Chapter 3
Six in the morning and Atlas was already reading a document about the shoot. He had three hours of sleep and it was enough. Kung tutuusin nga, may mga araw pang wala siyang tulog dahil sa demand ng trabaho.
The brand was about a clothing line. Matagal na itong nakikipag-usap sa kanila, hindi lang natutuloy dahil hindi naaayon sa schedule lalo na at madalas sa ibang bansa si Atlas. Isa pa, kinuha rin ng mga ito si Amira, ang love team niya, para silang dalawa ang magiging model ng summer collection.
Sumandal si Atlas sa malambot na upuan ng customized van na regalo sa kaniya noong nakaraang birthday niya. The van had a bed, shower area, and closet for his belongings.
Maaga silang umalis dahil may gusto muna siyang puntahan at nagpasama na muna siya kina Job at Patrick.
"Atlas, baka pala buong araw ang shoot," sabi ni Job na inabot ang kape sa kaniya. "Baka hindi ako makapunta sa inuutos mo."
"No." Atlas gazed at Job. "Go meet her. Nasa shoot naman si Annie, siya na lang ang uutusan ko. Prioritize Laurel."
Job squinted and sat comfortably while staring at Atlas. "Ganiyan mo ba kagustong maging payapa ang sex life mo para ipa-prio sa 'kin 'to kaysa sa shoot mong months ago pa nakaplano?"
Atlas snorted and sipped some coffee. He was focused on reading the theme for the shoot.
"Fine. So pagkatapos ng check up mo with Tricia, didiretso ka na ba Bulacan?" tanong ni Job. "Kung oo, sasama na ako kay Pat para kami na ang bahala kay Laurel."
"Thanks. Just let her know about the NDA galing kay Patrick. It's good na tanungin n'yo rin siya baka may gusto siyang ipadagdag na terms niya," ani Atlas nang hindi tumitingin kay Job. "Also, observe her, too. Kung may makita kang hindi maayos na posibleng na makapapagulo sa 'kin, let me know."
Walang narinig na sagot si Atlas galing kay Job kaya nilingon niya itong matamang nakatingin sa kaniya. Seryoso ang mga mata, pero parang gustong magtanong.
"Ano'ng tanong mo?" aniya at mahinang natawa. "Alam ko 'yang ganiyang tinginan mo. Ano'ng gusto mong malaman?"
Ngiti ang isinagot ni Job at bahagyang humarap sa kaniya. "So, kumusta 'yung pagkikita n'yo kahapon? I mean, sa personal perspective mo, gusto mo ba siya? I know you, Atlas, mapili ka sa babaeng nakikilala mo. Ano'ng ma-e-expect ko sa kaniya?"
Ibinaba ni Atlas ang dokumentong hawak at umayos ng upo. Inalala niya ang mga napag-usapan nila ni Laurel, pero hindi niya sasabihin kay Job ang nangyari sa kanila.
"Well, she was vocal. Alam niya ang tungkol sa setup kaya siguro naisipan kong itanong kung gusto ba niya. It wasn't her first time kaya mukhang hindi ako mahihirapang mag-explain. Isa pa, she values her privacy and that's one thing I liked. Hindi ko kailangang mamroblema," pagsasalaysay ni Atlas.
Tumango-tango si Job. "You think you'll be comfortable with her?"
"I think I am." Atlas nodded. "Based na rin sa pag-uusap namin kagabi, we're clear about the setup and that's it. The slight problem, sa Baguio siya nakatira."
"O, e paano?" gulat na tanong ni Job.
Atlas shrugged. "Sabi naman niya, she can come to Manila. Sinabi ko rin naman na I'll shoulder everything kapag nandito siya so she won't have to think about it."
Job chuckled and shook his head. "Atlas sugar daddy era na ba 'to?" he joked. "Fine. Ako na ang bahala sa kaniya. Have you both talked about using contraceptives or anything? Atlas, we don't want—"
"W-We haven't talked about it yet. I can use condoms, wala namang problema. Pakisamahan mo na lang din siya kay Tricia kung anong oras kayo puwede. Set an appointment na lang with her ko. We both wanna make sure we're clean before anything else."
Pagdating sa clinic ng kapatid ni Patrick na doctor, siniguro ni Atlas na lahat ng tests niya, magiging maayos ang resulta. He wanted to make sure he was clean before engaging into anything. Hindi naman siya sobrang sexually active at gumagamit naman siya ng proteksyon sa tuwing mayroon siyang gagawin.
May mga pagkakataong tinitingnan ni Atlas ang phone niya at nagbabakasakaling mayroong messages sa kaniya si Laurel, pero wala. Sa tingin din naman niya, hindi ito ang tipo ng babaeng mauunang makipag-usap sa kaniya.
Nang matapos ang tests, iniwan na ni Atlas sina Patrick at Job dahil kailangan na nilang magpunta sa Bulacan para sa shoot. Tumawag na rin siya kay Grace, ang manager niya, para sabihing on the way na sila.
Habang binabaybay ang kahabaan ng NLEX, tahimik na nakatitig si Atlas sa kawalan. Gusto niyang matulog, pero hindi niya magawa. Nag-text na rin si Job sa kaniya na papunta na ito kung saan ang sinabi niyang hotel ni Laurel.
Job was Atlas' most trusted. Nagkakilala sila noong elementary dahil magkaklase sila at madalas silang nagkakalaro. Hindi pa vocal si Job noon tungkol sa kasarian nito at nang sabihin sa kaniya, walang naging problema. Atlas accepted his best friend and for him, there was nothing wrong with being friends regardless of gender.
Sina Job at Patrick lang din ang mapagkakatiwalaan niya pagdating kay Laurel. The fewer people knew about her, the better. It would be safer for both.
—
Sa isang resort gaganapin ang shoot. Pagdating nina Atlas, marami nang taong nag-aayos ng location. May nagse-set up ng camera, ilaw, props, at ng tent na gagamitin para sa kanila ni Amira. Nasa loob na rin daw ang wardrobes na gagamitin.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Grace pagbaba ni Atlas ng van. "Nagpa-cater sila kaya puwede ka munang kumain. On the way na rin naman si Amira."
"Nagkape na 'ko. Hanggang anong oras pala tayo, Ate Grace?" Kinuha ni Atlas ang inabot nitong sandwich.
Umiling si Grace at humarap sa sine-set up na shooting area. "Hindi ko alam, e. Depende pa rin kung makuha na 'yung gustong shots para sa iba't ibang collaterals. May lakad ka ba? Bakit pala hindi mo kasama si Job?" tanong nito.
Sandaling natigilan si Atlas at nag-isip ng idadahilan. "May kailangan silang ayusin ni Patrick," aniya at ibinalik ang tingin sa mga taong nag-aayos. "Mukhang mahabang araw, ha? I hope it won't get too much time."
"I hope so, too," Grace responded and started talking about the theme.
Summer-themed shoot ang gagawin nila ni Amira na ipakikita ang iba't ibang paraan nang pagsusuot ng shirts na bagong ilalabas ng clothing brand. More on summer, pastels, and light colors ang isusuot nila.
Pumasok na muna si Atlas sa loob ng tent. Nakaayos na ang makeup area at nakalabas na ang mga damit na ipasusuot sa kaniya.
Naupo si Atlas at humarap sa salamin. Tiningnan niya ang makeup artist na nagtatrabaho na talaga sa kaniya simula noong nagsisimula pa lang siya.
"Pakitanong nga sa production kung kakailanganin ko bang mag-topless?" tanong ni Atlas. "Parang hindi ko natanong at parang wala rin akong nabasa sa notes tungkol doon."
"Sige, Atlas, itanong ko lang sandali," sabi naman nito at kaagad na lumabas ng tent.
Ibinalik ni Atlas ang tingin sa sarili sa salamin. Inilabas niya ang phone na nasa bulsa para kumustahin sina Job at sinabi nitong nasa mall na at naghihintay. Mukhang tinanghali raw ng gising si Laurel dahil nang tawagan ito ni Job, tunog inaantok pa.
Atlas typed a message for Laurel but didn't bother sending it.
"Atlas, hindi naman daw kailangan," sabi ng makeup artist nang makapasok ito sa tent. "Tinanong ko rin si Ma'am Grace, wala naman daw nabanggit. Pero para sure, gusto mo bang takpan na lang din natin?" suhestiyon nito.
Tumango si Atlas nang hindi sumasagot.
Hindi pa nga nagsisimula ang trabaho, gusto nang tapusin ni Atlas. Narinig niyang dumating na rin si Amira at sinabing mag-aayos na ang lahat at magre-ready na para sa shoot. May parte sa kaniyang inaasahan na mahaba ang araw base sa mga damit na nakasabit sa gilid.
Paglabas ni Atlas, sakto ring paglabas ni Amira sa tent nito. Nakasuot ito ng light yellow na T-shirt na walang print at naka-shorts lang para umayon sa tema. Si Atlas naman ay light blue na T-shirt at boardshorts na parang pang-beach.
"Amira!" kuha ni Atlas sa atensyon nito na kaagad ngumiti. "Hindi ka na-traffic kanina?"
"Hindi naman." Natawa si Amira. "Na-late lang talaga kami kasi na-late ako ng gising. Galing kasi ako sa Cebu kahapon."
Sinuklay ni Atlas ang sariling buhok at naglakad palapit kay Amira. Sandali nilang pinag-usapan ang tungkol sa shoot at inisip kung ano ba ang magagandang poses na puwede nilang gawin para mapabilis ang trabaho.
"Gusto ko na ring matapos kaagad. Gusto kong umuwi nang maaga kasi hindi pa ako natutulog," sabi ni Amira habang naglalakad sila papunta sa area na nakaayos na. "Pasensya ka na kung medyo nagmamadali ako, ha?"
"Not at all," Atlas uttered. "Gusto ko na ring umuwi kaagad. Kaya natin 'to."
Amira scrunched her nose and chuckled. "Ang init pa kaya bilisan natin. Sundin na lang natin sila. Nagugutom na rin ako."
Naalala ni Atlas na nabanggit sa kaniya na mayroong catering kaya sinabi niya iyon kay Amira. "Meron nga raw silang salad na na-order para sa 'yo. Bigla kong naalala 'yung salad mo sa Italy noong nakaraan."
"Hoy, oo! Naghahanap ako n'on dito sa Pinas, kaso wala. Naghanap pa nga ako ng recipe online kaya nakain ko noong isang linggo."
"Nakita ko nga sa post mo," ani Atlas at hinawakan ang kamay ni Amira dahil kailangan nitong umakyat sa upuan para sa unang scene. "Hawak ka lang sa 'kin."
Nagsimula na silang magtrabaho. Sanay na sila ni Amira sa isa't isa kaya kung ano ang hilingin sa kanila, hindi na sila umaarte o naiilang. Matagal na rin silang nagkakatrabaho. Bukod sa commercial shoots, ilang pelikula na ang napagsamahan nila, ilang series na ang natapos, at nagsimula silang magkatrabaho noong fifteen years old pa lang sila.
Ilang set ang natapos nila bago sinabing puwede na muna silang magpahinga. Naupo si Atlas sa ilalim ng puno habang nakaupo sa reclining chair. Suot niya ang shades dahil mainit na.
"Atlas." Inabot ni Amira ang watermelon shake na galing sa catering bago naupo sa katabing reclining chair. "Sandwich?"
Tumanggi si Atlas sa sandwich ngunit ininom ang watermelon shake. "Inaantok na 'ko," aniya.
"Ako rin," sagot ni Amira. Bumagsak ang balikat nito at sumandal sa upuan.
Nakapatong ang siko ni Atlas sa tuhod at nilingon si Amira. Nakapikit na ito at ginagawang pantakip ang sariling braso sa mga mata dahil tirik ang araw.
"Shades, gusto mo?" Tinanggal ni Atlas ang suot niyang shades at inabot iyon kay Amira.
"Ikaw?" Halata sa boses ni Amira ang antok at pagod.
"Okay lang. Gamitin mo muna," ani Atlas at sumandal na rin sa upuan.
Inilabas niya ang phone at nagsimulang mag-message kay Job para itanong kung kumusta na ito. Sa huling message sa kaniya na hindi niya nasagot, kasama na nito si Laurel sa mall. Nabanggit din na nagplano nang pumunta kay Tricia.
"Atlas, may tanong ako."
"Hmm?" Nilingon niya si Amira na nakaharap sa kaniya, pero naka-shades. "Ano 'yun?"
"Tanong ko lang, ano'ng goals mo sa mga susunod na taon? Like, napapaisip kasi ako. Ano kayang mga mangyayari sa susunod?" ani Amira. "Ikaw?"
Itinago ni Atlas ang phone at bahagyang hinarap si Amira. Napaisip din siya sa tanong nito. "Sa ngayon, wala. Nitong mga nakaraan kasi, parang wala na akong iniisip na goals."
"Parang gusto mo na lang mag-go with the flow?" tanong ni Amira.
"Siguro? Parang gusto ko munang magpahinga kahit paano, e. After nitong shoot, nagtanong ako kung puwede ba akong magpahinga, kahit isang linggo lang, buti pumayag sila." Sinalubong ni Atlas ang tingin ni Amira. "Alam mo, ikaw rin. Overworked ka yata nitong mga nakaraan, e."
Amira breathed hard . . . and Atlas noticed how tired she was.
"May mga naka-line up akong schedule sa mga susunod, pero nagplano na rin ako na magpahinga muna kahit isang linggo rin, tulad mo," sabi ni Amira at ngumiti. "Mag-rest ka. Ang workaholic mo rin, e. Tama 'yan."
Muli silang tinawag para sa iba pang set. Pagod na si Atlas, pero wala siyang choice. Ilang taon na rin naman niya itong ginagawa at tama si Amira. Sa ilang taon, subsob siya sa trabaho. He had been working so hard since he was ten. Nagsimula siyang model sa commercial hanggang sa nakuha siya para sa maliliit na role sa mga serye.
Ang maliliit na role, ang ilang segundo o minutong exposure, naging regular hanggang sa unti-unti siyang nakilala dahil sa pag-arte.
It wasn't his dream to be an actor. Gusto lang niya noon ang idea na sumabak sa commercial para mabili ang bike noon na gusto niyang pag-ipunan. Mayroon lang talagang talent scout na lumapit sa kanila ng mommy niya habang kumakain sa isang restaurant at itinanong kung gusto ba niyang mag-model.
Hindi pumayag ang mommy niya, pero nang marinig niya kung magkano ang bayad, siya mismo ang nagsabing gusto niya, para mabili ang bike na gusto niya.
Pagkatapos ng dalawang set, sinabing mag-water break na muna sila kaya nakakuha siya ng pagkakataong tawagan si Job. Nasa clinic ang mga ito at hinihintay na matapos ang check up ni Laurel.
"Atlas, she's here. Gusto mong makausap? Confirm mo muna sa kaniya," sabi ni Job sa kabilang linya.
"Sure, thanks." Uminom siya ng softdrink at naupo sa reclining chair.
Bigla niyang naisip ang sitwasyon. Hindi sila puwede sa hotel dahil delikado, hindi rin puwede sa condo niya dahil kilala siya. Mahigpit din ang tinitirhan niya dahil bawal pumasok ang hindi nakarehistro. Kung sakali man, malamang na mahuhuli sila.
"Hello?"
Bumalik si Atlas sa wisyo nang marinig ang boses ni Laurel. "Hello, how are you?" tanong niya bago tinungga ang hawak na softdrink.
"Okay naman, katatapos lang ng check up. Bakit? Anong meron?"
Atlas breathed and thought if his suggestion would work. He was hoping it would. "I just wanna ask if okay lang ba sa 'yo na pumunta house ko tonight? Medyo male-late ako ng uwi, but you can stay there para hindi ka na mag-hotel. Kung agree ka, dadalhin ka na lang ni Job doon."
Walang sumagot sa kabilang linya kaya tiningnan niya kung ongoing pa ba ang call. Ongoing pa, pero walang nagsasalita. He thought it might be too uncomfortable for Laurel.
"Laurel, if you're uncomfortable, I would understand," he said.
"No, okay lang. Hindi ka naman puwede sa mga hotel. Kukunin ko na lang muna mga gamit ko roon at magtse-check out ako, tapos sasama na lang ako kay Jobellita," sagot ni Laurel. "Sorry, nag-isip lang muna ako sandali."
Atlas looked down and smiled. Naintindihan niya ang pinanggalingan nito. His question was too quick and there was a possibility that Laurel thought twice, too, about it.
"Okay, ma'am. See you."
Muli siyang tinawag para sa last set. It was almost sunset. Hinintay talaga ng mga ito ang magandang lighting dahil mula sa shooting area, kita ang paglubog ng araw. The director wanted a natural lighting.
Atlas wanted to yawn because he was too tired, but didn't. Nahiya siya kay Amira na kahit inaantok na, walang naging reklamo.
When the director wrapped everything up, everyone clapped and thanked them. Lumapit kay Atlas ang personal assistant niya kapag wala si Job. Ito rin ang wardrobe assistant niya. Inabot nito ang phone at sinabing maayos na ang pamalit niya.
Atlas messaged Job asking how Laurel was and didn't get any reply. Hindi niya alam kung magkakasama pa ba ang mga ito o ano. Nang walang makuhang sagot, nagbasa siya ng news bago muling nag-message, pero wala pa rin.
"Atlas?" It was Amira. "Grabe, nakakatatlong tawag na 'ko, ang busy naman!"
"Sorry." Atlas chuckled. "Uuwi ka na?"
Umiling si Amira. "Nag-aya sila ng party. Sasama ka ba? I think we're required?"
"Inaantok ka na, 'di ba?" Natawa si Atlas. "Sasama ka pa rin ba? Parang ayaw kong suma—"
"Atlas!" Ang manager naman niya iyon na naglakad papalapit sa kanila ni Amira. "We're required for an after party. Magpalit ka na, didiretso na tayo roon."
Hindi na nakasagot si Atlas dahil basta na lang itong tumalikod. Nilingon niya si Amira na nakatingin sa kaniya.
"Mukhang wala tayong choice," ani Atlas.
Pareho silang natawa ni Amira at sabay na naglakad papunta sa kaniya-kaniyang tent. Pagod na sila ngunit kasama pa rin sa trabaho at alam nilang hindi sila makatatanggi. Pinag-usapan pa nila ang tungkol sa susunod na project na pagtatrabahuhan nila dahil magkakaroon sila ng bagong pelikula.
—
Sa van, panay pa rin ang tingin ni Atlas sa phone, pero wala ng update galing kay Job. It was almost nine and they were still on their way to the party. Walang kasiguraduhan kung anong oras sila makararating dahil traffic sa expressway.
Pumasok na muna si Atlas sa sleeping area ng van niya para mahiga. Binuksan niya ang speaker, pinatay ang ilaw, at isinara ang blinds ng bintana. Susubukan niyang matulog dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo niya.
Tinanggal niya ang T-shirt at dumapa. Ipinikit niya ang mga mata. Pagod siya, pero ramdam niya ang nangyayari sa paligid. Alam niyang natutulog siya, pero ramdam niya ang paligid.
"Atlas?"
Napabangon si Atlas nang marinig ang boses ng driver niya. Nakahinto na rin ang sasakyan at nang sumilip si Atlas sa bintana, nasa parking na sila.
"Lalabas na 'ko," aniya at bumangon. Tiningnan niya ang phone niya at alas-onse na ng gabi.
Dumiretso si Atlas sa lababo ng van niya para maghilamos at mag-toothbrush. Naghanap siya ng simpleng T-shirt na isusuot at paglabas ng van, bumaba rin si Amira ng sarili nitong van at halatang kagigising lang.
"Had a nap?" Atlas chuckled.
Amira shook her head and smiled lazily. "Gusto ko nang umuwi, pero hindi pa raw puwede. Minsan talaga naiisip ko na hindi na worth it 'yung million na bayad sa 'tin, e."
Nakapamulsang naglakad si Atlas kasabay ni Amira at natawa lang sa sinabi nito. Tiningnan niya ang phone at may reply si Job na nasa bahay na niya si Laurel. Iniisip niya kung komportable ba ito at nagtanong kay Job, pero hindi na ulit nag-reply. Mukhang nakatulog na.
"Atlas."
Nilingon ni Atlas si Amira na tumigil sa paglalakad habang nakatingin sa kaniya.
"Bakit?"
Tipid na ngumiti si Amira. "Wala. Narinig mo ba 'yung sinabi ko kanina?"
Napaisip si Atlas at tinago ang phone sa bulsa ng pantalon niya. "A-Ano 'yun? Sorry, I was preoccupied. What was it?" tanong niya.
Amira smiled widely and chuckled. "Wala! Sabi ko lang na ang ganda ng T-shirt mo. May plano ka bang magtagal dito sa party? Baka kakain lang ako, inom kaunti tapos uuwi na ako."
"I'm not sure," sagot ni Atlas. "I need to go home soon."
Amira smiled at him without responding. Ibinalik nito ang tingin sa bar na papasukan nila.
Sa labas pa lang, rinig na ang malakas ang tugtugan at maraming taong nakapila sa labas. May ilang lumilingon habang papasok sila sa loob. May mga gustong magpakuha ng picture, pero pareho silang tumanggi. Alam nila ni Amira na posibleng maging headline pa kinabukasan na nasa loob sila ng bar para mag-party.
Dumiretso sila sa second floor kung nasaan ang mga kasama nila. May mga pagkain at alak para sa kanilang lahat.
Naupo si Atlas sa bakanteng sofa at kumuha ng isang beer. Nag-message siya sa driver niya na puwede itong umalis pagdating ng inutusan niyang magdala ng sasakyan niya. Ayaw niyang pati ang driver niyang walang malay, hindi makapagpahinga dahil sa party na required nilang puntahan.
Tahimik siyang umiinom habang pinanonood ang ibang nagsasayawan. Nasa gitna si Amira at nakikisama sa sayaw ng mga kaibigan nitong artista rin. Natawa siya dahil inaantok at pagod na raw, pero marami pa namang energy.
Kung tutuusin, puwedeng wala na sila. Sinabi lang ni Grace na bilang pakikisama, kailangan niyang magpunta.
Komportableng sumandal si Atlas sa sofa nang lumapit sa kaniya ang director at photographer ng shoot. Nakipagkuwentuhan ang ito tungkol sa mga posibleng project na gawin. Panay ang pasasalamat ng mga ito dahil hindi masyadong nahirapan sila ni Amira.
May mga pagkakataong tumitingin siya sa relong suot. Gusto na niyang umalis, pero sa tuwing susubukan niya, maraming lumalapit.
It was quarter to five in the morning when Atlas finally decided to leave the bar. Nandoon pa sina Amira at mukhang uumagahin na kaya nauna na siyang umalis. Panay ang hikab niya habang nagmamaneho pauwi. Gustong-gusto na niyang mahiga at matulog dahil pagod na pagod na siya.
Kung ordinaryong araw ito, didiretso siya sa condo niya. Kinumpirma na rin niya rin siya ng apat na araw hanggang isang linggong bakasyon dahil kailangan niyang huminga. Kapag off niya, umuuwi siya sa bahay na binili niya a year ago. Patay lahat ng communication, dahil matutulog siya.
Ang sarap pakinggan para sa iba na artista siya, masarap ang buhay niya, pero nakasasawa na at nakapapagod na araw-araw, ganoon ang buhay niya.
May mga pagkakataong gusto na rin niyang sumuko, gusto na lang niyang biglang iwanan ang showbiz, pero hindi puwede. Bukod sa mga kontrata, may ilang taong mawawalan ng trabaho kapag umalis na siya.
May ilang taong nagtatrabaho para sa kaniya, mga fan na hindi niya maiwanan, pero gusto na sana niya ng tahimik na buhay. Pagod na siyang magsinungaling sa harapan ng camera.
May mga pagkakataong gusto niyang umalis ng bansa at hindi na babalik dahil sa tindi ng pagod at stress na inaabot niya. He badly wanted to stop.
He would.
Soon.
Ayaw niyang magsalita nang tapos, pero isang araw, titigil siya.
Humikab muli si Atlas at muling tumingin sa orasan. It was already almost six in the morning.
Nang makarating sa bahay, pinindot ni Atlas ang special remote para sa gate dahil ganoon ang ipinagawa niya. Ayaw niyang bumababa ng sasakyan. Isa pa, wala siyang stay-in helper. Nagpapatawag lang si Job ng maglilinis dahil wala silang pinagkakatiwalaan na kahit sino.
Hindi naman ganoon kalaki ang bahay niya katulad sa ibang artista. Gusto lang niya na komportable, tahimik, at makatutulog siya nang maayos.
Patay ang lahat ng ilaw kaya naman dumiretso si Atlas sa second floor, ngunit nasa hagdan pa lang siya, naririnig na niyang may nakabukas na TV. Natigilan siya at nag-isip kung may kasama ba siya o naiwan ni Job at kaagad na pumikit nang maalalang pinapunta nga pala niya si Laurel.
Mahinang natawa si Atlas sa sarili. He actually forgot about it and now, he felt stupid. Sa sobrang antok, nalimot niyang nasa bahay niya si Laurel.
Pag-akyat sa second floor, kaharap kaagad ng hagdan ang living area na pinagawa niya roon. Doon siya dumiretso at nakitang nakatagilid na natutulog si Laurel, hawak ang remote. Mukhang nakatulugan nito ang panonood.
Laurel was just wearing a simple, white T-shirt and a shorts. Ni wala itong kumot kahit na malakas ang air-con. Siya na kararating lang, naramdaman kaagad ang ginaw, pero sa isip niya, siguro sanay dahil nga nakatira sa Baguio.
Atlas turned off the television. Binuksan lang niya ang lampshade sa gilid bago pumasok sa kwarto para kumuha ng comforter at ikumot iyon kay Laurel. Nakita rin niyang nakabukas ang laptop nito at mukhang nagsusulat. Naalala niyang writer nga pala ito.
He decided to take a shower before finally going to sleep. Tinawagan niya si Job kahit na alam niyang maiinis ito dahil masyado pang maaga. It was past six.
"Atlas, you realized it's just 6 a.m., right?" anito na inaantok pa ang boses. Hindi siya sumagot, pero mahina siyang natawa. "Okay, boss, what do you need?"
"Kumusta lakad ninyo ni Laurel kahapon?" tanong niya bago nahiga sa kama. "Pumayag ba siya? Did she sign the papers? How was she?"
Narinig niyang mahinang natawa si Job. "Ang dami namang tanong, Atlas!" singhal nito. "Wala siya riyan sa bahay mo kung hindi siya pumayag. I like her."
"What?" kunot-noong tanong ni Atlas. "Why?"
"She's quiet, she's serious, she's mysterious, but she has a sense of humor," ani Job. "Sa totoo lang, noong una ko siyang makita, I don't mean to judge, Atlas, pero iba ang impression ko sa kaniya. She's not who I thought she was. I was kinda expecting someone who looks . . . physically liberated."
Tahimik na nakinig si Atlas sa kaibigan habang nakatingin sa kisame. May kaunting liwanag na sumilay sa bintana niya dahil umaga na.
"But, boy, I was wrong. Mala-anghel ang mukha, pero wild," dagdag ni Job. "I like her 'cos I can feel independence, Atlas. Hindi ako na-bore kasama siya and I can sense that she's not just some woman. That woman knows what she wants."
Natawa si Atlas. "Same thoughts and believe me, I judged, too. Hindi ko maiiwasan. Laman ako ng parties kaya alam ko rin kung ano ang itsura nila. Maybe, yes, we really shouldn't judge someone based on how they look. Good or bad."
"I know, right?" sagot ng kaibigan. "So, puwede na ba akong bumalik sa tulog? Since nagbakasyon ka, baka puwedeng ako rin, hindi mo muna tatawagan? Mag-enjoy ka na lang. Alam kong gusto mong mapag-isa, pero mukhang hindi mangyayari 'yun. Bye na, bahala ka na riyan. May mga pagkain ka na rin diyan." Sabay patay ng tawag na hindi man lang hinintay ang sasabihin niya.
Atlas just laughed. He sighed in relief that his best friend also liked Laurel. It would be easier for all of them to move and for him to hide.
But one stood out . . . it was to protect her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top