she left the sofa without saying anything. "Really? You can make it heart?" she asked, doing the puppy eyes.
Natatawa si Atlas. Naisip niyang ang liit-liit ng anak niya, ang cute nitong gumalaw, halatang bata pa, pero nalulungkot siyang maaga itong nag-mature, malamang sa pagpapalaki ni Laurel. He had nothing against it. Nalulungkot lang siya na advanced mag-isip ang anak niya, kahit baby pa ito para sa kaniya.
Naghanap siya ng ingredients sa pantry ni Job. Umalis din mag-asawa dahil may kikitaing kliyente si Patrick, dadaan naman daw sa grocery si Job.
Nakaupo si LJ sa counter, parang si Laurel noon sa tuwing magluluto siya ng lunch o dinner nila.
It felt different cooking for a daughter. There was pressure and he started sweating bullets. Nakangiti pa itong asang-asa na marunong siya.
Sinundan lang ni Atlas ang recipe at nagkunwari sa anak niyang kaya niya kahit na kabado siya sa gagawin. Nakangiti itong umaasa na mapapakain niya, pero nagre-ready na rin siyang mag-order ng totoong pancake kung sakali.
Nakapag-prepare na siya ng batter at nagsimula nang magluto ngunit kung hindi hilaw, sunog, ay sira-sira naman.
"Daddy," nakatingin si LJ sa pinggan na may limang pancake na mali-mali, "let's just eat some cornf—"
Sabay silang napatingin sa pinto at pumasok doon si Laurel. Nagtataka ang mga mata nitong nakatitig sa kanila at parang nag-iisip kung ano nangyayari. Kagat pa rin ni Atlas ang ibabang labi dahil nahihiya siya sa anak.
"What's happening?" tanong ni Laurel na nakatingin kay LJ. Ibinaba nito ang dalang plastic sa mesa at dumiretso sa kanilang dalawa ng anak nila. "Are you guys cooking pancakes?"
"Failed." Napangiwi si Atlas. Ipinakita niya ang pinggan na puro sunog, hilaw, at punit na pancake. "Order na lang ako."
Mahinang natawa si Laurel at hinalikan ang tuktok ng ulo ni LJ. "Maupo na lang kayo sa sofa and watch some movies. Ako na bahalang magluto."
"No, Mommy, it's okay. I'll eat cereal with milk po," sabi naman ng anak niya. "It's okay."
"No," Laurel insisted. "I'll cook."
Nakatingin si Atlas kay Laurel na inaayos ang mga gamit para magluto ng pancake. Nahihiya siya dahil simpleng pancake lang, hindi pa niya maluto nang maayos. Noong nakaraang siya ang nag-alaga sa anak niya, nadapa ito at nasugatan. Simpleng pagkain para sa anak nila, hindi niya magawa.
Lumapit sila ni LJ sa kusina. Nakaupo si LJ sa counter, nakatayo lang siya sa gilid at pinanonood si Laurel na ayusin ang pancake mix dahil masyado raw itong malabnaw. Nagsimula rin itong magluto, nanonood lang sila ng anak niya.
"Maupo na kayo r'on, Atlas," utos ni Laurel. "Bibigyan ko na lang kayo ng food."
Umiling siya. "No, I like watching you cook."
"Me too, Daddy!" natutuwang sabi ni LJ. "I love watching Mommy cook."
Tumalikod si Laurel sa kanila at nagsimulang magluto. Kumakain din ng strawberries si LJ na isinasawsaw sa whipped cream, manang-mana sa ina. Mahilig din itong kumain ng maaalat at matatamis, combination nilang dalawa.
"Daddy, wiwi." Nagmamadaling bumaba si LJ sa counter at sinabing ito na lang mag-isa.
Bumalik ang tingin niya kay Laurel at nakita niyang puro pasa ang braso nito. Unconsciously, he held her arms while looking at it.
"What happened?" he asked. "Bakit puro ka pasa? Saan ka ba nagsususuot, Laurel?"
Nakita ni Atlas ang gulat ni Laurel sa ginawa niya. Naramdaman niyang maingat itong umiwas at binawi ang braso. Mismong siya ay nagulat sa ginawa kaya siya na mismo ang umatras at lumayo.
"S-Sorry for touching you," aniya habang nakatingin kay Laurel. "I really am sorry."
Laurel gave him a warm smile. "Maupo ka na lang doon, maluluto na. Pakikuhanan mo na lang si LJ ng water sa ref saka 'yung syrup and butter."
Tumango si Atlas at patalikod na nagkalad papalayo kay Laurel. Inayos niya ang lamesa. Wala pa rin si LJ kaya siya na mismo ang namili ng drink ng anak. Hindi naman ito namili.
Habang nagsasalin ng juice, ibinaba ni Laurel ang pinggan na mayroong pancakes na luto. Ngumiti si Atlas dahil katabi niyon ang gawa niya.
Ang sa kaniya ay punit na nga, sunog pa. Kay Laurel, makinis na nga, buong-buo pa.
"I have something to tell you."
Atlas frowned and gazed at Laurel. "What is it?"
"Matagal ko nang iniisip ito. Pakiramdam ko, sa ginawa ko sa 'yo, na tinigil ko 'yung pill ko n'on, it was as heavy as stealthing," nakayukong sabi ni Laurel. "Hindi ko alam kung applicable ba sa aming mga babae 'yun, but it was wrong. I purposely stopped my pill without your consent. Naisip ko, possible ba na ma-consider 'yung ginawa ko as stealthing? It's punishable by law."
Nakatitig si Atlas kay Laurel. Nabanggit ni Patrick sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon nang magkausap sila sa loob ng sasakyan habang pinapanood niya sina Laurel at LJ na manguha ng strawberries.
"It was unfair on your part that I stopped it without talking to you and I got pregnant. Nabasa ko lang naman 'yun, though ang nakita ko sa web, stealthing is when a man removes the condom during sex despite agreeing to wear one, should be punishable as a form of sexual assault," dagdag niya. "I just—"
He had already thought about it—multiple times. Atlas sighed. "Laurel, stop."
"No, Atlas. I purposely got pregnant without your consent, and now, the effects are felt. May asawa ka, itinago ko ang anak natin. I'm sorry for causing too much—"
"Stop, Laurel," pagpigil ni Atlas sa kahit na ano pangsasabihin. "I have zero regrets because if you just told me years ago that you want a child, I won't disagree. Because six years ago if you'd just let me . . ."
Hindi inalisan ni Atlas ng tingin si Laurel na diretso ring nakatitig sa kaniya.
"I would even marry you in an instant, ma'am."
—
Sa ilang araw pa, ramdam ni Atlas kung paanong umiwas sa kaniya si Laurel. Sa tuwing bibisitahin niya si LJ, umaalis ito o hindi kaya naman ay nakakulong sa kuwarto. Kinakausap naman siya nang casual, pero pagkatapos ng pag-uusap nila noong isang araw, hindi na niya ito nakita.
Kung ano ang sinabi niya, totoo iyon. Six years ago, he was ready to commit, but she was ready to leave.
Naiintindihan ni Atlas at nararamdaman ang lahat. Hindi naman siya manhid. Of all people, si Laurel ang pinaka-understanding na taong nakilala niya. Wala siyang naririnig na reklamo o ano pa man mula rito. But it hit different this time.
. . . dahil kinabukasan, aalis na ang mag-ina niya nang hindi niya nalalaman kung babalik o magpapakita pa ulit ang mga ito.
Nakasalampak si Atlas sa sahig at nakayakap kay LJ.
Katulad nitong mga nakararaan, maaga siyang umaalis para puntahan ang anak sa bahay ng best friend niya. Ipinagpapasalamat niyang nakaisip ito ng paraan dahil naging blangko na siya, hindi na niya alam ang gagawin.
Isa pa, hindi pa rin niya nasasabi sa asawa niya ang tungkol kina Laurel at LJ, hindi niya alam kung paano. Hindi siya makakuha nang pagkakataon.
Ayaw niya itong saktan lalo na't nitong mga nakararaan, nagsisinungaling siya, pero gusto rin niyang itago at protektahan ang mag-ina.
Mabait si Amira, pero hindi niya alam kung ano ang papasok sa isipan nito dahil sa sitwasyon. Pareho silang public figure, pero hindi niya alam kung paano ito magre-react. Atlas was trying so hard to make scenarios, pero kapag naiisip na niyang maaapektuhan ang anak at si Laurel, bumabalik siya sa unang tanong.
Paano?
Yakap niya si LJ at sinusulit ang pagkakataong kasama ang anak na manood ng paulit-ulit na pelikula. He didn't mind at all. Ang mahalaga, nakasandal ito sa kaniya at paminsan-minsang yumayakap na para bang sa kanila lang ang mundo.
Naaamoy niya ang cologne nito na paulit-ulit-ulit niyang nilalanghap. He wanted to be familiar with his daughter's scent. He would miss it, for sure.
Naiisip niya na siguro, kung palagi niya itong kasama, malamang na ganito sila and he wouldn't mind at all!
Kahit na maghapon, magdamag silang manood ng Disney movies, wala siyang pakialam, basta kasama niya ang anak niya. Time was running out and the day was getting shorter.
With that thought, Atlas hugged LJ tightly.
Humarap sa kaniya si LJ at ngumiti. Hinaplos ang buhok at pisngi niya. "Are you okay, Daddy?"
"Of course, I am!" Pinilit niyang ngumiti at hinalikan ang anak sa pisngi. "Are you enjoying your movie? Do you want to eat something?"
Hindi tumigil si LJ sa paghaplos sa pisngi niya. Nakatitig ito sa kaniya at may munting ngiti sa labi. Kamukhang-kamukha ni Laurel. Paulit-ulit niya iyong sinasabi sa tuwing nakatitig siya sa anak nila.
Hinawakan ni Atlas ang maliit na kamay ng anak at hinalikan iyon. Walang salita, pumikit siya sandali habang nakalapat ang labi sa maliit na kamay ng anak.
Umiling si LJ. "No, Daddy." Sabay halik sa pisngi niya at tumalikod para manood.
Atlas felt lucky that his daughter knew him and was affectionate towards him. Hindi man sila nagkasama, hindi man niya ito nakasamang lumaki, at wala man siya noong panahong mag-isa si Laurel, ipinagpapasalamat niyang napalaki nito nang maayos ang anak nila.
For him, Laurel was one great mom, kahit na may mga desisyon itong makasarili at hindi pinag-iisipan. Kahit galit ang iba, wala na siyang pakialam. Ang importante, naging maayos ang buhay ng dalawa.
Wala siyang alam sa nangyari sa anim na taon. Kaunti lang ang sinabi ni LJ at hindi pa niya alam ang iba.
Walang sama ng loob si Atlas kay Laurel. Kahit galit, wala. Hindi rin niya maintindihan kung bakit dahil kung tutuusin, masyadong masakit ang ginawa nito. A part of him wanted to get mad, but he couldn't.
Sa dalawang taong nakasama ni Atlas si Laurel, wala siyang alam sa personal na buhay nito dahil mas pinipiling manahimik. That made him feel stupid. He loved her, but didn't have the guts to know her deeper.
Atlas was hugging LJ when his phone rang. Nagkatinginan sila ni Job na kasama nilang nanonood. To his shock, LJ paused the movie without him saying anything.
He answered the call and it was his manager asking him to go to the network's office with Amira dahil magkakaroon daw ng meeting. Hindi siya nasabihan lalo na't nagsabi siya na magre-rest lang muna, pero ganito naman ang buhay nila, palagi na lang may unexpected calls at hindi puwedeng tumanggi.
"Okay." Pumikit si Atlas dahil ayaw niyang pumunta, pero kailangan. "I'll be there. Can you give me an hour or two? May kailangan lang akong gawin."
"Of course," sagot ng nasa kabilang linya bago ibinaba ang tawag.
Tumingin si Atlas kay Job, wala naman itong sinabi at naghihintay lang din ng sasabihin niya. Sumandal siya sa sofa dahil kailangan niyang umalis. Aalis na nga bukas ang anak niya, mabibitin pa ang bonding nilang dalawa.
"You have to go, Daddy?" tanong ni LJ na nakangiti. "It's okay, LJ is okay," anito at hinalikan siya sa pisngi. "I'll wait if you'll come back. Can you bring me some donuts? Strawberry sprinkles only."
Mahina siyang natawa. "Of course." He kissed his daughter's cheek. "I'll come back as soon as I can, okay?"
"Okay, Daddy," anito na umalis sa pagkakakandong sa kaniya at nagsimula na lang ulit manood ng TV.
Sakto naman na bumaba si Laurel. "Laureen Juliana, you've been holding that remote for too long," paninita nito sa anak bago tumingin sa kaniya. "Bawal kasi siyang manood ng TV sa Paris. May limit lang, dito lang 'yan nakakanood nang ganiyan katagal."
Dumako ang tingin ni Atlas sa braso ni Laurel. Naka T-shirt ito, pero nakita niya ang mga pasa sa braso nito.
"Ang dami mong pasa. Ano'ng nangyari?" Hindi niya sinasadyang tanong.
"Nag-MRT kasi ako n'ong isang araw saka kahapon. Na-miss ko lang. I bumped into something." Ngumiti si Laurel pero kaagad na umiwas ng tingin. "Ano'ng gusto ninyong lunch, Job?"
Atlas sighed. "Anong oras ang flight ninyo bukas?"
"Hapon pa naman," sagot ni Laurel habang kumukuha ng tubig. "Alas-sais 'yung flight namin kaya mga alas-kwatro, dapat nasa airport na rin kami."
Kagat ni Atlas ang ibabang labi.
Ayaw niyang umalis dahil iniisip niyang aalis na bukas ang mag-ina, nahihirapan siya. Bigla siyang nakaramdam ng separation anxiety lalo nang tumingin siya kay LJ na nanonood ng TV. Tahimik lang ang anak, mukhang hindi apektado sa pag-alis niya.
"Laurel, I need to go," aniya habang nakatingin dito. "Pinatatawag kasi ako sa office, kaya aalis na ako. Nagpaalam na rin ako kay LJ. Babalik kaagad ako kapag natapos 'yung meeting namin. Nagpapabili rin kasi siya ng donuts."
Kumunot ang noo ni Laurel at mahinang natawa. Tumingin ito sa anak nilang hindi sila pinapansin. "Nakakaloka talaga 'tong si LJ. Strawberry sprinkles?"
Atlas nodded while smiling. "Same as you," he said and looked away.
Lumuhod si Atlas sa harapan ng anak at sinasabing babalik kaagad siya. Ayaw man niyang umalis, kailangan. Gusto man niyang makasama pa ang anak, kaso trabaho ang tumatawag. Isang araw na lang, ninanakaw pa sa kaniya.
Habang nagmamaneho, pumapasok lang sa isip niya si LJ. Sa tuwing nai-imagine niyang aalis na ito kinabukasan, sumasakit ang dibdib niya. Isang linggo pa lang niyang nakakasama ang anak, ayaw na niya itong mawalay sa kaniya.
Kung puwede lang, pero iba ang buhay na ginagalawan nilang lahat. Komplikado na, hindi na katulad ng dati. Marami na ang maaapektuhan, pero wala siyang pakialam si Atlas sa iba, anak lang niya iniisip niya.
Nakarating siya sa network at naabutan doon ang asawa niyang nakikipag-usap sa isang executive. Ngumiti kaagad ito at lumapit sa kaniya. Hinalikan siya sa labi, niyakap, at inayos ang damit niyang bahagyang nalukot dahil sa pagkakakandong sa kaniya ni LJ.
Sinasabi niya sa asawa niyang kasama niya sina Job at Patrick dahil may mga inaasikaso sila. He was lying to his wife, hindi niya alam kung hanggang kailan.
Habang nasa meeting, hindi na siya mapakali. Gusto niyang makita ang anak. Dapat kasama niya itong nanonood ng Disney movies for the nth time, pero may trabahong hindi puwedeng tanggihan, may trabahong kailangang puntahan.
Gusto niyang sabihin na priority niya si LJ, pero nandito siya, nakaupo at nakikinig sa manager niya, executives, at producer para sa pelikulang ino-offer sa kanilang mag-asawa. Biglaan ang meeting dahil kailangang mauna sila sa script.
Bukod pa roon, may ilang endorsements na iniluluto para sa kanila at sobrang rami nilang trabaho.
Nakikita niya sa mukha ni Amira ang saya dahil sa mga offer sa kanila. Alam niyang workaholic ang asawa niya, sobra. Tulad nga ng sinabi nito years ago, sinasamantala na hangga't gusto sila ng tao, tatanggapin nila lahat. Hangga't may offer, kukuhanin nila.
"Ang ganda ng mga offer sa inyo!" biglang sabi ng manager nilang dalawa. "May mga brand na nga na naghihintay kung kailan kayo magkakaanak. Halos lahat yata, waiting na para maging model din ng brands ang mga magiging anak ninyo!"
Tahimik lang si Atlas, ngumingiti paminsan-minsan.
"We're all sure na you'll have gorgeous little ones! Nai-imagine namin na babae 'yung unang anak ninyo, tapos medyo kulot like Atlas, and super pretty! We can imagine her modeling some cute clothes, diapers, and all," natutuwang sabi ng mga ito. "We're all excited!"
Tumingin sa kaniya si Amira. "We're not sure about having kids, wala pa 'yun sa plano namin, e. We're still enjoying what we have now. Plus, marami pa kaming work."
Tumango si Atlas at ngumiti, pero hindi nagsalita. Naisip niya bigla si LJ dahil sobrang ganda ng anak niya. Medyo ito katulad niya, pero nakuha ang mukha ng ina nito.
That angelic, innocent face he would never forget. Nakuha nito ang pagkakaroon ng inosenteng mata na kapag tinitigan ang isang tao, alam na nasa sa 'yo ang mundo. Those little, curious eyes that looked so cute whenever she needed something.
Nawawala si Atlas sa focus dahil naiisip niya si LJ. Gusto na niyang umalis, gusto na niyang puntahan ang anak, pero stuck pa rin siya sa meeting. It was starting to get dark, panay na rin ang tingin niya sa labas dahil palubog na ang araw. He promised he would be back, pero mukhang maaabutan niyang tulog na ang anak.
"Are you okay?" tanong ni Amira sa kaniya habang kumakain sila ng dinner kaharap ang mga ka-meeting. "You look uneasy, babe. Something wrong?"
Umiling si Atlas. "I'm okay, just a little . . . tired." Pinilit niyang ngumiti.
Hinawakan ni Amira ang kamay niya. "Alis ka kasi nang alis nitong mga nakaraan, e. After this, mag-rest ka muna, okay? Hindi ka muna puwedeng umalis, hindi ako papayag," sabi nito.
Ngiti lang ang isinagot niya dahil ang totoong cure sa pagod na nararamdaman niya ang dahilan ng madalas niyang pag-alis—na aalis na bukas, pero wala siyang magawa dahil nakapagdesisyon na si Laurel.
Ang kinatatakutan ni Atlas, hindi niya alam kung makikita pa niya ang mag-ina niya. He was not sure about Laurel's plan for that matter. Hindi pa nila napag-uusapan kung paano ang setup.
Nang matapos ang dinner, nagpaalam na silang lahat. Lalabas na sana sila nang tawagin sila ng manager. "By the way, may fitting kayo bukas, urgent 'yun para sa shoot ng commercial ninyo sa isang araw. 8 a.m. ang call time, magkakaroon din kasi ng makeup trial and all."
"Bukas po kaagad?" tanong ni Atlas dahil hindi puwede. Kailangan niyang puntahan ang anak bukas at hindi siya papayag na umalis ito nang hindi nakikita o hindi man lang nakakasama. "Hindi po ba puwedeng sa isang araw?"
Umiling ito. "We already set an appointment, pumayag na rin si Amira. Something wrong, Atlas?"
Nakatingin sa kaniya si Amira na parang nagtatanong lalo pa at hindi na siya mapakali. Bumibilis na ang kabog ng dibdib niya dahil naiisip niya ang anak niya. It was just so hard to decide.
"Babe, something wrong?" tanong ni Amira. "May lakad ka ba bukas? Puwede mo naman sigurong i-postpone. Nakapag-set na raw kasi sila ng appointment sa mga pupuntahan natin lalo na't medyo rush 'yung shoot natin sa isang araw."
Atlas looked down and felt his heart clench. Kilala siyang attentive at hindi lumiliban sa kahit anong shoot for the past six years. Nagsimula lang naman siyang lumiban noong mga panahong kasama niya si Laurel dahil gusto niyang magpahinga.
Laurel was there when he was resting and during that time, Laurel used to be his "pahinga". Ito ang nagparamdam sa kaniya na puwede siyang huminto, puwede rin siyang magpatuloy. Si Laurel ang nagturo sa kaniya na huminga, pero ibang kaso na ngayon. Hindi pahinga ang kailangan niya, kailangan ni Atlas ang anak niya.
Atlas nodded and just walked away. Nakapamulsa siyang naglakad papuntang comfort room dahil kailangan niyang maghilamos. Nakatitig siya sa sarili, he looked like a mess.
He was a mess.
Paglabas niya, naabutan niya si Amira na nakatayo sa labas ng comfort room. Hinaplos nito ang pisngi niya at inayos ng kwelyo ng polo shirt na suot.
"Let's go home?" Hinaplos ni Amira ang pisngi niya.
"You have your car?" tanong ni Atlas. "Mauna ka na. May kailangan lang akong daanang papeles sa bahay nina Job, susunod ako."
"No, I plan to go with you. Tara, sama na lang ako," nakangiting sabi ni Amira. "Gusto ko ring mag-joyride, na-miss kita this week, e. Matutulog ako na wala ka, gigising ako na wala ka. Ang busy mo, but it's okay. Tonight, puwede ba akong sumama?"
Atlas sighed. "Are you tired?"
Tumango ito.
"Ihahatid na lang kita sa bahay muna para makapagpahinga ka bago ako pumunta kina Job," aniya habang nakatitig sa asawa. "I really need to get that papers for review lalo na't magiging busy tayo bukas. Para makapagpahinga ka na rin."
Ipinapanalangin ni Atlas na sana, pumayag ito, pero hindi. His wife smiled. "No, it's okay. Tagal ko na ring hindi nakikita sina Job and Pat. Let me come with you. Matutulog na lang ako kaagad pag-uwi," sabi nito na hinawakan ang kamay niya. "Let's go para makauwi rin tayo kaagad."
Atlas slightly nodded. "Okay."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top